sk6

Sunday, December 13, 2009

M.P. Chapter 1 and 2

M.P.

by Jonathan Paul Diaz

(THIS IS JUST A SHOWCASE COPY OF THE STORY. IF YOU WANT TO READ THE WHOLE STORY, THE EBOOK VERSION WILL BE SOLD SOON )



MP FULL VERSION AKA MPEX






MPEX (M.P. Extended)

E-book
pdf format
37 Chapters
358 pages
Complete story of Siga and Maganda
500 pesos





THE FOLLOWING IS JUST A SHOWCASE STORY. IF YOU WANT THE COMPLETE ONE PURCHASE THE MPEX EBOOK


Chapter 1: Ang Siga

Isang umaga sa campus ng isang tanyag na unibersidad may binatang nakasandal sa isang puno sa garden. Madaming napapadaan sa hardin ngunit di siya pinapansin pagkat si Juan Pablo ay kilalang siga.

“Jayps di ka nanaman nagklase ano?” tanong ni Leo na matalik na kaibigan ni Juan Pablo. “Nagklase naman pero maaga ko pinaalis yung prof” sagot ni JP. “Loko loko ka talaga, ayusin mo nga porma mo pare, nakakatakot ka e. Ang dilim ng shades mo tapos matulis mong kilay lang ang lumilitaw e” sabi ni Leo nang naupo siya sa tabi ng kaibigan niya.

“Bakit mo ba pinapakialam lahat ha? Pinapakialam ba kita?” sumbat ng siga. “Di sa ganon pare concerned lang ako sa iyo. Tignan mo wala ka pang girlfriend, malamang natatakot sila sa iyo kasi siga ka” sabi ni Leo. “E ano naman kasi kung wala akong girlfriend? Mabubuhay pa naman ako kahit wala ah” sagot ng siga.

“Hay naku pare you are missing so much. At pare imposible naman na wala kang nagugustuhan” sabi ni Leo. “Meron naman” sabi ni JP. “Oh you see, pare pag siga siga ka di ka magugustuhan non. Nasabi mo na ba sa kanya?” tanong ng kaibigan niya. “Kailangan pa ba talaga sabihin? O talagang manhid ka lang?” sabi ni Jp sabay titig sa kaibigan niya.

Seryoso ang itsura ng siga, napalunok si Leo at medyo nagpaatras. “Pare…are you saying na..” sabi ni Leo at biglang tumawa ng malakas si JP. “Bwahahaha loko! Nakakatawa itsura mo pare, wala ako balak maki sword fighting, duh!” sabi ni JP sabay tumawa pa ng malakas kaya napatingin sa kanila ang mga dumadaan.

“What are you looking at? Me? Go move along move along children” sabi ng siga sabay nagmadaling dumaan ang ibang estudyante. “Grabe ka pare ang siga mo, tignan mo takot na takot sila sa iyo” sabi ni Leo. “Ano gusto mo ganito ako siga o duduwag duwag at lalambot lambot?” tanong ni Jp. “Sige nalang baka mapagkamalan pa tayong magsyota” sagot ni Leo. “Bakit di ba tayo bagay?” tanong ni Jp.

“Tumigil ka nga! Nakakahalata na ako sa iyo ha, baka cover mo lang yang pagkasiga pero deep inside e isa kang dakilang swordsfighter” sabi ni Leo at tumawa ulit ng malakas ang siga. “Pare pakiss nga!” sigaw ni Jp sabay humarap sa kaibigan niya. “Pare wag kang ganyan ang daming nakatingin sa atin o” sumbat ni Leo sabay lumalayo sa kaibigan niya.

“Isa! Sabi ko pakiss e, sige na pare. Isang smack lang promise!” tukso ng siga at nagtawanan lalo ang magkaibigan. “Sige na pare gums to gums tayo, sige na pare” hirit ni Jp at halos mamatay na sa tawa si Leo. “Torrid pare ha, torrid gums to gums” banat pa ng siga pero biglang nanahimik si Leo.

