sk6

Monday, August 10, 2009

Em En Kay Chapter 3: Ako!

Em En Kay

by Paul Diaz



Chapter 3: Ako!

Dalawang lingo ang lumipas at nakadungaw sa bintana si Raymond habang nagsasalita ang kanilang propesor. “I am so happy to announce that for the first time sa pagtuturo ko ay meron na din nakaperfect ng isa kong quiz. This is such a momentous occasion, a very rare one” sabi ng kanilang guro ngunit bigla niya napansin si Raymond. “Mister Deguzman! If you are not interested in my class you may step out! I do not like to do this but I always notice you are always staring outside during my class!” sigaw ng propesor.

“Sir lahat ng subject ganyan yan!” sabi bigla ni Marwin sabay nagtawanan ang buong klase. Humarap si Raymond sa propesor ngunit biglang kinuha ng guro ang kanilang quiz papers at hinanap ang kanyang papel. “Tignan ko nga kung ano nakuha mo, alam mo I do not need students who are not interested in what I teach…eto here it is” sabi ng propesor ngunit nanlaki ang mga mata nito sabay tinignan niya si Raymond.

Di mapakali ang guro at napabuntong hininga habang si Raymond ay nakatitig lang sa kanya. “Here come get your paper and will you show your solution on the board. It so happens that mister Deguzman perfected my quiz” sabi ng propesor at nagulat ang lahat ng kanyang mga kaklase. Tumayo si Raymond at kinuha ang kanyang papel, namulot ng chalk at nagsimula magsulat sa pisara. “Did you cheat?” tanong ng propesor at napatigil si Raymond at tinignan siya. Tiniklop ni Raymond ang papel niya at binulsa sabay sinolve ang lahat ng problem sa pisara.

Nang natapos siya wala masabi ang guro nya ngunit nagngingitian ang buong klase pagkat tila nasupalpalan ang terror nilang propesor. Halos lahat ng subjects nila pinakamataas ang nakuha ni Raymond na talagang ikinagulat ng matalik niyang kaibigan at sa bago matapos ang huli nilang klase ay di na matiis ni Tim magtanong. “Pare ikaw pa ba yan?” biro nya at tumawa si Raymond. “Oo naman pare bakit?” sagot ng kaibigan niya.

“Parang di ikaw e, nung highschool ikaw lagi lowest ah” sabi ni Tim at lalo sila nagtawanan. “Teka teka don’t tell me nag aaral ka na para mapaimpress mo siya no?” hirit ni Tim at napasimangot si Raymond. “Alam mo pare, you can do amazing things pag inspired ka, am I inspired?” sabi ni Raymond at nagulat si Tim. “Wow that deep pare ah, hoy bakit palaaral ka na?” sumbat ni Tim at napabuntong hininga si Raymond sabay silip kay Margaret. “Oo tanggap ko na sila na, pero pare di ko siya maalis sa isipan ko e. Kaya pag gabi para di ko siya maisip nagbabasa nalang ako ng libro para busy utak ko. Ginagawa ko yon hanggang sa inaantok na talaga ako. Eto ang epekto, maganda din pala no?” paliwanag ni Raymond.

“Imagine mo pre, kung nung highschool naheartbroken ako siguro valedictorian ako no?” banat ni Raymond at nagtawanan sila. “O kaya pare sa tingin mo ba lahat ng valedictoria, mga cum laude at mga matalino…heart broken din kaya sila?” hirit nya at tawa ng tawa si Tim. “Tado, meron naman nagpupursige talaga mag aral e, meron talagang motivated mag aral, e ikaw forced to study” banat ni Tim at muli sila nagtawanan. “E pare si Einstein sa tining mo heartbroken ba yon?” dagdag ni Raymond at napalakas ang tawanan nila at napagalitan sila ng guro. “Si ma’am matalino, heartbroken din kaya?” bulong pa ni Raymond at parang bulate silang nagbubungisngisan.

Napagpatuloy ni Raymond ang matataas na marka, nakilala siya bigla ng mga kaklase niya bilang matalino ngunit tanging si Tim lang nakakaalam kung bakit siya nagkakaganon. Natapos ang prelim examination nila at tuwang tuwa ang terror nilang propesor pagkat si Raymond din ang kaunahang nakaperpekto sa kanyang exam. “Undeniably mister Deguzman now is my favorite student, oh don’t get me wrong there is no favoritism involved really but ngayon lang ako nachallenge magturo ng ganito. Mister Deguzman, sorry I cannot give you a perfect grade so 99 ka lang” sabi ng propesor at nagpalakpakan bigla ang buong klase.

“Sad to say the rest ang bababa ng nakuha niyo. So in line with these I will let you change the seat plan, sige seat beside the person who you think can help you pass, pero no cheating. Dali na at magbibigay ako ng seatwork para makahabol kayo” sabi ng propesor at lahat nag unahan sa harapan ngunit nauna na sina Marwin at Margaret na tumabi kina Raymond at Tim. Tumayo bigla si Raymond at napatigil ang lahat at inaantay ang galaw niya. “Tado wag na, dito ka na wag kang obvious pre. At pag lumipat ka mapipilitan ako sumunod at baka sabihin nila e…you know fafa” bulong ni Tim kaya natawa si Raymond at naupo ulit.

