sk6

Wednesday, June 30, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 19: Counter Strike

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 19: Counter Strike

Lunes ng umaga nagtipon ang mga girls sa may garden, naninibago sila pagkat wala yung dalawang boys. “Ica nasan si Ben?” tanong ni Layla. “Ewan ko dun, we were supposed to go out last Saturday pero nagtext siya na busy siya” sagot ng dalaga sabay simangot. “O bakit nag away ba kayo?” tanong ni Lyne.

“Ayos na e, nag usap na kami. Di ko alam bakit talaga. Wala naman siya nabanggit na may gagawin siya” sabi ni Ica. “Ano pinag awayan niyo?” tanong ni Michelle at tinignan lang siya ni Ica. “Si Kevin ano? Nagselos din siya ano?” tanong ni Lyne. “Well yeah pareho sila nagselos actually” sagot niya at napangiti si Michelle.

“Di naman masama ang mag admire diba? Si Michelle naman yung nililigawan at hindi ikaw” sabi ni Layla. “Yeah pero I was insensitive” sabi ni Ica. “And besides Kevin is really good looking” sabi ni Lyne sabay tukso sa bestfriend niya. Huminga ng malalim si Michelle at tumingin sa malayo at bigla siya napapanganga.

Napansin ng ibang girls ang kaibigan nila kaya agad din sila lumingon. “Oh my God, sila ba yan?” tanong ni Layla. Napatayo si Michelle at Ica, super ngiti sila habang pinapanood yung dalawang binata na palapit sa hardin.

Bagong gupit yung dalawa, clean shaved, nakasuot sila ng polo shirt na naka tuck in sa kanilang maong. Nakalislis ang mga sleeves hanggang braso at machong macho ang dating nila at sabay pa nila inayos ang kanilang neck tie. “Ano nakain nila?” tanong ni Lyne pero yung dalawang nakatayo kinikilig.

“Hello ladies” bati ni Kiko sa mababang boses at halos mapatalon silang lahat. “Naumpog ba kayo?” tanong ni Layla. “Oh no, ginusto lang namin magmukhang tao for a change” sabi ni Ben at nagtawanan sila. Agad lumapit si Ica sa boyfriend niya at lalong inayos ang tie nito. “You look good” bigkas ni Michelle na nakatitig kay Kiko. Ngumiti lang yung binata at naupo sa kabilang bangko.

“Ang gwapo pala ni Kiko no?” bulong ni Lyne. “Kaya nga e” sagot ni Layla. Napatingin nalang si Michelle sa dalawa at nakita niyang di maalis nung dalawa ang titig nila sa binata. “He looks so cool like that” sabi niya. “Oist may Kevin ka na kaya back off” landi ni Lyne at nagtawanan yung dalawa at biglang napaisip si Michelle.

Speaking of the devil biglang sumulpot si Kevin, binati niya ang lahat pero walang pumapansin sa kanya. Naupo siya sa tabi ni Michelle, kinausap ito pero ang mga mata ng dalaga nakatitig lang sa binatang katapat niya. Naupo si Ben sa tabi ng bestfriend niya at pasimpleng siniko ito. “Phase one complete, mission successful” bulong niya at nagtawanan sila.

“Ei, may party mamayang lunch sa isang resto. Gusto niyo sumama?” tanong ni Kevin at nakuha niya ang lahat ng atensyon ng girls. “Begin phase two” bulong ni Kiko at sabay tumayo ang mag bespren at nilabas ang lab gown nila sa kanilang bag. Sabay nila sinuot at sa kanila nabaling ang tinging ng mga girls. Nagtawanan sila at nabilib sa itsura nung dalawa, “Wow you look like doctors” sabi ni Lyne.

“Future wise I shall become a doctor, so as early as now I shall embrace my destiny” pasikat ni Kiko at lalong nagtawanan ang mga babae. “Doctor I think we have an operation scheduled today” sabi ni Ben. “Yes the frog needs a heart transplant” banat ni Kiko at ang tindi ng tawanan nung iba pagkat todo ang acting nung dalawa. “Parang Grey’s anatomy” biro ni Ica.

“Mcdreamy” bigkas ni Michelle sabay titig kay Kiko. “Correction, Matt Dreamy” sabi ng binata at nagngitian sila. “E ako sino ako?” tanong ni Ben. “Doctor Sloan?” landi ni Ica at napangisi si Ben. “Babaero yon” banat ni Kiko at natameme bespren niya. “Good looking naman” sabi ni Ica sabay yakap sa boyfriend niya. Dinilatan ni Ben si Kiko at niyakap din si Ica.

“I too can play along but I don’t watch that” sabi ni Kevin pero si Kiko lang ang pumansin sa kanya. “You can be George” sabi niya. “George? Is he a doctor too?” tanong nung bagong salta. “Yes, and he got hit by a bus so he is dead” banat ni Kiko at lalong nagtawanan ang mga babae lalo na si Michelle. Nairita si Kevin at napikon, biglang tumayo at naglakad palayo. “Text me nalang if ever you want to come” sabi niya.

“In the after life? Oh no thanks” hirit ni Kiko at napalingon si Kevin at nagkatitigan sila. “Bye bye George” sabi ni Kiko at nainis lang lalo yung bagong salta kaya tuluyan nang umalis. Tumalikod yung dalawang binata sabay pasimpleng nag thumbs up sa isat isa. “Phase two complete” bulong ni Ben. “Mission success” sagot ni Kiko at nagtawanan sila.

Sa loob ng classroom di na matanggal ang ngiti sa mukha ni Michelle. “Hoy para kang loka loka” bulong ni Layla. “Kakaiba talaga si Kiko no?” sagot niya. “He is full of surprises, akala ko ba sanay ka na?” tanong ng kaibigan niya. “Hay, alam mo ba last week I was mad at him kasi wala man lang siya ginagawang move to counter Kevin, well don’t count what we heard him say na nagseselos siya. I was really going to entertain Kevin already but now…” sabi niya at di binuo ang sinabi pagkat napatingin sa kanila ang propesor nila.

“Nabihag nanaman niya puso mo ganon?” tanong ni Layla at kinilig si Michelle. “Kasi naman why would he do that diba? I am not after the looks naman sa totoo, kung nagpatawa lang sana siya ng bongga mabibihag naman niya ulit puso ko e. Pero dinala niya yung pagpapatawa sa ibang level this time” sabi ng dalaga. “So you like him again?” tanong ni Layla at nagulat si Michelle. “I have liked him ever since and I never stopped liking him. Pero ngayon I like him even more” sago ng dalaga.

“Tapos next week wala ulit siya” sabi ni Layla at napasimangot ang kaibigan niya. “If I were you still give Kevin a chance. Alam mo na si Kiko. Lulubog lilitaw” hirit niya. “So mas kampi ka kay Kevin?” tanong ni Michelle. “Hindi naman sis, siyempre kay Kiko pero nga sabi mo lagi siya tumatakbo. And whenever he does that lagi ka sad. So as a friend with no bias I suggest just give Kevin a chance. Malay mo siya yung hindi tumatakbo” paliwanag ng kaibigan niya. Tumingin nalang sa malayo si Michelle at napaisip, di na niya sinagot ang kaibigan niya pagkat tuliro ang kanyang pag iisip.

Sa loob ng laboratory class katatapos lang nung mag bestfriend ang kanilang test. “Pare ano ang phase three?” tanong ni Ben. “Ewan ko” sagot ni Kiko. “Anong ewan mo? Gusto mo siya manalo? Dapat may phase three ka at phase four, five, six etcetera” payo ng kaibigan niya. “Meron pare pero di ata maganda” sabi ni Kiko sabay tingin sa kamay niya. “Oh gagamitin mo powers mo?” tanong ni Ben.

“Sana, pero too late na. Balak ko sana kaibiganin yung epal na yon tapos kamayan araw araw para makita ko moves niya” paliwanag ni Kiko. “Good idea! Bakit di mo gawin?” tanong ni Ben. “Pare di patas ang laban pag gagamitin ko to. I learned my lesson with Layla already. Gusto ko lumaban ng patas” sabi ng binata.

“So ano ang ibig mo sabihin?” tanong ni Ben. “Pare liligawan ko siya” sagot ng bespren niya. “At sa tingin mo kaya mo makipagsabayan kay Kevin?” tanong ng kaibigan niya. “Sabihin mo na lamang siya sa lahat, aminado naman ako don na di ko kaya lumaban pag ganon ang batayan” sabi ni Kiko. “So ano gagawin mo?” tanong ni Ben. “I will have to show her how special she is to me and how much I like her. I don’t have much in the outside so I guess I have to rely on what I have inside and hope its enough to win her heart” sabi ng binata.

Nagtipon ang magkakaibigan sa may hardin ng lunch break, nilabas ni Lyne ang phone niya at tinignan si Michelle. “Ano itetext ko na siya?” tanong niya. Napatingin ang kaibigan niya kay Kiko na tumayo. “Tara Ben sa point point?” tanong niya. “Anong point point?” tanong ni Ica. “Turo turo” sagot ni Ben at tumayo narin. Agad tumayo si Michelle at lumapit kay Kiko, “Sama ako” sabi niya. “Ei pano si Kevin?” tanong ni Layla. “Kayo nalang dalawa magtext sa kanya kung gusto niyo” sagot ng dalaga.

Siniko ni Ben ang kaibigan niya at pasimple silang ngumiti. “One zero” bulong niya. “For now pare, tomorrow is another story” sagot ni Kiko.

Kinabukasan maaga sa school si Michelle, agad siya nagtungo sa hardin at nagulat pagkat nandon na si Kiko. “Wow youre early” sabi niya. “Yup, I wanted you to be the first one I see in the morning” banat ni Kiko at napangiti yung dalaga. “Naks, bumabanat ka ha. E pano kung hindi ako yung unang dumating?” tanong ni Michelle. “Alam mo ba pumunta ako dito sa school na nakapikit ang mata, siyempre madami kasi makakasalubong na iba e” sagot ng binata at tumawa silang dalawa.

“O sige kunwari naniwala ako nagawa mo yon at nakapikit parin eyes mo. What if nauna sila dumating tapos pagdating ko tahimik lang ako. O pano mo malalaman na nandito na ako? E di hindi mo na bubuksan mata mo?” tanong ni Michelle.

“Malalaman ko parin” sabi ni Kiko. “Weh! Sige nga paano?” tanong nung dalaga. “When you like someone your heart beats faster with their prescence. So when my heart beats fast then that is the time I open my eyes” sabi ng binata. Nagustuhan ni Michelle ang narinig niya, sobrang tamis ang ngiti sa kanyang mukha pero agad nagsimangot. “Alam mo Kiko di mo dapat sinasabi ang ganyan. Maganda pakinggan e” sabi niya.

“Totoo naman kasi” sabi ni Kiko. “Totoo ngayon pero bukas? Next week? You will always leave me hanging” sabi ng dalaga. Napayuko si Kiko at napabuntong hininga. “Saka ka lang gagalaw ulit pag threatened ka? Kevin is courting me, you saw that and now you make your move. Bakit di ka gumalaw nung wala pa siya?” hirit ni Michelle.

“So I am not the guy in the mirror anymore?” tanong ni Kiko. “Alam mo Kiko that day I was so happy. After that its only my image that is seen on the mirror. So whats the point in staring at that mirror if its only my reflection that I see? Now you want to be in the mirror again, the question is up to when? Mamaya ako nanaman ang natira don” paliwanag ng dalaga.

“I am sorry its my fault. Di ko sinasadya na ganon talaga” sagot ni Kiko. “Ano ba problema?” tanong ni Michelle. “I cant say, its complicated trust me” sagot ng binata. “Well if that’s the case I don’t know what to tell you. If you want to be the man in the mirror you better make sure you are the one who is going to stay. If you cant do that then stop what you are doing. You made this mirror inside my bag into something special that day. As days passed it became a normal mirror again. I want you to make it a special mirror forever but if you cant do that then hahanap nalang ako ng ibang salamin” sabi ni Michelle sabay umalis.

Buong araw matamlay si Kiko, pagsapit ng dismissal ay naglakas loob siyang kausapin si Michelle. Nagtungo siya sa hardin pero nakasabayan niya si Kevin at di sila nagkikibuan. Pagdating sa hardin nagulat si Michelle pagkat magkasama sila, “Ready to go?” tanong ni Kevin at napayuko nalang si Kiko. Sumama ang dalaga sa kanya kaya naupo nalang si Kiko sa bangko.

Ilang sandali ay dumating sina Layla at Lyne, “Nakita mo si Michelle?” tanong nila. “With Kevin” sagot ng binata. “Ows? Saan sila nagpunta?” tanong ni Lyne. Tumayo si Kiko at tumingin sa langit, “Naghanap ng salamin” sabi niya sabay umalis.

Naging tuliro si Kiko ng dalawang lingo. Araw araw ganon ang nangyayari, sinusundo ni Kevin si Michelle sa hardin tuwing hapon at sumasama naman yung dalaga sa kanya. Isang Biyernes ng hapon lumala na ang kalungkutan ni Kiko at napansin na ni Ben ito. “Pare, sabado naman bukas baka gusto mo mag inuman tayo” alok ng bespren niya. “No thanks pare, I am in deep pain at hindi solusyon ang alak” sabi ng binata.

“Which is better? That pain you are feeling now or the pain you feel in your dream?” tanong bigla ni Ica at tinitigan siya ng binata. “The one I am feeling right now” sabi ni Kiko at nagulat yung magsyota.

“The pain in my dream is intense but this one is much more than that. Doon sa panaginip ko parang may nagawa akong maganda pero nasaktan ako in the end. I was preventing that pain from happening only to be blind sided by fate. Akalain mo todo focus ako sa pag iwas sa pain sa dream ko tapos babanatan pala ako ng kapalit na mas masakit” paliwanag niya.

“I could have done something to have prevented this. Alam ko yon. Pero ang naisip ko yung sa dream. Napaka stupid ko, I didn’t see this coming. If only I pushed through with her e di sana di nangyayari ito” hirit niya. “Pero Kiko you could not have predicted this from happening naman e” sabi ni Ica.

“Yun na nga e. Its so unfair. Alam mo feeling ko fate is playing tricks on me. Yung dream kong yon feeling ko peke yon. Iniwasan ko yon from happening only to be hit by a greater pain pala. Feeling ko ito yun e. My dream was a fake and this is the real pain” sabi ng binata. “E akala ko ba all your dreams come true?” tanong ni Ben.

“Kaya nga pare nalilito ako na galit. Ito ba yung kapalit ng lahat ng pag iwas ko? I mean I was preventing that pain in my dream from happening, pero oo nga naman ang nakatakda ay magaganap. So eto na yung kapalit? Mas maagang binigay sa akin? Gusto kong magmura na ewan. Ang sakit e” sabi ni Kiko at wala nang magawa yung dalawa kundi tabihan siya at akbayan.

Biglang sumulpot si Michelle na hingal na hingal. “Ei, buti nalang naabutan ko kayo” sabi niya at naghabol ng hininga. “O bakit sis?” tanong ni Ica. “This was a surprise, so I hope wala kayong nakaplano for tomorrow. Kasi for the past weeks we have been practicing for several plays. And isa doon sa play na ipapalabas naming bukas ako yung nagsulat” sabi ng dalaga.

“Wow! Talaga? Bukas na ba?” tanong ni Ica at napangiti si Michelle pero napansin nila na nakayuko lang si Kiko. “Yup bukas na, bale after classes siya. Kasi naman may iba na may klase pa ng sabado so its four in the afternoon” sabi ng dalaga.

