sk6

Wednesday, December 15, 2010

Salamangka Preview


SALAMANGKA: ANG TAGAPAGMANA
JONATHAN PAUL DIAZ


(PREVIEW ONLY)

Prologue

Pagmulat ng mata niya agad napatingin yung binata sa kalendaryong nakapaskil sa kanyang dingding. “June 5” bigkas niya at huminga siya ng malalim at napatingin sa kisame. Siya si Benjoe, 17 taong gulang at isang ulila. Kinupkop siya ng isang matanda na pangalan ay Tasyo, tinuring niya itong lolo at itong matanda ang nagpalaki sa kanya.

Isang magsasaka lang si Tasyo at may sariling pamilya. Kaya mula nung bata si Benjoe nag aral siya ng mabuti para makakuha ng mga scholarship. Ayaw niyang makadagdag sa pasanin ng tinuring niyang lolo at naging mapalad yung binata pagkat nabiyayaan siya ng full scholarship mula elemtary hanggang high school sa isang private school.

Doon niya nakilala si Arturo, na naging matalik na kaibigan niya. Magkaklase sila mula elemtarya hanggang high school. Mayaman sina Art, mabait ang kanyang magulang at tinuring na nilang anak din si Benjoe. Sa katanuyan ay inalok nila bayaran ang buong college fees ni Benjoe pero nahiya yung binata. Dahil sa sipag at tiyaga sa pag aaral ay nakakuha ulit siya ng academic scholarship sa isang tanyag na unibersidad kung saan pumapasok din si Art. Ang tanging tinanggap niya mula sa pamilya nina Art ay ang pagtira sa condo ng kanyang kaibigan.

Kasama ng scholarship ay may allowances si Benjoe kaya maganda ang kanyang buhay pero hindi siya masaya. Naiinggit siya kay Art, isang matipunong binata na nabiyayaan ng yaman at magandang itsura. Lalo pang naiinggit si Benjoe pagkat maganda ang girlfriend ng kanyang kaibigan, si Kate.

May lihim na pagtingin si Benjoe kay Kate, sino ba ang hindi magkakagusto sa dalaga pagkat maganda na at mabait pa siya. Naging close sila ni Benjoe, bestfriend ang kanilang turingan at tuwing nag aaway si Art at Kate, nandon siya lagi para damayan ang dalaga. May hinanakit si Benjoe kay Art pagkat babaero ito, tuwing wala si Kate ay lagi may kasama itong ibang babae. Gusto niya sana isumbong kay Kate ito pero ayaw naman niya masira ang pagkakaibigan nila at alam niyang kahit na maghiwalay sila ay di naman mapapasakanya ang dalaga pagkat di siya pinagpala sa itsura.

Nagbukas ang pinto ng kwarto niya, isang matamis na ngiti ang bumati sa kanya. “Happy birthday bespren!!!” sigaw ni Kate at agad nakihiga yung dalaga sa kama at niyakap yung binata. Malambing sila talaga sa isat isa, minsan naiisip ng ibang barkada ni Art na mas magsyota pa sila ni Benjoe. “Bukas pa birthday ko bespren” sagot ng binata.

“Happy birthday parekoy!!!” sigaw ni Art at pati siya nakihiga sa kama at niyakap ang kaibigan niya. “Pare naman, pag si Kate pwede, pero pag ikaw medyo pagdududahan na tayo” sabi ni Bejoe. Hinalikan bigla ni Art ang kaibigan niya sa pisngi at tawa ng tawa yung dalaga. “Ew!!! Kadiri kayo talaga!” sigaw niya pero game na game naman yumakap si Benjoe sa kanyang kaibigang lalake.

“So pare ano gusto mo ihanda natin bukas?” tanong ni Art. “Pare wag naman na nakakahiya na masyado. Malaki na naitulong niyo sa akin” sagot ni Benjoe. “Ah shut up ka pare. Pinapatanong din nina mama e. Ano maghahanda tayo dito o kakain nalang tayo sa labas?” tanong ng kaibigan niya.

“Pare wag naman na, nakakahiya na. Every year nalang na ganito e” sabi ni Benjoe. “Ah basta pare, you deserve it. Alam mo pare my parents know that pag wala ka malamang nawalan na ako ng landas. Parang guardian angel kita e” sabi ni Art at nagkatinginan sila. “Talaga?” tanong ni Benjoe at napailing ang kaibigan niya pagkat alam niya na alam ni Benjoe ang lahat ng kanyang sekreto.

“Oy tama na nga drama niyong dalawa. So ano ihahanda natin bukas?” tanong ni Kate. May kumatok ng malakas sa pinto ng condo. Agad bumangon yung dalaga at muling nagkatinginan yung magkaibigan. “Pare naman wag ganon” sabi ni Art. “Sabi ko sa iyo pare magbago ka na. I told you to stop fooling around or else I will really tell her. Wala na ako pakialam kung palayasin mo ako o ipabugbog sa mga barkada mo” sabi ni Benjoe. “Yeah pare I know, sorry, last na talaga yung last week” sabi ni Art.

“Benjoe! Lolo mo nandito” sabi ni Kate at agad bumangon yung binata. Paglabas niya ng kwarto ay agad sya hinila ng matanda. “Dalian mo wala na tayong oras na pwede sayangin” sabi ng matanda. “Hey gramps whats the problem?” tanong nung binata. “Basta sumama ka sa akin” sabi ni Tasyo. “Saan kayo pupunta?” tanong ni Kate. “Magbibihis muna ako lo” sabi ni Benjoe. “Hindi na! Sumama ka na sa akin ngayon at malayo pa ang lalakbayin natin!” sigaw ng matanda at natahimik yung tatlo.

“E birthday ho niya bukas, babalik ba kayo lolo?” tanong ni Art. “Hindi ko alam basta kailangan na namin umalis” sabi ni Tasyo. “Saan ba kasi tayo pupunta lolo? Pwede ba pagkatapos nalang ng bukas?” tanong ni Benjoe. “Sumama ka na ngayon! Parang awa mo na apo sumama ka na sa akin. Halika na!” sigaw ni Tasyo.

Kinapitan ni Kate si Benjoe pero mapilit talaga yung matanda. “Okay okay relax, sige sasama na ako” sabi ng binata. “Benjoe” sabi ni Kate. “Okay lang, di ko alam bakit pero sige sasama ako sa lolo ko. I will try to be back by tomorrow. Don’t worry about me” sabi ng binata. Nilabas ni Art ang phone niya pero masama ang titig ni Tasyo sa kanya. “Alam ko madami kang koneksyon pero pag ayaw niyo masaktan wag na kayo makikialam. Hindi niyo alam ano maaring makakaharap niyo” banta ng matanda. “Sige na pre okay lang ako. I will be back when I can” sabi ni Benjoe at sumama na siya sa matanda.

Nakalabas ng condo ang dalawa pero sumunod sina Kate at Art. Nagulat sila pagkat may magarang SUV na nakaparada sa kalsada at doon pumasok yung dalawa. “Wow, kailan pa nagkaroon ng ganyan si lolo?” tanong ni Art. “I have a bad feeling about this” sabi ni Kate pero bago pumasok ng sasakyan si Benjoe at tumalikod ito at kinawayan yung dalawa. “Babalik ako promise” sigaw niya at tuluyan nang pumasok.