“Pare this is your moment of glory, savor it pare. Sikat ka na pre” bulong ni Tim at taas noo si Raymond na ngumisi. “Oh yes…I can feel the power pare…hmmm pero sa tingin mo si sir heartbroken din kaya?” banat ni Raymond at nagtawanan ulit sila. Binigay na ng propesor ang seatwork kaya nagsimula agad magtrabaho ang lahat.

Dumungaw si Marwin at napatingin si Raymond sa propesor, “Sige lang it’s a seatwork you can help each other. Sige na para makahabol naman yung iba” sabi ng guro kaya humarap si Raymond kay Marwin. “Pre pano ba to?” tanong ni Marwin at pati si Margaret napatingin sa kanila. Umatras ng konti si Tim sabay nilabas ni Raymond ang kanyang palad sabay pinakita ito kay Marwin.

“Ano yan pre?” tanong ni Marwin. “Shhhh…watch” sagot ni Raymond at dahan dahan sinara ni Raymond ang kamay niya. Dahan dahan niya ito binubukas sabay sabi “Bu…bu…kaaahhhh” na binigkas niyang mabagal. Pati propesor naintriga kaya nanood sa ginagawa ni Raymond.

Sinara ulit ni Raymond ang kamay niya at muli binubuksan, “bu…bu…kaaah…bu bu kaaahhh…bu bu kaaaahhh” paulit ulit niyang sinabi at nahilo si Marwin at di niya makuha. “Ano?” tanong ni Marwin kaya mas mabilis inulit ni Raymond ang ginawa niya, “bu bu ka, bu bu kaaahh…bobo ka!” banat niya at biglang natawa si Margaret at Tim at pati ang propesor nagtakip ng bibig at bumungisngis. Galit na galit si Marwin at napatingin sa girlfriend niya na di nanaman mapigilan ang tawa, ngumisi si Raymond at biglang tumunog bell.

“Okay pass your papers” utos ng guro at nagpanic si Marwin. “Natapos mo ba?” tanong niya kay Margaret na tumatawa parin. “Yup” sabi nya at wala na magawa si Marwin kundi mapatingin ng masama kay Raymond. “Cheer up pare gwapo ka parin naman e” banat ni Raymond at sumabog bigla ang tawa ni Margaret na lalong kinainis ni Marwin.

Dismissal at sabay ulit pauwi ang tatlo, masaya si Raymond at napansin yon ni Stephanie. “Parang maganda ata ang araw mo…Monching” sabi ng dalaga. “Ah quite hahaha…alam mo face value and low IQ aysus deadly combination” sabi ni Raymond at natawa si Tim. “Ho ho ho mas gusto ko nalang na palaaral ako kesa gwapo” hirit niya. “Gwapo ka naman ah” sabi ni Steph at napatigil bigla si Raymond at napatingin sa kanya. “Tim, kailangan niyo na pacheck up mata ng insan mo, matindi na ang katarata nito” sabi ni Raymond.

“Totoo naman sinabi niya pre e, gwapo ka naman talaga” banat ni Tim at nanlaki ang mga mata ni Raymond at napatitig sa kaibigan niya. “O sasabihin mo nanaman na katarata din” sabi ni Tim pero lalo nanlaki ang mga mata ni Raymond, “hindi pre…bakla! Bakla ka!! Lumayo ka sa akin impostor ka!” sigaw ni Raymond at tumakbo bigla at sumabog sa tawa si Steph pagkat parang takot na takot talaga ang acting ng binata.

Tawa ng tawa si Steph habang ang dalawa ay napatigil at napatingin sa kaniya. “Ano?” tanong ni Steph at nagkatitigan ang dalawang binata. “Tumatawa ka” sabi ni Raymond at parang nalito si Stephanie. “E nakakatawa naman talaga e” sagot ng dalaga. Saglit na tinitigan ni Raymond si Steph sabay tingin kay Tim, “All this time nagpapanggap ka, di ko alam may pagnanasa ka sa akin…bading!” banat ni Raymond at nagtago sa likod ng dalaga na muling sumabog sa katatawa.

Nagtungo sila sa bentahan ng streetfoods at patuloy ang pagpapatawa ni Raymond. “Alam mo pre wag mo pilitin, be yourself. Sige na don’t be shy ask for a bowl. Alam ko naman kailangan mo kumain ng may poise e” banat niya at biglang napayuko si Steph at napahawak sa tiyan nya sa katatawa. Humingi ng bowl si Raymond, kinargahan ng suka at nilagay ang mga fishball sa loob. Gamit ang isang barbeque stick tumusok siya ng isa at poise na poise na sinubo. “O pare just today samahan kita, sige na don’t be shy na o” hirit ni Raymond at napaupo na sa lupa si Stephanie at naiyak na sa katatawa.

