sk6

Wednesday, February 9, 2011

Resbak Preview

Resbak
By Jonathan Paul Diaz


Prologue

Binuksan ni Violeta ang pinto ng kwarto ng anak niya at sumilip sa loob. Nagkalat sa sahig ang tae kwon do uniform at bagong black belt ng anak niya. Napakamot nalang siya at pumasok para magsinop, natawa konti dahil sa kama nakita niya ang kanyang sixteen year old na anak na na nagthuthumbsuck habang natutulog.

“Raffy wake up, its enrollment day today” sabi ni Violeta. “Ma, ten minutes drive lang yung university from here” bulong ng binata. “Actually its thirty minutes” sagot ng nanay niya kaya napabangon si Raphael at nagsimangot. “Ma naman, hindi mo ba ako pinaglaban kay dad? Mas maganda kung diyan lang sa malapit ako mag aaral” reklamo ni Raffy. “Come on get up. Breakfast is ready and if you want to go to the university nearby then ikaw magsabi sa daddy mo” sagot ni Violeta.

Limang minuto ang lumipas at magkaharap ang magpamilya sa dining table. “Dad, kayo ni mommy dito kayo sa nearby University nag graduate diba?” tanong ni Raffy. “Bakit mo tinatanong yan? Alam mo naman ang sagot diyan at pag ayaw mo maniwala makikita mo nalang yung mga diploma namin ng mommy mo sa display room” sagot ni Philip, ang ama ng binata.

“Dad ayaw niyo ba mag aral sa alma mater niyo ni mommy? O diba pag graduate ko pareho tayo lahat ng diploma. And besides dad may scholarship offer ako remember? Ahem…tae kwon do champion…full scholarship” landi ng binata sabay ngisi. “So ano gusto mo ipahiwatig?” tanong ni Phil. “Wala na kayo gagastusin sa akin, konting dagdag allowance nalang kasi bibigyan din nila ako ng allowances”

“And look dad I can drive to school. Ten minutes lang yon” hirit ni Raffy with matching beautiful eyes kaya natawa si Violeta. “And you wont miss me that much because I will be ten minutes away” dagdag niya pero di siya pinapansin ng kanyang tatay. “May pera tayo. Kaya ka namin pag aralin ng mommy mo” sabi ni Phil. “Dad naman, I did some research about that school you want me to go to. Oo magkaribal sila ng alma mater niyo, yun ba gusto niyo? Bakit dad may mali bas a alma mater niyo kaya niyo ako gusto don sa karibal nila?” tanong ni Raffy.

“Of course not, both are good universities” sagot ng tatay niya. “E bakit niyo ako gusto don sa rival school? Tapos ang layo pa, thirty minutes drive. Mas maganda dito sa malapit kasi mas madami ako batchmates mag aaral don” reklamo ng binata. “Anak kailangan mo umalis sa iyong comfort zone para matuto ka sa buhay. Oo rival school nga pero mas maganda doon ka para walang pabor pabor. Kasi sometimes pag nalaman ng administration na alumni ang parents e nabibigyan yung anak ng konting favoritism. Ayaw ko ng ganon” paliwanag ni Phil.

“At gusto mo doon ako sa rival school para pag nalaman nung admin don parents ko ay alumni ng kalaban ay papahirapan nila ako?” tanong ng binata. “Anak hindi ganon. Pagbigyan mo nalang dad mo this time. Minsan lang siya humiling sa iyo diba? Look son, both universities are the best in our country. Malay mo doon pag nalaman nila champion ka baka bigyan ka din nila ng scholarship” sabi ni Violeta. “Scholarship or not pag aaralin ka namin ng mommy mo doon” singit ni Phil.

Napakamot si Raffy at nilaro ang kanyang pagkain. “Pano kung naaksidente ako? Imagine tatawagin kayo tapos ang layo pa ng lalakbayin niyo. Unlike pag diyan lang ako ay ten minutes away ako. Maabutan niyo pa ako sa ospital. Pero pag dun sa kabila ay baka sa punerarya niyo na ako maabutan” banat ni Raphael at nanlaki ang mga mata ng kanyang magulang. “Bad joke iho” paalala ni Violeta. “Sorry po” bulong ng binata sabay niyuko ang ulo.

“Im going to lose my friends” drama ng binata. “Make new ones” sagot ni Philip. “I might get lost while driving kasi di ko sanay yung lugar na yon” hirit ng binata. “Then don’t take your car, mag commute ka” sumbat ng ama niya. “But I am intelligent so I can easily get used to the place” bawi ni Raffy at natawa tuloy ang nanay niya. “No car use until you can show me that you are officially enrolled in that school” sabi ni Philip at natulala ang anak niya.