“Oo pupunta kami ni Ben” sabi ni Ica. Napatingin lahat kay Kiko na nakayuko, “Kiko, I really want you to be there tomorrow” sabi ni Michelle. “What for?” tanong ng binata. “Tomorrow you will know why so I really want you to be there please” sabi ng dalaga. “You don’t need me, you have Kevin already” sabi ni Kiko at sina Ben at Ica naman ang napayuko.

“Yes he will be there too. He is part of the performing arts guild” sabi ni Michelle. “See, I don’t see why I have to be there” sagot ni Kiko. “You must be there. I need you to be there” sabi ng dalaga at sa wakas tinignan na siya ng binata. “Why?” tanong niya.

“Because you are still the man in the mirror” sabi ni Michelle at ang simangot sa mukha ni Kiko nabubuwag at napapalitan ng ngiti. “I am?” tanong niya. “Yes so I really really want you to be there okay?” sabi ni Michelle. “I will be there” sagot ni Kiko at nagngitian sila. “O sige na ha, paki sabi narin pala kina Layla at Lyne and the others. Sorry ha may bayad pero for a good cause naman. Bukas ha, lalo na ikaw Kiko ha” sabi ng dalaga sabay tumakbong paalis.

Tuwang tuwa si Kiko at nagsisitalon. Nagtabi si Ben at Ica at nagtataka nalang. “Man in the mirror?” tanong ni Ben. “Yeah that’s me” sabi ni Kiko at ginaya ang galaw ni Michael Jackson at biglang nag moon walk. Sa sobrang saya nagsisisayaw si Kiko at nagsisigaw, isang mabilis na pag ikot sabay tinaas ang noo sa dalawa.

“Who’s bad?”


(........COPY....PASTE.........hihihihihihi oh boy sasakit ulo niyo soon)

Tuesday, June 29, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 18: Tuliro

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz


Chapter 18: Tuliro

Tatlong lingo ang lumipas mula nung movie date nina Michelle at Kiko ay malungkot ang dalaga sa classroom. “I don’t understand sis, pinakilig niya ako ng todo three weeks ago. Akala ko magtutuloy tuloy na pero wala nanaman siya” sabi ng dalaga. “Bakit what happened ba three weeks ago?” tanong ni Layla. Huminga ng malalim si Michelle at nilabas ang salamin niya. “We went to watch a movie diba?” sabi niya. “Yeah you told us that pero nasan yung kilig part?” tanong ng kaibigan niya.

Tinitigan ni Michelle yung salamin niya at nakwento sa kaibigan niya ang nangyari. Kinilig si Layla at todo ngiti pero kabaliktaran naman ang inaasal ng kaibigan niya. “O diba I have the right to expect something more from that point pero wala naman” sabi niya. “Grabe ha big revelation at talagang tinago mo from us” sabi ni Layla. “E siyempre naman, pero sis bakit ganon si Kiko? I even told him na I like him. He likes me so bakit wala na?” tanong ni Michelle. “Ewan ko, minsan di ko din maintindihan yon e” sagot ni Layla.

Sila nalang ang tao sa classroom, sumandal si Michelle sa upuan niya at huminga ng malalim. May lalakeng kumatok sa pinto at nagulat si Layla. “Hi Michelle” bati ng binata. “Oh grabe ang gwapo sis” bulong niya at paglingon ni Michelle ay ngumiti lang siya. “Ei Kevin, what are you doing here?” tanong niya.

“I wanted to ask you out for lunch” sabi ng binata at si Layla super ngiti at parang star struck sa magandang lalake na nakiupo sa kanila. “Layla this is Kevin, kasama ko sa arts guild. Kevin this is Layla one of my best friends” sabi ni Michelle at nagkamayan yung dalawa. “Tara lets go to the mall” sabi ng binata. “Its too early, tambay muna tayo sa garden” sabi ni Michelle. “Garden?” tanong ni Kevin. “Our hang out at the back of the Psychology building” sabi ni Layla. “Ah kaya naman pala di kita nakikita masyado dito sa campus. Doon ka pala nagtatago” sabi ng binata at biglang tumayo si Michelle at hinila ang kaibigan niya.

Ilang minuto lumipas ay masayang naglolokohan sina Layla, Lyna at Michelle sa may garden. “Ang gwapo niya sis” sabi ni Layla. “Ay sobra! Kaano ano mo siya ulet?” tanong ni Lyne. “Kasama ko sa arts guild” sagot ni Michelle. “And?” landi ni Lyne at napangiti yung dalaga. “Manliligaw” sagot niya. Kinilig yung dalawa habang si Michelle napasimangot. “Naks, ngayon lang kita nakita nag entertain ng manliligaw ha. Akala ko ba si Kiko…” sabi ni Lyne. “Well akala ko din pero takbo siya ng takbo and I don’t know why. After all that has been said and done he ran away so maybe I have to move on” sabi ng dalaga.

“What are you three talking about?” tanong ni Kevin na nakabalik na na may dalang mga pagkain. Ngumiti lang yung tatlong dalaga sa kanya, sina Lyne at Layla mabilis na lumipat ng bangko para magtabi yung dalawa.

Samantala sa loob ng Psychology building ay pababa ng hagdanan sina Kiko, Ben at Ica. “So kumusta naman kayo ni Michelle? Bakit wala ata kaming nakikitang progress?” tanong ng dalaga. “We are close friends, its better this way” sabi ni Kiko. “Akala ko ba nag kaaminan na kayo?” tanong ni Ben. “Nagkaaminan?” tanong ni Ica at pagalit na tinignan ni Kiko ang bestfriend niya.

“Ben ilayo mo tingin mo! Kiko ako lang tignan mo! Umamin ka!” galit ni Ica. “Yeah I told her I like her and she said the same” sabi ni Kiko. “She told you that she likes you?” tanong ng dalaga. “She told me that I like her” biro ng binata at bigla sya binatukan ni Ica. “Isa! Umamin ka!” sabi ng dalaga.

“Oo nga I said I like her and she said she likes me too” sabi ni Kiko. “O yun naman pala e. So what are you waiting for? Bakit di mo pa ligawan ng maayos?” tanong ni Ica. “I was going to pero I had that dream again and…” sabi ng binata sabay nagsimangot. “Hay naku Kiko, you have to take the risk. Alangan na you will let that stupid dream run your life. Parang pinapaasa mo tuloy siya sa wala” sermon ni Ica.

“Hey put yourself in my shoes for a change. Happy na nga kami this way e. Close friends o what else do you want?” tanong ni Kiko. “Ewan ko sa iyo. If you are going to be that way then talagang di na mangyayari ang panaginip mo!” sumbat ni Ica. “Edi good!” sigaw ni Kiko at pumagitna agad si Ben. “Pre” sabi lang niya at napayuko si Kiko. “Sorry Ica” sabi niya. “Its okay pero Kiko kung ganyan ang plano mo you should be honest and tell her na hanggang ganyan nalang. Hindi maganda ang umaasa sa wala” sabi ng dalaga.

Paglapit nila sa may garden ay napatigil sila pagkat nakita nila na may lalakeng katabi si Michelle. “Wow men, macho papa” bigkas ni Ben at napangiti si Ica. “Ang gwapo naman niyan” sabi ng dalaga at nakaramdam ng kirot si Kiko. “I think you don’t have to tell her anymore” dagdag niya at nalito yung dalawang binata. Mabilis na lumapit si Ica sa garden at binate ang mga tao doon.

“Hi Ica!” bati ni Lyne. “Hi mga sis” sagot naman niya at dahan dahan na lumalapit narin yung dalawang binata. “Ah Ica this is Kevin. Kevin this is Ica” sabi ni Michelle at tumayo yung binata at nakipagkamay sa dalaga. “Hey you all” bati ni Kiko at inabot ni Kevin ang kamay niya kay Ben at nagkamayan sila. “Kevin pare” sabi ng bagong salta. “Ben” sagot lang ng bestfriend ni Kiko.

Inabot ni Kevin ang kamay niya kay Kiko, si Kiko naman inabot kamay niya sabay binawi. “I don’t talk to strangers” banat niya sabay agad nakitabi kina Layla. Nagtawanan yung mga girls at parang napahiya yung binata. “Masanay ka na diyan ganyan talaga yan. Patawa lagi” sabi ni Ica.

“Sino yan?” bulong ni Kiko. “Manliligaw ni Michelle” sagot naman ni Layla. Tumabi si Ben sa bestfriend niya at inakbayan ito. “Okay na pare wala ka nang problema” bulong niya. Tahimik lang si Kiko at pinapanood na tumatawa si Michelle at yung ibang girls sa kwento ni Kevin. “Ei I have a joke” sabi ng bagong salta at lahat napatingin sa kanya. “Wag!” biglang sigaw ni Layla. “Bakit naman?” tanong ni Lyne. “Ay bahala kayo” sabi ng dalaga sabay lumayo kina Ben at Kiko.

“Okay here it is. May batang lalake who sees a little girl. He tells his dad, when I grow up I want to marry that girl sabi niya. You cannot marry that girl, she is your sister but your mother does not know. So later the boy approaches his mom, ma I want to marry that girl but dad says she is my sister and I must not tell you he says. Anak its okay you marry that girl because your father is not your real father and he does not know” sabi ni Kevin at biglang nagtawanan ang mga girls maliban sa dalawang binata.

“Tapos?” tanong ni Kiko. “Oo nga nagkatuluyan ba sila?” dagdag niya at seryoso ang titig niya. Si Ben at Layla tumingin nalang sa malayo at nagpigil sa tawa habang yung bagong salta medyo nalilito. “Ah hanggang don nalang yung kwento” sabi ni Kevin. “Ha? Ano na nangyari? Di nalaman nung tatay?” hirit ni Kiko at napailing nalang si Kevin at yung mga girls pinagmamasdan yung dalawa. “Hahaha e up to dun lang yung joke e” sumbat nung bagong salta. “Aaaahhh okay” sabi ni Kiko sabay pinilit tumawa. Nagtakipan ng bibig ang mga girls sabay nilayo ang tingin kay Kevin para makatawa at di mapahiya ang bagong salta.

Lahat sila nagtungo sa mall at nilibre sila ni Kevin ng lunch. Lahat ng girls ang atensyon nasa bagong salta kaya tahimik nalang sina Ben at Kiko at kumakain. “Sis, you tried to stop him kanina kasi you knew that would happen?” bulong ni Ica. “Oo ganyan si Kiko pag may di siya gustong tao. Babarahin niya” sagot ni Layla. “Sapol nga e” sabi ni Ica. “Mild palang yon. He can really get very harsh. Pero ang gwapo ni Kevin ano?” sabi ng dalaga at napatili yung dalawa.

Kinabukasan nandon ulit si Kevin sa hardin, nadatnan ni Kiko ang mga girls na may kinakain na mamahaling snacks kaya naupo nalang siya sa tabi ng bestfriend niya. “Sarap suntukin mukha niya no?” bigkas niya at natawa si Ben. “Ngiti ng ngiti talagang pinapakita dimples niya” dagdag niya. “Pare di mo pwede suntukin yan” bulong ng bestfriend niya. “Bakit naman?” tanong ni Kiko. “Sus super hard smile yan, di mo ba nakita sa commercial? Ikaw ang masasaktan” banat ni Ben at nagtawanan silang dalawa.

“Mahirap labanan yan talaga. Lamang on all areas. Gwapo na mayaman pa. Pano mo kakalabanin yan?” bulong ni Kiko at napatingin si Ben sa kanya. “What do you mean labanan?” tanong niya. “Walaaaa” sagot lang ng bestfriend niya sabay titig kay Michelle na tumatawa sa kwento ni Kevin. Patindi ng patindi ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang puso at naguguluhan na siya.

Araw araw na nakikitambay si Kevin, araw araw narin may isang rosas na hawak si Michelle na pilit di pinapansin ni Kiko. Pagsapit ng biyernes ay nakahinga siya ng maluwag pagkat wala sa hardin yung bagong salta.

Nakita niya may hawak na chocolates si Michelle na pinagsasaluhan nila ng mga girls. “Kiko you want?” alok ng dalaga. Kumuha siya ng isa sabay sinubo agad. “Sarap ah saan mo binili?” tanong niya sabay upo. “Kevin gave it” sagot ng dalaga. Lahat napatingin kay Kiko at nakita nila na niluluwa niya ang kinain niyang chocolate. “Dark chocolate…yuck” sabi niya sabay dinura sa tabi ang natira sa bibig niya.

“Saan kayo kumain kahapon?” tanong ni Ica. “Ay niyaya kami ni Kevin sa isang resto. Grabe ang ganda ng kotse niya” sabi ni Lyne. “We wanted to wait for you guys pero nakakahiya naman sa kanya” sabi ni Michelle. “Ay sayang sana inantay niyo kami” sabi ni Ica at nagkatinginan nalang yung mag bestfriend.

“Face value, personality and carakter, saan ka pa?” bulong ni Kiko at pati si Ben naiirita na pagkat nakikita niyang iba narin ang kinikilos ni Ica. “Ah I have to go, may meeting kami sa theater” sabi ni Michelle at agad siya tumayo. “Nandon din si Kev?” tanong ni Layla. “Yup, sama ka?” sagot ng dalaga. Agad tumayo si Layla at si Lyne sabay tinignan nila si Ica.

Napatingin si Jessica kay Ben at biglang nagsimangot. “Sige sis kayo nalang” sabi niya. “Sumama ka na, ayos lang” sabi ni Ben. “Hindi na” sabi ni Ica. “Sus sumama ka na gusto mo naman alam ko e” hirit ng binata. “Hindi na nga e” sumbat ng dalaga at dahan dahan nang lumayo yung ibang mga babae.

“Bakit kasi dito tumatambay yang epal na yan?” biglang tanong ni Kiko. Di pa nakakalayo sina Michelle, Layla at Lyne kaya napatigil sila at sumilip. Di na sila nakikita nung mga naiwan sa garden pero dinig na dinig nila ang kanilang usapan.

“Who the hell invited him here?” hirit ni Kiko. Tahimik lang si Ben at masama ang loob kay Ica. “Bakit nagseselos ka ba?” tanong ni Jessica at bigla siya tinignan ni Ben at Kiko. Tumawa ng malakas ang binata sabay tumayo. “Ahahaha ako magseselos? Ha? Ako magseselos?” sigaw ni Kiko.

Napasimangot si Michelle at napatingin sa kaniya sina Layla at Lyne. Tumalikod na yung dalaga at hinihila ang mga kaibigan niya. “Me get jealous of that handsome looking rich guy? Ha! Of course…!!!” sigaw ni Kiko. Napatigil yung tatlong girls at inaantay yung karugtong ng sasabihin niya kaya muli sila sumilip.

“Of course I am jealous!!!” sabi ni Kiko sabay umupo. Napangiti si Michelle at niyaya nang umalis ang mga kaibigan niya. Si Ica napatingin kay Ben at pinapaamo ito. “Bakit di ka pa sumama sa kanila? Gusto mo din siya makita diba?” sabi ni Ben. “Sorry na” sabi ni Ica. “You two have to talk” sabi ni Kiko kaya bigla siya tumayo at umalis.

Pagsapit ng dismissal ay tumambay yung tatlo sa may hardin. Inaantay nila sina Michelle, Lyne at Layla pagkat may usapan silang magpupunta sa mall. “Kasama daw nila si Kevin at nag jojoyride sila” sabi ni Ica at pinakita sa dalawa ang natanggap niyang text message.

“You are wishing na kasama ka ano?” tanong ni Ben. Hinawakan ni Ica ang kamay ng boyfriend niya at sumandal sa kanya. “Sorry na Ben, nag usap na tayo diba?” sabi ng dalaga. “Hoy Ben tama na yang drama mo. It happens. Ganyan ang tao, madali tayo maattract sa gwapo at maganda. Pero Ica kayo ni Ben so I hope you learned your lesson. As for me I really don’t have the right to get jealous like Ben” sabi ni Kiko.

