sk6

Friday, June 24, 2011

Paramdam ni Kiko


Isang araw nakatambay sina Michelle, Kiko, Ben at Jessica sa terrace ng second floor ng Psychology building.

Si Michelle nasa far left, magkatabi sa gitna ang mag bestfriend na lalake at si Jessica ang nasa far right. Kumakanta si Kiko at si Ben biglang napapangiti pagkat nakakaramdam siya ng pasimpleng pagpipisil sa kanyang pwet.

"Ica bakit may gusto ka bang ipahiwatig?" landi ni Ben. "What do you mean?" tanong ng dalaga. "Oh you know what I mean, kanina mo pa pinipisil pisil pwet ko e" bulong ni Ben. "Excuse me no, here are my two hands" sabi ni Ica at agad napatingin ang binata sa kanyang bestfriend.

Todo ngisi si Kiko at mga mata niya nag beautiful eyes, "Nagugustuhan mo ba Bown Bown?" palandi niyang tanong. "Walanghiya ka! Bakit mo pinagpipisil ang pwet ko?" sigaw ni Ben at nagtawanan ang dalawang dalaga. "E kasi pag hinawakan ko pwet ni Michi ay magagalit siya kaya sa iyo nalang. Nagustuhan mo naman diba?" landi ni Kiko at bago magsuntukan yung dalawa agad sila pinagbehave ng kanilang mga nobya.

Naging tahimik yung apat at pinagmasdan nalang ang patak ng ulan. Nakaramdam ulit si Ben ng kamay sa kanyang pwet kaya umutot ito ng malakas sabay tumawa. "Bastos ka! Bakit mo inututan kamay ko?" sigaw ni Ica at nagulat ang binata.

"Akala ko kamay ni Kiko yan e" sabi ni Ben. "Nilagay niya kamay ko sa pwet mo!" sumbat ni Ica. "Tara na Michi may love quarrel yung dalawa. Punta nalang tayo sa canteen" banat ni Kiko. "Francisco!!!" sigaw ni Ben at tumawa ng malakas ang kanyang bestfriend. "Yes Bown Bown?" sagot ni Kiko.

"Walanghiya ka ginagamit mo nanaman yang kapangyarihan mo ha" bulong ni Ben at ngumisi ang kanyang bestfriend.


"Nagpaparamdam lang ako. You'd be surprised in what i can do now"


SAMK BOOK 2


E-Book COMING SOON!!!

(Its in the long to do list for 2012. If there is sufficient demand then this can be written ASAP)