“Sige dad para sa iyo gagawin ko. Kahit labag sa aking kalooban. Where is freedom? But of course minsan lang kayo hihiling so okay dad I will enroll in that school by force” drama ng binata. “Violet dear magkano yung balak natin ibigay na allowance ni Raffy pag dito siya sa malapit mag eenroll?” tanong ni Phil. “Five hundred a day” sagot ng asawa niya at nanlaki ang mga mata ng binata. “At magkano yung ibibigay natin pag doon siya sa malayo?” hirit ni Phil.

“Its far so its going to be eight hundred a day” sagot ni Violet at napapangiti na yung binata. “Dinadaan niyo ako sa suhol ha” pacute niya. “Eight hundred plus gasoline allowance ang napag usapan natin diba?” tanong ni Phil. “Ay oo nga pala I forgot about that, two hundred a day gas allowance so that makes it one thousand a day” sabi ni Violeta. “Hmmm tempting offer…but why do you like me to go far? Is it because you want to make me a brother or sister? Afraid that I might come home and catch you two?” landi ni Raffy at nagtawanan ang kanyang mga magulang.

“Tumawag na ba yung car dealer my dear?” banat ni Phil. “Today daw ata, tinatapos pa yung papers nung bagong kotse. And I told them it has to be his favorite color of red” sagot ng asawa niya at napanganga ang anak nila. “Alam niyo mom and dad, mas maganda ata talaga pag dun ako sa malayo. I will meet new friends and imagine this we can trade stories kasi I will be studying at the rival school. Isnt that great?” banat ni Raffy at nagtawanan sila lahat.

Tatlong oras ang lumipas at nakatayo si Raphael sa harapan ng gate ng university na gusto ng kanyang magulang na pag enrolan niya. Tulala lang siya hanggang sa may sumigaw ng kanyang pangalan. “Raffy! Wow dude dito ka pala mageenrol?” tanong ng isang binata. Humarap si Raffy at kumunot ang noo. “Sino ka na ulit?” tanong niya at natawa ang binata. “We don’t know each other pero superstar ka sa school natin. Ako pala si Greg, section 4-G. Doon ka sa 4-A diba? Kaklase mo pinsan kong si Amado Torres” pakilala ng binata.

“Ah oo si Amads. Sorry dude ha di kita nakilala pero mukha kang familiar” sagot ni Raffy. “Tara dude sabay na tayo. Grabe kakagulat at nandito ka” sabi ni Greg at sabay pumasok sa campus yung dalawa. “Dude bakit ka dito mag eenrol? Ayaw mo ba doon?” tanong ni Raffy. “Dude malapit dito bahay namin kaya dito ako. Gusto ko sana doon para kasama mga batchmates natin pero sabi ng parents ko dito nalang sa malapit” sagot ni Greg at napasimangot si Raffy. “Tsk yan din sabi ko sa parents ko, ewan ko bakit nila ako tinatapon sa malayo” bulong ng binata.

“Ayos lang yan dude. At least dito di ka kilala. Unlike doon na for sure pagpasok mo palang ng campus ay papansinin ka agad. Sus ang laki ng poster mo doon e after nanalo ka sa national championships. Sasambahin ka doon pero dito baka markado ka kasi siyempre gusto ka subukan ng mga varsity nila. Pero dude relax magaling ka naman at sigurado ko kaya mo sila tumbahin” daldal ni Greg at iba na tuloy ang naramdaman ni Raffy pagkat tama lahat ng sinabi ng kanyang batchmate.

Naghiwalay ang dalawang binata pagkat magkaiba ang kanilang mga kurso. Nagdadalawang isip si Raffy kaya sa terrace ng second floor siya tumambay para makapag isip. Naglalaro sa isipan niya ang kanyang dating team mates sa tae kwon do. Ngayon nasa ibang paaralan na siya sigurado makakalaban niya mga yon sa tournament, isang pangyayari na ayaw niya dahil matalik niyang mga kaibigan ang mga dating team mates niya.

Trenta minutos na tulala bigla nakuha atensyon niya ng isang magandang dalaga sa labas ng campus. Napatitig talaga si Raffy sa magandang dalaga na naglalakad mag isa. “Wow…straight shoulder length hair…pretty face…” bulong niya at nanigas siya nang napatingin sa kanya ang dalaga at ngumiti. “Im yours” bigkas niya sabay nagmadaling tumakbo pababa at lumabas ng campus para habulin ang dalaga.

