Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz
Nakabalik ang pamilya mula sa over extended summer vacation nila sa Baguio. Dahil nawili sila sa lugar tumagal sila doon ng dalawang lingo. Lumipas ang dalawa pang lingo at nasanay na sila sa abilidad ng kanilang anak. Pasukan na at si Kiko ay Kinder 1 na. “Kiko wag ka magulo para mabotones ni mommy uniform mo anak” sabi ni Teresa. “E mommy bakit nung pumasok ako kahit ano suot ko? Bakit ako mag uniform, ang init init gusto ko tshirt lang” reklamo ng bata.
“Anak kinder ka na e, last year nursery ka. Next year Kinder 2 tapos grade 1” paliwanag ng nanay niya. “E nasasakal ako mommy, wag na sa neck kasi” reklamo ng bata. “O sige na, o ayan dalian mo kumain at ihahatid ka pa ng daddy mo” sabi ni Teresa at agad humarap ang bata sa lamesa.
Pasimpleng tumabi si Fred at tinignan ang asawa niya. Nang nakita niyang hindi ito nakatingin lumapit siya sa anak niya. “Anak, malaki na yung jackpot sa lotto, diba ayaw mo na magwork si daddy. Tignan mo nga kung kailangan pa mag work si daddy” bulong niya sa anak niya at agad humawak sa kamay ng anak niya.
“Ano yang pinapagawa mo kay Kiko aber?” tanong ni Teresa. “Labs, di naman niya makikita yung lalabas e, gusto ko lang malaman kung mananalo ako para di na ako magsisigaw na parang babae mamaya” paliwanag ni Fred. “Talo daddy” bigkas ni Kiko at napakamot ang ama niya. “Kiko, anak may nakita ka bang ka noise si daddy na iba?” lambing ni Teresa.
“Labs! Mas masahol pa yang ginagawa mo” reklamo ni Fred at natawa ang asawa niya. “Hindi naman sa wala ako tiwala sa iyo pero iba na yung sigurado” sumbat ni Teresa. “Sige anak sagutin mo tanong ng mommy” sabi ni Fred. “Hmmm si daddy ang mag iingay e. Talon ng talon tapos di mapakali” sagot ng bata sabay subo sa pagkain. “Ako? Bakit ako tatalon at di mapakali?” tanong ng tatay niya at napataas ang kilay ni Teresa.
Pagkatapos kumain ay lumabas na yung mag ama, “Kiko did you kiss your mommy?” tanong ni Fred. “Ay oo pala, wait daddy” sabi ng bata at tumakbo pabalik sa pinto kung saan naghihintay ang nanay niya. Lumuhod si Teresa at niyakap siya ng bata. “Sorry mommy nakalimutan ko” sabi ni Kiko sabay halik sa nanay niya. “Excited ka kasi pumasok e, by the way may surprise ako sa bag mo, yung favorite mong chocolate” bulong ni Teresa.
Super ngiti si Kiko at muling humalik. “Alam ko mommy, nakita ko” sabi niya. “Naman anak, di na kita pwede isurprise pag ganyan e” tampo ni Teresa. “Wag ka na sad mommy, positive naman e” bigkas ni Kiko at nanlaki ang mga mata ng nanay niya. “Fred!!!” sigaw niya at agad lumabas ng kotse ang asawa niya.
“Bakit?” tanong ni Fred. “Anak ulitin mo nga sinabi mo sa daddy mo” sabi ni Teresa. “POSITIVE!!!” sigaw ni Kiko at napanganga ang ama niya. Tumayo si Teresa at napahawak sa tiyan niya, “Positive? Teka linawin mo Kiko!” sigaw ni Fred at dahan dahan lumapit.
“Late na ako daddy e! Basta si mama mag wiwi tapos positive” sabi ng bata. “Yes!!!” sigaw ni Fred at nagtatalon. Di siya mapakali, pumasok sa kotse sabay lumabas ulit at pinuntahan ang asawa niya para yakapin. Di pa nakuntento ay binuhat niya si Kiko at pinaikot ikot hanggang nahili silang mag ama.
“Fred!!! Si Kiko!” sigaw ni Teresa ay biglang natawa ang asawa niya. “Sorry anak, nahilo ka ba?” sabi ni Fred at si Kiko di makalakad ng direto at napaupo sa semento. “Oh my God I am sorry anak, magkakaroon ka na ng kapatid. Labs antayin mo ako at mag half day ako” sabi niya. “Para ano? Manganganak na ba ako?” tanong ni Teresa at napakamot ang asawa niya. “Oo nga no, ah basta pupunta tayo sa doctor. Basta mamaya, tara na Kiko” sagot niya.