“You enter a relationship, meaning you are happy with that person. Its okay to admire another person pero it should stop there. You should be contented with the person you already chose. If you are not then be honest and tell them directly. Di kita pinapagalitan Ica, Ben pati ikaw pinagsasabihan ko kasi ikaw madali maattract sa magandang girls. You two are a couple so dapat alam niyo limitation niyo at dapat marunong kayo makaramdam”

“Ako ewan ko. Why the hell am I jealous? I should be happy since di na magkakatotoo yung dream ko. I should be happy since di ko na mararamdaman yung sakit na yon. Pero bakit ang sakit?” sabi ni Kiko.

Tahimik lang silang tatlo, ilang minuto pa nagpasya na silang umuwi. Habang naglalakad papunta sa paradahan lalong hinigpitan ni Ica ang hawak niya sa kamay ni Ben at sumandal sa binata. “Sorry” bulong niya. Nilapit ni Ben ang mukha niya sa dalaga at hinalikan sa labi. “Its okay labs. This will make our relationship stronger” bulong niya.

“Hoy pwede ba gawin niyo nalang yan pag wala ako?” banat ni Kiko at natawa yung dalawa. Nahatid na nung dalawa si Jessica sa kanilang paradahan, nakayuko ang ulo ni Kiko kaya inakbayan siya ni Ben. “Cupcake don’t be sad na” sabi niya at natawa ang bestfriend niya. “Tado ka akala ko ba bawal ka na mag ganyan?” tanong ni Kiko.

“Di ko alam pano ka papasayahin e. Ramdam ko ang lungkot at hurts mo” hirit ni Ben at tawa ng tawa si Kiko. “Ayos ka talaga pare, napapasaya mo ako kahit korny ka” sabi niya. “And you do the same to me naman pare pag ako ang malungkot o may problema e” sagot ni Ben. “Bakit kaya di tayo nalang ang magkatuluyan?” tanong ni Kiko at nagkatinginan silang dalawa.

“Yuck!!!” sabay nila binigkas at tawa ng tawa ang magkaibigan. “Pare tama na ayaw ko na mag imagine” sabi ni Ben. “So this is life pare” drama ni Kiko. “Isnt this what you wanted?” tanong ng bestfriend niya. “Oo na hindi. Oo it’s a good thing para di na matuloy ang hurts” sabi ni Kiko at si Ben naman ang natawa. “O ha may napulot ka sa akin” sabi niya.

“Hindi kasi pare lakas tama na ako sa kanya” sabi ni Kiko at nagulat si Ben. “And how about yung madudulot niyang sakit sa future?” tanong niya. “Future yon. Ang mahalaga yung ngayon. Today, the now, yun ang mahalaga. Itong nararamdaman ko para sa kanya ngayon ayaw ko mawala kasi pare happy ako” sagot ng kaibigan niya.

“Face value, meron ka naman pare pero mas lamang siya. Pesonality and carakter, talo ka. Tapos ang linis pa niya tignan sa kanyang pananamit. I do understand why Ica felt attracted to him. Parang inborn na ata yung ngiti sa mukha non e. Sarap nga buntalin e, at oo tama ka doon” sabi ni Ben.

“We can do something about it you know” banat ni Kiko. “Bakit mo ako dinadamay diyan?” tanong ni Ben. “We have to make a statement” sabi ng binata. “Bakit mo nga ako dinadamay diyan e okay na kami ni Ica?” hirit ni Ben. “We have to win them back pare” sabi ni Kiko. “Pare! Bakit mo ako dinadamay diyan e I told you okay na kami ni Jessica?!!” pagalit na tanong ni Ben.

“Because you love me” pacute ni Kiko at natawa si Ben. “Seryoso pare” sagot ng bespren niya. “Kasi kailangan kita pare, I have a plan and I cant do it alone. Besides the two of us will benefit. I win Michelle back and Ica will fall in love with you more” sabi ni Kiko at lumiwanag ang mukha ni Ben.

“Go ahead I am listening” malanding sabi ni Ben at ngumisi si Kiko. “We need a make over” sabi niya sabay nilabas kamay niya at kinapitan ito ng bespren niya. “Hell yeah that sounds interesting” sagot niya. “Lets go Lollipop” sabi ni Kiko at napatigil si Ben. “Lollipop? Talagang lollipop? Samantala tawag ko sa iyo cupcake, tapos yung pipiliin mo pa lollipop na it sounds very suspicious?” tanong ng bespren niya. “E wala ako maisip e, mag ride on ka nalang!” sigaw ni Kiko. “Okay cupcake” sagot ni Ben.

Masaya sila naglalakad na magkaakbay nang may isang grupo ng lalake na pinagtawanan sila. “Ano pinagtatawanan niyo diyan?!!!” sigaw ni Ben sa malakas na boses. “Gusto niyo pag umpugin namin mga mukha niyo!!!” pagalit na sigaw ni Kiko at tumahimik yung grupo. Tinuloy ng dalawa ang lakad nila, inirapan nila yung grupo at sabay nila binigkas

“Tse!!!”

(Last few chapters....sige piyesta mga copy paster hihihihihi...oh boy youre gonna get a big surprise at then end hihihihihi)

Sa Aking Mga Kamay Chapter 17: Pagharap

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz


Chapter 17: Pagharap

Alas sais ng umaga ng Sabado bihis na si Kiko at nakatayo sa may pinto nila. Pababa ng hagdanan si Teresa para magluto ng almusal at nakita ang kanyang panganay. “Anak, why so early? May lakad ka?” tanong niya. Di sumagot ang binata at inuuntog lang ang kanyang ulo sa may pinto. Agad lumapit ang nanay niya para pigilan siya. “Kiko whats wrong?” tanong ni Teresa.

“Ma, I am having second thoughts” bulong niya. “Second thoughts about what anak? At bakit ka nakaporma? O basa pa buhok mo at hmmm you smell good. May date ka?” tanong ng nanay niya at inumpog ulit ni Kiko ang ulo niya sa may pinto. Hinila siya ng nanay niya at pinaharap. “Will you tell me whats going on?” sabi niya.

“Ma, I am going on a date with Michelle…I mean we are going to watch a movie…ah I asked her out?” bigkas ng binata at napanganga ang nanay niya. “Michelle as in your dream girl?” tukso ni Teresa at napasimangot si Kiko. “The girl in my dreams not dream girl” nilinaw ng binata at tumawa ang nanay niya. “Halika nga doon tayo mag usap sa kusina” sabi ni Teresa.

Naupo si Kiko sa harap ng lamesa habang nagsisimula nang magluto ang nanay niya. “So what time are you going to fetch her?” tanong ni Teresa. “Ten po” sabi ni Kiko at lalo natawa ang nanay niya. “That is four hours away anak. Malayo ba ang bahay nila?” tanong ni Teresa. “Hindi po” sagot ni Kiko. “Ahhh I see excited ang anak ko makasama ang dream girl niya” hirit ng nanay niya. “Ma, she is the girl in my dream and not my dream girl” nilinaw ng binata pero tuloy ang tawa ng nanay niya.

“What made you change your mind?” tanong ni Teresa at niyuko ni Kiko at ulo niya at kinatok ang noo. “I like her” sabi niya at napalingon ang nanay niya at tinignan ang anak niya. “And about your dream?” dagdag ng nanay niya. “I have not forgotten about that, kaya nga po ako nagdadalawang isip ngayon. Two days ago I asked her out in my own way that is. Everything was okay until the time I touched the door knob a while ago” sabi ni Kiko. Tinigil ni Teresa ang ginagawa niya at umupo sa tapat ng kanyang anak.

“Kiko, for once forget about what you saw in your dream. Do you really like her?” tanong niya. “I do like her” sagot ng binata. “So there is your answer, stop thinking for now. What is important is that you like her. Iho you have an ability that others would really want. Imagine if we all had that, sa tingin mo may mag suffer pa ng heart break? All the people have to do is to see in their dream who is right or wrong for them. Mag aantay nalang sila para sa tamang tao para sa kanila o iiwasan yung mali. Wouldn’t that be boring?”

“We need a little spice in our life. We win battles and we lose, but for every lose we learn something, we gain experience and even if it is a loss I am sure there must be good memories along the way. Anak I am really sorry you have that ability, nakita mo na agad ang mangyayari. If you give up now, you might miss out on something important that she might impart to you. You might miss a lesson in life that she can only give you. A lesson that might make you a better person. I know heart break is not really nice, sad to say me and your dad didn’t experience that because from the start we somehow knew kami na. We had rough patches along the way but it made us stronger” sabi ni Teresa.

“Hati puso ko ma, but yes I am going to go through with it” sabi ni Kiko at napangiti ang nanay niya. “And Kiko remember its just a date. You will get to know her better and vice versa. It does not mean na kayo na agad. Kailangan mo pa siya ligawan or nagsimula ka na ata” sabi ni Teresa. Napangisi si Kiko at napakamot, “About that issue, I don’t know how to make ligaw” bulong niya at nagulat nanay niya. “And what did you do to Layla?” tanong ni Teresa.

Ngumiti si Kiko at nagpasikat, “Siguro ma nadaan ko sa pure charm” biro niya at nagtawanan sila. “Hay naku anak, just go out with her and have fun. Get to know her more and when you reach the point that you really really really like her then saka na tayo ulit mag usap” sabi ni Teresa. “Hmmm pero ma what if mahulog din siya sa charms ko, baka ako pa ligawan niya” pasikat ni Kiko at muli sila nagtawanan. “You say that as if she likes you too ha” sabi ng nanay niya. “Ma, pag pumayag ka makipag date e diba like mo din yung isa?” tanong ni Kiko. “I guess so, kasi ako noon nakipag date ako sa iba pero pag gutom lang ako” biro ng nanay niya. “So si dad siguro lagi ka nililibre kaya siya pinili mo no?” banat ni Kiko. “Now you know” sumbat naman ni Teresa at tawa ng tawa yung dalawa sa kanilang biruan.

Pagsapit ng alas nuebe nandon na si Kiko sa may gate ng bahay nina Michelle. Huminga siya ng malalim at naglakad lakad. Ilang segundo lang nagbukas bigla ang gate at sumilip yung dalaga. “Kiko? Bakit ang aga mo?” tanong niya. “Ha? Dapat kasi mamaya ka pa sisilip e, ayan nakita mo na tuloy ako” sagot ng binata. Lumabas ng gate si Michelle, bihis narin pala siya kaya napataas ang kilay ni Kiko.

“Hala bakit ka pa nagpaganda? Wala naman makakakita sa iyo sa loob ng sinehan” sabi ni Kiko at napangiti yung dalaga. “Sira, kung ano nga nakita ko yun na sinuot ko e. At ganito naman ako manamit araw araw ha” sagot ni Michelle. “Ah oo nga pala, araw araw ka palang maganda. Alam mo minsan subukan mo din kasi magpapangit no” banat ng binata at binangga siya ng dalaga. “Tara na nga” sabi niya.

Nakalabas sila ng subdivision, tinignan ni Kiko si Michelle at napatigil. “O bakit?” tanong ng dalaga. “Di parin nagbabago itsura mo” banat niya at natawa si Michelle. “Ikaw kanina ka pa ha” sagot niya. “Anyway sumasakay ka ba ng jeep?” tanong ni Kiko. “Oo naman no, grabe ka. Sabi ko na nga ba yan ang iisipin mo e” sabi ng dalaga sabay nagpara ng jeep. Pagkatigil nung sasakyan agad sumakay si Michelle at sumunod si Kiko. Sa dulo sila ng jeep magkatabing nakaupo at may kaharap silang binata na tingin ng tingin sa dalaga.

“Pssst tignan mo din naman ako wag lang siya” biglang sabi ni Kiko at nagulat si Michelle. Napahiya yung lalakeng katapat nila at natawa yung ibang pasahero ng jeep. Tumingin nalang sa labas yung lalake at natawa si Michelle. “Grabe ka that was harsh” bulong niya. “E grabe kung makatingin sa iyo e” sagot ni Kiko. “Why is that bad?” tanong ng dalaga. “No pero nagseselos ako” sabi ni Kiko at kinilig si Michelle. “Nagseselos ka?” tanong niya. “Oo kasi gusto ko ako din tignan niya. As if naman I don’t exist e” drama niya at lalong natawa si Michelle at kinurot siya.

Nakarating na yung dalawa sa mall, agad sila dumiretso sa cinema. Napansin ni Kiko na ibang poster ang tinitignan ni Michelle kaya agad niya ito nilapitan. “Is that what you want to watch?” tanong niya. “Oh no, I just find it interesting” sagot ng dalaga. “Eto nalang panoorin natin then” sabi ng binata. “Ha? Wag na, yun nalang gusto mo” sabi ni Michelle. “Aha! Yun nalang gusto ko? You see that means ito nga ang gusto mo panoorin. So lets just watch this nalang” sabi ni Kiko.

“Kiko, napag usapan natin na yun ang papanoorin natin. Papanoorin din nung iba yun. So we have to watch that movie” paliwanag ni Michelle. “Michi, pangit manood ng pilit. So we watch what you want to watch” sabi ni Kiko. “But you don’t want to watch this naman e, drama kaya to” sabi ng dalaga. “Grabe porke lalake ako I don’t watch drama? I can naman but I prefer action but this time I want to watch drama so we watch this. And there is too much violence in the world right now, we need love love love” sabi ni Kiko at napangiti si Michelle.

Pumasok na sila sa cinema, madilim na sa loob at magsisimula na yung palabas. “Magandang gabi po!” sigaw ni Kiko at may mga nagtawanan, lalo na si Michelle na nahampas siya ilang beses. Nakaupo na yung dalawa at agad bumulong yung dalaga. “You were supposed to guide me you know” sabi niya. “I know, I wanted to hold you hand but I could not see you in the dark” palusot ng binata. “Well you could have reached for me” sumbat ng dalaga. “At pag mali yung nahawakan ko sasabihin mo manyakis ako?” sagot ni Kiko at napahalakhak si Michelle.

Kalagitnaan ng sine biglang nilapit ni Kiko ang balikat niya kay Michelle. “Michi eto o” bulong niya. “Bakit?” tanong ng dalaga. “Shoulder ko, umiiyak ka na e” sagot ng binata. “No im not” sagot ng dalaga sabay pasimpleng pinunasan ang luha niya. “Oh? Anyway I will leave it there just in case umiyak ka nanaman” sabi ni Kiko. Napangiti si Michelle, din a tuloy siya naiiyak. Tinitigan niya si Kiko sabay napatingin sa balikat ng binata. Sinubukan niya ihiga ang ulo niya doon pero nagdadalawang isip siya, huminga siya ng malalim at naglakas loob. Sinandal niya ulo niya sa balikat ni Kiko at nagpigil ng sarili sa pagkakilig. “Are you crying?” bulong ni Kiko. “Yeah” sagot ng dalaga. “Luha lang ha wag uhog” biro ng binata at kinagat ni Michelle ang braso niya.

Siningit ni Michelle ang kamay niya para mayakap ang isang braso ni Kiko. Tinitignan niya yung reaksyon nung binata pero nakatitig lang ito sa giant screen. Hiniga niya ulit ang ulo niya sa balikat ni Kiko sabay hila sa sleeve ng shirt niya para kunwari umiiyak siya. Wala na tuloy maintindihan si Michelle sa pinapanood niya, masayang masaya siya at palipat lipat lang ng tingin sa screen at kay Kiko na titig na titig ang mata sa screen.

