sk6

Thursday, December 17, 2009

M.P. Chapter 9: Torpe Moves

M.P.

by Paul Diaz


Chapter 9: Torpe Moves

Biyernes ng tanghali ay nagtipon ang apat sa hardin at pinagtritripan nila ang siga. “Nakilala mo na so hanggang don nalang?” tanong ni Jenna. “Pinagbigyan ko lang naman kayo e” sagot ni Jp. “Ulol, ano na ulet yon Jenna, kahit ano ipasuot mo wag lang palda, wag na please” sabi ni Leo at nagtawanan sila lahat.

“Bakit masama ba magkaroon ng crush? Normal naman yon diba? O so aminado na ako oo crush ko siya. That’s it period!” sabi ni Jp. “Uy, uy nagdadalaga na siya” tukso ni Leo at sumabog sa katatawa ang siga.

“Speaking of Monique, ayon siya o sa tapat ng canteen” sabi ni Oliver. “O sige ano nanaman palusot mo? Tummy ache?” tanong ni Jenna. “Sus I am over that stage already. Pinakita ko naman sa inyo na brave ako, watch this kakawayan ko siya” sabi ng siga. “Sige nga as if kaya mo” sabi ni Leo. “Huh, watch and learn little one, you will be my apprentice” pasigang sabi ni Jp.

Tinaas niya kamay niya at kakaway na sana pero napatingin sa direksyon nila si Monique. Mabilis na dinikit ng siga ang kamay niya sa puno sabay hinarap ito, “Oh a pleasant morning mister Tree. Sorry I forgot to greet you earlier” drama niya at sumabog nanaman sa katatawa ang mga kaibigan niya.

Sa tapat ng canteen tumatawa din si Monique at nagtataka sa kanya si Rose. “Para kang baliw, ano ba tinatawanan mo?” tanong niya. “Si Jayps kasi, akala ko kakawayan niya ako pero ang torpe niya” sabi ni Monique pero tuloy ang tawa niya. “At naaliw ka naman sa katorpehan niya ganon?” tanong ni Rose. “Oo bakit masama? At least nakakatawa siya” sabi ni ganda. “Tara na nga sa loob gutom na ako” sabi ni Rose.

Sa labas ng school kumain ang magkaibigang apat pagkat pinilit sila ng siga. Naupo na sa lamesa sina Jenna at Oliver habang ang mag bestfriend ang pumila sa counter. Mahaba ang pila, nagulat si Leo nang nakita niyang pumasok sina Monique at Rose. Agad siya napatingin sa lamesa nila at sinesenyasan siya ng dalawa na wag sabihin sa siga.

Sa may pinto naiinis na si Rose pagkat dinala pa siya sa labas ni Monique. “Bakit pa kasi tayo lumabas? Okay na don e” sabi niya. “E ang daming nakakainis don di tayo makakakain. Dito nalang tayo” sabi ni ganda. “Hello grabe ka tignan mo nga yung pila ang haba” reklamo ng kaibigan niya.

“Dali dali singit tayo nandon siya o” sabi ni Monique at kinaladkad niya ang kaibigan niya. Nagpacute si ganda at nakasingit sila sakto sa likuran ng mag bestfriend. Di mapakali si Monique, nakatayo na siya sa likod mismo ng siga. Kakalbitin na sana ni Rose ang siga pero pinigilan siya ni Monique. “Oy ano ginagawa mo?” bulong niya.

“Para madali na” sabi ni Rose at kakalbit ulit sana siya pero hinawakan ni Monique ang mga kamay niya. Nagbubungisngisan ang dalawa kaya napalingon si Leo at nakita sila. Agad humarap si Leo at naisipan na pabanguhin ang kaibigan niya. “Pare sure ka treat mo kami today?” tanong ni Leo at sadyang pinalakasan ang boses niya.

“Of course, kaya nga kita sinama para ikaw ang ibabayad ko” sabi ng siga at biglang natawa ang dalawang babae sa likod niya pero di niya ito pinansin. Napakamot si Leo pagkat dig anon ang inaasahan niyang mangyari pero sumubok ulit siya.