“Well at least natapos na ang pagtatalon niya” sabi ni Teresa at bigla siyang nilingon ng anak niya at masama ang tingin. “Di pa tapos mommy” sabi ni Kiko sabay simangot at humawak sa ulo niya. Natawa nalang si Teresa at kinawayan ang mag ama niya habang silay papaalis. “Ingat kayo ha!” bigkas niya.
Pagdating nila sa school agad tumakbo si Kiko pagkat nakita niya si Layla. “O sige anak bye” bulong nalang ni Fred pero di parin siya maka get over sa magandang balita na sinabi ng anak niya.
“Magkakalase ba ulit tayo?” tanong ni Kiko pagkalapit niya sa kaibigan niya. “Oo daw sabi ni papa ko. Nakita niya sa room, doon ang room natin o bago na” sagot ni Layla. “Dito muna tayo mainit sa loob e” sabi ni Kiko kaya naglakad lakad ang dalawang bata sa campus.
Sa isang grupo ng bata na nagtatawanan, napatingin yung dalawa at nakita nila ang isang malaking batang lalake na kinakalkal ang bag na pink. “Tignan mo o bag niya pink” sabi ni Kiko sabay humalakhak. “Hindi bag nung girl yon o, umiiyak siya” sabi ni Layla at napatingin ulit si Kiko.
“Hoy Kiko saan ka pupunta?” tanong ni Layla pagkat biglang sumugod ang kaibigan niya. “Isoli mo bag niya!!!” sigaw ni Kiko at napatahimik ang grupo. Dahan dahan tumalikod ang malaking bata at tinitigan ang matapang na lalake. “Bakit siyota mo ba siya?” tanong nung malaking bata sabay nagtawanan ang mga kaibigan niya.
Napatingin si Kiko sa babaeng umiiyak, nilapitan niya ito at tinulungan tumayo. “Bag mo ba yung pink?” tanong niya. “Kinuha niya” iyak ng babae at lalo nagalit si Kiko. Tumalikod siya at inagaw ang bag saka sinoli sa babae. “Eto o” sabi niya at agad ito kinuha ng babae at niyakap.
Humarap si Kiko sa malaking bata at tinitigan. “Ikaw ang laki laki mo tapos inaagaw mo bag pa ng babae. Gusto mo din ba ng pink na bag?” tanong ni Kiko at nagtawanan ang lahat. Napahiya yung malaking bata at biglang tinulak si Kiko. “Ikaw mayabang ka ha. Sport tayo?” hamon niya at biglang napangisi si Kiko.
“Kiko wag!!!” sigaw ni Layla pero tinulak ulit nung malaking bata ang kaibigan niya. Ngumisi lang si Kiko at hinawakan bigla ang kamay ng kalaban niya. Napapikit siya saglit at biglang humalakhak.
“Diyos mio bata ka! Napunit mo nanaman ang pantalon mo! Lagi nalang ganito! Ayan di na pwede tahiin yan! Bibili nanaman tayo ng bago! Dahil diyan di na kita bibilkan ng games ng computer mo!” biglang bigkas ni Kiko na parang sinasaniban.
Tulala lang ang malaking bata at di makapaniwala pagkat ganon na ganon lagi ang linya ng nanay niya. “Hay naku naman kasi Bon Bon” pahabol ni Kiko at nagulat na talaga yung malaking bata. “Bon Bon? Ikaw si Bon Bon?” tukso ni Kiko at nanginig ang kalaban niya. Sobrang naghalakhakan ang ibang bata at nakitukso narin sa palayaw niya. “Bon Bon!!!” sigaw nila.
Sa sobrang hiya naiyak yung malaking bata at biglang tumakbong palayo. Lumapit si Layla sa kaibigan niya at binangga ito. “Galing mo pards ah” sabi niya at napangisi si Kiko. Yung umiiyak na bata biglang yumakap kay Kiko. Nagdikit ang mga kamay nila kaya si Kiko nanigas at napapikit.
“Aaaaahhhh!!!” sigaw ng batang lalake sabay tumakbong palayo. Di maintindihan ni Layla ang nangyari kaya tinignan niya yung babae at inirapan sabay hinabol ang kaibigan niya.
