sk6

Wednesday, December 29, 2010

HAPPY NEW YEAR!!!





COMING 2011


HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE!!!

STAY SAFE!!!

Saturday, December 25, 2010

Siga is Back!!!


READY NA AKO!!!

KAYO NALANG INAANTAY KO!


MPEX EBOOK NOW READY!!!


M.P. Extended

37 Chapters
358 pages
First 20 chapters remastered

screenshot








COUNTER
025/200

Thursday, December 23, 2010

MERRY CHRISTMAS!!!

MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!!!




"NAKAHANDA NA AKO SA PAGBABALIK KO! KAYO HANDA NA BA KAYO PARA SA AKIN?" - JUAN PABLO




"SATURNINO'S FLAMING FINGERING TECHNIQUE LEVEL 2!!! READY NA DIN BA KAYO?" - BENJOE


MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE!!!



NEYBOR AND SALAMANGKA EBOOKS ARE STILL FOR SALE!!!

Monday, December 20, 2010

Juan Pablo's Words of Wisdom


"Magkaibang language po kasi ang gamit ng puso at utak, pilitin man ng utak itranslate ang gusto sabihin ng puso hindi niya ito makukuha ng tama. Its already difficult for the brain to explain what love is. The more it will be strained into trying to explain why we chose to love that person” - Juan Pablo


‎"...sa dami dami ng ngiti na pwede mong makita sa buong buhay mo yung ngiti mo lang ang tanging gusto ko makitang paulit ulit..." - Juan Pablo


‎"Love has to keep on evolving to make us happier. And we must let it keep evolving and never be contented. Evolve hanggang sa maging alien tayo o ha alien love na. Happy aliens we will be" - Juan Pablo

Wednesday, December 15, 2010

ANG PAGBABALIK NG SIGA...




SIGA

"WATCH AND BE AMAZED" - Juan Pablo

COMING 2011



...........








at si GANDA

Salamangka Preview


SALAMANGKA: ANG TAGAPAGMANA
JONATHAN PAUL DIAZ


(PREVIEW ONLY)

Prologue

Pagmulat ng mata niya agad napatingin yung binata sa kalendaryong nakapaskil sa kanyang dingding. “June 5” bigkas niya at huminga siya ng malalim at napatingin sa kisame. Siya si Benjoe, 17 taong gulang at isang ulila. Kinupkop siya ng isang matanda na pangalan ay Tasyo, tinuring niya itong lolo at itong matanda ang nagpalaki sa kanya.

Isang magsasaka lang si Tasyo at may sariling pamilya. Kaya mula nung bata si Benjoe nag aral siya ng mabuti para makakuha ng mga scholarship. Ayaw niyang makadagdag sa pasanin ng tinuring niyang lolo at naging mapalad yung binata pagkat nabiyayaan siya ng full scholarship mula elemtary hanggang high school sa isang private school.

Doon niya nakilala si Arturo, na naging matalik na kaibigan niya. Magkaklase sila mula elemtarya hanggang high school. Mayaman sina Art, mabait ang kanyang magulang at tinuring na nilang anak din si Benjoe. Sa katanuyan ay inalok nila bayaran ang buong college fees ni Benjoe pero nahiya yung binata. Dahil sa sipag at tiyaga sa pag aaral ay nakakuha ulit siya ng academic scholarship sa isang tanyag na unibersidad kung saan pumapasok din si Art. Ang tanging tinanggap niya mula sa pamilya nina Art ay ang pagtira sa condo ng kanyang kaibigan.

Kasama ng scholarship ay may allowances si Benjoe kaya maganda ang kanyang buhay pero hindi siya masaya. Naiinggit siya kay Art, isang matipunong binata na nabiyayaan ng yaman at magandang itsura. Lalo pang naiinggit si Benjoe pagkat maganda ang girlfriend ng kanyang kaibigan, si Kate.

May lihim na pagtingin si Benjoe kay Kate, sino ba ang hindi magkakagusto sa dalaga pagkat maganda na at mabait pa siya. Naging close sila ni Benjoe, bestfriend ang kanilang turingan at tuwing nag aaway si Art at Kate, nandon siya lagi para damayan ang dalaga. May hinanakit si Benjoe kay Art pagkat babaero ito, tuwing wala si Kate ay lagi may kasama itong ibang babae. Gusto niya sana isumbong kay Kate ito pero ayaw naman niya masira ang pagkakaibigan nila at alam niyang kahit na maghiwalay sila ay di naman mapapasakanya ang dalaga pagkat di siya pinagpala sa itsura.

Nagbukas ang pinto ng kwarto niya, isang matamis na ngiti ang bumati sa kanya. “Happy birthday bespren!!!” sigaw ni Kate at agad nakihiga yung dalaga sa kama at niyakap yung binata. Malambing sila talaga sa isat isa, minsan naiisip ng ibang barkada ni Art na mas magsyota pa sila ni Benjoe. “Bukas pa birthday ko bespren” sagot ng binata.

“Happy birthday parekoy!!!” sigaw ni Art at pati siya nakihiga sa kama at niyakap ang kaibigan niya. “Pare naman, pag si Kate pwede, pero pag ikaw medyo pagdududahan na tayo” sabi ni Bejoe. Hinalikan bigla ni Art ang kaibigan niya sa pisngi at tawa ng tawa yung dalaga. “Ew!!! Kadiri kayo talaga!” sigaw niya pero game na game naman yumakap si Benjoe sa kanyang kaibigang lalake.

“So pare ano gusto mo ihanda natin bukas?” tanong ni Art. “Pare wag naman na nakakahiya na masyado. Malaki na naitulong niyo sa akin” sagot ni Benjoe. “Ah shut up ka pare. Pinapatanong din nina mama e. Ano maghahanda tayo dito o kakain nalang tayo sa labas?” tanong ng kaibigan niya.

“Pare wag naman na, nakakahiya na. Every year nalang na ganito e” sabi ni Benjoe. “Ah basta pare, you deserve it. Alam mo pare my parents know that pag wala ka malamang nawalan na ako ng landas. Parang guardian angel kita e” sabi ni Art at nagkatinginan sila. “Talaga?” tanong ni Benjoe at napailing ang kaibigan niya pagkat alam niya na alam ni Benjoe ang lahat ng kanyang sekreto.

“Oy tama na nga drama niyong dalawa. So ano ihahanda natin bukas?” tanong ni Kate. May kumatok ng malakas sa pinto ng condo. Agad bumangon yung dalaga at muling nagkatinginan yung magkaibigan. “Pare naman wag ganon” sabi ni Art. “Sabi ko sa iyo pare magbago ka na. I told you to stop fooling around or else I will really tell her. Wala na ako pakialam kung palayasin mo ako o ipabugbog sa mga barkada mo” sabi ni Benjoe. “Yeah pare I know, sorry, last na talaga yung last week” sabi ni Art.

“Benjoe! Lolo mo nandito” sabi ni Kate at agad bumangon yung binata. Paglabas niya ng kwarto ay agad sya hinila ng matanda. “Dalian mo wala na tayong oras na pwede sayangin” sabi ng matanda. “Hey gramps whats the problem?” tanong nung binata. “Basta sumama ka sa akin” sabi ni Tasyo. “Saan kayo pupunta?” tanong ni Kate. “Magbibihis muna ako lo” sabi ni Benjoe. “Hindi na! Sumama ka na sa akin ngayon at malayo pa ang lalakbayin natin!” sigaw ng matanda at natahimik yung tatlo.

“E birthday ho niya bukas, babalik ba kayo lolo?” tanong ni Art. “Hindi ko alam basta kailangan na namin umalis” sabi ni Tasyo. “Saan ba kasi tayo pupunta lolo? Pwede ba pagkatapos nalang ng bukas?” tanong ni Benjoe. “Sumama ka na ngayon! Parang awa mo na apo sumama ka na sa akin. Halika na!” sigaw ni Tasyo.

Kinapitan ni Kate si Benjoe pero mapilit talaga yung matanda. “Okay okay relax, sige sasama na ako” sabi ng binata. “Benjoe” sabi ni Kate. “Okay lang, di ko alam bakit pero sige sasama ako sa lolo ko. I will try to be back by tomorrow. Don’t worry about me” sabi ng binata. Nilabas ni Art ang phone niya pero masama ang titig ni Tasyo sa kanya. “Alam ko madami kang koneksyon pero pag ayaw niyo masaktan wag na kayo makikialam. Hindi niyo alam ano maaring makakaharap niyo” banta ng matanda. “Sige na pre okay lang ako. I will be back when I can” sabi ni Benjoe at sumama na siya sa matanda.

Nakalabas ng condo ang dalawa pero sumunod sina Kate at Art. Nagulat sila pagkat may magarang SUV na nakaparada sa kalsada at doon pumasok yung dalawa. “Wow, kailan pa nagkaroon ng ganyan si lolo?” tanong ni Art. “I have a bad feeling about this” sabi ni Kate pero bago pumasok ng sasakyan si Benjoe at tumalikod ito at kinawayan yung dalawa. “Babalik ako promise” sigaw niya at tuluyan nang pumasok.

Sa loob ng kotse ay pinaandar na ni Tasyo ang makina, “Wow lolo mukhang asenso ka na ha. Ilang buwan lang tayo di nagkita may kotse ka na” sabi ni Benjoe. “Di ako lolo mo, mag seat belt ka” sabi ng matanda. “Bakit pa? Tinted naman yung bintana, di na tayo mahuhuli ng pulis no” sagot ng binata. “Mag seat belt ka! Pag may masamang nangyari sa iyo tiyak na papatayin ako non” sabi ng matanda.

“Sino?” tanong ni Benjoe. “Wag ka na matanong, mahabang biyahe ito kaya tumahimik ka nalang o kaya matulog” sabi ni Tasyo. “Sino? Kanino mo ako dadalhin?” pilit ng binata. “Sa tatay mo! Wag ka nang matanong sabi e. Siya na bahala magpapaliwanag” sabi ng matanda. “Lolo talaga nagpapatawa ka na e. Patay na yung nanay at tatay ko diba? Naka drugs ka ba gramps?” sabi ni Benjoe at masama ang tingin ni Tasyo sa kanya.

“Iniwan ka sa akin ng tatay mo nung sanggol ka, sabi niya sasabihin ko sa iyo na patay na mga magulang mo. Kung may tanong ka sa kanya mo nalang itanong” sabi ng matanda. “Oo na nice joke lolo. Pano mo ba nakuha tong kotse? Marunong ka pala mag maneho? O tapos ano yan Rolex? Wow tumama ba kayo ng lotto? Dadalhin mo ako siguro sa bagong bahay niyo ano?” tanong ni Benjoe at nairita na yung matanda.

“Sabi ng tatay mo basta maalagaan kita at mapalaki ng maayos, balang araw pagbalik niya gagantipalahan niya ako ng kayamanan. Hindi ako naniwala noon pero alam mo ba baldado na ako noon? Naka wheel chair na ako noon dahil sa disgrasya pero nung pinalakad niya ako muli wala ako magawa kundi sumunod sa kanya. Pasensya ka na ngayon na yung oras na yon. Eto mga nakikita mo galing lahat sa kanya to. Oo maayos na buhay namin at ayaw na namin makialam pa” kwento ni Tasyo sa nanginginig na boses.

“Wow cool! So ibig mo sabihin mayaman tatay ko?” tanong ng binata at napakamot yung matanda. “Yang tatay mo nakakatakot, hindi siya tao. Hindi na ako pwede magsalita pa baka parusahan niya ako at bawiin niya lahat ito” sagot ng matanda. “Weh! Patawa ka talaga lolo, e ano naman ang tatay ko kung hindi tao?” tanong ni Benjoe.

Pinatigil ni Tasyo ang kotse at tinabi, tinignan ng masama ang binata at huminga ng malalim. “Demonyo ang tatay mo!!!” sigaw niya at biglang dumilim ang kalangitan at may malaking kidlat ang tumama sa malapit. “Diyos ko po narinig niya, wag ka na matanong pa kasi please” sabi ni Tasyo at matulin na pinatakbo yung sasakyan. Di makapaniwala si Benjoe pero nangilabot siya sa kidlat. Tinignan nalang niya yung matanda at tumawa. “Coincidence lang yon, sus okay sige na nga kunwari naniniwala na ako” sabi ng binata pero may takot na namumuo sa kanyang dibdib.

Pagdating nila expressway ay biglang nakatulog si Tasyo. Nagpanic si Benjoe at agad napahawak sa manubela. “Lolo! Gising!” sigaw niya pero di maintindihan ni Benjoe, gumagalaw ang mga kamay ng matanda at nagagawa pa nito magkambyo kahit siyay tulog. Inaantok si Benjoe, di niya maintindihan ang nangyayari, napasandal siya sa matanda at tuluyan naring nakatulog.

Nagising si Benjoe, masakit ang katawan niya pero pagtingin niya sa labas ay may malaking bahay sa tapat nila at nakatigil na yung kotse. “Lolo gising!” sabi niya at dahan dahan namulat si Tasyo at biglang nanginig. “Nandito na tayo, halika na ihahatid na kita para matapos na obligasyon ko” sabi ng matanda. “Pero lolo pano tayo nakarating dito? Nakatulog ka kanina kaya nagpanic ako, di ko alam pero nakatulog din ako e” sabi ni Benjoe.

“Ganyan talaga tatay mo, masyado maingat. Pati nung dinalaw niya ako last week naglakad ako habang tulog. Hayaan mo na yang kwento na yan, halika na para makaalis na ako” sabi ni Tasyo at lumabas sila ng kotse. Nakarating yung dalawa sa pinto, hindi pa sila kumakatok pero nagbukas agad yung pintuan. “Late na ba tayo? Diyos ko delikado to” sabi ni Tasyo at halatang kinakabahan siya.

Takot na takot narin si Benjoe nang pumasok sila sa magarang bahay. Lahat ng kagamitan sa loob ay gawa sag into at punong puno sila ng mga diyamante. “Oh wow, kahit makuha ko lang tong isang silya solve solve na ako” sabi ng binata. Pumasok sila sa isang kwarto na may pulang pintuan, napayuko si Tasyo at nanginig pagkat may isang lalake na nakatayo at nakaharap sa bintana.

“Makakaalis ka na Tasyo. Sapat na ba yung naibigay ko sa iyo na kayamanan?” tanong nung lalake sa napakalalim na boses. Napahawak si Benjoe sa matanda pero si Tasyo ang bilis tumakbo palabas. “Sapat na po! Sige po! Sige iho goodluck! I love you Benjoe, text text nalang ha!” sabi ng matanda at biglang nagsara ang pinto kaya nabalot ng takot yung binata.

“Matagal na kitang gusto makita anak” sabi ng lalake at humarap ito kay Benjoe. Matutulis ang kilay ng lalake, grapo at balbas sarado. “Halika Saturnino, have a seat anak at mag usap tayo” sabi niya at napasandal ang binata sa dingding at nagsimulang tumawa. “Patay na ang tatay ko. Ano to may hidden camera? Good time lang to ano?” sabi ng binata at dumagungdong ang malakas na tawa nung lalake sa buong kwarto. “Hindi Saturnino, ako ang iyong ama” sabi ng lalake at naupo ito sa isang sofa.

