sk6

Monday, June 28, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 16: Step YO

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 16: Step YO

Dalawang lingo ang lumipas at nakatambay sina Ben, Kiko at Jessica sa garden. “Bakit kaya wala sina Michelle at Layla?” tanong ni Kiko. “You should be able to answer that” sagot ni Ica. “Ako? Bakit naman ako? Am I her baby sitter?” banat ng binata. “Hay naku Kiko akala ko ba psychology student ka? You should be more observant unless manhid ka talaga” sagot ng dalaga.

“O ano nanaman meaning niyan?” tanong ni Kiko. “Pare what day is it today? Wednesday at mula nung Lunes hindi na pumupunta dito si Michelle. Pati sa lunch din a natin sila nakakasama” sabi ni Ben. “E di good” sagot ng bestfriend niya. “Good? Tapos hinahanap hanap mo siya?” tanong ni Ica. “Hindi siya, sila. Oo nga pati si Lyne wala din ha” sabi ni Kiko.

“Kasi insensitive ka!” sigaw ni Ica. Tinignan siya ni Kiko at biglang tumayo. “O ano nanaman kasi ang nagawa ko?” tanong niya. “First week of classes napaka close niyo, most often you were sweet to her. Were you just leading her on? Tapos last week bigla mo siya ibabagsak? Last week you were a bit harsh e. Parang di siya nag eexist o di mo siya kilala” paliwanag ni Ica.

Napabuntong hininga si Kiko at naglalakad lakad sa hardin. “Parang di niyo naman kasi alam tong pinagdadaanan ko e” drama niya. “Alam namin pare pero ikaw mismo ang kumokontra sa sarili mo e. Sasabihin mo avoid and escape tapos bibiglahin mo kami na super close at sweet kayo. That’s what I have been trying to tell you e but you as usual never listen to me” sabi ni Ben at napatingin yung dalawa sa kaniya. “Bwisit kayong dalawa ha. Marunong din naman ako mag English no! Pag makatingin kayo parang may milagro nang nangyari e” hirit niya sabay simangot.

Natawa si Kiko at Ica pero ayaw magpatalo ni Ben. “Hoy wag mo iwawala sa tawa tong usapan pare” sabi niya. “Hay naku, yeah I admit I don’t know what I was doing the first week. Tapos that weekend kasi niyaya ako ni Frances may DVD marathon. Panay drama ba naman ang kinuha and there were lots of instances of heart break!” sabi ni Kiko.

“Habang nanonood doon sa part ng mushy mushy stuff wow naiimagine ko ganon kami pero nung hiwalayan na naku po so much pain. Do you understand? Pain! Ramdam na ramdam ko nanaman yung pain kaya nagbago nanaman mental state ko. Natakot nanaman ako sa kanya kaya dumistansya nanaman ako” hirit niya.

“Pero Kiko if I were her, masasaktan din ako” sabi ni Ica. “Kasi one moment pinapakilig mo ako tapos the next tinutulak mo ako palayo. Kaya now you know why wala siya lately. Its either nagtatampo yun or wala ka na sa buhay niya” dagdag ng dalaga. Tulala si Kiko at di gumagalaw, agad siya tumalikod at namulot ng maliliit na bato. Nilinya niya yung mga bato sabay tumayo sa gitna.

“Left side I like her, right side i don’t. Step yes, step no” sabi niya. “Tama yan, dapat mamili ka ng isa. Di pwede na yes today tapos bukas no. Choose one Kiko” sabi ni Jessica. “Paano siya mamimili labs? Kung sa yes masasaktan siya din lang” sabi ni Ben. “Korek ka diyan pare! That’s why I love you e” sabi ni Kiko.

“Bad trip kasi yang ability mo e, alam mo pag wala yan di ka naman magkakaroon ng two choices e. E since nakita mo na masasaktan ka its still your choice. Take note Kiko sa buhay madami talaga mananakit sa akin, pero its up to you kung sino yung mananakit sa iyo na worth it” payo ni Ica.