“Pare bakit mo ba kami naisipan itreat today?” tanong ni Leo. “Balita ko magaling ka daw maghugas ng pinggan e” sagot ng siga at muling nagtawanan ang mga babae sa likod niya. Nilabas ni Leo phone niya at binigay sa kaibigan niya, “Pare teka lang cr lang ako. Pag may tumawag pakisagot” utos niya at agad umalis.

Ilang saglit lang nagring ang phone at sinagot ito ni Jp, “Hello wala si Leo pumunta tumae” sabi niya at napalakas ang tawa ni Monique pero agad tinakpan ni Rose ang bibig niya. “Jenna bakit mo tinatawagan si Leo? Umalis siya para tumae” ulit ng siga. “Nandito si Leo kasama namin, kilala mo ba sino nasa likod mo?” tanong ni Jenna.

“Tao malamang” sabi ng siga. “Si Monique at friend niya nasa likod mo” sabi ng dalaga. “Hahaha nice try, nagsasayang ka lang ng load ibaba mo na nga” sabi ng siga. “E di lumingon ka para makita mo kasi” hirit ni Jenna at biglang natawa si Jp.

May salamin sa taas ng counter at pasimpleng tumingin don si Jp, nakita nga niya si Monique kaya bigla siya nanigas. “Shet bakit nandito siya?” bulong niya at di tuloy siya mapakali. Naririnig niyang nagtatawanan ang mga kaibigan niya, “Help please, sige na help naman” bulong ng siga pero pinatay agad ni Jenna ang phone niya.

Diretso lang ang tingin ni Jp, pinagpapawisan na siya at maingat ang bawat galaw. Pagkatapos niya mabayaran ang mga pagkain ay agad niya binuhat ang tray at napakaingat na naglakad pabalik sa lamesa nila. Napansin ni Jp na nakaupo si Leo sa ibang lamesa kaya napailing na siya.

Nang nakita ni Leo na naghahanap na sina Monique ng lamesa ay agad ito tumayo at nakitabi na sa mga kaibigan niya. “Ayos, ang galing niyo” bulong niya at nagbungisngisan ang mga kaibigan niya. “Pantapat namin sa mga torpe moves mo” sabi ni Leo at napangisi nalang ang siga.

Nakaupo na si Monique at Rose pero di makakain si ganda. “Di ba pag nakipagkilala na friends na dapat?” bulong ni Monique. “Hindi sis kakilala lang” sagot ni Rose. “Pero if a guy introduces himself to you diba that means he likes you?” hirit ni ganda. “Malaman, unless gusto niya lang kulutin hair mo” banat ni Rose at nagtawanan sila.

“Pero kung kakilala na pag nagkita kayo diba dapat igreet ka man lang niya” sabi ni Monique. “Well torpe nga e so pansinin mo kaya muna” payo ng kaibigan niya. “Pano? E di nga ako pinapansin o tinitignan man lang. Ano lalapit ako don tapos mag hi ako ganon?” tanong ni Monique. “Wag na wag mo gagawin yon sis, di maganda tignan” bulong ni Rose. “Yeah I know, tsk so ganon nalang yon pakilala lang” sabi ni Monique sabay tampo.

Sa lamesa ng siga ay nakayuko nanaman siya habang kumakain. “Torpe” pasimpleng bulong ni Leo sabay ubo. “Eggless” banat naman ni Oliver at kunwari naubo din. “Parang hinahamon niyo ulet ako ah” sabi ni Jp sabay ngisi. “Master sabi mo gagawin mo akong apprentice mo, yan ba ang gusto mo matutunan ko?” banat ni Leo at nagtawanan sila. “Patience my young one, I will teach you all my moves” sabi ng siga. “Torpe moves, Leo delikado ka baka magkaroon ka ng masters degree sa katorpehan. Si Jayps kasi may doctorate degree na” sabi ni Jenna at lalo pa sila nagtawanan.

“First you have to look at her, like this” sabi ni Jp sabay tinitigan niya si Monique pero pagtingin sa kanya ng dalaga ay mabilis siyang yumuko at sumubo. “Ano naman tawag sa move na yon?” pabirong tanong ni Leo. “Nakaw tingin bobo” sagot ng siga sabay tawa. “Hay naku hopeless ka talaga. Pumasok ka nalang sa seminary at doon safe ka” sabi ni Jenna.