“Benjoe ang pangalan ko, hindi Saturnino. Patay na ang aking ama at ina” pilit nung binata. “Maupo ka anak at ipapaliwanag ko lahat. Namiss na kita sobra at matagal na kitang gusto makasama. Sige na iho maupo ka” sabi ng lalake at ayaw pumayag ni Benjoe. “Kung lokohan ito tama na, oo na panalo na kayo. At sabi ni Lolo demonyo ka daw? Imposible na yon” sabi ng binata sabay tumawa.

Nanigas bigla ang katawan ni Benjoe, lumutang siya sa ere at nagtungo sa sofa na katapat ng lalake. Nang nakaupo siya ay nakagalaw ulit ito pero sobrang nabalot na ng takot. “Ngayon nakuha ko na ba atensyon mo?” tanong nung lalake at tulala lang si Benjoe at napatungo ang ulo. “Oh my God” bigkas ng binata. “Don’t say bad words!!!” sigaw ng lalake at muling kumidlat sa labas ng bahay.

“Grabe Saturnino, sanggol ka pa noon nung iniwan kita kay Tasyo. Pasensya ka na anak pagkat kinakailangan ko gawin yon. Saka ko na ipapaliwanag ang lahat pero sa ngayon gusto ko sagutin lahat ng tanong mo. Alam ko mahirap tanggapin ang lahat na ito pero anak maniwala ka ako ang iyong ama” sabi ng lalake.

“Ano pangalan mo? At totoo bang demonyo ka?” tanong ni Benjoe na nanginginig. “Ang pangalan ko ay Antonio at oo anak demonyo ako” sagot ng lalake. “Di ba dapat Lucifer ang pangalan niyo o satanas?” tanong ni Benjoe. Napailing si Antonio saglit, napatingin sa malayo at nagsimangot. “Ah mga big bossing yon. Si Lucifer ay ang grand daddy ng mga demonyo sa buong mundo, si Satanas naman ang big bossing ng mga demonyo dito sa Pinas. Ako naman ay masasabi mo narin na bossing sa bansang ito pero komplikado lahat at ipapaliwanag ko sa iyo balang araw” sagot ni Antonio.

“E bakit mukha kang tao?” tanong ni Benjoe at natawa ang tatay niya. “Anak pag pinakita ko sa iyo ang tunay kong anyo baka di kakayanin ng puso mo” sabi ng ama niya. “Di parin ako makapaniwala, ibig mo sabihin hindi rin ito ang tunay kong anyo?” tanong ng binata. “Yan na ang tunay mong anyo anak, nung ginawa ka namin ng nanay mo naka human form kami kaya ikaw ay tao pero may demon blood ka” paliwanag ng tatay niya.

“Nasan ang nanay ko?” tanong ni Benjoe at napatayo si Antonio at naglakad lakad. “Hindi ko alam pero wag kang magtatanim ng galit sa kanya anak. Bweno, ako naman ang magpapaliwanag kaya makinig ka mabuti” sabi ng tatay niya at sumandal si Benjoe sa sofa at di parin makapaniwala.

“Alam ko tinatanong mo bakit wala kang powers, totoo yan wala ka pang powers pagkat wala ka pa sa sapat na edad. Ang kapangyarihan mo ay lalabas pagsapit mo ng edad na eighteen and that is tomorrow” sabi ni Antonio at nagulat si Benjoe at napatingin sa kamay niya. “Ows? Ano klaseng powers? Teka totoo ba ito talaga? Please pag lokohan lang ito suko na ako” sabi ng binata.

“Everything is true Saturnino, and tomorrow you shall gain your powers” sabi ng tatay niya pero napansin ng binata ang kalungkutan sa mukha nito. “Di ba dapat happy ka? Pag totoo sinasabi mo dapat masaya ka pagkat nakita mo anak mo at magkaka powers ako” sabi ni Benjoe. “Hay, its not that easy anak. Kung pwede lang wag ka na magkakaroon ng kapangyarihan pero nandito na. Ayaw ko sana mangyari ito pero Saturnino ikaw ang papalit sa akin. Pinaparetiro na nila ako at ikaw na magdadala ng malaking responsibilidad, sa kamay mo nakasalalay ang balance ng Pinas” paliwang ng ama niya.

“Say what?!” tanong ni Benjoe at napaupo si Antonio sa tabi niya. “Saka na natin pag usapan yan anak. Ang importante ay kasama na kita. Kailangan pa kita gabayan sa pag gamit at paghasa ng kapangyarihan mo bago mo ako pwede palitan. Relax ka lang muna anak and for the next few days just enjoy being a demon” sabi ni Antonio.

“Bakit mo pa ako binibitin? Bakit di mo pa sabihin lahat ngayon na?” pagalit na tanong ng binata. “Sinabi ko saka na e!!!” sigaw ng ama niya at namula ang mga mata niyo. Agad napayuko si Benjoe at nanliit, “Okay pow” bulong niya sa takot. “Wag kang jejemon! Alam ko mautak ka! Di maitatago ng pagiging jejemon ang tunay mong anyo. Jejemon jejemon para magmukhang cute! Pweh! Such nonsense and blatant waste of brain cells. Communication is supposed to be direct and simple for everyone to understand each other” litanya ng ama niya at biglang natawa si Benjoe.

“Aha! Napatawa kita ano? Good! Gusto mo din ba yakapin kita o ihele kita? Gusto mo kantahan kita ng lullaby?” tanong ni Antonio at napaamo ang mukha ng binata at naluluha. “Di ko naramdaman ang mga yan nung bata ako” bulong niya. “Pwes! Wala ako balak gawin yon sa iyo! Ang laki laki mo na! Damulag ka na at gusto mo pa ng ganon?” banat ni Antonio at tumawa ng napakalakas.

“Demonyo ka talaga ano?” tanong ni Benjoe at dinilatan siya ng ama niya at napaatras ang binata pagkat mahaba at matulis ang dila ng tatay niya. “Pati naman ikaw…pero bukas pa” sabi ni Antonio.

“So okay, medyo naniniwala ako. Itong kayamanan mo akin narin ba?” tanong ng binata. “Nope!” sagot ng tatay niya. “Eh bakit ganon? Dapat may mana ako” reklamo ni Benjoe. “Patay na ba ako?! Ha?! Ngayon palang tayo nagkita gusto mo na ako mamatay?” pabirong tanong ni Antonio. “Hindi po, pero lumaki akong walang pera kaya kanina medyo natuwa ako nung makita ko ang laki ng bahay niyo tapos panay ginto. Since anak niyo ako kahit allowance lang sana” banat ng binata.

“Never! Pinaghirapan ko mga ito, and maybe youre forgetting demonyo ako, we are selfissssshhh” bulong ng tatay niya at napasimangot si Benjoe. “Damot! Sige turuan mo ako pano yumaman” sabi niya. “Matalino ka naman e, so yumaman ka mag isa mo!” banat ni Antonio. “At ikaw pano mo naipon tong yaman na ito?” tanong ng binata. “Haller! Kulangot palang ito sa kayamanan ko. I steal from the corrupt officials, wala sila karapatan magreklamo pag nakita nila nawawala pera nila or else mabubuking silaaaa” landi ng ama niya.

“Turuan mo ako” sabi ni Benjoe. “Sorry, all corrupt officials are mine. And if you touch my cows, I will kill you” sabi ni Antonio. “Pero anak mo ako!” reklamo ng binata. “Ay oo nga pala, if you touch my cows then I will spank you” ulit ng ama niya pero tumawa lang yung binata. “With this” pahabol ni Antonio at biglang may lumitaw na malaking kahoy na puno ng duguang pako. “Don’t worry di ka mamatay sa palo” hirit niya at napasimangot si Benjoe.

“Bakit ganon ba kaimportante ang pera sa iyo anak?” tanong ni Antonio. “Hindi naman po, pero madami lang ako namiss habang lumalaki. Hanggang tingin nalang ako sa iba. Ni wala pa nga akong cellphone e. Sila nakikinig sa mga ipod, ako sa lumang radio parin. Nadadala nila ipod nila sa school o kahit saan, ako di ko madala yung radio pagkat nakakahiya”

“Hanggang fishball ko nalang natreat mga kaibigan ko. Yun lang kaya ko sa allowance na nakukuha ko e. Ilang birthday ko na ang lumipas at laging sina Art ang naghahanda para sa akin. Sobra na ako nahihiya dad. Parang may limitasyon ang buhay ko, hanggang sa isang sulok nalang ako palagi pagkat pag humakbang ako kailangan ko na ng pera sa mundo ng buhay. Pero ayos lang naman dad, nakakayanan ko pa naman” drama ng binata.

Nakayuko si Antonio at nakita ni Benjoe na tumulo ang luha niya. “Naawa ka na ba? Bibigyan mo ako pera?” tanong ng binata. “Hindi ako naawa, demonyo ako remember” sabi ni Antonio sabay nilayo ang tingin niya pero may kirot sa kanyang dibdib. “E bakit ka umiiyak?” tanong ng binata. “Napuling ako” bulong ng ama niya. “Palusot!” sigaw ng binata sabay tawa. Humarap sa kanya ang ama niya at muling namula ang mga mata nito. “Opo napuling kayo, mahangin po kasi dito, lakas ng aircon” bigkas ni Benjoe sabay yumuko sa takot.

Niyakap bigla ni Antonio ang anak niya. Nanigas konti si Benjoe pagkat di siya sanay pero napasandal din siya sa kanyang ama. “Naiyak ako kasi you called me dad” bulong ni Antonio. “Hindi ba totoo?” tanong ni Benjoe. “Totoo Saturnino, ako ang ama mo” bulong ng ama niya. “Benjoe pangalan ko” sabi ng binata. “Saturnino ang binigay namin na pangalan mo anak. Kinailangan lang palitan ni Tasyo pero ipapaliwanag ko lahat” sabi ng tatay niya.

“So dad, bukas you mean to say I will be a demon?” tanong ni Benjoe. “Yes that is right” sagot ng tatay niya. “I will have powers?” hirit ng binata. “Yes, you might be even more powerful than me pag nahasa powers mo” sagot ni Antonio at napangisi ang anak niya. “So mababawian ko na ang lahat ng umapi sa akin? Lahat ng nanliit sa akin? Lahat ng nakagawa ng masama sa akin at sa mga kaibigan ko?” tanong niya. “Yesssss!!!” sagot sa tuwa ni Antonio pero biglang napasimangot.

“Hmmm…pero that would be bad dad. Kahit na demonyo ako di ko ata kaya gawin yon” bulong ng binata at napangiti ng malaki si Antonio at napatingin sa binatana. “You grew up well anak. Now sleep, and I will see you tomorrow” bulong ng ama niya sabay hinaplos ang mata ng binata sabay hinalikan sa noo at bigla silang nawala.

Nagising si Benjoe, nagulat siya pagkat nandon na siya sa kanyang kwarto sa condo. Pagtingin niya sa relo niya alas dose ng hating gabi. Natawa siya pagkat akala niya panaginip lang lahat pero biglang sumulpot sa harapan niya ang kanyang ama. Napasigaw yung binata na parang babae pero mabilis tinakpan ng ama niya ang kanyang bibig.

“Happy birthday anak. Go back to sleep now. See you in the morning” bulong ng ama niya.





Chapter 1: Benjoe

Ang sinag ng araw tumama sa kanyang mukha, minulat dahan dahan ni Benjoe ang kanyang mga mata at maingat siyang nag inat. “Happy Birthday to me” bigkas niya at narinig niya umikot ang door knob kaya agad niya pinikit ang kanyang mga mata at nagtulog tulogan. Narinig niya ang mga yapak na papalapit sa kanyang kama, nakilala niya ang amoy na pamilyar kaya alam niya si Kate yon.

“Happy Birthday bestfriend” narinig niyang binulong ng dalaga sabay naramdaman niya na may malambot na mga labi humalik sa mga labi niya. Binuksan niya agad ang kanyang mga mata at napangiti yung dalaga sa kanya. “Birthday gift ko sa iyo yon ha” sabi ni Kate. “The best gift bestfriend…first kiss ko yon” sabi ni Benjoe at nagulat yung dalaga. “Hala! Sorry ha. You mean to say you have not kissed Maya yet?” tanong ng dalaga at dahan dahan bumangon si Benjoe at huminga ng malalim.

“At sa tingin mo ba may pag asa ako sa kanya? Just look at me bestfriend” sabi ng binata at nakisiksik si Kate sa tabi niya. “Ikaw talaga masyado kang conceited e. You are such a good guy Benjoe. Hay, if only I was not with Art then for sure ikaw ang gusto ko maging boyfriend” sabi ng dalaga at napangiti si Benjoe. “Break up with him then” banat ng binata at natawa si Kate. “If it was that easy I would pero I really love him” sagot niya.

“Even if he does not treat you right most of the time?” tanong ni Benjoe. Napangiti si Kate at tinignan ang bestfriend niya. “I know, kaya minsan talaga parang ikaw yung boyfriend ko e because…hay ayaw ko pag usapan ito. Can we just focus on the fact na birthday mo today?” sabi ng dalaga. “Sorry ha and thank you for the wonderful gift you just gave me” sabi ni Benjoe at bigla siya niyakap ng dalaga. “Hindi Benjoe, thank you for always being there for me. I really love Art so please as I give him a chance to change promise me you will still be there” bulong ng dalaga. “Oo naman bes, always” sagot ni Benjoe sabay napayakap narin kay Kate.

Wala sila pasok pagkat Sunday kaya pagkatapos naligo ni Benjoe ay nanood muna yung tatlo ng isang DVD movie habang inaantay ang pagdating ng mga magulang ni Art. Halos hindi makapanood ang binata pagkat nahihiya na talaga siya pagkat tuwing kaarawan niya ang pamilya ni Art ang gumagastos para sa kanya. May kumatok sa pinto kaya agad niya niyuko ulo niya habang si Kate pumunta para tignan kung sino mga yon.

“Tita! Tito!” sigaw ni Kate at lalo nang nahiya si Benjoe. “Nasan na yung birthday boy?” tanong ni Alfredo na tatay ni Art. Tumayo si Benjoe at lumapit sa dalawang matanda habang si Art nanatili sa sofa at tinuloy ang pinapanood niya. “Hello po tito at tita” sabi ng binata at agad siya niyakap ni Julie na nanay ni Art. “Happy birthday anak, saan mo gusto kumain ngayon?” sabi ng matandang babae.

“Ah excuse me po, nandyan po ba si mister Benjoe Perez?” sabi ng isang binata na nakatayo sa may pinto. Lahat napatingin sa kanya habang tinaas ni Benjoe ang kamay niya. “Ah ako yon. Ano yon?” sabi niya. “Sir good morning po at happy birthday. Nandito po ako para sunduin kayo lahat. Kung ready na po kayo nag aantay po yung sasakyan sa baba” sabi ng binata. Napanganga si Benjoe at agad napatingin sa mga magulang ni Art. “Tito, tita, ano po ito?” tanong niya.

“Alfredo, did you do this?” tanong ni Julie. “Of course not. Iho ano ibig mo sabihin na susunduin mo kami?” tanong ng matandang lalake sa binata. “Sir para po sa party ni sir Benjoe” sagot ng binata. Tumayo si Art at tinignan ang mga magulang niya, “Ma, pa, umamin na kayo no” sabi niya. “Oh no, we don’t know anything about this. Wait, is this a prank?” tanong ni Julie.

