sk6

Tuesday, December 14, 2010

Misadventures of KBJ: Kiko Magic

Misadeventures of KBJ

Jonathan Paul Diaz



Kiko Magic

Dalawang araw nalang at new year na. Si Kiko nakatambay sa loob ng store kasama si Wima at sinasabayan nila yung kanta sa radyo. May dumating na magsyota na tumambay sa harap ng store. Sweet sila sa isat isa at nagtutukaan sa labi. “Ano ginagawa nila?” bulong ng bata. “Nagkikiss sila” sagot ni Wilma at natawa si Kiko.

“Excuse me po mag boyfriend at girlfriend kayo ate at kuya?” tanong ni Kiko at napangiti ang magsyota at sinilip ang bata sa loob ng screen. “Oo sinagot niya ako nung Christmas” sagot ng binata. “Sinagot?” tanong ni Kiko at natawa ulit yung magsyota. “Kasi niligawan ko siya ng matagal na tapos nung Christmas niya lang ako sinagot” sabi ng binata.

“Nalilito ako Wilma. Ibig mo sabihin pag kinakausap siya nung boy dati hindi siya pinapansin?” tanong ng bata at lalo natawa ang magsyota. “Sige tawanan niyo pa loko kayo makakatikim din kayo” bulong ni Wilma. “Hindi kasi noon kaibigan ko lang siya pero pag gusto ng lalake maging girlfriend ang babae dapat ligawan niya. Niligawan ko siya at nung Pasko pumayag na siya maging girlfriend ko siya” paliwanag ng binata.

“Ahhhh ate ang ganda mo” sabi ni Kiko at napangiti ang dalaga at nakita nila nilabas ng bata ang ulo niya sa screen at tinitigan ang binata. “Ate maganda ka” ulit niya at medyo napakamot ang binata at tinitigan ang bata. “Bagay kami no?” tanong niya pero si Kiko lalo siya pinagmasdan. “Maganda girlfriend mo kuya” sabi ni Kiko. “Oo nga e kahit di mo na sabihin yon alam ng lahat yon” sabi ng binata. “Di kayo bagay” pahabol ng bata at natawa bigla si Wilma at hinila ang bata sa loob ng screen.

Tinawanan lang ng binata ang sinabi ng bata at tinuka sa labi ang girlfriend niya. “Kaya naman pala ayaw sagutin non baka natatakot pa sa itsura pero nung Pasko baka lumabo mata ni ate” sabi ni Kiko at nagtakip ng bibig si Wilma, ang dalaga sa labas natatawa din pero ang nobyo niya medyo naiirita na.

“Ate at kuya kiss nga ulit kayo” sabi ni Kiko at game na game naman nagtukaan yung dalawa. “Kuya para kang kuhol” banat ni Kiko at napatayo na ang binata sa inis. “Wilma mas gwapo ka pa sa kanya” hirit ng bata at talagang nag walk out ang magsyota at nagtawanan si Wilma at Kiko. “Cute boy dapat wag mo nilalait ang ganon. Kasi alam mo ang pag ibig ay bulag” paliwanag ng bading. “Oo alam ko, kitang kita ko nga pero Wilma mas gwapo ka pa kay kohol e” pilit ng bata.

“Talaga?” tanong ng bading. “Oo kaya. Pero kung yan ang gusto mo wala tayo magagawa. Kasi ikaw na yan e” sabi ni Kiko. “Ah oo nga di mo na ako tinutukso” sabi ng bading. “Tinatawag parin kitang bakla pag wala ka” kwento ni Kiko sabay pacute. “Pero pag kasama mo ako?” tanong ni Wilma. “Hindi kasi di mo ako pagbentahan” sabi ng bata at nagtawanan yung dalawa.

“Wilfredo pano ba manligaw?” tanong ni Kiko at medyo nairita ang bading. “Ano alam ko diyan gawain ng lalake yan” sagot niya. “E lalake ka naman e siga na pano ba?” tanong ng bata. “Bata ka pa” sabi ni Wilma. “Bakla ka” bawi ng bata at talagang nag iinit na ang ulo niya. “Fine, bigyan mo ng rosas or regaluhan mo tapos ipakita mo intensyon mo na mahal mo siya o gusto mo siya” paliwanag ng taga benta.

