sk6

Sunday, December 20, 2009

M.P. Chapter 12: Maamong Siga

M.P.

by Paul Diaz



Chapter 12: Maamong Siga

Kinabukasan, katatapos ng PE nina Monique at Rose, napadaan sila sa hardin at nakita nila ang siga at mga kaibigan niya. “Tara don” sabi ni ganda. “Hay naku kahit di mo sabihin alam ko diyan naman tayo pupunta e” sagot ni Rose. “Oh alam mo ba hinatid niya ako kahapon” sabi ni Monique. “Ano?! Seryoso ka?” tanong ni Rose at kinilig si ganda. “Pero badtrip di siya bumaba” sabi ni ganda. “What do you mean?” tanong ng kaibigan niya.

“Di siya bumaba as in bumaba ako mag isa” pagalit na sabi ni Monique at natawa si Rose. “So ano parang nag jeep ride lang kayo ganon?” tanong ni Rose. “Tsk, maybe fault ko kasi he was about to go down and I said wag na. Pero diba dapat pinilit niya?” kwento ni Monique at lalo natawa si Rose. “Kasalanan mo naman pala e. Baka masunurin lang siya no. Sinabi mo na wag bumaba e di hindi bumaba” paliwanag ng kaibigan niya.

“Pero kahit na, if he wanted to nagpilit naman sana siya no” hirit ni Monique. “Masunurin nga siya sa iyo e. Kung gusto mo try natin” sabi ni Rose. “Ano?” tanong ni ganda. “Basta tara, ride on ka sa akin” sabi ng kaibigan niya sabay nakarating na sila sa hardin.

“Hi, wow may bench na kayo dito” sabi ni Rose. May dalawang bangko na sa may hardin, sa isang bangko nakaupo sina Jenna at Oliver, sa isa sina Jp at Leo. Umurong si Leo sa pinakadulo sabay nginitian ang dalawang bisita nila. “Ito o come sit” sabi niya.

Tumayo si Jp at biglang umangat ang bangko at nalaglag si Leo. Nagsitawanan ang lahat at hiyang hiya si Leo. “Pare naman bakit ka tumayo?” reklamo ni Leo. “May mga babae, gentleman ang tatayo para alukin upuan nila” palusot ni Jp sabay tumawa ng malakas. Inayos ni Leo ang bangko at naupo naman ang dalawang dalaga sa gitna. Agad tumabi si Leo kay Rose sabay tinignan si Jp na nakatayo pa.

“Upo ka na pare” sabi ng bestfriend ng siga. “Sige lang at mag warm up ako para sa PE” sabi ng siga. “Katatapos ng PE diba?” sabi ni Jenna sabay ngisi. “Para next week! Hello!” sumbat ni Jp at nagtawanan ang lahat. Siniko ni Rose si Monque sabay tinuro si siga. Umurong pa si Monique at tinignan si Jp, “Upo ka kasya pa naman o” sabi niya at napatingin ang siga kina Jenna at Olin a pasimpleng nakangiti. Naupo ang siga at muling siniko ni Rose si Monique. “Told ya” bulong niya at napangiti nalang si ganda.

“Sikip!” sigaw ni Jp sabay bigla siyang nagpaurong papunta kay Monique. Tulak siya ng tulak at muling nalaglag si Leo sa damuhan. “Pare! Okay na nga e bakit ka nagtulak?” rekalmo ni Leo. “Hindi ito jeep, tatluhan lang ito kaya don ka sa kabila” sabi ng siga. “Naman e, partner partner nga e” biro ni Leo sabay ngiti.

“E sana sinabi mo para tinabihan kita, kaw talaga pare. Halika nga dito at pakiss” banat ng siga at nagtawanan ang lahat. Naupo si Leo sa tabi ni Oliver at humirit pa ang siga. “Ah ganon, pinagpapalit mo na ako kay Oli. Fine!” sabi ni Jp at diring diri si Leo. “Pare sabi ko wag ganyan e! Kadiri talaga” sagot ni Leo.

“Halika ka dito! Isa! Kiss mo ako pare para bati na tayo!” hirit ni Jp at biglang humalakhak si Monique. “Siga ka ba talaga o cover mo lang yan?” tanong ni Rose at tumawa si Jenna. “Tama yan din naisip ko dati e” sabi niya. “Oy di naman nagpapatawa lang naman ako” sabi ni Jp sabay dinaan niya ang isang daliri niya sa tenga niya sabay pabaklang inirapan si Rose at nagtawanan ulit ang lahat.

