Prologue
Nakahawak ng mahigpit ang binata sa manubela, binagalan niya ang kanyang patakbo ng kotse at masayang binasa ang malaking arko sa daan. “Welcome to Baguio” bigkas niya, huminga siya ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Isang malakas na busina galing sa kotseng sumusunod sa kanya, hindi niya ito pinansin ngunit paulit ulit ang ingay.
Nilabas ng binata ang kanyang kamay sa bintana sabay sumenyas, “Lumipad ka kung gusto mo!!” sigaw niya sabay tawa. Nag overtake ang kotseng nasa likuran niya at tumabi, bago pa masigawan inunahan na ng binata ang driver ng kabilang kotse. “Patawad po bagong salta lang po ako dito. Sorry po nagagandahan lang ako sa lugar. Sorry sa abala” sigaw niya. Ang lalakeng driver ng kabilang kotse nabura ang galit sa mukha at napangiti. “Enjoy your stay nalang pare!” sumbat niya sabay bumarurot na nauna.
Nakahinga ng maluwag ang binata, ilang minuto pa ay tumigil siya sa isang gasolinahan at bumili ng local newspaper. Agad niya tinignan ang advertisements at naghanap ng house for sale. Walang alam ang binata tungkol sa siyuadad na ito kaya nagtungo siya sa counter at nagtanong. “Excuse me miss, sa tingin mo magandang lugar ba itong Irisan?” tanong niya. “Ah sir malayo po yan from the City” sagot ng dalaga.
Napakamot ang binata at nagturo ulit ng isang address, “Eto kaya miss maganda kaya sa lugar na ito?” tanong niya. “Naghahanap ba kayo ng bahay na tutuluyan pansamantala o permanent? Kasi po pag bakasyon lang madaming magagandang inn at motel close to the city” sabi ng dalaga. “Ah permanent, dito na ako sa Baguio titira sana pero gusto sana yung magandang lugar. Tahimik, walang gulo, pero siyempre maganda parin ang tanawin. Kahit malayo sa city ayos lang basta magandang lugar” paliwanag ng binata.
“Ah okay, sir piliin niyo nalang yung mga rich sounding places sigurado ko maganda don” sabi ng cashier at natawa ang binata. “Richville?” tanong niya at natawa ang dalaga sabay tinignan ang diyaryo. “Actually sir meron talagang Richville dito, ayan o” turo ng dalaga at lalong natawa ang binata. “Bisitahin niyo nalang po lahat para makapili kayo, cross out ko nalang po mga lugar na di maganda” sabi ng dalaga sabay kumuha ng ballpen at ang dami niyang inekisan.
“Grabe naman, ano ba yung mga lugar na yan pugad ng mga kriminal?” tanong ng binata at natawa yung dalaga. “Grabe ka naman sir, peaceful naman po dito sa Baguio. Ang mga lugar na inekisan ko kasi heavily populated at close sila sa mga universities kaya for sure ayaw niyo doon” paliwanag ng dalaga. Tinignan ng binata ang diyaryo at napakamot, “So itong mga natira ano ang pinakamalapit?” tanong niya. Tinuro ng dalaga ang isang address, “Eto sir diyan lang po sa malapit yan, siguro five minutes drive” sabi ng dalaga.
Doon sa lugar na yon nagtungo ang binata, lalong lumaki ang ngiti sa mukha niya pagkat ang lugar na yon kokonti talaga ang bahay, magkakalayo pa ang agwat sabay napakadaming puno sa paligid. Dahil hindi kabisado ang lugar nagtanong ang binata at pinaturo kung saan yung for sale na bahay na nakalagay sa diyaryo.
Limang minuto pa nakarating siya sa isang liblib na lugar, mataas ito, malawak ang lupain at dalawang malaking bahay lang ang nandon. Nakita ng binata ang “For Sale” sign sa tapat nung isang bahay kaya agad niya pinarada ang kotse niya. Tumayo siya sa harapan ng bahay at pinagmasdan ito maigi.
Two storey ang bahay na may terrace pa second floor, wala na siya masyado makita pagkat may malaking itim na gate sa harapan. Nakarinig siya ng pagbukas ng gate, sa katabing bahay ito pero di niya pinansin at tinitigan parin ang binebentang bahay. “Hello, are you looking for a house?” tanong ng isang dalaga.
“I am looking at a house” sabi ng binata sabay himas sa kanyang baba. Natawa konti ang dalaga sabay tumabi sa binata. “Two storeys yan tapos malawak sa loob” sabi niya. “Fairy tale ba yung isa?” tanong ng binata at napatigil konti ang dalaga at napangiti. “Oo at yung isa horror” sumbat niya at bigla sila nagtawanan. Tinignan ng binata ang dalaga, napanganga ito konti pagkat ang ganda niya. “I like it here already” biro niya at nginitian siya ng dalaga. Ang dalaga ay may mahabang itim na buhok, may hati konti at bahagi ng buhok ng dalaga tinatakpan ang kalahati ng mukha niya. Bilugin ang mga mata ngunit dahil sa pag ngiti ay sumisingkit ang isang mata, maputi at makinis ang kutis, matangos konti ang ilong at maliliit na labi.
Ang binata naman matipuno ang pangangatawan, clean shaven at halatang bagong gupit. Matagal siya pinagmasdan ng dalaga pero ang binata titig na titig sa bahay at tuloy ang paghihimas sa kanyang baba.
“Are you going to buy a house?” tanong ng dalaga. “Well kung hindi ibibigay sa akin ng libre I have no choice but to buy it” sagot ng binata at muli nagtawanan yung dalawa. “That house is nice” sabi ng dalaga. “Yes because the girl next door is very pretty” sagot ng binata at biglang nagblush ang dalaga sabay bangga sa binata. “A house is an investment, kailangan mo siya piliin mabuti. Look here looke here” sabi ng dalaga sabay binuklat ang isang folder.
“Log cabin house siya made of top quality lumber kaya kahit maginaw dito sa Baguio its cozy inside” paliwanag niya. “Ay kaya nga ako pumunta dito sa Baguio para maramdaman ko yung ginaw e” banat ng binata. “E di sa labas ka ng bahay matulog” sumbat ng dalaga sabay pacute. Natawa ang binata at napakamot, “Look look…tapos may fireplace din siya then a big kitchen, it has four rooms. One sa first floor, tapos tatlo sa second floor. The master’s bedroom has its own bathroom, bale may tatlong bathroom lahat kasi isa pa sa second floor tapos isa pa sa baba” sabi ng dalaga.