Tinitigan ni Kiko ang nakalinyang bato, inangat niya left foot niya sabay itatapak na sana sa kaliwa, “I like her, yes I do like her. So step yes” sabi niya. “Pero sasaktan ka niya” banat ni Ben at nakurot siya ni Ica. Di tuloy naitapak ni Kiko ang paa niya at napangiti, “Tama ka pare” sabi niya kaya dahan dahan niya nilipat ang paa niya sa kanan. “But you like her, she might be worth the pain” banat naman ni Ica.

Nanginig ang paa ni Kiko at di nanaman niya naitapak ang paa niya. “Hoy bwisit kayong dalawa akala niyo madali mag balance sa iisang paa?” sabi niya at nagtawanan yung magsyota. Muling tinitigan ni Kiko ang mga bato sabay napaisip ng maigi. “Tama ka Ica, I have to choose one at kailangan ko panindigan choice ko. So I choose….” Sabi ni Kiko at mariing siyang pinanood nung dalawa.

Inangat ni Kiko ang kaliwang paa niya at tinapat sa left side, itatapak na sana niya talaga at napanganga yung dalawa. “Ahahahay step yes? Pain pain pain” bigkas niya kaya nilipat niya paa niya sa kabila, “Step no ahahahay…pero like ko siya tito Ben” banat niya. “Bakit ba ang hirap?!!!” sigaw niya at nagtawanan yung dalawa.

“Step YO!” sigaw ni Kiko sabay tinapak ang paa niya sa mga bato mismo sabay tumawa siya. “Be man enough and choose one pare” sabi ni Ben. “Oo nga, di pwede yang gitna kasi you have to think of her feelings too” dagdag ni Ica. Huminga ng malalim si Kiko at tinaas ang paa niya, “Ayaw ko makasakit” sabi niya at malakas niyang tinapak ang kanyang paa. Nagulat yung dalawa at agad siya tinignan. “Pare sure ka na diyan?” tanong ni Ben. “It is what it is” sabi ni Kiko sabay diniin pa ang pagtapak niya.

Dalawang oras ang lumipas, lumabas ng classroom sina Layla at Michelle. Wala na silang klase ng umaga pagkat nagkaroong emergency meeting ang mga propesor nila. Pansin ni Layla ang lungkot sa mukha ng kaibigan niya pero natatakot siya magsalita. “Ano punta tayo sa mall?” tanong nalang niya. “No sis, tara nalang doon sa covered courts, tambay tayo saglit” sabi ni Michelle. “Ayaw mo sa garden?” tanong ni Layla at napabuntong hininga ang kaibigan niya.

Nakarating sila sa bleachers ng outdoor court, may grupo ng mga lalake na nagklaklase ng PE doon. “Sis, sorry ha” sabi ni Layla. “Its okay. I just thought we had something going pero wala pala” sagot ni Michelle. “So ayaw mo na talaga sa kanya?” tanong ni Layla at tahimik lang yung kaibigan niya.

“Di na, kasi even if I like him I know my limits too. Ayaw ko naman na ipilit sarili ko. That would not look right. Sayang lang talaga at akala ko meron pero siguro I was just thinking too positive” paliwanag ni Michelle. “Pasensya ka na talaga sis ha. Matanong ko lang ano ba kasi ang nakita mo kay Kiko that made you like him?” tanong ni Layla.

Napaisip si Michelle at huminga ng malalim, “Don’t tell me porke magaling siya magpatawa” hirit ng kaibigan niya. “Not really that, basta di ko kaya explain e. Kakaiba siya!” sagot ng dalaga sabay nagtakip ng bibig niya at biglang tumawa. Nagtaka si Layla pagkat naghahabol nanaman ng hangin ang kaibigan niya, halos mapahiga na siya sa bleachers at tuloy ang halakhak. “Sis ano tinatawanan mo?” tanong ni Layla.

Tinuro ni Michelle yung grupo ng mga lalake sa court, pagtingin ni Layla ay pati siya napahalakhak na. Di lang sila ang tumatawa, halos lahat ng tao sa bleachers ay sumabog sa pagtawa dahil sa isang binata na kakaiba sa grupo sa court.

