Sa isang
liblib na lugar ng Zambales may isang kotseng tumirik. “I told you this would
happen. Ayaw mo kasi maniwala sa akin e” sabi ni Kiko at pinagdadabog ni Jayps
ang manubela. “Minor setback lang ito, lahat ng problema may solusyon. Ben,
labas ka at icheck mo yung makina” utos niya.
“Ano
ka sira? Ang dilim dilim at ano naman alam ko sa makina? Nakakain ba yan?”
banat ni Ben at nagtawanan sila ni Kiko. “Di talaga kayo maasahan, ako na nga”
sabi ng siga. “Oh looks si Corazon ata yon o” biro ni Kiko at di na tuloy
lumabas ng sasakayan si Jayps. Lalo nagtawanan yung mag bestfriend, “Ang siga
ay scared?” landi ni Ben.
“Hindi
ako takot, may nakalimutan lang ako” sabi ni Jayps. “At ano naman daw
nakalimutan mo aber?” hirit ni Kiko. “Kayong dalawa” sigaw ng siga at
kinaladkad niya palabas ng kotse yung mag bestfriend. Takot na takot yung
tatlo, nanginginig sila sa takot at dikit na dikit sila na nagtungo sa harapan
ng kotse.
Pagbukas
nung hood, ang lakas ng amoy ng sunog. “Ayos, electronics and sira. Wala na
tayo magagawa” sabi ni Jayps. “Akala ko ba matalino ka? Ayusin mo” sabi ni Ben.
‘Bakit may tools ba akong dala? Sino ba kasi nagsabi short cut ito?” sagot ni
Jayps at ngumisi nalang si Kiko.
Walang
kumibo, napakamot ang siga at lumingon sa paligid. Wala man lang bahay na
malapit, walang nakasinding ilaw at tanging sinag ng buwan lang ang
nagpapaliwanag sa paligid. “Siguro naman pag naglakad tayo may makikita tayong
bahay, pwede tayo makahingi ng tulong” sabi ni Jayps.
“Kala
ko matalino to, hello may Cellphone tayo” sabi ni Ben at paglabas niya ng phone
niya wala siyang signal. “Kanina pa ako nagcheck, o sige nga tawag ka nga”
landi ng siga at nagbungisngis si Kiko. “Mga duwag tara na, lakarin na natin
to. Balikan nalang natin tong kotse mamaya” sabi niya.
Naglakad
yung tatlo, takot na takot sila kaya todo kapit sina Ben at Kiko sa siga. “Hoy
siga itong pagkapit namin sa iyo para sa ibubuti mo. Alam namin takot ka kaya
pinapanatag lang namin loob mo” banat ni Ben at natawa nalang yung siga. “At yung
likot ng kamay ni Ben sa dibdib mo normal lang yan”
“Wag
mo lalagyan ng malisya ha” sabi ni Kiko at lalong nagtawanan yung tatlo.
Nakarating sila sobrang madilim na lugar, napatigil yung tatlo at lalong
kinilabutan. “Oy siga what happened?” tanong ni Kiko. “Oh my goodness someone
turned off the moon” landi ni Jayps at kahit takot sila nakayanan pa nila
magtawanan.
Wala
talaga sila makita nang may isang bolang liwanag ang nahulog mula sa langit.
Bumagsak ang liwanag sa harapan nila, lalong napakapit sina Kiko at Ben kay
Jayps at nagsimula sila maglakad paatras. “Sa tingin mo sinira na ni Megatron
yung moon?” tanong ni Kiko.
“Oh
my goodness, eto nalang yung natira sa moon?” biro ni Ben. May isa nanaman
bolang liwanag ang nalaglag, at isa pa hanggang may nabuong maliwanag na daan. “What
the hell is happening?” tanong ni Jayps at tuloy tuloy ang bagsak ng mga bolang
liwanag kaya sinundan nung tatlo ito.
“Pag
sumabog ang moon hindi naman ganito e. There is something mahiwaga going on”
sabi ni Jayps. “Tara sundan natin, malay niyo may pot of gold sa hulihan” sabi
ni Kiko. “Gamitin mo kaya powers mo? Ano nakikita mo?” tanong ni Ben. “Wala nga
e, as in wala. Di ko alam bakit. Dapat pag hinawakan ko mga kamay niyo e
makikita ko ano mangyayari pero wala ako makita”
“Last
na nakita ko tumirik kotse natin” sabi ni Kiko.