“Pare steady ka muna, nandyan crush ko” bulong ni Leo sabay pasimpleng turo sa isang magandang babae na nakatayo sa tapat ng canteen. “Hay naku pare, crush nanaman. Baka mamaya basted ka ulit at nagtatantrum ka nanaman” sabi ni Jp. “Hindi pare iba to, pag iigihan ko na talaga dito promise” sabi ng kaibigan niya.

“Kilala mo na ba siya?” tanong ng siga. “Harriet daw name niya e, HRM siya pare” sagot ni Leo. “So meaning di mo pa kilala” sabi ng siga. “Oo nga e, nahihiya kasi ako magpakilala” sagot ng kaibigan niya. “Hay naku ano bang napapala mo sa pagkakaroon ng girlfriend? Mabubusog ka ba?” tanong ni Jp.

Humarap si Leo sa siga at ngumisi, “Oo naman pare, busog na pagmamahal at inspirasyon” sabi niya. “Ows? Tara samahan kita at magpakilala ka na para matigil ka” sabi ni Jp at lumiwanag ang mga mata ni Leo at biglang napatayo. “Talaga pare?” tanong niya.

“Oo na, halika dali baka magbago pa isip ko” sabi ni Jp sabay tumayo at nag ayos ng damit. Naglakad ang dalawa papunta sa canteen, medyo nahihiya si Leo kaya nagpapahuli at nagtatago sa likod ng kaibigan niya. “Eggless ka talaga, pano ka niya magugustuhan pag ganyan ka?” sermon ni Jp at nagulat si Leo.

“Wow pare parang alam mo naman manligaw” bulong ni Leo. “Marunong ako ayaw ko lang iapply” sagot ng siga at nalapitan na nila si Harriet. Siniko ng siga si Leo pero biglang nangatog ang tuhod nito, huminga ng malalim si Jp at ngumisi.

“Hello, miss gusto ka daw kainin ng kaibigan ko” sabi ni Jp sabay turo kay Leo. Gulat na gulat si Harriet at bigla ito nagalit, “Bastos!” sigaw niya sabay umalis. “Pare! Bakit ganon sinabi mo?” tanong ni Leo na gulat na gulat parin. “Sabi mo nakakabusog, o pano ka mabubusog pag di mo kakainin, hay naku logic lang yon” sabi ng siga sabay tumawa ng malakas.

“Tado ka naman pre e, talagang gusto ko siya e” reklamo ni Leo at napasuntok sa pader. “Trust me pare she is not the right one for you. I should know because I am your bestfriend” sabi ni Jp sabay ngisi. “Badtrip ka pare, ano naman alam mo e feelings ko to e” sabi ni Leo.

“Shut up ka nga, last week nabasted ka two times. The other week meron ulit. Ang bilis mo naman magkagusto at magbuo ng feelings e di mo pa kilala. Ganyan ba talaga pare?” sermon bigla ni Jp at natameme si Leo. “O baka naman iba habol mo, pag iba sabihin mo na at talagang gugulpihin na kita, alam mo naman allergic ako sa mga playboy” banta ng siga.

“Di naman pare, pero tama ka. Okay na pare sorry at salamat. Teka bakit ka nga ba allergic sa mga playboy?” tanong ni Leo. “Basta wag ka na matanong, tara foods tayo pre” sabi ni Jp at sabay sila pumasok sa canteen.

Sa pinto palang biglang nanghina si Jp at tumalikod agad. “Pare, masakit tiyan ko. Balik ako sa garden ikaw na bumili ng foods. Eto pera” sabi ng siga sabay abot ng pera. “Ha? E ano bibilhin ko?” tanong ni Leo. “Bahala ka na pare sige na” sabi ng siga sabay takbo pabalik sa hardin. Di maintindihan ni Leo bakit nagkakaganon nalang lagi si Jp, basta nalang sasakit ang tiyan ng kaibigan niya ng walang rason.

