sk6

Thursday, December 17, 2009

M.P. Chapter 8: Ang Hamon

M.P.

by Paul Diaz


Chapter 8: Ang Hamon

Kinabukasan sa klase ay di mapakali si Jp. Naglalaro sa isipan niya ang banta ng kapatid niya kaya halos wala siya sa tamang isip. Nadismiss na sila at lunch break na, dati rati ay nauuna si Jp lumabas ng classroom pero ngayon para siyang walang gana at nagpahuli.

Habang pababa ng hagdanan ng second floor ay may di siya inaasahan makitang paakyat. Si Monique at Rose at na kasama si Tim paakyat kaya mabilis siyang tumalikod at di alam saan tatakbo. Agad siya pumasok sa isang classroom, nagpasya siyang palampasin muna ang tatlo pero pagsilip niya nakatayo lang sila sa may second floor kaya di siya makalabas.

Kabado si Jp at di mapakali sa loob ng classroom, nakita niya ang bintana kaya agad siya nagtungo doon at sinilip ang ibaba. Buti nalang may malapad na ledge ang bawat floor kaya agad siya lumabas ng binata at madami ang napatingin sa kanya.

Kailangan na niya panindigan ang ginagawa niya kaya kahit takot siya ay lumuhod siya sabay nagpabitin sa ledge, “Excuse!!!” sigaw niya sabay bitaw at sakto ang paglanding niya sa baba na nakatayo parin.

Masakit ang mga paa ni siga pero madami ang nakatingin sa kanya kaya nagmatigas siya sabay sinuot ang shades niya. “Astig no?” tanong pa niya sabay cool na cool na naglakad palayo. Madami ang napailing nalang sa nakita nila, yung iba napahanga sa siga. Si Jp naman tuloy ang pagmamatigas sa paglakad kaya may iniindang sakit.

Pagdating sa hardin ay agad siya naupo sa damuhan sabay pasimpleng hinihilot ang paa niya. “Oy pare napano ka?” tanong ni Leo na kararating lang. “Sakto pare, tamang tama ikaw kailangan ko. PT ka diba? Pare massage mo naman legs ko at masakit” sabi ni Jp at kitang kita ni Leo na talagang may iniinda itong sakit. Agad siya inasikaso ng kaibigan niya at dahan dahan minasahe ang paa. “Napano ka ba pare?” tanong ni Leo at biglang natawa ang siga. “Great escape” sabi niya.

Samantala sa engineering building ay nalibot na ng tatlo ang bawat floor. “Bakit mo ba gusto lumibot dito all of a sudden?” tanong ni Tim. Magsasalita sana si Rose pero bigla siya kinurot ni Monique. “Wala lang gusto ko lang makita building niyo” palusot ng dalaga. Lumabas na sila at madaming nag uusap usap sa harapan ng building.

“Ano meron pare?” tanong ni Tim sa mga kakilala niya. “Si Jayps pare astig kanina, tinalon mula second floor pababa” sabi ng isang lalake at nagulat si Monique. “Is he okay?” tanong niya at napatingin si Tim sa kanya. “Oo no grabe astig nga e sana nakita niyo” sabi ng lalake at may halong tuwa at pag alala si Monique. “Tara na sa canteen I am hungry” sabi nalang niya.

Nang malapit na sila sa hardin ay nakita ni Monique na namimilipit ang siga habang minamasahe siya ng kaibigan niya. “Ouch kawawa naman siya o” sabi ni Rose. “Huh, sisiga siga kasi ayan marunong din pala masaktan” sabi ni Tim at tinignan siya ng masama ni Monique. “Grabe ka instead of feeling sorry for the guy kaya mo pa magsabi ng ganyan” banat ng dalaga at nagulat si Tim.

Sa hardin nakita ni Jp sina Monique kaya agad ito tumayo at nag inat. “Okay na ako salamat” sabi niya sabay tayo ni Leo. Agad inakbayan ni siga ang kaibigan niya at naglakad sila palayo. “Sigurado kang okay ka na pare?” tanong ni Leo. “Ako pa! Nag leche flan ata ako” biro ng siga sabay turo sa paparating na Jenna at Oliver.