“Oh my God si Kiko yan!” sigaw ni Layla. “Kakaiba siya sis” sagot ni Michelle sabay halakhak ng todo. Sa gitna ng court may trentang mga lalakeng nakasuot ng white shirt at blue shorts pero isa sa kanila ang katangi tangi. Si Kiko ang tanging may suot ng maiksing shorts, body hug na shirt at dilaw na sweat band sa ulo. Lahat sila nagsasagawa ng stretching exercises pero yung binata nagpapatawa sa mga mahinhin na mga galaw niya.

Pinatakbo sila ng guro nila sa palibot ng court, si Ben napapakamot nalang sa gimik ng kaibigan niya. Tuwang tuwang ang lahat ng nanonood pagkat nasa likuran si Kiko pero bumibilis ang takbo niya. Ang bangis ng mukha niya at inoovertake ang mga kaklase, ilang saglit lang siya na ang nasa unahan at iniwan na ang buong grupo. Nang makalayo siya konti ay lumingon, “Habulin niyo akooooooooo” malandi niyang sinigaw sabay nag hop skip run na mala ballerina.

Halos mamatay na sa tawa ang lahat ng nasa bleachers, pati mga kaklase niya di na makatakbo dahil sa pagtawa. Tuwing madadaanan ni Kiko ang guro niya ay bumabalik sa katinuan ang takbo niya pero paglampas umaariba nanaman ng kalandian. Imbes na magalit ang guro at napapakamot nalang at nakikitawa.

Nagpupunas na ng luha si Michelle at humahagolgol sa pagtawa. Pinapakalma siya ni Layla pero isa din siyang di makapagpigil sa pagtawa. Saka nalang kumalma ang lahat nung naupo ang mga estudyante sa gitna ng court at nakinig sa lecture ng guro nila. “Sis kaya mo gusto dito tayo kasi alam mo dito klase niya ano?” tanong ni Layla at napangiti si Michelle.

“Akala ko ba ayaw mo na?” hirit ni Layla. “Oo ayaw ko na kanina, pero gusto ko siya ulit” sabi ni Michelle at napatawa silang dalawa. “Ang gulo ng isipan mo sis. Di ka ba turn off sa pinag gagawa niya?” tanong ni Layla. “Actually hindi e. It makes me think why does he do those things? To be honest pinapahiya mo sarili mo diba? But its just as if he does not care na mapahiya siya basta makapagpatawa”

“What really caught my attention was, he goes out of his way to stand up for you kahit di ka kilala. He has a hero complex, ganon ko siya nakilala” sabi ni Michelle at nagtataka si Layla. “Ano pinagsasabi mong hero complex? Yung pagbawi niya sa bag mo dun sa bata? My goodness bata yon, kahit siguro ako kung di naunahan ng takbo mapipigilan ko yon” sabi niya at natawa yung dalaga.

“Nung bata ako favorite ko mga fairy tale na may prince na dadating para isave yung princess. Ganon nagawa niya sa akin noon” bigkas ni Michelle habang nakatitig siya kay Kiko. Niyuga ni Layla ang kaibigan niya, “Hoy ano ba pinagsasabi mo?” tanong niya. “Ah wala I was just practicing a line from the play I was writing” sagot ni Michelle sabay ngiti. “Ah, sus akala ko naman kung ano na. Pero in fairness sis you are a good actress” sabi niya.

“Anyway sis tara nalang sa mall” sabi ni Layla. “Antayin nalang natin sila, last class naman na nila to e” sabi ni Michelle. “Akala ko ba ayaw mo na siya makasama?” tanong ng kaibigan niya. “The correct term is ayaw ko na mag expect pero gustong gusto ko siya makasama” sagot ng dalaga. “Lokaret, the more mo makasama the more magkagusto ka tapos sasabihin mo ayaw mo mag expect?” tanong ni Layla.

