sk6

Wednesday, December 23, 2009

M.P. Chapter 18: Ice Cold

M.P.

by Paul Diaz


Chapter 18: Ice Cold

Umaga sa classroom ay napakatamlay ni Monique at nakatitig lang sa labas ng bintana. “Sis, di ba sumasakit neck mo, buong period kang nakatingin diyan. Buti di ka napansin nung prof” sabi ni Rose pero di kumikibo ang dalaga.

“Nicka, uy sumagot ka naman. Ito naman parang nakipagbreak naman. Look here, he didn’t even court you diba? You like him and he liked you pero at least nalaman mo na ng maaga na meron na siya” hirit ni Rose at humarap si Monique at namamaga ang mga mata niya. “Gaga its not that easy” sagot ni ganda.

“Hala! Grabe ka naman iniiyakan mo yon?” tanong ni Rose. “Che, I really like him. I though he was different. I really really liked him sis” sabi ni Monique. “I know sis, pero look its better that way at least nakilala mo siya agad bago nag ibang level kayo. At least you were just friends diba? Mas matindi siguro iyak mo pag naging kayo talaga” sabi ni Rose.

“Hay Nicka, sabi ko kasi sa iyo e kay Tim ka nalang. He is perfect for you. Yang si Jayps hay naku ewan. Oo nakakabilib na matalino pala siya at lagi ka niya napapatawa pero look he is just like the others” sabi ni Rose. “Pero naintindihan ko, he chose that highschool girl who is prettier than me” sabi ni Monique. “Oo nga” sabi ni Rose at biglang nagalit si ganda. “Bwisit ka kakampihan mo pa yon” banat niya. “Hala nag agree lang ako sa iyo sis” paliwang ni Rose pero balik ang tingin ni Monique sa labas ng bintana.

Sumapit ang lunch break at biglang tumayo si Monique at lumabas ng classroom. “Saan tayo lunch sis?” tanong ni Rose. “Tara sa garden” sabi ni ganda at nagulat ang kaibigan niya. “What? Sira ka ba?” tanong ni Rose. “Don’t worry tanggap ko ang lahat” sabi ni Monique. “E bakit pa tayo pupunta don? You should avoid him already” sabi ni Rose. “No! I want him to feel the pain I am feeling” pagalit na sabi ni ganda.

Nagtungo ang dalawa sa hardin at masaya si Jp na makita si Monique. “May klase pa ba kayo? Balak namin pumunta sa mall e” sabi ni Jp. “Wala na, exams na e” sabi ni Rose. “Mall? I forgot my high school uniform” sagot ni Monique at nagtaka yung iba.

“Uniform?” tanong ni Jenna at ngumiti lang si Monique sa kanya. “Tara lets go, gusto ko kumain ng fried chicken” hirit ni ganda kaya nagpunta na silang lahat.

Sa mall, sa parehong resto sila pumasok, pinili pa ni Monique kung saan sila uupo at yung pwesto nina Jp noon ang napili niya. “Magandang spot to, feel ko ang good vibes” sabi ni Rose. “Oo nga, its so cozy here” dagdag ni Monique sabay sinandal niya ang ulo niya sa balikat ng kaibigan niya.

“Ano problema nila?” bulong ni Jenna kay Jp. “Ewan ko” sabi ng siga at umalis para pumila. Habang kumakain ay lumapit si Jp kay Monique at bumulong ito. “I missed you” sabi niya pero biglang tumingin si ganda sa kaibigan niya. “Sis diba diyan sa shop na yan yung dress na parang uniform” sabi ni Monique. “Ay oo diyan nga yung parang uniform” sagot ni Rose.

Inulit ni siga ang bulong niya pero di siya pinapansin ni ganda. Nang sumuko na siya at kumain ay tinignan siya ni Monique. “May sinasabi ka kanina?” tanong niya. “Ah wala” sagot ni Jp. Yumuko nalang si Jp sa hiya pero napansin yon ni Jenna. “Whats the problem?” tanong niya. “I don’t know, meron ba?” sumbat ni Monique. “Wala lets just eat” sabi ng siga.