Sa loob ng kotse ay pinaandar na ni Tasyo ang makina, “Wow lolo mukhang asenso ka na ha. Ilang buwan lang tayo di nagkita may kotse ka na” sabi ni Benjoe. “Di ako lolo mo, mag seat belt ka” sabi ng matanda. “Bakit pa? Tinted naman yung bintana, di na tayo mahuhuli ng pulis no” sagot ng binata. “Mag seat belt ka! Pag may masamang nangyari sa iyo tiyak na papatayin ako non” sabi ng matanda.

“Sino?” tanong ni Benjoe. “Wag ka na matanong, mahabang biyahe ito kaya tumahimik ka nalang o kaya matulog” sabi ni Tasyo. “Sino? Kanino mo ako dadalhin?” pilit ng binata. “Sa tatay mo! Wag ka nang matanong sabi e. Siya na bahala magpapaliwanag” sabi ng matanda. “Lolo talaga nagpapatawa ka na e. Patay na yung nanay at tatay ko diba? Naka drugs ka ba gramps?” sabi ni Benjoe at masama ang tingin ni Tasyo sa kanya.

“Iniwan ka sa akin ng tatay mo nung sanggol ka, sabi niya sasabihin ko sa iyo na patay na mga magulang mo. Kung may tanong ka sa kanya mo nalang itanong” sabi ng matanda. “Oo na nice joke lolo. Pano mo ba nakuha tong kotse? Marunong ka pala mag maneho? O tapos ano yan Rolex? Wow tumama ba kayo ng lotto? Dadalhin mo ako siguro sa bagong bahay niyo ano?” tanong ni Benjoe at nairita na yung matanda.

“Sabi ng tatay mo basta maalagaan kita at mapalaki ng maayos, balang araw pagbalik niya gagantipalahan niya ako ng kayamanan. Hindi ako naniwala noon pero alam mo ba baldado na ako noon? Naka wheel chair na ako noon dahil sa disgrasya pero nung pinalakad niya ako muli wala ako magawa kundi sumunod sa kanya. Pasensya ka na ngayon na yung oras na yon. Eto mga nakikita mo galing lahat sa kanya to. Oo maayos na buhay namin at ayaw na namin makialam pa” kwento ni Tasyo sa nanginginig na boses.

“Wow cool! So ibig mo sabihin mayaman tatay ko?” tanong ng binata at napakamot yung matanda. “Yang tatay mo nakakatakot, hindi siya tao. Hindi na ako pwede magsalita pa baka parusahan niya ako at bawiin niya lahat ito” sagot ng matanda. “Weh! Patawa ka talaga lolo, e ano naman ang tatay ko kung hindi tao?” tanong ni Benjoe.

Pinatigil ni Tasyo ang kotse at tinabi, tinignan ng masama ang binata at huminga ng malalim. “Demonyo ang tatay mo!!!” sigaw niya at biglang dumilim ang kalangitan at may malaking kidlat ang tumama sa malapit. “Diyos ko po narinig niya, wag ka na matanong pa kasi please” sabi ni Tasyo at matulin na pinatakbo yung sasakyan. Di makapaniwala si Benjoe pero nangilabot siya sa kidlat. Tinignan nalang niya yung matanda at tumawa. “Coincidence lang yon, sus okay sige na nga kunwari naniniwala na ako” sabi ng binata pero may takot na namumuo sa kanyang dibdib.

Pagdating nila expressway ay biglang nakatulog si Tasyo. Nagpanic si Benjoe at agad napahawak sa manubela. “Lolo! Gising!” sigaw niya pero di maintindihan ni Benjoe, gumagalaw ang mga kamay ng matanda at nagagawa pa nito magkambyo kahit siyay tulog. Inaantok si Benjoe, di niya maintindihan ang nangyayari, napasandal siya sa matanda at tuluyan naring nakatulog.

Nagising si Benjoe, masakit ang katawan niya pero pagtingin niya sa labas ay may malaking bahay sa tapat nila at nakatigil na yung kotse. “Lolo gising!” sabi niya at dahan dahan namulat si Tasyo at biglang nanginig. “Nandito na tayo, halika na ihahatid na kita para matapos na obligasyon ko” sabi ng matanda. “Pero lolo pano tayo nakarating dito? Nakatulog ka kanina kaya nagpanic ako, di ko alam pero nakatulog din ako e” sabi ni Benjoe.

“Ganyan talaga tatay mo, masyado maingat. Pati nung dinalaw niya ako last week naglakad ako habang tulog. Hayaan mo na yang kwento na yan, halika na para makaalis na ako” sabi ni Tasyo at lumabas sila ng kotse. Nakarating yung dalawa sa pinto, hindi pa sila kumakatok pero nagbukas agad yung pintuan. “Late na ba tayo? Diyos ko delikado to” sabi ni Tasyo at halatang kinakabahan siya.

Takot na takot narin si Benjoe nang pumasok sila sa magarang bahay. Lahat ng kagamitan sa loob ay gawa sag into at punong puno sila ng mga diyamante. “Oh wow, kahit makuha ko lang tong isang silya solve solve na ako” sabi ng binata. Pumasok sila sa isang kwarto na may pulang pintuan, napayuko si Tasyo at nanginig pagkat may isang lalake na nakatayo at nakaharap sa bintana.

“Makakaalis ka na Tasyo. Sapat na ba yung naibigay ko sa iyo na kayamanan?” tanong nung lalake sa napakalalim na boses. Napahawak si Benjoe sa matanda pero si Tasyo ang bilis tumakbo palabas. “Sapat na po! Sige po! Sige iho goodluck! I love you Benjoe, text text nalang ha!” sabi ng matanda at biglang nagsara ang pinto kaya nabalot ng takot yung binata.

“Matagal na kitang gusto makita anak” sabi ng lalake at humarap ito kay Benjoe. Matutulis ang kilay ng lalake, grapo at balbas sarado. “Halika Saturnino, have a seat anak at mag usap tayo” sabi niya at napasandal ang binata sa dingding at nagsimulang tumawa. “Patay na ang tatay ko. Ano to may hidden camera? Good time lang to ano?” sabi ng binata at dumagungdong ang malakas na tawa nung lalake sa buong kwarto. “Hindi Saturnino, ako ang iyong ama” sabi ng lalake at naupo ito sa isang sofa.

“Benjoe ang pangalan ko, hindi Saturnino. Patay na ang aking ama at ina” pilit nung binata. “Maupo ka anak at ipapaliwanag ko lahat. Namiss na kita sobra at matagal na kitang gusto makasama. Sige na iho maupo ka” sabi ng lalake at ayaw pumayag ni Benjoe. “Kung lokohan ito tama na, oo na panalo na kayo. At sabi ni Lolo demonyo ka daw? Imposible na yon” sabi ng binata sabay tumawa.

Nanigas bigla ang katawan ni Benjoe, lumutang siya sa ere at nagtungo sa sofa na katapat ng lalake. Nang nakaupo siya ay nakagalaw ulit ito pero sobrang nabalot na ng takot. “Ngayon nakuha ko na ba atensyon mo?” tanong nung lalake at tulala lang si Benjoe at napatungo ang ulo. “Oh my God” bigkas ng binata. “Don’t say bad words!!!” sigaw ng lalake at muling kumidlat sa labas ng bahay.