Nang natapos ang sine ay agad lumabas yung dalawa sa movie house. “Are you hungry?” tanong ni Kiko. “Not really, lakad lakad muna tayo” sagot ni Michelle kaya naglibot yung dalawa sa mall. Napadaan yung dalawa sa isang music store kaya napatigil yung dalaga. “Do you like music?” tanong niya. “My sister does pero once in a while nakikihiram ako sa kanya ng music player or nakikirinig pag nagpapatugtog siya” sagot ng binata. “Tara sa loob?” tanong ni Michelle at agad pumasok yung dalawa.

“They have test stands where you can listen or sample. Dati e if you test you buy, pero dito iba. May computer sila na pwede ka mag select ng kanta then listen to it then if you like it sasabihin niya ano name ng album and anong section mahahanap” paliwanag ng dalaga. “Oh okay, sige samahan nalang kita” sabi ni Kiko. Naglibot yung dalawa, may tinitignan si Michelle na albums malapit sa isang test stand. Si Kiko agad sinuot yung ear phones at nagsisipindot sa computer. “Yes you are cleared for landing, don’t forget to pray the rosary, goodbye…mayday mayday…let us pray for their souls” banat niya at biglang napatawa si Michelle at ibang tao sa paligid. Ngumisi lang si Kiko at lalong pinagtripan yung computer.

Ilang sandali ay biglang nagsasayaw si Kiko, “Yeah, yeah, shake it” bigkas niya at lalong nagtawanan yung ibang tao. Lumapit si Michelle sa kanya at tinitigan yung binata. “Ano pinapakinggan mo?” tanong niya. “Eto listen” sabi niya sabay alis sa earphone at isinuot kay Michelle. Nanlaki ang mga mata ng dalaga pagkat mabagal naman yung kanta, “…Kung tayoy magkakalayo ang tanging iisipin ko…walang masayang na sandali…” narinig niya kaya bigla siyang napahalakhak. “Dramatic naman to Kiko” sabi niya.

“Yeah I know pero it’s a good song” sabi ng binata at nakita ni Michelle na seryoso siya. “Why is it a good song, it’s a sad song” sabi ng dalaga. “Yes I know that too kaya nga ako sumasayaw nalang kasi ayaw ko maiyak” paliwanag ni Kiko at lalo natawa yung dalaga. Nagsisipindot si Michelle sa panel at sinuot yung earphones kay Kiko. “Eto ang magandang kanta” sabi niya at agad nagpatugtog.

Pinakinggan ni Kiko yung kanta at pinikit ang kanyang mga mata. Pinagmamasdan lang siya ni Michelle at medyo kinakabahan. Biglang sinabayan ng binata yung kanta at napangiti yung dalaga. “I know it might sound more than a little crazy but I believe…” kanta niya sabay binuksan yung mata at tinignan si Michelle. “I know I loved you before I met you, Ive been waiting all of my life” sabay nila kinanta. Nilapit ni Kiko ang mukha niya sa dalaga, mga pisngi nila nagdikit para mapakinggan din ni Michelle yung kanta. Tinuloy nung dalawa ang kanilang duet, mga ibang customer napatingin nalang at nabilib sa kanila.

Natapos yung kanta, inalis ni Kiko ang earphones at tinignan si Michelle. “I like that song” sabi niya. “Ganda no? Actually that has been my favorite song ever since” sabi ng dalaga. “Okay siya talaga, di ko alam pag may ganyan na album sis ko” sabi ng binata. “I do, pahiram ko nalang sa iyo then you can let her rip it and upload sa music player niya” sabi ni Michelle. “Okay, so tara na sa inyo?” tanong ni Kiko at natawa si Michelle. “Excited ka ata, hmmm nakakatikim ako ng chicken” sabi ng dalaga.

“Uy nakakatikim daw, sabihin mo gutom ka na” banat ni Kiko. “Di ah, I just said nakakatikim ako ng chicken” sumbat ni Michelle. “It’s the same” sabi ni Kiko. “No its not” hirit ng dalaga. “Pareho no, parang sinabi mo na I miss you. So ang hidden message non ay gusto kita makita at makasama” paliwanag ni Kiko. Napangisi si Michelle at bigla siyang kinurot. “So does that mean miss mo ko?” tanong niya.

“Ha? Miss kita?” tanong ng binata. “Uhuh, kasi you asked me out so that means you missed me” landi ni Michelle. Nanigas konti si Kiko at tinitigan yung dalaga, “Yeah I guess so” sabi niya. Gulat na gulat si Michelle sa sagot niya, agad naglakad palabas ng store si Kiko pero hinabol niya ito. “Bakit mo naman ako namiss?” tanong niya. “Isnt the answer obvious? Di kita nakita ng matagal e” sagot ni Kiko.

Halos napatalon si Michelle at kinikilig, huminga siya ng malalim at nangulit pa. “So you did miss me?” hirit niya. “Oo nga, ikaw ba pag di mo ako nakita ng matagal as in matagal will you miss me too?” biglang tanong ni Kiko at nautal bigla yung dalaga. “Ah…” bigkas niya at kahit gusto niya mag oo ay di niya kaya ito ibigkas. “Oh you see gutom ka na talaga. Nasa weak state ka na. Di na nagfufunction maigi ang brain mo. Tara na kain tayo” sabi ni Kiko. “Oo” sabi ni Michelle sa wakas. “Sa wakas umamin ka din na gutom ka” sabi ng binata. “Hindi yon” sabi ng dalaga at tumawa si Kiko. “Hay naku Michi, magulo na utak mo kasi you are hungry, save your strength at wag ka mag alala at kakain na tayo” sabi ni Kiko sa kanya. Napakamot si Michelle at napasimangot pero agad napangiti at binangga si Kiko.

Pumasok yung dalawa sa isang resto, nauna na pinaupo ni Kiko si Michelle sabay naglakad siya across the table. “Bakit ka pa diyan pwepwesto e pwede naman tayo magtabi like always?” tanong ng dalaga. Naupo si Kiko sa tapat ng dalaga sabay tinitigan siya. “Nakaka stiff neck pag magkatabi. Mas maganda ang ganito para diretso tingin ko sa iyo” sagot ng binata sabay agad tinignan yung menu. Napakapit ng husto si Michelle sa lamesa, sobra siya napangiti at sa sobrang kilig ay nasipa niya si Kiko. “Oo na oo na mag oorder na, tell your bulates to hang on” banat ng binata at lalo lang siya natawa.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang pagkain nila. Nagsimula sila kumain pero napansin ni Michelle na ginagaya ni Kiko ang bawat galaw niya. “Bakit mo ako ginagaya? Pati pag nguya?” tanong niya sabay tawa. “Wala naaliw lang ako kasi ngayon lang kita napanood kumain” sabi ng binata. “We have been eating beside each other at ngayon mo lang ako napanood kumain?” tanong ni Michelle. “Hello! Umaabot ba sa tenga ko ang mata ko? I try to watch you pero may hangganan kasi mata ko. Pinipilit ko minsan pero masakit sa mata” sabi ni Kiko at napahalakhak ang dalaga.

Halos di makakin si Michelle pagkat titig na titig sa kanya si Kiko. “Why are you staring at me?” tanong niya sabay tawa. “I like looking at you” sagot ni Kiko. “Bigyan nalang kita ng picture you want? Para yun nalang titigan mo kahit nasa bahay ka na” sabi ng dalaga. “Wag naman. Bigyan mo naman ako ng sapat na oras na mamiss kita” banat ng binata at tumawa si Michelle. “Hanep sa banat ah” sabi niya. “Banat?” tanong ni Kiko at ngumiti nalang ang dalaga sa kanya.

“Baby now that I found I wont let you go, i will build my world around you, I need you so…please don’t leave me…” kanta bigla ng dalaga sabay titig kay Kiko. “Ang galing mo pala kumanta ha” sabi ng binata. “That is my new favorite song” sagot ng dalaga. “Ow? Bakit may anak ka na? Nawala siya?” tanong ng binata at nagtawanan sila. “Kiko! Term of endearment yung baby” paliwanag ni Michelle. “Weh korny mga yan. Terms of endearment blabla” banat ng bianta.

“Duh! I heard you say hey babe. Yung babe term of endearment din yon ha” sabi ni Michelle. “Excuse me para kay Ben yon” sabi ni Kiko. “Alam ko pero term of endearment yon” sumbat ng dalaga. “Ows? Well its meant to be Baby Damo pero ginawa ko nalang babe para di niya mahalata” paliwanag ni Kiko at napahalakhak talaga si Michelle at pinagsisipa siya. “Konti pa at malulumpo na ako” sabi bigla ni Kiko at napahiya yung dalaga. “Sorry, alam mo naman pag natatawa ako I hit people. Akala ko sanay ka na” sabi ni Michelle.

“Just kidding. Oo sanay na ako sa mga kurot, hampas at batok mo. This kicking is new but I will get used to it. So starting today dapat magkatapat tayo kumain” sabi ni Kiko. “Para masipa kita?” tanong ng dalaga. “Para makita kita ng maigi” sabi ng binata sabay ngiti. Napakapit muli si Michelle sa lamesa, niyuko niya ulo niya at napangiti. Kinagat niya labi niya at sadyang sinipa si Kiko. “Oy bakit may sipa e di ka naman tumatawa?” tanong niya. “Sinasanay na kita” bulong niya. “Okay pero don’t kick me with a frown, kick me with a smile. Masakit pag simangot, pag nakangiti ka di dama ang sipa” banat ng binata at huminga ng malalim si Michelle at nanginig ang mga kamay niya. Gusto niya yakapin si Kiko sa mga sandaling yon pero ang layo niya kaya ngumiti nalang siya at muling sinipa yung binata.

“Hey Kiko, are you seeing someone right now?” bulong ni Michelle sabay niyuko ulo niya at kunwari sumubo. “Yes, you” sagot ng binata. Agad napatingin ang dalaga sa kanya at gulat na gulat. “Me?” tanong niya. “Oo kasi ikaw kaharap ko. Pag tumingin ako sa left e di sila yung nakikita ko” paliwanag niya sabay turo sa ibang tao. Natawa si Michelle saglit at pinaglaruan ang pagkain niya. “What I mean is..ah…we just went out for a movie…ah…so baka may magalit sa akin kasi kasama mo ako” sabi ni Michelle.

“Si Ben lang siguro” sagot ni Kiko. “It’s a serious question” sabi ng dalaga sabay talagang tinitigan siya ng diretso. “Wala magagalit” sagot ni Kiko. “But there is someone that you like?” hirit ni Michelle. Matagal na di nakasagot si Kiko, huminga siya ng malalim at kumunot ang labi. “Yes meron” sagot niya. “I see” sagot ng dalaga sabay niyuko ang ulo at nilaro ang pagkain, si Kiko naman nilabas ang kamay at tinuro siya.

“What is she like?” tanong ni Michelle at lalo pa siya pinagtuturo ng binata. Tumingin ang dalaga sa kanya kaya bigla siya tumigil at kunwari nag iisip. “Well wag natin pag usapan yan” sagot ni Kiko. “Okay, when can I meet her?” hirit ni Michelle. “I don’t know, maybe one day” sagot ng binata at kung kanina masaya si Michelle ngayon napuno ang puso niya ng kalungkutan.

Napansin ni Kiko na nagbago ang mood ni Michelle kaya agad siya nag isip. “Ei Michi can I take a peek whats inside your bag?” tanong niya. Napatingin ang dalaga sa bag niya at inabot ito sa kanya. “Bakit ano hahanapin mo?” tanong ng dalaga. “Wala lang, gusto ko lang malaman ano laman ng bago mo if that’s okay with you” sagot ni Kiko. “Sure go ahead” sabi niya.

Kinalkal ni Kiko ang bag ni Michelle, tinuloy lang ng dalaga ang pagkain niya at di pinapansin ang binata. “Ei Michi, when you say like, I mean you like someone, that means you like their ugali and everything about them right?” tanong ni Kiko.

“Yup” sagot lang ng dalaga. “When you say you like someone that means you want to be with them to get to know them better right?” hirit ng binata. “Oo naman” sagot ni Michelle at nagtataka na siya. “Okay buti naman at malinaw” sabi ng binata. “Whats your point?” pataray na tanong ng dalaga. “I guess now is the time” sabi ni Kiko. “Time for what?” tanong ng dalaga.

Nilabas ni Kiko ang salamin mula sa bag ni Michelle at hinarap ito sa kanya.

“Michi meet the girl I like, girl I like meet Michi” sabi ni Kiko. Talagang nanginig si Michelle, ang bilis ng tibok ng puso niya at parang gusto niyang magwala. Tinignan ni Kiko ang salamin sabay kumunot ang noo. “Hala wala na siya o” sabi niya at natawa yung dalaga. “She was just here a minute ago, diba nakita mo?” hirit ni Kiko at tawa ng tawa si Michelle. “Wait tawagin ko siya” sabi niya.

Tumabi si Michelle kay Kiko at sabay nila tinignan yung salamin. “O ayan na siya o” sabi ng dalaga. “Oh there you are” game naman na sinabi ni Kiko at nagtawanan sila. Di parin mapakali si Michelle pero bigla siya tinignan ng binata. “How about you, is there someone you like?” tanong ni Kiko. Ngumiti si Michelle at tinuro yung salamin.

“Yes, it’s the guy beside the girl you like” sabi niya. Sobrang napangiti si Kiko, pareho silang masaya pero biglang nagkandahiyaan. Nagkatingin sila saglit at nagngitian nalang pagkat sa sandaling yon pareho silang walang mahanap na tamang salita pagkat nangingibabaw ang kaligayahan nila.


(COPY...PASTE...nyahahahah HAPPY? R..E..S..P..E..C..T!!! )

Monday, June 28, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 16: Step YO

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 16: Step YO

Dalawang lingo ang lumipas at nakatambay sina Ben, Kiko at Jessica sa garden. “Bakit kaya wala sina Michelle at Layla?” tanong ni Kiko. “You should be able to answer that” sagot ni Ica. “Ako? Bakit naman ako? Am I her baby sitter?” banat ng binata. “Hay naku Kiko akala ko ba psychology student ka? You should be more observant unless manhid ka talaga” sagot ng dalaga.

“O ano nanaman meaning niyan?” tanong ni Kiko. “Pare what day is it today? Wednesday at mula nung Lunes hindi na pumupunta dito si Michelle. Pati sa lunch din a natin sila nakakasama” sabi ni Ben. “E di good” sagot ng bestfriend niya. “Good? Tapos hinahanap hanap mo siya?” tanong ni Ica. “Hindi siya, sila. Oo nga pati si Lyne wala din ha” sabi ni Kiko.

“Kasi insensitive ka!” sigaw ni Ica. Tinignan siya ni Kiko at biglang tumayo. “O ano nanaman kasi ang nagawa ko?” tanong niya. “First week of classes napaka close niyo, most often you were sweet to her. Were you just leading her on? Tapos last week bigla mo siya ibabagsak? Last week you were a bit harsh e. Parang di siya nag eexist o di mo siya kilala” paliwanag ni Ica.

Napabuntong hininga si Kiko at naglalakad lakad sa hardin. “Parang di niyo naman kasi alam tong pinagdadaanan ko e” drama niya. “Alam namin pare pero ikaw mismo ang kumokontra sa sarili mo e. Sasabihin mo avoid and escape tapos bibiglahin mo kami na super close at sweet kayo. That’s what I have been trying to tell you e but you as usual never listen to me” sabi ni Ben at napatingin yung dalawa sa kaniya. “Bwisit kayong dalawa ha. Marunong din naman ako mag English no! Pag makatingin kayo parang may milagro nang nangyari e” hirit niya sabay simangot.