“No madam, if you are ready I will be waiting for all of you downstair by the car” sagot ng binata sabay nauna na. Tumakbo si Kate papunta sa bintana at sumilip. “Wow! May dalawang itim na SUV sa baba! Tita bago ba kotse niyo…ay ayon pala yung chedeng niyo” sabi ni Kate kaya lahat napapunta sa may bintana.

Nakita nila yung dalawang SUV na itim at yung binata na may kausap sa phone niya. “Who are they?” tanong ni Art. “Well there is no harm in trying pero let me check their license plates” sabi ni Alfredo at nilabas niya ang phone niya. Nakita ng lahat na lumabas ang kanilang driver para pasimpleng kunin ang license plate numbers nung dalawang SUV.

Pagkatapos ng ilang minuto nagring ang phone ni Alfredo at agad niya sinagot. “Aha, I see. Okay salamat” sabi niya sabay tago ng phone niya. “Those SUV belong to a five star hotel and sabi nila para daw sa pag pick up ng guests for Benjoe’s party” sabi niya at nagulat ang lahat at napatingin sa binata.

“Ha? My party? Wag naman nap o kayo magbibiro. Kung kayo po talaga may surprise niyan sabihin niyo na po kasi nahihiya na talaga ako. Sobra na po gastos niyo para sa akin” sabi ni Benjoe. “Iho trust me wala kami kinalaman dito” sabi ni Julie. “Oh what the heck, party daw e di lets go. Verified naman pala na it belongs to a hotel and there is a party for Benjoe Perez. Don’t tell me there are lots of Benjoe Perez, tapos dito pa talaga pumunta sa apartment” sabi ni Art.

“Tutal bihis na kayo then lets go” sabi ni Alfredo kaya lahat sila lumabas ng condo at nagtungo sa dalawang SUV na nakaparada sa labas. Pumasok na sila lahat pero muling lumabas si Benjoe at tumakbo para tawagin ang driver ng pamilya ni Art. Pinilit niya ito sumama at hindi makatanggi yung matandang driver pagkat talagang binuhat siya ng binata. Tawa ng tawa si Kate sa loob ng SUV, tinignan niya si Art sabay ngumiti, “You should be more like him you know” sabi ng dalaga. “E di siya nalang boyfriend mo” sumbat ni Art at nalungkot ang dalaga kaya muli tinignan si Benjoe na pinipilit pumasok yung driver sa kabilang SUV.

Nakarating sila sa isang tanyag na five star hotel, nanginig pa si Benjoe habang papasok pagkat first time niya makapasok sa ganon na lugar. Kumapit si Kate sa kamay niya kaya kumampante ang loob niya. May isang babae na lumapit sa kanila at dinala sila sa doon sa party area.

Pagbukas ng main door nagulat si Benjoe pagkat ang daming tao sa loob. Namumukaan niya ang mga kaklase niya at mga barkada ni Art pero yung iba hindi na niya kilala. “Wow so many tables and so many food” bigkas ni Art. “Benjoe nanalo ka ba sa lotto?” tanong ni Kate at napakamot ang binata. “How I wish pero how did this happen?” tanong niya. “Sus tara na, libre naman e. Lets just enjoy your party hayaan mo na sino nagset basta libre” sabi ni Art at hinila ang bespren niya.

Sa center table sila dinala nung babae, pagkaupo nila agad nagkatahan ang lahat ng tao. Napatayo si Benjoe at talagang naiiyak pagkat hindi talaga niya inaasahan ang ganito. “Ben ayun pala o lolo mo” bulong ni Kate sabay turo sa isang gilid. Natuwa si Benjoe nang makita ang lolo niya at buong pamilya niya. Lalapit na sana yung binata sa kanila pero nakita niya si Tasyo na pasimpleng nagtuturo. Sinundan niya ang kamay ng lolo niya at doon sa isang sulok ng ng room nakita niya ang kanyang tatay na nakadamit waiter.

Ngumisi si Antonio sabay binigyan ang anak niya ng thumb up sign. Talagang naluha si Benjoe at agad siya inabutan ni Kate ng panyo. “Aw naiiyak si bespren” sabi ng dalaga. “Grabe this is too much” bigkas ng binata sabay upo.

Nagsimula pumila ang lahat sa may buffet table, tatayo narin sana si Benjoe pero biglang may humawak sa mga balikat niya. “Happy birthday sir, you don’t have to stand and line up. Your food will be brought to you shortly” sabi ni Antonio. Natuwa naman si Art at mga magulang niya pero si Benjoe agad tumalikod at hinawakan ang kamay ng tatay niya. “Dad thank you” bigkas niya at nagulat ang lahat ng kasama nya sa lamesa.

Tinapik ni Antonio ang kanyang noo, nag snap siya at biglang nanigas ang lahat ng tao sa buong kwarto maliban sa kanilang dalawa. “Oh wow” bigkas ni Benjoe at nabilib sa kapangyarihan ng ama niya. “Don’t call me dad in public. Alam nila lahat na dedo na kami diba? So stick to that story” sabi ng tatay niya.

“Pero dad, gusto ko kayo na makilala nila. They are like family to me already” sabi ni Benjoe. “I know anak pero ano sa tingin mo sasabihin nila? Na pinabayaan ka namin?” sabi ni Antonio. “E totoo naman diba?” hirit ng binata at nagbaga ang mga mata ng ama niya. “Don’t you say that ever again Saturnino!” sigaw ni Antonio sa napakalalim na boses kaya nanginig ang binata. “Sorry dad, I just wanted them to get to know you” bulong ni Benjoe.

“Anak, I understand you. Pero just stick to the story. Mamaya pagkatapos nito magbonding time tayo. For now just enjoy your party. Don’t feel sad already like your other birthdays na sila naglilibre sa iyo. Oo alam ko every birthday mo hindi ka nag eenjoy kasi nangingibabaw yung hiya. Starting from now you will never feel that again I promise you” bulong ng tatay niya at muling napapaluha ang binata. “So bibigyan mo na talaga ako ng madaming pera?” drama ni Benjoe at muling nagsnap ng daliri si Antonio sabay ngisi.

Ang mga bulsa ni Benjoe biglang napupuno, napaluhod na siya pagkat di na niya nakayanan ng bigat ng dami ng coins sa kanyang mga bulsa. “Dad naman e!” sigaw niya at tumawa ng malakas si Antonio. “O ayan makuntento ka na diyan” sabi niya. Dumukot si Benjoe ng isa mula sa bulsa niya, napakamot nanaman siya pagkat panay makalumang pera ng bansa ang mga yon. “Dad naman!!! Hindi ko magagastos ito e!” reklamo niya. “Oy excuse me! Collectibles yan no. Madami kaya ang gusto bumili ng mga old coins. Akala mo madali kumita ng pera. Ayan I gave you money worth millions of pesos tapos nagrereklamo ka? Di wag!” paliwanag ng kanyang ama sabay snap.

Nawala ang mga laman ng bulsa ni Benjoe at muli siya nagreklamo. “Okay lang dad” sabi ng binata sabay tumayo. “Sanay na ako sa wala. Pero dad maraming salamat dito sa party na ito, how I wish you could seat by my side on my birthday but I also understand your reason. So dad thank you” sabi ng binata at muling napapaluha ang kanyang ama. “Terible ang aircon dito masyado malakas pati yung mga small things nililipad tignan mo napuling nanaman ako…oh wait…they heard you say dad” sabi ni Antionio kaya isa isa niya nilapitan ang mga kasama ni Benjoe sa lamesa at pinagtuturo ang mga noo nila.

“What are you doing?” tanong ng binata. “Erasing their memory” sagot ng tatay niya. “Wow! So pati ako kaya ko magfreeze ng lahat ng tao tapos mag erase ng memory?” tanong ni Benjoe at ngumisi ang ama niya. “Yessss…kung tuturuan kita” landi ni Antonio sabay tawa. “Kailan?” tanong agad ng anak niya at nagulat ang demonyo. “Ohoho kahapon ayaw pa tanggapin demonyo siya, ngayon atat matuto hohoho. I will teach you later but for now just enjoy your party anak” sagot ni Antonio.

“Kahit wala sa oras, alas diyes palang ng umaga” bulong ni Benjoe at napakamot ang tatay niya. “Sabi nga niya maaga dapat nakinig ako” bigkas ni Antonio. “Sino nagsabi?” tanong ng binata. “Ah wala, yung parang consultant ko, oh well sorry anak. Alam ko dapat lunch time or gabi. I am a failure as a father” drama ni Antonio at bigla sila nagtawanan na mag ama.

“Salamat dad ha” sabi ni Benjoe. “Of course you are my only son, nakita mo naman all your friends are here, kahit hindi mo friend inimbitahan ko na hohohohoho. So just enjoy” sabi ng ama niya pero nagsimangot yung binata. “She is not here” bulong niya at tinapik ni Antonio ang kanyang noo. “Sabi ko na nga ba may kulang e!!!” sigaw ng demonyo at tumindi ang pagbabaga ng mata niya at dumagundong ang sahid dahil sa pagdadabog niya. Natawa si Benjoe at niyakap ang kanyang tatay. “Hey dad chill ka lang. Its okay, we can go bring her food later” sabi niya. “Yes yes yes ako bahala anak, sorry talaga. Enjoy here at may pupuntahan lang ako saglit, kasi yung listahan na binigay sa akin kulang!!!” sabi ng ama niya sabay snap ng daliri at lahat ng tao nakagalaw ulit.

Parang walang nangyari, lahat tinutuloy lang ang kanilang mga galaw. “Hoy Benjoe bakit ka nakatayo at nag acting na may kayakap?” tanong ni Art at biglang natauhan yung binata at tumawa. “Ha? Kunwari yumayakap ako at nagpapasalamat sa kung sino man yung nagpaparty” banat niya at nagtawanan ang lahat.

Sobrang saya ni Benjoe pagkat nakikita niya lahat ng dumalo ay nasarapan sa pagkain. Nagkatawanan sila, nagkantahan at nagkabiruan, at sa unang beses sa kanyang buhay talagang naenjoy niya ang kanyang party pagkat alam niya tatay niya ang naghanda para sa kanya.

Pagsapit ng ala una ay nagsiuwian na ang mga bisita. Hinatid narin sina Kate, Art at kanyang magulang sa kanilang condo habang si Benjoe nagpaiwan. Habang nag aantay sa harapan ng hotel may isang malaking delivery van ang huminto sa harapan niya. “Halika na sakay na” sabi ni Antonio at nagulat yung binata. “Saan tayo pupunta? At ano laman ng van?” tanong niya.

“Pupuntahan natin siya diba? At sabi mo dadalhan natin ng pagkain so eto van na puno ng pagkain” sabi ng tatay niya. “Daddy naman! Parang magbibigay tayo ng relief goods naman e. Di naman ganon e, gusto ko lang sana siya dalhan ng food galing sa party” paliwanag ng binata. “Oo nga eto nga puno ng food galing sa party, dalian mo habang mainit init pa” pilit ng tatay niya. “Dad! Nililigawan ko yon! Tatawanan ako non for sure or maiinsulto. Grabe may kaya sila dad tapos pupunta tayo don ganyan karami dala e di naman sila nasalanta ng delubyo” hirit ni Benjoe.

“Ang hina mo talaga anak! Kaya di ka niya sinasagot e. Eto na nga chance mo magpaimpress o. Well if you don’t like then hop in tapos itapon natin itong pagkain” sabi ni Antonio. “No! I have a better idea. Konti lang kukunin natin tamang tama for her family then the rest we give it to charity” sabi ni Benjoe sabay pumasok sa van. “Sino si Charity?” tanong ni Antonio at tumaas ang kilay ng anak niya. “Oo na nagpapatawa lang ako. Hay naku dalawang demonyo magbibigay ng pagkain sa charity, kumusta naman yon?” bulong ng ama niya at biglang natawa si Benjoe. “Dad its for a good cause naman pero tama ka nakakatawa nga, imagine two demons giving to charity when we should be taking from them” sabi ng binata at bigla sila nag laughing trip ng tatay niya.

Isang oras sila nagtagal sa bahay ampunan, sobrang sarap ng pakiramdam ni Benjoe nung sila ay paalis. “It feels so good giving to charity” bigkas niya habang si Antonio nakasimangot lang at buhat buhat ang pagkain para sa nililigawan ng anak niya. “I can see my halo halo halo halo…horns…halo halo halo” kanta ni Antonio at sumabog nanaman sa tawa ang binata. “Patawa ka pala dad?” sabi niya. “Ahem at namana mo naman ata diba?” pasikat ng tatay niya. “Well akala ko nadevelop ko lang yung talent na yon dahil sa hirap ko sa buhay kaya pinapasaya ko nalang sarili ko” sabi ni Benjoe.

“Oy kahit demonyo ako may namamana ka din naman sa akin no” sabi ni Antonio. “Hmmm…so ano naman ang namana ko sa nanay ko?” tanong ng binata at biglang tumahimik ang ama niya. “May van naman bakit kasi maglalakad pa tayo?” reklamo ng tatay niya. “Dad this is bonding and she just leaves near by naman. Oh look at that park dad, diyan ako lagi tumatambay lalo na pag natotorpe ako bisitahin siya” kwento ng binata. “Anak that is what you call stalking” sabi ng tatay niya. “Oo alam ko kasi pag pangit tawag stalking, pero pag gwapo secret admirer” bigkas ni Benjoe at napatingin ang demonyo sa kanya.

“At ano naman ang ginagawa mo diyan sa park? Naglalaro sa kiddy area?” banat ni Antonio. “No, I do play chess with the old people no. Teka baka nandyan yung lagi kong kalaro na matanda…ay wala ata siya ngayon ah” sabi ni Benjoe kaya tuloy ang lakad nila. Limang minuto pa at nakarating narin sila sa bahay ng kanyang nililigawan. Inabot ni Antonio ang pagkain sa anak niya sabay tumalikod.

“O dad di ka sasama?” tanong ng binata. “Ano ba sadya mo dito? Mamanhikan na ba tayo?” tanong ni Antonio. “Hindi po, bibisita lang” sabi ni Benjoe. “So hindi ako kailangan diyan pag mamanhikan ka na saka na ako sasama. Good luck anak” sagot ng tatay niya sabay naglakad palayo.

Huminga ng malalim si Benjoe sabay pumindot sa doorbell botton sa gate. Ilang segundo lang nagbukas ang pinto at isang magandang mestisang dalaga ang lumabas. “Uy Benjoe!!!” sigaw ng dalaga at medaling tumakbo papunta sa gate. Nagulat yung dalaga nung makita may dalang pagkain yung binata. “Hala bakit ka nagdala?” tanong ni Maya. “Ah kasi may party kanina at naisip kita” sagot ng binata.

Napangiti yung dalaga pero agad napasimangot, “Ben may bisita kasi ako” sabi ni Maya at napayuko konti si Benjoe pagkat kumirot muli ang kanyang puso. “Yeah its okay, kunin mo nalang to” sabi niya. “Kuyaaaaa!!!” sigaw ng isang batang babae na nakatayo sa may pinto. “Hello Mina” bait ni Benjoe at yumakap ang bata sa pinto at nagsimangot. “Di ka na nagvivisit dito” tampo ni Mina at napakamot ang binata.