Samantala
sa isang bukid sa malayo nakahiga sa lupa ang isang binata at dalaga. “Alam mo
parang nahihiya na ako sumali sa competition this coming year” sabi ng dalaga. “Bakit
naman?” tanong nung binata. “Kasi everyone already knows we are strong” landi
ng dalaga at nagtawanan yung dalawa. “I think its good for our school, isipin
mo may two choices din naman sila e. Give up or level up and compete. Pero tama
ka, parang ayaw ko narin e. Baka sabihin nila mayabang tayo” sabi ng binata.
“Mas
excited pa ako dun sa inter school competition natin” sabi ni dalaga. “Oo nga
e, grabe malalakas din kaya yung ibang students from other schools? Sabi nila
matagal na daw hindi nagkaroon ng inter school competition” sabi ng binata.
“Uy
wag mo pagsasabi ha, pero narinig ko kay lola na yung top two winners ng school
natin yung ipapadala sa Norte kasi doon daw gaganapin yung competition. Ano sa
tingin mo?” tanong ng dalaga. “Gusto mo ba manalo?” tanong ng binata. “Hmmm oo
e..kasi mga daddy natin never won. Well natigil kasi noon yung inter school, so
gusto ko may lamang tayo sa kanila” pacute ng dalaga.
“Then
we shall compete” sabi ng binata at tinuro niya daliri niya sa langit at
nagpakawala siya ng light ball. Naaliw ang dalaga, tuloy tuloy ang pagpapalabas
ng binata ng mga light balls mula sa kanyang daliri.
“Uy
tama na, baka bumagsak yan sa ibang lugar at magtataka yung mga tao” sabi ng
dalaga. “Sus, isipin nila meteorite at hello mahina lang naman ako di naman to
aabot ng malayo no” sabi ng binata.
Napaupo
yung dalaga, “Mauna na ako, antok na ako. Dito ka pa?” tanong niya. “Sige mauna
ka na. Papahangin pa ako” sabi ng binata. Nung mag isa nalang yung binata ay
tinuloy parin niya yung pagpapalabas ng bolang liwanag. May kakaibang ihip ng
haning siyang naramdaman. Napaupo siya at dahan dahan napatayo.
“I
can feel you…sino ka?” bigkas niya at lumingon siya sa paligid pero wala naman
siyang nakikitang ibang nilalang doon. May naririnig siyang bulong, naintriga
ang binata kaya sinundan niya yung boses. Tumakbo ang binata at sinusundan yung
direksyon ng bulong.
Samantala
sa baybayin ng Zambales napagpad yung tatlo. “Anak ng baka! Bakit kasi natin
sinundan yung ilaw? Lumayo na tayo o. Ano naman daw gagawin natin dito sa
beach?” tanong ni Ben. “Dude, look there are boats” sabi ni Jayps.
“And
looks there is something over there far away. Its lights, it must be a house”
sabi ni Kiko. Napasigaw si Ben pagkat may isang binata ang natutulog sa isang
bangka. Lumapit yung tatlo, “Is he dead?” tanong ni Kiko at pinakiramdaman ng
siga ang pulso nung nakahiga sa bangka.
“Oh
no! His heart beat is weak! We have to rush him to the hospital” sigaw niya. “Hospital?
Saan naman tayo hahanap non dito?” tanong ni Ben. “Follow the light” sabi ni
Kiko sabay tumawa. “Yes, you sleeping boy follow the light, go to heaven” biro
ni Jayps at nagtawanan yung dalawa.
“Wag
naman kayo ganyan, pag tayo nasa kalagayan niya gusto niyo din ba na hahayaan tayo
ng makakahanap sa atin?” drama ni Ben. “Fine, lets take the other boat. Itali
yang boat niya sa boat natin tapos we follow the light” sabi ni Jayps. “Yes, we
shall take him to the light” landi ni Kiko at tuloy ang bungisngisan nung
dalawa.
Sumagwan
sina Kiko at Ben habang si Jayps naupo sa harapan at tinatambol ang isang basyo
ng tubig na walang laman. Tawanan yung tatlo, nagmistulang Dragon Boat nanaman
sila tulad ng ginawa nila Baguio.
Palapit
sila ng palapit sa liwanag, “Faster! We are almost there!” sigaw ng siga.