“Michi!!! Diyos ko saan ka ba nagpupunta kanina ka pa naming hinahanap!” sigaw ng isang babae. “Yaya dito naman school ko” sabi ni Michi. “No no, di ba nag change school ka na, doon school mo o sa kabila. Aysus pano ka ba nakatawid? Papatayin ako ng papa at mama mo pag nalaman nila ito” sabi ng yaya niya.
“Yaya dito nalang ako mag school ulit” sabi ni Michi. “Hay naku ha, sabi mo sa mama mo ayaw mo dito kaya nilipat ka doon sa kabila tapos gusto mo ulit dito? Hala ka tara na baka late ka na. Ay sus kang bata ka papatayin mo ako sa nebyos, tara na” sagot ng yaya niya.
Si Michi napalingon muli sa dati niyang paaralan, pilit hinahanap yung batang lalake na tumulong sa kanya. “Yaya dib a talaga pwede dito again?” tanong niya. “Bakit mo ba gusto ulit dito?” tanong ng yaya niya. “Kasi nandito si Kiko” sagot ng bata sabay ngiti. “Oh my goodness iha, ang bata bata mo pa para sa mga ganyan. Cannot be okay? Lets go na” sabi ng yaya niya at nalungkot muli ang batang babae.
Pagsapit ng recess ay nagsama sa labas ng classroom sina Kiko at Layla. “Kiko bakit ka tumakbo kanina? Kinagat ka ba niya?” tanong ni Layla. “Hindi, kasi nakita ko na magiging friends kami tapos ishare ko sa kanya tong chocolate ko. E favorite ko to e kaya ayaw ko nga” sagot ng batang lalake.
“Pano mo nakita?” tanong ni Layla at natahimik si Kiko at naalala ang sinabi ng magulang niya na wag ipagsasabi ang abilidad niya. “Ah siyempre pag kinain ko tong chocolate ko tapos makita niya e hihingi siya diba?” palusot niya. Binuksan nung bata ang bag niya para ilabas ang kanyang pagkain at nagulat siya. “Dalawa nalagay ni mommy” sabi niya at napasilip si Layla.
“O dalawa naman pala, ikaw talaga damot mo” sabi ni Layla at nagpacute. Naguluhan si Kiko at kinabahan. “Para sa kanya to dapat isa. Hala binago ko” bigkas niya at nalito si Layla. “Wala na siya akin nalang yan” sabi niya. Napaisip muli yung batang lalake at tinignan ang kaibigan niya. “Oo nga no parang ganon din kasi naishare ko din lang yung chocolate. Pero dapat siya, baka bumalik siya mamaya kaya dapat wag ko ibigay muna” sabi ni Kiko.
“Damot!” sigaw ni Layla at napakamot si Kiko. “E pano kung bumalik siya?” tanong niya. “Bakit kilala mo ba yon? Di mo naman friend yon e. Ako friend mo” paalala ng batang babae. “Pero dapat sa kanya tong isa e” pilit ni Kiko. “Damot damot damot damot damot!” sabi ni Layla at napilitan ibigay ni Kiko ang chocolate sa kanya. “Tsk basta dapat sa kanya to e” sabi ng batang lalake at binawi ang chocolate kaya ang kaibigan niya biglang umalis.
Pagsapit ng dismissal, sinundo sila ng nanay ni Layla na si Olivia. Sumakay ang dalawa sa likod ng kotse at di nagkikibuan. Magkalayo na nga sila ng upo pero si Layla pilit pa tinutulak si Kiko palayo. “Lumayo ka sa akin” sabi niya. “Nakadikit na ako sa door. Saan pa ako uurong?” tanong ni Kiko at natawa ang nanay ni Layla.
“Fighting is not good kids” sabi ni Olivia at sumimangot ang anak niya at muling tinulak si Kiko. Nang nakauwi na sila ayaw pa bumaba ni Kiko, binuksan niya bag niya at nilabas yung isang chocolate. “Layla o sa iyo na to” sabi niya sabay abot nung chocolate. Ang batang babae tumingin sa malayo at nagsimangot, napalingon si Olivia at muling natawa. “Hay naku kayong dalawa talaga, don’t forget to lock the doors ha” sabi niya sabay lumabas ng kotse.
“Sige na Layla kunin mo na. Wag ka na magalit sa akin. Wag na tayo mag fight” suyo ni Kiko pero yung batang babae ay nagmamatigas. “Ayaw ko na niyan” sabi ni Layla. “O kung ayaw mo bakit di ka pa bumaba?” tanong ni Kiko. “E nakaharang sa door e” sumbat nung kaibigan niya.