Sa malapit sa canteen nakahinga ng maluwag si Monique nang makitang maglakad si siga. “O ayan he can walk again, happy?” sabi ni Tim sa kanya. “Che! Layuan mo nga ako, I dong want to talk to you” banat ng dalaga sabay hila sa kaibigan niya at pumasok sila ng canteen.

“Oliverio! I am so happy to see you!” sigaw ng siga sabay umakbay siya agad at lumingon saglit. Nakita niyang wala na don si Monique kaya talagang sumampay siya sa dalawang kaibigan niya at nakiusap. “Mga pre dalhin niyo nga ako sa clinic please” bulong niya at biglang natawa si Leo. “Kahit di ko nakita parang alam ko na bakit ka biglang gumaling” bulong niya.

“Pare gusto mo talaga matikman therapy ko no?” banta ng siga at natawa nalang ang kaibigan niya. “Diyos ko napano ka nanaman ba?” tanong ni Jenna habang dinadala nila ang siga sa clinic. “Sinipa ko yung arm chair” sabi ni Jp. “Ha? Bakit mo naman kasi gagawin yon?” tanong ng dalaga.

“Ang sama ng tingin niya sa akin e tapos hinipuan ang pwet ko” sagot ng siga at bigla silang nagtawanan pero si Jenna agad siya tinapik sa noo. “Hay naku ikaw talaga. By the way nagtext sa akin kapatid mo” sabi niya at nagulat ang siga. “Weh she doesn’t know your number” sabi niya.

“Well binigay ng magaling mong kaibigan” sabi ni Jenna at biglang sinakal ni Jp si Leo. “Pagdating natin sa clinic pare, pati ikaw aasikasuhin nila don promise” sabi niya. “Ahem may dapat kang gagawin ngayon daw sabi ni Trisha. At kailangan namin ni Jenna magreport sa kanya kung nagawa mo nga o hindi” sabi ni Leo.

“That was just a joke. Ignore niyo yan” sabi ni Jp. “I don’t think so, kampi ako sa sis mo at kailangan mo gawin yon before the day ends” sabi ni Jenna. “Hello inured ako!” sabi ng siga. “Pilay o hindi kailangan mo gawin yon or tutulungan ko siya sa plano niya” banta ng dalaga at nag inarte nalang ang siga na talagang masakit ang paa.

Nakabalik ng klase si Jp ng hapon at pagsapit ng dismissal ay nagulat siya pagkat nandon ang tatlong kaibigan niya para sunduin siya. Agad siya nag ika ika kunwari at agad umakbay kay Leo. “My friends thanks for being here. Pwede niyo ba ako ihatid diyan sa gate sa baba?” tanong niya. “Wag ka nang mag inarte alam namin pwede ka na maglakad! Hala dalhin niyo yan” utos ni Jenna at agad hinawakan ni Leo at Oli ang siga.

“Wait where are we going?” tanong ng siga at natatawa sila pagkat nag eenglis siya bigla. “To the garden para antayin si Monique” sabi ni Jenna. “Oh ouch my head, I think I suffered brain damage from the meds they gave me. Please have pity on me” banat ng siga at kahit natatawa ang mga kaibigan niya ay kinaladkad parin siya papunta sa hardin.

Sa hardin nag anta yang apat at ilang saglit lang ay nakita nila si Monique. Agad humarap sa puno si Jp at tumingala. “Hello mister tree. How are you today?” sabi niya at sumabog sa katatawanan ang mga kaibigan niya. “Jayps ano pa inaantay mo there she is” sabi ni Oliver.

“What did you say mister Tree? Sorry my friends are being rude you know” banat niya at talagang sumabog na sa katatawanan ang iba sa pag acting niya. “Hala hawakan niyo yan at dalhin natin don” utos ni Jenna at biglang yumakap si Jp sa puno. “Mister Tree help me! Please I beg you. They are trying to harm me” drama niya at talagang kumapit siya sa puno at di nila mahila.

