sk6

Thursday, April 22, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 1: Abilidad

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz


Chapter 1: Abilidad

Isang linggo ang lumipas, maaga nagising si Kiko at agad nagpunta sa kwarto ng kanyang mga magulang. Umakyat siya sa kamay at nagtatalon, “Wake up!!! Wake up!!!” sinigaw niya. Nagising si Fred at niyakap ang anak niya, tinago niya ito sa ilalim ng kumot at kiniliti. “Tsk ang gulo niyong dalawa!” sigaw ni Teresa. “Mommy nanaginip ulit ako” sabi ng bata.

“Ano nanaman dream mo anak?” tanong ng nanay niya at humarap sa dalawa. “Yun ulet tapos may may isa pa. Pupunta tayo sa Baguio!” sabi ni Kiko at biglang natawa ang kanyang mga magulang. “Baguio? Paano tayo pupunta ng Baguio anak e di pa pwede magbakasyon ang daddy mo from work” sabi ni Teresa.

Ngumiti lang si Kiko at yumakap sa mommy niya, bigla siya napapikit at nanginig. “Mommy, bad na tao yung doctor na yon. Sa iba niyo nalang ako dalhin” sabi ng bata at nagulat ang mag asawa. “Anong doctor?” tanong ni Fred at humarap naman si Kiko sa kanyang tatay at yumakap. “Kung saan niyo ako dadalhin mamaya” sabi ng bata. Tahimik lang si Fred at tinignan ang asawa niya, bumangon siya at napakamot.

May nilabas siya sa drawer at inabot sa kanyang asawa. “Ano to?” tanong ni Teresa. “Basahin mo nalang” sabi ni Fred. “Four days and four nights reservation…Baguio Manor? Pupunta tayo sa Baguio?!!!” sigaw sa tuwa ni Teresa at napangisi ng malaki si Kiko. “Fred ano to?” tanong niya. “E kasi diba we were planning…” bigkas ni Fred ng sumingit si Kiko. “Papatulugin niyo ako tapos doon sa room niyo si mommy magiging noisy” sabi ng bata at agad tinakpan ni Teresa ang bibig ng anak niya at gulat na gulat ang mag asawa.

“Yun na nga” sabi ni Fred at naghalakhakan yung mag asawa. “I think its time for breakfast” sabi ni Teresa nang bumangon siya. “Scrambled eggs and bacon!” sigaw ni Kiko at bumaba siya ng kama at tumakbo palabas ng kwarto. Niyakap ni Teresa ang asawa niya at hinalikan sa labi. “Ikaw ha, balak mo pa ako isurprise, akala ko ba di ka pwedeng magbakasyon?” landi niya. “Surprise nga e diba? I had to tell a lie to cover up the surprise pero wala na binuking na ni Kiko” sagot ni Fred.

“About that, medyo natatakot na ako labs” sabi ni Teresa. “Oo nga e, sa tingin ko kailangan na natin siya ipatingin” sagot niya. “Hmmm just like what he said” sagot ng asawa niya at napatawa silang dalawa. “Oo nga e, what if ipabukas nalang natin? O diba? Hindi na magkakatotoo yung premonition niya” sabi ni Fred at napangisi si Teresa. “Tama kontrahin natin…pero wag yung Baguio trip” sagot niya.

“Tamang tama sabado today and no work. Lets have a family day. O diba? Di niya nakita yon. Dalhin natin siya sa game area ng mall or lets watch a movie” sabi ni Fred. “Tama at iba ang lulutuin ko for breakfast” banat ni Teresa at tumawang parang demonyo ang mag asawa.

Bumaba ang mag asawa at nakita nila si Kiko sa sofa at nanonood ng telebisiyon. Nagtungo sa kusina si Teresa at pagbukas ng ref agad siya napakamot. “Alam ko may hotdog pa dito e” bigkas niya at napasilip si Fred. “Baka naman ubos na, ano nalang ba meron?” tanong niya at tinignan siya ng asawa niya. “Bacon, ano pa nga ba?” sagot ni Teresa at napabuntong hininga sila.