Huminga ng malalim si Benjoe at tinignan si Maya. “Pwede ba pumasok?” tanong niya. “Okay lang sa iyo na may bisita ako?” sagot ng dalaga. “Lagi naman diba? Biro lang, makikipaglaro lang ako kay Mina para di na magtampo, pakainin ko narin kasi may fried chicken dito at favorite niya” sabi ni Benjoe. “Are you sure okay lang?” hirit ng dalaga. “Ganito naman lagi diba?” sagot ng binata kaya parang nahiya si Maya at pinapasok siya.

Pagkapasok ni Benjoe sa pinto agad nagpakarga si Mina sa kanya. Hindi na niya tinignan sino yung bisita ni Maya at dumiretso nalang sila sa may kusina. “Uy Benjoe..” bigkas ng dalaga. “Sige okay lang ako na bahala dito kay Mina. Attend to your suitor nalang” sabi ng binata habang inaayos niya yung pagkain sa lamesa. Pagkaalis ni Maya ay kinurot ni Mina ang pisngi ni Benjoe. “Kuya tagal mo na di punta dito wala na ako kalaro” sabi ng bata.

“Madami naman bisita ate mo ha bakit di ka makipaglaro sa kanila?” sagot ng binata at natawa pa yung kasambahay nila. “Ako na diyan Benjoe” sabi ni Insyang “Okay lang ate ako na. Kukuha lang ako ng pagkain ni Mina at doon nalang kami sa likod maglalaro as usual” sabi ng binata. “Chicken!!!” sigaw ni Mina at pupulot na sana pero tinignan siya ni Benjoe. “Sorry kuya. Wash hands muna tayo” sabi ng bata.

Sa likod ng bahay naupo si Benjoe at kandong niya si Mina. Enjoy na enjoy yung bata na kumakain ng manok habang nakatingala lang sa langit yung binata. “Sana lagi ka punta dito kuya” sabi ng batang babae. “Kung boyfriend ako ng ate mo lagi ako dito” sagot ng binata. “E di kaw nalang boypren niya” sumbat ni Mina at natawa ang binata. “Hindi ako gusto ng ate mo” sabi ni Benjoe.

“Gusto!” sigaw ni Mina. “Hindi!” bawi ng binata sabay kiniliti ang bata. “Gusto!” kulit ni Mina at napasandal si Benjoe at ngumiti. “Sana pero hindi naman. Mina chew your food” sabi niya. Ngumuya ng maayos ang bata sabay sinubo naman ang manok sa bibig ng binata. Si Maya palabas na sana ng pinto para makasama sila pero biglang napatigil.

“Kuya kahit di ka boypren ni ate punta ka parin dito para may kalaro ako” sabi ni Mina. Matagal di sumagot si Benjoe, si Maya nagtago sa likod ng pinto at nakinig. “Hay Mina, ayos lang sana pero masakit e” bigkas ng binata. “Bakit masakit?” tanong ng bata. “Mahal ko kasi ate mo e pero lagi ako minamalas. Lagi nalang pag dadalaw ako may nauna na pala kaya ikaw nalang kinakalaro ko para kahit papano ay nakikita ko parin siya kahit na masakit” sabi ni Benjoe at tinignan siya ng bata at walang naintindihan.

“Ayaw mo lang ako kalaro” tampo ni Mina. “Hindi…sige para sa iyo pupunta ako lagi dito para maglaro tayo” sabi ng binata. “Kahit masakit?” tanong ng bata. “Hayaan mo nasasanay naman na ako e at siguro wala naman talaga ako pag asa sa ate mo kaya ikaw nalang ang dadalawin ko dito” sabi ni Benjoe at natuwa yung batang babae. “Ikaw nalang boypren ko kuya” lambing ng bata at talagang natawa ang binata. Napahawak si Maya sa pinto at sinandal ang kanyang ulo, naglakas loob siya at lumabas.

Hinila niya yung isang monoblock sabay nakitabi sa binata at sinubuan naman siya ni Mina ng manok. “Sarap naman nito, saan party ka ba nanggaling?” tanong ni Maya. “Okay lang na nandito ka? Baka magtampo manliligaw mo” sagot ni Benjoe. “Pinaalis ko na, sarap talaga nito ha” sagot ng dalaga. “Ate naman akin yan e! Kagat ka lang wag mo ubos kasi!” sigaw ni Maya at nagkatawanan sila.

“Madami pa doon sa loob Mina, wag ka maging selfish dapat lagi ka magshare” sabi ni Benjoe kaya binigay ng batang babae ang manok sa ate niya. “Oh shoot!” biglang bigkas ni Maya at parang nanigas. “O why?” tanong ni Benjoe pero biglang lumapit ang dalaga sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Happy Birthday” bulong niya. Lumukso ang puso ni Benjoe at di makapaniwala, tumayo din si Mina sa lap niya at hinalikan siya sa kaiblang pisngi. “Happy birthday kuya” sabi ng bata.

“How did you know my birthday?” tanong ni Benjoe at ngumiti lang yung dalaga sa kanya sabay kumagat sa manok. “Basta alam ko” sabi ni Maya kaya sobrang saya ng kanyang puso sa mga sandaling yon. Tumayo si Maya at tinignan yung kapatid niya, “Bantayan mo si kuya ha, wag mo siya papauwiin, dito siya kakain at lulutuan ko siya” sabi ni Maya.

“Hala wag na” sabi ni Benjoe at tumaas ang kilay ng dalaga. “Wag ka na umangal birthday mo” sabi niya sabay pumasok sa loob. Lumabas si Insyang na may dala pang manok. “Ngayon lang magluluto yan para sa isang lalake” bulong niya sabay kinurot si Benjoe. Halos sumakit na ang mukha ng binata sa napakalaking ngiti niya, huminga siya ng malalim at ang simoy ng hanging parang napakatamis bigla.

Samantala sa may park, naupo si Antonio sa harap ng isang cemented chess table. May lumapit na matandang lalake sa kanya at agad nila inayos ang mga piyesa ng chess. “Nice cover, gumagaling ka na talaga” sabi ni Antonio. “You taught me well” sagot ng matanda at nagsimula na sila maglaro.

“Di ba dapat matandang babae ang form mo kasi babae ka” sabi ng tatay ni Benjoe sabay ginalaw ang piyesa niya. “At sa tingin mo ba kabilib bilib na may matandang babae na naglalaro ng chess?” sumbat ng matandang lalake at nagtawanan sila. “By the way I told you na magpapatalo ka lagi sa kanya sa chess para may pera siya diba?” sabi ni Antonio.

“Hindi ko talaga siya matalo talo kahit ano gawin ko” sagot ng matanda. “O bakit wala siyang pera? Saan napupunta yung panalo niya na pusta?” tanong ni Antonio. “Ayaw niya tanggapin” sagot ng matanda. “what do you mean ayaw niya tanggapin? Wala pera anak ko, pupunta siya dito para sumugal tapos sasabihin mo sa akin na lagi siya nananalo sa iyo pero ayaw niya kunin panalo niya?” pagalit na sabi ng demonyo.

“E sa ayaw nga niya tanggapin e. Kahit sino kapusta niya dito lagi siya nanalo pero ayaw niya kunin yung pera. Don’t blame me kasi pinipilit ko naman ibigay sa kanya pero ayaw talaga niya. Kahit magtanong ka sa ibang mga matatanda dito” sumbat ng matanda at napakamot ang demonyo.

Tinuloy nila ang kanilang laro, seryoso yung dalawa kaya hindi sila nagkikibuan. Nakalamang si Antonio kaya bigla siya tumawa, “Checkmate” sabi ng kalaro niya at napatayo siya sa gulat. “Ha? Imposible! Tinalo mo ako? Tsamba, lets play again” sabi ng demonyo at tawa ng tawa yung matandang kalaro niya.

Nakailang laro sila at laging talo si Antonio kaya niyuko niya ulo niya sabay ngumisi. “Dati hindi mo ako matalo talo nung bata ka Ayesha” bigkas niya. “Don’t call me by that name baka may makarinig. Kilala ako dito bilang Erning” sabi ng matanda. “Whatever, pero gumaling ka na sa chess ha” sabi ng demonyo. “Oo alam ko pero malungkot ako pagkat hindi ganyan ang inaasahan kong reaksyon mo, gusto kita magalit dahil natalo kita” sagot ni Erning at biglang tumawa si Antonio ng malakas.

“Bakit ako malulungkot e di mo matalo ang anak ko bwahahahahaha…bleh!” banat niya sabay dilat. Napasimangot si Erning at nag inat. “Kung di tayo kikilos ng mabilis baka di mo makakapiling ng matagal ang anak mo” sabi ng matanda at napasimangot si Antonio. “Oo alam ko, mukhang mahihirapan tayo sa kanya pero kanina natuwa ako pagkat willing siya matuto at parang tanggap niya na demonyo din siya tulad natin” sagot niya.

“Nasabi mo na ba sa kanya ang buong kwento? Alam ba niya ang pinapasa mo sa kanyang katungkulan?” tanong ni Erning at huminga ng malalim si Antonio. “Hindi pa at mukhang magiging problema yon. Di ko siya pwede biglain” sabi niya. “Di pwede biglain? Alam mo bang ilang bahay ampunan ang kanilang pinasok para hanapin siya? Ang dami nilang pinakalat na demonyo and for eighteen years bigo sila pero pinaghandaan nila ang sandaling ito at balita ko tagumpay ang kanilang eksperimento” sabi ni Erning.

“Anong eksperimento?” tanong ni Antonio. “For eighteen years sumubok sila gumawa ng demonyo na ipangtatapat sa anak mo…balita ko tagumpay sila at mukhang mas makapangyarihan pa siya kesa sa iyo” balita ng matanda at napataas ang dalawang kilay ng demonyo. “So ang tanong ko how are you na mas malakas nga itong anak mo kesa sa iyo?” hirit ng matanda.

“Call him by his name, sigurado ako mas malakas sa akin si Saturnino. Nararamdaman ko kapangyarihan niya na gustong lumabas sa katawan niya. Alam ko naramdaman mo din ito habang binabantayan mo siya diba?” sabi ng demonyo. “May time na akala ko ikaw siya, pero that time galit na galit siya kay Art pagkat napagbuhat niya ng kamay si Kate. Napatapon ako ng malayo by his mere anger” kwento ni Erning.

Napangiti si Antonio at pumalakpak, “You see I told you, and take note he was not even eighteen at that time. So imagine now na nasa tamang edad siya at bukas na ang tunay niyang kapangyarihan” pabida ng demonyo. “Oo alam ko pero ang problema mo ay kung tatanggapin niya itong lahat. Hindi lalabas ang tunay niyang kapangyarihan kapag hindi niya tinatanggap kung sino talaga siya” sabi ng matanda.

“Oo alam ko wag mo na ipaalala. Siguro kaya ko pa naman e” sabi ni Antonio. “Wag ka ganyan! Nung huling beses na nahanap ka nila muntik ka na namatay! Hindi ko alam ano o sino lumigtas sa iyo pero nagpapasalamat ako. Pag nawala ka at hindi papalit si Saturnino sa tungkulin mo magugunaw ang Pilipinas!” sermon ni Erning.

“Maghahari sila at maghahasik ng lagim. Wala nang pagtitirhan ang mga Pilipino. Pag nakita ng ibang mga bansa ang nangyari dito gagaya din sila at di magtatagal wala nang matitira sa mundo” bulong ng matanda at napangiti si Antonio at tumawa. “Nung bata ka nakita ko na matapang ka, kaya tinuruan kita. Hindi ka ganyan dati Ayesha, mukhang naimpluwensyahan ka ng kabaitan ng anak ko” sabi niya.

Sumimangot yung matanda at napatingin sa paligid. “Gusto ko mamuhay bilang normal na tao. Yun lang naman habol ko” sabi ni Erning. “Kaya wag kang mawawalan ng pag asa. Magtiwala ka kay Saturnino…anyway moving on. Ang hirap mo hagilapin, kanina pa kita umaga hinahanap” sabi ni Antonio.

“Alam ko, sorry busy din ako na nag eespiya sa kabila. Hindi madali itong trabaho ko” sagot ng matanda. “Oo nga salamat sa pagbabantay sa anak ko…pero Ayesha…bakit hindi mo sinama sa listahan si Maya?” biglang tanong ng demonyo.

Tumayo si Erning at tumalikod, “Pag may kailangan ka ipagawa saka mo nalang ako tawagin. Busy ako ngayon” sabi niya at tumawa ng malakas si Antonio. “Maya!” bigkas niya at napatigil si Erning at tumigas ang kanyang mga kamao.

“Maaaayaaaaa” landi pa ni Antonio at humarap si Erning sa kanya at nagbaba ang mga mata. “Bwahahahahahahaha buking ka na Ayesha” tukso ng demonyo. “Whatever” bigkas ni Erning sabay tuluyan nang lumayo.



SALAMANGKA: ANG TAGAPAGMANA
46 CHAPTERS, 567 PAGES
DARK FANTASY LOVE STORY (WHOLESOME)
EBOOK PDF FORMAT
PRICE: 350 PESOS


FOR SERIOUS BUYERS YOU MAY JOIN HERE


ALSO AVAILABLE

NEYBOR E-BOOK

Tuesday, December 14, 2010

NEYBOR E-BOOK




"Neybor"
by Jonathan Paul Diaz

21 Chapters
240 pages
E-book pdf format
200 pesos

A girl struggling with her relationship

One day a new neighbor appears

He happens to be mister right

To him she too is miss right

Will it be sad to belong to someone else

When the right one comes along?

Or will they find a way to be together?

Or will seeing each other's house bring pain?



For a preview of the story (Prologue and Chapter 1)



for those who will buy please join the group (sure buyers only)

all payment details are found in the group discussion board

Salamangka e-book still available
46 chapters
567 pages
Dark Fantasy love story
(non erotic)

price: 350 pesos

Misadventures of KBJ: Kiko Magic

Misadeventures of KBJ

Jonathan Paul Diaz



Kiko Magic

Dalawang araw nalang at new year na. Si Kiko nakatambay sa loob ng store kasama si Wima at sinasabayan nila yung kanta sa radyo. May dumating na magsyota na tumambay sa harap ng store. Sweet sila sa isat isa at nagtutukaan sa labi. “Ano ginagawa nila?” bulong ng bata. “Nagkikiss sila” sagot ni Wilma at natawa si Kiko.

“Excuse me po mag boyfriend at girlfriend kayo ate at kuya?” tanong ni Kiko at napangiti ang magsyota at sinilip ang bata sa loob ng screen. “Oo sinagot niya ako nung Christmas” sagot ng binata. “Sinagot?” tanong ni Kiko at natawa ulit yung magsyota. “Kasi niligawan ko siya ng matagal na tapos nung Christmas niya lang ako sinagot” sabi ng binata.

“Nalilito ako Wilma. Ibig mo sabihin pag kinakausap siya nung boy dati hindi siya pinapansin?” tanong ng bata at lalo natawa ang magsyota. “Sige tawanan niyo pa loko kayo makakatikim din kayo” bulong ni Wilma. “Hindi kasi noon kaibigan ko lang siya pero pag gusto ng lalake maging girlfriend ang babae dapat ligawan niya. Niligawan ko siya at nung Pasko pumayag na siya maging girlfriend ko siya” paliwanag ng binata.