Nakabalik si Leo sa hardin at mabilis ito naupo at binigay ang pagkain ng kaibigan niya. “Pare sayang ka, nandon sa canteen si Monique!” sabi ni Leo. “Sinong Monique?” tanong ng siga. “Hello! Saan planeta ka ba nanggaling? Pare si Monique! Duh! Pinakamagandang student dito sa campus kaya” masayang sinabi ni Leo.

“Oh? Sorry di ko kilala” sabi lang ng siga. “Hay grabe talaga ang ganda niya sobra. Kaya nga ako napatagal kasi napatitig talaga ako sa kanya e. Grabe pare ang ganda niya tapos ang cute ng smile niya at tawa ng tawa. Hay grabe sayang ka talaga pare” sabi ni Leo pero napansin niyang nakangiti ang kaibigan niya at nakatitig sa hawak na sandwich.

“Hoy, bakit ka nakangiti?” tanong ni Leo at biglang nagseryoso itsura ni Jp. “Nagdadasal ako. Nagpapasalamat sa pagkain” sabi ng siga. “Wushu! Bakit ka nakangiti?” tanong ng kaibigan niya. “Kulit mo, ano gusto mo magdadasal akong nakasimangot? Ganun ba? Be thankful for the food” sabi ni Jp.

“Hoy wala ba kayong klase?” sabi ng babae na lumapit sa dalawa. “Uy hi Jenna” sabi ni Leo habang walang kibo si Jp. “Grabe talaga tong sigang to di man lang namamansin o” sabi ng dalaga. “Siga nga e, ito naman o, dapat tigasin” sabi ni Jp at natawa si Jenna. “Oo na sige na, pero siga ka nga ba talaga?” tukso ng dalaga at napasimangot si Jp.

“Gusto mo?” alok bigla ni Jp sa dalaga ng sandwich at nilapit ito sa bibig niya. Kakagat na sana si Jenna nang biglang binawi ni Jp at siya ang kumagat tatlong beses, “Bumili ka” banat niya at napasimangot ang dalaga. “Wow harsh” sabi ni Jenna at ngumisi lang ang siga. “Uy Jayps ayusin mo naman yung pc sa bahay” sabi ni Jenna.

“Ano ako technician? Hello!” sagot ng siga at nagpumilit ang dalaga. “Grabe naman to e, sige na kasi” pilit niya. “Kaayos ko lang nung mag end first sem sira agad? Marunong ka ba talaga mag computer?” tanong ni Jp at natawa si Leo. “Ang sama talaga ng ugali mo, sige makaalis na nga” sabi ni Jenna pero pinigilan siya ni Jp. “Oo na sa weekend nalang” sabi niya. “Yes! Ang bait mo talaga” sabi ng dalaga at nakitabi siya sa siga.

“Hoy kayong dalawa ah, nakakahalata na ako. Masyado kayong close ha” tukso ni Leo. Biglang humarap si Jp kay Jenna at pinakagat ang sandwich niya. “Labs open wide” sabi niya at game na game ngumanga ang dalaga. Nakakagat si Jenna, pinunasan pa ni Jp ang gilid ng labi niya. “Ano bang pinagsasabi mo diyan pare” sabay sabi ng siga.

“Hoy ano ba talaga? Kayo na ba?” tanong ni Leo at biglang nagtawanan ang dalawa. “Uto uto ka talaga eversince, may boyfriend kaya ako duh!” banat ni Jenna. “Ako din may boyfriend” sabi ni Jp at napatingin ang dalawa sa kanya. Ngumisi ang siga sabay tinignan si Leo, “Pero di niya alam na kami na” banat ng siga at napatawa ng malakas si Jenna.