“Grabe Saturnino, sanggol ka pa noon nung iniwan kita kay Tasyo. Pasensya ka na anak pagkat kinakailangan ko gawin yon. Saka ko na ipapaliwanag ang lahat pero sa ngayon gusto ko sagutin lahat ng tanong mo. Alam ko mahirap tanggapin ang lahat na ito pero anak maniwala ka ako ang iyong ama” sabi ng lalake.

“Ano pangalan mo? At totoo bang demonyo ka?” tanong ni Benjoe na nanginginig. “Ang pangalan ko ay Antonio at oo anak demonyo ako” sagot ng lalake. “Di ba dapat Lucifer ang pangalan niyo o satanas?” tanong ni Benjoe. Napailing si Antonio saglit, napatingin sa malayo at nagsimangot. “Ah mga big bossing yon. Si Lucifer ay ang grand daddy ng mga demonyo sa buong mundo, si Satanas naman ang big bossing ng mga demonyo dito sa Pinas. Ako naman ay masasabi mo narin na bossing sa bansang ito pero komplikado lahat at ipapaliwanag ko sa iyo balang araw” sagot ni Antonio.

“E bakit mukha kang tao?” tanong ni Benjoe at natawa ang tatay niya. “Anak pag pinakita ko sa iyo ang tunay kong anyo baka di kakayanin ng puso mo” sabi ng ama niya. “Di parin ako makapaniwala, ibig mo sabihin hindi rin ito ang tunay kong anyo?” tanong ng binata. “Yan na ang tunay mong anyo anak, nung ginawa ka namin ng nanay mo naka human form kami kaya ikaw ay tao pero may demon blood ka” paliwanag ng tatay niya.

“Nasan ang nanay ko?” tanong ni Benjoe at napatayo si Antonio at naglakad lakad. “Hindi ko alam pero wag kang magtatanim ng galit sa kanya anak. Bweno, ako naman ang magpapaliwanag kaya makinig ka mabuti” sabi ng tatay niya at sumandal si Benjoe sa sofa at di parin makapaniwala.

“Alam ko tinatanong mo bakit wala kang powers, totoo yan wala ka pang powers pagkat wala ka pa sa sapat na edad. Ang kapangyarihan mo ay lalabas pagsapit mo ng edad na eighteen and that is tomorrow” sabi ni Antonio at nagulat si Benjoe at napatingin sa kamay niya. “Ows? Ano klaseng powers? Teka totoo ba ito talaga? Please pag lokohan lang ito suko na ako” sabi ng binata.

“Everything is true Saturnino, and tomorrow you shall gain your powers” sabi ng tatay niya pero napansin ng binata ang kalungkutan sa mukha nito. “Di ba dapat happy ka? Pag totoo sinasabi mo dapat masaya ka pagkat nakita mo anak mo at magkaka powers ako” sabi ni Benjoe. “Hay, its not that easy anak. Kung pwede lang wag ka na magkakaroon ng kapangyarihan pero nandito na. Ayaw ko sana mangyari ito pero Saturnino ikaw ang papalit sa akin. Pinaparetiro na nila ako at ikaw na magdadala ng malaking responsibilidad, sa kamay mo nakasalalay ang balance ng Pinas” paliwang ng ama niya.

“Say what?!” tanong ni Benjoe at napaupo si Antonio sa tabi niya. “Saka na natin pag usapan yan anak. Ang importante ay kasama na kita. Kailangan pa kita gabayan sa pag gamit at paghasa ng kapangyarihan mo bago mo ako pwede palitan. Relax ka lang muna anak and for the next few days just enjoy being a demon” sabi ni Antonio.

“Bakit mo pa ako binibitin? Bakit di mo pa sabihin lahat ngayon na?” pagalit na tanong ng binata. “Sinabi ko saka na e!!!” sigaw ng ama niya at namula ang mga mata niyo. Agad napayuko si Benjoe at nanliit, “Okay pow” bulong niya sa takot. “Wag kang jejemon! Alam ko mautak ka! Di maitatago ng pagiging jejemon ang tunay mong anyo. Jejemon jejemon para magmukhang cute! Pweh! Such nonsense and blatant waste of brain cells. Communication is supposed to be direct and simple for everyone to understand each other” litanya ng ama niya at biglang natawa si Benjoe.

“Aha! Napatawa kita ano? Good! Gusto mo din ba yakapin kita o ihele kita? Gusto mo kantahan kita ng lullaby?” tanong ni Antonio at napaamo ang mukha ng binata at naluluha. “Di ko naramdaman ang mga yan nung bata ako” bulong niya. “Pwes! Wala ako balak gawin yon sa iyo! Ang laki laki mo na! Damulag ka na at gusto mo pa ng ganon?” banat ni Antonio at tumawa ng napakalakas.

“Demonyo ka talaga ano?” tanong ni Benjoe at dinilatan siya ng ama niya at napaatras ang binata pagkat mahaba at matulis ang dila ng tatay niya. “Pati naman ikaw…pero bukas pa” sabi ni Antonio.

“So okay, medyo naniniwala ako. Itong kayamanan mo akin narin ba?” tanong ng binata. “Nope!” sagot ng tatay niya. “Eh bakit ganon? Dapat may mana ako” reklamo ni Benjoe. “Patay na ba ako?! Ha?! Ngayon palang tayo nagkita gusto mo na ako mamatay?” pabirong tanong ni Antonio. “Hindi po, pero lumaki akong walang pera kaya kanina medyo natuwa ako nung makita ko ang laki ng bahay niyo tapos panay ginto. Since anak niyo ako kahit allowance lang sana” banat ng binata.

“Never! Pinaghirapan ko mga ito, and maybe youre forgetting demonyo ako, we are selfissssshhh” bulong ng tatay niya at napasimangot si Benjoe. “Damot! Sige turuan mo ako pano yumaman” sabi niya. “Matalino ka naman e, so yumaman ka mag isa mo!” banat ni Antonio. “At ikaw pano mo naipon tong yaman na ito?” tanong ng binata. “Haller! Kulangot palang ito sa kayamanan ko. I steal from the corrupt officials, wala sila karapatan magreklamo pag nakita nila nawawala pera nila or else mabubuking silaaaa” landi ng ama niya.

“Turuan mo ako” sabi ni Benjoe. “Sorry, all corrupt officials are mine. And if you touch my cows, I will kill you” sabi ni Antonio. “Pero anak mo ako!” reklamo ng binata. “Ay oo nga pala, if you touch my cows then I will spank you” ulit ng ama niya pero tumawa lang yung binata. “With this” pahabol ni Antonio at biglang may lumitaw na malaking kahoy na puno ng duguang pako. “Don’t worry di ka mamatay sa palo” hirit niya at napasimangot si Benjoe.