“Kiko! Tinago mo ba yung hotdog?” tanong ni Fred at tumayo ang bata sa sofa at tinignan ang mga magulang niya. “Ano po yon?” tanong niya. “Kiko, its not good to tell lies anak” paalala ni Teresa at dahan dahan bumaba ang bata at kinuha ang pack ng hotdog sa ilalim ng sofa. Nakasimangot na lumapit si Kiko at inabot ang mga hotdog. “Eto po mommy, sorry po” bigkas niya.

Tumalikod si Kiko at niyuko ang ulo na bumalik sa salas. Sinoli ni Teresa ang mga hotdog sa ref at nilabas ang bacon. “Oh akala ko ba kokontrahin natin?” tanong ni Fred. “As if kaya mo tiisin anak mo, just this one pero tuloy ang plano natin” sagot ng asawa niya. Napakamot si Fred at napalingon sa salas, nakita niya si Kiko na nakatingin sa kanya at nakangisi.

Tulad ng naplano ng mag asawa nagtungo sila sa mall para mag sine. Pagkatapos manood ay kumain sila ng pananghalian saka pinaglaro si Kiko sa game zone. Sa labas tuwang tuwa ang mag asawa pinapanood ang anak nilang nagsasaya. “Mukhang successful tayo” sabi ni Fred at umakbay sa kanya si Teresa.

“Frederico?” may lalakeng boses na nagsabi at napalingon ang mag asawa. “Teodoro?” bigkas ni Fred at biglang nagkamayan ang dalawang lalake. “Pare long time no see ah” sabi ni Teddy. “Six years pare, last time nagkita tayo nung graduation pa” sabi ni Fred at nagtawanan yung dalawa. “O siya nga pala pare this is my wife, Teresa. Labs ito si Teddy, barkada ko nung college” pahabol ni Fred.

“Hello nice to meet you. Kasama ko din asawa ko at anak, ayun sila o sa loob” turo ni Teddy. “Pare nandyan din anak ko e, ayun o yung naglalaro ng dance dance something” sabi ni Fred. “Wow gwapo ng anak mo ah, di nagmana sa iyo pare” biro ni Teddy. “Pero yung anak mo manang mana sa iyo, gwapo din” banat ni Fred at bigla siya siniko ni Teresa. “Ano ka ba labs ang bastos mo, babae anak niya at ang ganda nga e” sabi niya.

Nagtawanan yung dalawang magbarkada at nalito si Teresa. “Labs masanay ka na ganito talaga kami magbiruan” sabi ni Fred. “Mas masahol pa kami nung college, oo nga pala pre tinuloy mo bas a masteral?” sabi ni Ted. “Oo pare, kaya medyo nasa top management ako. Ikaw ba?” sagot ni Fred.

“Ah pare doctor na ako ngayon, nung matapos ko Psych e tinuloy ko na. Ngayon Psychologist na ako” sabi ni Ted. “Ows? Congrats pare, teka pala pare. Baka kaya mo icheck anak ko pare kasi may kakaibang nangyayari sa kanya e” sabi ni Fred. “Ow? Nagmana sa pagkasira ulo mo?” biro ni Ted at nagtawanan ulit yung dalawa.

“Hindi pare, parang nakikita niya yung mangyayari sa isang araw e. Tapos this morning e sabi niya pupunta kami sa Baguio kasi he dreamt it. Sa totoo yung ang surpise ko sana kay Teresa” kwento ni Fred. Naintriga si Teddy at napatingin kay Kiko, “What if we grab dinner tapos pwede ko siya tignan” alok niya at pumayag ang mag asawa.

Nagtipon ang dalawang pamilya sa loob ng isang restaurant, “Honey, this is Fred my barkada in college, his wife Teresa and their son” pakilala ni Teddy. “This is my wife Emily and my daughter Amy” dagdag niya. “Ang cute naman nitong little boy na to, whats your name?” tanong ni Emily sabay kurot sa pisngi ni Kiko.

Napapikit yung bata at nanginig sabay lumapit. “Kiko po” sabi niya at lalong lumapit at bumulong. “Wag niyo po sasampalin asawa niyo pag nakatingin si Amy” sabi niya at biglang napahalakhak yung babae. “Kiko what did you tell her?” tanong ni Teresa at hinila anak niya palayo. “Oh don’t worry nagpapatawa lang siya, comedian ata anak niyo” sabi ni Emily. “Nagmana sa ama I am sure” banat ni Teddy.