“Pare kadiri ka talaga! Wag ka ngang magbibiro ng ganyan” sabi ni Leo. “Or what? Bakit ka kasi natatakot? Tanggapin mo ang feelings ko para sa iyo pare. I love you pare, matagal na. Lagi mo ako pinagseselos pag may nililigawan ka. It hurts me so much” drama ni Jp at halos mamatay na sa tawa si Jenna.

“Lumayo ka nga sa akin pare” sabi ni Leo at sinandal pa ng siga ang ulo niya sa balikat ng kaibigan niya. “Ano kaya terms of endearment natin? Hmmm….Papa Leooooohhhh” hirit pa ni Jp at napalakas ang tawa ni Jenna at madaming napatingin sa grupo nila. “Kadiri ka pare! Di na kita kilala!” sigaw ni Leo sabay tayo. “Kapal mo as if naman papatulan kita no! Ew!” banat ng siga.

“Tsk pare kasi wag ganon” sabi ni Leo at biglang napatingin si Jp sa kamay niya. “Shoot late na ako! Sige!” sabi niya sabay tayo at tumayo. “Kahit walang relo titingin sa kamay o” tukso ni Leo. “Pare body clock ang tawag dito, bobo ka ba? Sige na late na ako” sabi ng siga sabay naglakad pero nakatingin lang siya sa kamay niya at nagmamadali.

“Ano problema non?” tanong ni Jenna. “Ah ewan laging ganyan yan. Basta nalang aalis bigla” sabi ni Leo. “Nagklaklase ba talaga yan? Nakita mo ba grades niya nung first sem?” tanong ng dalaga. “Di nga e, pero nakita ko nakaenroll talaga siya…malas talaga yon” sabi ni Leo. “Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Ah I mean look o si Monique, ganda niya no. Malas siya kasi lagi nalang niya di naabutan pag dumadaan yan” sabi ng binata.

Napangisi si Jenna at natawa, “Torpe talaga yon” bulong ng dalaga at napatingin sa kanya si Leo. “Sino? Si Jayps?” tanong niya. “Oo kaya, type niya yang si Monique” sabi ng dalaga. “Ha? E di pa nga niya nakikita e” sumbat ni Leo. “Sus, style niya lang yon. Sabi mo lagi niya di naabutan? Timing ba lagi na tuwing umaalis siya e susulpot naman yan?” tanong ni Jenna.

“Oo nga no, pero imposible. Sabi niya never pa niya nakita daw e. Alam mo naman yon wala pakialam sa iba” sabi ni Leo. “Akala mo lang yon, bestfriend mo di mo kilala. Trust me type niya yang si Monique. Malaman nakita niya kanina kaya agad umalis” sabi ni Jenna. “Ah kaya pala kanina papasok kami dapat sa canteen, siya pa nag alok pero bigla sumakit tiyan niya e” sabi ni Leo.

“At sa canteen nandon si Monique right?” tanong ni Jenna at natawa si Leo.

“Ang siga nagdadalaga na?”










Chapter 2: Si Ganda

Sa loob ng isang silid nakaupo si Monique, nakatingin siya sa labas ng bintana at naglalakbay ang kanyang isipan. “Hoy, Nicky tara na” sabi ni Rose, matalik na kaibigan ng dalaga. “Ha? Saan?” tanong ni Monique. “Sira nadismiss na tayo no, hay naku saan nanaman napadpad imahinasyon mo?” tanong ni Rose.

Huminga ng malalim ang dalaga at inayos gamit niya, “Eto nanaman tayo” bulong niya sabay tumayo. Inakbayan niya kaibigan niya at lumabas sila ng classroom. “Flowers for you” sabi ng isang lalake sabay abot kay Monique ng isang rosas. Ngumiti lang ang dalaga at kinuha ang bulaklak sabay naglakad ng mabilis.

“Grabe ka naman sana kinausap mo man lang” sabi ni Rose. “Alangan na lahat nalang kakausapin ko e para na akong host ng talk show at di na ako nakapag klase” sagot ni Monique. May humarang ulet na isang lalake at muling binigyan ang dalaga ng rosas. Ngumiti ulit si Monique pero agad nagsimangot sabay lakad palayo.