“Bakit niyo kasi ako minamadali? Lagi niyo ako dinadown. Kanya kanyang diskarte naman to e” biglang drama ni siga at nanahimik ang tatlo. “Anyway my apprentice, let me teach you the second lesson, watch closely as I will kaway to her” sabi ng siga.

Inantay ni Jp na mapatingin sa kanya si Monique, napabilib ang tatlo nang talagang hinarap ng siga si ganda. Tinaas ni Jp ang kamay niya na parang kakaway, si Monique tinaas din kamay niya at ngumiti. Biglang kinabig ni siga ang kamay niya sabay dinampi ito sa buhok niya ilang beses. Halos mabilaukan si Jenna sa pagtawa sa nakita niya, sina Oli at Leo pasimple nalang tumawa pagkat parang napahiya si Monique.

“Potek yan…I cant believe I fell for that move” bulong ni Monique habang pinapanatili niya ang composure niya. Si Rose tumalikod para itago ang tawa niya, “Ayan ano gusto mo pa siya? Alam mo parang niloloko ka lang niyan sis” sabi ni Rose at tumawa ulet. “Hay, maybe he is trying pero baka torpe lang siya talaga. Okay lang at least nakakatawa naman siya” sabi ni Monique.

“Grabe ka, di kita maintindihan ha. Ano ba meron sa kanya at ganyan ka bigla?” tanong ni Rose. “I don’t know, for now its just a feeling. Pano ko nga masasagot tanong mo pag ganyan siya diba? Pero ewan ko talaga, I just like him” paliwanag ni Monique. “Naghahanap ka lang ng sakit ng ulo mo sis. If I were you I would stick with Tim nalang” payo ni Rose at napasimangot si Monique. “Di mo maintindihan e, basta okay lang” bulong ni ganda sabay pinagmasdan si siga.

“Pare parang she didn’t take it well, look nakasimangot tuloy” bulong ni Leo. “Fake kaway moves” banat ng siga sabay tawa pero sa loob loob niya guilty siya sa nagawa niya. Natapos na silang kumain, nagyaya na ang tatlo umalis pero ayaw pa ni Jp. “Can we stay a little longer?” bulong niya. “Para ano pa? Para patunayan mo sa amin na torpe ka? Sayang lang oras pag ginagamit mo ito sa wala” sermon ni Jenna sabay tumayo na.

Lahat sila tumayo pero biglang lumuhod si Jp at kunwari nagtatali ng sapatos, “Sige sunod na ako” sabi niya. Nauna na ang mga kaibigan niya, ilang saglit pa tumayo na siya at nakita niyang tinitignan siya ni Monique. Nanigas ulit ang leeg niya kaya diretso lang tingin niya. Pagtapat niya sa lamesa ni ganda ay pasimple niyang nilapag ang isang napkin sabay nagmadaling lumabas na.

“Hoy ano yong iniwan niya?” tanong ni Rose. “Anong iniwan?” tanong ni Monique. “Ayan o, di mo ba nakita nung dumaan siya?” sabi ni Rose sabay turo sa napkin. Agad kinuha ni Monique ang napkin at binuklat, “Sorry kanina” nakasulat don. Napangiti ng sobra si Monique at kinurot ang kaibigan niya. “Ano ka ba sis aray ang sakit!” sabi ni Rose at kinikilig na parang bulate si ganda.

“Ang ganda ng hand writing niya sis” sabi ni Monique sabay nilabas ang folder niya at siningit ang napkin sa may cover. Kumuha din ng napkin si Monique at may sinulat din. “Hay naku ewan ko na talaga sa iyo sis. Nasa sa iyo na ang lahat pero yan pa ang pinipili mong patulan” reklamo ni Rose. “Shut up ka diyan, teka pangit sulat ko dito palitan ko” sabi ni ganda sabay kumuha ng panibagong napkin.

Pagbalik nung dalawa sa campus ay napadaan sila sa hardin, malayo palang at biglang tumigil si Monique. “Shet pano ko to ibibigay?” tanong niya. “Ganito lang sis, lakad ka diretso sa kanya tapos ibigay mo. Mahirap ba yon?” sabi ni Rose. “Nahihiya ako, pwede ikaw nalang?” sabi ni ganda sabay kapit sa kaibigan niya. “Ay wag mo ako idamay diyan sa kaweirdohan niyo” reklamo ni Rose. “Fine, alam ko na tara na dali” sabi ni ganda.

