sk6

Monday, May 14, 2012

Team Pilipinas




Sa isang liblib na lugar ng Zambales may isang kotseng tumirik. “I told you this would happen. Ayaw mo kasi maniwala sa akin e” sabi ni Kiko at pinagdadabog ni Jayps ang manubela. “Minor setback lang ito, lahat ng problema may solusyon. Ben, labas ka at icheck mo yung makina” utos niya.

“Ano ka sira? Ang dilim dilim at ano naman alam ko sa makina? Nakakain ba yan?” banat ni Ben at nagtawanan sila ni Kiko. “Di talaga kayo maasahan, ako na nga” sabi ng siga. “Oh looks si Corazon ata yon o” biro ni Kiko at di na tuloy lumabas ng sasakayan si Jayps. Lalo nagtawanan yung mag bestfriend, “Ang siga ay scared?” landi ni Ben.

“Hindi ako takot, may nakalimutan lang ako” sabi ni Jayps. “At ano naman daw nakalimutan mo aber?” hirit ni Kiko. “Kayong dalawa” sigaw ng siga at kinaladkad niya palabas ng kotse yung mag bestfriend. Takot na takot yung tatlo, nanginginig sila sa takot at dikit na dikit sila na nagtungo sa harapan ng kotse.

Pagbukas nung hood, ang lakas ng amoy ng sunog. “Ayos, electronics and sira. Wala na tayo magagawa” sabi ni Jayps. “Akala ko ba matalino ka? Ayusin mo” sabi ni Ben. ‘Bakit may tools ba akong dala? Sino ba kasi nagsabi short cut ito?” sagot ni Jayps at ngumisi nalang si Kiko.

Walang kumibo, napakamot ang siga at lumingon sa paligid. Wala man lang bahay na malapit, walang nakasinding ilaw at tanging sinag ng buwan lang ang nagpapaliwanag sa paligid. “Siguro naman pag naglakad tayo may makikita tayong bahay, pwede tayo makahingi ng tulong” sabi ni Jayps.

“Kala ko matalino to, hello may Cellphone tayo” sabi ni Ben at paglabas niya ng phone niya wala siyang signal. “Kanina pa ako nagcheck, o sige nga tawag ka nga” landi ng siga at nagbungisngis si Kiko. “Mga duwag tara na, lakarin na natin to. Balikan nalang natin tong kotse mamaya” sabi niya.

Naglakad yung tatlo, takot na takot sila kaya todo kapit sina Ben at Kiko sa siga. “Hoy siga itong pagkapit namin sa iyo para sa ibubuti mo. Alam namin takot ka kaya pinapanatag lang namin loob mo” banat ni Ben at natawa nalang yung siga. “At yung likot ng kamay ni Ben sa dibdib mo normal lang yan”

“Wag mo lalagyan ng malisya ha” sabi ni Kiko at lalong nagtawanan yung tatlo. Nakarating sila sobrang madilim na lugar, napatigil yung tatlo at lalong kinilabutan. “Oy siga what happened?” tanong ni Kiko. “Oh my goodness someone turned off the moon” landi ni Jayps at kahit takot sila nakayanan pa nila magtawanan.

Wala talaga sila makita nang may isang bolang liwanag ang nahulog mula sa langit. Bumagsak ang liwanag sa harapan nila, lalong napakapit sina Kiko at Ben kay Jayps at nagsimula sila maglakad paatras. “Sa tingin mo sinira na ni Megatron yung moon?” tanong ni Kiko.

“Oh my goodness, eto nalang yung natira sa moon?” biro ni Ben. May isa nanaman bolang liwanag ang nalaglag, at isa pa hanggang may nabuong maliwanag na daan. “What the hell is happening?” tanong ni Jayps at tuloy tuloy ang bagsak ng mga bolang liwanag kaya sinundan nung tatlo ito.

“Pag sumabog ang moon hindi naman ganito e. There is something mahiwaga going on” sabi ni Jayps. “Tara sundan natin, malay niyo may pot of gold sa hulihan” sabi ni Kiko. “Gamitin mo kaya powers mo? Ano nakikita mo?” tanong ni Ben. “Wala nga e, as in wala. Di ko alam bakit. Dapat pag hinawakan ko mga kamay niyo e makikita ko ano mangyayari pero wala ako makita”

“Last na nakita ko tumirik kotse natin” sabi ni Kiko.