“Gay ka ba talaga?” biglang tanong ni Monique kay Jp. Lahat napatingin sa kanya habang nakaharap siya sa siga. “Hindi, nagpapatawa lang talaga ako” seryosong sagot ng siga sabay yumuko. “Maamo sa iyo” bulong ni Rose kaya tinignan siya ni Monique. Dahan dahan humarap si siga kay ganda sabay sabi “Lalake ako, nagmamahal ako sa isang babae” drama niya.

Biglang natili sina Jenna at Rose habang natawa sina Oli at Leo. Agad humarap si Monique kay Jp pero ang siga nakatingin na sa langit. “Ano yon?” tanong ni ganda. “Ha? Ano yon?” tanong din ni siga sabay tumayo na parang gulat at palingon lingon kunwari sa paligid. Tinignan ni Monique si Rose, “Ano talaga yon?” tanong niya. “Wala yon sis” sagot ng kaibigan niya.

Humarap si siga sa nakatalikod na Monique sabay tinuro ang puso niya dalawang beses sabay turo sa dalaga. Agad natawa ang iba kaya mabilis lumingon si ganda at nahuling nakaturo ang siga sa kanya. Agad hinila ng siga kamay niya, nilabas ang isang daliri sabay winagayway habang kumekembot, “Nobody nobody but you” kanta niya sabay turo naman kay Leo. Nagtawanan ulit ang lahat lalo na si Monique na aliw na aliw sa siga.

“Grabe ang lambot ng katawan mo!” sabi ni ganda sabay humalakhak. “Parang hindi na ako naniniwalang siga ka” sabi ni Rose. “Grabe naman don’t judge a book by its cover ika nga. Porke siga dapat ba lahat ng moves ko siga? Ano gusto mo ganito?” sagot ni Jp sabay parang batong winawagayway daliri niya habang parang kawayan na nagsway sway. “Nobody but you!” bigkas niya ng malalim sabay sigang tinuro si Leo. “Ganon gusto niyo?” tanong niya pero halos mamatay na ang lima sa katatawa.

May isang babae ang dumating at tinatawag si Monique. “Uy nandito ka lang pala, may emergency meeting tayo para sa foundation week” sabi ng dalaga kaya agad tumayo si Monique. “Emergency meeting ng ano?” tanong ni Rose at tumayo din siya. “Ah, yung sa honor society. Sis babalik din ako kaya dito ka lang” sagot ni ganda at nagulat si Jp.

Nakaalis na si ganda at naupo muli si Jp, lumapit sa kanya si Rose at siniko ang siga. “Balita ko hinatid mo daw siya kahapon” sabi ni Rose at nagulat ang tatlong kaibigan ng siga. “Say what?!!” tanong ni Jenna sabay nakangisi lang si Jp. “Oo daw e, nakwento ni Monique na hinatid daw siya ni Jayps yesterday” sabi kwento ni Rose at di parin makapaniwala ang tatlo.

“Nagkataon lang na nagsabay kami sa jeep” sabi ng siga. “Wushu umamin ka na kasi” sabi ni Jenna at lumipat siya ng banko at tinulak ang siga para maupo sa tabi niya. Sa pagitan ng dalawang dalaga naipit si siga at tila kinukulit siya. “Silence in the court, inuutusan ng korteng ito na sumagot ng tama ang nasasakdal” biro ni Oliver.

“Yun nga nangyari e, we shared the same jeep. Masama ba yon? I was going the same way din e” sagot ni Jp. “Sus, di mo man lang hinatid hanggang sa kanila o” hirit ni Rose. “Ows? Hala ang sama mo naman. Dapat hinatid mo up to their house” sabi ni Jenna. “E sabi niya wag na daw e” biglang sabi ng siga at natawa siya pagkat buking na siya.

“So sinununod mo naman. Kahit nag anon dapat nagpilit ka” payo ni Rose. “Bakit ko naman pipilitin? Sinabi niya wag e” sumbat ng siga. “Minsan nagpapakipot kaming mga babae, minsan no means yes” banat ni Jenna.