“Sis ginugulo mo naman isipan ko e. I like Kiko, if he does not like me then tanggap ko yon. Basta gusto ko parin siya makasama kahit na ayaw niya sa akin” sabi ni Michelle at nasampal ni Layla ang noo niya. “Hay naku naghahanap ka lang ng ikakasakit ng ulo mo” sabi niya. “I know sis you don’t have to remind me, I can take the easy way out and avoid him or I can stay with him. Malay mo diba?” sagot ng dalaga. “Wow tapos sasabihin mo di ka nag eexpect ha, kinontra mo lang sarili mo sis” sabi ni Layla at bigla sila nagtawanan. “Ah basta, ang tagal tagal ko siya inantay tapos susuko nalang ako ng ganon? No way” sagot ni Michelle. “Ano?” tanong ng kaibigan niya at napahalakhak yung dalaga. “Ah wala basta mag oo ka nalang”

Ilang minuto lumipas dumating sina Jessica at Lyne, saktong tapos na ang klase ng mga boys. Nakita nila sina Michelle at Layla at di siya makapaniwala nandon sila. Sabay nila inantay yung dalawang binata at pagkatapos noon dumiretso sila sa mall.

Wala pang alas dose kaya naglibot libot muna sila. Napadaan sila sa may cinema at masaya si Ben na tinuro yung isang poster. “Ay pinanood namin ni Ica ito nung sabado. Sobrang nakakatawa” sabi niya. Tinitigan ni Kiko yung poster at biglang tumawa na parang demonyo. “Papanoorin namin yan sa sabado!” bigkas niya. Parang may kumirot sa puso ni Michelle, agad siya napasimangot at napansin ni Layla yon.

“Kasama mo family mo?” tanong niya sa binata. “Of course not, ive got a date on Saturday” pasikat ni Kiko. Nagulat sina Ben at Ica, si Layla at Lyne agad tinabihan si Michelle. “Okay lang ako” bulong niya at napatingin nalang kay Kiko na nauna nang naglakad. “Sure ka sis?” tanong ni Layla. “Yeah, kaya naman pala cold siya last week. Its okay” sagot ng dalaga.

Naging malungkot si Michelle habang naglilibot sila, hanggang sa pagpasok sa kakainan nilang resto ay napansin ng lahat na may dinadamdam siya. Katabi niyang naupo si Lyne pero agad nagreklamo si Kiko. “Lyne naman follow the seating arrangements” sabi ng binata. “Anong seating arrangement?” tanong ng dalaga. “Aysus inupuan mo yung seat ko e” sabi ni Kiko. “Duh! Bakit may pangalan ka ba dito?” sumbat ni Lyne.

“Meron!” sabi ni Kiko. “Ows talaga? Nasan?” sagot ni Lyne at napansin ng iba na prinoprotektahan niya ang kaibigan niya. “Pano mo makikita e inupuan mo na” sabi ng binata. Agad tumayo si Lyne at napangisi si Kiko, agad naglabas ng pentel pen at mabilis na sinula ang pangalan niya sa upuan. “O ayan malinaw ang laki pa. K-I-K-O. That’s my name and that’s my seat” banat niya sabay tumawa ng malakas.

Natawa ang iba, si Lyne nainis pero lahat napatingin kay Michelle. Nakasimangot ang dalaga pero napapangati, alam nila nagpipigil lang siya. Naupo na ang lahat at di mapakali si Lyne, “Sana mamatay na lahat ng two timers” sabi niya bigla. Tinignan ni Michelle ng masama ang kaibigan niya at sinensyasan na tumigil. “As in now na sila mamatay?” tanong ni Kiko. “OO as in now na talaga” sumbat ni Lyne.

Napangisi si Kiko sabay tinignan si Ben. “Bakit ang tagal?” tanong niya na parang bata. “O bakit ka nakatingin sa akin, di naman ako two timer?” tanong ng bestfriend niya. “Oh yes you are” landi ni Kiko at nanlaki tuloy ang mga mata ni Ica. “Siraulo ka talaga Kiko, tignan mo naniwala tuloy si Ica. Labs hindi totoo yang sinasabi niya” paliwanag ni Ben.

“O thirty seconds na buhay ka pa?” hirit ni Kiko. “Pare wag ka naman ganyan. Alam mo naman si Ica lang sa buhay ko e. Wag ka gagawa ng bad issue na ganyan” sabi ni Ben. “Ganyan ka naman e, dinedeny mo nanaman ako. Sige na kunwari di tayo, handa na ako magparaya Ben” drama ni Kiko at biglang sumabog sa katatawa si Michelle. Pinagpapalo niya braso ni Kiko at tawa ng tawa yung binata.