Samantala sa isang bukid sa malayo nakahiga sa lupa ang isang binata at dalaga. “Alam mo parang nahihiya na ako sumali sa competition this coming year” sabi ng dalaga. “Bakit naman?” tanong nung binata. “Kasi everyone already knows we are strong” landi ng dalaga at nagtawanan yung dalawa. “I think its good for our school, isipin mo may two choices din naman sila e. Give up or level up and compete. Pero tama ka, parang ayaw ko narin e. Baka sabihin nila mayabang tayo” sabi ng binata.

“Mas excited pa ako dun sa inter school competition natin” sabi ni dalaga. “Oo nga e, grabe malalakas din kaya yung ibang students from other schools? Sabi nila matagal na daw hindi nagkaroon ng inter school competition” sabi ng binata.

“Uy wag mo pagsasabi ha, pero narinig ko kay lola na yung top two winners ng school natin yung ipapadala sa Norte kasi doon daw gaganapin yung competition. Ano sa tingin mo?” tanong ng dalaga. “Gusto mo ba manalo?” tanong ng binata. “Hmmm oo e..kasi mga daddy natin never won. Well natigil kasi noon yung inter school, so gusto ko may lamang tayo sa kanila” pacute ng dalaga.

“Then we shall compete” sabi ng binata at tinuro niya daliri niya sa langit at nagpakawala siya ng light ball. Naaliw ang dalaga, tuloy tuloy ang pagpapalabas ng binata ng mga light balls mula sa kanyang daliri.

“Uy tama na, baka bumagsak yan sa ibang lugar at magtataka yung mga tao” sabi ng dalaga. “Sus, isipin nila meteorite at hello mahina lang naman ako di naman to aabot ng malayo no” sabi ng binata.

Napaupo yung dalaga, “Mauna na ako, antok na ako. Dito ka pa?” tanong niya. “Sige mauna ka na. Papahangin pa ako” sabi ng binata. Nung mag isa nalang yung binata ay tinuloy parin niya yung pagpapalabas ng bolang liwanag. May kakaibang ihip ng haning siyang naramdaman. Napaupo siya at dahan dahan napatayo.

“I can feel you…sino ka?” bigkas niya at lumingon siya sa paligid pero wala naman siyang nakikitang ibang nilalang doon. May naririnig siyang bulong, naintriga ang binata kaya sinundan niya yung boses. Tumakbo ang binata at sinusundan yung direksyon ng bulong.

Samantala sa baybayin ng Zambales napagpad yung tatlo. “Anak ng baka! Bakit kasi natin sinundan yung ilaw? Lumayo na tayo o. Ano naman daw gagawin natin dito sa beach?” tanong ni Ben. “Dude, look there are boats” sabi ni Jayps.

“And looks there is something over there far away. Its lights, it must be a house” sabi ni Kiko. Napasigaw si Ben pagkat may isang binata ang natutulog sa isang bangka. Lumapit yung tatlo, “Is he dead?” tanong ni Kiko at pinakiramdaman ng siga ang pulso nung nakahiga sa bangka.

“Oh no! His heart beat is weak! We have to rush him to the hospital” sigaw niya. “Hospital? Saan naman tayo hahanap non dito?” tanong ni Ben. “Follow the light” sabi ni Kiko sabay tumawa. “Yes, you sleeping boy follow the light, go to heaven” biro ni Jayps at nagtawanan yung dalawa.

“Wag naman kayo ganyan, pag tayo nasa kalagayan niya gusto niyo din ba na hahayaan tayo ng makakahanap sa atin?” drama ni Ben. “Fine, lets take the other boat. Itali yang boat niya sa boat natin tapos we follow the light” sabi ni Jayps. “Yes, we shall take him to the light” landi ni Kiko at tuloy ang bungisngisan nung dalawa.

Sumagwan sina Kiko at Ben habang si Jayps naupo sa harapan at tinatambol ang isang basyo ng tubig na walang laman. Tawanan yung tatlo, nagmistulang Dragon Boat nanaman sila tulad ng ginawa nila Baguio.