“Ahhhh ate ang ganda mo” sabi ni Kiko at napangiti ang dalaga at nakita nila nilabas ng bata ang ulo niya sa screen at tinitigan ang binata. “Ate maganda ka” ulit niya at medyo napakamot ang binata at tinitigan ang bata. “Bagay kami no?” tanong niya pero si Kiko lalo siya pinagmasdan. “Maganda girlfriend mo kuya” sabi ni Kiko. “Oo nga e kahit di mo na sabihin yon alam ng lahat yon” sabi ng binata. “Di kayo bagay” pahabol ng bata at natawa bigla si Wilma at hinila ang bata sa loob ng screen.

Tinawanan lang ng binata ang sinabi ng bata at tinuka sa labi ang girlfriend niya. “Kaya naman pala ayaw sagutin non baka natatakot pa sa itsura pero nung Pasko baka lumabo mata ni ate” sabi ni Kiko at nagtakip ng bibig si Wilma, ang dalaga sa labas natatawa din pero ang nobyo niya medyo naiirita na.

“Ate at kuya kiss nga ulit kayo” sabi ni Kiko at game na game naman nagtukaan yung dalawa. “Kuya para kang kuhol” banat ni Kiko at napatayo na ang binata sa inis. “Wilma mas gwapo ka pa sa kanya” hirit ng bata at talagang nag walk out ang magsyota at nagtawanan si Wilma at Kiko. “Cute boy dapat wag mo nilalait ang ganon. Kasi alam mo ang pag ibig ay bulag” paliwanag ng bading. “Oo alam ko, kitang kita ko nga pero Wilma mas gwapo ka pa kay kohol e” pilit ng bata.

“Talaga?” tanong ng bading. “Oo kaya. Pero kung yan ang gusto mo wala tayo magagawa. Kasi ikaw na yan e” sabi ni Kiko. “Ah oo nga di mo na ako tinutukso” sabi ng bading. “Tinatawag parin kitang bakla pag wala ka” kwento ni Kiko sabay pacute. “Pero pag kasama mo ako?” tanong ni Wilma. “Hindi kasi di mo ako pagbentahan” sabi ng bata at nagtawanan yung dalawa.

“Wilfredo pano ba manligaw?” tanong ni Kiko at medyo nairita ang bading. “Ano alam ko diyan gawain ng lalake yan” sagot niya. “E lalake ka naman e siga na pano ba?” tanong ng bata. “Bata ka pa” sabi ni Wilma. “Bakla ka” bawi ng bata at talagang nag iinit na ang ulo niya. “Fine, bigyan mo ng rosas or regaluhan mo tapos ipakita mo intensyon mo na mahal mo siya o gusto mo siya” paliwanag ng taga benta.

“Ahhh alam mo kuya pag niligawan mo yung girl kanina mas bagay kayo” hirit ni Kiko sabay tumayo sa may pinto at nagpacute. Kumunot ang noo ng bading sabay kumuha ng isang malaking Chippy. “O yan cute boy Merry Christmas” sabi ni Wilma at nagtaka ang bata. “Sige na kunin mo na at umalis ka na dito” sabi ng bading ay nagpacute ulit ang bata at kinuha ang junk food.

Pag alis ni Kiko napatingin si Wilma sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

Palakad lakad ang bata at napadaan sa bahay nina Doray. Ang batang babae naglalaro sa likod ng bahay at si Kiko slow motion kumakain ng Chippy at iniinggit siya. “Kiko ano yan?” tanong ni Doray. Pero tuloy ang palanding kain ng batang lalake at tinaas ang isang kilay niya. “Ano nangyari sa fence niyo?” tanong ni Kiko.

“May nagtanggal e. Galit nga si mommy. Ayaw na niya ako maglaro dito kasi wala daw fence. Si daddy naman busy sa work di magawa” tampo bata. Narinig ni Doray ang boses ng nanay niya at biglang natakot. “Gusto mo?” alok ni Kiko at napangiti ang batang babae. Lumapit si Doray para humingi pero si Kiko tumalikod at slow motion naglakad, palingon lingon para ipakita ang pagsubo sa junkfood. “Bad ka!” sigaw ni Doray sabay tumakbo papasok ng bahay nila.

Sa tapat ng bahay ni Layla tumayo si Kiko at nakita ang kaibigan niya sa bintana ng kanyang kwarto. “Kiko penge!” sigaw ng batang babae. “Halika lapit ka” sagot ng batang lalake. “Wait mo ako diyan baba ako” sabi ni Layla at pinaspasan ni Kiko ang pag ubos sa junk food. Paglabas ni Layla kita niya punong puno ang bibig ni Kiko at wala nang laman ang supot. “Sabi mo bibigyan mo ako” tampo ng batang babae sabay simangot. Si Kiko niluwa ang nanguya na niyang junk food sabay binalik sa supot. “Kuha ka” sabi niya sabay ngisi. “Bad ka!” sigaw ng batang babae sabay tumakbo papasok ng bahay.

Naglibot libot si Kiko at napatigil nung may nakitang mga magkapatid na nagpapalimos. Nakaupo ang magkapatid sa isang sulok at pinagmamasdan siya. Niyuko ni Kiko ulot niya sabay nilabas ang kanyang mga bulsa para makita nila na wala siya maibibigay. Naglakad palayo si Kiko pero awang awa siya sa magkapatid.

Nakalayo si Kiko at nakita ang binatang tinutkso niyang kuhol na nakahawak sa isang mahabang ladder na nakasandal sa puno. Nagkatitigan sila pero nagpacute si Kiko at lumapit. “Kuya ano yan?” tanong niya at ngumiti ang binata at tinuro ang taas ng puno. “Wow tree house” bigkas ni Kiko. “Oo ako gumawa niyan. Diyan kami mag date ng girlfriend ko” sabi ng binata.

“Date?” tanong ng bata. “Ah yung magsasama kami tapos may pagkain tapos kakain kami ganon” sabi ng binata. “Diyan kayo sa tree house?” tanong ni Kiko. “Oo kaya aakyat ako para siguraduhin ko matibay” sabi ng binata at nagsimula nang umakyat sa ladder. “Kuya pano tong food mo?” tanong ni Kiko. “Diyan muna yan, sisiguraduhin ko muna kung matibay. Kaya doon muna ako sa taas para sigurado kaya niya kami. Sayang naman pag idadala ko na food tapos masisira pala yung tree house” paliwanag ng binata. “Sige kuya” sabi ni Kiko at naglakad palayo pero napalingon ulit at tinignan ang binata sa tree house na kumakaway sa kanya.

Pagsapit ng dilim umuwi si Kiko at galit si Catherine nang makita may butas ang shirt niya. “Kiko ano nanaman nangyari sa iyo?” tanong ng nanay niya. “Wala po mommy” sagot ng bata at dumiretso ito sa second floor at sa terrace tumambay.

Sa labas ng bahay nakatambay sina Fred at Catherine at nakita nila ang anak nila sa taas na malungkot at nag huhum ng kanta. “Ano kaya nangyari sa kanya he looks so sad” tanong ni Fred. “Di ko nga alam…pero shhhh kumakanta ata” sabi ni Catherine kaya nakinig sila.

Si Kiko malungkot ang mukha nakahawak sa railing. “Ang disyembre ko ay malungkot…pagkat sad ako” kanta niya at biglang nagtawanan ang magulang niya sa baba. “Ano man pilit kong magsaya…bad daw ako” drama niya sabay tumayo at pumasok na sa bahay. “Malamang may nagawa ulit yan” sabi ni Fred. “Tara kausapin natin” sabi ni Catherine.

Sa bahay nina Doray kauuwi lang ng tatay ng bata kaya masaya siyang sinalubong sa labas. Nagulat ang mag ama pagkat may bago silang kakaibang fence. “Sino gumawa nito?” tanong ng tatay niya. “Di ko po alam daddy wala naman yan kanina” sabi ng bata at natawa nalang ang matanda pagkat maliit nga yung fence at parang parte parte ito ng isang ladder.

Sa malayo masaya ang pulubing magkapatid nang pabalik sa sila sa kanilang tirahan na kariton. Nagulat ang nanay nila pagkat may dala silang pagkain at martilyo at lagare. “Saan niyo nakuha mga yan?” tanong ng matanda. “Inay yung isang bata doon pinagtrabaho kami maglagay ng bakod tapos eto bayad niya sa amin pagkain” sabi ng isang bata at tuwang tuwa talaga sila nagsalo salo sa masarap na pagkain.

Samantala sa store tumambay ang magandang dalaga at halatang may hinahanap. Bumukas ang pinto ng store at lumabas ang isang machong Wilfredo. “Good evening miss you seem worried” banat niya sa malalim na boses. “Ay hello. Nawawala kasi boyfriend ko e” sagot ng binata at si Wilfredo hinila ang upuan at inalok sa dalaga. “Here have a sit while waiting. Samahan kita para di ka mahibang” sabi niya. “Uy salamat ha…teka ikaw ba yung nagbabantay dito?” tanong ng dalaga.

“Oh ako nga” sagot ni Wilfredo. “Ah akala ko yung bading e” hirit ng dalaga. “Ah yon wala yon. Trabahador lang yon dito pero pinauwi ko na kasi malandi. Mula ngayon ako na magbabantay dito. Hi ako pala si Wilfredo, but you can call me Wilm..Wil lang” sabi ng binata at nagkamayan sila ng dalaga.

After dinner nagtungo si Layla sa loob ng kwarto niya at nagulat siya pagkat may malaking Chippy sa kama niya at isang chocolate bar na maliit. Napangiti ang batang babae at agad dumungaw sa bintana niya. Napansin niya sa dulo ng bubong na may punit na tela kaya lalo siya napangiti. “Thank you Kiko” bigkas niya.

Sa isang madilim na lugar, sa tuktok ng napakataas na puno nanginginig sa takot ang isang binata sa loob ng tree house.

“HELP! Saklolo! Di ako makababa!”



- Ten days before Christmas...

MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE!!!

early greeting because i really am taking a vacation. Ive decided to rest and come back January. I wanted to work on the ebooks i am sure zero wont be reached soon enough or wont be reached at all so instead i will use the vacation time for relaxation.

For the Neybor ebook, its already complete. Editting has been done and i am just waiting for the book cover (oo nagpaparinig ako LOL...inuna pa kasi book cover ng bespren e ahahaha) Anyway it might be ready by the end of the week and the complete e-book will be ready by Monday or earlier. I am just saying the e-book is ready...alam niyo na ibig ko sabihin.

For those requesting Salamangka Book 2, I know you loved the just released book 1 so konting tiis lang. Mahirap gumawa ng ganon na kwento but for sure si Maya parin ahaha...galit na ang Ayesha fans o nyahahaha. Pero malay nito diba?

Sisilip silip nalang ako from time to time to update the counters.

G's group ano ba talaga RESBAK o Bespren:Mico and Aya? Ang gulo ng email niyo dalawa e. Make up your mind ASAP! TIME IS GOLD!!!


HAPPY HOLIDAYS TO EVERYONE!!!

Neybor Final Preview

Prologue

Nakahawak ng mahigpit ang binata sa manubela, binagalan niya ang kanyang patakbo ng kotse at masayang binasa ang malaking arko sa daan. “Welcome to Baguio” bigkas niya, huminga siya ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Isang malakas na busina galing sa kotseng sumusunod sa kanya, hindi niya ito pinansin ngunit paulit ulit ang ingay.

Nilabas ng binata ang kanyang kamay sa bintana sabay sumenyas, “Lumipad ka kung gusto mo!!” sigaw niya sabay tawa. Nag overtake ang kotseng nasa likuran niya at tumabi, bago pa masigawan inunahan na ng binata ang driver ng kabilang kotse. “Patawad po bagong salta lang po ako dito. Sorry po nagagandahan lang ako sa lugar. Sorry sa abala” sigaw niya. Ang lalakeng driver ng kabilang kotse nabura ang galit sa mukha at napangiti. “Enjoy your stay nalang pare!” sumbat niya sabay bumarurot na nauna.

Nakahinga ng maluwag ang binata, ilang minuto pa ay tumigil siya sa isang gasolinahan at bumili ng local newspaper. Agad niya tinignan ang advertisements at naghanap ng house for sale. Walang alam ang binata tungkol sa siyuadad na ito kaya nagtungo siya sa counter at nagtanong. “Excuse me miss, sa tingin mo magandang lugar ba itong Irisan?” tanong niya. “Ah sir malayo po yan from the City” sagot ng dalaga.

Napakamot ang binata at nagturo ulit ng isang address, “Eto kaya miss maganda kaya sa lugar na ito?” tanong niya. “Naghahanap ba kayo ng bahay na tutuluyan pansamantala o permanent? Kasi po pag bakasyon lang madaming magagandang inn at motel close to the city” sabi ng dalaga. “Ah permanent, dito na ako sa Baguio titira sana pero gusto sana yung magandang lugar. Tahimik, walang gulo, pero siyempre maganda parin ang tanawin. Kahit malayo sa city ayos lang basta magandang lugar” paliwanag ng binata.

“Ah okay, sir piliin niyo nalang yung mga rich sounding places sigurado ko maganda don” sabi ng cashier at natawa ang binata. “Richville?” tanong niya at natawa ang dalaga sabay tinignan ang diyaryo. “Actually sir meron talagang Richville dito, ayan o” turo ng dalaga at lalong natawa ang binata. “Bisitahin niyo nalang po lahat para makapili kayo, cross out ko nalang po mga lugar na di maganda” sabi ng dalaga sabay kumuha ng ballpen at ang dami niyang inekisan.

“Grabe naman, ano ba yung mga lugar na yan pugad ng mga kriminal?” tanong ng binata at natawa yung dalaga. “Grabe ka naman sir, peaceful naman po dito sa Baguio. Ang mga lugar na inekisan ko kasi heavily populated at close sila sa mga universities kaya for sure ayaw niyo doon” paliwanag ng dalaga. Tinignan ng binata ang diyaryo at napakamot, “So itong mga natira ano ang pinakamalapit?” tanong niya. Tinuro ng dalaga ang isang address, “Eto sir diyan lang po sa malapit yan, siguro five minutes drive” sabi ng dalaga.

Doon sa lugar na yon nagtungo ang binata, lalong lumaki ang ngiti sa mukha niya pagkat ang lugar na yon kokonti talaga ang bahay, magkakalayo pa ang agwat sabay napakadaming puno sa paligid. Dahil hindi kabisado ang lugar nagtanong ang binata at pinaturo kung saan yung for sale na bahay na nakalagay sa diyaryo.

Limang minuto pa nakarating siya sa isang liblib na lugar, mataas ito, malawak ang lupain at dalawang malaking bahay lang ang nandon. Nakita ng binata ang “For Sale” sign sa tapat nung isang bahay kaya agad niya pinarada ang kotse niya. Tumayo siya sa harapan ng bahay at pinagmasdan ito maigi.

Two storey ang bahay na may terrace pa second floor, wala na siya masyado makita pagkat may malaking itim na gate sa harapan. Nakarinig siya ng pagbukas ng gate, sa katabing bahay ito pero di niya pinansin at tinitigan parin ang binebentang bahay. “Hello, are you looking for a house?” tanong ng isang dalaga.