Natawa si Kiko at Ica pero ayaw magpatalo ni Ben. “Hoy wag mo iwawala sa tawa tong usapan pare” sabi niya. “Hay naku, yeah I admit I don’t know what I was doing the first week. Tapos that weekend kasi niyaya ako ni Frances may DVD marathon. Panay drama ba naman ang kinuha and there were lots of instances of heart break!” sabi ni Kiko.

“Habang nanonood doon sa part ng mushy mushy stuff wow naiimagine ko ganon kami pero nung hiwalayan na naku po so much pain. Do you understand? Pain! Ramdam na ramdam ko nanaman yung pain kaya nagbago nanaman mental state ko. Natakot nanaman ako sa kanya kaya dumistansya nanaman ako” hirit niya.

“Pero Kiko if I were her, masasaktan din ako” sabi ni Ica. “Kasi one moment pinapakilig mo ako tapos the next tinutulak mo ako palayo. Kaya now you know why wala siya lately. Its either nagtatampo yun or wala ka na sa buhay niya” dagdag ng dalaga. Tulala si Kiko at di gumagalaw, agad siya tumalikod at namulot ng maliliit na bato. Nilinya niya yung mga bato sabay tumayo sa gitna.

“Left side I like her, right side i don’t. Step yes, step no” sabi niya. “Tama yan, dapat mamili ka ng isa. Di pwede na yes today tapos bukas no. Choose one Kiko” sabi ni Jessica. “Paano siya mamimili labs? Kung sa yes masasaktan siya din lang” sabi ni Ben. “Korek ka diyan pare! That’s why I love you e” sabi ni Kiko.

“Bad trip kasi yang ability mo e, alam mo pag wala yan di ka naman magkakaroon ng two choices e. E since nakita mo na masasaktan ka its still your choice. Take note Kiko sa buhay madami talaga mananakit sa akin, pero its up to you kung sino yung mananakit sa iyo na worth it” payo ni Ica.

Tinitigan ni Kiko ang nakalinyang bato, inangat niya left foot niya sabay itatapak na sana sa kaliwa, “I like her, yes I do like her. So step yes” sabi niya. “Pero sasaktan ka niya” banat ni Ben at nakurot siya ni Ica. Di tuloy naitapak ni Kiko ang paa niya at napangiti, “Tama ka pare” sabi niya kaya dahan dahan niya nilipat ang paa niya sa kanan. “But you like her, she might be worth the pain” banat naman ni Ica.

Nanginig ang paa ni Kiko at di nanaman niya naitapak ang paa niya. “Hoy bwisit kayong dalawa akala niyo madali mag balance sa iisang paa?” sabi niya at nagtawanan yung magsyota. Muling tinitigan ni Kiko ang mga bato sabay napaisip ng maigi. “Tama ka Ica, I have to choose one at kailangan ko panindigan choice ko. So I choose….” Sabi ni Kiko at mariing siyang pinanood nung dalawa.

Inangat ni Kiko ang kaliwang paa niya at tinapat sa left side, itatapak na sana niya talaga at napanganga yung dalawa. “Ahahahay step yes? Pain pain pain” bigkas niya kaya nilipat niya paa niya sa kabila, “Step no ahahahay…pero like ko siya tito Ben” banat niya. “Bakit ba ang hirap?!!!” sigaw niya at nagtawanan yung dalawa.

“Step YO!” sigaw ni Kiko sabay tinapak ang paa niya sa mga bato mismo sabay tumawa siya. “Be man enough and choose one pare” sabi ni Ben. “Oo nga, di pwede yang gitna kasi you have to think of her feelings too” dagdag ni Ica. Huminga ng malalim si Kiko at tinaas ang paa niya, “Ayaw ko makasakit” sabi niya at malakas niyang tinapak ang kanyang paa. Nagulat yung dalawa at agad siya tinignan. “Pare sure ka na diyan?” tanong ni Ben. “It is what it is” sabi ni Kiko sabay diniin pa ang pagtapak niya.

Dalawang oras ang lumipas, lumabas ng classroom sina Layla at Michelle. Wala na silang klase ng umaga pagkat nagkaroong emergency meeting ang mga propesor nila. Pansin ni Layla ang lungkot sa mukha ng kaibigan niya pero natatakot siya magsalita. “Ano punta tayo sa mall?” tanong nalang niya. “No sis, tara nalang doon sa covered courts, tambay tayo saglit” sabi ni Michelle. “Ayaw mo sa garden?” tanong ni Layla at napabuntong hininga ang kaibigan niya.

Nakarating sila sa bleachers ng outdoor court, may grupo ng mga lalake na nagklaklase ng PE doon. “Sis, sorry ha” sabi ni Layla. “Its okay. I just thought we had something going pero wala pala” sagot ni Michelle. “So ayaw mo na talaga sa kanya?” tanong ni Layla at tahimik lang yung kaibigan niya.

“Di na, kasi even if I like him I know my limits too. Ayaw ko naman na ipilit sarili ko. That would not look right. Sayang lang talaga at akala ko meron pero siguro I was just thinking too positive” paliwanag ni Michelle. “Pasensya ka na talaga sis ha. Matanong ko lang ano ba kasi ang nakita mo kay Kiko that made you like him?” tanong ni Layla.

Napaisip si Michelle at huminga ng malalim, “Don’t tell me porke magaling siya magpatawa” hirit ng kaibigan niya. “Not really that, basta di ko kaya explain e. Kakaiba siya!” sagot ng dalaga sabay nagtakip ng bibig niya at biglang tumawa. Nagtaka si Layla pagkat naghahabol nanaman ng hangin ang kaibigan niya, halos mapahiga na siya sa bleachers at tuloy ang halakhak. “Sis ano tinatawanan mo?” tanong ni Layla.

Tinuro ni Michelle yung grupo ng mga lalake sa court, pagtingin ni Layla ay pati siya napahalakhak na. Di lang sila ang tumatawa, halos lahat ng tao sa bleachers ay sumabog sa pagtawa dahil sa isang binata na kakaiba sa grupo sa court.

“Oh my God si Kiko yan!” sigaw ni Layla. “Kakaiba siya sis” sagot ni Michelle sabay halakhak ng todo. Sa gitna ng court may trentang mga lalakeng nakasuot ng white shirt at blue shorts pero isa sa kanila ang katangi tangi. Si Kiko ang tanging may suot ng maiksing shorts, body hug na shirt at dilaw na sweat band sa ulo. Lahat sila nagsasagawa ng stretching exercises pero yung binata nagpapatawa sa mga mahinhin na mga galaw niya.

Pinatakbo sila ng guro nila sa palibot ng court, si Ben napapakamot nalang sa gimik ng kaibigan niya. Tuwang tuwang ang lahat ng nanonood pagkat nasa likuran si Kiko pero bumibilis ang takbo niya. Ang bangis ng mukha niya at inoovertake ang mga kaklase, ilang saglit lang siya na ang nasa unahan at iniwan na ang buong grupo. Nang makalayo siya konti ay lumingon, “Habulin niyo akooooooooo” malandi niyang sinigaw sabay nag hop skip run na mala ballerina.

Halos mamatay na sa tawa ang lahat ng nasa bleachers, pati mga kaklase niya di na makatakbo dahil sa pagtawa. Tuwing madadaanan ni Kiko ang guro niya ay bumabalik sa katinuan ang takbo niya pero paglampas umaariba nanaman ng kalandian. Imbes na magalit ang guro at napapakamot nalang at nakikitawa.

Nagpupunas na ng luha si Michelle at humahagolgol sa pagtawa. Pinapakalma siya ni Layla pero isa din siyang di makapagpigil sa pagtawa. Saka nalang kumalma ang lahat nung naupo ang mga estudyante sa gitna ng court at nakinig sa lecture ng guro nila. “Sis kaya mo gusto dito tayo kasi alam mo dito klase niya ano?” tanong ni Layla at napangiti si Michelle.

“Akala ko ba ayaw mo na?” hirit ni Layla. “Oo ayaw ko na kanina, pero gusto ko siya ulit” sabi ni Michelle at napatawa silang dalawa. “Ang gulo ng isipan mo sis. Di ka ba turn off sa pinag gagawa niya?” tanong ni Layla. “Actually hindi e. It makes me think why does he do those things? To be honest pinapahiya mo sarili mo diba? But its just as if he does not care na mapahiya siya basta makapagpatawa”

“What really caught my attention was, he goes out of his way to stand up for you kahit di ka kilala. He has a hero complex, ganon ko siya nakilala” sabi ni Michelle at nagtataka si Layla. “Ano pinagsasabi mong hero complex? Yung pagbawi niya sa bag mo dun sa bata? My goodness bata yon, kahit siguro ako kung di naunahan ng takbo mapipigilan ko yon” sabi niya at natawa yung dalaga.

“Nung bata ako favorite ko mga fairy tale na may prince na dadating para isave yung princess. Ganon nagawa niya sa akin noon” bigkas ni Michelle habang nakatitig siya kay Kiko. Niyuga ni Layla ang kaibigan niya, “Hoy ano ba pinagsasabi mo?” tanong niya. “Ah wala I was just practicing a line from the play I was writing” sagot ni Michelle sabay ngiti. “Ah, sus akala ko naman kung ano na. Pero in fairness sis you are a good actress” sabi niya.

“Anyway sis tara nalang sa mall” sabi ni Layla. “Antayin nalang natin sila, last class naman na nila to e” sabi ni Michelle. “Akala ko ba ayaw mo na siya makasama?” tanong ng kaibigan niya. “The correct term is ayaw ko na mag expect pero gustong gusto ko siya makasama” sagot ng dalaga. “Lokaret, the more mo makasama the more magkagusto ka tapos sasabihin mo ayaw mo mag expect?” tanong ni Layla.

“Sis ginugulo mo naman isipan ko e. I like Kiko, if he does not like me then tanggap ko yon. Basta gusto ko parin siya makasama kahit na ayaw niya sa akin” sabi ni Michelle at nasampal ni Layla ang noo niya. “Hay naku naghahanap ka lang ng ikakasakit ng ulo mo” sabi niya. “I know sis you don’t have to remind me, I can take the easy way out and avoid him or I can stay with him. Malay mo diba?” sagot ng dalaga. “Wow tapos sasabihin mo di ka nag eexpect ha, kinontra mo lang sarili mo sis” sabi ni Layla at bigla sila nagtawanan. “Ah basta, ang tagal tagal ko siya inantay tapos susuko nalang ako ng ganon? No way” sagot ni Michelle. “Ano?” tanong ng kaibigan niya at napahalakhak yung dalaga. “Ah wala basta mag oo ka nalang”

Ilang minuto lumipas dumating sina Jessica at Lyne, saktong tapos na ang klase ng mga boys. Nakita nila sina Michelle at Layla at di siya makapaniwala nandon sila. Sabay nila inantay yung dalawang binata at pagkatapos noon dumiretso sila sa mall.

Wala pang alas dose kaya naglibot libot muna sila. Napadaan sila sa may cinema at masaya si Ben na tinuro yung isang poster. “Ay pinanood namin ni Ica ito nung sabado. Sobrang nakakatawa” sabi niya. Tinitigan ni Kiko yung poster at biglang tumawa na parang demonyo. “Papanoorin namin yan sa sabado!” bigkas niya. Parang may kumirot sa puso ni Michelle, agad siya napasimangot at napansin ni Layla yon.

“Kasama mo family mo?” tanong niya sa binata. “Of course not, ive got a date on Saturday” pasikat ni Kiko. Nagulat sina Ben at Ica, si Layla at Lyne agad tinabihan si Michelle. “Okay lang ako” bulong niya at napatingin nalang kay Kiko na nauna nang naglakad. “Sure ka sis?” tanong ni Layla. “Yeah, kaya naman pala cold siya last week. Its okay” sagot ng dalaga.

Naging malungkot si Michelle habang naglilibot sila, hanggang sa pagpasok sa kakainan nilang resto ay napansin ng lahat na may dinadamdam siya. Katabi niyang naupo si Lyne pero agad nagreklamo si Kiko. “Lyne naman follow the seating arrangements” sabi ng binata. “Anong seating arrangement?” tanong ng dalaga. “Aysus inupuan mo yung seat ko e” sabi ni Kiko. “Duh! Bakit may pangalan ka ba dito?” sumbat ni Lyne.

“Meron!” sabi ni Kiko. “Ows talaga? Nasan?” sagot ni Lyne at napansin ng iba na prinoprotektahan niya ang kaibigan niya. “Pano mo makikita e inupuan mo na” sabi ng binata. Agad tumayo si Lyne at napangisi si Kiko, agad naglabas ng pentel pen at mabilis na sinula ang pangalan niya sa upuan. “O ayan malinaw ang laki pa. K-I-K-O. That’s my name and that’s my seat” banat niya sabay tumawa ng malakas.

Natawa ang iba, si Lyne nainis pero lahat napatingin kay Michelle. Nakasimangot ang dalaga pero napapangati, alam nila nagpipigil lang siya. Naupo na ang lahat at di mapakali si Lyne, “Sana mamatay na lahat ng two timers” sabi niya bigla. Tinignan ni Michelle ng masama ang kaibigan niya at sinensyasan na tumigil. “As in now na sila mamatay?” tanong ni Kiko. “OO as in now na talaga” sumbat ni Lyne.

Napangisi si Kiko sabay tinignan si Ben. “Bakit ang tagal?” tanong niya na parang bata. “O bakit ka nakatingin sa akin, di naman ako two timer?” tanong ng bestfriend niya. “Oh yes you are” landi ni Kiko at nanlaki tuloy ang mga mata ni Ica. “Siraulo ka talaga Kiko, tignan mo naniwala tuloy si Ica. Labs hindi totoo yang sinasabi niya” paliwanag ni Ben.

“O thirty seconds na buhay ka pa?” hirit ni Kiko. “Pare wag ka naman ganyan. Alam mo naman si Ica lang sa buhay ko e. Wag ka gagawa ng bad issue na ganyan” sabi ni Ben. “Ganyan ka naman e, dinedeny mo nanaman ako. Sige na kunwari di tayo, handa na ako magparaya Ben” drama ni Kiko at biglang sumabog sa katatawa si Michelle. Pinagpapalo niya braso ni Kiko at tawa ng tawa yung binata.

“Ayan, naka smile ka na ulit. Di mo bagay ang nakasimangot e” sabi ni Kiko. Tahimik lang si Michelle, napatingin sa mga girls at muli siyang nagsimangot. “Alam mo sis mag girls day out tayo sa Saturday tapos manood din tayo ng movie” sabi ni Lyne sabay inirapan si Kiko. “E napanood ko na yun e” sabi ni Ica. “E di manood tayo ng iba, tapos pag tapos na sunduin ka ni Ben tapos panoorin namin yon” sagot ni Layla.

“Sige kayo nalang, ayaw ko lumabas sa Sabado” sabi ni Michelle. Damang dama talaga ng mga girls ang kalungkutan, agad tumayo si Lyne at tinignan ang bestfriend niya. “Sis tara tayo nalang mag order” sabi niya. Agad sumama yung dalaga at yung ibang girls habang naiwan yung dalawang binata. “Ano nangyari don? Bakit parang ang lungkot niya?” tanong ni Ben. Tahimik lang si Kiko at biglang di mapakali, napansin ng bestfriend niya ito kaya agad umalalay. “Pare ano problema?” tanong niya. “Pare di ako makahinga” sabi ni Kiko.