“Wala sa labas? E pano na ako iihi at jejebs pag sa labas ako matutulog?” biro ng binata. “Ayan o ang daming puno, labas ka ng gate mamili ka nalang” sumbat ng dalaga. Nagpigil ng tawa ang binata, nabara nanaman siya. “Parang ayaw ko na bilhin to ah” sabi niya at napasimangot ang dalaga. “Nagbibiro lang naman ako e, sige na bilhin mo na yan” lambing ng dalaga.
Tinitigan ng binata ang bahay sabay huminga ng malalim, “Bakit parang desperate kang ibenta ito?” tanong niya. “Kasi if ever ito yung unang house na mabebenta ko tapos magkakaroon ako ng commission from my dad. Daddy ko kasi nag build niyan e” sabi ng dalaga. “Ah I see, pero parang may kulang kasi e. Parang di ko masyado makita kagandahan ng bahay na ito” sabi ng binata.
“Kasi po masyado kayo malapit sa gate…come step backwards” sabi ng dalaga sabay hila sa binata at sabay sila umatras. Napangiti ang binata at natanaw na ang buong ganda ng bahay. “Maganda…” bigkas niya. “See told you” sabi ng dalaga. “Ka…” pahabol ng binata. “Ano?” tanong ng dalaga at tumawa nalang yung binata sabay kamot sa ulo.
“Come here o, may bench dito. Pinagawa talaga ni daddy. Come sit para di ka mapagod sa pagtitig sa house” alok ng dalaga at naupo sila sa isang wooden bench na may shade. “Purpose nitong bench para mapagmasdan mo ng husto yung house or para makapaglaway ka pag di mo afford” biro ng dalaga sabay tawa. “How much is it?” tanong ng binata. “Well…it depends if you will make tawad pa” lambing ng dalaga. Natawa ang binata at huminga ng malalim, “Magkano ba talaga…with patong…so don’t tell me how much the patong” sabi ng binata.
“Kasi naman si daddy gumagawa, tapos si mommy yung business talk. Magaling siya magbenta. E may gusto ako bilhin kaya sabi ko can I try to sell this house para di na ako mag ask sa kanila ng money” daldal ng dalaga. “Magkano nga?” hirit ng binata. “Ten” sagot ng dalaga. “Great! I have twenty, so can I buy two?” banat ng binata sabay naglabas ng bente pesos. “Ten million” sabi ng dalaga sabay simangot.
“Yen?” hirit ng binata. “Pesos!” pagalit na sumbat ng dalaga at natawa ang binata. “Alam mo dapat malawak ang pasensya mo pag nagbebenta ka ng ganito. Wag ka agad magagalit” paliwanag ng binata. “Hindi naman ako galit, look im even smiling, ten million! Pesos!” sigaw ng dalaga sabay ngiti. “Okay, kasama ba itong bench?” tanong ng binata.
“Sure, gusto mo ito nalang kama mo sa master’s bedroom? Pwede naman natin ipapasok ito” banat ng dalaga. “Ayos, pero alam mo parang di maganda yung kulay” sabi ng binata. “Okay lang pwede mo naman palitan paint after, sagot ko na yung watercolor na magagamit mo” lambing ng dalaga at muling nagtawanan yung dalawa. “Sa tingin mo makakabenta ka pag ganyan ka?” banat ng binata at nagpacute ang dalaga. “Oo kasi magsosorry din lang naman ako after e” lambing niya.
Pinagmasdan ulit ng binata ang bahay sabay ngumiti, “Okay ten million it is. So how will we do the transaction?” sabi niya at sobrang natuwa ang dalaga at napakapit sa braso ng binata. “Talaga bibilhin mo siya? As in youre going to buy it?” tanong niya at inuga uga ang binata. “Aray! Nanakakit ka na” sabi niya. “Ay, sorry. Gusto mo tawag na ako ng medic or rescue team?” lambing ng dalaga at muli sila nagtawanan.
“Seriously I am going to buy this house” bigkas ng binata. “Hmmm okay can you come back tomorrow kasi wala sina mom and dad. Sila mag aayos ng paper work and stuff pero sa akin mo ibibigay yung money” sabi ng dalaga. “How would you like to get paid?” hirit ng binata. “Hmmm mas maganda pag coins lahat, kahit tig pipiso nalang” banat ng dalaga.
Nagpigil ng tawa ang binata sabay ngisi, “Sure I can do that” sabi niya. “Would you like to go inside?” alok ng dalaga at naglakad ang binata patungo sa kabilang bahay. “Tara” game na game niyang binigkas. “Not in our house, dito o” sabi ng dalaga. “Ay dito ba? Hindi na. Akala ko naman pagmemeryendahin mo ako kasi pagod ako sa biyahe. I just came from Manila” sabi ng binata. “If youre really going to buy the house treat nalang kita to lunch pagkatapos mo magbayad” sabi ng dalaga at muli sila nagtawanan.
“Parang ako na din lang nag treat ng lunch” sabi ng binata. “Not really kasi once you pay di mo na pera yon. Akin na yon so its my treat” paliwanag ng dalaga. “Ganon parin yon, pinahaba mo lang e” bigkas ng binata. “Please come back tomorrow ha” sabi ng dalaga. “Can I take a picture?” tanong ng binata. “Oh sure sige lang no, go ahead take as many as you want” sagot ng dalaga.
“Not the house, you” sabi ng binata. “Me? Why me?” tanong ng dalaga. “Kasi when I buy that house its empty. So if I have your picture, I can have it printed and framed para naman kahit papano may maganda akong display kahit wala pa ako gamit” paliwanag ng binata. Muling namula ang mga pisngi ng dalaga at ngumiti. “Game” bigkas niya. Nilabas ng binata ang phone niya at agad kumuha ng picture. “Thanks ha” sabi niya.
“Can I take your picture too?” lambing ng dalaga sabay nilabas din phone niya. “Bakit pa?” tanong ng binata. “So I know who to make pakulam if ever you don’t return, smile” paliwanag ng dalaga sabay kuha ng picture. “Ay oo pala I will need also one strand ng hair mo” sabi ng dalaga sabay bumunot ng buhok ng binata. Nagtawanan sila saglit at sabay pinagmasdan ang bahay.
