sk6

Tuesday, August 25, 2009

Bertwal Chapter 1: Chat


BERTWAL EBOOK COVER


Bertwal

By
Jonathan Paul Diaz

(THIS IS JUST A SHOWCASE COPY OF THE STORY. IF YOU WANT TO READ THE WHOLE STORY, THE EBOOK VERSION WILL BE SOLD SOON )


Chapter 1: Chat

Joanna

Patapik tapik sa mesa ang dalaga, huminga ng malalim at muling nagtype sa keyboard. Di nagustuhan ang nasulat binura ito at nag isip muli. Sa likod niya dahan dahan papalapit ang kaibigan niya, tahimik at biglang pinindot ang bawat tagilirian.

“Sheeetttt!!!” sigaw ng dalaga at napatayo. Tawa ng tawa ang kaibigan niya at ilang sandalli natawa narin ang dalaga. “Grabe ka naman Jane! As in natakot ako doon” sabi ni Joanna at di parin makapagpigil sa tawa ang kaibigan niya.

“Sis namiss ka na namin kaya eto dinalaw kita. Di ka na nagtetext man lang o nagpaparamdam” sabi ni Jane at sinilip ang mga nakasulat sa monitor. “Busy ako e” sagot ni Joanna at pinatay ang screen. “Oist, teka wag mo patayin, ano nanaman yang nilalagay mo sa blog mo? Mga emo emo nanaman. My God Joanna, one year na get over him already ano!” sermon ni Jane.

“Yeah yeah so easy to say. Sana ikaw din maranasan mo para alam mo. Kaya pag di mo alam gano kasakit then shut up ka nalang kesa nagsasabi ng move on move on. Gosh kung ganon kadali e di sana naglalandi na ako tulad mo. Oops pero di ako tulad mo, teka malandi ka ba?” tanong ni Joanna at tawa sila ng tawa.

“Oist wag ka naman mag berserk mode sa akin. Oo na sige na take your time to move on. Pero grabe ka naman wag kang magkukulong dito sis. Sayang beauty mo, tapos online ka nga pero di ka naman kasali sa mga social networking. Lagi nakapatay cellphone mo. O pano ka namin makontak? Ano to cave? Bakit di ka pa maghubad at wag ka narin maligo kaya” tukso ng kaibigan niya at lalo sila nagtawanan.

Naupo ang dalawa sa kama at nagkwentuhan, pumapasok naman si Joanna pero bihira siya magpakita sa mga kaibigan niya. Diretso uwi sa hapon at diretso pasok sa umaga. “So sis ano na lang ba ginagawa mo dito sa kwarto mo? Sabi ng mom mo as in dito ka lang lagi e” tanong ni Jane. “Wulah, ayan blog, minsan browse browse or manood ng videos online” sabi ni Joanna. “Grabe ka naman, magtext ka naman kasi. Ano ba problema nahihiya ka ba? Wag mo sarilihin ang problema mo kasi at pwede ba sis mag move on ka na kasi Ferdinand already did diba?” sermon ni Jane.

“Yeah I know sis…tanggap ko na yon pero parang nawalan ako ng self confidence. Ewan ko ba parang sinisisi ko sarili ko. Don’t worry I am okay sis” sabi ni Joanna. “Why not sama ka sa amin ni Jamie, oh may boyfriend na si Jams, his name is Richard” kwento ni Jane at nagulat si Joanna.

“Talaga? Nakahanap din siya ha, grabe dami nanliligaw sa kanya sa wakas may sinagot siya” sabi ni Joanna. “Oo nga buti pa siya” drama ni Jane at bigla sila nagtitigan at nagtawanan. “Don’t tell me off nanaman kayo?” tanong ni Joanna at ngumiti si Jane. “Well its complicated, pero don’t worry okay lang kami” sagot ng kaibigan niya.

