SA AKING MGA KAMAY BOOK 1 EBOOK
NOW AVAILABLE
***REMASTERED E-BOOK for COLLECTORS***
SA AKING MGA KAMAY PLUS
- SA AKING MGA KAMAY BOOK 1
-MISADVENTURES OF KBJ: HISTORY OF KIKO MONSTER
SA AKING MGA KAMAY
By Jonathan Paul Diaz
(THIS IS JUST A SHOWCASE COPY OF THE STORY)
Malakas ang sinag ng araw, walang ulap sa kalangitan at mahalimuyak ang simoy ng hangin sa hardin. Kahit saan siya lumingon kay daming magagandang bulaklak, hindi naman niya hilig yon ngunit siya ay naakit sa kulay at ganda nila.
“Francis?” may tumawag sa pangalan niya at agad napalingon yung binata. Sa harapan niya isang magandang dilag na nakasuot ng pink shirt ngunit may simangot sa kanyang mukha. “Michelle…bakit? Ano nangyari?” tanong niya.
“Upo tayo saglit at mag usap tayo” sabi ng dalaga at sa malapit na bench sila nagtungo. Pagkaupo nila napansin ni Francis ang luha na dumadaloy sa mukha ng babae. “Ano nangyari? May problema ba?” tanong niya. Di sumagot si Michelle at nang haplusin ni Francis ang likod niya ay sinaway niya ito. “Wag please” hiling niya.
“Tell me what’s wrong. Bakit ka umiiyak?” tanong ng binata. Dahan dahan humarap si Michelle sa kanya at hinila ang isang kamay ng binata para mahawakan. “Kiko…wag ka sanang magagalit sa akin” bulong ng dalaga at lalong tumulo ang kanyang luha. Kinakabahan na si Kiko, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng dalaga.
“Sige ano ba yon?” tanong niya. “Kiko…mahal kita sana maniwala ka…pero Kiko may nahanap na akong iba” bigkas ni Michelle at dahan dahan niya tinignan ang binata. Tila nanigas si Kiko, nanghina ang mga kamay at napabitaw sa kamay ng dalaga. Mga labi niya nanginginig at may matinding kirot sa dibdib na naramdaman.
Ngumiti lang si Kiko at niyuko ang ulo. “Kiko sorry talaga” sabi ni Michelle. “Okay lang” sagot ng binata at may isang luha na dumaloy sa kanyang pisngi. “Kiko I am really sorry” sabi ng dalaga at tahimik nalang ang binata ngunit napapanatili ang ngiti sa kanyang mukha. “Say something please” sabi ni Michelle pero tuluyan nang bumitaw ang mga kamay ni ng binata. Ilang minuto din siya nagpaliwanag pero di gumagalaw si Kiko, nanatiling nakayuko ang ulo at din a tumigil ang pagpatak ng mga luha niya sa damuhan.
“I am so sorry Kiko” bulong ni Michelle sabay humalik sa pisngi ng binata. Tumayo siya at tinignan muli ang binata saka tumalikod at naglakad palayo.
“Kiko!!! Kiko!!! Wake up!!!” sigaw ng nanay niya at agad binangon ang natutulog na bata na umiiyak. Gumising ang bata at yumakap sa nanay niya, agad pumasok sa kwarto ang tatay niya para tignan kung anong nangyayari. “What happened?!” tanong niya.
“Our baby had a bad dream” sabi ng kanyang asawa. Hinaplos ng ama ang ulo ng kanyang anak saka pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. “Tahan na anak nandito kami ng mommy mo. Birthday mo pa naman today and you are crying early in the morning” sabi niya. “Hayaan mo na he had a bad dream, Kiko what was your dream about?” tanong ng nanay niya.
Naupo sa kama ang bata at napakamot sa ulo, humawak sya sa kanyang dibdib pagkat ramdam niya parin ang kirot mula sa kanyang panaginip. Nakwento niya sa kanyang mga magulang ang lahat, pagkatapos nagkatinginan ang mag asawa sabay nagtawanan. “Diyos ko anak you are only five years old tapos ganyan na ang dream mo? Don’t worry anak its just a dream okay? Cheer up now kasi we have a surprise for you” sabi ng nanay niya.
Humawak si Kiko sa kamay ng kanyang nanay at bigla siyang napapikit at napangiti. “Binili niyo ako ng PSP!” sigaw niya sa tuwa at nagulat ang kanyang mga magulang. “Did you tell him?” tanong ng nanay at napanganga ang kanyang asawa. “I did not” sagot niya. “Then how did he know?”