“Some say its difficult choosing the right house to buy pero ang dali lang pala” bigkas ng binata. “Anyway my wife and kids will love this house for sure” hirit niya at napansin niya na nabura ang ngiti sa mukha ng dalaga at napalitan ng munting simangot. “Sige balik nalang ako bukas” sabi niya sabay nagtungo sa kotse at pumasok. Nakatayo lang ang dalaga sa tapat ng bahay, dumaan ang kotse sa harapan niya. “How many kids do you have?” tanong ng dalaga. “None yet” sagot ng binata. “Ah gagawa palang kayo ng wife mo” sabi ng dalaga. “If I find the right girl to marry” sagot ng binata.
Napakamot ang dalaga at nahilo konti, “But you said your kids and wife will love this house?” tanong niya. “I was speaking future wise, sa kasalukuyan ako palang titira diyan” sagot ng binata at nanumbalik ang ngiti sa mukha ng dalaga. “Hey…we didn’t exchance names” bigkas ng dalaga. “We can do it tomorrow, for now you can start calling me…”
“Neybor”
Chapter 1: Kalayaan
Nagising ang binata at dahan dahan minulat ang kanyang mga mata. Mainit ang buong katawan, may makapal na comforter blanket sa ibabaw ng katawan niya. Napalingon siya sa paligid at napangiti, hindi ito ang kanyang kwarto na araw araw ginigisingan. Huminga siya ng malalim at naalala na niya lahat, nasa isang magarang hotel siya sa Baguio at ito ang unang araw ng kanyang kalayaan.
Bumangon ang binata at binuksan ang kurtina, lumabas siya sa terrace at namangha sa magandang tanawin. Medyo madilim pa sa labas pagkat hindi pa sumisikat ng todo ang araw, ang simoy ng hangin sariwa kaya nag inat siya at biglang niyakap ang sarili pagkat naramdaman ang matinding ginaw. Bumalik sa loob ng kwarto ang binata at tinignan ang phone niya, ang daming missed calls at text messages pero hindi niya ito binasa at agad pinagbubura.
Pagkatapos maligo agad siya nagbihis at nagtungo sa restaurant ng hotel para mag almusal. May ibang mga tao don, masayang kumakain kaya naupo ang binata at pilit tinago ang nararamdaman niyang ginaw. Nang matapos kumain bumalik ang binata sa kwarto at inayos ang kanyang gamit, naupo saglit sa kama at muling napangiti nang maalala ang bahay na kanyang bibilhin.
Nagtungo siya sa counter para magcheck out, binati siya ng magandang ngiti ng dalagang receptionist. “Mister Sebastian Del Mundo?” tanong niya. “Yes, checking out please” sagot ng binata. “Okay na po sir, bayad na po lahat” sabi ng dalaga. “What do you mean bayad na lahat? I haven’t paid yet” sabi ng binata at muling napatingin sa computer ang receptionist. “Sir okay na po. You bill has been settled already” sabi ng dalaga.
Napahaplos sa noo ang binata at napailing, “Paid by mister Del Mundo?” tanong niya. “Mrs Del Mundo po” sabi ng receptionist at napabuntong hininga ang binata at natawa nalang. “How the hell did they know I was even here?” bigkas niya at di sumagot ang dalaga at nanatiling nakangiti. “Oh well, can I ask where the banks are located?” tanong ni Sebastian. “Sir, most of them are located along Session Road but they open at around nine” sagot ng receptionist.
Napatingin ang binata sa kanyang relo at nakitang alas siyete palang. “Ah sir wait, I checked and you are paid for one whole week” sabi ng receptionist at muling napahaplos sa noo si Sebastian. “Give it away” sagot niya. “Sir I cant do that, and we cannot even offer a refund” sabi ng dalaga. “Its yours then, use the room” sabi ng binata.
Ngumiti ang dalaga pero napasimangot, “Sorry sir di pwede ganon” bulong niya. “Hmmm well may kaibigan ka? Ayan treat mo sila. Bayad naman na e. Or relatives mo, ikaw na bahala. Bayad naman na e” sabi ng binata. “E sir I cant do that. And you might change your mind, I will just leave the room vacant” sagot ng receptionist. “Oh I wont be back, I am buying a house today. Look its paid for seven days, I used up one. Ikaw na bahala sa six days, don’t worry its our secret. If you need me to sign papers afterwards I will leave my phone number” sabi ni Sebastian.
Ngumiti ang dalaga at dahan dahan lumingon sa paligid, wala doon ang manager kaya mabilis niyang tinago ang record sheet ng binata. “Thank you sir” bulong niya. “Ei what can I do along Session road for two hours?” tanong ng binata. “First time in the city?” tanong ng dalaga. “Parang ganon, I was here before but we were kids” sagot ng binata. “Well you can walk, siguro malilibot niya ang Session road two to three times” sabi ng dalaga. “Hindi kaya ako mawawala?” tanong ni Sebastian at natawa yung dalaga.
“Hindi po sir maliit lang ang Session road. It’s the central business district of the city. So most of everything you need will be there” paliwanag ng receptionist sabay abot ng isang calling card. “Elizabeth Cordero” bigkas ng binata. “Call me Eli” sabi ng receptionist at nagkatitigan sila. “Just in case mawala kayo, I may give you instructions” pahabol ni Eli. “Sabi mo maliit lang Session road, tinatakot mo na ako nito e. Anyway just kidding, sige salamat sa tulong” sabi ng binata sabay agad umalis.
Nakaparada sa tapat ng banko si Sebastian pero maaga pa. Naglibot libot muna siya at tuwang tuwa pagkat kay layo na ng nalakad niya at hindi pa siya pinagpapawisan. Tulad ng sabi ni Eli nalibot niya dalawang beses ang Session road, pagkabalik sa kotse bukas na yung banko. Tumuloy siya sa loob at nagtungo sa may manager’s office. Isang matabang matandang lalake ang nakaupo sa harapan ng mesa at may mga papeles na pinipirmahan.
“Excuse me sir, I would like to inquire about my account” sabi ng binata. Hindi siya pinansin ng manager, “Sa labas ka magtanong” sumbat nito. “My account is in Manila and I requested that my funds be transferred here” hirit ni Sebastian at biglang napatingin sa kanya ang matanda. “Mister Del Mundo?” tanong nito. “Opo sir” sagot ng binata kaya agad tumayo ang manager at nagbago ang mood nito.