After lunch naglakad lakad sila sa mall, tinabihan ni Jenna ang siga at siniko ito. “Ano ginawa mo?” bulong niya. “Wala naman” sagot ni Jp. “E bakit ganyan yan?” tanong ng dalaga. “I really don’t know” sabi ni Jp sabay huminga ng malalim. Napadaan sila sa isang store na nagbebenta ng tela, biglang pumasok si Jp sa loob at nagtawanan sina Rose at Monique.

“May nabibili bang gift diyan?” tanong ni Monique. “Baka magpapagawa ng UNIFORM” banat ni Rose. “Excuse me, whats with the uniform? Kanina niyo pa nababanggit e” tanong ni Jenna. “Ah wala naman, naalala lang namin ang HIGH SCHOOL days namin” sabi ni Monique. “May problema ba kayo ni Jayps?” hirit ni Jenna. “Ha? Wala ha. As in wala” sagot ni ganda pero si Jenna nagdududa.

Ilang minute pa lumabas si Jp at nakangiti ito, “Ano binili mo?” tanong ni Leo. “Basta, may project ako” sagot ng siga. “O san na tayo pupunta?” tanong ni Oliver. “Tara manood tayo ng movie” sabi ni Leo. “Ah sige kayo nalang, may lakad pa kami” sabi ni Rose. “San kayo pupunta?” tanong ni Jp kay ganda. “Ah we are going to meet with Timothy, we are going to his place” sabi ni Monique.

Parang nasupalpalan ang siga pero ngumiti nalang siya. “Okay have fun” sabi niya sabay inakbayan si Leo sabay naglakad sila palayo. Sumunod si Jenna at Oliver pero di naiwasan ng dalaga na irapan ang dalawang babae.

Biglang nagtawanan si Rose at Monique sabay naglakad narin palayo. “Nice one sis” sabi ni Rose. “Kulang pa yon, pero nakita mo reaksyon niya? Oh yeah he was hurt and he deserves it” sabi ni Monique. “Ano ok ka na ba?” tanong ni Rose. “Not yet, I am only starting” sabat ni ganda.

Di makausap ng matino si Jp kaya hinayaan nalang nila ito maglakad mag isa habang ang tatlong kaibigan niya nasa likuran niya. Nakalabas na sila ng mall pero sinusundan parin nila ang siga, halatang masama ang loob nito.

“Ano ba nangyari?” tanong ni Leo. “Aba malay ko. Tanong mo siya” sabi ni Jenna. “Badtrip siya e halata. Ano ba pinag awayan nila?” hirit ng bestfriend ng siga. “Sabi ko nga itanong mo siya e” sagot naman ng dalaga.

Trenta minutos na kalalakad at biglang tumigil si Jp sa tapat ng isang sastre. “Teka lang guys” sabi niya sabay pumasok sa loob. Nagtataka parin ang mga kaibigan kung bakit nalang ganon sila ni Monique. Sampung minuto lumipas ay nakalabas na si Jp at nagyaya nang umuwi.

“Pare okay ka lang ba?” tanong ni Leo. “Oo pare, balik nalang daw ako after two days” sagot ng siga. “Hindi pare what I mean is kayo ni Monique” sabi ni Leo. “I don’t know whats wrong pare. Maybe tomorrow will be different. Tara uwi na tayo mag aaral pa ako para bukas” sabi ng siga.

Dalawang araw ang lumipas malungkot ang siga pagkat di na niya nakikita si Monique pero biglang sumulpot ang dalaga at binate siya. “Hoy, musta ka?” tanong niya. “Okay lang, napadaan ka dito” sabi ni Jp. “Oo I was looking for Tim. Have you seen him?” tanong ni ganda. “No, try mo sa upper floors” sabi ni Jp sabay sinara ang locker niya.

“Ano laman ng bag mo? Parang madaming laman” tanong ni Monique. “My project” sagot ng siga. “Ah, wala ka na exam?” tanong ni ganda at napapansin ni Jp na nanunumbalik na ang pagkakaibigan nila. “Wala na, bukas last exam. Ikaw?” sagot niya.

“Wala na din. I am meeting Rose sa mall kakain kami. Gusto niyo sumama?” alok ni ganda. “Oo ba, tara daanan natin sila?” sabi ni Jp at nginitian siya ng dalaga.