“Look tinatawanan ka na niya. Uy lilingon na siya. Grabe ang ganda pala ng smile ni Monique no? Nakakatibo” biro ni Jenna at napangisi si Jp. “Wala akong naririnig” sabi niyang parang bata. Tila sumuko na ang mga kaibigan niya at binitawan siya. Si Jenna naupo na sa damuhan at sinuntok ang paa ng siga.

“Siga ka ba o bakla? My God grabe naman grow some balls for a change! Kalalakeng mong tao tapos takot ka sa iisang babae? Ganyan ba ang siga? Siga sigahan lang pala to e” sermon ni Jenna at nanahimik ang iba.

Humarap si Jp at huminga ng malalim, “Leo akin na shades ko” sabi niya. Inabot ni Leo ang shades pero humirit si Jenna. “Sus as if naman kaya mo” sabi niya. Sinuot ni J pang shades at biglang kinabog ang dibdib niya. Humakbang siya ng isa at nagulat ang mga kaibigan niya. Agad din lang umatras si Jp at biglang nagsasayaw ng cha cha. “Diyan ka magaling sa kalokohan. Tara na nga Oli alis na tayo dito” sabi ni Jenna.

Kinabog ni Jp ulit ang dibdib niya dalawang beses sabay huminga ng malakas. Bigla siyang naglakad patungo kina Monique kung saan nagulat muli ang mga kaibigan niya at napatayo. “Shet talagang pupuntahan niya?” tanong ni Leo.

Sa tapat ng canteen nakatayo sina Monique, Rose at Tim. Kanina pang natatawa ang dalawang dalaga pero si Tim kanina pang nagmamakaawa at humihingi ng tawad kay ganda. “Uy sorry na about kanina” sabi niya pero di nakikinig ang dalawang dalaga. “Oh shet oh shet he is coming here” bulong ni Monique.

“Sis how do I look?” bulong ni ganda. “Super pretty sis” sagot ni Rose. “Nicks are you even listening to me?” tanong ni Tim at biglang natili si ganda nang papalapit na ang siga. “Oh sheeeet eto na siya” sabi niya at napatingin na si Tim at nakita na ang siga.

“Excuse me pare” sabi ng siga at napaatras si Tim. Namumula na ang mga pisngi ni Monique pero pinilit niya magpakalma. “Ikaw si Monique?” tanong siga. “Ah…ah yes” sagot ni ganda. “Hi, ako si Jayps” sabi ng siga sabay abot ng kamay niya. Nakipagkamay si Monique at napangiti ito ng todo habang ang siga ay ngumisi lang konti. “Sige” sabi ni Jp sabay tumalikod at naglakad paalis.

“Grabe naman yon napaka bastos” sabi ni Rose. “Okay nga e napaka cool niya” sabi ni Monique at pinapaypayan ang sarili niya. “Sis ang init nauuhaw ako” hirit ni ganda. “Tara sa canteen dali” sabi ni Rose at biglang natili si Monique at tawa sila ng tawa. Si Tim naiwan sa labas, sinundan niya ng tingin ang siga at galit na galit ito.

Sa hardin tulala ang mga kaibigan ng siga, nakanganga silang lahat habang pinapanood siyang naglalakad pabalik. “Oh my God, you did it” sabi ni Jenna. Pagkalapit ng siga ay agad ito bumagsak sa damuhan at napakalalim ng hininga. “Wow pare grabe nagawa mo talaga” sabi ni Leo at sumandal ang siga sa puno at ngumiti.

“Sus yun lang e” banat ng siga at nagtawanan ang mga kaibigan niya. “O dali kwento na. Pero bakit ang bilis ata” sabi ng dalaga. “Hay naku ang dami niyo reklamo, the point is I did it okay? Its done, nakilala ko siya at nakilala niya ako period” sabi ni Jp.