Habang naglalakad sa campus ay napatingin si Monique sa hardin at nakita ang siga doon. “Sana ganyan din ako, yung walang pumapansin sa akin” bulong niya. “Bakit ayaw mo ba yung atensyon?” tanong ni Rose. “Nakakasakal na, para akong tae na nilalangaw e” sabi ng dalaga.

“Grabe ka naman, well at least madami kang manliligaw. You get to select the best” sabi ni Rose. “Whatever, tara sa canteen gutom ako” sabi ni Monique pero muling napalingon sa hardin.

Sa loob ng canteen agad kumuha ng makakain ang dalawa, pumwesto sila sa may malapit sa bintana. Tago ito at akala ni Monique wala nang makakakita sa kanya. “O yung isang langaw mo, si Eric” sabi ni Rose at napasimangot ang dalaga. “Hay, pustahan tayo ipapasikat nanaman niya kotse niya. Wanna go for a ride nanaman linya niya” bulong ni Monique.

Lumapit si Eric at nakiupo nalang bigla sa dalawang dalaga. “Wow roses, bakit birthday mo ba Monique?” tanong ng binata. “Di sa akin mga yan, kay Rose” sagot niya. “Ah, grabe I just got my car back, bagong detail. Wanna go for a ride later? Ikot ikot lang tayo” alok niya at biglang nagtinginan ang dalawang dalaga at nagtawanan.

“Sorry busy e, maybe next time” sagot ni Monique. “Busy? Kasisimula palang ng semester ha” sabi ni Eric. “Oo pero di ako satisfied sa average ko nung first sem e so I have to advance study” sagot ng dalaga. “Oh okay, sige I got a class. See you later then” sabi ni Eric sabay umalis.

“Thank God, makakakain narin ng maayos” sabi ni Monique. “I don’t think so sis, si Mark o” bulong ni Rose at napabuntong hininga nalang si Monique. Nakapila palang si Mark sa counter pero sumenyas na ito sa mga dalaga na doon makikiupo.

Mabilis kumain si Monique at napansin ni Rose yon, “Oh mabulunan ka dahan dahan naman” sabi niya. “Mabuti pang mabulunan at least nalasap ang pagkain kesa naman pag nandito na yan at masisira appetite ko sa mga walang kwentang kwento niya” sagot ni Monique. “E di sabihin mo kasi diretso para di na sila makulit” sermon ni Rose.

“As if kaya ko gawin, kilala mo na ako sis” sabi ni Monique. “Yeah masyado ka mabait, so deal with it” sabi ni Rose. “Hi is this seat taken?” tanong ni Mark pero agad naman siya naupo. “Tapos ka na kumain?” hirit ng binata. “Oo e pupunta pa sana ako sa library” sabi ng dalaga at tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Rose. “Sis di pa ako tapos, maya nalang sabay tayo” sabi niya.

Pasimpleng nagsimangot si Monique pero nagawa niyang ngumiti nalang nang naupo muli. Tulad ng inaasahan nagsimula magdaldal si Mark, napatingin nalang si Monique sa labas ng bintana at nakita yung siga sa may hardin.

Ilang saglit lang biglang natawa si Monique, “Hoy ano tinatawanan mo?” tanong ni Rose at biglang humarap sa kanila ang dalaga. “Ha? Ah wala naman” sabi niya. “You were not listening?” tanong ni Mark. “Sa alin?” tanong ng dalaga. “Nevermind, its not important. Ano ba tinitignan mo sa labas?” tanong binata at napatingin siya sa bintana.

“Geez si Jayps lang pala, you know him?” sabi ni Mark. “Nope” sagot ng dalaga. “Good, wala kwentang tao yan. Siga nga pero I bet wala laman utak” banat ni Mark. “Kilala mo ba?” tanong ni Rose. “Kilala ng buong campus kaya, lagi daw yan napupunta sa student affair’s office. That itself says a lot about him, meaning mischievous yan” sabi ng binata.