Pablabas niya ng gate nakita pa niya sa malayo ang dalaga kaya kumaripas siya ng takbo. Nakita niya ang babae nagpakanan sa isang eskenita kaya binilisan niya lalo. Pagdating sa eskenita ay napakamot siya pagkat dead end yon. Gulong gulo ang kanyang isipan, sigurado siya dito nagtungo ang dalaga pero yung lugar na yon ay liuran ng dalawang building na magkatabi. Wala man lang pintuan o bintana at sa isang gilid ay isang mahabang wall na semento.

Umakyat sa wall ang binata at lalo nagulat nang makita sa kabila ay isang malawak na bakanteng lote lang. “Ha? Saan ka nagpunta?” tanong niya sabay baba at muling pinagmasdan ang paligid. Pinagtutulak yung mga wall at baka may secret passage pero pagkalipas ng limang minuto ay tinawanan niya lang ang kanyang sarili.

Kinagabihan over dinner ay gulong gulo parin isipan ng binata. “Anak is something wrong?” tanong ng nanay niya. “Nakapag enroll ka na ba?” pahabol ng ama niya. “Hindi pa po pero something is wrong with me I think. Mom, dad, malabo na ata mata ko” sabi ni Raffy. “Bakit mo naman nasabi yan?” tanong ni Violeta. “Kasi po nakapila na ako sa enrollment…may nakita akong magandang babae…” bitin ng binata. “Hinabol mo ano?” landi ng nanay niya at napangiti ang binata. “Thank God my son is not gay…teka babae ba talaga?” banat ni Phil at natawa si Raffy.

“Dad naman, di porke wala ako girlfriend bakla na ako. I was just waiting for the right one. Oo madaming pretty babes sa old school pero this girl really caught my attention. I admit she was very pretty pero iba e. Ngayon lang ako humabol and I don’t know why. I felt something different. Dad ganon ka din ba nung nakita mo si mom?” tanong ni Raffy.

“Maybe, so what happened?” tanong ni Phil. “Yun nga po hinabol ko outside the campus. I saw her turn right so I followed only to find out dead end. Malabo na ata talaga mga mata ko. I saw her turn right pero imposible kasi dead end po talaga. Di naman po ako gutom that time at sure ako she turned right pero baka malabo talaga mata ko at sa left pala siya nagtungo kasi doon hindi dead end” kwento ng binata.

“Okay don’t worry about it. Just finish youre enrollment and we will have your eyes checked after” sabi ni Phil. Tinitigan ni Raffy ang plato niya at nag close open ang mga mata. “Ma fried chicken ito diba?” tanong niya. “Ha? Naku anak beef steak yan” sabi ni Violeta at natakot lalo ang binata pero nagtawanan ang kanyang magulang. “Itatanong mo kung fried chicken e naka tatlo ka na” banat ni Phil at napangisi ang binata sabay tawa.

Habang kumakagat sa pang apat niyang drum stick ay pinagmasdan ng binata ang mukha ng kanyang mga magulang. “O ano nanaman anak?” tanong ng nanay niya.”Sinisigurado ko lang na kayo parents ko. Baka mali tong bahay na inuwian ko sa labo ng mata ko” banat ni Raffy at muli sila nagtawanan. “Dear ipacancel mo na ata yung new car. Delikado na magdrive anak natin sa labo ng mata” banat ni Phil. “Ahem there is what you call correction glasses or even driving glasses” sabi ng binata sabay ngisi.

Pagkatapos ng dinner naupo si Raffy sa sofa at nanood ng telebisyon. Si Phil at Violeta nasa kusina, magkatabi sa harap ng lababo at nagbubulungan. “He really thinks malabo mata niya” bulong ni Violeta. “I know pero hindi natin pwede sabihin sa kanya ang totoo. He has to find out for himself and I know he will. Narinig mo naman yung sinabi niya. He felt it” sagot ni Phil.

“What if he does not push himself to find out? Pano kung paniwala talaga siya na malabo mata niya?” tanong ni Violeta. “Alam mo yung paaralan na iyon may ibat ibang pang akit sa mga students na qualified mag enroll doon. I have this great feeling that he will find that school” sabi ni Phil.

“And what if he doesn’t?” tanong ng kanyang asawa. “Then we have to really buy him a new car” sagot ni Phil at nagtawanan yung mag asawa.