Di napapayag ni Jane na lumabas si Joanna, ngunit tumambay ang dalaga kasama ang kaibigan niya pagkat namiss niya ito. Pagsapit ng hapon nagpapaalam na si Jane pero bigla ito lumapit sa computer ni Joanna at sinindi ito. “Alam mo sis may alam ako para slowly but surely bumalik trust mo sa tao. I know you need someone to talk to at nahihiya ka sa amin so why not chat?” sabi ni Jane.

“Chat? Sa net?” tanong ni Joanna at naupo si Jane sa harapan ng computer at nagconnect sa internet. “Oo chat, para lang masanay ka ulit sa tao. Don’t worry you can pretend to be someone else pero pwede mo din ilabas nararamdaman mo. O diba? Di ka na kilala pero other people can listen to your real story” sabi ni Jane at humila ng upuan si Joanna.

“Oy di ako tanga, alam ko ang chat pero parang weird lang” sabi ni Joanna. “Hay naku, parang socializing lang ito. Yung iba nagpapakatotoo, yung iba peke, yung iba predator lang, basta alam ko wise ka naman at marunong kumilatis. Maraming chatrooms, madami ka pwede makausap at makaibigan. Most lonely people, I repeat lonely people chat to take away the pain in their hearts. Kasi madami naman makikinig sa iyo or makakashare ng same experience. Well iwasan mo lang yung mga bolero at madaming manyak sa net” sabi ni Jane at nagtawanan sila.

Ilang minuto pa nakaset up na ang chat software at gumawa na si Jane ng account para sa kaibigan niya. “O ayan, may account ka na, ano gusto mo chat nickname?” tanong ni Jane. “Joanna ano pa nga ba?” sagot ng kaibigan niya. “Hindi, parang codename, ako gamit ko mysteriouzchix, so dapat mag isip ka din ng parang codename mo” sabi ni Jane.

Matagal napaisip si Joanna at tinatawanan na siya ng kaibigan niya. “Hello Joanna, kahit anong nickname pwede. Sus talagang pinag isipan pa e” tukso ni Jane at natawa si Joanna. “Teka lang kasi…ahmmm…ano nga ba…hmmm Betterfly” sabi ni Joanna at biglang tingin sa kanya si Jane at sumabog sa katatawanan. “Baka Buttyfly?” tanong niya. “Wag ka nang makialam, e yung nga gusto ko e. Napakasimple naman kung butterfly lang so Bettyfly nalang” sabi ni Joanna at tinype ni Jane ang nick nya pero tawa ng tawa.

“O ayan Bettyfly sit down at turuan kita” sabi ni Jane at naupo sa harap ng computer si Joanna at madami siyang nakitang pangalan sa chatroom. “O ano na gagawin ko dito?” tanong niya. “Mamili ka ng kakausapin mo, tapos sige go ang chat lang” sabi ni Jane kaya nagtingin sila sa listahan ng mga pangalan at biglang may tinuro si Joanna at bigla sila nagtawanan.

“TINITRON!!!” sabay nila sinigaw at tawa sila ng tawa. “Sis may mas malala pa sa iyo sa kakornihan ng nick” tukso ni Jane at si Joanna di maipinta ang mukha sa katatawa. Halos mapahawak na siya sa tawa, malakas at di mapigilan. “Oy sis ano ka ba? Over na yang tawa mo ha pero alam mo nakakamiss yang tawa mong yan” sabi ni Jane. “Tinitron o” sabi ni Joanna at naluluha na siya at nalaglag sa upuan sa katatawa.

“Oy sis may chat ka, si Tinitron!” sigaw ni Jane at napasilip si Joanna sa screen at muling natawa. “ASL daw, age, sex, location” sabi ni Jane. “17, never, at home” sagot ni Joanna at bigla sila nagtinginan ni Jane. “Oo gaga alam mo joke lang yon no, 17, female, at home…ako na nga…pero si Tinitron nga o” sabi niya at tawa ulit siya ng tawa.


Marco

Nakahiga si Marco sa sofa at nanonood ng telebisyon, ang bunsong kapatid niya nasa tapat ng computer at tumatawa mag isa. “Liann, wag masyado para ka nang baliw diyan” sabi ni Marco. “Kung siya baliw ano ka?” tanong ng ate niya at naupo ang ate niya sa may dulo ng sofa.