“Oh my God I am sorry sir, please sit down. Your account is ready here sir and your parents actually deposited more funds yesterday. Oh I am Geronimo Alcantara, you can call me Gerry” sabi ng manager. Napayuko si Sebastian at napahaplos nanaman sa noo, “My God pati bank account ko alam nila. How much did they add?” tanong ng binata.
“Lets just say a huge amount” sabi ni Gerry sabay ngisi. Tinitigan siya ng binata at tinaas ang isang kilay. “Twenty million” sabi ng manager at lalong nalungkot ang binata. Nagtataka yung manager pagkat hindi ganon ang reaksyon na inaasahan niya. “So my account has thirty one million?” tanong ni Sebastian. “Yes sir, would you like to invest it? I can show you some ways to invest your money so I can earn more interest” alok ng manager.
“Show me how to return the money” sabi ng binata at muling nagulat ang manager. “Return the money? But why?” tanong ni Gerry. Napabuntong hininga ang binata at tinitigan ang matandang lalake. “And you would not want me to return the money kasi sayang din ang kikitain niyo right?” tanong niya at nahihiyang ngumiti ang matanda. “Fine, open for me a separate account for the additional twenty million. Let it rot in that account…oh time deposit pala” sabi ng binata. “Oh good choice sir” sabi ni Gerry.
“And the eleven million, I will be taking out ten because I will buy a house today. Can I apply for an ATM card for the one million? I think its dangerous for me to be carrying ten million, what do you suggest?” tanong ng binata. Inangat ng manager ang telepono niya at may kinausap, pagkababa nakangiti ito. “Consider your ATM done, ginagawa na po siya. And for the ten million we can give you a manager’s check so its easier to carry or if they have a bank account here we can just transfer your payment to their account” paliwanag ng manager.
“I don’t know if she has a bank account here, if ever can I just call you do to the transfer? Or do I need to sign papers still? What if their account is on another bank?” tanong ni Sebastian. “Sir, no problem. Just call me anytime at ako na bahala. I promised your mother and father to take care of your account” sabi ni Gerry at napapikit si Sebastian at napailing. “My God I am not a kid anymore!” sigaw niya at nagulat yung manager.
May pumasok sa office at nilapag ang isang ATM card, “Sir I need your signature here and sir your temporary password is set and its inside the envelope, you can change it later when you use the machine” sabi ng isang dalagang teller. “Pag ibang tao how many days will it take them to have their ATM?” tanong ng binata at nagkatitigan yung manager at teller. “Right away din lang sir, new system na po ang banko” sabi ni Gerry.
“Really? Or is this VIP treatment?” tanong ni Sebastian. “Oh no special treatment whatsoever sir. Kahit itanong niyo sa mga nag aapply ng ATM” sabi ni Gerry. Pumirma si Sebastian at tinitigan ang card niya, “So this has one million right?” tanong niya. “Ah thirty one million parin sir kasi hindi ko pa natrabaho yung isang account niyo tapos diyan narin natin kukunin yung pambayad niyo sa bahay” paliwanag ng manager. Napangiti si Sebastian at agad tinago ang card. “Good, ayaw ko ng VIP treatment pero tatanggapin ko alok mo sa pagtransfer ng payment later. I don’t like carrying ten million around” sabi ng binata.
Trenta minutos pa nagtagal ang binata sa opisina ng manager. Nang maayos na ang mga account niya ay agad ito nagtungo sa kotse niya at sobrang excited sa pagbili sa kanyang bahay. Papasok na sana siya sa kotse pero napangisi ito at bumalik sa opisina ng manager.
Samantala sa malayong lugar pagalit na pumasok ng bahay ang isang dalaga. Nagdadabog ito at galit na galit. “Sofia will you please calm down” pakiusap ng kanyang nanay. “He told me he will buy the house! Anong oras na, its already eleven at wala pa siya” reklamo ng dalaga at natawa ang tatay niya na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng diyaryo. “Baka inuto ka lang niya iha. Remember ganyan ang Pinoy, they cant say it straight to your face na ayaw na nila. Sasabihin nalang na babalik pero di na babalik. Deal with it Sofia, me and your mother have experienced that lots of times” sabi ng tatay niya.
“Pero dad as in he really wanted to buy the house and I could see it in his eyes…he has cute eyes by the way, patulis pa eyebrows niya” landi ng dalaga sabay tawa. “Did you get his name or his number? Tawagan mo siya at magverify, then tell him that someone is here interested already but you are giving him the chance kasi siya nauna. Come on iha you can do it. Utakan lang naman yan minsan e” sabi ng kanyang nanay.
“I don’t have his name and I don’t have his number but I have his picture and one strand of hair! Ipapakulam ko talaga siya mommy, magpapatulong ako kay ate Josie. Remember madaming mangkukulam sa place nila diba ate?!” sabi ng dalaga at natawa nalang ang kanilang kasambahay. “Hay naku Sofia just accept defeat already. Try harder next time” sabi ng tatay niya. Napasimangot ang dalaga at lumapit sa kasambahay nila, “Ate kunin mo tong hair at picture niya, ipakulam mo siya now na!” sabi ni Sofia at may narinig silang mga sasakyan sa labas ng bahay.
Takbo ang dalaga papunta sa bintana, ang laki ng ngiti sa kanyang mukha pero agad nanlaki din ang mga mata. “Mommy…how big is ten million?” tanong ni Sofia. “What do you mean how big?” tanong ng nanay niya. “I mean kasya ba sa maliit na maleta?” hirit ng dalaga. “Of course iha” sagot ng tatay niya. “Hindi kailangan ng armored car diba? E bakit may dala siyang armored car?” tanong ng dalaga at napalapit narin sa bintana ang kanyang mga magulang.
“Oh my God iha, how much did you sell the house for?” tanong ng nanay niya. Natawa bigla si Sofia at nagtakip ng mukha, “Oh my God tinotoo niya! Oh my God! Sabi ko kasi pay me in coins” bigkas ng dalaga at sabay napakamot ang kanyang mga magulang. Takbo ang dalaga palabas ng bahay nila para salubungin ang binata. Sakto nasa likod na ng van ang binata at nakahawak sa pinto nito. “Just as promised, ten million pesos in coins” sabi niya sabay ngisi.