“Bakit ganon ba kaimportante ang pera sa iyo anak?” tanong ni Antonio. “Hindi naman po, pero madami lang ako namiss habang lumalaki. Hanggang tingin nalang ako sa iba. Ni wala pa nga akong cellphone e. Sila nakikinig sa mga ipod, ako sa lumang radio parin. Nadadala nila ipod nila sa school o kahit saan, ako di ko madala yung radio pagkat nakakahiya”

“Hanggang fishball ko nalang natreat mga kaibigan ko. Yun lang kaya ko sa allowance na nakukuha ko e. Ilang birthday ko na ang lumipas at laging sina Art ang naghahanda para sa akin. Sobra na ako nahihiya dad. Parang may limitasyon ang buhay ko, hanggang sa isang sulok nalang ako palagi pagkat pag humakbang ako kailangan ko na ng pera sa mundo ng buhay. Pero ayos lang naman dad, nakakayanan ko pa naman” drama ng binata.

Nakayuko si Antonio at nakita ni Benjoe na tumulo ang luha niya. “Naawa ka na ba? Bibigyan mo ako pera?” tanong ng binata. “Hindi ako naawa, demonyo ako remember” sabi ni Antonio sabay nilayo ang tingin niya pero may kirot sa kanyang dibdib. “E bakit ka umiiyak?” tanong ng binata. “Napuling ako” bulong ng ama niya. “Palusot!” sigaw ng binata sabay tawa. Humarap sa kanya ang ama niya at muling namula ang mga mata nito. “Opo napuling kayo, mahangin po kasi dito, lakas ng aircon” bigkas ni Benjoe sabay yumuko sa takot.

Niyakap bigla ni Antonio ang anak niya. Nanigas konti si Benjoe pagkat di siya sanay pero napasandal din siya sa kanyang ama. “Naiyak ako kasi you called me dad” bulong ni Antonio. “Hindi ba totoo?” tanong ni Benjoe. “Totoo Saturnino, ako ang ama mo” bulong ng ama niya. “Benjoe pangalan ko” sabi ng binata. “Saturnino ang binigay namin na pangalan mo anak. Kinailangan lang palitan ni Tasyo pero ipapaliwanag ko lahat” sabi ng tatay niya.

“So dad, bukas you mean to say I will be a demon?” tanong ni Benjoe. “Yes that is right” sagot ng tatay niya. “I will have powers?” hirit ng binata. “Yes, you might be even more powerful than me pag nahasa powers mo” sagot ni Antonio at napangisi ang anak niya. “So mababawian ko na ang lahat ng umapi sa akin? Lahat ng nanliit sa akin? Lahat ng nakagawa ng masama sa akin at sa mga kaibigan ko?” tanong niya. “Yesssss!!!” sagot sa tuwa ni Antonio pero biglang napasimangot.

“Hmmm…pero that would be bad dad. Kahit na demonyo ako di ko ata kaya gawin yon” bulong ng binata at napangiti ng malaki si Antonio at napatingin sa binatana. “You grew up well anak. Now sleep, and I will see you tomorrow” bulong ng ama niya sabay hinaplos ang mata ng binata sabay hinalikan sa noo at bigla silang nawala.

Nagising si Benjoe, nagulat siya pagkat nandon na siya sa kanyang kwarto sa condo. Pagtingin niya sa relo niya alas dose ng hating gabi. Natawa siya pagkat akala niya panaginip lang lahat pero biglang sumulpot sa harapan niya ang kanyang ama. Napasigaw yung binata na parang babae pero mabilis tinakpan ng ama niya ang kanyang bibig.

“Happy birthday anak. Go back to sleep now. See you in the morning” bulong ng ama niya.





Chapter 1: Benjoe

Ang sinag ng araw tumama sa kanyang mukha, minulat dahan dahan ni Benjoe ang kanyang mga mata at maingat siyang nag inat. “Happy Birthday to me” bigkas niya at narinig niya umikot ang door knob kaya agad niya pinikit ang kanyang mga mata at nagtulog tulogan. Narinig niya ang mga yapak na papalapit sa kanyang kama, nakilala niya ang amoy na pamilyar kaya alam niya si Kate yon.

“Happy Birthday bestfriend” narinig niyang binulong ng dalaga sabay naramdaman niya na may malambot na mga labi humalik sa mga labi niya. Binuksan niya agad ang kanyang mga mata at napangiti yung dalaga sa kanya. “Birthday gift ko sa iyo yon ha” sabi ni Kate. “The best gift bestfriend…first kiss ko yon” sabi ni Benjoe at nagulat yung dalaga. “Hala! Sorry ha. You mean to say you have not kissed Maya yet?” tanong ng dalaga at dahan dahan bumangon si Benjoe at huminga ng malalim.

“At sa tingin mo ba may pag asa ako sa kanya? Just look at me bestfriend” sabi ng binata at nakisiksik si Kate sa tabi niya. “Ikaw talaga masyado kang conceited e. You are such a good guy Benjoe. Hay, if only I was not with Art then for sure ikaw ang gusto ko maging boyfriend” sabi ng dalaga at napangiti si Benjoe. “Break up with him then” banat ng binata at natawa si Kate. “If it was that easy I would pero I really love him” sagot niya.

“Even if he does not treat you right most of the time?” tanong ni Benjoe. Napangiti si Kate at tinignan ang bestfriend niya. “I know, kaya minsan talaga parang ikaw yung boyfriend ko e because…hay ayaw ko pag usapan ito. Can we just focus on the fact na birthday mo today?” sabi ng dalaga. “Sorry ha and thank you for the wonderful gift you just gave me” sabi ni Benjoe at bigla siya niyakap ng dalaga. “Hindi Benjoe, thank you for always being there for me. I really love Art so please as I give him a chance to change promise me you will still be there” bulong ng dalaga. “Oo naman bes, always” sagot ni Benjoe sabay napayakap narin kay Kate.

Wala sila pasok pagkat Sunday kaya pagkatapos naligo ni Benjoe ay nanood muna yung tatlo ng isang DVD movie habang inaantay ang pagdating ng mga magulang ni Art. Halos hindi makapanood ang binata pagkat nahihiya na talaga siya pagkat tuwing kaarawan niya ang pamilya ni Art ang gumagastos para sa kanya. May kumatok sa pinto kaya agad niya niyuko ulo niya habang si Kate pumunta para tignan kung sino mga yon.

“Tita! Tito!” sigaw ni Kate at lalo nang nahiya si Benjoe. “Nasan na yung birthday boy?” tanong ni Alfredo na tatay ni Art. Tumayo si Benjoe at lumapit sa dalawang matanda habang si Art nanatili sa sofa at tinuloy ang pinapanood niya. “Hello po tito at tita” sabi ng binata at agad siya niyakap ni Julie na nanay ni Art. “Happy birthday anak, saan mo gusto kumain ngayon?” sabi ng matandang babae.

“Ah excuse me po, nandyan po ba si mister Benjoe Perez?” sabi ng isang binata na nakatayo sa may pinto. Lahat napatingin sa kanya habang tinaas ni Benjoe ang kamay niya. “Ah ako yon. Ano yon?” sabi niya. “Sir good morning po at happy birthday. Nandito po ako para sunduin kayo lahat. Kung ready na po kayo nag aantay po yung sasakyan sa baba” sabi ng binata. Napanganga si Benjoe at agad napatingin sa mga magulang ni Art. “Tito, tita, ano po ito?” tanong niya.

“Alfredo, did you do this?” tanong ni Julie. “Of course not. Iho ano ibig mo sabihin na susunduin mo kami?” tanong ng matandang lalake sa binata. “Sir para po sa party ni sir Benjoe” sagot ng binata. Tumayo si Art at tinignan ang mga magulang niya, “Ma, pa, umamin na kayo no” sabi niya. “Oh no, we don’t know anything about this. Wait, is this a prank?” tanong ni Julie.