“Marco, whats happening to you? Dati dati wala ka lagi sa bahay. Now naninibago kami at nandito ka lagi” tanong ni Nerissa. “Ate, hurt broken, hurt broken I repeat” sigaw ni Liann at napasimangot si Marco.

“So its about your break up with Dana? My God Marco ang bata niyo pa ganyan na kayo. That is part of life no, ako din naman I had my fair share of break ups” sabi ng ate niya. “Good for you ate ikaw nagdudump sa kanila, e ako?” sagot ni Marco.

“She does not deserve you bro, kaya pag ako sa iyo go out with your friends and get on with your life already” sabi ng ate niya. “Ate, ang dami niyang friends, nakakahiya. Nanliliit ako pag nakikita ko sila” sagot ni Marco. “Bakit ka mahihiya? E it didn’t work out so ganon lang yon” sabi ni Nerissa. “Didn’t work out? Or caught with another guy?” banat ni Liann at nagulat si Nerissa.

“Not me ate, di ako gay. Siya” sabi ni Marco at napasimangot ang ate niya. “Talagang masamang tao pala yon so tama na yang emo emo mo at go out and enjoy life. Para kang di lalake e” tukso ng ate niya. “Tinatamad ako ate, manonood nalang ako ng tv” sagot ni Marco. “Aha, at kailan ka pa naging interesado sa cooking shows?” tanong ni Nerissa at tumawa si Liann.

“Baka si kuya yung caught with another guy?” tukso ni Liann at tinignan siya ng masama ng ate nila. “Sorry…joke lang” pabulong na sabi ng bunso nila. “Hay naku Marco, kung ganyan ka magpakalbo ka nalang at maging monghe, sige magkulong ka dito sa bahay” sabi ng ate niya sabay tayo. “Buddha bless you” banat ni Liann at nagtawanan sila ng ate niya.

Ilang minuto pa bumalik si Nerissa at inabot ang laptop kay Marco. “O ayan, sa iyo na yan” sabi ng ate niya. Nagulat si Marco at napaupo sa sofa hawak hawak ang laptop. “Akin na to? E pano sa work mo?” tanong ng binata at biglang lumapit si Liann at nakatitig sa laptop. “Its okay, I have a company issue. Personal laptop ko yan so sa iyo na” sabi ng ate nila.

“Ateeehh..pano ako?” tanong ni Liann at hinaplos ang laptop. “Grabe ka, halos sinolo mo na yang PC natin at di mo pinagbibigyan si Marco e” sabi ni Nerissa. “Pero ate gusto ko ng laptop para sa kwarto nalang ako” drama ni Liann at inabot ni Marco sa kanya ang laptop at natuwa ang bunso.

“Marco? Binigay ko nga yan sa iyo para naman may connection ka sa outside world e. Tapos ibibigay mo pa kay Liann?” tanong ni Nerissa. “Eh she likes it eh, makikigamit nalang ako sa PC” sabi ni Marco at bigla siyang hinalikan sa pisngi ni Liann. “Kuya, sa iyo na yang PC, gusto mo iakyat natin sa kwarto mo? Tara na help kita” sabi ni Liann at napangiti nalang si Nerissa.

Nang naakyat na sa kwarto ang PC ay palabas na sana ng kwarto si Liann. “Sis, teka saglit” sabi ni Marco at bumalik si Liann. “Ano yon?” tanong niya. “Kanina, tumatawa ka, ano yung tinatawanan mo sa PC?” tanong ni Marco at babanat sana si Liann pero nakita niya ang kalungkutan sa mata ng kuya niya.

“Kuya chat yon, kachat ko kaibigan ko. Actually di ko talaga kaibigan. Nakilala ko lang sa chatroom” sabi ni Liann. “Ah, chat pala” sabi ni Marco at biglang kumandong si Liann at nagpipindot sa PC. “Eto o kuya, eto gamit kong software, dito madami kang makakausap din. Sige gawa tayo account mo” sabi ni Liann at tahimik lang si Marco at pinapanood ang bunsong kapatid niya.