Nang natapos sila mag order ay tinatawag ni Teddy si Kiko para lumapit pero kumapit yung bata sa nanay niya. “Sabi kasi bad yan e” bigkas niya at nagkatinginan ang mag asawa at doon lang nila naalala ang sinabi ng anak nila nung umaga. “Anak sige na lapit ka na kay Tito Teddy mo” sabi ni Fred.

Lumapit si Kiko at naupo sa lap ng doctor, “Sabi ng mommy at daddy mo nagkakaroon ka ng dreams daw tapos nakikita mo daw yung mangyayari sa isang araw” sabi ni Teddy at napatingin si Emily. “Ows? Totoo?” tanong niya. Napangiti si Teresa at biglang nagkwento, sinimulan niya mula nung nag birthday ang anak nila.

Nagtawanan ang dalawang babae at parang nahiya si Kiko. “At that age ganon na dream niya?” tanong ni Emily. “Kaya nga e, tapos sabi niya naiyak daw kasi masakit sa dibdib” dagdag ni Teresa at lalo sila nagtawanan. “Well about that break up dream na recurring di ko alam but about the Baguio trip that is premonition. Then the knowing what happens what will happen on a specific day is really intriguing” sabi ni Teddy.

“Tapos about the Baguio trip sabi niya pag tulog na daw siya e my wife will make noises” kwento ni Fred at bigla siya siniko ni Teresa. “Noises?” tanong ni Emily. “Kasi we were planning to you know, para di siya lonely” pabulong na sabi ni Fred at biglang nagtakip ng bibig si Emily pero si Teddy napatawa. “Wow that specific ha” sabi niya.

“Hay naku sinabi mo, pati nga yung pagtingin mo sa kanya nakita niya e” sabi ni Fred at nagulat yung doctor. “Oh really? Nakita mo tong pangyayari na ito Kiko?” tanong ni Teddy at tinignan siya ng masama ng bata. “Okay, pano mo nagagawa yon iho?” tanong niya. Biglang humawak ang bata sa kamay ng doctor at napapikit.

“Tito pati kasama niyo maingay din” sabi ni Kiko at biglang napahalakhak si Emily at napatingin sa kanya yung bata. “Hindi po ikaw yon” dagdag niya. Natahimik ang lahat at saktong dumating ang pagkain. Nilayo ni Fred ang anak niya at pinatabi kay Amy. Nagsimula sila kumain pero damang dama nina Fred at Teresa na may tension na nabubuo kina Ted at Emily.

Ilang saglit lang biglang tumayo si Emily, “Excuse us please” sabi niya at hinila niya ang kanyang asawa. Si Amy biglang tumayo pero hinawakan ni Kiko ang kamay niya. “Wag ka na sumama” sabi ng bata. “Bitaw, sama ako sa mommy ko” sabi ni Amy na nakakalas at tumakbo. Tumayo din si Kiko at hinabol siya, “Kiko! No!” sigaw ni Teresa. “Wait labs, let him” sabi ni Fred.

Sa isang sulok nag usap sina Ted at Emily, nahawakan ni Kiko ang kamay ni Amy bago pa siya makalapit. “Halika may ipapakita ako sa iyo don” sabi ni Kiko. “Hindi sama ako kay mommy ko” pilit ni Amy. “Sama ka sa akin, may nakita ako doll doon” pilit ng batang lalake at nakuha niya atensyon nung batang babae. “Saan?” tanong niya. “Halika na nakita ko doon pero ubusin muna natin yung food” sabi ni Kiko at sumama sa kanya si Amy.

Nang nakaupo si Amy nanatiling nakatayo si Kiko sa tabi niya, “Kiko upo ka na din” sabi ni Fred. “Wait lang po” sagot ng bata at bigla silang nakarinig ng isang sampal sa malayo. Napatingin ang lahat ng tao sa mag asawang nakatayo, bumalik na si Kiko sa kanyang upuan at pilit kinukuha ang atensyon ni Amy para di siya lumingon. Halos mapaiyak sina Fred at Teresa sa ginawa ng anak nila, nilingon sila ni Kiko at nginitian.

