TWINKLE TWINKLE
By Paulito
By Paulito
Ilang daang taon na tinamasa ng kaharian ng Plurklandia ang kapayapaan. Dito masayang namumuhay ang mga tao at mga ibang nilalang na akala ng iba na gawa lang ng imahinasyon.
Habang ang ibang bahagi ng mundo ay namumuhay sa makabagong sibilisasyon, sa Plurklandia masaya ang lahat sa makalumang sistema ng buhay. Masagana ang lupain dito sa kaharian, ang ginto ay mahahanap mo kahit saan kasama narin ang mga mamahaling bato na nais makuha ng kahit sino mang tao. Madaming hayop, madaming taniman ng gulay para sa pagkain. Marunong din gumawa angg mga tao ng tinapay at masasarap na pagkain na naaral nila mula sa ibat ibang bansa sa mundo. Dito sa Plurklandia bale wala lahat ito sa kanila basta araw araw masaya ang lahat ayos na.
Para hindi masamantala ang kayamanan ng Plurklandia tagong tago ito, ang mga mamamayan ng kaharian ay maaring mamasyal sa ibang lugar sa mundo at nakakabalik ngunit walang hindi taga rito ang maaring tumapak sa kahariang ito.
Ngunit may nagbabadyang pagbabagong nagaganap, napansin ng lahat ang pagmamalupit ng hari at pagbabalik ng mga sundalong pandigma. Nag iikot ang mga tauhan ng hari upang huliin ang mga kalalakihan na maari nang lumaban at sinasanay niya ito. Tanging paliwanag ng hari ay naghahanda lang siya baka may ibang bansang sumuog sa kaharian nila.
Habang tumatagal napapansin ng mga tao at ibang nilalang na nag iiba narin ang ugali ng mga lalakeng nakukuha bilang sundalo. Nagkakaroon sila ng kakaibang kapangyarihan at madami sa kanila ang umaabuso. Nabalot ng takot ang lahat ng mamamayan, wala na sila magawa pagkat buong kaharian nasakop na ng mga kampon ng hari.
Lahat ng tao at ibang nilalang ginagawang alipin upang magtrabaho, at mga naani na pagkain at ginto lahat napupunta sa palasyo. Hindi malinaw ang hangarin ng hari. Madaming tao ang lumalaban pero di lang pala sundalo ang alas ng hari, pati ibang nilalang ng kadiliman hawak niya. Nabalot ang buong kaharian ng takot, tanging pag asa nila ay sana totoo ang alamat na pinasa sa kanila ng mga sinaunang mamamayan ng Pluklandia…
…ang mga disipulo ng Fredatoria
At dito magsisimula ang ating kwento….
(Abangan…malapit na)