“Oo nga pero ikwento mo naman pano?” sabi ni Jenna. “Grabe e di siyempre sa paraan ng tao. Alangan na parang mga hayop na nag aamuyan nalang magkakilala na. Hello civilized naman ako no” banat ng siga at lalo pang nagtawanan ang lahat.

Nakauwi na si siga at nahiga siya sa kama niya at super ang ngiti. Pumasok sa kwarto ang kapatid niya at nakihiga. “I heard na nagawa mo nga, so how was it?” tanong ni Trisha. Niyakap ni Jp ang kapatid niya at nanggigil bigla. “Grabeeeehhh ang ganda niyaaaa at ang lambot ng kamay niyaaaaaaaaaa” sabi ng binata at tawa ng tawa ang bunso.

“O you see, o di happy ka” sabi ni Trisha at lalo pa siyang pinaggigilan ng kuya niya. “Pero kuya sabi ni ate Jenna ayaw mo daw ikwento pano mo ginawa” sabi ni Trisha at bumitaw si Jp at nahiga ng maayos. “Ha! Sikreto ko na yon” sabi ng siga.

“Hmmm ano kayang magandang photo mo ilalagay ko sa profile picture mo?” biglang sabi ni Trisha at natawa ang siga. “Bakit ka nagblablackmail? Nagawa ko na diba?” tanong ni Jp. “Hmmm lagay ko kaya don pati pics nung bata ka? Oo scan ko mamaya” sabi ni Trisha at pareho sila natawa.

“Fine sige, pero madaya ka talaga” sabi ni Jp. Biglang bumangon si Trisha at tumayo sa may pinto. “Dali, kunwari ako siya o game re enact mo ginawa mo” sabi ng bunso. Tumayo si Jp at sinuot shades niya, siga sigang naglakad papalapit sa kapatid niya at inulit ang ginawa niya kay Monique.

“Oh my God! Grabe ka naman kuya!” sigaw ni Trisha at natawa si Jp. “E nag smile naman siya e” sabi ng siga at tawa ng tawa ang bunso. “Grabe ka bakit naman ganon?” tanong niya. “It worked naman diba? Inipon ko na nga lahat ng lakas ng loob ko no! Yun lang nakayanan ko so sorry naman” sabi ni Jp at napahalakhak ng malakas ang kapatid niya.

“Buti nga di ako nagcollapse sa nerbyos e” hirit ng siga at agad siya piningot ng kapatid niya. “Hay naku kuya, well at least she smiled. Magdasal ka na ngiting totoo yon or else ngiting gulpe de gulat yon. Pag ako yon oh no state of shock talaga ako” banat ni Trisha at tawa ng tawa ang siga.

Sa bahay ni Monique, muli sinuot ng dalaga ang shades niya sabay nagpunta sa kusina kung nandon ang nanay niya.

“Ikaw si Monique?” sabi niya sa sigang boses pilit ginagaya si Jp. Tumaas ang kilay ng nanay niya at pilit ng dalaga na hindi tumawa. “Ako si Jayps” sabi niya sabay abot ng kamay niya sa nanay niya.

“Loka loka! Ano bang pinag gagawa mo?” tanong ng nanay niya at tawa ng tawa ang dalaga. Yumakap si Monique sa nanay niya at kinikilig ito bigla. “Ma, nakipagkilala na siya sa akin” landi ni Monique.

“Nicka! Tumigil ka nga para kang bulateng nabudburan ng asin!” sigaw ng nanay niya at masayang lumayo ang dalaga at nagpunta sa kwarto niya. Humarap siya sa salamin sabay nagseryoso. “Ikaw si Monique?” ulit niya at bigla siya tumawa mag isa.

Hinarap niya ang pinakamalaking stuff toy niya at doon pinasuot ang shades. “Ikaw si Jayps?” tanong niya at bigla niyang niyakap ang stuff toy at nahiga siya sa kama. Parang baliw na tumatawa si Monique habang inuulit ang pangyayari sa isipan niya, niyakap niya ng matindi ang stuff toy niya sabay huminga ng malalim.

“Torpe ka talaga…”

(Join our discussion at Facebook, CLICK HERE )