“I am looking at a house” sabi ng binata sabay himas sa kanyang baba. Natawa konti ang dalaga sabay tumabi sa binata. “Two storeys yan tapos malawak sa loob” sabi niya. “Fairy tale ba yung isa?” tanong ng binata at napatigil konti ang dalaga at napangiti. “Oo at yung isa horror” sumbat niya at bigla sila nagtawanan. Tinignan ng binata ang dalaga, napanganga ito konti pagkat ang ganda niya. “I like it here already” biro niya at nginitian siya ng dalaga. Ang dalaga ay may mahabang itim na buhok, may hati konti at bahagi ng buhok ng dalaga tinatakpan ang kalahati ng mukha niya. Bilugin ang mga mata ngunit dahil sa pag ngiti ay sumisingkit ang isang mata, maputi at makinis ang kutis, matangos konti ang ilong at maliliit na labi.

Ang binata naman matipuno ang pangangatawan, clean shaven at halatang bagong gupit. Matagal siya pinagmasdan ng dalaga pero ang binata titig na titig sa bahay at tuloy ang paghihimas sa kanyang baba.

“Are you going to buy a house?” tanong ng dalaga. “Well kung hindi ibibigay sa akin ng libre I have no choice but to buy it” sagot ng binata at muli nagtawanan yung dalawa. “That house is nice” sabi ng dalaga. “Yes because the girl next door is very pretty” sagot ng binata at biglang nagblush ang dalaga sabay bangga sa binata. “A house is an investment, kailangan mo siya piliin mabuti. Look here looke here” sabi ng dalaga sabay binuklat ang isang folder.

“Log cabin house siya made of top quality lumber kaya kahit maginaw dito sa Baguio its cozy inside” paliwanag niya. “Ay kaya nga ako pumunta dito sa Baguio para maramdaman ko yung ginaw e” banat ng binata. “E di sa labas ka ng bahay matulog” sumbat ng dalaga sabay pacute. Natawa ang binata at napakamot, “Look look…tapos may fireplace din siya then a big kitchen, it has four rooms. One sa first floor, tapos tatlo sa second floor. The master’s bedroom has its own bathroom, bale may tatlong bathroom lahat kasi isa pa sa second floor tapos isa pa sa baba” sabi ng dalaga.

“Wala sa labas? E pano na ako iihi at jejebs pag sa labas ako matutulog?” biro ng binata. “Ayan o ang daming puno, labas ka ng gate mamili ka nalang” sumbat ng dalaga. Nagpigil ng tawa ang binata, nabara nanaman siya. “Parang ayaw ko na bilhin to ah” sabi niya at napasimangot ang dalaga. “Nagbibiro lang naman ako e, sige na bilhin mo na yan” lambing ng dalaga.

Tinitigan ng binata ang bahay sabay huminga ng malalim, “Bakit parang desperate kang ibenta ito?” tanong niya. “Kasi if ever ito yung unang house na mabebenta ko tapos magkakaroon ako ng commission from my dad. Daddy ko kasi nag build niyan e” sabi ng dalaga. “Ah I see, pero parang may kulang kasi e. Parang di ko masyado makita kagandahan ng bahay na ito” sabi ng binata.

“Kasi po masyado kayo malapit sa gate…come step backwards” sabi ng dalaga sabay hila sa binata at sabay sila umatras. Napangiti ang binata at natanaw na ang buong ganda ng bahay. “Maganda…” bigkas niya. “See told you” sabi ng dalaga. “Ka…” pahabol ng binata. “Ano?” tanong ng dalaga at tumawa nalang yung binata sabay kamot sa ulo.

“Come here o, may bench dito. Pinagawa talaga ni daddy. Come sit para di ka mapagod sa pagtitig sa house” alok ng dalaga at naupo sila sa isang wooden bench na may shade. “Purpose nitong bench para mapagmasdan mo ng husto yung house or para makapaglaway ka pag di mo afford” biro ng dalaga sabay tawa. “How much is it?” tanong ng binata. “Well…it depends if you will make tawad pa” lambing ng dalaga. Natawa ang binata at huminga ng malalim, “Magkano ba talaga…with patong…so don’t tell me how much the patong” sabi ng binata.

“Kasi naman si daddy gumagawa, tapos si mommy yung business talk. Magaling siya magbenta. E may gusto ako bilhin kaya sabi ko can I try to sell this house para di na ako mag ask sa kanila ng money” daldal ng dalaga. “Magkano nga?” hirit ng binata. “Ten” sagot ng dalaga. “Great! I have twenty, so can I buy two?” banat ng binata sabay naglabas ng bente pesos. “Ten million” sabi ng dalaga sabay simangot.

“Yen?” hirit ng binata. “Pesos!” pagalit na sumbat ng dalaga at natawa ang binata. “Alam mo dapat malawak ang pasensya mo pag nagbebenta ka ng ganito. Wag ka agad magagalit” paliwanag ng binata. “Hindi naman ako galit, look im even smiling, ten million! Pesos!” sigaw ng dalaga sabay ngiti. “Okay, kasama ba itong bench?” tanong ng binata.

“Sure, gusto mo ito nalang kama mo sa master’s bedroom? Pwede naman natin ipapasok ito” banat ng dalaga. “Ayos, pero alam mo parang di maganda yung kulay” sabi ng binata. “Okay lang pwede mo naman palitan paint after, sagot ko na yung watercolor na magagamit mo” lambing ng dalaga at muling nagtawanan yung dalawa. “Sa tingin mo makakabenta ka pag ganyan ka?” banat ng binata at nagpacute ang dalaga. “Oo kasi magsosorry din lang naman ako after e” lambing niya.

Pinagmasdan ulit ng binata ang bahay sabay ngumiti, “Okay ten million it is. So how will we do the transaction?” sabi niya at sobrang natuwa ang dalaga at napakapit sa braso ng binata. “Talaga bibilhin mo siya? As in youre going to buy it?” tanong niya at inuga uga ang binata. “Aray! Nanakakit ka na” sabi niya. “Ay, sorry. Gusto mo tawag na ako ng medic or rescue team?” lambing ng dalaga at muli sila nagtawanan.

“Seriously I am going to buy this house” bigkas ng binata. “Hmmm okay can you come back tomorrow kasi wala sina mom and dad. Sila mag aayos ng paper work and stuff pero sa akin mo ibibigay yung money” sabi ng dalaga. “How would you like to get paid?” hirit ng binata. “Hmmm mas maganda pag coins lahat, kahit tig pipiso nalang” banat ng dalaga.

Nagpigil ng tawa ang binata sabay ngisi, “Sure I can do that” sabi niya. “Would you like to go inside?” alok ng dalaga at naglakad ang binata patungo sa kabilang bahay. “Tara” game na game niyang binigkas. “Not in our house, dito o” sabi ng dalaga. “Ay dito ba? Hindi na. Akala ko naman pagmemeryendahin mo ako kasi pagod ako sa biyahe. I just came from Manila” sabi ng binata. “If youre really going to buy the house treat nalang kita to lunch pagkatapos mo magbayad” sabi ng dalaga at muli sila nagtawanan.

“Parang ako na din lang nag treat ng lunch” sabi ng binata. “Not really kasi once you pay di mo na pera yon. Akin na yon so its my treat” paliwanag ng dalaga. “Ganon parin yon, pinahaba mo lang e” bigkas ng binata. “Please come back tomorrow ha” sabi ng dalaga. “Can I take a picture?” tanong ng binata. “Oh sure sige lang no, go ahead take as many as you want” sagot ng dalaga.

“Not the house, you” sabi ng binata. “Me? Why me?” tanong ng dalaga. “Kasi when I buy that house its empty. So if I have your picture, I can have it printed and framed para naman kahit papano may maganda akong display kahit wala pa ako gamit” paliwanag ng binata. Muling namula ang mga pisngi ng dalaga at ngumiti. “Game” bigkas niya. Nilabas ng binata ang phone niya at agad kumuha ng picture. “Thanks ha” sabi niya.

“Can I take your picture too?” lambing ng dalaga sabay nilabas din phone niya. “Bakit pa?” tanong ng binata. “So I know who to make pakulam if ever you don’t return, smile” paliwanag ng dalaga sabay kuha ng picture. “Ay oo pala I will need also one strand ng hair mo” sabi ng dalaga sabay bumunot ng buhok ng binata. Nagtawanan sila saglit at sabay pinagmasdan ang bahay.

“Some say its difficult choosing the right house to buy pero ang dali lang pala” bigkas ng binata. “Anyway my wife and kids will love this house for sure” hirit niya at napansin niya na nabura ang ngiti sa mukha ng dalaga at napalitan ng munting simangot. “Sige balik nalang ako bukas” sabi niya sabay nagtungo sa kotse at pumasok. Nakatayo lang ang dalaga sa tapat ng bahay, dumaan ang kotse sa harapan niya. “How many kids do you have?” tanong ng dalaga. “None yet” sagot ng binata. “Ah gagawa palang kayo ng wife mo” sabi ng dalaga. “If I find the right girl to marry” sagot ng binata.

Napakamot ang dalaga at nahilo konti, “But you said your kids and wife will love this house?” tanong niya. “I was speaking future wise, sa kasalukuyan ako palang titira diyan” sagot ng binata at nanumbalik ang ngiti sa mukha ng dalaga. “Hey…we didn’t exchance names” bigkas ng dalaga. “We can do it tomorrow, for now you can start calling me…”

“Neybor”




Chapter 1: Kalayaan

Nagising ang binata at dahan dahan minulat ang kanyang mga mata. Mainit ang buong katawan, may makapal na comforter blanket sa ibabaw ng katawan niya. Napalingon siya sa paligid at napangiti, hindi ito ang kanyang kwarto na araw araw ginigisingan. Huminga siya ng malalim at naalala na niya lahat, nasa isang magarang hotel siya sa Baguio at ito ang unang araw ng kanyang kalayaan.

Bumangon ang binata at binuksan ang kurtina, lumabas siya sa terrace at namangha sa magandang tanawin. Medyo madilim pa sa labas pagkat hindi pa sumisikat ng todo ang araw, ang simoy ng hangin sariwa kaya nag inat siya at biglang niyakap ang sarili pagkat naramdaman ang matinding ginaw. Bumalik sa loob ng kwarto ang binata at tinignan ang phone niya, ang daming missed calls at text messages pero hindi niya ito binasa at agad pinagbubura.

Pagkatapos maligo agad siya nagbihis at nagtungo sa restaurant ng hotel para mag almusal. May ibang mga tao don, masayang kumakain kaya naupo ang binata at pilit tinago ang nararamdaman niyang ginaw. Nang matapos kumain bumalik ang binata sa kwarto at inayos ang kanyang gamit, naupo saglit sa kama at muling napangiti nang maalala ang bahay na kanyang bibilhin.

Nagtungo siya sa counter para magcheck out, binati siya ng magandang ngiti ng dalagang receptionist. “Mister Sebastian Del Mundo?” tanong niya. “Yes, checking out please” sagot ng binata. “Okay na po sir, bayad na po lahat” sabi ng dalaga. “What do you mean bayad na lahat? I haven’t paid yet” sabi ng binata at muling napatingin sa computer ang receptionist. “Sir okay na po. You bill has been settled already” sabi ng dalaga.

Napahaplos sa noo ang binata at napailing, “Paid by mister Del Mundo?” tanong niya. “Mrs Del Mundo po” sabi ng receptionist at napabuntong hininga ang binata at natawa nalang. “How the hell did they know I was even here?” bigkas niya at di sumagot ang dalaga at nanatiling nakangiti. “Oh well, can I ask where the banks are located?” tanong ni Sebastian. “Sir, most of them are located along Session Road but they open at around nine” sagot ng receptionist.

Napatingin ang binata sa kanyang relo at nakitang alas siyete palang. “Ah sir wait, I checked and you are paid for one whole week” sabi ng receptionist at muling napahaplos sa noo si Sebastian. “Give it away” sagot niya. “Sir I cant do that, and we cannot even offer a refund” sabi ng dalaga. “Its yours then, use the room” sabi ng binata.

Ngumiti ang dalaga pero napasimangot, “Sorry sir di pwede ganon” bulong niya. “Hmmm well may kaibigan ka? Ayan treat mo sila. Bayad naman na e. Or relatives mo, ikaw na bahala. Bayad naman na e” sabi ng binata. “E sir I cant do that. And you might change your mind, I will just leave the room vacant” sagot ng receptionist. “Oh I wont be back, I am buying a house today. Look its paid for seven days, I used up one. Ikaw na bahala sa six days, don’t worry its our secret. If you need me to sign papers afterwards I will leave my phone number” sabi ni Sebastian.

Ngumiti ang dalaga at dahan dahan lumingon sa paligid, wala doon ang manager kaya mabilis niyang tinago ang record sheet ng binata. “Thank you sir” bulong niya. “Ei what can I do along Session road for two hours?” tanong ng binata. “First time in the city?” tanong ng dalaga. “Parang ganon, I was here before but we were kids” sagot ng binata. “Well you can walk, siguro malilibot niya ang Session road two to three times” sabi ng dalaga. “Hindi kaya ako mawawala?” tanong ni Sebastian at natawa yung dalaga.

“Hindi po sir maliit lang ang Session road. It’s the central business district of the city. So most of everything you need will be there” paliwanag ng receptionist sabay abot ng isang calling card. “Elizabeth Cordero” bigkas ng binata. “Call me Eli” sabi ng receptionist at nagkatitigan sila. “Just in case mawala kayo, I may give you instructions” pahabol ni Eli. “Sabi mo maliit lang Session road, tinatakot mo na ako nito e. Anyway just kidding, sige salamat sa tulong” sabi ng binata sabay agad umalis.

Nakaparada sa tapat ng banko si Sebastian pero maaga pa. Naglibot libot muna siya at tuwang tuwa pagkat kay layo na ng nalakad niya at hindi pa siya pinagpapawisan. Tulad ng sabi ni Eli nalibot niya dalawang beses ang Session road, pagkabalik sa kotse bukas na yung banko. Tumuloy siya sa loob at nagtungo sa may manager’s office. Isang matabang matandang lalake ang nakaupo sa harapan ng mesa at may mga papeles na pinipirmahan.

“Excuse me sir, I would like to inquire about my account” sabi ng binata. Hindi siya pinansin ng manager, “Sa labas ka magtanong” sumbat nito. “My account is in Manila and I requested that my funds be transferred here” hirit ni Sebastian at biglang napatingin sa kanya ang matanda. “Mister Del Mundo?” tanong nito. “Opo sir” sagot ng binata kaya agad tumayo ang manager at nagbago ang mood nito.

“Oh my God I am sorry sir, please sit down. Your account is ready here sir and your parents actually deposited more funds yesterday. Oh I am Geronimo Alcantara, you can call me Gerry” sabi ng manager. Napayuko si Sebastian at napahaplos nanaman sa noo, “My God pati bank account ko alam nila. How much did they add?” tanong ng binata.

“Lets just say a huge amount” sabi ni Gerry sabay ngisi. Tinitigan siya ng binata at tinaas ang isang kilay. “Twenty million” sabi ng manager at lalong nalungkot ang binata. Nagtataka yung manager pagkat hindi ganon ang reaksyon na inaasahan niya. “So my account has thirty one million?” tanong ni Sebastian. “Yes sir, would you like to invest it? I can show you some ways to invest your money so I can earn more interest” alok ng manager.