“Tama kuya makichat ka nalang kesa magbrowse ka ng porn” banat ni Liann at tumaas ang kilay ni Marco. “Anong pinagsasabi mo? Mula nung mabili ito dalawang beses ko lang nagamit” sabi ni Marco. “Joke lang, ito talaga, o now nasa kwarto mo na e di pwede na diba?” biro ni Liann at nagtawanan sila. “Pero kuya, tama si ate, nagbago ka talaga. Di ka na nagpapatawa lately” sabi ng bunso.

“Oo nga e, kaya ikaw Liann, magpakabait ka ha. May nanliligaw na ba sa iyo?” tanong ni Marco. “Kuya 14 palang ako hello! Pero meron na but sooo chaka” sagot ng bunso at natawa si Marco. “O ayan kuya nakaset na may account ka na” sabi ni Liann at pagtingin ni Marco bigla siya natawa.

“Tinitron?” tanong niya at tawa ng tawa si Liann. “Diba? Mahilig ka sa robots, o ayan Tinitron” sagot ng bunso at napakamot si Marco at natawa. “Ano naman ibig sabihin ng Tinitron?” tanong niya. “Tinaksilan na robot, kaya Tinitron!” sagot ni Liann at biglang napasimangot si Marco.

Nag alala si Liann at nagpipindot nanaman sa keyboard, “Sorry kuya, palitan ko nalang” sabi ni Liann pero pinigilan siya ng kuya niya. “Wag, its okay parang bagay nga sa akin” sabi ni Marco at nag alala si Liann. “Hindi kuya palitan ko nalang” pilit niya. “No, its okay I like it” sagot ng binata. “Owkeeeyyy…kasi pag papalitan natin sana Buddha nalang” banat ni Liann at nagtawanan sila.

Tumayo si Liann at humarap na si Marco, “Mamili ka lang diyan ng gusto mo kachat kuya, o eto sample o” sabi ni Liann at inagaw ang mouse at pinindot. “Bettyfly?” tanong ni Marco. “Wala lang eto nakita ko e, parang testing lang naman, o tapos type mo A-S-L-? tapos click mo enter or press enter” sabi ni Liann.

“Okay na kuya?” tanong ni Liann. “Yup okay na, expert ka talaga sa ganito ah. Di bale pag may tanong ako tawagin kita” sagot ni Marco at lumabas na ng kwarto ang bunso. Ilang segundo may sumulpot sa screen at sumagot si Bettyfly.

Bettyfly: 17 female, at home
Bettyfly: NASL?

Napailing si Marco at napakamot, “NASL, name, age, sex, location” sabi bigla ni Liann at nagulat si Marco. “Akala ko lumabas ka na?” tanong ng binata. “Concerned ako sa iyo kuya” sagot ni Liann sabay tawa. “Okay, so name is Marco, age 18, at home din” sabi nya pero pinigilan siya ni Liann.

“Kuya don’t use your real name or ibigay ang real address mo. Malay mo masamang tao yan” sabi ni Liann kaya binura ni Marco ang tinype niya. “E ano gagamitin ko?” tanong ng binata. “Polo, para Marco Polo” banat ni Liann at tumawa siya mag isa. Biglang nagtype si Marco at napatingin si Liann.

Tinitron: Paolo, 18, at home din

“Nice, okay na yan kuya, sige kaya mo yan” sabi ni Liann. “Sis thanks ha” sabi bigla ni Marco at ngumti ang bunso. Lumabas na si Liann at sinara ang pinto, humarap na si Marco sa screen at nagbasa.

Bettyfly: Hi Paolo, I am Hanna
Tinitron: Hi Hanna, nice to meet you







BERTWAL EBOOK NOW AVAILABLE
By
Paul Diaz

EBOOKS FOR SALE



meet the real TINITRON @ Plurk