Si Sofia napaekis ang legs niya, humawak sa tiyan at bibig sabay tumawa. Naaliw si Sebastian sa panliliit ng mga mata ng dalaga, lalong nabighana sa ganda nito. “Loko ka naman I was kidding about the coins” sabi ng dalaga. “Ha? You were? I thought you were serious” banat ni Sebastian. Nakalabas narin ang mga magulang ng dalaga at natawa talaga sila. “Ei Neybor, this are my parents, Architect Edward Flores and my pretty mother Catherine Flores” pakilala ng dalaga. Nakipagkamay ang binata at si Sofia napatitig sa kanya at biglang bangga sa kanyang mommy. “Told you he has nice eyes” bulong niya sabay tili.
“So ikaw yung nauto ng anak ko na bumili nitong bahay?” tanong ni Edward. “Actually sir I wouldn’t call it nauto, I was really mesmerized by everything. The house is wonderful and the surroundings makes me feel so close to nature” paliwanag ng binata at napangiti si Sofia sa pagsagot ng binata. “So did you really bring coins?” tanong ni Catherine at napangisi si Sebastian. Binuksan ng binata ang pinto ng van at nagulat yung tatlo pagkat may mga lalakeng naka waiter uniform sa loob na may dalang madaming pagkain.
“I knew she was kidding but I wanted to make her think I really did. So I just got food instead, I do believe that a business transaction is best accomplished with good food” sabi ng binata. “Hala you shouldn’t have” bigkas ni Catherine habang si Sofia dahan dahan tumalikod at pinikit ang kanyang mga mata. “Anak naman harapin mo naman siya, ikaw yung nagbenta e” bulong ng ama niya. “Wait dad, please five seconds lang” sagot ng dalaga at pasimpleng natili.
Pumasok ang mag asawa sa loob ng bahay para gabayan yung mga waiter. Pumasok narin si Sofia habang si Sebastian nagpasalamat sa driver ng van at mga waiter. Sa loob ng bahay di mapakali ang dalaga, sinilip niya yung mga pagkain at biglang inuga si Josie. “Anak nasan na siya?” tanong ni Catherine at pagtingin nila sa pinto at naka sara ito. “Ay nalock ko” sabi ni Sofia kaya takbo siya agad sa pinto at binuksan ito.
Nakatayo sa labas si Sebastian, natawa ang dalaga pagkat well behaved siya. “Grabe ka marunong ka naman siguro kumatok” sabi ni Sofia. “I was about to pero inisip ko baka nag aayos pa kayo kaya nag antay ako konti” sagot ng binata. “Oo tama kasi tinago pa namin yung mga drug paraphernalia, nagbebenta din kasi kami ng shabu” biro ng dalaga. “Hay naku iho wag ka maniwala diyan. Pasok ka” sabi ni Edward. Tumabi si Sofia at pinagmasdan ang binata, suot nito black polo shirt, unbuttoned ang first three bottons. Well tucked in with matching dark maong pants at shiny black shoes. “Porma natin ha, parang aakyat ka ng ligaw” bigkas ng dalaga sabay ngiti.
“You look good in that dress” sagot ng binata at napahawak si Sofia sa skirt ng red dress niya at nagpaikot na parang model. “Kulang nalang sungay at buntot” bulong ni Sebastian sabay ngisi. Napataas kilay ni Sofia at biglang sinara ang pinto, “Hala sige pasok!” sigaw niya sabay turo sa sofa.
Pagkaupo sa sofa pinagmasdan siya ng mga magulang ng dalaga. “Are you really going to buy the house?” tanong ni Catherine. “Of course madam. Just tell me how this works kasi wala ako alam dito. First time ko bumili ng bahay” sagot ni Sebastian. “Well if you are really going to buy the house then we should start the paper works, we need your name” sabi ni Edward.
“Sebastian Oliver Del Mundo” sabi ng binata. “Sebastian Oliver Del Mundo” ulit ni Sofia at napangiti ang binata. “Sebastiaaaan” landi ng dalaga, “Pasensya ka na sa anak namin, she is eighteen but she does not act her age” sabi ni Catherine. “Its okay, im starting to get fond of her. Kaya lang di ko pa alam pangalan niya” sagot ng binata. Sasagot na sana si Edward pero pinatigil siya ni Sofia. “Wag niyo sasabihin name ko! Hulaan niya dapat” sabi ng dalaga. “Wala bang clue?” tanong ni Sebastian.
“Letter S” landi ng dalaga. “Sheitan?” tanong ng binata. “Sheitan? What kind of name is that?” tanong ni Sofia. “Oh it’s a foreign term for Satan” sagot ng binata at biglang napatayo ang dalaga sa galit. “Sofia! My name is Sofia. Grabe ka, sungay, buntot tapos Satan” sigaw ng dalaga sabay naupo muli at nagsimangot ng todo. Nanatili siyang tahimik habang nakikipag usap ang magulang niya sa binata.
Nagkaroon ng maraming pirmahan at tawagan at pagkatapos ng isang oras nakipagkamayan si Sebastian kay Edward habang si Catherine inabot na ang mga susi ng bahay. “Don’t worry makakabit yung electricity at water by this afternoon” sabi ni Edward. “Oh come on let’s have lunch already, na reheat na ni Josie ang pagkain” sabi ni Catherine. Habang naglalakad sila papunta sa dining area tumabi si Sofia sa binata. “Youre so mean” bulong niya.
“Sorry, my brain froze and I couldn’t think of any angelic names. The only angel I could remember was Satan” pabulong na paliwanag ng binata. Nagbalik ang ngiti sa mukha ng dalaga at nilaro bigla ang buhok niya. “Why angelic name?” tanong niya. “Kasi you look like one” sagot ni Sebastian. Napatalikod ulit si Sofia, napakagat sa labi at hinawakan yung flower vase. Bigla siya humarap at hinampas ang vase sa binata pero nagulat siya nung tatay niya ang nandon. “Sofia!!” sigaw ni Edward.
Gulat na gulat ang dalaga, pagtingin niya sa lamesa nakita niya si Sebastian hawak ang isang upuan at inaantay maupo si Catherine. Tinulak ng binata ang upuan hanggang sa nakaupo ng maigi ang nanay ng dalaga. Binaba ni Sofia ang vase at dahan dahan lumapit, nakatayo parin si Sebastian at tila inaantay siya. “Bakit di ka pa maupo?” tanong ng dalaga. Di sumagot ang binata, nakangiti lang at hinila paatras ang upuan na para sa kanya.