“Show me how to return the money” sabi ng binata at muling nagulat ang manager. “Return the money? But why?” tanong ni Gerry. Napabuntong hininga ang binata at tinitigan ang matandang lalake. “And you would not want me to return the money kasi sayang din ang kikitain niyo right?” tanong niya at nahihiyang ngumiti ang matanda. “Fine, open for me a separate account for the additional twenty million. Let it rot in that account…oh time deposit pala” sabi ng binata. “Oh good choice sir” sabi ni Gerry.

“And the eleven million, I will be taking out ten because I will buy a house today. Can I apply for an ATM card for the one million? I think its dangerous for me to be carrying ten million, what do you suggest?” tanong ng binata. Inangat ng manager ang telepono niya at may kinausap, pagkababa nakangiti ito. “Consider your ATM done, ginagawa na po siya. And for the ten million we can give you a manager’s check so its easier to carry or if they have a bank account here we can just transfer your payment to their account” paliwanag ng manager.

“I don’t know if she has a bank account here, if ever can I just call you do to the transfer? Or do I need to sign papers still? What if their account is on another bank?” tanong ni Sebastian. “Sir, no problem. Just call me anytime at ako na bahala. I promised your mother and father to take care of your account” sabi ni Gerry at napapikit si Sebastian at napailing. “My God I am not a kid anymore!” sigaw niya at nagulat yung manager.

May pumasok sa office at nilapag ang isang ATM card, “Sir I need your signature here and sir your temporary password is set and its inside the envelope, you can change it later when you use the machine” sabi ng isang dalagang teller. “Pag ibang tao how many days will it take them to have their ATM?” tanong ng binata at nagkatitigan yung manager at teller. “Right away din lang sir, new system na po ang banko” sabi ni Gerry.

“Really? Or is this VIP treatment?” tanong ni Sebastian. “Oh no special treatment whatsoever sir. Kahit itanong niyo sa mga nag aapply ng ATM” sabi ni Gerry. Pumirma si Sebastian at tinitigan ang card niya, “So this has one million right?” tanong niya. “Ah thirty one million parin sir kasi hindi ko pa natrabaho yung isang account niyo tapos diyan narin natin kukunin yung pambayad niyo sa bahay” paliwanag ng manager. Napangiti si Sebastian at agad tinago ang card. “Good, ayaw ko ng VIP treatment pero tatanggapin ko alok mo sa pagtransfer ng payment later. I don’t like carrying ten million around” sabi ng binata.

Trenta minutos pa nagtagal ang binata sa opisina ng manager. Nang maayos na ang mga account niya ay agad ito nagtungo sa kotse niya at sobrang excited sa pagbili sa kanyang bahay. Papasok na sana siya sa kotse pero napangisi ito at bumalik sa opisina ng manager.

Samantala sa malayong lugar pagalit na pumasok ng bahay ang isang dalaga. Nagdadabog ito at galit na galit. “Sofia will you please calm down” pakiusap ng kanyang nanay. “He told me he will buy the house! Anong oras na, its already eleven at wala pa siya” reklamo ng dalaga at natawa ang tatay niya na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng diyaryo. “Baka inuto ka lang niya iha. Remember ganyan ang Pinoy, they cant say it straight to your face na ayaw na nila. Sasabihin nalang na babalik pero di na babalik. Deal with it Sofia, me and your mother have experienced that lots of times” sabi ng tatay niya.

“Pero dad as in he really wanted to buy the house and I could see it in his eyes…he has cute eyes by the way, patulis pa eyebrows niya” landi ng dalaga sabay tawa. “Did you get his name or his number? Tawagan mo siya at magverify, then tell him that someone is here interested already but you are giving him the chance kasi siya nauna. Come on iha you can do it. Utakan lang naman yan minsan e” sabi ng kanyang nanay.

“I don’t have his name and I don’t have his number but I have his picture and one strand of hair! Ipapakulam ko talaga siya mommy, magpapatulong ako kay ate Josie. Remember madaming mangkukulam sa place nila diba ate?!” sabi ng dalaga at natawa nalang ang kanilang kasambahay. “Hay naku Sofia just accept defeat already. Try harder next time” sabi ng tatay niya. Napasimangot ang dalaga at lumapit sa kasambahay nila, “Ate kunin mo tong hair at picture niya, ipakulam mo siya now na!” sabi ni Sofia at may narinig silang mga sasakyan sa labas ng bahay.

Takbo ang dalaga papunta sa bintana, ang laki ng ngiti sa kanyang mukha pero agad nanlaki din ang mga mata. “Mommy…how big is ten million?” tanong ni Sofia. “What do you mean how big?” tanong ng nanay niya. “I mean kasya ba sa maliit na maleta?” hirit ng dalaga. “Of course iha” sagot ng tatay niya. “Hindi kailangan ng armored car diba? E bakit may dala siyang armored car?” tanong ng dalaga at napalapit narin sa bintana ang kanyang mga magulang.

“Oh my God iha, how much did you sell the house for?” tanong ng nanay niya. Natawa bigla si Sofia at nagtakip ng mukha, “Oh my God tinotoo niya! Oh my God! Sabi ko kasi pay me in coins” bigkas ng dalaga at sabay napakamot ang kanyang mga magulang. Takbo ang dalaga palabas ng bahay nila para salubungin ang binata. Sakto nasa likod na ng van ang binata at nakahawak sa pinto nito. “Just as promised, ten million pesos in coins” sabi niya sabay ngisi.

Si Sofia napaekis ang legs niya, humawak sa tiyan at bibig sabay tumawa. Naaliw si Sebastian sa panliliit ng mga mata ng dalaga, lalong nabighana sa ganda nito. “Loko ka naman I was kidding about the coins” sabi ng dalaga. “Ha? You were? I thought you were serious” banat ni Sebastian. Nakalabas narin ang mga magulang ng dalaga at natawa talaga sila. “Ei Neybor, this are my parents, Architect Edward Flores and my pretty mother Catherine Flores” pakilala ng dalaga. Nakipagkamay ang binata at si Sofia napatitig sa kanya at biglang bangga sa kanyang mommy. “Told you he has nice eyes” bulong niya sabay tili.

“So ikaw yung nauto ng anak ko na bumili nitong bahay?” tanong ni Edward. “Actually sir I wouldn’t call it nauto, I was really mesmerized by everything. The house is wonderful and the surroundings makes me feel so close to nature” paliwanag ng binata at napangiti si Sofia sa pagsagot ng binata. “So did you really bring coins?” tanong ni Catherine at napangisi si Sebastian. Binuksan ng binata ang pinto ng van at nagulat yung tatlo pagkat may mga lalakeng naka waiter uniform sa loob na may dalang madaming pagkain.

“I knew she was kidding but I wanted to make her think I really did. So I just got food instead, I do believe that a business transaction is best accomplished with good food” sabi ng binata. “Hala you shouldn’t have” bigkas ni Catherine habang si Sofia dahan dahan tumalikod at pinikit ang kanyang mga mata. “Anak naman harapin mo naman siya, ikaw yung nagbenta e” bulong ng ama niya. “Wait dad, please five seconds lang” sagot ng dalaga at pasimpleng natili.

Pumasok ang mag asawa sa loob ng bahay para gabayan yung mga waiter. Pumasok narin si Sofia habang si Sebastian nagpasalamat sa driver ng van at mga waiter. Sa loob ng bahay di mapakali ang dalaga, sinilip niya yung mga pagkain at biglang inuga si Josie. “Anak nasan na siya?” tanong ni Catherine at pagtingin nila sa pinto at naka sara ito. “Ay nalock ko” sabi ni Sofia kaya takbo siya agad sa pinto at binuksan ito.

Nakatayo sa labas si Sebastian, natawa ang dalaga pagkat well behaved siya. “Grabe ka marunong ka naman siguro kumatok” sabi ni Sofia. “I was about to pero inisip ko baka nag aayos pa kayo kaya nag antay ako konti” sagot ng binata. “Oo tama kasi tinago pa namin yung mga drug paraphernalia, nagbebenta din kasi kami ng shabu” biro ng dalaga. “Hay naku iho wag ka maniwala diyan. Pasok ka” sabi ni Edward. Tumabi si Sofia at pinagmasdan ang binata, suot nito black polo shirt, unbuttoned ang first three bottons. Well tucked in with matching dark maong pants at shiny black shoes. “Porma natin ha, parang aakyat ka ng ligaw” bigkas ng dalaga sabay ngiti.

“You look good in that dress” sagot ng binata at napahawak si Sofia sa skirt ng red dress niya at nagpaikot na parang model. “Kulang nalang sungay at buntot” bulong ni Sebastian sabay ngisi. Napataas kilay ni Sofia at biglang sinara ang pinto, “Hala sige pasok!” sigaw niya sabay turo sa sofa.

Pagkaupo sa sofa pinagmasdan siya ng mga magulang ng dalaga. “Are you really going to buy the house?” tanong ni Catherine. “Of course madam. Just tell me how this works kasi wala ako alam dito. First time ko bumili ng bahay” sagot ni Sebastian. “Well if you are really going to buy the house then we should start the paper works, we need your name” sabi ni Edward.

“Sebastian Oliver Del Mundo” sabi ng binata. “Sebastian Oliver Del Mundo” ulit ni Sofia at napangiti ang binata. “Sebastiaaaan” landi ng dalaga, “Pasensya ka na sa anak namin, she is eighteen but she does not act her age” sabi ni Catherine. “Its okay, im starting to get fond of her. Kaya lang di ko pa alam pangalan niya” sagot ng binata. Sasagot na sana si Edward pero pinatigil siya ni Sofia. “Wag niyo sasabihin name ko! Hulaan niya dapat” sabi ng dalaga. “Wala bang clue?” tanong ni Sebastian.

“Letter S” landi ng dalaga. “Sheitan?” tanong ng binata. “Sheitan? What kind of name is that?” tanong ni Sofia. “Oh it’s a foreign term for Satan” sagot ng binata at biglang napatayo ang dalaga sa galit. “Sofia! My name is Sofia. Grabe ka, sungay, buntot tapos Satan” sigaw ng dalaga sabay naupo muli at nagsimangot ng todo. Nanatili siyang tahimik habang nakikipag usap ang magulang niya sa binata.

Nagkaroon ng maraming pirmahan at tawagan at pagkatapos ng isang oras nakipagkamayan si Sebastian kay Edward habang si Catherine inabot na ang mga susi ng bahay. “Don’t worry makakabit yung electricity at water by this afternoon” sabi ni Edward. “Oh come on let’s have lunch already, na reheat na ni Josie ang pagkain” sabi ni Catherine. Habang naglalakad sila papunta sa dining area tumabi si Sofia sa binata. “Youre so mean” bulong niya.

“Sorry, my brain froze and I couldn’t think of any angelic names. The only angel I could remember was Satan” pabulong na paliwanag ng binata. Nagbalik ang ngiti sa mukha ng dalaga at nilaro bigla ang buhok niya. “Why angelic name?” tanong niya. “Kasi you look like one” sagot ni Sebastian. Napatalikod ulit si Sofia, napakagat sa labi at hinawakan yung flower vase. Bigla siya humarap at hinampas ang vase sa binata pero nagulat siya nung tatay niya ang nandon. “Sofia!!” sigaw ni Edward.

Gulat na gulat ang dalaga, pagtingin niya sa lamesa nakita niya si Sebastian hawak ang isang upuan at inaantay maupo si Catherine. Tinulak ng binata ang upuan hanggang sa nakaupo ng maigi ang nanay ng dalaga. Binaba ni Sofia ang vase at dahan dahan lumapit, nakatayo parin si Sebastian at tila inaantay siya. “Bakit di ka pa maupo?” tanong ng dalaga. Di sumagot ang binata, nakangiti lang at hinila paatras ang upuan na para sa kanya.

Titig na titig ang mga mata ng dalaga sa binata, “Siguro hihilain mo yung chair pag paupo na ako no?” tanong niya. Walang imik si Sebastian, dahan dahan naupo si Sofia, talagang kumapit sa upuan. Nakaupo siya ng maayos, “Comfortable enough? I can push it forward some more” sabi ng binata. “Okay na” bigkas ng dalaga at pinanood si Sebastian na maupo sa katabing upuan. Ngayon lang nakaranas ng ganito ang dalaga, lalo siya napahanga sa binata at muling nalaro ang kanyang buhok.

Muling nagulat si Sofia nang binuhat ni Sebastian ang lalagyan ng kanin at tinapat sa kanya. Tulala ang dalaga pero napangiti ang nanay niya sa kanya. With poise naman kumuha si Sofia ng kanin, “Thanks” bigkas niya. “By the way iho ilang taon ka na ba?” tanong ni Edward. “Twenty one po” sagot ng binata. “Weh!!! Twenty one tapos may ten million ka?” tanong ni Sofia.

Di sumagot si Sebastian at ngumiti lang, “What course did you finish?” tanong ni Catherine. “Business management po two years ago then I just finished my MBA” sagot ng binata at gulat na gulat sina Edward at Catherine. “Oh wow, and you decided to buy a house here? Why?” tanong ng tatay ng dalaga. “Freedom” sagot ni Sebastian sabay niyuko ang ulo. Di na humirit ang mag asawa pero si Sofia pinagmasdan ang binata. “Oh well Sofia is taking up accounting, o ayan iha baka pwede ka magpaturo sa kanya once in a while” sabi ni Edward.

“Nakakulong ka dati? MBA…Mental bilibid association?” tanong niya sabay tawa. “Sofia, your manners” paalala ni Catherine at tumahimik ang dalaga. Ilang minuto sila tahimik pero kanina pa nangangati si Edward magtanong. “Buti naman nauto ka talaga ng anak ko bumili nung bahay. Alam mo suntok sa buwan yung pag gawa namin sa bahay na yan. Its expensive making it, although malaki din ang kikitain if ever mabenta. Dati kasi small houses lang ginagawa namin para sigurado mabenta. Medyo nangarap kami konti ng mas malaki and took the risk. Kaya lang we were not sure if may bibili pa. Since the deal is done I can be honest and I hope you don’t mind, we were willing to sell it for less” sabi niya.

“I wouldn’t care if she sold me the house for a hundred million. I would have still bought it. She already made me say yes when she greeted me with her smile” sagot ng binata. Napakapit sa tinidor si Sofia ng mahigpit, tumingin siya ng malayo saglit sabay kinagat ang labi. “But im not saying that I bought the house because of her, the house is really nice and I like it. She just made the decision making easier. When she told me that you made the house, I can see in her face that she wasn’t lying. She was honest to admit that she was trying to sell the house for a commission. And with that house being her first, I didn’t want to ask for a lower price”

“I do believe that if she pursues your family business she had to start somewhere. I am just glad to be of help in her first sale. The first sale is important, it can boost her confidence on her next sale. I think a few more sales and she is really going to be good at selling and I really like the house” paliwanag ni Sebastian. All smiles ang mga magulang ni Sofia habang ang dalaga pulang pula na ang mga pisngi. Di niya alam ang gagawin niya kaya bigla niya tinusok ng tinidor ang kamay ng binata.

Nagulat si Sebastian at hinila palayo ang kamay niya. “Sofia, sus iha naman” reklamo ni Cahterine. “Sorry” lambing ng dalaga sabay pacute. Ngumiti si Sebastian at nilapit din ang tinidor niya sa kamay ng dalaga. Tinitigan lang ng dalaga ang tinidor habang dumikit ito sa balat niya. “Now were even” sabi ng binata. Natuwa si Sofia at tinusok nanaman ang kamay ni Sebastian. Parang mga bata yung dalawa na nagbabawian, wala magawa si Edward at Catherine kundi matawa nalang sa inasal nung dalawa.