“Ewan ko bakit pa pumapasok pa yan kung ganyan din lang” hirit ni Mark. “Kilala mo ba ng personal?” tanong ni Monique. “Nope, pero grabe just look at him naman” sabi ng binata. “You don’t know him so don’t judge him” banat ng dalaga at natameme ang binata.

“Di ko alam bakit mo pinagtatanggol yan? Type mo ba?” tanong ni Mark. “Pinagtatanggol ko ba? I was just saying that you don’t have the right to judge someone based on appearance and hearsay” bawi ni Monique. “Yeah I guess tama ka sorry” sabi ni Mark at muling napalingon sa bintana ang dalaga.

Ilang minuto naglakbay isipan ni Monique, paglingon niya sa lamesa wala na don si Mark. “Nasan na siya?” tanong niya. “Nabadtrip ata, nagkwento ulit di ka naman nakikinig kaya bigla umalis” sabi ni Rose. “Sorry naman, nakakaaliw panoorin yung dalawa sa may puno e” sabi ng dalaga.

“Patingin nga, ano ba kasi interesting sa mga yan?” sabi ni Rose sabay dumungaw siya sa bintana. “Wala lang, nagtatawanan sila kanina parang ang saya nila” sagot ni Monique. “Sis papunta sila dito” sabi ni Rose at biglang napalingon si Monique. “Grabe ang siga niya” sabi ni Rose. “Cool nga e” bulong ni Monique.

“Teka pupuntahan ata nila yang girl sa labas” bulong ni Rose. “Shhh makinig tayo” bulong ng dalaga. Pinanood nila sina Jp at Leo na kausapin si Harriet, biglang sumabog sa tawa si Monique sa sinabi ng siga. Lahat ng tao sa canteen napatingin sa dalawang dalaga kaya hiyang hiya sila.

“Grabe ka sis, yang tawa mo” bulong ni Rose. “Ang gago niya, grabe can you imagine ipapasubo mo kaibigan mo ng ganun?” sabi ni Monique at bungisngis parin siya. “Shhhh teka mag aaway ata sila o” sabi ni Rose kaya lalo nanood ang dalawa.

Pinanood ng dalawa ang magkaibigan na nag aaway pero nabilib si Monique sa sinabi ng siga sa kaibigan niya kaya napangiti ito. “Okay naman pala siya e” bulong niya. “Ano?” tanong ni Rose pero narinig nila na papasok ang dalawang lalake sa canteen.

“Teka teka papasok sila dito” sabi ni Monique kaya nag ayos siya ng sarili at naupo ng maayos. “Sis! Ano nangyayari sa iyo?” tanong ni Rose. “Wala naman ah” sagot ng dalaga. “Anong wala? E bakit ka nag aayos bigla?” hirit ng kaibigan niya. “Shhhh yan na o” sabi ni Monique.

Nakapasok ang dalawang binata sa canteen at nagkatinginan saglit si Monique at Jp, bigla nalang tumalikod ang siga at nakita nilang nag aabot ito ng pera sa kaibigan niya. Si Leo lang ang pumasok kaya napalingon agad si Monique sa bintana at nakita pabalik sa hardin ang siga. Humarap na siya sa kaibigan niya at nagsimangot. “My God sis don’t tell me” sabi ni Rose.

“Tell you what?” tanong ng dalaga. “Hmmm you like him?” banat ni Rose at biglang nagreact si Monique. “Ano?! Hello! Grabe ka naman porke natatawa ako sa kanya like agad?” tanong niya. “Ows? E bakit namumula pisngi mo?” banat ni Rose sabay ngisi. Natawa nalang ang dalaga at nakita niyang nakatingin sa kanya si Leo. Nginitian ni Monique ang binata at bigla siya kinurot ng kaibigan niya.