“No madam, if you are ready I will be waiting for all of you downstair by the car” sagot ng binata sabay nauna na. Tumakbo si Kate papunta sa bintana at sumilip. “Wow! May dalawang itim na SUV sa baba! Tita bago ba kotse niyo…ay ayon pala yung chedeng niyo” sabi ni Kate kaya lahat napapunta sa may bintana.

Nakita nila yung dalawang SUV na itim at yung binata na may kausap sa phone niya. “Who are they?” tanong ni Art. “Well there is no harm in trying pero let me check their license plates” sabi ni Alfredo at nilabas niya ang phone niya. Nakita ng lahat na lumabas ang kanilang driver para pasimpleng kunin ang license plate numbers nung dalawang SUV.

Pagkatapos ng ilang minuto nagring ang phone ni Alfredo at agad niya sinagot. “Aha, I see. Okay salamat” sabi niya sabay tago ng phone niya. “Those SUV belong to a five star hotel and sabi nila para daw sa pag pick up ng guests for Benjoe’s party” sabi niya at nagulat ang lahat at napatingin sa binata.

“Ha? My party? Wag naman nap o kayo magbibiro. Kung kayo po talaga may surprise niyan sabihin niyo na po kasi nahihiya na talaga ako. Sobra na po gastos niyo para sa akin” sabi ni Benjoe. “Iho trust me wala kami kinalaman dito” sabi ni Julie. “Oh what the heck, party daw e di lets go. Verified naman pala na it belongs to a hotel and there is a party for Benjoe Perez. Don’t tell me there are lots of Benjoe Perez, tapos dito pa talaga pumunta sa apartment” sabi ni Art.

“Tutal bihis na kayo then lets go” sabi ni Alfredo kaya lahat sila lumabas ng condo at nagtungo sa dalawang SUV na nakaparada sa labas. Pumasok na sila lahat pero muling lumabas si Benjoe at tumakbo para tawagin ang driver ng pamilya ni Art. Pinilit niya ito sumama at hindi makatanggi yung matandang driver pagkat talagang binuhat siya ng binata. Tawa ng tawa si Kate sa loob ng SUV, tinignan niya si Art sabay ngumiti, “You should be more like him you know” sabi ng dalaga. “E di siya nalang boyfriend mo” sumbat ni Art at nalungkot ang dalaga kaya muli tinignan si Benjoe na pinipilit pumasok yung driver sa kabilang SUV.

Nakarating sila sa isang tanyag na five star hotel, nanginig pa si Benjoe habang papasok pagkat first time niya makapasok sa ganon na lugar. Kumapit si Kate sa kamay niya kaya kumampante ang loob niya. May isang babae na lumapit sa kanila at dinala sila sa doon sa party area.

Pagbukas ng main door nagulat si Benjoe pagkat ang daming tao sa loob. Namumukaan niya ang mga kaklase niya at mga barkada ni Art pero yung iba hindi na niya kilala. “Wow so many tables and so many food” bigkas ni Art. “Benjoe nanalo ka ba sa lotto?” tanong ni Kate at napakamot ang binata. “How I wish pero how did this happen?” tanong niya. “Sus tara na, libre naman e. Lets just enjoy your party hayaan mo na sino nagset basta libre” sabi ni Art at hinila ang bespren niya.

Sa center table sila dinala nung babae, pagkaupo nila agad nagkatahan ang lahat ng tao. Napatayo si Benjoe at talagang naiiyak pagkat hindi talaga niya inaasahan ang ganito. “Ben ayun pala o lolo mo” bulong ni Kate sabay turo sa isang gilid. Natuwa si Benjoe nang makita ang lolo niya at buong pamilya niya. Lalapit na sana yung binata sa kanila pero nakita niya si Tasyo na pasimpleng nagtuturo. Sinundan niya ang kamay ng lolo niya at doon sa isang sulok ng ng room nakita niya ang kanyang tatay na nakadamit waiter.

Ngumisi si Antonio sabay binigyan ang anak niya ng thumb up sign. Talagang naluha si Benjoe at agad siya inabutan ni Kate ng panyo. “Aw naiiyak si bespren” sabi ng dalaga. “Grabe this is too much” bigkas ng binata sabay upo.

Nagsimula pumila ang lahat sa may buffet table, tatayo narin sana si Benjoe pero biglang may humawak sa mga balikat niya. “Happy birthday sir, you don’t have to stand and line up. Your food will be brought to you shortly” sabi ni Antonio. Natuwa naman si Art at mga magulang niya pero si Benjoe agad tumalikod at hinawakan ang kamay ng tatay niya. “Dad thank you” bigkas niya at nagulat ang lahat ng kasama nya sa lamesa.

Tinapik ni Antonio ang kanyang noo, nag snap siya at biglang nanigas ang lahat ng tao sa buong kwarto maliban sa kanilang dalawa. “Oh wow” bigkas ni Benjoe at nabilib sa kapangyarihan ng ama niya. “Don’t call me dad in public. Alam nila lahat na dedo na kami diba? So stick to that story” sabi ng tatay niya.

“Pero dad, gusto ko kayo na makilala nila. They are like family to me already” sabi ni Benjoe. “I know anak pero ano sa tingin mo sasabihin nila? Na pinabayaan ka namin?” sabi ni Antonio. “E totoo naman diba?” hirit ng binata at nagbaga ang mga mata ng ama niya. “Don’t you say that ever again Saturnino!” sigaw ni Antonio sa napakalalim na boses kaya nanginig ang binata. “Sorry dad, I just wanted them to get to know you” bulong ni Benjoe.

“Anak, I understand you. Pero just stick to the story. Mamaya pagkatapos nito magbonding time tayo. For now just enjoy your party. Don’t feel sad already like your other birthdays na sila naglilibre sa iyo. Oo alam ko every birthday mo hindi ka nag eenjoy kasi nangingibabaw yung hiya. Starting from now you will never feel that again I promise you” bulong ng tatay niya at muling napapaluha ang binata. “So bibigyan mo na talaga ako ng madaming pera?” drama ni Benjoe at muling nagsnap ng daliri si Antonio sabay ngisi.

Ang mga bulsa ni Benjoe biglang napupuno, napaluhod na siya pagkat di na niya nakayanan ng bigat ng dami ng coins sa kanyang mga bulsa. “Dad naman e!” sigaw niya at tumawa ng malakas si Antonio. “O ayan makuntento ka na diyan” sabi niya. Dumukot si Benjoe ng isa mula sa bulsa niya, napakamot nanaman siya pagkat panay makalumang pera ng bansa ang mga yon. “Dad naman!!! Hindi ko magagastos ito e!” reklamo niya. “Oy excuse me! Collectibles yan no. Madami kaya ang gusto bumili ng mga old coins. Akala mo madali kumita ng pera. Ayan I gave you money worth millions of pesos tapos nagrereklamo ka? Di wag!” paliwanag ng kanyang ama sabay snap.