“Hoy ano nangyayari sa iyo?” tanong ni Ben sabay lumapit. Tumayo si Kiko at nagsisitalon, huminga siya ng malalim ilang beses at kinabog ang dibdib niya. “Kiko bakit?” tanong ng bestfriend niya at naupo ang binata at nag inhale ng malalim. “Step no or step yes?” tanong niya. “My God naman Kiko nagdesisyon ka na kanina e. Nag step no ka na” sabi ni Ben. “I know pare pero tsk aaarrrggggh pare di ko alam e. Para akong napupunit” sabi ni Kiko. “Alam mo pare magpakalalake ka nga. Be man enough to stick with your decision. Wag kang fickle minded. Tandaan mo sinabi ni Ica, you too should consider her feelings” payo ng kaibigan niya.

“Ben come closer and hold me, I feel so lost pare” drama ni Kiko at hinampas siya ng bestfriend niya. “Nagsisimula ka nanaman ha, baka mamaya babanatan mo nanaman ako ng head bump” sabi ni Ben at natawa yung binata. “Benditaaa naguguluhan talaga isip ko e. Hingi ka nga ng payo kay wowaaaaa” hirit ni Kiko. “Get away from me you freak!” banat ni Ben. “Uy nanonood din siya” tukso ng kaibigan niya. “Excuse me napapadaan lang ako don pag nagchachannel surf ako no” sagot ni Ben. “Oo nga pala ano name nung bulag don?” tanong ni Kiko. “Ronnie” sagot ng bestfriend niya. “Bwahahahahaha napapadaan ha. Buking ka na pare” sabi ni Kiko sabay tumawa na parang demonyo.

Nakabalik na yung girls at nagsimula na sila kumain. Habang binubuksan ni Kiko ang burger niya ay napatingin siya kay Lyne at inirapan siya ulit ng dalaga. Sunod niya tinignan si Michelle, malayo ang tingin ng dalaga kaya huminga siya ng malalim. “Michi, you should reconsider” biglang sabi niya at lahat napatingin sa kanya.

“Reconsider what?” tanong ni Michelle. “About going out on Saturday” sagot ni Kiko. “Bakit ko naman gagawin yon?” tanong ng dalaga sabay kagat sa burger niya. Natuwa yung ibang girls sa inasta ni Michelle na parang cold sa binata, si Lyne gusto pa niya dilatan si Kiko pero nagpigil. “Kasi pag di ka lalabas wala na ako kasama manonood ng sine. May kalungkutan ata manood ng sine na mag isa” sabi ni Kiko sabay niyuko ang ulo niya at kumagat sa burger niya.

Nagulat ang lahat at napangiti, si Michelle nabulunan konti pero nagawang makalunok. Tumingin siya sa malayo sabay pinikit ang mga mata at kinilig. Pulang pula ang mukha niya at huminga ng malalim, lahat ng girls nakatingin sa kanya na nakangiti kaya muli siyang tumingin sa malayo at muling kinilig. Ilang segundo pa bago niya napakalma sarili niya, naglakas loob na siya humarap sa binata pero muli siyang tumingin sa malayo.

Ang ibang girls sabay sabay nanlaki ang mga mata at tinignan si Michelle at inaantay ang sagot niya. Kinurot ng dalaga ang sarili niya sabay tinignan si Kiko na saktong nakatingin narin pala sa kanya. “Ah are you…asking me out on a date?” tanong ng dalaga. “No, I was just saying that if you don’t go out then I would watch the movie alone” sagot ng binata at biglang natawa si Michelle.

“Sige lalabas nalang ako para samahan ka manood” sabi ng dalaga. “Pick you up tomorrow at ten?” tanong ni Kiko. “Okay” sagot ng dalaga at nagngitian silang dalawa. Kinikilig yung ibang kaibigan nila pero biglang natauhan si Lyne. “Excuse me Thursday palang bukas” sabi niya. Parang napahiya tuloy yung dalawa at nagtawanan yung iba. Hiniga ni Kiko ang ulo niya sa lamesa at nagtulog tulugan. Ilang segundo naupo ulit siya ng tuwid at nginitian ang lahat.

“Good morning, Thursday na” sabi niya at inulit niya ginawa niya. “Friday naaaaa” landi niya at napahalakhak si Michelle at nahampas siya. Hiniga ni Ben bigla ang ulo niya sa lamesa at ginaya si Kiko. Pagkaupo niya ng tuwid, “Good morning sabado na!” game na game niyang sinabi.

Nakatingin lang sina Kiko at Michelle sa kanya, seryoso ang titig nila at di tumatawa tulad ng iba. “Ayos barado nanaman ako. Sabi sa inyo nakakatakot pag dalawa na ang Kiko” pahabol niya. Balik kain ang grupo, lahat pinagmamasdan yung dalawa at bawat galaw nila. Si Michelle mabagal na kumakain at bawat nguya may halong ngiti at halatang excited siya. Si Kiko naman cool na cool lang at kinikilabutan si Ben pagkat may kakaibang kinang sa mga mata ng binata. Tuwing ganito ang kaibigan niya may plinaplano itong kakaiba.

Tama ang hinala niya, humarap si Kiko kay Michelle sabay biglang kumanta. “I love you…” bigkas niya. Nanigas ng todo si Michelle at nanginig samantala yung iba napanganga at nabigla. “…Sabado pati narin linggo….i love you sabado pati narin linggo…panlasang Pilipino at home sa Joweebee” kanta niya sa lumang theme song ng fast food resto na pinagkakainan nila.

“Sarap talaga kumain dito sa Joweebee no?” banat niya sabay humarap ng diretso at kumagat sa kanyang burger na nakangiti. Napahawak si Michelle sa kanyang dibdib, ang pula pula na ng mukha niya at pinapaypayan ang sarili. Iniwasan niya tignan ang ibang kaibigan niya pagkat lalo lang siya matatawa kaya humarap siya ng diretso, kumagat sa burger niya at napangiti narin.

Tuloy ang pag hum ni Kiko ng theme song, sumabay na si Michelle kaya napatingin yung binata sa dalaga. Nagngitian silang dalawa saglit tapos sabay nila tinuloy ang pag hum. Pumasok nanaman sila sa sariling mundo nila, sabay ang kumpas ng ulo at mga katawan tila gumagalaw sa parehong direksyon.

Parehong di maantay ang Sabado.


(Hala sige copy paste pa......pag ako natuwa....hihihihihihi mambibitin talaga ako. Burahin niyo na yan or else...kayo din. I will really file a complaint to take down that site. Pakiusap din sa mga nag rerepost ng mga quotes, give credit where credit is due, wag kayo mafeeling na kayo ang gumawa, dagdag pa kayo e)

Saturday, June 26, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 15: Planeta ng Kaibigan

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz


Chapter 15: Planeta ng Kaibigan

Miyerkules ng umaga nakaupo si Kiko sa bangko habang si Ben naglalakad lakad sa harapan niya habang si Ica nakaupo sa kabilang bangko. “Ikaw ba ay nanunumpang sumagot ng tama at buong katotohanan lang ang isasaad?” tanong ni Ben. “Buong katapatan po” sagot ni Kiko at biglang natawa yung dalaga. “Alam niyo ang arte niyong dalawa. Pwede naman kayo mag usap ng normal bakit pa kayo nag aacting ng ganyan?” sabi niya.

“Your honor manahimik ka, nandyan ka lang para humusga. Peace labs” sabi ni Ben. “Bweno, sa aming pagkakaalam ay nangako ka sa amin na ikaw ay lilipat na ng paaralan, tama ba?” dagdag ng binata sabay titig sa bestfriend niya. “Oo kaya, as in yung araw na yon binisita ko na yung school, dala ko na nga pang tuition ko dahil pag nagustuhan ko talaga doon ay babalik ako dito para kunin grades ko at hihingi ng transfer permit” sagot ni Kiko.

“E dito ka naman nag enroll what the hell happened pare?” tanong ni Ben. Tumingin sa langit si Kiko at huminga ng malalim. “Akalain mo na nandon din siya. Pare lilipat daw siya doon. Ako naman mega convince ko siya na wag na lumipat. Success pare pero hinila ako bigla at sabay na daw kami mag enroll dito. Ano magagawa ko pare? Alangan na sabihin ko na doon na ako mag aaral, e kung sinabi ko yon baka magbago nanaman isip niya at doon narin mag aral. Tapos di ko naman pwede sabihin na iniiwasan kita kasi sasaktan mo lang ako sa future. O sige nga kung ikaw ano gagawin mo?” sumbat ng kaibigan niya.

“Hmmm okay pero naakit ka naman na mag enroll dito agad” banat ni Ben. “Hindi pare e. Sumama lang ako dapat para samahan lang siya mag enroll para di na siya makulit. Nung natapos siya nag away pa nga kami dahil ayaw ko mag enroll e. Drinamahan niya ako pare” kwento ni Kiko. “Bumigay ka naman!” sigaw ni Ben. Napasimangot ang bestfriend niya at parang nawalan ng buhay. “Di ako makatanggi pare” bigkas niya. Minasahe ni Ben ang noo niya pero si Ica napangiti. “Alam mo ganyan din si Ben sa akin” landi niya. “Meaning?” tanong ni Kiko. “Wala lang” sagot ng dalaga.

“Pare nakita ko ang paghihirap mo last sem. Yung pag iiwas mo sa kanya tapos yung mga sakripisyo mo. Nagpasya ka na nga iiwas tapos ngayon parang ang close niyo na? Gusto mo talaga masaktan ano?” sermon ni Ben. Biglang tumayo si Kiko at hinarap ang kaibigan niya, kinabahan bigla si Ica at napatayo narin. “Sinabi ko nga sa iyo na pinaglalaruan ako ng tadhana e! Sa tingin mo ginusto ko ba ito? Pare coincindence ang pagkikita namin doon, tapos ewan ko na ano nangyari. Weak na ako kung weak pero di ako makatanggi na after that!!!” sigaw niya.

“Kaya nga gusto mo nga talaga masaktan!!!” bawi ni Ben at bigla nalang sila nagkapormahan. “Guys! Stop that!” sigaw ni Ica. “Ikaw akala mo kung sino ka magsalita. Akala mo ba madali to para sa akin? Ano gusto mo pare?!” sigaw ni Kiko. Bumwelta na ng suntok si Ben, si Jessica napapikit na at sumigaw ng malakas. “Hmp hmp hmp hmp ikaw matigas ulo mo bruha ka!” sigaw ng boyfriend niya.

Dahan dahan binuksan ni Ica ang mga mata niya at nakita niyang nagbabatukan na parang bakla yung dalawa. “Maldita ka akala mo madali” sabi ni Kiko at biglang nagsabunutan ang dalawa. Lumapit si Ica at pinalo ang noo nung dalawa. Biglang nagtawanan yung magkaibigan at naupong magkatabi sa bangko. Si Ica mainit ang ulo, naupo narin sabay nagsimangot. “Bwisit kayo” bigkas niya at lalong natawa yung mag bestfriend.

“So pare ano ibig sabihin nitong lahat?” tanong ni Ben at napabuntong hininga si Kiko. “Pare to be honest di ko parin matanggal yung takot at yung sakit. Nakita niyo naman na I really tried to make iwas diba pare? E nandito na e, nasa planeta na kami ng magkaibigan. Siguro okay narin na ganito, di na ako nagtatago, di na ako umiiwas. Ang tanging gagawin ko nalang siguro ay siguraduhin na manatili kami sa planetang ito para wala nang tsansa na lumipat kami sa kabilang planeta” sabi ni Kiko.

“Pare you are talking alien” sabi ni Ben at napangiti si Kiko. “We are just friends pare, and I hope it stays that way nalang” paliwanag ng binata. “Pero pare it always starts with being friends at sa mga pinag gagawa mo at pinagsasabi mo kahapon mukhang lumalampas na sa friendship” sabi ng kaibigan niya. Huminga ng malalim si Kiko at pinikit ang kanyang mata. “Tulad natin pare we are friends diba?” banat ni Kiko sabay kinindatan ang kaibigan niya.

“Talagang di ka makakausap ng seryoso ng matagal no pare? And just so you know pare, di na ako pwede mag bakla baklahan, bawal na” sabi ni Ben. Napangiti si Ica konti pero agad din niya binalik ang simangot para ipakita sa dalawa na galit parin siya.

Dumating bigla sina Layla at Michelle, una nilang napansin ang simangot sa mukha ni Ica. “O sis bakit ganyan itsura mo?” tanong ni Layla. “Pinagnerbyos ako ng dalawang yan. Akala ko magsusuntukan na sila talaga tapos magbabakla baklahan lang pala” pagalit na kwento ni Ica. “So nadali ka narin pala nila, ganyan talaga mga yan. Naalala ko nung fourth year kami, magkalayo talaga sila tapos nagsisigawan sa campus. Halos tumigil ang lahat at pinanood sila nagsasabatan. Pinatawag ako ng iba pigilan ko daw, then nung lumapit ako bigla silang nagsuguran. Sigaw ako ng sigaw as in tapos napaupo ako at napasigaw na sa takot”

“Nagtataka ako bakit nagtatawanan ang lahat, pagtingin ko ayon nagkukurutan yang dalawa sabay nagpapalitan ng sampal” kwento ni Layla. Natawa sina Ica at Michelle habang yung dalawang binata parehong inosenteng nakatingin sa langit sabay pabaklang inaayos ang buhok nila.

“Teka bakit wala si Lyne?” tanong ni Ica. “Nandon nagpapapalit ng schedule para pareho kaming tatlo nina Michelle” sabi ni Layla. “Ah well kami ni Ben nagpapalit kahapon kasi naman gusto daw niya maging kaklase si Kiko” sabi ni Ica. “O di pare pareho na pala tayo lahat” biglang sabi ni Michelle at lahat napatingin sa kanya sabay kay Kiko.

“Pareho kayo ng schedule ni Kiko?” tanong ni Layla. “Yup, okay na kasi lahat tayo pareho” sabi ng dalaga. Biglang tinignan ni Ben ang bestfriend niya sabay tumaas ang isang kilay. “Kaibigan ha” bulong niya. “Totoo naman pare bakit?” sagot ng kaibigan niya. “Nauna siya nag enroll, tapos ginaya mo sched niya. Tapos sasabihin mo kaibigan lang?” hirit ni Ben. “She chose my sched, di ko alam pareho pala kami. Nalaman ko nalang nung papunta na kami sa mall. Wag kang ganyan at sino ba yung talagang gumaya, ikaaaaw. Gusto mo ako makasama diba? Pare mas madali pag aminin mo na sa akin” bulong ni Kiko sabay nag beautiful eyes sa kaibigan niya.

Habang nagbibiruan ang mag bestfriend, pinapanood lang sila ng mga girls. “Oh my I forgot my class cards at home. Tsk sabi ko na nga ba may nakalimutan ako e” sabi ni Michelle. “Hala pano yan?” tanong ni Layla. “Nah its okay tawagan ko nalang sila para ihatid, maaga pa naman diba?” sabi ng dalaga sabay sumilip sa loob ng bag niya. “Great I even left my phone at home” sabi niya.

Mabilis nilabas nina Layla at Ica ang phone nila pero. “Hmmm I have a better idea, hiramin ko phone ni Kiko” sabi ni Michelle sabay tumayo at lumapit sa binata. “Kiko pwede makitext? I left my phone at home kasi” sabi ng dalaga. Sabay napatingin ang dalawang binata sa kanya, si Kiko yumuko at may inabot sa lupa kung saan naroroon ang bag niya. Pumulot siya ng bato sabay inabot ito sa dalaga.