Titig na titig ang mga mata ng dalaga sa binata, “Siguro hihilain mo yung chair pag paupo na ako no?” tanong niya. Walang imik si Sebastian, dahan dahan naupo si Sofia, talagang kumapit sa upuan. Nakaupo siya ng maayos, “Comfortable enough? I can push it forward some more” sabi ng binata. “Okay na” bigkas ng dalaga at pinanood si Sebastian na maupo sa katabing upuan. Ngayon lang nakaranas ng ganito ang dalaga, lalo siya napahanga sa binata at muling nalaro ang kanyang buhok.
Muling nagulat si Sofia nang binuhat ni Sebastian ang lalagyan ng kanin at tinapat sa kanya. Tulala ang dalaga pero napangiti ang nanay niya sa kanya. With poise naman kumuha si Sofia ng kanin, “Thanks” bigkas niya. “By the way iho ilang taon ka na ba?” tanong ni Edward. “Twenty one po” sagot ng binata. “Weh!!! Twenty one tapos may ten million ka?” tanong ni Sofia.
Di sumagot si Sebastian at ngumiti lang, “What course did you finish?” tanong ni Catherine. “Business management po two years ago then I just finished my MBA” sagot ng binata at gulat na gulat sina Edward at Catherine. “Oh wow, and you decided to buy a house here? Why?” tanong ng tatay ng dalaga. “Freedom” sagot ni Sebastian sabay niyuko ang ulo. Di na humirit ang mag asawa pero si Sofia pinagmasdan ang binata. “Oh well Sofia is taking up accounting, o ayan iha baka pwede ka magpaturo sa kanya once in a while” sabi ni Edward.
“Nakakulong ka dati? MBA…Mental bilibid association?” tanong niya sabay tawa. “Sofia, your manners” paalala ni Catherine at tumahimik ang dalaga. Ilang minuto sila tahimik pero kanina pa nangangati si Edward magtanong. “Buti naman nauto ka talaga ng anak ko bumili nung bahay. Alam mo suntok sa buwan yung pag gawa namin sa bahay na yan. Its expensive making it, although malaki din ang kikitain if ever mabenta. Dati kasi small houses lang ginagawa namin para sigurado mabenta. Medyo nangarap kami konti ng mas malaki and took the risk. Kaya lang we were not sure if may bibili pa. Since the deal is done I can be honest and I hope you don’t mind, we were willing to sell it for less” sabi niya.
“I wouldn’t care if she sold me the house for a hundred million. I would have still bought it. She already made me say yes when she greeted me with her smile” sagot ng binata. Napakapit sa tinidor si Sofia ng mahigpit, tumingin siya ng malayo saglit sabay kinagat ang labi. “But im not saying that I bought the house because of her, the house is really nice and I like it. She just made the decision making easier. When she told me that you made the house, I can see in her face that she wasn’t lying. She was honest to admit that she was trying to sell the house for a commission. And with that house being her first, I didn’t want to ask for a lower price”
“I do believe that if she pursues your family business she had to start somewhere. I am just glad to be of help in her first sale. The first sale is important, it can boost her confidence on her next sale. I think a few more sales and she is really going to be good at selling and I really like the house” paliwanag ni Sebastian. All smiles ang mga magulang ni Sofia habang ang dalaga pulang pula na ang mga pisngi. Di niya alam ang gagawin niya kaya bigla niya tinusok ng tinidor ang kamay ng binata.
Nagulat si Sebastian at hinila palayo ang kamay niya. “Sofia, sus iha naman” reklamo ni Cahterine. “Sorry” lambing ng dalaga sabay pacute. Ngumiti si Sebastian at nilapit din ang tinidor niya sa kamay ng dalaga. Tinitigan lang ng dalaga ang tinidor habang dumikit ito sa balat niya. “Now were even” sabi ng binata. Natuwa si Sofia at tinusok nanaman ang kamay ni Sebastian. Parang mga bata yung dalawa na nagbabawian, wala magawa si Edward at Catherine kundi matawa nalang sa inasal nung dalawa.
After lunch binisita ni Sebastian at Sofia ang bagong biling bahay. Pagbukas ng pinto di alam ng binata kung ngingiti siya o sisimangot pagkat walang laman ang bahay. “O ha! Ganda no? You have a fire place here. Maganda maglagay ng rug diyan tapos higa ka diyan sa tapat o kaya pumasok ka nalang sa loob para magpaletson” banat ng dalaga. Huminga ng malalim ang binata at pinagmasdan ang loob, kitang kita na sulit ang kanyang bayad pagkat maganda talaga ang pagkagawa.
“Tapos malawak ang iyong living room. Bagay dito malaking flat screen tv tapos super comfy na couches. Tapos come here…” sabi ni Sofia at nagtungo ang dalawa sa may kitchen. Pati kusina maganda ang pagkagawa, parang American home ang dating. “Ganda no? Dito sa center mo ilalagay yung stove mo. Meron din faucet dito at hugasan pero for food only. Not for dishes ha. If you make hugas dishes you use the lababo over there o. Remember this is for food and that lababo for the hugas” sabi ni Sofia.
Inikot nung dalawa ang buong bahay, natameme si Sofia bigla at napagod sa kadadaldal. Sa may garden sila tumambay at yung dalaga biglang naglakad paikot sa binata. “Nagdududa ako sa iyo. Twenty one years old na nakabili ng ganitong bahay” bigkas niya. “Well tama” sagot ni Sebastian. “Hmmm drug dealer ka ano?” bulong ng dalaga at napalingon pa kunwari sa paligid.
Natawa ang binata at napakamot nalang. “Siguro isa ka sa mga carnapper no? Bank robber? Dugol dugol gang? Kidnapper?” hirit ng dalaga. “Tama ka, nagkukunwari lang ako tapos pag close na tayo talaga kikidnapin kita tapos ipapatubos kita sa parents mo ng one hundred million” bulong ng binata. Napalayo si Sofia at tinitigan si Sebastian, “Kidnapper ka talaga?” tanong niya.
“Of course not, I was just kidding” sagot ng binata. Naglakad lakad ulit ang dalaga kaya natawa si Sebastian. “Bakit ba interesado ka?” tanong niya. “Well since we are going to be neighbors kailangan namin malaman ang tungkol sa iyo. Oo nga no, gagastos ka ten million, tapos konting pakisama kunwari then one day you kidnap me and ask for twenty million or more. Hmmm ganon ba business mo? Tapos bagong salta ka dito may armored van kang dala agad. Tapos may food! Siguro may lason yon ano?” tanong ni Sofia.
