Twinkle Twinkle 2: Bagong Delubyo
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Prologue
Nanumbalik ang kapayapaan at katahimikan sa kaharian ng Plurklandia. Gamit ang salamangka mabilis naipatayo ang bagong palasyo ni Reyna Nella. Mga mamamayan ay nagsasaya, mga puno at halaman nanumbalik sa masigla nilang anyo at bumalik narin ang mga hayop sa kapaligiran.
Isang lingo na ang nakalipas mula nung bumagsak yung kometa, mga natirang disipulo nagtipon sa kinalalagyan ng dating palasyo at nagbigay pugay sa namayapa nilang punong disipulo.
“Virgous! Wag kang galaw ng galaw kasi! Di pantay tuloy ang pagkaluto ng letson!” pagalit na sabi ni Sarryno sa taong apoy. “Hoy wag kang magrereklamo diyan, kung wala ako di niyo maluluto to” sagot ni Virgous.
“Parang ang payat ng baboy” pansin ni Bashito. “Tignan mo naman kasi sino pumapak sa dugo nito no, talagang sinimot e” sagot ni Sarryno. “At least dalawa ang letson niyo” banat ni Vandolphous. “Shut up duling!” sagot ni Bashito sabay nagtawanan ang mga bampira.
“Washup? That pig ish shooo cool men” biglang sabi ni Tuti na gegewang gewang palapit sa bonfire. “Ano nangyari diyan?” tanong ni Virgous. “Pinainom ni Nyobert ano pa nga ba? Kesa naman na magsawa tayo sa kaiiyak niya alam mo naman close siya kay bossing” sabi ni Mhigito.
“Nguti ngam here meng, ngets ngrink ngam more!” sigaw ni Nyobert na bumagsak mula sa itaas ng puno. “Yesh meng am look fhor mah tit firsh” sagot ng bungal na bampira at nagtawanan ang iba.
“Tinago niyo nanaman siguro pustiso niya no?” bulong ni Sarryno. “Tado, pag suot niya yon ang takaw niya sa dugo. Mas maganda nang ganyan para may matira sa amin. At least binigyan naming siya ng tsupon niya para limited blood pare” sagot ni Louis.
“Teka ano ginagawa nung dalawa don? Si Chado at Bombayno? Bakit ang layo nila?” tanong ni Virgous. “Tinuturuan ni Chado si Bombayno bumulong, alam mo naman ang lakas lakas ng boses ni Bomby” sabi ni Mhigito. “Patay tayo pag natutong sumigaw si Chado, patay tayo lahat!” banat ni Vandolphous at lalo pa sila nagtawanan.
Samantala sa may kinatitirikan ng kometa ay nagpapaligsaan ang dalawang dwende. “Sabi mo malakas ka, sige nga buhatin mo nga yang kometa” hamon ni Darwino. “Tado ka nakikita mong ang laki laki nito e. At baka pag matanggal ko makita natin bangkay ni bossing na pisa” sagot ni Bobbyno at nagtawanan ang dalawang dwende.
“San na kaya nagpunta si Ahnica? Boring tuloy kasi di naman pwede silipan na ang reyna” tanong ni Darwino at binatukan siya ni Bobbyno. “Manyakis ka talaga, tara na don sa kanila” sabi ng kaibigan niyang dwende.
Nagtipon ang mga disipulo sa paligid ni Virgous, yung iba nagsimula nang kumain at pinapak ang letson samantala ang mga bampira busog na sa dugo.
“Nasan na kaya si Wookie?” tanong ni Mhigito. “Nasan na si Ahnica?” tanong din ni Darwino. “Tayo nalang ang natira, binigyan naman tayo ng choice na umalis pero bakit tayo nanatili pa dito?” tanong ni Chado.
“Kasi alam ko pati kayo nararamdaman niyo na parang may di tama at may masamang amoy ang hangin” sabi ni Virgous at lahat napatingin kay Nyobert. “Ngoy wangang nganyangan! Ngalingo ngamang ango” sabi ng lasing na kapre at nagtawanan ang grupo.
“Tama ka may kakaiba akong pakiramdam kamakailan lang. Parang hindi maganda ang mangyayari” sabi ni Louis. “Wala na tayong pinuno, nawala pa si Wookie pero alam ko kakayanin natin kung ano man yon” sabi ni Bombayno.
“Kung nandito lang sana si Wookie para malaman natin kung ano ang paparating…o kahit man lang si bossing sana para alam natin ano ang gagawin natin” biglang drama ni Bobbyno.
“Relash meng, Thuthi ish here” banat ng bunging bampira at bigla sila nagtawanan ulit.
Sa di kalayuan ay may dalawang nilalang na pinapanood ang mga disipulo.
“Alam ko nalulungkot ka at gusto mo sila makasama. Magtiis ka lang at kailangan natin patakbuhin ayon sa nakasulat ang lahat” sabi ng matandang lalake. “Sigurado ka ba na yon ang balak ni Aneth? At bakit ako ang napili mo?” tanong ng mas batang lalake.
“Matanda na ako para lumaban, pareho tayong mambabarang kaya sa iyo ipapasa ang lahat ng alam ko” sabi ng matanda. “E di ko naman kakayanin lumaban mag isa e, kailangan ko ang mga yan” sabi ng binatang lalake.
“Mas magandang ganito at di nila alam na buhay ka pa. Mas maganda na alam ni Aneth na sila lang ang natira. Pasensya na kung kailangan natin sila isakripisyo pero para sa buong kaharian ito at buong mundo” sabi ng matanda.
“Ano naman ang laban ko kung magtagumpay si Aneth na ilabas yon? Kahit turuan mo ako o palakasin kailangan pa natin ng mas malakas pang kasama” reklamo ng binata. “Kulang ka pa talaga sa training Wookie, hindi ba nararamdaman ng mga espiritu ang presensya niya? Akala ko nararamdaman mo din” sabi ng matanda.
“Ha? Ibig mo sabihin buhay siya?” tanong ni Wookie. “Shhhh natutulog siya…halika ka na umalis namuna tayo. Pag handa ka na saka natin siya gigisingin” sabi ng matanda at napatingin si Wookie sa malaking kometa at doon lang niya naramdaman ang malakas na aura mula sa ilalim ng gumuhong palasyo.
“Bossing, babalik ako….matulog ka muna”