“O si Monique parating sige na tingin ka na sa malayo o tumakbo ka na” sabi ni Jenna na parang naiinis. “Hindi, dito lang ako” sabi ni siga pero naghahanda na siyang tumayo. Hinawakan ni Leo ang isang kamay niya habang si Oliver naman sa kabila, di tuloy makawala si siga kaya natawa siya bigla.

“Oy wag ganito” sabi niya. “Uy ayan na siya” bulong ni Leo at sinusubukan ng siga na pumiglas pero di niya magawa. “Uy bitawan niyo na ako nakakahiya na. Promise di ako tatakbo o yuyuko” pakiusap niya. “Sshhhh bitawan ka namin pag nakadaan na siya. This is good for you pare” sabi ni Oliver at parang bulate din ang siga na di maintindihan ang pagtawa.

Tumigil si Monique at masama ang tingin kay siga, “O ayan kasi binadtrip mo kanina” sabi ni Jenna. Bumitaw si Leo at Oliver at biglang nalungkot ang siga. “Yeah I know I screwed up” bulong niya. Inirapan siya ni ganda pero napansin niyang may nilaglag itong napkin.

Nang nakalayo si Monique pumunta si Jp para kunin ang napkin sabay bumalik sa ilalim ng puno at naupo. Binuklat niya ang napkin at lumapit sa kanya ang mga kaibigan niya. “Sorry accepted, okay lang yon. Pero sorry din…” nakasulat sa napkin. “Shet! Sorry saan?” tanong ng siga at nang sundan nila ng tingin si Monique nakita nilang nakatayo ito sa malayo at nakangiti.

Tinaas ni Monique ang kamay niya at parang kakaway, kumaway agad si siga pero nasupalpalan nang bawian siya ni Monique. Kinabig ni Monique ang kamay niya sabay dinaan ito sa buhok niya. Biglang natawa ang apat pagkat nakabawi si ganda sa siga. Talagang kinawayan na ni Jp ganda at nagulat ang lahat nang kawayan din siya ni Monique.

Di makapaniwala ang tatlo, tulala sila habang si Jp nakangiti na sinusundan ng tingin si Monique habang papasok sila ng building. “I cant believe it” sabi ni Jenna at ngingisi ngisi lang ang siga sa kanila. “Kailan ka nag sorry sa kaniya?” tanong ni Leo.

“Huh! Ano ngayon? Huh! Who’s the man now?!!!” pasikat ng siga. “Di nga kalian ka nagsorry?” tanong ni Oliver. “A while ago of course, I wrote her a note and gave it to her” paliwanag ni Jp at lalong namangha ang mga kaibigan niya.

“Kailan yon? Bakit di namin nakita?” tanong ni Leo. “Huh! I told you my apprenctice you should pay much attention to my every move” sabi ni Jp. “Wow as in pare ang tindi mo din pala” sabi ni Leo. “Oy wag mo naman amuyin yan” sabi ni Jenna at nilayo ni Jp ang napkin sa ilong niya. “Di ko inaamoy no!” sabi ng siga pero muli niyang inamoy to at nagtawanan sila.

“I still cant believe it” sabi ni Jenna. “Amazing” dagdag ni Oliver pero si Leo bilib na bilib sa bestfriend niya. “Pare pano mo ginawa? Sige na” kulit niya. “Nakita mo ba yon ha? Kinawayan niya ako at nginitian. I told you kakaiba ang Torpe moves ko” pasikat ng siga.

“O pabalik si Monique o” sabi ni Jenna at ang bilis tumayo ni Jp at tumalikod. Sumabog sa tawa ang tatlo at paglingon ng siga wala naman si ganda don. “Huh! Tinestesting ko lang skills niyo” sabi niya. “Sige na pare pano mo ginawa?” tanong ni Leo.

“Sasabihin ko sa iyo pero…habulin mo koooo” landi ng siga sabay takbo.


(Join the discussion at Facebook, CLICK HERE )