Pinaspasan nina Kiko at Ben ang magsagwan nang biglang nagsisigaw yung
nakasakay sa kabilang bangka. Nagtilian yung tatlo, “He is alive!” sigaw ni
Jayps.
“Anak
ng baka! Bakit ako nandito?” sigaw ng binata. “Dude akala namin mamatay ka na
e. Ang hina ng heart beat mo” sabi ni Jayps. “Ganon talaga kasi athlete ako no!”
sigaw ng binata. “Oooh athlete daw, sige pakawalan na bangka niya at palanguyin
pabalik. Athlete pala ha” banta ni Kiko.
“Hoy
teka lang! Nakatakot dito, lipat nalang ako diyan at sabay nalang tayo babalik.
Saan ba kasi niyo ako dadalhin sana?” tanong ng binata. “Sa hospital tanga, ano
gusto mo sementeryo?” biro ni Kiko. “Hospital? Sa gitna ng dagat?” tanong ng
binata.
“Oo
bakit? Alam mo naman may school of fishes, so natural may hospital of fishes”
banat ni Jayps at napahaplos sa noo ang binata. Pinagdikit nila yung mga bangka
nila at lumipat yung binata. “O yan sagwan, tumulong ka” sabi ni Ben. “E bakit
siya wala?” tanong ng binata sabay turo kay Jayps.
“May
reklamo ka?” tanong ng siga at agad naupo yung binata at nakisagwan na. “Teka
balik na tayo, bakit tayo dumidiretso sa ilaw?” tanong ng binata. “Di ka ba
curious kung ano ang ilaw na yon?” tanong ni Jayps at pinagmasdan ng binata
yung ilaw at napangiti siya. “Oo nga no, parang tinatawag tayo” bulong niya.
“Sige
tara sugod. Siya nga pala ako si Adolph” sabi ng binata. “Ako si Jayps” sabi
nung siga. “Ahem, my name is Kiko the great and this is my sidekick Bendita”
landi ni Kiko at nagtawanan yung apat. “Wag ka maniniwala dito, Ben lang pare”
sabi ni Ben. “Nice to meet you guys, grabe iniwan nila ako sa bangka? Anyway it
does not matter now” sabi ni Adolph.
“Dude
foreigner ka ba?” tanong ni Jayps. “Hindi, mahilig lang ako magbabad sa araw”
sagot ni Adolph. “Oo nga naman athlete e, so anong sport mo? Sunbathing?” landi
ni Kiko at naghalakhakan nanaman yung apat.
Isang
oras ang lumipas malapit na sila sa isang isla. May nakita silang lalakeng
nakaupo at umiilaw ang buong katawan niya. “Holy cow…am I dreaming?” tanong ni
Ben. “Co-captain lets drop the anchors!” sigaw ni Kiko at bigla nila tinulak si
Jayps at nalaglag ito sa tubig.
“Walanghiya
kayo!” sigaw ng siga. “E ikaw naman talaga yung pabigat dito e. Kami
pinagtratrabaho mo. Tama lang yan sa iyo” banat ni Adolph at tawanan yung
tatlo. “O since you are there, langoy na at ikaw mauna don. Check mo ano siya”
sabi ni Ben. Tumayo si Kiko, “Unleash the Cracken!!! Go Siga! Swim!” hiyaw
niya.
“Ah
ganon ha!” banta ni Jayps at inuga uga niya yung bangka hanggang sa tumaob ito.
Sigawan yung tatlo na parang babae. “Bendita…youre home! It’s the ocean!” sigaw
ni Kiko. “Oh yes im home!” sigaw ni Ben. “Its not the toilet anymore, where you
turned blue because of toilet duck” hirit ni Kiko at halos mamatay na yung apat
sa katatawa.
Lumangoy
sila papunta sa isla. Ayaw nila lapitan yung nagliliwanag na lalake. “Ano ba
yan? Sino siya at bakit siya umiilaw?” tanong ni Jayps. Lumapit sila dahan
dahan at lalong pinagmasdan yung nagliliwanag na binata.
“Bakit
parang ang bigat ng dibdib ko bigla?” tanong ni Adolph. “Uy baka in love ka sa
kanya?” landi ni Kiko. “Ako nga din e, pero parang iba e. May halong sikip sa
dibdib at ginhawa” sabi ni Jayps. “Kiko, hawakan mo nga para malaman mo ano
siya” udyok ni Ben at dahan dahan lumapit ang kaibigan niya.