Palapit sila ng palapit sa liwanag, “Faster! We are almost there!” sigaw ng siga. Pinaspasan nina Kiko at Ben ang magsagwan nang biglang nagsisigaw yung nakasakay sa kabilang bangka. Nagtilian yung tatlo, “He is alive!” sigaw ni Jayps.

“Anak ng baka! Bakit ako nandito?” sigaw ng binata. “Dude akala namin mamatay ka na e. Ang hina ng heart beat mo” sabi ni Jayps. “Ganon talaga kasi athlete ako no!” sigaw ng binata. “Oooh athlete daw, sige pakawalan na bangka niya at palanguyin pabalik. Athlete pala ha” banta ni Kiko.

“Hoy teka lang! Nakatakot dito, lipat nalang ako diyan at sabay nalang tayo babalik. Saan ba kasi niyo ako dadalhin sana?” tanong ng binata. “Sa hospital tanga, ano gusto mo sementeryo?” biro ni Kiko. “Hospital? Sa gitna ng dagat?” tanong ng binata.

“Oo bakit? Alam mo naman may school of fishes, so natural may hospital of fishes” banat ni Jayps at napahaplos sa noo ang binata. Pinagdikit nila yung mga bangka nila at lumipat yung binata. “O yan sagwan, tumulong ka” sabi ni Ben. “E bakit siya wala?” tanong ng binata sabay turo kay Jayps.

“May reklamo ka?” tanong ng siga at agad naupo yung binata at nakisagwan na. “Teka balik na tayo, bakit tayo dumidiretso sa ilaw?” tanong ng binata. “Di ka ba curious kung ano ang ilaw na yon?” tanong ni Jayps at pinagmasdan ng binata yung ilaw at napangiti siya. “Oo nga no, parang tinatawag tayo” bulong niya.

“Sige tara sugod. Siya nga pala ako si Adolph” sabi ng binata. “Ako si Jayps” sabi nung siga. “Ahem, my name is Kiko the great and this is my sidekick Bendita” landi ni Kiko at nagtawanan yung apat. “Wag ka maniniwala dito, Ben lang pare” sabi ni Ben. “Nice to meet you guys, grabe iniwan nila ako sa bangka? Anyway it does not matter now” sabi ni Adolph.

“Dude foreigner ka ba?” tanong ni Jayps. “Hindi, mahilig lang ako magbabad sa araw” sagot ni Adolph. “Oo nga naman athlete e, so anong sport mo? Sunbathing?” landi ni Kiko at naghalakhakan nanaman yung apat.

Isang oras ang lumipas malapit na sila sa isang isla. May nakita silang lalakeng nakaupo at umiilaw ang buong katawan niya. “Holy cow…am I dreaming?” tanong ni Ben. “Co-captain lets drop the anchors!” sigaw ni Kiko at bigla nila tinulak si Jayps at nalaglag ito sa tubig.

“Walanghiya kayo!” sigaw ng siga. “E ikaw naman talaga yung pabigat dito e. Kami pinagtratrabaho mo. Tama lang yan sa iyo” banat ni Adolph at tawanan yung tatlo. “O since you are there, langoy na at ikaw mauna don. Check mo ano siya” sabi ni Ben. Tumayo si Kiko, “Unleash the Cracken!!! Go Siga! Swim!” hiyaw niya.

“Ah ganon ha!” banta ni Jayps at inuga uga niya yung bangka hanggang sa tumaob ito. Sigawan yung tatlo na parang babae. “Bendita…youre home! It’s the ocean!” sigaw ni Kiko. “Oh yes im home!” sigaw ni Ben. “Its not the toilet anymore, where you turned blue because of toilet duck” hirit ni Kiko at halos mamatay na yung apat sa katatawa.

Lumangoy sila papunta sa isla. Ayaw nila lapitan yung nagliliwanag na lalake. “Ano ba yan? Sino siya at bakit siya umiilaw?” tanong ni Jayps. Lumapit sila dahan dahan at lalong pinagmasdan yung nagliliwanag na binata.

“Bakit parang ang bigat ng dibdib ko bigla?” tanong ni Adolph. “Uy baka in love ka sa kanya?” landi ni Kiko. “Ako nga din e, pero parang iba e. May halong sikip sa dibdib at ginhawa” sabi ni Jayps. “Kiko, hawakan mo nga para malaman mo ano siya” udyok ni Ben at dahan dahan lumapit ang kaibigan niya.