“I ate what you ate” sagot ng binata. “Hmmm alam mo mas madali ito pag umamin ka na” sabi ng dalaga. “Hay naku neybor, you have nothing to worry about. I would like to tell my story but its really complicated kasi. Sabihin nalang natin na I am lucky but I am looking for a change in my life. And this house is where my real life begins” sabi ni Sebastian.
“Grabe ka naman masyado kang showbiz. Daming arte pa” reklamo ni Sofia sabay simangot. “Bakit ka ba nagmamadali? Magkapitbahay na nga tayo e, madami pa tayong chances na makilala ang isat isa. I am not going anywhere” sabi ni Sebastian. Napayuko si Sofia at ngumiti, “Sorry ha, pero may boyfriend na ako” bigkas niya sabay dahan dahan tinignan ang binata.
“Masakit ba?” landi ng dalaga at natawa si Sebastian. “Bakit naman masakit?” tanong ng binata. Nagsimangot si Sofia sabay muling naglakad, “Kasi nga I have a boyfriend, so we cant make kwento everyday you know” paliwanag niya sabay binantayan nanaman ang reaksyon ng binata. “Ah ganon ba siya? You are not allowed to have a conversation with other guys? Sakal ka ba niya sa leeg?” sagot ng binata.
“No naman, pero I was just saying I do have a boyfriend” pilit ng dalaga. “So what if you have a boyfriend? We can still exchange stories or converse when we see each other. That is what neighbors do naman diba?” tanong ni Sebastian. “E kasi nga may boyfriend na ako e” sabi ni Sofia sabay pacute. “Hay ewan ko sa iyo. Di ko nakikita yung problema” sagot ng binata. “E kasi baka mainlove ka sa kin” biro ni Sofia at nagtawanan sila.
“Alam mo may respeto ako sa mga ganyan. Lets say I like a girl tapos may boyfriend na pala siya. I will back off and respect their relationship. Bakit ko siya susulutin? Ayaw ko din naman mangyari yon if ever may girlfriend ako no. So konting respeto lang naman” paliwanag ng binata. “So hindi mo na ako kakausapin?” tanong ng dalaga. “Hindi na” sagot ni Sebastian sabay ngisi. Nagsimangot ang dalaga pero pinisil ng binata ang pisngi niya. “Grabe ka naman ang babaw ko naman pag ganon…teka bakit naging tungkol sa atin ito?” sabi niya at natawa ang dalaga.
Naputol ang usapan nila pagkat dumating ang mga tauhan ng utility companies. Nakabaitan na ng kuryente at tubig ang bahay, masaya na si Sebastian pero namromrbolema parin kung saan matutulog pagkat wala pa siyang gamit. Naisip tuloy niya ang kwarto niya sa hotel pero naalala na naipamigay na niya ito kay Eli.
Niyaya siya mag dinner ulit sa bahay nina Sofia kaya hiyang hiya na ang binata. After dinner talagang naiilang na siya habang kinakausap siya ng mga magulang ng dalaga. “Alam mo we do have a spare room. You can stay here for the night kasi wala ka pang gamit” sabi ni Catherine. “Ay hindi na po. This is too much already. Cowboy naman po ako at may dala akong sleeping bag. Gusto ko narin matulog sa bahay ko” sabi ni Sebastian. Sa malayo nagmamasid si Sofia at sinesenyasan ang magulang niya na pilitin pa ang binata.
“Bakit ba Sofia gusto mo siya matulog dito?” bulong ni Josie. “Kawawa naman siya teh, may bahay nga wala naman kama o sofa man lang” sagot ng dalaga. “E bakit mas naawa ka pa diyan kesa kay Ivan?” hirit ng kasambahay sabay kinurot ang dalaga. “Ate gumatos siya ng milyones kailangan maging caring tayo sa kanya. Alangan na porke kumita na tayo e hahayaan nalang natin siya manigas doon” bulong ng dalaga. “At sa boyfriend mo hindi?” hirit ni Josie. “Ano naman kinalaman ni Ivan dito? Tsk nag cool off kami pero wag mo sasabihin kahit kanino, basta ayusin mo yung kwarto dali” sabi ni Sofia.
Nakita ng dalaga na hinatid ng parents niya ang binata sa pinto, lumingon pa si Sebastian at hinahanap siya kaya si Sofia nagpakita. Kumaway ang binata sabay ngiti, ngumiti din ang dalaga pero patampong umakyat sa kwarto niya. Dumungaw siya sa bintana at pinanood si Sebastian na ipasok ang kotse niya sa gate. Matapos non wala na siya makita kaya nag antay siya hanggang nagbukas ang ilaw sa master’s bedroom sa second floor.
Lumabas si Sofia sa terrace niya, sakto lumabas din si Sebastian sa terrace ng kwarto niya. “Neybor!!!” sigaw ng binata at natawa ang dalaga at kumaway. Pumasok na ang binata sa loob kaya pati ang dalaga pumasok na at nahiga sa kanyang kama at nag aalala. Nagkumot si Sofia sabay niyakap ang kanyang unan sabay nagsimangot.
Naglakad lakad si Sebastian sa loob ng malaki niyang kwarto. Wala naman talaga siyang sleeping bag kaya sinubukan ayusin ang mga damit niya para magmistulang kutson. Hindi siya komportable kaya muling bumangon at nag isip. Pumasok ang binata sa banyo at napangiti nang makita ang malaking bath tub. Nagmadali siyang kinargahan ang tub ng mga damit, agad siya nahiga sa loob at tumawa. “I will be alright” bigkas siya sabay pinikit ang mga mata.
Trenta minutos ang lumipas at nanginginig sa ginaw ang binata. Sinubukan niya mag suot ng madaming damit pero nasasakripisyo ang magadang higaan niya. Sampung minuto siya problemado at hindi mapakali. Kinuha niya phone niya pero naalala hindi pa niya nakukuha ang number ng dalaga. Naglakad lakad siya paikot ng kwarto niya at nang hindi maalis ang ginaw ay naglakas loob na ito magtungo kina Sofia para makihiram ng kumot.
Hiyang hiya talaga siya, ang bagal ng lakad niya papunta sa bahay ng dalaga at ilang beses pang umatras. Pagdating sa gate ng bahay ng dalaga, nahihiya siyang pindutin ang buzzer. Huminga siya ng malalim pero biglang nagbukas ang gate. Gulat si Sebastian nang makita si Sofia na may hawak na unan at kumot. “Eto o” bigkas ng dalaga. Napayuko ang binata ang di alam ang sasabihin, tiananggap niya ang makapal na berdeng kumot at matambok na unan pero di magawang tignan ang dalaga.