“Tapos magcook ka ng brownies at luto ka ng spaghetti. Tapos may leche flan, tapos dadating sina lolo at lola” bigkas ni Kiko sabay nginitian ang kanyang mga magulang. Yumakap si Kiko sa kanyang ama at hinalikan ito sa pisngi, “Daddy wag mo na fight yung neighbor ha. Wag ka magalit sa kanya” sabi ng bata at napatingin ang mag asaw sa kanilang anak. “Bakit ako magagalit sa kapitbahay anak?” tanong ng ama niya. “Basta daddy wag ka magalit kasi di naman niya sadya” sabi ni Kiko sabay bumaba sa kamay at hinila ang mommy niya.
“Mommy nalagyan mo ba cheese yung pancake?” tanong ni Kiko. “Anak, I didn’t cook pancakes for breakfast, I cooked you favorite bacon” sabi ng mommy niya. “E mommy ayaw ko kumain ng sunog e” sagot ng bata at biglang napasigaw ang nanay niya. “Oh my God! Nakalimutan ko niluluto ko!” sabi niya at biglang tumakbo palabas ng kwarto.
Napasandal sa dingding si Fred at pinagmasdan ang anak niya na nagkakalkal ng mga laruan. “Kiko, bakit mo nasabi na magagalit ako sa kapitbahay?” tanong niya. Tumayo ang bata at lumapit sa ama niya, “Nakita ko” sagot niya. “Nakita mo? Ano ibig mo sabihin? Remember Kiko its not good to tell lies” sabi ni Fred.
“Di ako nag lie dad, nakita ko e” pilit ng bata. “Paano mo nakita at saan?” tanong ni Fred at nginitian siya ng anak niya. “Di ko alam po basta nakita ko lang siya dito” sagot ni Kiko sabay turo sa ulo niya. Nalilito si Fred at di maintindihan ang nangyayari, niyakap niya anak niya at pinisil ang pisngi. “Anak are you okay? Did you hit your head somewhere?” tanong niya. “Hindi po daddy pero ikaw mamaya magkakabukol ka” sabi ng bata sabay tawa. “Hay naku halika na nga sa baba, happy birthday Kiko” sabi ni Fred sabay humalik sa anak niya.
Ilang oras lumipas at nagsidatingan na ang mga bisita sa kanilang bahay. Ang nanay ni Kiko na si Teresa ay abala sa kusina ngunit tinutulungan siya ng mga kapatid niya at nanay. “Hay naku alam niyo ba Kiko woke up from a nightmare. I heard him crying so pinuntahan ko agad. Nakakatawa kasi ang dream niya daw may nakikipag break sa kanyang girl” kwento niya at nagtawanan ang mga babae. “Five years old tapos ganyan na panaginip niya, ano ba tinuturo niyo sa apo ko?” tanong ng nanay niya at lalo sila nagtawanan.
“Napaka weird kasi he was really crying at ramdam na ramdam niya ata yung sakit. Anyway after that nahulaan niya yung gift naming for him and he even predicted yung mga handa except for one, wala naman leche flan” sabi ni Teresa. “Ate, nagdala kaya ako ng leche flan, nilagay ko agad sa ref” sabi ni Shiela na kapatid niya. Nagulat si Teresa at agad tinignan ang laman ng ref, nakita niya ang apat na lalagyan ng leche flan kaya bigla siyang kinilabutan. “Diyos ko ano nang nangyayari sa anak ko?” bigkas niya.
“Hay naku sister, relax ka lang. Normal lang yan sa tao minsan. Its called premonition. Alam mo naman na utak natin, actually we all can do that pero rarely. Pero meron talagang mga tao na lampas sa ten percent ang pag gamit sa kanilang utak. A normal person uses only ten percent of their brain. Mga genius daw lampas ten percent, kasama na doon yung mga may psychic abilities”
“But even with ten percent everyone does have premonition naman” paliwanag ni Shiela. “So ibig mo sabihin ngayon lang yan?” tanong ni Teresa. “Teka ngayon lang ba nangyari ang ganyan?” sumbat ng nanay niya. “Opo ngayon lang” sagot ni Teresa. “E di normal premonition lang yan, sus don’t worry about it na Kiko will be okay” sabi ni Shiela at medyo nakahinga ng maluwag si Teresa.