Kinuha ni Michelle yung bato sabay tinignan yung binata. “Ano to? Bato naman to” sabi niya. “Grabe naman to nakikitext na nga lang nilalait pa phone ko” banat ni Kiko. Nagtakip ng mukha si Ben at biglang natawa, paglingon ni Michelle pati yung dalawang dalaga tumatawa narin. “O di mo lang alam gumamit ng ay phone?” tanong ni Kiko. “Ha? Ito i-phone?” tanong ni Michelle. “Oo kasi ang reaction ng lahat ay ganito, AY PHONE!” sabi ng binata. Nagsimangot si Michelle at pinipigilan ang tawa niya, napansin ni Kiko yon kaya lalo siya humirit.

“Look o, touch screen pa siya kaya lang magaspang konti. Talagang nagmatigas si Michelle kahit natatawa na siya. “Kiko I really need my class cards” malumanay sa bigkas ng dalaga. “Sorry” sabi ni Kiko sabay dinukot ang phone mula sa bulsa niya. Inabot niya ang phone niya kay Michelle at bumalik yung dalaga sa ibang girls.

“Twoooo zeroooo” bulong ni Ben sa tenga ng kaibigan niya. Napabuntong hininga si Kiko sabay napatingin sa langit. “Yeah I know pare you don’t have to keep score” sagot niya pero inulit ulit lang ng bestfriend niya ang pagbulong. Samantala sa mga girls habang nagpipindot ng text si Michelle ay bigla nalang siya nagtakip ng mukha at tumawa. “Sis bakit?” tanong ni Ica at napahawak na ang dalaga sa tiyan niya at talagang humalakhak. “Yung bato AY PHONE!” kwento niya at tinuloy ang pagtawa.

“Grabe ka naman delayed reaction” sabi ni Layla. “Ngayon ko lang talaga nagets AY! PHONE!” sabi ni Michelle at napasandal na kay Jessica at tumutulo na ang luha sa tuwa.

Napatingin si Kiko kay Michelle at napangiti siya. “See that pare, can you see her smile? It makes me forget that one day she will break my heart” bulong niya. “Hay pare, kalian mo ba hindi nakita naka smile yan? Araw araw naman ata naka smile yan e” sagot ni Ben. “Alam ko pare, pero parang mas matamis ang ngiti niya pag alam kong ako ang rason kung bakit siya nakangiti” paliwanag ni Kiko. Nakangiti narin ang binata, ang bestfriend niya napakamot nanaman ng ulo at tumingala. Tinignan ni Kiko ang bato na hawak niya, nilinisan niya ito konti saka binulsa.

Sumapit ang lunch break, sa mall sila nananghalian at sinadya ng iba na magkatabi sa lamesa sina Kiko at Michelle. “Were you able to get your classcards?” tanong ni Kiko, napatingin ang dalaga sa kanya sabay napangiti. “Yup, hinatid nina yaya. Ay oo pala sorry I forgot to return your phone” sabi ni Michelle sabay kuha sa bag niya. “Sige mamaya nalang hapon, gamitin mo lang. Di naman ako masyado gumagamit niyan e” sabi ng binata.

“Ows? If I know madami kang katext na girls e” sabi ni Michelle. “Nakita mo naman siguro laman ng phone book ko ay lima lang” sumbat ni Kiko. “Actually anim” sabi ng dalaga. “Anim? My mom, dad, sis, Ben then Layla that’s only five” paliwanag ng binata. “Hmmm pati si yaya kasi naman I had to save her number para di ko na lagi input. Burahin ko nalang later” sabi ni Michelle.

“No need, leave it there. Di ko naman siya itetext no. Wala ako hilig magtext” sabi ni Kiko. “You should learn” banat ng dalaga at biglang natawa si Kiko. “Michi marunong naman ako magtext kahit papano” sabi ni Kiko at natawa yung dalaga. “Ay that’s not what I meant, ang ibig ko sabihin sanayin mo magtext” paliwanag ng dalaga. “Bakit ko naman gagawin yon?” tanong ni Kiko.

“Kasi friends do usually text you know” sabi ni Michelle sabay niyuko konti ang ulo niya. “Isnt it better if friends do talk face to face?” tanong ng binata. Napangiti ang dalaga, gusto sana niya tignan si Kiko pero parang nanigas ang kanyang leeg. “Oo naman pero diba pag magkalayo kayo or lets say sa gabi then you want to tell them something or share a story you text them” paliwanag ng dalaga. “Or some things that you cannot say face to face” biglang banat ni Kiko at napatingin na yung dalaga sa kanya.

Nagkatitigan sila saglit sabay agad humarap si Kiko sa plato niya. “Make my phonebook seven then” sabi niya. Napangiti si Michelle at humarap din sa plato niya, “Seven na” bulong niya at sabay sila napangiti. Di na namalayan nung dalawa na kasama nila ang mga kaibigan nila at kanina pa sila pinapanood at pinakikinggan.

“You know tito Ben there is so much love love love” banat ni Ica sa maarteng boses. “You are so right Ikki” sagot naman ng binata at nagtawanan ang lahat. “Bakit naman Ikki?” tanong ni Ica. “E alangan na Krissy e di naman Kristina pangalan mo, Jessica alyas Ica so Ikki” paliwanag nung binata. “Wow Jessica nagpapatawa ka narin ha” tukso ni Layla. “Well nakakahawa tong si Ben e” sagot ng dalaga.

“Ang dalawang Ben ay manageable pero pag dalawang Kiko, naku po that is scary” sabi ni Ben at lahat sila napatingin bigla kay sa dalawang nakayuko. Sabay pa tumungo yung dalawa at tinignan sila, lalo nilang kinagulat nung sabay ulit tumaas ang mga kilay nila. “Bakit?” bigkas nilang sabay. “And it has begun” banat ni Ben at nagtawanan sila. “Ano yon?” tanong ni Michelle. “Wala sis kain ka lang” sabi ni Layla sa kanya.

Dismissal at masayang palabas ang grupo sa main gate. Tumambay sila sa may bentahan ng toknene habang inaantay ang sundo ni Michelle. Ilang minuto lumipas ay dumating na yung itim na SUV. Lumabas si mang Lando pero sinensyasan siya ni Kiko. “Paps ako nalang” sabi niya at binuksan niya ang pinto para kay Michelle. Pagkapasok ng dalaga ay agad niya sinara ang pinto pero agad binaba ni Michelle ang binata.

“Kiko your phone” sabi niya. Pinasok ni Kiko ang ulo niya sa loob ng kotse. “Hi Yaya!” bati niya sabay kuha ng phone. “Wala bang kiss diyan?” landi ni Nelly at nilabas naman ni Kiko ang nguso niya at pumormang hahalik. Bumilis ang tibok ni Michelle, namula ang mga pisngi niya pero agad tumawa ang binata. “Next time nalang po yaya di kita maabot e” sabi niya at napahalakhak yung matanda. Hihirit pa sana si Nelly pero mabilis siya kinurot ni Michelle.

“Alam mo Michi, paminsan minsan wag ka na magpapasundo” bulong ng binata. “Ha? Ano yon?” tanong ni Michelle at nginitian nalang siya ni Kiko. “Wala sabi ko ingat sa daan” sagot niya. “Ah ikaw din ingat sa pag uwi ha” sabi ng dalaga. “Yup, seven?” tanong niya sabay pinakita ang phone. “Seven” sagot ni Michelle sabay ngiti. Nilabas na niya ang ulo niya sabay kumaway, agad naman umandar ang kotse at bumalik na si Kiko sa ibang kaibigan niya.

Habang pinapanood niya kumain ang mga kaibigan niya napadukot siya sa bulsa niya at nilabas yung bato. “Sus, sino nanaman ang bibiktimahin mo sa bagong joke mo pare?” tanong ni Ben. “Wala, itatago ko to” sagot ni Kiko at natawa ang kaibigan niya. “Kakaiba nanaman trip mo pare, may kapit bahay kami business sand and gravel, madami ganyan doon at malalaki pa, gusto mo?” banat ni Ben.

“She held this stone, she laughed and she smiled. Tuwing makikita ko tong batong ito maalala ko yung ngiti niya sa araw na ito” sabi ni Kiko sabay muling binulsa yung bato. “Oh my God pare you are changing. Kailan ka pa naging sentimental?” tukso ng kaibigan niya pero di siya pinansin ng binata.

“Mauna na ata ako sa inyo” sabi ni Kiko. “Di ka na sasama sa mall Kiks?” tanong ni Layla. “Di na, naalala ko may pinapagawa pa si Frances. Sige peeps” sabi ng binata at lumapit kay Layla at nakipag beso beso. Kumunot ang noo ng dalaga pero bumigay din, sumunod nakipag beso beso siya kay Lyne at Jessica. Pang huli si Ben, pero bago pa siya makalapit ay binantaan na siya ng bestfriend niya.

“Pare, take note di na ako pwede mag ganyan” sabi niya. Lumapit si Kiko at magkaharap na sila. “Ows? I know you want tooooo” landi ni Kiko at nagtawanan ang mga girls. “Pare naman e, sinabi ko naman na sa iyo bakit di na pwede e” sabi ni Ben. “Isa lang pare, parang wala naman tayo pinagsamahan e, come on I know you want to XOXO” landi lalo ni Kiko at lalo napahalakhak ang mga babae.

“Pare please respeto naman” biglang banat ni Ben at nanigas si Kiko. Nagkatitigan sila pero biglang humawak si Kiko sa mga tenga ng kaibigan niya sabay hinila ang ulo at nakipag umpugan ng noo. “Aray!” sigaw ni Ben sabay himas sa noo niya. Tumayo ng pasiga si Kiko sabay binigyan ng head to foot stare ang best friend niya.

“That is how real men do it pare! O sige tol mauna na ako ha!” banat niya sabay kinabog ang kanyang dibdib. Sobrang tawanan ang mga girls habang patuloy hinihimas ni Ben ang noo niya. “Nakipag beso beso nalang sana ako. Ica please next time payagan mo na ako ha” makaawa niya at lalo lang natawa ang mga babae sa kanya.


(Gusto ko happy kayo....e ako gusto niyo din bang happy? Hahahaha. Food for thought lang yan mga kaibigan)

Sa Aking Mga Kamay Chapter 14: Pagbaliktad

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 14: Pagbaliktad

Unang araw ng klase para sa second semester, nagkita kita sina Ben, Jessica, Layla at Lyne sa tambayan na nahanap ni Kiko. Dumami ang nakatanim na bulaklak sa mini garden na yon at nadagdagan ang mga bangko.

“Nasan na kaya si Kiko?” tanong ni Layla at agad tumingin sa malayo ang magsyota. “Huy Ben kausap kita” hirit niya. “Ah malay ko don” sagot ng binata. Tumayo agad si Layla at lumapit, “Hmmm kahina hinala ang sagot mo” bigkas niya. “Hala to ano pinagsasabi mo? Layla bakit mo hinahanap sa akin si Kiko e kapitbahay mo. Dapat mas alam mo nasan siya” sabi ni Ben.

“Oo nga pero nagbakasyon sila sa Baguio nung sem break at bago matapos ang sem break ako naman ang nagbakasyon at kababalik ko lang kagabi so di ko siya nakita. Di man lang siya sumasagot sa text” sabi ng dalaga. “Pati naman sa akin di sumasagot sa text e” sabi ng binata pero di naniniwala sa kanya si Layla. “Kasi Ben usually pag ganon ang tanong ko, kalokohan ang isasagot mo. Today seryoso ang sagot ko kaya naghihinala ako” sabi bigla ng dalaga.

“You should tell her” sabi ni Ica at tinignan siya agad ni Ben. “Tell me what?” tanong ni Layla sabay nakitabi siya kay Ica. “Fine, hay sabagay wala narin tayo magagawa for sure nandon na siya sa new school niya” sabi ni Ben. Napatayo si Layla at tumaas ang dalawang kilay. “Anong new school?!!!” sigaw niya.

“Umupo ka nga” sabi ni Ben at naupo ang dalaga at si Lyne lalo lumapit sa tatlo. “Kasi ganito po yon. Si Kiko nag transfer na ng school. He told us na lilipat siya nung last day ng exam. He told us to keep it a secret until second semester starts” kwento ng binata at nagulat sina Lyne at Layla. “Ben! Ayaw ko ng biro na ganyan” banta ni Layla.

“He is telling the truth Lay” sabi ni Jessica kaya biglang tumahimik ang grupo. “Bakit siya lumipat?” tanong ni Lyne. “Well he had his reasons” sabi ni Ben. “Bakit di mo man lang pinigilan?” tanong ni Layla. “We actually did sis pero tinuloy parin niya” sabi ni Ica. “Tsk dapat sinabi niyo sa akin e. Ano ba problema non kasi?” tanong ni Layla at tumahimik nalang yung magsyota.

Biglang dumating si Michelle na may dalang take out food. “Hello mga sis and Ben. Gusto niyo?” sabi niya. “Ah sige sis go ahead” sabi ni Lyne. “Sorry ha late ako nagising na e so I had to buy take out food for breakfast” sabi ng dalaga sabay nagsimula kumain. “Ayaw niyo talaga?” tanong ulit niya at tumanggi yung apat.

“Ah sis, may bad news?” sabi ni Layla at tinignan siya ni Michelle habang ngumunguya. “Ah wag ka sana mabibigla ha, pero si Kiko nag transfer na ng school” sabi ng kaibigan niya. Parang walang epekto sa dalaga ang sinabi ni Layla at tinuloy niya lang ang pagkain niya. Nagkatinginan yung apat at di makapaniwala. “Ah sis lumipat ng school si Kiko” ulit ni Lyne. Napalunok si Michelle at ngumiti, “Yeah right nice joke” sabi niya sabay kumain ulit.

Napasimangot si Layla at nakitabi sa kaibigan niya. “Sis di kami nagbibiro” sabi niya. Huminga ng malalim si Michelle at tinignan yung apat. “Oh come on sinusubukan niyo kumuha ng reaksyon from me na affected. Aminado naman ako na I like Kiko. O ayan naamin ko pa in front of Ben and Ica” sabi ng dalaga. “Kaya nga sis pero lumipat na talaga si Kiko” kulit ni Layla.

Napangiti si Michelle at huminga ng malalim, “PIK guys, kasama ko siya nag enroll so I know di siya lumipat. Nice try though” sabi niya. Napanganga sina Ben at Ica, si Layla at Lyne napatingin sa kanila. “PIK linya ni Kiko yon ha” sabi ni Ben. “Yeah I know he used it on me nung nag lunch kami after enrollment, ever since na adapt ko na” sabi ni Michelle at gulong gulo ang isipan nung apat.

“Ano daw? Sabay sila nag enroll at naglunch?” tanong ni Ica sabay tingin sa boyfriend niya. “Unbilibabol” bigkas ni Ben. Napatayo si Layla at lumapit sa magsyota, “Hmmm kayo ginugudtaym niyo ba ako?” bulong niya. “Honest sis, he really told us na lilipat siya. Swear” sagot ni Ica. Lumapit si Lyne at bumulong, “Baka naman nasisiraan na ng bait yan?” sabi niya at napatawa yung apat.

“Lay huliin mo nga” bulong ni Ben sa kaibigan niya. Tumabi si Layla kay Michelle at pinagmasdan ang kaibigan niya. “Sis sabay kayo nag enroll ni Kiko sabi mo?” tanong niya. Napatingin saglit si Michelle kay Ben sabay yuko ng ulo at ngumiti. Bigla niyang tinignan si Layla at napatili. “Sinamahan niya ako mag enroll then sinamahan ko din siya mag enroll” sabi niya.

Di parin naniniwala si Ben at Ica at sinenyasan si Layla na huliin pa siya. “Pasado ba siya sa lahat?” tanong ni Layla. “Yup and….ay wala pala basta pasado siya sa lahat. Are you looking for him? Don’t worry he will be here kasi 8 din pasok niya. Kaya ko nga binibilisan kumain kasi baka pagdating niya at nakita ako magagalit siya kasi di nanaman ako nag almusal e” sabi ni Michelle.