“O bakit mo nginingitian yan?” tanong ni Rose. “Madami kang tanong, di ko alam bawal nap ala ngumiti o ayan sisimangutan ko nalang. Happy?” sumbat ng dalaga at nagtawanan sila.

Ilang saglit pabalik na si Leo sa hardin, sinundan ito ng tingin ni Monique at nakigaya narin si Rose. May nakita sila lumapit na babae at biglang bumulong si Monique. “Baka kaibigan lang” at natawa ang kaibigan niya.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Monique nang nakita niyang sinusubuan ni J pang babae ng sandwich, pero bigla ito sumabog sa katatawa nang nakita na binawi ito ng siga at kumagat ng madami beses sabay dumilat. “ahahaha..ay…ahahahaha…ay ang loko niya” sabi ng dalaga at muling napalingon ang madaming tao sa kanila.

Naglaho ang mga ngiti sa mukha ng dalaga nang makita niyang sinubuan talaga ni siga ang katabi niyang babae. “Pupunasan pa o” bulong niya at nagtakip na ng bibig si Rose at pasimpleng tumawa dahil sa inaasta ng kaibigan niya.

Ang galit nawala at napalitan ng katatawanan nang nakita nilang nagbabaklahan ang siga at sumandal sa kaibigan niyang lalake. Halos mamatay sa tawa si Monique pero tumigil siya nang nakita niyang tumatawa din yung babaeng kasama ng siga. “Tara nga don daan tayo!” sabi niya sabay tayo agad at umalis.

“Ano? Nicka okay ka lang?” tanong ni Rose pero mabilis naglakad ang dalaga kaya napilitan humabol ang kaibigan niya. “Hoy ano ba talaga? Seryoso ka ba?” tanong ni Rose. “Dadaan lang naman e” sabi ni Monique at nakalabas na sila ng canteen at nagkatinginan muli si siga at si ganda.

Nakita nila tumayo agad si siga, niyuko nito ulo niya at tingin ng tingin sa kamay niya. Halos magtuwid ang landas nila pero mabilis tumakbo ang siga kaya napasimangot si ganda. “Ano ba meron sa kamay niya?” tanong niya. “Di naman don ang clinic” hirit niya.

“Bakit ba concerned ka? Umamin ka nga sis, you like him?” tanong ni Rose at napatingin ang kaibigan niya sa kanya at napangiti.

“I find him different, somewhat interesting, yun lang naman e” sagot ni Monique. “Oo na sige na, o yan na ang top langaw mo sige library muna ako. Sagutin mo na kasi yan si Timothy” sabi ni Rose. “Ah ewan sige sis” sabi ni Monique at saktong nakalapit si Timothy.

“How was your day?” tanong ng binata. “Okay lang, ikaw?” sagot ng dalaga. “Tired, grabe terror mga prof ko. Tara hatid na kita” alok ni Tim at naglakad na sila palabas ng campus.

“By the way, kilala mo ba yung siga?” tanong ni Monique. “Si Jayps? Not really pero nakikita ko siya sa building namin” sabi ni Tim. “Ah okay” sagot ng dalaga. “Why did he do something to you?” tanong ng binata. “Wala naman, natanong ko lang kasi I saw him kanina” sagot ni Monique.

“Yeah I saw him too enter one classroom, akalain mo pumapasok pala yon?” banat ni Tim at natawa siya. “Sa building niyo panay engineering students right?” tanong ng dalaga.

“Yup, just like your building puro kayo accounting” sagot ni Tim at napangiti ang dalaga.

“So matalino pala siya” bulong niya. “Ano yon?” tanong ni Tim.

“Wala, sabi ko minsan pasyal ako sa building niyo”




MP FULL VERSION AKA MPEX






MPEX (M.P. Extended)

E-book
pdf format
37 Chapters
358 pages
Complete story of Siga and Maganda
500 pesos