Pagdating nila sa mall nakita nila si Rose at Tim. Agad lumapit si Monique sa binata at kumapit sa kamay nito. “Treat mo kami diba?” lambing ni ganda at todo ngiti naman si Tim. “Yeah sure tara kain tayo lahat” sagot niya.

Nagtinginan si Rose at Monique at pasimple sila ngumiti. Pumasok sila sa isang resto at naghanap agad ng lamesa. “Jayps samahan mo naman si Tim pumila” sabi ni Monique kaya sumama naman ang siga.

Pagbalik ng dalawang binata, dala na nila ang pagkain pero nakita nilang nagtatawanan ang iba sa mesa. Nakita ni Jp na bukas ang bag niya kaya nagmadali siyang nagtungo sa mesa at nakita niyang hawak hawak ni Monique ang pulang tela at tinatawanan ito.

“Ito ba yung project mo? Ano to kumot?” tanong niya. “Parang malaking cape ata sis e” banat ni Rose at nagtawanan sila. “Pare akala ko ba pinagawa mo sa sastre” sabi ni Leo. “Pinacut ko lang at pinalagyan ng letters” sagot ng siga at pilit inaagaw ang tela kay ganda.

“MP! May superhero ba ganito?” tanong ni Monique. “Mighty Pablo!” banat ni Leo at lalo sila nagtawanan. “Siga by day and superhero by night” sabi ni Jenna at hiyang hiya na talaga si Jp kaya pilit hinihila ang tela.

“Ah, baka naman Monique and Pablo” sabi ni Rose. “Ay di bagay, baka dapat H and P” sabi ni Monique. “Anong H?” tanong ni Oliver. “Ha? Wala lang” sagot ni ganda sabay nagngitian sila ni Rose.

“Maybe it should be MT” banat ni Tim. “I agree” sabi ni Rose. “Tama pero sa kanya ito pagawa ka din kaya Tim” sabi ni Monique at binitawan na niya ang tela. Nakuha ni J pang tela pero kinalkal pa ng dalaga ang bag niya at lalo ito natawa. “Oh look may karayom at sinulid pa o. Ano to homeroom project ng high school?” banat ni ganda at habang nagtatawanan ang lahat ay lalong napupuno ng galit ang siga.

Nang kumalma ang lahat ay nagsimula na sila kumain, “Pare para saan ba talaga yan?” tanong ni Leo. “Project ko, pinatabas ko lang at pinatatakan. Gusto ko kasi ako mismo maghirap dito” sagot ng siga. “Oo nga ano nga ba yan kasi?” tanong ni Jenna.

“Kapa, tama ka. Pwede din homeroom project. Oo nga palitan ko ata mga titik dito pero sa akin naman to e” sagot ni Jp at biglang tahimik ang lahat. “Ano may tanong pa ba kayo? Baka di pa kayo kuntento?” tanong ng siga at wala nang nakatingin sa kanya.

Pagkatapos kumain ay naglakad lakad ang grupo. Magkadikit si Monique at Tim kaya lalong nasasaktan si Jp. “Yo, iwan ko na kayo. Sige” sabi niya bigla at mabilis naglakad palayo.

“Oh shet” bigkas ni Jenna kaya napatingin sa kanila ang lahat. “Bakit?” tanong ni Rose. “The last time he acted that way nung binadtrip namin siya” sabi ni Leo. “Ows badtrip siya? Good” sabi ni Monique at ang sama ng tingin ng tatlo sa kanya.

“Ewan ko ano pinag awayan niyong dalawa ha. Pero don’t worry hindi mo na siya makikita ever” sabi ni Jenna sabay hila kay Oliver at naglakad palayo. Susunod na sana si Leo pero agad siya nahila ni Monique. “What does she mean by that?” tanong niya.

“Last time na binadtrip namin si Jayps was nung midterm exam nung first sem. Never na namin siya nakita from that day. Parang nawala bigla. Kung di pa sadyang sinira ni Jenna ang pc niya di pa kami kikibuin niyan. Pero wala ka naman problema kasi ito naman ata gusto mo mangyari diba?” sabi ni Leo sabay nag walk out.