“Ikaw type mo ba si Leo?” biglang tanong ni Jp kay Rose. “Hindi ha” agad na sagot niya. “So type pala si Leo, kasi sabi niyo no means yes” banat ng siga sabay tawa. “Wag mong idadaan sa pagkapilosopo mo ang usapan!” sermon ni Jenna. “E bakit niyo ba kasi ako kinukulit e tapos na yon” sagot ng siga.

“E kasi you like Monique” sabi ni Rose at nagulat ang siga. “Ha? Ako?” tanong ng siga. “Wag ka na magdeny loko. Yes he does” sabi ni Jenna. “Oy pinagkakaisahan niyo naman ako e” reklamo ni Jp. “Your honors di naman ata tama ito” dagdag niya sabay tingin kina Oli at Leo. “Oo gusto niya si Monique” dagdag ni Leo sabay ngisi.

“Oo na oo na. Pero wag mo naman sabihin sa kanya please” makaawa ng siga at natawa si Rose. “One condition” sabi ng dalaga. “Ano yon?” tanong ng siga. “Wag mo na ako babarahin o aasarin” sabi ni Rose. “Okay, sorry” sabi ni Jp. “At ligawan mo na siya” dagdag ng kaibigan ni Monique at natawa si Jp.

“Bakit ganun agad?” tanong ng siga. “Obviously you like her so alangan na hanggang don ka nalang” sermon ni Jenna at sumangayon si Rose. “Bakit di ba pwedeng ganito muna? Ganito na kaibigan muna para makilala ng mabuti. Parang napadaan ka sa isang restaurant, nakita mo mga poster nila at feeling mo masarap. Pumasok ka at inorder mo agad, pagkasubo mo agad mo niluwa kasi di masarap”

“Sa panlabas na anyo sinong lalake ang di maainlove sa kanya? Pati ata babae mainlove sa kanya e. Pero pano yung panloob? Yun ang gusto kong makilala, so far I just know her name, I know matalino siya kasi honor society pala. I know mahilig tumawa at mabait at walang arte kasi sino ba gusto makipagkaibigan sa siga? Pero that’s about it, yan lang ang alam ko sa kanya and gusto ko pa siya makilala ng maigi”

“Oo alam ko ibabanat niyo, kaya nga liligawa at maging girlfriend para makilala pa. Pero ganon ba talaga? Bakit ang dami nagsasabi ng ganyan pero in the end naghihiwalay? Magsasama na kayo tapos don palang maglalabasan ang ugali, ano resulta gulpe de gulat, di matiis kaya hiwalayan tapos iyakan”

“Di ba mas maganda pag magkakilala na kayo muna, then maging kayo para you two could focus on your strengths and together work on your weaknesses? Ang saya ng ganon diba? Parang iisa lang kayo” litanya ng siga.

Tumayo si Jp sabay naglakad palayo habang ang apat ay tahimik at tulala. “Wow…kakaiba siya. I never met a guy who thinks that deep. Lagi ba siyang ganyan?” tanong ni Rose. “We are surprised as you are. Ngayon lang nakita naming seryoso yan” sagot ni Jenna. “Ayan lagot kayo binadtrip niyo nag walk out tuloy” sabi ni Leo.

“Hala pano na yan?” tanong ni Rose at kinakabahan yung dalawang babae. “Uy Leo sundan mo nga siya. Sabihin mo sorry na” hiling ni Jenna. “Kayo nalang, kayo naman yung makulit e” sabi ni Leo. “Sige na di ba bestfriend mo siya” hiling ni Rose. “Oo pero ngayon ko lang nakita magalit yan” sagot ng binata.

Problemado tuloy yung apat, nakabalik na si Monique at napansin na may problema. “O bakit ganyan kayo? Para kayong namatayan” sabi ni ganda pero walang sumagot sa kanya. “Nasan si Jayps?” tanong niya. “Yun na nga, nabadtrip namin kaya nagwalk out” sabi ni Rose. “Ha?! Sandali lang ako nawala, what happened?” tanong ni ganda.

“Uy shhhh pabalik na siya” sabi ni Oli at lahat napalingon at nakita nga si Jp pabalik na. “Uy Monique kausapin mo naman o” bulong ni Jenna. “Pano ko kakausapin kung di niyo naman sabihin ang nangyari” sagot ni ganda.