“Ayan, naka smile ka na ulit. Di mo bagay ang nakasimangot e” sabi ni Kiko. Tahimik lang si Michelle, napatingin sa mga girls at muli siyang nagsimangot. “Alam mo sis mag girls day out tayo sa Saturday tapos manood din tayo ng movie” sabi ni Lyne sabay inirapan si Kiko. “E napanood ko na yun e” sabi ni Ica. “E di manood tayo ng iba, tapos pag tapos na sunduin ka ni Ben tapos panoorin namin yon” sagot ni Layla.

“Sige kayo nalang, ayaw ko lumabas sa Sabado” sabi ni Michelle. Damang dama talaga ng mga girls ang kalungkutan, agad tumayo si Lyne at tinignan ang bestfriend niya. “Sis tara tayo nalang mag order” sabi niya. Agad sumama yung dalaga at yung ibang girls habang naiwan yung dalawang binata. “Ano nangyari don? Bakit parang ang lungkot niya?” tanong ni Ben. Tahimik lang si Kiko at biglang di mapakali, napansin ng bestfriend niya ito kaya agad umalalay. “Pare ano problema?” tanong niya. “Pare di ako makahinga” sabi ni Kiko.

“Hoy ano nangyayari sa iyo?” tanong ni Ben sabay lumapit. Tumayo si Kiko at nagsisitalon, huminga siya ng malalim ilang beses at kinabog ang dibdib niya. “Kiko bakit?” tanong ng bestfriend niya at naupo ang binata at nag inhale ng malalim. “Step no or step yes?” tanong niya. “My God naman Kiko nagdesisyon ka na kanina e. Nag step no ka na” sabi ni Ben. “I know pare pero tsk aaarrrggggh pare di ko alam e. Para akong napupunit” sabi ni Kiko. “Alam mo pare magpakalalake ka nga. Be man enough to stick with your decision. Wag kang fickle minded. Tandaan mo sinabi ni Ica, you too should consider her feelings” payo ng kaibigan niya.

“Ben come closer and hold me, I feel so lost pare” drama ni Kiko at hinampas siya ng bestfriend niya. “Nagsisimula ka nanaman ha, baka mamaya babanatan mo nanaman ako ng head bump” sabi ni Ben at natawa yung binata. “Benditaaa naguguluhan talaga isip ko e. Hingi ka nga ng payo kay wowaaaaa” hirit ni Kiko. “Get away from me you freak!” banat ni Ben. “Uy nanonood din siya” tukso ng kaibigan niya. “Excuse me napapadaan lang ako don pag nagchachannel surf ako no” sagot ni Ben. “Oo nga pala ano name nung bulag don?” tanong ni Kiko. “Ronnie” sagot ng bestfriend niya. “Bwahahahahaha napapadaan ha. Buking ka na pare” sabi ni Kiko sabay tumawa na parang demonyo.

Nakabalik na yung girls at nagsimula na sila kumain. Habang binubuksan ni Kiko ang burger niya ay napatingin siya kay Lyne at inirapan siya ulit ng dalaga. Sunod niya tinignan si Michelle, malayo ang tingin ng dalaga kaya huminga siya ng malalim. “Michi, you should reconsider” biglang sabi niya at lahat napatingin sa kanya.

“Reconsider what?” tanong ni Michelle. “About going out on Saturday” sagot ni Kiko. “Bakit ko naman gagawin yon?” tanong ng dalaga sabay kagat sa burger niya. Natuwa yung ibang girls sa inasta ni Michelle na parang cold sa binata, si Lyne gusto pa niya dilatan si Kiko pero nagpigil. “Kasi pag di ka lalabas wala na ako kasama manonood ng sine. May kalungkutan ata manood ng sine na mag isa” sabi ni Kiko sabay niyuko ang ulo niya at kumagat sa burger niya.