“Ahhh alam mo kuya pag niligawan mo yung girl kanina mas bagay kayo” hirit ni Kiko sabay tumayo sa may pinto at nagpacute. Kumunot ang noo ng bading sabay kumuha ng isang malaking Chippy. “O yan cute boy Merry Christmas” sabi ni Wilma at nagtaka ang bata. “Sige na kunin mo na at umalis ka na dito” sabi ng bading ay nagpacute ulit ang bata at kinuha ang junk food.

Pag alis ni Kiko napatingin si Wilma sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

Palakad lakad ang bata at napadaan sa bahay nina Doray. Ang batang babae naglalaro sa likod ng bahay at si Kiko slow motion kumakain ng Chippy at iniinggit siya. “Kiko ano yan?” tanong ni Doray. Pero tuloy ang palanding kain ng batang lalake at tinaas ang isang kilay niya. “Ano nangyari sa fence niyo?” tanong ni Kiko.

“May nagtanggal e. Galit nga si mommy. Ayaw na niya ako maglaro dito kasi wala daw fence. Si daddy naman busy sa work di magawa” tampo bata. Narinig ni Doray ang boses ng nanay niya at biglang natakot. “Gusto mo?” alok ni Kiko at napangiti ang batang babae. Lumapit si Doray para humingi pero si Kiko tumalikod at slow motion naglakad, palingon lingon para ipakita ang pagsubo sa junkfood. “Bad ka!” sigaw ni Doray sabay tumakbo papasok ng bahay nila.

Sa tapat ng bahay ni Layla tumayo si Kiko at nakita ang kaibigan niya sa bintana ng kanyang kwarto. “Kiko penge!” sigaw ng batang babae. “Halika lapit ka” sagot ng batang lalake. “Wait mo ako diyan baba ako” sabi ni Layla at pinaspasan ni Kiko ang pag ubos sa junk food. Paglabas ni Layla kita niya punong puno ang bibig ni Kiko at wala nang laman ang supot. “Sabi mo bibigyan mo ako” tampo ng batang babae sabay simangot. Si Kiko niluwa ang nanguya na niyang junk food sabay binalik sa supot. “Kuha ka” sabi niya sabay ngisi. “Bad ka!” sigaw ng batang babae sabay tumakbo papasok ng bahay.

Naglibot libot si Kiko at napatigil nung may nakitang mga magkapatid na nagpapalimos. Nakaupo ang magkapatid sa isang sulok at pinagmamasdan siya. Niyuko ni Kiko ulot niya sabay nilabas ang kanyang mga bulsa para makita nila na wala siya maibibigay. Naglakad palayo si Kiko pero awang awa siya sa magkapatid.

Nakalayo si Kiko at nakita ang binatang tinutkso niyang kuhol na nakahawak sa isang mahabang ladder na nakasandal sa puno. Nagkatitigan sila pero nagpacute si Kiko at lumapit. “Kuya ano yan?” tanong niya at ngumiti ang binata at tinuro ang taas ng puno. “Wow tree house” bigkas ni Kiko. “Oo ako gumawa niyan. Diyan kami mag date ng girlfriend ko” sabi ng binata.

“Date?” tanong ng bata. “Ah yung magsasama kami tapos may pagkain tapos kakain kami ganon” sabi ng binata. “Diyan kayo sa tree house?” tanong ni Kiko. “Oo kaya aakyat ako para siguraduhin ko matibay” sabi ng binata at nagsimula nang umakyat sa ladder. “Kuya pano tong food mo?” tanong ni Kiko. “Diyan muna yan, sisiguraduhin ko muna kung matibay. Kaya doon muna ako sa taas para sigurado kaya niya kami. Sayang naman pag idadala ko na food tapos masisira pala yung tree house” paliwanag ng binata. “Sige kuya” sabi ni Kiko at naglakad palayo pero napalingon ulit at tinignan ang binata sa tree house na kumakaway sa kanya.

Pagsapit ng dilim umuwi si Kiko at galit si Catherine nang makita may butas ang shirt niya. “Kiko ano nanaman nangyari sa iyo?” tanong ng nanay niya. “Wala po mommy” sagot ng bata at dumiretso ito sa second floor at sa terrace tumambay.