“E may door din sa tabi mo naman” bawi ni Kiko. “Sabi ni mommy at daddy wag bumamba sa door na ito kasi may dumadaan na cars. Dapat lagi bumaba diyan sa right” paliwanag ni Lalya. “E nasa house na tayo e wala naman car na” bawi nung batang lalake. Lalo nainis si Layla at binubuksan na yung pinto sa tabi niya pero hinawakan ni Kiko ang kamay niya. Napapikit muli siya at nanginig kaya napalingon si ang batang babae sa kanya.
“Kiko? Hoy!” sigaw ni Layla at natauhan ang batang lalake. Ngumiti siya at muling inabot ang chocolate. “Alam ko naman gusto mo to e, sige na Layla kunin mo na” sabi ni Kiko. Nagmamatigas pa ang batang babae pero ang simangot niya nagiging ngiti. “Sige na nga, akin na talaga to?” tanong niya. “Oo naman friend kita e” sagot ni Kiko at napangiti si Layla.
Lumabas yung dalawa ng kotse at nagpaalam na si Kiko. Tuwang tuwa si Layla na kinakain ang chocolate habang naglalakad papunta sa pinto nila. Ang batang lalake inantay makapasok ang kaibigan niya sa pinto, kitang kita niya na masaya si Layla kaya naglakad narin siya pauwi pero di mapakali parin ang isipan niya.
Kumatok si Kiko sa pinto ng bahay nila, “Sino yan?” narinig niya boses ng nanay niya. “Special offer po!” sigaw ng bata. Nagbukas ang pinto at humahalakhak si Teresa at niyakap ang anak niya. “Loko loko ka talaga Kiko. Aba himala ata at maaga kayo sinundo ni Olivia” sabi niya. “Bakit di ka naniniwala na special offer mommy? Pag special offer di mo binubuksan ang door e” sabi ni Kiko at lalo natawa ang nanay niya. “E kasi anak nabosesan kita” sagot ni Teresa. “Special offer po!” ulit ni Kiko pero sa pabaklang boses at nagtawanan ang mag ina.
Ilang minuto lang dumating na si Fred, tulad ng pangako niya na mag half day lang siya. Nakahanda na ang pananghalian, si Kiko nalang ang wala pero kahit naka ilang tawag na yung mag asawa di pa bumaba ang kanilang anak. Aakyat na sana si Fred pero ang anak niya malungkot na bumababa ng hagdanan.
“O why the sad face anak?” tanong niya pero si Kiko dumaan lang at dumiretso sa lamesa. Nagkatinginan ang mag asawa, napansin nila na may hawak na chocolate si Kiko. “Mamaya mo na kainin yan anak, lunch na e” sabi ni Teresa. “Mommy, kanina morning may nahelp ako girl kasi yung big boy kinuha bag niya tapos umiiyak na siya” kwento nung bata.
Naupo ang mag asawa at nakinig, “Hinawakan ko hand nung big boy tapos nakita ko pinapagalitan siya ng mommy niya na big din. Tapos yung narinig ko na sinasabi ng mommy niya sinabi ko sa kanya tapos umiyak siya at umalis” dagdag ni Kiko. “Hmmm yan na sinasabi ko anak e. Wag mo gagamitin sa bad ang ability mo” sabi ni Fred.
“Pero daddy nahelp ko yung girl na umiiyak e. Nasoli yung bag niya tapos inembrace pa niya ako pero tumakbo ako” sabi ni Kiko at natawa yung mag asawa. “O why did you run? Hero ka niya anak, she was saying thank you sa paghug niya” sabi ni Teresa. “Kasi po nakita ko na ishare ko sa kanya tong chocolate ko e. Favorite ko to kaya ayaw ko kaya takbo ako” kwento ni Kiko at lalo pang nagtawanan yung dalawa.
“Kiko its not good to be selfish anak. You always share what you have if possible” paalala ng mommy niya. “Sorry po…pero mommy nung recess ay nakita ko may two kang nilagay sa bag ko. Di ko alam na two e. Kung alam ko two e di sana nashare ko sa kanya pero wala na siya tapos nakita ni Layla. Gusto niya pero di ko binigay tapos nagalit siya. Tapos nung nasa car na naawa ako kasi sad siya kaya binigay ko yung isa pero ayaw na niya”
“Pero nahold ko hand niya at nakita ko happy siya kumakain ng chocolate sa room niya. Binigay ko kinuha niya. Mommy bakit ganon? Bakit yung nakita ko yung isang girl binigay ko yung chocolate tapos si Layla din nabigyan ko” sabi ni Kiko.