“The extra room is still available” bulong ng dalaga. “Okay na ito. Grabe maraming salamat Neybor” sagot ng binata. “Are you sure?” tanong ni Sofia. Napatingin si Sebastian sa dalaga at nagawa niyang ngumiti. “Good night neybor” sabi ng binata. “Good night neybor” sagot ng dalaga sabay sara sa gate.
Nakabalik sa bath tub si Sebastian, todo relax ang ulo sa malabot na unan at katawan niya naiinitan ng kumot ni Sofia. Nagring ang phone niya, agad niya ito sinagot sa inaakala na yung dalaga yon. “Hello” sabi niya. “Anak! Diyos ko iho I have been calling you since yesterday hindi ka sumasagot. Kahit sana text man lang iho” sabi ng nanay niya. “Hello mother” sabi ni Sebastian.
“Anong hello mother hello mother ka diyan? How are you? Are you okay? Come home already anak. Hay naku we are so worried about you na. Did you get the money we sent you? Is that enough? We can send more anak” daldal ng nanay niya at natatawa ang binata. “Hay naku mother dear, please relax and I am okay. Guess what?” sabi ng binata.
“What anak?” tanong ng nanay niya. “I bought a house” sabi ni Sebastian at napasigaw ang kanyang nanay. “Wow anak you have a house already? What does it look like?” tanong ng matanda. “Remember your dream house? The log cabin house? Ganon siya ma, its big and really nice” sabi ng binata. “Diyos ko anak when can I see it?” tanong ng nanay niya. “Not yet mother. When I already have a stable job here then I will invite you over” sagot ng binata.
“Anak naman, you could work here. Take over our business or di naman retired dad mo so you can work for him. We are so worried about you. Bakit ka pa kasi nagpunta diyan. Ang layo layo anak” sabi ng nanay niya. “Hay, do you like me to end up like kuya?” tanong ni Sebastian at biglang nanahimik ang nanay niya. “Ma hindi ako nagrerebelde. Please understand me, I am very thankful for everything you have done for me”
“You raise me well. Gave me everything I needed. Sent me to prestigious schools, pampered me with everything nice pero ma I don’t want to end up like kuya. I want to breath on my own, I want to live my own life”
“Look at kuya, what happened to him? His life revolved around a small circle. Oo nandon lahat ng kailangan niya pero look at him, he cant even stand on his own. Wala siya takot kasi alam niya may sinasandalan siya. He couldn’t even make a decision on his own, kailangan lagi for the good of the family. Para kaming robot na bago gumalaw mag isip muna kung beneficial or makakabuti sa pamily. Bawal dungisan ang pangalan baka masira sa iba. Now ma look at kuya, he is crazy, do you want me to end up like him?” tanong ni Sebastian.
“Of course not anak” sagot ng nanay niya. “Ma, let me breath on my own. Let me work on my own. Twenty one years ako nakakulong sa maliit na circle, ma there is more to life. Beyond that circle there are more to experience, I don’t want to stay safe within that circle. I want to take chances on my own. Ma gusto ko mabuhay, yung totoong buhay. I want to make mistakes and learn. I don’t want my life to be set and live a daily boring life. I don’t want to have friends that are limited to that small circle. I am twenty one years old and I don’t know what I am capable off and sometimes I don’t even know who I am. Di ko alam kung ako nga ba talaga ito or ako yung gusto niyo maging ako” sabi ng binata.
“Okay anak if that is what you want” sabi ng nanay niya. “O tapos masama loob mo sa akin. Do you understand what I want ma? Mahal na mahal ko kayo ni daddy at ni kuya pero ma I want to live” tanong ni Sebastian. “Oo naman anak pero I still worry about you” sagot ng matanda. “Ma relax, look I bought a house. So may tutulugan na ako at uuwian araw araw. Next I will find work, you sent me to a really good school so I will be able to find work soon. Hindi ka ba masaya ma na ginagawa ko ito sa sarili ko? Diba mas maganda ito kesa sa lahat nalang binibigay niyo?” tanong ng binata.
“Oo naman anak pero grabe parang ang bilis mo lumaki, baby ka lang dati e” sabi ng nanay niya at nagtawanan sila bigla. “Ma, twenty one na ako” sabi ni Sebastian. “Oo nga pero parang one year old ka palang. You were always the pilyo at magulo. Your kuya was the one disciplined. I cant imagine na bumaliktad bigla lahat” sabi ng matanda.
“Na ako ngayon ang disiplinado at siya sira ulo, as in literal?” biro ng binata at natawa konti ang nanay niya. “Loko loko ka baka marinig ka ng daddy mo at magalit yon” bulong ng nanay niya. “Hay naku tell dad I am okay. I will be fine and you will be proud of me” sabi ng binata. “Are you really okay anak on your own?” tanong ng matanda.
Naamoy bigla ni Sebastian ang unan sabay hinila pa konti ang kumot niya. Napangiti ang binata pagkat parang naamoy niya si Sofia. “I am perfectly fine mother. Late na, kiss dad for me. Say hi to kuya when you visit him and tell him that he is not crazy even if he is. Tell him that Olivia says hi, yeah yeah he kept teasing na bading ako. I was doing it to make him laugh, matatawa yan promise. Good night mother” bigkas ng binata sabay pinatay ang telepono.
Lalo diniin ni Sebastian ang ulo sa unan sabay niyakap ang kumot ng mahigpit at naalala ulit si Sofia. “Ouch!…she has a boyfriend!…but I will be fine” bulong sa sarili sabay binaon ang mukha sa unan.
“Ouch”
Tuesday, December 14, 2010
Neybor Final Preview
"Never be afraid to fall, don’t even close your eyes kasi sigurado kahit anong mangyari neybor nandon ako sa baba at sasaluin kita. And when I do yayakapin kita at hinding hindi kita bibitawan magpakailanman" - Sebastian
"Neybor"
by Jonathan Paul Diaz
21 Chapters
240 pages
E-book pdf format
200 pesos
A girl struggling with her relationship
One day a new neighbor appears
He happens to be mister right
To him she too is miss right
Will it be sad to belong to someone else
When the right one comes along?
Or will they find a way to be together?
Or will seeing each other's house bring pain?
If interested check out this post
ebooks for sale
for those who wish to buy please join this group