Hahawakan na sana ni Kiko kamay nung lalake nang may malakas na hanging ang umihip at may isang lalake ang sumulpot. Nagsigawan yung apat na parang mga babae. Nagpanic sila at nagpupulot ng bato at hinagis dun sa bagong sulpot.

Todo iwas yung lalake, seryoso lang mukha niya at pinagmamsdan yung apat. Ngumisi si Kiko, hinawakan niya yung mga kamay nung tatlong kasama siya sabay pumulot ng bato at nasapol sa noo yung bagong sulpot. “Huh, you may be fast but you cannot beat me, I know where you are going” pasikat niya.

Hinaplos nung bagong sulpot ang noo niya, biglang namula ang mga mata niya at lumabas ang kanyang pangil. “Edward?” bulong ni Adolph at nagsigawan yung tatlo nang mabilis sumugod yung bampira. Maabutan na sana sila nang tumayo bigla yung nagliliwanag na lalake at hinawakan ang kamay nung bampira.

Nagharap yung dawalang nilalang, lalong namula yung mga mata ng bampira at namula narin yung mga mata nung nagliliwanag na binata. “Oh my God, whats going on?” bulong ni Adolph at umatras ng umatras yung apat pagkat nagpapakiramdaman ng lakas yung dalawang nilalang. “Tumigil ka” sabi nung nagliliwanag na lalake. “Di kita aatrasan demonyo” sigaw nung bampira.

“Bampira at demonyo?” tanong ni Jayps sabay inayos shades niya. “Sa demonyo ako” sigaw ni Kiko. “Sige dun ako sa bampira” sabi ni Ben at naupo yung dalawa at umakting na naglalaro ng console game.

Nung magbabakbakan na sana yung dalawa may narinig silang sigaw mula sa kalangitan. “Walanghiya ka Dragoro! Bad boy!” sigaw nung binata at tuluyan ito nalaglag at nadaganan yung demonyo at bampira.

Paspas na tumayo yung bamira at demonyo para gulpihin yung bagong sulpot. Tinaas ni Raffy dalawang kamay niya, “Illumina” sigaw niya at sumabog ang napakalakas na liwanag mula sa kanyang mga kamay. Lahat sila nabulag maliban kay Jayps na nakasuot ng shades. “Cool” bigkas niya.

Dahil wala makita wasiwas ng wasiwas ng suntok ang lahat. Lumapit si Raffy kay Jayps, “So you know me what I can do. Pinaghandaan mo ako” sabi niya. “Ha? Anong ibig mo sabihin?” tanong ng siga pero nadagok siya ng suntok mula sa likod. Napadapa siya paharap at natulak si Raffy.

Nagkarambolan tuloy sa isla, tanging si Kiko ang hindi natatamaan pagkat kahit nakapikit nakikita niya yung mga suntok kaya naiiwasan niya ito. “Tumigil kayo lahat” sigaw ng isang boses at lahat sila biglang nanigas at hirap makahinga.

Bagsak sila lahat sa lupa maliban sa demonyo, lalo niya hinigpitan yung pagsakal niya sa mga lalake. “Tumigil kayo o tutuluyan ko kayo?” banta niya. “Pag makawala lang ako dito demonyo ka tutuluyan kita” sabi ng bampira.

“Oo na, sige na panalo ka na” sigaw ni Ben kaya pinakawalan sila lahat ng demonyo. Ako ang nagpatawag sa inyo dito pero di ko alam bakit nasama tong mga normal na tao” sabi nung demonyo. Tumayo si Raffy at yung bampira. “Minamaliit mo ba kami?” sigaw ng siga at humarap sila ni Kiko at sumama na sina Ben at Adolph. “Stand down” sigaw ng demonyo pero mapilit si Kiko na humarap sa kanya.

“Hindi ka demonyong masama, mabait ka” landi ni Kiko. “Kiko you don’t know what youre talking about” sabi ng demonyo. “Oh trust me I know Satrunino. Name mo yon diba? I know what youre thinking” hirit ni Kiko.

“I know that you know that I know” sabay ng demonyo. “I know that you know that I know that you know” landi ni Kiko at napangiti bigla si Saturnino at doon nabasag yung tension at nagtawanan na ang lahat.