Nawala ang mga laman ng bulsa ni Benjoe at muli siya nagreklamo. “Okay lang dad” sabi ng binata sabay tumayo. “Sanay na ako sa wala. Pero dad maraming salamat dito sa party na ito, how I wish you could seat by my side on my birthday but I also understand your reason. So dad thank you” sabi ng binata at muling napapaluha ang kanyang ama. “Terible ang aircon dito masyado malakas pati yung mga small things nililipad tignan mo napuling nanaman ako…oh wait…they heard you say dad” sabi ni Antionio kaya isa isa niya nilapitan ang mga kasama ni Benjoe sa lamesa at pinagtuturo ang mga noo nila.

“What are you doing?” tanong ng binata. “Erasing their memory” sagot ng tatay niya. “Wow! So pati ako kaya ko magfreeze ng lahat ng tao tapos mag erase ng memory?” tanong ni Benjoe at ngumisi ang ama niya. “Yessss…kung tuturuan kita” landi ni Antonio sabay tawa. “Kailan?” tanong agad ng anak niya at nagulat ang demonyo. “Ohoho kahapon ayaw pa tanggapin demonyo siya, ngayon atat matuto hohoho. I will teach you later but for now just enjoy your party anak” sagot ni Antonio.

“Kahit wala sa oras, alas diyes palang ng umaga” bulong ni Benjoe at napakamot ang tatay niya. “Sabi nga niya maaga dapat nakinig ako” bigkas ni Antonio. “Sino nagsabi?” tanong ng binata. “Ah wala, yung parang consultant ko, oh well sorry anak. Alam ko dapat lunch time or gabi. I am a failure as a father” drama ni Antonio at bigla sila nagtawanan na mag ama.

“Salamat dad ha” sabi ni Benjoe. “Of course you are my only son, nakita mo naman all your friends are here, kahit hindi mo friend inimbitahan ko na hohohohoho. So just enjoy” sabi ng ama niya pero nagsimangot yung binata. “She is not here” bulong niya at tinapik ni Antonio ang kanyang noo. “Sabi ko na nga ba may kulang e!!!” sigaw ng demonyo at tumindi ang pagbabaga ng mata niya at dumagundong ang sahid dahil sa pagdadabog niya. Natawa si Benjoe at niyakap ang kanyang tatay. “Hey dad chill ka lang. Its okay, we can go bring her food later” sabi niya. “Yes yes yes ako bahala anak, sorry talaga. Enjoy here at may pupuntahan lang ako saglit, kasi yung listahan na binigay sa akin kulang!!!” sabi ng ama niya sabay snap ng daliri at lahat ng tao nakagalaw ulit.

Parang walang nangyari, lahat tinutuloy lang ang kanilang mga galaw. “Hoy Benjoe bakit ka nakatayo at nag acting na may kayakap?” tanong ni Art at biglang natauhan yung binata at tumawa. “Ha? Kunwari yumayakap ako at nagpapasalamat sa kung sino man yung nagpaparty” banat niya at nagtawanan ang lahat.

Sobrang saya ni Benjoe pagkat nakikita niya lahat ng dumalo ay nasarapan sa pagkain. Nagkatawanan sila, nagkantahan at nagkabiruan, at sa unang beses sa kanyang buhay talagang naenjoy niya ang kanyang party pagkat alam niya tatay niya ang naghanda para sa kanya.

Pagsapit ng ala una ay nagsiuwian na ang mga bisita. Hinatid narin sina Kate, Art at kanyang magulang sa kanilang condo habang si Benjoe nagpaiwan. Habang nag aantay sa harapan ng hotel may isang malaking delivery van ang huminto sa harapan niya. “Halika na sakay na” sabi ni Antonio at nagulat yung binata. “Saan tayo pupunta? At ano laman ng van?” tanong niya.

“Pupuntahan natin siya diba? At sabi mo dadalhan natin ng pagkain so eto van na puno ng pagkain” sabi ng tatay niya. “Daddy naman! Parang magbibigay tayo ng relief goods naman e. Di naman ganon e, gusto ko lang sana siya dalhan ng food galing sa party” paliwanag ng binata. “Oo nga eto nga puno ng food galing sa party, dalian mo habang mainit init pa” pilit ng tatay niya. “Dad! Nililigawan ko yon! Tatawanan ako non for sure or maiinsulto. Grabe may kaya sila dad tapos pupunta tayo don ganyan karami dala e di naman sila nasalanta ng delubyo” hirit ni Benjoe.

“Ang hina mo talaga anak! Kaya di ka niya sinasagot e. Eto na nga chance mo magpaimpress o. Well if you don’t like then hop in tapos itapon natin itong pagkain” sabi ni Antonio. “No! I have a better idea. Konti lang kukunin natin tamang tama for her family then the rest we give it to charity” sabi ni Benjoe sabay pumasok sa van. “Sino si Charity?” tanong ni Antonio at tumaas ang kilay ng anak niya. “Oo na nagpapatawa lang ako. Hay naku dalawang demonyo magbibigay ng pagkain sa charity, kumusta naman yon?” bulong ng ama niya at biglang natawa si Benjoe. “Dad its for a good cause naman pero tama ka nakakatawa nga, imagine two demons giving to charity when we should be taking from them” sabi ng binata at bigla sila nag laughing trip ng tatay niya.

Isang oras sila nagtagal sa bahay ampunan, sobrang sarap ng pakiramdam ni Benjoe nung sila ay paalis. “It feels so good giving to charity” bigkas niya habang si Antonio nakasimangot lang at buhat buhat ang pagkain para sa nililigawan ng anak niya. “I can see my halo halo halo halo…horns…halo halo halo” kanta ni Antonio at sumabog nanaman sa tawa ang binata. “Patawa ka pala dad?” sabi niya. “Ahem at namana mo naman ata diba?” pasikat ng tatay niya. “Well akala ko nadevelop ko lang yung talent na yon dahil sa hirap ko sa buhay kaya pinapasaya ko nalang sarili ko” sabi ni Benjoe.

“Oy kahit demonyo ako may namamana ka din naman sa akin no” sabi ni Antonio. “Hmmm…so ano naman ang namana ko sa nanay ko?” tanong ng binata at biglang tumahimik ang ama niya. “May van naman bakit kasi maglalakad pa tayo?” reklamo ng tatay niya. “Dad this is bonding and she just leaves near by naman. Oh look at that park dad, diyan ako lagi tumatambay lalo na pag natotorpe ako bisitahin siya” kwento ng binata. “Anak that is what you call stalking” sabi ng tatay niya. “Oo alam ko kasi pag pangit tawag stalking, pero pag gwapo secret admirer” bigkas ni Benjoe at napatingin ang demonyo sa kanya.

“At ano naman ang ginagawa mo diyan sa park? Naglalaro sa kiddy area?” banat ni Antonio. “No, I do play chess with the old people no. Teka baka nandyan yung lagi kong kalaro na matanda…ay wala ata siya ngayon ah” sabi ni Benjoe kaya tuloy ang lakad nila. Limang minuto pa at nakarating narin sila sa bahay ng kanyang nililigawan. Inabot ni Antonio ang pagkain sa anak niya sabay tumalikod.

“O dad di ka sasama?” tanong ng binata. “Ano ba sadya mo dito? Mamanhikan na ba tayo?” tanong ni Antonio. “Hindi po, bibisita lang” sabi ni Benjoe. “So hindi ako kailangan diyan pag mamanhikan ka na saka na ako sasama. Good luck anak” sagot ng tatay niya sabay naglakad palayo.