Sa labas ng bahay nakatambay sina Fred at Catherine at nakita nila ang anak nila sa taas na malungkot at nag huhum ng kanta. “Ano kaya nangyari sa kanya he looks so sad” tanong ni Fred. “Di ko nga alam…pero shhhh kumakanta ata” sabi ni Catherine kaya nakinig sila.

Si Kiko malungkot ang mukha nakahawak sa railing. “Ang disyembre ko ay malungkot…pagkat sad ako” kanta niya at biglang nagtawanan ang magulang niya sa baba. “Ano man pilit kong magsaya…bad daw ako” drama niya sabay tumayo at pumasok na sa bahay. “Malamang may nagawa ulit yan” sabi ni Fred. “Tara kausapin natin” sabi ni Catherine.

Sa bahay nina Doray kauuwi lang ng tatay ng bata kaya masaya siyang sinalubong sa labas. Nagulat ang mag ama pagkat may bago silang kakaibang fence. “Sino gumawa nito?” tanong ng tatay niya. “Di ko po alam daddy wala naman yan kanina” sabi ng bata at natawa nalang ang matanda pagkat maliit nga yung fence at parang parte parte ito ng isang ladder.

Sa malayo masaya ang pulubing magkapatid nang pabalik sa sila sa kanilang tirahan na kariton. Nagulat ang nanay nila pagkat may dala silang pagkain at martilyo at lagare. “Saan niyo nakuha mga yan?” tanong ng matanda. “Inay yung isang bata doon pinagtrabaho kami maglagay ng bakod tapos eto bayad niya sa amin pagkain” sabi ng isang bata at tuwang tuwa talaga sila nagsalo salo sa masarap na pagkain.

Samantala sa store tumambay ang magandang dalaga at halatang may hinahanap. Bumukas ang pinto ng store at lumabas ang isang machong Wilfredo. “Good evening miss you seem worried” banat niya sa malalim na boses. “Ay hello. Nawawala kasi boyfriend ko e” sagot ng binata at si Wilfredo hinila ang upuan at inalok sa dalaga. “Here have a sit while waiting. Samahan kita para di ka mahibang” sabi niya. “Uy salamat ha…teka ikaw ba yung nagbabantay dito?” tanong ng dalaga.

“Oh ako nga” sagot ni Wilfredo. “Ah akala ko yung bading e” hirit ng dalaga. “Ah yon wala yon. Trabahador lang yon dito pero pinauwi ko na kasi malandi. Mula ngayon ako na magbabantay dito. Hi ako pala si Wilfredo, but you can call me Wilm..Wil lang” sabi ng binata at nagkamayan sila ng dalaga.

After dinner nagtungo si Layla sa loob ng kwarto niya at nagulat siya pagkat may malaking Chippy sa kama niya at isang chocolate bar na maliit. Napangiti ang batang babae at agad dumungaw sa bintana niya. Napansin niya sa dulo ng bubong na may punit na tela kaya lalo siya napangiti. “Thank you Kiko” bigkas niya.

Sa isang madilim na lugar, sa tuktok ng napakataas na puno nanginginig sa takot ang isang binata sa loob ng tree house.

“HELP! Saklolo! Di ako makababa!”



- Ten days before Christmas...

MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE!!!

early greeting because i really am taking a vacation. Ive decided to rest and come back January. I wanted to work on the ebooks i am sure zero wont be reached soon enough or wont be reached at all so instead i will use the vacation time for relaxation.

For the Neybor ebook, its already complete. Editting has been done and i am just waiting for the book cover (oo nagpaparinig ako LOL...inuna pa kasi book cover ng bespren e ahahaha) Anyway it might be ready by the end of the week and the complete e-book will be ready by Monday or earlier. I am just saying the e-book is ready...alam niyo na ibig ko sabihin.

For those requesting Salamangka Book 2, I know you loved the just released book 1 so konting tiis lang. Mahirap gumawa ng ganon na kwento but for sure si Maya parin ahaha...galit na ang Ayesha fans o nyahahaha. Pero malay nito diba?

Sisilip silip nalang ako from time to time to update the counters.

G's group ano ba talaga RESBAK o Bespren:Mico and Aya? Ang gulo ng email niyo dalawa e. Make up your mind ASAP! TIME IS GOLD!!!


HAPPY HOLIDAYS TO EVERYONE!!!