Bumalik yung mag asawa sa lamesa para ituloy ang pagkain. Nang natapos sila tumayo muli si Emily at hinawakan ang kamay ng anak niya. “It was nice meeting you, mauna na kami” paalam niya. “Mommy wait Kiko will show me the doll” sabi ni Amy. “Not now, we need to go home” sagot ng nanay niya. Napasimangot si Amy at kinawayan si Kiko. Tumayo si Ted at hinarang ang mag ina niya. “Not like this” bigkas niya pero bigla siyang sinampal ni Emily.

Sabay nanigas yung dalawang bata, napatayo si Kiko, si Amy bigla nalang umiyak. “Leave us alone!” sigaw ni Emily at binuhat ang anak niya saka umalis. Hiyang hiya si Ted na bumalik sa lamesa at nilalabas ang wallet niya. “Pare ako na, its okay” sabi ni Fred. “Salamat, sorry about that” bigks ni Teddy. “Pare sorry, we should not have let Kiko do that” sagot ng barkada niya. “Don’t blame the child, he is innocent. Its my fault and she would have known about that affair sooner or later”

“You should have Kiko checked, bihira ang may ability na ganyan. Payo ko lang get him some help so he can control that ability pero mag ingat kayo kasi since rare yan madami ang gusto mag exploit sa ganyan. Sa ibang bansa kinukulong ang mga ganyan at ginagagawang lab experiments. I would like to help but it seems I have bigger problems. I can refer you to good doctors pero di ko sila kilala masyado so mas maganda yung may tiwala talaga kayo. Sige pare” sabi ni Teddy.

Si Kiko hindi parin gumagalaw, nanginginig ang katawan kaya agad siya niyakap ng mommy niya. “Labs uwi na tayo” sabi ni Teresa.

Pagkauwi nila sa bahay naupo ang bata sa sofa at natulala. Nagtungo ang mag asawa sa kusina at pinagmasdan ang anak nila. “Labs I feel bad dahil sa nagawa ni Kiko” sabi ni Teresa. “Labs, sabi nga ni Teddy na its not his fault. Inosente pa anak natin at he didn’t know that what he was going to say would be bad” paliwanag ni Fred. “Oo nga pero kahit na, parang fault pa natin kaya nag away sila” sabi ng asawa niya.

“Well maybe they can work things out. Wag na natin problemahin yon, lets think about Kiko now” sabi ni Fred. “May abilidad anak natin, sure na yon. Ayaw ko yung sinabi ni Teddy na gagawin siyang experiment. Wag na tayo hihingi ng tulong kung ganon din lang mangyayari” sabi ni Teresa at niyakap siya ng asawa niya. “Ayaw ko din yon, I want our son to be normal so tayo lang ang tutulong sa kanya” bulong ni Fred.

“Pero wala tayo alam diyan e. How will we help him?” tanong ni Teresa. “We raise him to be a good person. To know what is right and what is wrong. Di natin alam kung permanent yang ability niya. I want my son to be normal, I don’t want him to take advantage of his ability kung pwede man magamit. If not I don’t want to feel different din. So we have to exert effort, kahit di natin alam ano talaga yan we have to our best” sabi ni Fred.

“Pero he is a good child, nakita mo naman ginawa niya diba? Nilayo niya si Amy para di makita yung pagsampal” sabi ni Teresa. “Oo nga, but in the end she still saw it. That is why I think he is acting that way now” sabi ni Fred.

Tumabi ang mag asawa sa anak nila, napayuko si Kiko at biglang humagulgol. “Anak, bakit ka umiiyak?” tanong ni Fred at nagulat si Teresa at tumaas ang kilay. Sumenyas si Fred at sabi siya ang bahala.

“Tell me why you are crying anak” ulit niya. “Daddy nakita parin ni Amy. Sinubukan ko stop para di siya umiyak” sabi ni Kiko sabay punas sa luha niya. “Nakita mo ba na iiyak siya nung hinawakan mo siya?” hirit ng tatay niya. “Opo” sagot nung bata.

“Anak makinig ka sa akin ha. You are normal pero God gave you a special power” sabi ni Fred at biglang nagliwanag ang mukha nung bata. “Superhero ako?” tanong ni Kiko at natawa yung mag asawa. “No anak, pero alam mo ba konti lang ang nabibigyan ng power na katulad mo” sabi ng tatay niya. “Superhero ako?” kulit ni Kiko.