“Ano ba talaga nangyayari dito? Bakit mo kami pinatawag?” tanong ni Raffy. “Oo nga, busy ako tumatanggap ng tawag e” sabi ng bampira. “Oh Paulito, sa call center ka pala nagtratrabaho” sabi ni Saturnino. “E saan mo ako gusto magtrabaho? Sa night club o gay bar? Dito sa masyado komplikado ang buhay, mas gusto ko pa sa dati kong lugar” sabi ng bampira.

“E di bumalik ka doon, sagot ko na plane ticket mo” biro ni Adolph. “Tumigil nga kayo, nais ko lang tawagin sana sina Paulito at Raphael, pero diko alam pano kayo napadpad dito pero din a importante yon. Mas importante yung gagawin natin dito” sabi ni Saturnino.

“Dude, island ito, lalake tayo lahat. Nandidiri ako magi sip” biro ni Kiko at nagtawanan ang lahat. Pag sikat ng araw malaman niyo bakit ko kayo pinatawag” sabi ng demonyo. Naupo ulit si Saturnino at nanahimik, yung iba nahiga habang si Raffy nagpasabog ng liwanag patungo sa langit para lumiwanag ang paligid.

“Wow so you have powers too…holy cow is that Big Bird?” tanong ni Adolph at may nakita silang creature sa langit na nagpapaikot ikot sa isla. “Hindi, yan si Dragoro, dragon siya” sabi ni Raffy. “Weh? Dragon?” tanong ni Kiko.

“Wag makitid utak niyo, di lang tao ang umookupa sa lupa. May mga nilalang din tulad niya” banat ni Saturnino sabay turo sa bampira. “Nagsalita ang demonyo” sagot ni Paulito. “O ano? Tao naman ako ha, well technically tao. Dad ko demonyo at nanay ko anghel, hybrid pero its complicated at ginawa nila akong tao but I have their powers” kwento ni Saturnino.

“I don’t know where I came from, sabi nila I came from the stars with my sister. Then I got turned into a vampire” sabi ni Paulito. “Basta alam ko tao ako, may konting powers nga lang” sabi ni Raffy. “Well ako sperm ako dati, nagmeet sila ng egg cell ng nanay o at nine months later eto na ako” banat ni Adolph at nagtawanan ulit sila.

“Nagugutom ako, pwede ba Saturnino lutuin mo yang dragon? Tapos Paulito sipsipin mo dugo niya, kami na bahala sa karne” landi ni Kiko at tinapat ni Raffy kamay niya sa mata ng binata, “Illumina” bulong niya at nagsisigaw si Kiko pagkat nabulag siya pansamantala.

Inantay nila sumikat ang araw, tumayo na sina Saturnino, Raffy at Paulito at bigla sila pumorma. “Nandito na sila” sigaw ng demonyo kaya napatayo yung iba at nagulat sila sa dami ng kalaban na nakita nila.

“Sino mga yan?” tanong ni Jayps sabay ayos sa kanyang shades. “It does not matter who they are. They cant just come and bully our country. This is where we show them we are not pushovers” bigkas ni Saturnino.

“Bakit tayo lang? Tayo lang ba ang concerened?” tanong ni Ben.

“No, kasi tayo lang yung babalik” sabi ni Paulito sabay naglabasan na ang kanyang mga pangil. “Ah excuse me, pati ako?” tanong ni Adolph. “Oo daw, due to insistent public demand” sabi ni Raffy sabay sinuot niya gintong maskara niya at lumitaw ang kanyang dragon robe at wand.

“Sugod na kayong tatlo! Dadating nalang kami mamaya sa photo ops pagdating ng media” sabi ng siga at nagtawanan pa silang lahat.

Bumaba si Dragoro at sinakay sina Kiko, Ben, Adolph at Jayps sabay bumalik sa ere yung dragon. Humarap si Raffy at nilabas ang dalawang kamay niya. Inalis ni Paulito shirt niya sabay hinarap ang likod kay Saturnino. Nagtitigan yung dalawa at humawak kamay ng demonyo sa malaking tattoo sa likod ng bampira.

“Illumina Engrande!” sigaw ni Raffy

“Ultima Mananabas…sugod!” hiyaw ni Paulito

“Deus ex Machina!” sigaw ni Saturnino