After lunch binisita ni Sebastian at Sofia ang bagong biling bahay. Pagbukas ng pinto di alam ng binata kung ngingiti siya o sisimangot pagkat walang laman ang bahay. “O ha! Ganda no? You have a fire place here. Maganda maglagay ng rug diyan tapos higa ka diyan sa tapat o kaya pumasok ka nalang sa loob para magpaletson” banat ng dalaga. Huminga ng malalim ang binata at pinagmasdan ang loob, kitang kita na sulit ang kanyang bayad pagkat maganda talaga ang pagkagawa.

“Tapos malawak ang iyong living room. Bagay dito malaking flat screen tv tapos super comfy na couches. Tapos come here…” sabi ni Sofia at nagtungo ang dalawa sa may kitchen. Pati kusina maganda ang pagkagawa, parang American home ang dating. “Ganda no? Dito sa center mo ilalagay yung stove mo. Meron din faucet dito at hugasan pero for food only. Not for dishes ha. If you make hugas dishes you use the lababo over there o. Remember this is for food and that lababo for the hugas” sabi ni Sofia.

Inikot nung dalawa ang buong bahay, natameme si Sofia bigla at napagod sa kadadaldal. Sa may garden sila tumambay at yung dalaga biglang naglakad paikot sa binata. “Nagdududa ako sa iyo. Twenty one years old na nakabili ng ganitong bahay” bigkas niya. “Well tama” sagot ni Sebastian. “Hmmm drug dealer ka ano?” bulong ng dalaga at napalingon pa kunwari sa paligid.

Natawa ang binata at napakamot nalang. “Siguro isa ka sa mga carnapper no? Bank robber? Dugol dugol gang? Kidnapper?” hirit ng dalaga. “Tama ka, nagkukunwari lang ako tapos pag close na tayo talaga kikidnapin kita tapos ipapatubos kita sa parents mo ng one hundred million” bulong ng binata. Napalayo si Sofia at tinitigan si Sebastian, “Kidnapper ka talaga?” tanong niya.

“Of course not, I was just kidding” sagot ng binata. Naglakad lakad ulit ang dalaga kaya natawa si Sebastian. “Bakit ba interesado ka?” tanong niya. “Well since we are going to be neighbors kailangan namin malaman ang tungkol sa iyo. Oo nga no, gagastos ka ten million, tapos konting pakisama kunwari then one day you kidnap me and ask for twenty million or more. Hmmm ganon ba business mo? Tapos bagong salta ka dito may armored van kang dala agad. Tapos may food! Siguro may lason yon ano?” tanong ni Sofia.

“I ate what you ate” sagot ng binata. “Hmmm alam mo mas madali ito pag umamin ka na” sabi ng dalaga. “Hay naku neybor, you have nothing to worry about. I would like to tell my story but its really complicated kasi. Sabihin nalang natin na I am lucky but I am looking for a change in my life. And this house is where my real life begins” sabi ni Sebastian.

“Grabe ka naman masyado kang showbiz. Daming arte pa” reklamo ni Sofia sabay simangot. “Bakit ka ba nagmamadali? Magkapitbahay na nga tayo e, madami pa tayong chances na makilala ang isat isa. I am not going anywhere” sabi ni Sebastian. Napayuko si Sofia at ngumiti, “Sorry ha, pero may boyfriend na ako” bigkas niya sabay dahan dahan tinignan ang binata.

“Masakit ba?” landi ng dalaga at natawa si Sebastian. “Bakit naman masakit?” tanong ng binata. Nagsimangot si Sofia sabay muling naglakad, “Kasi nga I have a boyfriend, so we cant make kwento everyday you know” paliwanag niya sabay binantayan nanaman ang reaksyon ng binata. “Ah ganon ba siya? You are not allowed to have a conversation with other guys? Sakal ka ba niya sa leeg?” sagot ng binata.

“No naman, pero I was just saying I do have a boyfriend” pilit ng dalaga. “So what if you have a boyfriend? We can still exchange stories or converse when we see each other. That is what neighbors do naman diba?” tanong ni Sebastian. “E kasi nga may boyfriend na ako e” sabi ni Sofia sabay pacute. “Hay ewan ko sa iyo. Di ko nakikita yung problema” sagot ng binata. “E kasi baka mainlove ka sa kin” biro ni Sofia at nagtawanan sila.

“Alam mo may respeto ako sa mga ganyan. Lets say I like a girl tapos may boyfriend na pala siya. I will back off and respect their relationship. Bakit ko siya susulutin? Ayaw ko din naman mangyari yon if ever may girlfriend ako no. So konting respeto lang naman” paliwanag ng binata. “So hindi mo na ako kakausapin?” tanong ng dalaga. “Hindi na” sagot ni Sebastian sabay ngisi. Nagsimangot ang dalaga pero pinisil ng binata ang pisngi niya. “Grabe ka naman ang babaw ko naman pag ganon…teka bakit naging tungkol sa atin ito?” sabi niya at natawa ang dalaga.

Naputol ang usapan nila pagkat dumating ang mga tauhan ng utility companies. Nakabaitan na ng kuryente at tubig ang bahay, masaya na si Sebastian pero namromrbolema parin kung saan matutulog pagkat wala pa siyang gamit. Naisip tuloy niya ang kwarto niya sa hotel pero naalala na naipamigay na niya ito kay Eli.

Niyaya siya mag dinner ulit sa bahay nina Sofia kaya hiyang hiya na ang binata. After dinner talagang naiilang na siya habang kinakausap siya ng mga magulang ng dalaga. “Alam mo we do have a spare room. You can stay here for the night kasi wala ka pang gamit” sabi ni Catherine. “Ay hindi na po. This is too much already. Cowboy naman po ako at may dala akong sleeping bag. Gusto ko narin matulog sa bahay ko” sabi ni Sebastian. Sa malayo nagmamasid si Sofia at sinesenyasan ang magulang niya na pilitin pa ang binata.

“Bakit ba Sofia gusto mo siya matulog dito?” bulong ni Josie. “Kawawa naman siya teh, may bahay nga wala naman kama o sofa man lang” sagot ng dalaga. “E bakit mas naawa ka pa diyan kesa kay Ivan?” hirit ng kasambahay sabay kinurot ang dalaga. “Ate gumatos siya ng milyones kailangan maging caring tayo sa kanya. Alangan na porke kumita na tayo e hahayaan nalang natin siya manigas doon” bulong ng dalaga. “At sa boyfriend mo hindi?” hirit ni Josie. “Ano naman kinalaman ni Ivan dito? Tsk nag cool off kami pero wag mo sasabihin kahit kanino, basta ayusin mo yung kwarto dali” sabi ni Sofia.

Nakita ng dalaga na hinatid ng parents niya ang binata sa pinto, lumingon pa si Sebastian at hinahanap siya kaya si Sofia nagpakita. Kumaway ang binata sabay ngiti, ngumiti din ang dalaga pero patampong umakyat sa kwarto niya. Dumungaw siya sa bintana at pinanood si Sebastian na ipasok ang kotse niya sa gate. Matapos non wala na siya makita kaya nag antay siya hanggang nagbukas ang ilaw sa master’s bedroom sa second floor.

Lumabas si Sofia sa terrace niya, sakto lumabas din si Sebastian sa terrace ng kwarto niya. “Neybor!!!” sigaw ng binata at natawa ang dalaga at kumaway. Pumasok na ang binata sa loob kaya pati ang dalaga pumasok na at nahiga sa kanyang kama at nag aalala. Nagkumot si Sofia sabay niyakap ang kanyang unan sabay nagsimangot.

Naglakad lakad si Sebastian sa loob ng malaki niyang kwarto. Wala naman talaga siyang sleeping bag kaya sinubukan ayusin ang mga damit niya para magmistulang kutson. Hindi siya komportable kaya muling bumangon at nag isip. Pumasok ang binata sa banyo at napangiti nang makita ang malaking bath tub. Nagmadali siyang kinargahan ang tub ng mga damit, agad siya nahiga sa loob at tumawa. “I will be alright” bigkas siya sabay pinikit ang mga mata.

Trenta minutos ang lumipas at nanginginig sa ginaw ang binata. Sinubukan niya mag suot ng madaming damit pero nasasakripisyo ang magadang higaan niya. Sampung minuto siya problemado at hindi mapakali. Kinuha niya phone niya pero naalala hindi pa niya nakukuha ang number ng dalaga. Naglakad lakad siya paikot ng kwarto niya at nang hindi maalis ang ginaw ay naglakas loob na ito magtungo kina Sofia para makihiram ng kumot.

Hiyang hiya talaga siya, ang bagal ng lakad niya papunta sa bahay ng dalaga at ilang beses pang umatras. Pagdating sa gate ng bahay ng dalaga, nahihiya siyang pindutin ang buzzer. Huminga siya ng malalim pero biglang nagbukas ang gate. Gulat si Sebastian nang makita si Sofia na may hawak na unan at kumot. “Eto o” bigkas ng dalaga. Napayuko ang binata ang di alam ang sasabihin, tiananggap niya ang makapal na berdeng kumot at matambok na unan pero di magawang tignan ang dalaga.

“The extra room is still available” bulong ng dalaga. “Okay na ito. Grabe maraming salamat Neybor” sagot ng binata. “Are you sure?” tanong ni Sofia. Napatingin si Sebastian sa dalaga at nagawa niyang ngumiti. “Good night neybor” sabi ng binata. “Good night neybor” sagot ng dalaga sabay sara sa gate.

Nakabalik sa bath tub si Sebastian, todo relax ang ulo sa malabot na unan at katawan niya naiinitan ng kumot ni Sofia. Nagring ang phone niya, agad niya ito sinagot sa inaakala na yung dalaga yon. “Hello” sabi niya. “Anak! Diyos ko iho I have been calling you since yesterday hindi ka sumasagot. Kahit sana text man lang iho” sabi ng nanay niya. “Hello mother” sabi ni Sebastian.

“Anong hello mother hello mother ka diyan? How are you? Are you okay? Come home already anak. Hay naku we are so worried about you na. Did you get the money we sent you? Is that enough? We can send more anak” daldal ng nanay niya at natatawa ang binata. “Hay naku mother dear, please relax and I am okay. Guess what?” sabi ng binata.

“What anak?” tanong ng nanay niya. “I bought a house” sabi ni Sebastian at napasigaw ang kanyang nanay. “Wow anak you have a house already? What does it look like?” tanong ng matanda. “Remember your dream house? The log cabin house? Ganon siya ma, its big and really nice” sabi ng binata. “Diyos ko anak when can I see it?” tanong ng nanay niya. “Not yet mother. When I already have a stable job here then I will invite you over” sagot ng binata.

“Anak naman, you could work here. Take over our business or di naman retired dad mo so you can work for him. We are so worried about you. Bakit ka pa kasi nagpunta diyan. Ang layo layo anak” sabi ng nanay niya. “Hay, do you like me to end up like kuya?” tanong ni Sebastian at biglang nanahimik ang nanay niya. “Ma hindi ako nagrerebelde. Please understand me, I am very thankful for everything you have done for me”

“You raise me well. Gave me everything I needed. Sent me to prestigious schools, pampered me with everything nice pero ma I don’t want to end up like kuya. I want to breath on my own, I want to live my own life”

“Look at kuya, what happened to him? His life revolved around a small circle. Oo nandon lahat ng kailangan niya pero look at him, he cant even stand on his own. Wala siya takot kasi alam niya may sinasandalan siya. He couldn’t even make a decision on his own, kailangan lagi for the good of the family. Para kaming robot na bago gumalaw mag isip muna kung beneficial or makakabuti sa pamily. Bawal dungisan ang pangalan baka masira sa iba. Now ma look at kuya, he is crazy, do you want me to end up like him?” tanong ni Sebastian.

“Of course not anak” sagot ng nanay niya. “Ma, let me breath on my own. Let me work on my own. Twenty one years ako nakakulong sa maliit na circle, ma there is more to life. Beyond that circle there are more to experience, I don’t want to stay safe within that circle. I want to take chances on my own. Ma gusto ko mabuhay, yung totoong buhay. I want to make mistakes and learn. I don’t want my life to be set and live a daily boring life. I don’t want to have friends that are limited to that small circle. I am twenty one years old and I don’t know what I am capable off and sometimes I don’t even know who I am. Di ko alam kung ako nga ba talaga ito or ako yung gusto niyo maging ako” sabi ng binata.

“Okay anak if that is what you want” sabi ng nanay niya. “O tapos masama loob mo sa akin. Do you understand what I want ma? Mahal na mahal ko kayo ni daddy at ni kuya pero ma I want to live” tanong ni Sebastian. “Oo naman anak pero I still worry about you” sagot ng matanda. “Ma relax, look I bought a house. So may tutulugan na ako at uuwian araw araw. Next I will find work, you sent me to a really good school so I will be able to find work soon. Hindi ka ba masaya ma na ginagawa ko ito sa sarili ko? Diba mas maganda ito kesa sa lahat nalang binibigay niyo?” tanong ng binata.

“Oo naman anak pero grabe parang ang bilis mo lumaki, baby ka lang dati e” sabi ng nanay niya at nagtawanan sila bigla. “Ma, twenty one na ako” sabi ni Sebastian. “Oo nga pero parang one year old ka palang. You were always the pilyo at magulo. Your kuya was the one disciplined. I cant imagine na bumaliktad bigla lahat” sabi ng matanda.

“Na ako ngayon ang disiplinado at siya sira ulo, as in literal?” biro ng binata at natawa konti ang nanay niya. “Loko loko ka baka marinig ka ng daddy mo at magalit yon” bulong ng nanay niya. “Hay naku tell dad I am okay. I will be fine and you will be proud of me” sabi ng binata. “Are you really okay anak on your own?” tanong ng matanda.

Naamoy bigla ni Sebastian ang unan sabay hinila pa konti ang kumot niya. Napangiti ang binata pagkat parang naamoy niya si Sofia. “I am perfectly fine mother. Late na, kiss dad for me. Say hi to kuya when you visit him and tell him that he is not crazy even if he is. Tell him that Olivia says hi, yeah yeah he kept teasing na bading ako. I was doing it to make him laugh, matatawa yan promise. Good night mother” bigkas ng binata sabay pinatay ang telepono.

Lalo diniin ni Sebastian ang ulo sa unan sabay niyakap ang kumot ng mahigpit at naalala ulit si Sofia. “Ouch!…she has a boyfriend!…but I will be fine” bulong sa sarili sabay binaon ang mukha sa unan.

“Ouch”




"Never be afraid to fall, don’t even close your eyes kasi sigurado kahit anong mangyari neybor nandon ako sa baba at sasaluin kita. And when I do yayakapin kita at hinding hindi kita bibitawan magpakailanman" - Sebastian



"Neybor"
by Jonathan Paul Diaz

21 Chapters
240 pages
E-book pdf format
200 pesos

A girl struggling with her relationship

One day a new neighbor appears

He happens to be mister right

To him she too is miss right

Will it be sad to belong to someone else

When the right one comes along?

Or will they find a way to be together?

Or will seeing each other's house bring pain?


If interested check out this post

ebooks for sale


for those who wish to buy please join this group