sk6

Saturday, January 22, 2011

SAMK 2 Funny Short Scene

(Here is one short scene from SAMK, written by me of course)


Sa ilalim ng mga puno pumarada ang magbabarkada. Naiwan sa kotse sina Jayps, Kiko, Monique at Michelle habang yung iba nagtungo sa malapit na outdoor restaurant para bumili ng pagkain. Ang dalawang binata nakaupo sa harapan at naghahanap ng magandang tugtog sa local FM station. "Ilipat mo nga yan ang pangit ng mga tugtog diyan" sabi ni Monique.

"Iabot mo nalang yung gitara ko at ako nalang kakanta" sabi ng siga. "He knows how to sing?" tanong ni Michi sabay tinignan pinsan niya. "Ay super, hinarana niya ako dati" sagot ni Nicka sabay kinuha ang gitara mula sa likod ng SUV. "I know how to sing too" pasikat ni Kiko at bigla siya sinakal ni Michi at nagtawanan yung dalawa.

Pagkakuha ni Jayps ng gitara niya at bigla niya tinignan si Kiko. "Duet?" alok niya at nagngitian yung dalawa. Tawanan ang mga girls sa likod habang yung dalawang binata nag eensayo ng kanilang boses kunwari.

"Lalalalalalala lalalalalalalala" banat ni Jayps. "Wowowowowowowo" hirit ni Kiko at bigla siya binatukan ng siga. "Dude wag wowowowo, kadiri ka. Lalake tayo so dapat lalalalala lang" paliwang niya at biglang nagtawanan ang dalawang binata. Nagkatinginan ang magpinsan at nagtataka. "Bakit ano kokek?" tanong ni Michi at bigla nalang tumawa si Monique at sinakal si Jayps at humalakhak.

Pagkalipas ng isang minuto ay nag gitara na si Jayps at biglang kumanta ng kanyang version ng Billionaire. Tawa ng tawa ang dalawang dalaga pero pagkatapos ng first stanza ay biglang nag duet ang dalawang binata at lalong napahiyaw sa tawa ang magpinsan.

Inagaw ni Kiko ang shades ng siga sabay sinuot at nagsolo rap number habang nakalingon kay Michi. Ang nakakatawang kanta biglang naging seroyo kaya todo ngiti ang magpinsan. Nang matapos ang rap number ay nag duet ulit sina Jayps at Kiko at paulit ulit nalang kinanta ng non stop ang linyang

"So i wanna be a billionaire"

Sabay nagpaharap ang magpinsan at humalik sa mga pisngi ng mga nobyo nila. Sina Kiko at Jayps todo ngiti kaya inulit nila ang kanilang kanta.

-the end-

Lyrics of the song can be found here

(PS No i have not written SAMK2 yet. Its just on my scrap pad. Doing some additions when i really am bored or if i have a good thought and i just scribble it on my pad)