Hahawakan
na sana ni Kiko kamay nung lalake nang may malakas na hanging ang umihip at may
isang lalake ang sumulpot. Nagsigawan yung apat na parang mga babae. Nagpanic
sila at nagpupulot ng bato at hinagis dun sa bagong sulpot.
Todo
iwas yung lalake, seryoso lang mukha niya at pinagmamsdan yung apat. Ngumisi si
Kiko, hinawakan niya yung mga kamay nung tatlong kasama siya sabay pumulot ng
bato at nasapol sa noo yung bagong sulpot. “Huh, you may be fast but you cannot
beat me, I know where you are going” pasikat niya.
Hinaplos
nung bagong sulpot ang noo niya, biglang namula ang mga mata niya at lumabas
ang kanyang pangil. “Edward?” bulong ni Adolph at nagsigawan yung tatlo nang
mabilis sumugod yung bampira. Maabutan na sana sila nang tumayo bigla yung
nagliliwanag na lalake at hinawakan ang kamay nung bampira.
Nagharap
yung dawalang nilalang, lalong namula yung mga mata ng bampira at namula narin
yung mga mata nung nagliliwanag na binata. “Oh my God, whats going on?” bulong
ni Adolph at umatras ng umatras yung apat pagkat nagpapakiramdaman ng lakas
yung dalawang nilalang. “Tumigil ka” sabi nung nagliliwanag na lalake. “Di kita
aatrasan demonyo” sigaw nung bampira.
“Bampira
at demonyo?” tanong ni Jayps sabay inayos shades niya. “Sa demonyo ako” sigaw
ni Kiko. “Sige dun ako sa bampira” sabi ni Ben at naupo yung dalawa at umakting
na naglalaro ng console game.
Nung
magbabakbakan na sana yung dalawa may narinig silang sigaw mula sa kalangitan. “Walanghiya
ka Dragoro! Bad boy!” sigaw nung binata at tuluyan ito nalaglag at nadaganan
yung demonyo at bampira.
Paspas
na tumayo yung bamira at demonyo para gulpihin yung bagong sulpot. Tinaas ni
Raffy dalawang kamay niya, “Illumina” sigaw niya at sumabog ang napakalakas na
liwanag mula sa kanyang mga kamay. Lahat sila nabulag maliban kay Jayps na
nakasuot ng shades. “Cool” bigkas niya.
Dahil
wala makita wasiwas ng wasiwas ng suntok ang lahat. Lumapit si Raffy kay Jayps,
“So you know me what I can do. Pinaghandaan mo ako” sabi niya. “Ha? Anong ibig
mo sabihin?” tanong ng siga pero nadagok siya ng suntok mula sa likod. Napadapa
siya paharap at natulak si Raffy.
Nagkarambolan
tuloy sa isla, tanging si Kiko ang hindi natatamaan pagkat kahit nakapikit
nakikita niya yung mga suntok kaya naiiwasan niya ito. “Tumigil kayo lahat”
sigaw ng isang boses at lahat sila biglang nanigas at hirap makahinga.
Bagsak
sila lahat sa lupa maliban sa demonyo, lalo niya hinigpitan yung pagsakal niya
sa mga lalake. “Tumigil kayo o tutuluyan ko kayo?” banta niya. “Pag makawala
lang ako dito demonyo ka tutuluyan kita” sabi ng bampira.
“Oo
na, sige na panalo ka na” sigaw ni Ben kaya pinakawalan sila lahat ng demonyo.
Ako ang nagpatawag sa inyo dito pero di ko alam bakit nasama tong mga normal na
tao” sabi nung demonyo. Tumayo si Raffy at yung bampira. “Minamaliit mo ba
kami?” sigaw ng siga at humarap sila ni Kiko at sumama na sina Ben at Adolph. “Stand
down” sigaw ng demonyo pero mapilit si Kiko na humarap sa kanya.
“Hindi
ka demonyong masama, mabait ka” landi ni Kiko. “Kiko you don’t know what youre
talking about” sabi ng demonyo. “Oh trust me I know Satrunino. Name mo yon
diba? I know what youre thinking” hirit ni Kiko.
“I
know that you know that I know” sabay ng demonyo. “I know that you know that I know
that you know” landi ni Kiko at napangiti bigla si Saturnino at doon nabasag
yung tension at nagtawanan na ang lahat.