“Oo anak pero kailangan mo pa magtraining at di mo dapat gamitin ang powers mo lagi kasi baka maubos” sabi ni Teresa at nagulat si Fred. “Pero mommy di ko naman makontrol basta pag hold ko ng hand nakikita ko na lahat” sabi ng bata. “Kasi anak bata ka pa, that is why kailangan mo magtraining pa para makontrol mo power mo para di maubos” paliwanag ng mommy niya. “Oo at kailangan mo malaman ano gamit ng powers mo” kontra ni Fred at tumaas ang kilay ng asawa niya.

“Superhero nga ako pero umiyak parin si Amy. Ginawa ko naman para di niya makita pero nakita parin niya” sabi ni Kiko. “Anak lesson yan, siguro di mo pa ito maiintindihan ngayon pero I will explain it. You see anak yang nakikita mo is like a movie, ikaw nanonood ka lang. Parang cartoons, maupo ka lang at manood at di mo siya pwede palitan. Lahat ng makikita mo gamit ang powers mo di mo na pwede ibahin, ang tawag diyan anak ay fate” sabi ni Fred at tinignan siya ng anak niya.

“Pero daddy sa cartoons lagi naman panalo ang good e” sabi ng bata at napakamot yung mag asawa. “Oo kasi cartoons yon, iba yung real life na anak” sabi ni Teresa at lalong nalito ata yung bata.

“Ganito anak, yung nakikita mo gamit powers mo mangyayari at mangyayari na yan at di mo pwede palitan. Tignan mo nangyari, you tried but still umiyak si Amy” sabi ni Fred at napasimangot yung bata. “That is a lesson anak, that you cannot change what will happen but ang important is what you do after. If only naiwan pa si Amy e di sana pwede mo siya pasayahin para di na lalo umiyak” sabi ng nanay niya.

“Ahhhh…kasi alam ko na magiging sad siya at kahit ano gawin ko magiging sad talaga siya?” tanong ni Kiko. “Tama anak” sabi ni Teresa. “Oo nga dapat di sila umuwi agad tapos naglaro sana kami para di na siya sad” kwento ng bata at nakahinga ng maluwag ang mag asawa at napangiti.

“Do you undertand now anak? That you cannot change what is set to happen. Kasi kahit ano gawin mo mangyayari at mangyayari talaga. Tignan mo tatay mo diba? Sabi mo wag tatayo sa ilalim ng puno, umalis nga siya pero nung kukuha ng picture nandon ulit kaya anong nangyari anak?” banat ni Teresa. “Bukol!!! Dugo!!!” sigaw ni Kiko at nagtawanan ang mag ina at napakamot si Fred.

“Pero ano ginawa ni mommy pagkatapos? Ginamot ang sugat ni daddy diba? Para din a umiyak si daddy diba?” dagdag ni Teresa. “Hoy di ako iya..” sabi ni Fred pero nakurot siya bago pa siya makatapos. “Oo nga di na ako umiyak” sabi nalang niya at natawa yung bata.

“Pero pano kung talagang bad yung nakita ko, wala na talaga ako magagawa?” tanong ni Kiko. “Hmmm anak you can try pero wag masyado. Siguro you may succeed now pero kung talagang nakatakda na mangyayari ay makakahanap ng paraan ang tadhana para mangyari yon” paliwanag ni Fred at humawak sa ulo ang bata. “I don’t undertand daddy e” reklamo ni Kiko at tumawa yung mag asawa.

“Hay naku anak if you think tama gagawin mo at makakatulong sige lang. If you cannot avoid something from happening just let it happen. Just be there for that someone after nalang para di na sila sad” sabi ni Teresa.

“E di talagang papayag ka mag ice cream tayo now?” tanong ni Kiko. “Hmmm nakatakda ata yan e ano pa magagawa ko. Pero not too much kasi gabi na” sabi ni Teresa sabay tayo. Natuwa naman si Kiko at kiniliti siya ng tatay niya. “Nakita mo ba talaga yun anak?” tanong ni Fred.

“Hindi po” sagot ng bata sabay tumawa. “Narinig ko yon!!!” sigaw ni Teresa at biglang nagkatinginan yung mag ama.

“Patay” bigkas ni Kiko at lalo pa nagtawanan ang mag ama.