Huminga ng malalim si Benjoe sabay pumindot sa doorbell botton sa gate. Ilang segundo lang nagbukas ang pinto at isang magandang mestisang dalaga ang lumabas. “Uy Benjoe!!!” sigaw ng dalaga at medaling tumakbo papunta sa gate. Nagulat yung dalaga nung makita may dalang pagkain yung binata. “Hala bakit ka nagdala?” tanong ni Maya. “Ah kasi may party kanina at naisip kita” sagot ng binata.

Napangiti yung dalaga pero agad napasimangot, “Ben may bisita kasi ako” sabi ni Maya at napayuko konti si Benjoe pagkat kumirot muli ang kanyang puso. “Yeah its okay, kunin mo nalang to” sabi niya. “Kuyaaaaa!!!” sigaw ng isang batang babae na nakatayo sa may pinto. “Hello Mina” bait ni Benjoe at yumakap ang bata sa pinto at nagsimangot. “Di ka na nagvivisit dito” tampo ni Mina at napakamot ang binata.

Huminga ng malalim si Benjoe at tinignan si Maya. “Pwede ba pumasok?” tanong niya. “Okay lang sa iyo na may bisita ako?” sagot ng dalaga. “Lagi naman diba? Biro lang, makikipaglaro lang ako kay Mina para di na magtampo, pakainin ko narin kasi may fried chicken dito at favorite niya” sabi ni Benjoe. “Are you sure okay lang?” hirit ng dalaga. “Ganito naman lagi diba?” sagot ng binata kaya parang nahiya si Maya at pinapasok siya.

Pagkapasok ni Benjoe sa pinto agad nagpakarga si Mina sa kanya. Hindi na niya tinignan sino yung bisita ni Maya at dumiretso nalang sila sa may kusina. “Uy Benjoe..” bigkas ng dalaga. “Sige okay lang ako na bahala dito kay Mina. Attend to your suitor nalang” sabi ng binata habang inaayos niya yung pagkain sa lamesa. Pagkaalis ni Maya ay kinurot ni Mina ang pisngi ni Benjoe. “Kuya tagal mo na di punta dito wala na ako kalaro” sabi ng bata.

“Madami naman bisita ate mo ha bakit di ka makipaglaro sa kanila?” sagot ng binata at natawa pa yung kasambahay nila. “Ako na diyan Benjoe” sabi ni Insyang “Okay lang ate ako na. Kukuha lang ako ng pagkain ni Mina at doon nalang kami sa likod maglalaro as usual” sabi ng binata. “Chicken!!!” sigaw ni Mina at pupulot na sana pero tinignan siya ni Benjoe. “Sorry kuya. Wash hands muna tayo” sabi ng bata.

Sa likod ng bahay naupo si Benjoe at kandong niya si Mina. Enjoy na enjoy yung bata na kumakain ng manok habang nakatingala lang sa langit yung binata. “Sana lagi ka punta dito kuya” sabi ng batang babae. “Kung boyfriend ako ng ate mo lagi ako dito” sagot ng binata. “E di kaw nalang boypren niya” sumbat ni Mina at natawa ang binata. “Hindi ako gusto ng ate mo” sabi ni Benjoe.

“Gusto!” sigaw ni Mina. “Hindi!” bawi ng binata sabay kiniliti ang bata. “Gusto!” kulit ni Mina at napasandal si Benjoe at ngumiti. “Sana pero hindi naman. Mina chew your food” sabi niya. Ngumuya ng maayos ang bata sabay sinubo naman ang manok sa bibig ng binata. Si Maya palabas na sana ng pinto para makasama sila pero biglang napatigil.

“Kuya kahit di ka boypren ni ate punta ka parin dito para may kalaro ako” sabi ni Mina. Matagal di sumagot si Benjoe, si Maya nagtago sa likod ng pinto at nakinig. “Hay Mina, ayos lang sana pero masakit e” bigkas ng binata. “Bakit masakit?” tanong ng bata. “Mahal ko kasi ate mo e pero lagi ako minamalas. Lagi nalang pag dadalaw ako may nauna na pala kaya ikaw nalang kinakalaro ko para kahit papano ay nakikita ko parin siya kahit na masakit” sabi ni Benjoe at tinignan siya ng bata at walang naintindihan.

“Ayaw mo lang ako kalaro” tampo ni Mina. “Hindi…sige para sa iyo pupunta ako lagi dito para maglaro tayo” sabi ng binata. “Kahit masakit?” tanong ng bata. “Hayaan mo nasasanay naman na ako e at siguro wala naman talaga ako pag asa sa ate mo kaya ikaw nalang ang dadalawin ko dito” sabi ni Benjoe at natuwa yung batang babae. “Ikaw nalang boypren ko kuya” lambing ng bata at talagang natawa ang binata. Napahawak si Maya sa pinto at sinandal ang kanyang ulo, naglakas loob siya at lumabas.

Hinila niya yung isang monoblock sabay nakitabi sa binata at sinubuan naman siya ni Mina ng manok. “Sarap naman nito, saan party ka ba nanggaling?” tanong ni Maya. “Okay lang na nandito ka? Baka magtampo manliligaw mo” sagot ni Benjoe. “Pinaalis ko na, sarap talaga nito ha” sagot ng dalaga. “Ate naman akin yan e! Kagat ka lang wag mo ubos kasi!” sigaw ni Maya at nagkatawanan sila.

“Madami pa doon sa loob Mina, wag ka maging selfish dapat lagi ka magshare” sabi ni Benjoe kaya binigay ng batang babae ang manok sa ate niya. “Oh shoot!” biglang bigkas ni Maya at parang nanigas. “O why?” tanong ni Benjoe pero biglang lumapit ang dalaga sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Happy Birthday” bulong niya. Lumukso ang puso ni Benjoe at di makapaniwala, tumayo din si Mina sa lap niya at hinalikan siya sa kaiblang pisngi. “Happy birthday kuya” sabi ng bata.

“How did you know my birthday?” tanong ni Benjoe at ngumiti lang yung dalaga sa kanya sabay kumagat sa manok. “Basta alam ko” sabi ni Maya kaya sobrang saya ng kanyang puso sa mga sandaling yon. Tumayo si Maya at tinignan yung kapatid niya, “Bantayan mo si kuya ha, wag mo siya papauwiin, dito siya kakain at lulutuan ko siya” sabi ni Maya.

“Hala wag na” sabi ni Benjoe at tumaas ang kilay ng dalaga. “Wag ka na umangal birthday mo” sabi niya sabay pumasok sa loob. Lumabas si Insyang na may dala pang manok. “Ngayon lang magluluto yan para sa isang lalake” bulong niya sabay kinurot si Benjoe. Halos sumakit na ang mukha ng binata sa napakalaking ngiti niya, huminga siya ng malalim at ang simoy ng hanging parang napakatamis bigla.

Samantala sa may park, naupo si Antonio sa harap ng isang cemented chess table. May lumapit na matandang lalake sa kanya at agad nila inayos ang mga piyesa ng chess. “Nice cover, gumagaling ka na talaga” sabi ni Antonio. “You taught me well” sagot ng matanda at nagsimula na sila maglaro.