“Ano
ba talaga nangyayari dito? Bakit mo kami pinatawag?” tanong ni Raffy. “Oo nga,
busy ako tumatanggap ng tawag e” sabi ng bampira. “Oh Paulito, sa call center
ka pala nagtratrabaho” sabi ni Saturnino. “E saan mo ako gusto magtrabaho? Sa night
club o gay bar? Dito sa masyado komplikado ang buhay, mas gusto ko pa sa dati
kong lugar” sabi ng bampira.
“E
di bumalik ka doon, sagot ko na plane ticket mo” biro ni Adolph. “Tumigil nga
kayo, nais ko lang tawagin sana sina Paulito at Raphael, pero diko alam pano
kayo napadpad dito pero din a importante yon. Mas importante yung gagawin natin
dito” sabi ni Saturnino.
“Dude,
island ito, lalake tayo lahat. Nandidiri ako magi sip” biro ni Kiko at
nagtawanan ang lahat. Pag sikat ng araw malaman niyo bakit ko kayo pinatawag”
sabi ng demonyo. Naupo ulit si Saturnino at nanahimik, yung iba nahiga habang
si Raffy nagpasabog ng liwanag patungo sa langit para lumiwanag ang paligid.
“Wow
so you have powers too…holy cow is that Big Bird?” tanong ni Adolph at may
nakita silang creature sa langit na nagpapaikot ikot sa isla. “Hindi, yan si
Dragoro, dragon siya” sabi ni Raffy. “Weh? Dragon?” tanong ni Kiko.
“Wag
makitid utak niyo, di lang tao ang umookupa sa lupa. May mga nilalang din tulad
niya” banat ni Saturnino sabay turo sa bampira. “Nagsalita ang demonyo” sagot
ni Paulito. “O ano? Tao naman ako ha, well technically tao. Dad ko demonyo at
nanay ko anghel, hybrid pero its complicated at ginawa nila akong tao but I have
their powers” kwento ni Saturnino.
“I don’t
know where I came from, sabi nila I came from the stars with my sister. Then I got
turned into a vampire” sabi ni Paulito. “Basta alam ko tao ako, may konting
powers nga lang” sabi ni Raffy. “Well ako sperm ako dati, nagmeet sila ng egg
cell ng nanay o at nine months later eto na ako” banat ni Adolph at nagtawanan
ulit sila.
“Nagugutom
ako, pwede ba Saturnino lutuin mo yang dragon? Tapos Paulito sipsipin mo dugo
niya, kami na bahala sa karne” landi ni Kiko at tinapat ni Raffy kamay niya sa
mata ng binata, “Illumina” bulong niya at nagsisigaw si Kiko pagkat nabulag
siya pansamantala.
Inantay
nila sumikat ang araw, tumayo na sina Saturnino, Raffy at Paulito at bigla sila
pumorma. “Nandito na sila” sigaw ng demonyo kaya napatayo yung iba at nagulat
sila sa dami ng kalaban na nakita nila.
“Sino
mga yan?” tanong ni Jayps sabay ayos sa kanyang shades. “It does not matter who
they are. They cant just come and bully our country. This is where we show them
we are not pushovers” bigkas ni Saturnino.
“Bakit
tayo lang? Tayo lang ba ang concerened?” tanong ni Ben.
“No,
kasi tayo lang yung babalik” sabi ni Paulito sabay naglabasan na ang kanyang
mga pangil. “Ah excuse me, pati ako?” tanong ni Adolph. “Oo daw, due to
insistent public demand” sabi ni Raffy sabay sinuot niya gintong maskara niya
at lumitaw ang kanyang dragon robe at wand.
“Sugod
na kayong tatlo! Dadating nalang kami mamaya sa photo ops pagdating ng media”
sabi ng siga at nagtawanan pa silang lahat.
Bumaba
si Dragoro at sinakay sina Kiko, Ben, Adolph at Jayps sabay bumalik sa ere yung
dragon. Humarap si Raffy at nilabas ang dalawang kamay niya. Inalis ni Paulito
shirt niya sabay hinarap ang likod kay Saturnino. Nagtitigan yung dalawa at
humawak kamay ng demonyo sa malaking tattoo sa likod ng bampira.
“Illumina
Engrande!” sigaw ni Raffy
“Ultima
Mananabas…sugod!” hiyaw ni Paulito
“Deus
ex Machina!” sigaw ni Saturnino