“Tapos ikaw wala ganon ba anak?” tanong ni Teresa. “Dapat tatlo kasi nilagay mo para tig isa sila” banat ni Fred. “E di ko nga alam na dalawa nalagay ko e” bawi ni Teresa. “Mommy nung umaga nahold ko hand ni Layla di ko naman nakita yung kumakain siya chocolate e, bakit nagbago? Dahil ba di ko binigay yung chocolate dun sa isang girl?” tanong ni Kiko at natahimik ang mga magulang niya.
“Siguro ganon na nga anak” sabi ni Fred pagkat di nila alam pano ipaliwanag sa anak nila. “Mommy tago mo tong chocolate, dalhin ko nalang ulit bukas” sabi ni Kiko. “Pwede mo naman kainin yan mamaya e, meron pa naman chocolate diyan na pwede mo ibaon bukas” sabi ni Teresa. “Mommy, sabi niyo pag nakita ko mangyayari yon talaga. Pag di nangyari sabi niyo kasi na mangyayari at mangyayari yon pero siguro ibang araw. Kaya baon ko ulit to bukas baka makita ko ulit yung girl. Pag nakita ko ibibigay ko na sa kanya kasi sa kanya dapat ito e” paliwanag ni Kiko at natuwa ang mag asawa.
Pagkatapos kumain ay pinagmasdan ng dalawa ang anak nila habang nanonood yung bata ng telebisyon. “He is slowly understanding things” bulong ni Fred. “Pero what if it never happens?” tanong ni Teresa. “Pag di nangyari sa dalawang araw ako nalang kakain, palitan mo nalang ng bago. Lets let him do what he thinks is right, at least natututo siya” bulong ulit ni Fred.
Samantala sa school grounds, “Michi halika na kasi at umuwi na tayo. Nagtetext na mama mo” sabi ng yaya. “Konti pa yaya, baka bumalik siya dito e” sabi ng batang babae. “Diyos mio naman iha isang oras na tayo dito. Sino ba kasi yang Kiko na yan? Yung matsing ba sa Batibot? Wag mo sabihin na si Pong naman ang aantayin mo bukas” reklamo ng yaya.
“Ayaw ko pa umuwi” sabi ni Michi. “Hay naku Michelle umuwi na tayo bago magalit pa mama mo. Halika na iha!” sabi ng yaya niya. Nagsimangot ang batang babae at sumama sa yaya niya, muli siyang lumingon sa dati niyang paaralan at huminga ng malalim. “Kiko” bulong niya sabay ngumiti.
I just wanted to post this chapter so that the introduction would be complete. For the rest of the chapters....ITANONG NIYO DUN SA DALAWANG COPY PASTER. AKALAIN MO KOKOPYAHIN NA NGA WALA MAN LANG CREDITS. MEANING INANGKIN NILA. O AYAN SA MGA MAGNANAKAW ANGKININ NIYO ULIT ITO....SIGE NGA TAPUSIN NIYO NGA ITO KUNG KAYA NIYO.
I REALLY SHOULD NOT BE AFFECTED SINCE THE STORIES THEY COPIED WERE NOT EVEN COMPLETE. BUT THE MERE FACT THAT THEY COPIED AND PASTED WITHOUT GIVING PROPER CREDITS IS JUST TOO MUCH.
I MAY OR MAY NOT CONTINUE THIS STORY, IF EVER IT WONT BE COMPLETE LIKE BESPREN, EM EN KAY, BERTWAL AND MP.
MABUHAY ANG MGA PIRATA!!! AKALAIN MO LIBRE NA NGA E TAPOS PIPIRATAHIN PA HAHAHAHA. YOU LEAVE ME NO OTHER OPTION BUT TO BE SELFISH FOR A CHANGE
IF I CHOOSE TO CONTINUE THEN ALAM NIYO NA SAAN KO IPOPOST. SA NOO NILA NYAHAHAHAHA HOW I WISH THAT WAS POSSIBLE TAPOS TYPEWRITER PA GAGAMITIN KO. OH WELL...ITS THEIR FAULT SO DONT BLAME ME.