Bumalik na sa dating pwesto si Jenna, umurong si Monique at sinalubong ng ngiti ang siga. “Japys balita ko nag walkout ka daw” lambing ni ganda ako napakamot ang siga. “Ako? Pumunta lang ako mag caroling e” sagot ni Jp sabay naupo. “Carroling?” tanong ni ganda. “Jingle Bells” sagot ng siga at napahalakhak si Monique.

“Sorry na” sabi ni Jenna. “O you see, may nangyari e, tell me” sabi ni Monique kay Jp. “Wala talaga, in tagalog umihi lang ako” sabi ng siga. “Hindi e, nabadtrip ka namin then nagpaliwanag ka sabay walk out” singit ni Rose at natawa ang siga. “Hello alangan na magpapaalam pa ako para umihi. Yung kanina wala yon, naisip ko na maganda lang to end it with a walkout para dramatic ang dating, sakto naiihi ako non kaya ayon” paliwanag ng siga sabay tumawa.

“So hindi ka nabadtrip talaga?” tanong ni Monique. “Hindi. Ginudtym ko lang sila at nakita mo naman it worked diba?” sabi ni Jp. “Sinabi mo pa, pagdating ko dito akala mo kung wala silang buhay” kwento ng dalaga. “Bwahahaha pwede na ako mag artista bwahahaha” tawa ng siga at lahat nakisali na sa tawa niya.

“Pero wag mo na gagawin ulit yon ha” pakiusap ni Monique at lahat napatingin sa siga. “Owkaaaay” sagot niya. “Promise?” hirit ni ganda. “I promise” maamong sagot ng siga at nagkatingan ang apat at tinatago ang tawa nila. “Okay, tara lunch na tayo” sabi ni ganda. “Nah ah, tara lunch na tayo” sabi ng siga.

“No no, tara lunch na tayo” kulit ni Monique. “Hmp tara na lunch na tayo” sabi ni Jp at nagtawanan silang dalawa. Pati si Rose nakikitawa samantala sina Jenna, Leo at Oliver di maintindihan ang nangyayari.

Lumapit ang tatlo kay Rose habang yung dalawa ay nagtatalo. “Ano ginagawa nila?” bulong ni Leo. “Ah, hayaan niyo yang dalaga, its their thing” sagot ni Rose. “Tara na kain tayo! Hmmm!” sigaw ni Monique at nakita ang nakahawan ang dalaga sa mga baywang niya. Si Jp napakamot nalang at niyuko ang ulo, “Owkaaay” sagot niya.

“O guys and gals lets go” sabi ni Monique at nauna na siyang naglakad. Mabilis lumapit sina Jenna at Rose kay Jp, “Uy sorry kanina” bulong ni Jenna. “Okay lang” sagot ng siga. “Pero nabadtrip ka ano?” bulong ni Rose. “Yeah…pero pag ngiti niya sasalubong sa iyo na ganon…tanggal ang kahit anong badtrip” sabi ng siga.

“May napansin ako pare” sabi bigla ni Leo sabay akbay sa bestfriend niya. “Ano yon pre?” tanong ng siga. “Di pa kayo under ka na” banat ni Leo at pasimple nagtawanan ang iba para di marinig ni Monique.

“Tado ka talaga pare, gusto mo talagang makatikim ng one-two combo ko” bulong siga. “Undeeerrrrr…under under under” kulit ni Leo at biglang pumorma na si Jp ng suntok. “Monique o, tignan mo si Jayps” biglang sabi ni Leo sabay tumabi sa dalaga.

Lumingon si ganda kay siga at si Jp pasimpleng nagsway sway. “Wag ka na magbabakla baklahan din” sabi ni Monique at biglang tumigil ang siga. Tumabi si Rose at Jenna sa siga sabay inasar pa nila.

“Sunod sunuran” bulong ni Rose sabay tawa. “Weakling” banat naman ni Jenna kaya tumigil si Jp at kinabog ang dibdib niya.

“Huh! I am a lion!” sigang sigaw ni Jp at biglang lumingon si Monique.

“At siya ang lion tamer” biglang bulong niya at nagtawanan ang mga dalaga.

“Meow”


(Join the fan page at Facebook, CLICK HERE )