Nagulat ang lahat at napangiti, si Michelle nabulunan konti pero nagawang makalunok. Tumingin siya sa malayo sabay pinikit ang mga mata at kinilig. Pulang pula ang mukha niya at huminga ng malalim, lahat ng girls nakatingin sa kanya na nakangiti kaya muli siyang tumingin sa malayo at muling kinilig. Ilang segundo pa bago niya napakalma sarili niya, naglakas loob na siya humarap sa binata pero muli siyang tumingin sa malayo.

Ang ibang girls sabay sabay nanlaki ang mga mata at tinignan si Michelle at inaantay ang sagot niya. Kinurot ng dalaga ang sarili niya sabay tinignan si Kiko na saktong nakatingin narin pala sa kanya. “Ah are you…asking me out on a date?” tanong ng dalaga. “No, I was just saying that if you don’t go out then I would watch the movie alone” sagot ng binata at biglang natawa si Michelle.

“Sige lalabas nalang ako para samahan ka manood” sabi ng dalaga. “Pick you up tomorrow at ten?” tanong ni Kiko. “Okay” sagot ng dalaga at nagngitian silang dalawa. Kinikilig yung ibang kaibigan nila pero biglang natauhan si Lyne. “Excuse me Thursday palang bukas” sabi niya. Parang napahiya tuloy yung dalawa at nagtawanan yung iba. Hiniga ni Kiko ang ulo niya sa lamesa at nagtulog tulugan. Ilang segundo naupo ulit siya ng tuwid at nginitian ang lahat.

“Good morning, Thursday na” sabi niya at inulit niya ginawa niya. “Friday naaaaa” landi niya at napahalakhak si Michelle at nahampas siya. Hiniga ni Ben bigla ang ulo niya sa lamesa at ginaya si Kiko. Pagkaupo niya ng tuwid, “Good morning sabado na!” game na game niyang sinabi.

Nakatingin lang sina Kiko at Michelle sa kanya, seryoso ang titig nila at di tumatawa tulad ng iba. “Ayos barado nanaman ako. Sabi sa inyo nakakatakot pag dalawa na ang Kiko” pahabol niya. Balik kain ang grupo, lahat pinagmamasdan yung dalawa at bawat galaw nila. Si Michelle mabagal na kumakain at bawat nguya may halong ngiti at halatang excited siya. Si Kiko naman cool na cool lang at kinikilabutan si Ben pagkat may kakaibang kinang sa mga mata ng binata. Tuwing ganito ang kaibigan niya may plinaplano itong kakaiba.

Tama ang hinala niya, humarap si Kiko kay Michelle sabay biglang kumanta. “I love you…” bigkas niya. Nanigas ng todo si Michelle at nanginig samantala yung iba napanganga at nabigla. “…Sabado pati narin linggo….i love you sabado pati narin linggo…panlasang Pilipino at home sa Joweebee” kanta niya sa lumang theme song ng fast food resto na pinagkakainan nila.

“Sarap talaga kumain dito sa Joweebee no?” banat niya sabay humarap ng diretso at kumagat sa kanyang burger na nakangiti. Napahawak si Michelle sa kanyang dibdib, ang pula pula na ng mukha niya at pinapaypayan ang sarili. Iniwasan niya tignan ang ibang kaibigan niya pagkat lalo lang siya matatawa kaya humarap siya ng diretso, kumagat sa burger niya at napangiti narin.

Tuloy ang pag hum ni Kiko ng theme song, sumabay na si Michelle kaya napatingin yung binata sa dalaga. Nagngitian silang dalawa saglit tapos sabay nila tinuloy ang pag hum. Pumasok nanaman sila sa sariling mundo nila, sabay ang kumpas ng ulo at mga katawan tila gumagalaw sa parehong direksyon.

Parehong di maantay ang Sabado.


(Hala sige copy paste pa......pag ako natuwa....hihihihihihi mambibitin talaga ako. Burahin niyo na yan or else...kayo din. I will really file a complaint to take down that site. Pakiusap din sa mga nag rerepost ng mga quotes, give credit where credit is due, wag kayo mafeeling na kayo ang gumawa, dagdag pa kayo e)