Kinurot ni Ben sarili niya, “Ica kurutin mo ako dali” bulong niya. SInunod ni Jessica ang utos ng boyfriend niya at napasigaw sa sakit yung binata. “Arawts, gising ako so meaning nasisiraan talaga siya ng bait” bulong ni Ben. Pasimple na tinawag ni Ben sina Layla at Lyne, naupo sila lahat sa isang bangko habang pinagmamasdan si Michelle kumain.

“Ica, Lyne alam ko mag agree kayo sa akin na she is becoming dillusional already” bulong binata at sumang ayon yung dalawa. “Sa tingin niyo nababaliw na siya talaga?” tanong ni Layla. “Grabe tignan mo nalang o” sabi ni Ben at nakita nila si Michelle na ngumingiti mag isa habang tinitignan yung mga halaman sa paligid. “And hello have you ever seen Kiko’s grades? Sige nga Layla” hirit ng binata.

“Oo nga no, ayaw na ayaw niya ipakita ever since. At nung enrollment ayaw pa niya na may kasama” bulong ng dalaga. “Don’t worry phase lang yan, magagamot pa siya” sabi ni Jessica at muli nila tinignan si Michelle na talagang ngumingiti mag isa. “Ganyan talaga ata pag depressed ka or frustrated sa love. Madami talaga nasisiraan ng bait e” bulong ni Lyne.

“Ang ganda talaga ng flowers, grabe it reminds me so much of Baguio. Grabe gusto ko tuloy bumalik don” sabi bigla ni Michelle. “Sis kalian ka nagpunta sa Baguio?” tanong ni Lyne. “Nung sem break, ay I forgot to text you pala sorry” sagot ng dalaga. “Alam mo ba na sa Baguio din nag bakasyon sina Kiko?” landi ni Layla. “Ows? Di nga? Hala sayang naman sana nagkita kami don. Oh well he told me that galing sila sa bakasyon but I never asked where naman. Pati ako I didn’t say I came from Baguio. Sayang napag usapan sana namin yon nung nag lunch kami” sabi ng dalaga sabay ngumiti at tumingin sa langit.

Dismissal na at malungkot si Michelle. “Siguro first day of classes kaya he didn’t come. Okay lang maybe tomorrow” sabi niya. Awang awa na si Layla at Lyne, si Ben at Ica parehong nag iisip ng paraan para mapasaya ang kaibigan nila. “Dapat pag ganyan hinay hinay natin siya ibalik sa tamang isip. Right now siguro nasa fantasy world siya. Pangit din yung bibiglain natin sabihin na she is dillusional” bulong ni Ica.

“Oo nga Michelle, bukas sigurado papasok na yon” sabi tuloy ni Ben at nagulat si Layla. “Oo naman I know that he values education so much” sabi ng dalaga at lalong di makapaniwala ang lahat. Dumating na ang sundo ni Michelle kaya naiwan yung apat sa main gate. “Oh boy we have a problem” sabi ni Lyne. “Sobra, Kiko values education? If ever di halata” sabi ni Layla at nagtawanan sila lahat. “And look ha, if totoo man na close na sila e imposible naman na di magpalitan yang dalawa ng phone numbers diba? Nung wala siya nung umaga she could have sent him a text message or tinawagan man lang sana” sabi ni Ben.

“Funny that you mentioned that, ikaw bestfriend niya bakit di ka nagtext o tumawag sa kanya?” tanong ni Ica. “Sus ganyan si Kiko, kahit itext mo pag di niya feel sumagot dedma ka” sabi ng binata. “Yup bihira gumamit ng cellphone yan, kung gagamit man panay kalokohan ang mga tinetext” dagdag ni Layla. “Guys we really have to help her. Starting tomorrow we need to bring her back to reality” sabi ni Ica. “I cant do it alone, so you all have to help me” sabi ni Lyne.

Kinabukasan sa kanilang tambayan maaga nagtipon yung apat at pinag uusapan nila ang kanilang strategy para sa kanilang kaibigan. “Paano ko sisimulan?” tanong ni Lyne. “Kailangan natin na comfortable muna siya. Wag natin biglain. Pagdating niya we can have casual talk ganon. Kung may kwento siya sakyan natin or simulan mo by asking questions tapos obserbahan natin sagot niya. Kasi pag gawa gawa lang sagot niya mapapansin natin na matagal siya sumagot” sabi ni Ica.

Di pa nila naayos plano nila biglang dumating si Michelle, basa pa konti ang buhok niya at nakasuot ito ng pulang dress. Napanganga si Ben konti pero agad siya siniko ni Ica. “Good morning guys” bati niya. “Good morning sis, looking pretty today ha” sabi ni Lyne at napangiti ang kaibigan nila. “Ay grabe ngayon lang ako nag dress, kinapalan ko na face ko” sabi ng dalaga.

“Bagay naman e” bigkas ni Ben at tumaas bigla ang kilay ng girlfriend niya. “May baon ka nanaman?” tanong ni Layla at natawa konti si Michelle habang binubuksan ang dala niyang Styrofoam. “Sandwich today, gusto niyo?” sagot niya. “Sige lang sis go ahead” sabi ni Lyne at tumahimik yung apat at pinanood ang kaibigan nilang kumain.

Kinalbit ni Layla si Lyne at sinensyasan na simulan na. Napatingin si Michelle sa kanila kaya agad sila nagpasimple. “Nasan kaya si Kiko?” banat ni Ben at parang lumiwanag agad ang mukha ng dalaga. “Uy wag pa sana siya dumating baka mahuli niya ako kumakain” sabi ni Michelle sabay kagat sa sandwich niya. Muling kinalbit ni Layla si Lyne, “Tabihan mo na dali” bulong niya. “Sandali lang naman, timing” sagot ng dalaga.

Nainis si Layla kaya siya ang tumayo at tumabi kay Michelle. Inalok siya ng dalaga ng sandwich pero tumanggi ito. “Alam niyo your four are acting weird ha, sorry napansin ko lang” sabi ni Michelle. “Kasi sis pati ikaw you are acting weird e” sagot ni Lyne. “Ako? Bakit niyo naman nasabi yan?” tanong ng kaibigan nila.

“The stuff about Kiko” sabi ni Layla. “Oh so what about Kiko?” tanong ni Michelle sabay kagat sa sandwich. Medyo napailing yung apat pero nagulat sila sa lalakeng biglang sumulpot at nakatayo sa likuran ni Michelle. “Hey babe” bigkas ni Kiko sa mababang boses, gulat na gulat yung apat habang si Michelle kinilig ng todo pero biglang bumara ang pagkain sa lalamunan niya.

Agad hinaplos ni Layla ang likod ng kaibigan niya, si Ben napatayo at tulala. “Kiko?” bigkas niya. Lumapit ang binata sa bestfriend niya, “I missed you babe” banat ni Kiko sabay haplos sa pisngi ni Ben at biglang nagtawanan sina Lyne at Jessica. “Akala ko ako” bulong ni Michelle sabay simangot at napabungisngis si Layla.

“Ano ginagawa mo dito Kiko?” tanong ni Ben. “Are you crazy? Absent na nga ako kahapon tapos gusto mo absent ulit ako today?” sagot ni Kiko sabay tumalikod at hinarap si Michelle. Nanigas yung dalaga, lalong bumagal ang pag nguya niya. “Michi di ka nanaman kumain ng almusal sa bahay?” sabi ng binata at super ang ngiti ng dalaga sa kanya.

Si Layla di makapaniwala sa nangyayari, para siyang zombie na naglakad palayo at tumabi sa tatlo niyang kaibigan na gulat na gulat din sa nangyayari. “At least I bought a sandwich” sabi ni Michelle. “I can see that” sabi ni Kiko sabay naupo sa tabi ng dalaga. Huminga ng malalim si Michelle at halatang kinikilig, napatingin si Kiko sa apat at nagtataka siya bakit sila nakatayo na parang estatwa.

“Sit!” sigaw niya at napaupo agad yung apat. Natawa si Michelle at agad nagpasikat si Kiko. “Powerful ako no? Watch this” sabi niya. “Roll over!” sigaw niya at ang bestfriend niya bigla naman nagpagulong sa damuhan. “Ben ano ginagawa mo?” tanong ni Ica at natauhan yung binata. “Oo nga no, e bakit di kayo nakiramay?” sagot niya. Napahalakhak ng malakas sina Kiko at Michelle, muling napatingin sa kanila yung apat at di parin makapaniwala.

“You want?” tanong ni Michelle sabay nilapit yung sandwich sa bibig ng binata. Yung apat titig na titig kay Kiko, pagbukas ng bibig ng binata pati sila nagbukas ang bibig nila. Kumagat si Kiko at yung apat parang hypnotized na napakagat din. “Hmmm ayos lang pero alam mo ituturo ko sa iyo yung store na mas masarap ang sandwich. Lagi ko binibili don yung bacon and egg sandwich nila” sabi ni Kiko habang ngumunguya. “Talaga? Sige nga pero Kiko your mouth is full” sabi ni Michelle.

“Ay sorry” sabi niya sabay takip sa bibig at tinuloy ang pagnguya. “Oh my God may manners na siya” bulong ni Layla. “Dapat oh my God close na sila” banat ni Ben. “So totoo lahat ng sinabi niya kahapon?” tanong ni Lyne. “It seems so, wow as in wow” sabi ni Ica at di parin makapaniwala yung apat sa napapanood nila.

“Ah excuse me ha, pero sabay talaga kayo nag enroll?” tanong ni Layla. Kinalbit ni Kiko si Michelle sabay tinuro bibig niya. “Ah oo sabay kami” sabi ng dalaga. “Wow talagang may manners ka na Kiko?” tanong ni Ben. Napalunok si Kiko at ngumiti, “Oo pare may breeding na ako, di na ako askal” sabi niya at parang mahihimatay sa gulat ang bestfriend niya. “Magkasama ba kayo buong sembreak?” tanong ni Lyne. “Oh no, diba I told you na nagkita lang kami one day tapos ayun nagsama kami para mag enroll” sagot ni Michelle.

“Ganyan ang nagagawa ng isang araw?” bulong ni Ica at napakamot nalang si Ben. “Ginayuma niya si Kiko sure ako” sagot ng binata. “And you two had lunch together right?” hirit ni Lyne. “Yup” sabi ni Michelle. “Ahem take note sa planet earth yon” sabi ni Kiko at bigla sila nagtawanan ng dalaga. Di makasabay yung apat kaya nagtinginan nalang sila, “Oh my God may sarili pa silang mundo ata” bulong ni Layla.

“Bakit hindi na ba tayo pwede maglakbay one day sa ibang planeta Kiko?” biglang tanong ni Michelle. Natahimik yung apat at pinagmasdan si Kiko, niyuko ng binata ang ulo niya sabay huminga ng malalim. “Can your wings take us that far or mapapagod ka along the way forcing you to drop me?” bigkas ng binata. Sinara ng dalaga ang stryofoam at niyuko din ang ulo niya. Nagkatinginan yung apat, magsasalita sana si Ben pero pinatahimik siya ni Ica.

“May wings ka din naman ah, may mga lalakeng anghel din you know” bigkas ni Michelle at napakapit sina Lyne, Layla at Ica kay Ben na kinikilig. “What the ef is happening?” tanong ni Ben at napalakas boses niya kaya napatingin sa malayo si Kiko saglit. Humarap muli siya kay Michelle at tinuro yung Styrofoam. “Michi ubusin mo yang sandwich” sabi niya.

Nakita nung ibang girls na parang nadismaya si Michelle habang kinakain ulit ang sandwich. Pinagkukurot tuloy nila si Ben, “You and your big mouth” bulong ni Ica. “What? What did I do?” tanong niya. “Tse, bwisit ka” sabi ni Layla at lumayo yung tatlong dalaga sa kanya.

Nainis si Ben at tinitigan ang bestfriend niya, “Hoy Kiko, bakit ka bumalik dito?” pasiga niyang sinabi kaya yung tatlong babae agad napatingin sa binata. Tinignan ni Kiko ang bestfriend niya saglit sabay humarap kay Michelle. Nakita niya na nakayuko ang ulo ng dalaga habang kumakain, “Because of you” sagot ng binata.

Biglang napatili at kinilig yung tatlong girls, agad sila bumalik sa tabi ni Ben at kumapit sa kanya. Napatingin tuloy si Michelle sa apat at nagtataka, kinikilig parin sila at si Lyne pasimpleng tinuro si Kiko. Napatingin ang dalaga sa katabi niya at nakita niya si Kiko na tinitignan siya. “Bakit?” tanong ng dalaga. “I just wanted to make sure uubusin mo yung sandwich” sagot ni Kiko sabay kinuha yung maliit na pirasong natira sabay sinubo sa bibig ng dalaga.

Kinain naman ni Michelle ang natirang piraso, magkaharap parin sila nung binata at nagngingitian. Sobrang kinikilig yung apat para sa dalawa, “May kamukha kang sikat sa suot mong red dress” bigkas ni Kiko kaya muling natahimik yung apat. “Talaga? Sino?” tanong ni Michelle. “Yung demonyo” banat ng binata at agad napasimangot yung dalaga. Pati yung apat nadismaya at gustong pagbabatukan si Kiko dahil sinira niya bigla ang mood.

Nabiyak yung Styrofoam dahil doon nabaling ni Michelle ang galit niya. “Ang bastos mo talaga Kiko. She looks so pretty nga today e” sabi ni Layla. “Araw araw naman maganda yan e kahit ano suot niya” sabi ni Kiko na sumandal paatras sabay tumingala sa langit. Tumiklop si Michelle at nanginig sa kilig, pati yung ibang girls kinilig at nagrereklamo na si Ben sa mga kurot nila.

Napansin ni Layla ang oras, agad siya tumayo at kinuha bag niya. “Sis tara na malapit na time” sabi niya. Nag ayos narin si Michelle, tinignan niya si Kiko na nakatingala parin sa langit. “Mauna na kami Kiko” sabi niya. “Sige ingat” sagot lang ng binata. Umalis na yung dalawa, agad tumabi si Ben sa bestfriend niya. “Di na ako magtatanong” sabi niya. “Good” sagot naman ni Kiko.

“Nice save back there Kiko” sabi ni Ica. “Totoo naman sinabi ko kasi diba?” tanong ni Kiko. “Kaya nga nice save pero nabastos mo parin siya nung sinabi mo kamukha niya yung demonyo” paliwanag ng dalaga. “BWahahahahahaha slow kasi kayo lahat e” sabi ng binata.

“Slow? Kahit sino naman babae pag sinabi mo kamukha demonyo maiinsulto no” pagalit na sinabi ni Lyne. “Hay naku, think deep kasi. Ano ba ang ginagawa ng demonyo? Di ba parang siyang konsensya na nag uudyok sa iyo na gumawa ng kasalanan? Kunwari may nakita kang cellphone na maganda na nasa lamesa lang. Parang maririnig mo yung demonyo sa utak mo sinasabi na…sige na kunin mo na…wala naman nakatingin e bwahahahahahaha” paliwanag ng binata.

“So whats your point?” tanong ni Ica. “Well she is like the devil, the longer I look at her parang may nagsasabi sa utak ko na….sige na mainlove ka na sa kanya…ang ganda niya…ang bait niya…sige na” sabi ni Kiko sabay tumawa siya na parang demonyo.

Napangiti nalang si Ica at Lyne, si Ben masakit ang ulo niya pagkat parang bumaliktad bigla ang mundo ng kaibigan niya.