Medyo nakakaangat sa buhay ang pamilya nila, malaki ang bahay nila at sa hardin naganap ang party. Magulo sina Kiko at mga pinsan niyang naghahabulan sa paligid kahit tinatawag na sila para kumain. “Kiko come on lets eat already. Come on so your cousins will follow you” sabi ni Fred at biglang tumigil ang anak niya sa tapat. “Daddy wag ka tatayo diyan” sabi ng bata. “Bakit naman?” tanong ng tatay at muling tumakbo ang anak niya. “Bukol ka!” sigaw niya.
Napalingon sa paligid si Fred, may puno nga doon kaya napatingala siya at wala naman nakitang sanga o ibang bagay na pwede mahulog sa kanya. Natawa nalang siya at nagtungo sa lamesa kung saan binuhat niya anak niya. “Wait before you blow your candles everybody has to sing” bigkas niya. Masaya ang lahat na kumain, at lumipas ang ilang minuto naisipan ni Fred na kumuha ng litrato.
Tumayo siya sa tabi ng puno, paatras ng paatras para makuhanan ang lahat. “O everybody look at me!” sigaw niya. Napansin ni Fred na nakasimangot si Kiko, “Anak smile naman diyan!” sabi niya. “Ang kulit mo daddy!” sigaw ng bata at mula sa langit may pabagsak na maliit na piraso ng kahoy at tumama ito sa noo ni Fred.
Lahat nagsigawan nang nakita nilang may dugo na dumaloy mula sa kanyang noo. Tumakbo si Teresa para punasan ang dugo pero si Fred galit na galit na sumigaw. Mula sa bakod may umakyat para sumilip, “Oh my God pare, sorry talaga. Nagtataga ako ng kahoy biglang lumipad” sabi ng kapitbahay nila. “Anong sorry?!!! Nakikita mo ba tong nangyari? Ano kung anak ko yung natamaan? Ha!!! Halika nga dito!!!” sigaw ni Fred.
Tumakbo si Kiko at humawak sa pantalon ng tatay niya. Napatingin si Fred sa baba at nakita ang maamong mukha ng anak niya. “Daddy…” bigkas ni Kiko at bigla niya naalala ang hiling nung bata sa kanya nung umaga. Huminga ng malalim si Fred at tinignan ang kapitbahay niya. “Okay na pre, aksidente naman e. Sa susunod ingat nalang” sabi niya.
“Oo pare, sorry talaga pare. Siya nga pala Happy Birthday Kiko, sorry wala si Layla e nandon sa lola niya” sabi ng kapitbahay. “O pre mukhang mag isa ka why don’t you join us” sabi ni Fred. “Ah hindi na pare, kumain na ako e” sagot nung lalake. “Sus pare okay lang yung nangyari, sige na pare wag mo naman tanggihan imbitasyon ko” pilit ni Fred at pumayag din ang kapitbahay nila.
“Hoy ano binabalak mo?” bulong ni Teresa habang nilalagyan ng band aid ang noo ng asawa niya. “Mommy wag ka mag alala di na sila fight. Mag iinuman lang sila ni daddy at lolo” sabi ni Kiko sabay tumakbong pabalik sa lamesa.
“Ah ganon? Inom? Ano sinabi ko sa iyo tungkol sa pag iinom?” sabi ni Teresa at tumaas ang mga kilay niya. Napakamot si Fred at napangisi, “Labs naman, may okasyon e. Ngayon na nga lang ulit e at kasama naman daddy mo” palusot ng asawa niya. “Uhuh, saan mo tinago yung bote?” tanong ni Teresa. “Naman o maliit na bote lang yon labs. Konti lang talaga” makaawa ni Fred.
Huminga ng malalim si Teresa at pumayag, napatingin siya sa lamesa at nakita si Kiko na tumatawa. “Lahat ng sinabi ng anak natin today came true” bulong ni Fred. “Oo nga e” tanging sagot ng asawa niya. “Di ka ba worried?” tanong ni Fred. “Well sabi ni Shiela na everyone experiences premonition. Don’t worry ngayon lang naman e tulad ng pag iinom mo” sagot ni Teresa at biglang humalik ang asawa niya sa kanya.
“Oo nga maybe its just for today” sabi ni Fred. “Ano? Yang pag iinom mo maybe its just for today? Ganon?” tanong ni Teresa at tumawa yung dalawa. “No, yung premonition na yan, sabi ko its just for today” paliwanag niya. Inakbayan niya asawa niya sabay pinagmasdan nila ang kanilang anak.
Si Kiko humawak sa kamay ng lolo niya at bigla itong humalakhak ng malakas. “Akin na yung gift mong pera sa akin lolo. Akin na yung pera ko!!!” sigaw niya at lahat ng tao ay nagtawanan.