Naglakad narin palayo sina Monique, siniko ni Rose si ganda sabay bulong. “Tagumpay ka sis” sabi niya. “Oo nga e” bulong ni Monique pero nakakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. “Do you want to watch a movie?” tanong ni Tim. “Kailangan ko magreview, pwede bukas nalang?” tanong ni Monique. “Ay oo nga no, sorry about that. Tara hatid ko na kayo” sabi ni Tim at muling siniko ni Rose ang kaibigan niya. “I told you he is perfect for you” bulong niya.

Sa bahay nina Jp hindi siya humarap para sa dinner. Binisita siya ni Trisha sa kwarto. “Kuya you missed dinner” lambing ng bunso. “Wala ako gana” sabi ni Jp. “Ano yan? Bakit ka nagtatahi?” tanong ni Trisha sabay upo sa tabi ng kuya niya. “Ano tong MP?” tanong ni Trisha.

“Ito? This was meant as a joke sana pero…mukhang kakailanganin ko nga talaga ito” sabi ni Jp at pansin ng bunso ang kalungkutan sa mukha ng kuya niya. “Monique and Pablo?” tanong ni Trisha at napangiti si Jp. “Yun sana e…pero nag iba na”

“I will really need this one”

Samantala sa kwarto ni Monique, humarap ang dalaga sa computer at binuksan ang Facebook niya. Kinuha niya ang wireless phone niya at tinawagan si Rose.

“Sis, nakareview ka na?” tanong ni Monique. “Yup, ikaw ano gawa mo?” sagot ni Rose. “Wala browsing through FB, alam mo…parang guilty ako” sabi ni ganda. “O bakit nanaman?” tanong ng kaibigan niya.

“Hay, I just wanted to make bawi but I still want him as a friend” sabi ni Monique. “After what he has done to you?” tanong ni Rose. “Sis tama ka e, its good that it happened habang friends kami. Honestly I still like him and I don’t know why. Siguro fault ko din, maybe that girl was aggressive. I should have been aggressive din konti pa” kwento ni ganda.

“Sira ulo ka ba? Bakit mo pa iniisip yan? Move on! Grabe sis pag ako sa iyo si Tim is really the one. He has never done anything wrong to hurt you. In short super perfect siya. Di ko maintindihan bakit di mo pa siya sinasagot. Oo you like Jp pero ganyan naman ang tao e. We like many people, minsan we are blinded. Pero namulat ka na nga at nakita mo na mismo meron na siya” sermon ni Rose.

“Yeah pero its not like he cheated on me naman e. Maybe I was too harsh on him. I mean yeah I like him, at hindi kami so dapat tanggap ko na meron siya. Maybe I was expecting too much from him. Sis all I am saying is that okay na tanggap ko na meron siya pero deep inside I still want him as my friend. Kahit friends na nga lang e” paliwanag ni Monique.

“Sabihin mo nga sa akin why? You should not be guilty. Oo na you have feelings for him pero meron na siya. At least di mo na siya makikita” sabi ni Rose at biglang sumigaw si Monique. “Demet!”

“Sis bakit?” tanong ni Rose. “That girl! She is on my friends list!!!” sigaw ni Monique at nagdadabog. “Ano?!!! Yung girlfriend ni Jp?” tanong ni Rose. “Oo demet! Friend ko siya sa FB! I don’t know how pero ang kapal ng mukha niya i-add ako! Stupid me naman for not checking who I add. Demet! Kapal ng mukha niya!!!” sigaw ni ganda.

“Ano name niya?” tanong ni Rose. “Trisha!” sagot ni Monique. “Apelyedo?” tanong ni Rose. “Wala e, basta Trisha lang nakalagay at ewan ko ano tong mga ekek characters dito! Gosh she has the nerve!!!” pagalit na sabi ni ganda.

“Sis chill ka lang okay?” sabi ni Rose. “Wow!!! They even have a pic together!!! Badtrip ang kapal ng mukha nitong babaeng to!!! I didn’t accept friends lately. Matagal na pala siya dito sa friends list ko. Ano to observe me or check out her competition? Kapal niya!!! Grabe siya!!! Teka teka aalisin ko siya sa friends list ko!!!” sigaw ni ganda.

“That’s it! I am giving Tim a chance. Goodbye Jayps..no it should be…”

“Good riddance!!!”