“Di ba dapat matandang babae ang form mo kasi babae ka” sabi ng tatay ni Benjoe sabay ginalaw ang piyesa niya. “At sa tingin mo ba kabilib bilib na may matandang babae na naglalaro ng chess?” sumbat ng matandang lalake at nagtawanan sila. “By the way I told you na magpapatalo ka lagi sa kanya sa chess para may pera siya diba?” sabi ni Antonio.

“Hindi ko talaga siya matalo talo kahit ano gawin ko” sagot ng matanda. “O bakit wala siyang pera? Saan napupunta yung panalo niya na pusta?” tanong ni Antonio. “Ayaw niya tanggapin” sagot ng matanda. “what do you mean ayaw niya tanggapin? Wala pera anak ko, pupunta siya dito para sumugal tapos sasabihin mo sa akin na lagi siya nananalo sa iyo pero ayaw niya kunin panalo niya?” pagalit na sabi ng demonyo.

“E sa ayaw nga niya tanggapin e. Kahit sino kapusta niya dito lagi siya nanalo pero ayaw niya kunin yung pera. Don’t blame me kasi pinipilit ko naman ibigay sa kanya pero ayaw talaga niya. Kahit magtanong ka sa ibang mga matatanda dito” sumbat ng matanda at napakamot ang demonyo.

Tinuloy nila ang kanilang laro, seryoso yung dalawa kaya hindi sila nagkikibuan. Nakalamang si Antonio kaya bigla siya tumawa, “Checkmate” sabi ng kalaro niya at napatayo siya sa gulat. “Ha? Imposible! Tinalo mo ako? Tsamba, lets play again” sabi ng demonyo at tawa ng tawa yung matandang kalaro niya.

Nakailang laro sila at laging talo si Antonio kaya niyuko niya ulo niya sabay ngumisi. “Dati hindi mo ako matalo talo nung bata ka Ayesha” bigkas niya. “Don’t call me by that name baka may makarinig. Kilala ako dito bilang Erning” sabi ng matanda. “Whatever, pero gumaling ka na sa chess ha” sabi ng demonyo. “Oo alam ko pero malungkot ako pagkat hindi ganyan ang inaasahan kong reaksyon mo, gusto kita magalit dahil natalo kita” sagot ni Erning at biglang tumawa si Antonio ng malakas.

“Bakit ako malulungkot e di mo matalo ang anak ko bwahahahahaha…bleh!” banat niya sabay dilat. Napasimangot si Erning at nag inat. “Kung di tayo kikilos ng mabilis baka di mo makakapiling ng matagal ang anak mo” sabi ng matanda at napasimangot si Antonio. “Oo alam ko, mukhang mahihirapan tayo sa kanya pero kanina natuwa ako pagkat willing siya matuto at parang tanggap niya na demonyo din siya tulad natin” sagot niya.

“Nasabi mo na ba sa kanya ang buong kwento? Alam ba niya ang pinapasa mo sa kanyang katungkulan?” tanong ni Erning at huminga ng malalim si Antonio. “Hindi pa at mukhang magiging problema yon. Di ko siya pwede biglain” sabi niya. “Di pwede biglain? Alam mo bang ilang bahay ampunan ang kanilang pinasok para hanapin siya? Ang dami nilang pinakalat na demonyo and for eighteen years bigo sila pero pinaghandaan nila ang sandaling ito at balita ko tagumpay ang kanilang eksperimento” sabi ni Erning.

“Anong eksperimento?” tanong ni Antonio. “For eighteen years sumubok sila gumawa ng demonyo na ipangtatapat sa anak mo…balita ko tagumpay sila at mukhang mas makapangyarihan pa siya kesa sa iyo” balita ng matanda at napataas ang dalawang kilay ng demonyo. “So ang tanong ko how are you na mas malakas nga itong anak mo kesa sa iyo?” hirit ng matanda.

“Call him by his name, sigurado ako mas malakas sa akin si Saturnino. Nararamdaman ko kapangyarihan niya na gustong lumabas sa katawan niya. Alam ko naramdaman mo din ito habang binabantayan mo siya diba?” sabi ng demonyo. “May time na akala ko ikaw siya, pero that time galit na galit siya kay Art pagkat napagbuhat niya ng kamay si Kate. Napatapon ako ng malayo by his mere anger” kwento ni Erning.

Napangiti si Antonio at pumalakpak, “You see I told you, and take note he was not even eighteen at that time. So imagine now na nasa tamang edad siya at bukas na ang tunay niyang kapangyarihan” pabida ng demonyo. “Oo alam ko pero ang problema mo ay kung tatanggapin niya itong lahat. Hindi lalabas ang tunay niyang kapangyarihan kapag hindi niya tinatanggap kung sino talaga siya” sabi ng matanda.

“Oo alam ko wag mo na ipaalala. Siguro kaya ko pa naman e” sabi ni Antonio. “Wag ka ganyan! Nung huling beses na nahanap ka nila muntik ka na namatay! Hindi ko alam ano o sino lumigtas sa iyo pero nagpapasalamat ako. Pag nawala ka at hindi papalit si Saturnino sa tungkulin mo magugunaw ang Pilipinas!” sermon ni Erning.

“Maghahari sila at maghahasik ng lagim. Wala nang pagtitirhan ang mga Pilipino. Pag nakita ng ibang mga bansa ang nangyari dito gagaya din sila at di magtatagal wala nang matitira sa mundo” bulong ng matanda at napangiti si Antonio at tumawa. “Nung bata ka nakita ko na matapang ka, kaya tinuruan kita. Hindi ka ganyan dati Ayesha, mukhang naimpluwensyahan ka ng kabaitan ng anak ko” sabi niya.

Sumimangot yung matanda at napatingin sa paligid. “Gusto ko mamuhay bilang normal na tao. Yun lang naman habol ko” sabi ni Erning. “Kaya wag kang mawawalan ng pag asa. Magtiwala ka kay Saturnino…anyway moving on. Ang hirap mo hagilapin, kanina pa kita umaga hinahanap” sabi ni Antonio.

“Alam ko, sorry busy din ako na nag eespiya sa kabila. Hindi madali itong trabaho ko” sagot ng matanda. “Oo nga salamat sa pagbabantay sa anak ko…pero Ayesha…bakit hindi mo sinama sa listahan si Maya?” biglang tanong ng demonyo.

Tumayo si Erning at tumalikod, “Pag may kailangan ka ipagawa saka mo nalang ako tawagin. Busy ako ngayon” sabi niya at tumawa ng malakas si Antonio. “Maya!” bigkas niya at napatigil si Erning at tumigas ang kanyang mga kamao.

“Maaaayaaaaa” landi pa ni Antonio at humarap si Erning sa kanya at nagbaba ang mga mata. “Bwahahahahahahaha buking ka na Ayesha” tukso ng demonyo. “Whatever” bigkas ni Erning sabay tuluyan nang lumayo.



SALAMANGKA: ANG TAGAPAGMANA
46 CHAPTERS, 567 PAGES
DARK FANTASY LOVE STORY (WHOLESOME)
EBOOK PDF FORMAT
PRICE: 350 PESOS


FOR SERIOUS BUYERS YOU MAY JOIN HERE


ALSO AVAILABLE

NEYBOR E-BOOK