Tumayo ang dalaga at pinagsusuntok sa braso si Raymond, “Loko loko ka talaga, ang sakit na ng tiyan ko. Mauna na ako sa bahay” sabi ng dalaga at naglakad palayo ngunit bungisngis parin. “Pare sorry ha, nasobrahan ata pagbibiro ko” sabi ni Raymond habang pinapanood niya maglakad palayo si Steph. “Okay lang pre, pero di ako bading ha” sagot ni Tim at natawa si Raymond.

“Oo pre alam ko, nagbibiro lang ako para matawa insan mo” sagot ni Raymond. Napangisi si Tim at tinitigan ang kaibigan niya, “Oy oy hindi ah, ngayon ko lang kasi nakita tumawa insan mo, I mean ngayon ko lang napatawa no” depensa agad ni Raymond at natawa si Tim. “Wala naman ako sinabi ah pre, bakit defensive ka?” sagot ni Tim at napangiti si Raymond. “Sira nagpapaliwanag lang. Kasi naman all this time kung di straight face e simangot nakikita ko, okay din pala ngumiti at tumawa pinsan mo no?” sabi ni Raymond at napangisi si Tim at natawa.

Biglang nilabas ni Raymond ang cellphone niya at binasa ang text message, agad siya nagreply at binulsa ang phone. “Sino yon pre?” tanong ni Tim at sabay na sila naglakad pauwi. “Si Pipay pre” sagot ni Raymond at nagulat si Tim. “Ha? Nagtetext kayo nung Pipay?” tanong ng kaibigan niya at biglang napangiti si Raymond. “First time ako makatanggap ng text sa kanya actually” sagot ni Raymond.

“HA? E bakit ang bilis ng sagot mo? At bakit ngiti lang, dapat nagcecelebrate ka diba?” sabi ni Tim at tumawa si Raymond. “Shhh pare, ngiti sa labas pero deep inside parang nagpipiyesta ang mga bulate ko at nagsasayaw” banat ni Raymond at nagtatawanan sila. “Parang nakalimutan mo na si Margaret ah” tukso ni Tim. “Alam mo pre ang kay Juan kay Juan at ang kay Pedro kay Juan din pala. Ano ilalaban ko kay Juan pag ganon? So in short acceptance lang, pero sana balang araw lumigaya din si Pedro” drama bigla ni Raymond at natahimik lang si Tim.

Muling tumunog ang phone ni Raymond at mabilis niya ito nilabas, sinubukan ni Tim sumilip pero agad ito nilayo ng kaibigan niya. Napakalaking ngiti ang nasa mukha ni Raymond at naumpog pa siya sa gate nila sa kababasa ng text. “Sige pre uwi na ako, wag masyado pre ha” sabi ni Tim at di na sumagot si Raymond at patuloy ang concentrate niya sa phone niya.

Pagpasok ni Tim sa bahay nila nakita niya si Steph sa sofa na nakangiti din at nagtetext sa phone niya. Napaisip bigla si Timothy at biglang tumawa ang pinsan niya. “Oy sino katext mo?” tanong ni Tim sabay nilapitan si Steph. “Lumayo ka nga, private to no!” sigaw ng dalaga sabay tumayo at tumakbo papunta sa kwarto niya. Napakamot nalang si Tim at natawa, “imposible naman” sabi niya sa sarili nya pero narinig niya ang malakas na tawa ng pinsan niya. Sumilip si Tim sa bintana at nakita parin si Raymond sa gate nila nagtetext at tumatawa. “Imposible” aniya.

Isang sabado nakatambay ang tatlo sa kwarto ni Tim at pinagmamasdan ni Timothy ang pinsan niya at kaibigan niya. Wala siyang makitang kakaiba kaya naisip niya na di siguro tama ang hinala niya. “Oy tahimik ka ata at kanina mo pa kami pinagmamasdan” sabi ni Steph.

“Nangungulila kay Karen” banat ni Raymond at natawa ang dalaga. “Eh pare ikaw di ka ba nangungulila kay Margaret? Uy!” bawi ni Tim sabay ngisi. “Hmmm oo naiisip ko parin siya pero sabi ko nga pare ang kay Juan kay Juan, di pwede na sumingit si Pedro” sagot ni Raymond. Nakita ni Tim na medyo napangiti ang pinsan niya kaya humirit pa siya. “E di pa naman sila kasal ah” sabi ni Tim. “Alam ko, pero pare balang araw makakahanap din ako ng magmamahal sa akin, balang araw ako naman, ako” banat ni Raymond.

Tumayo bigla si Raymond at parang nawalan ng gana kaya umalis. Nagsimangot si Stephanie sa pinsan niya at binato ang unan. “Tignan mo nag walk out tuloy, kakainis ka talaga” sabi ni Steph at tumawa si Tim. “Bakit di ka ba affected sa sinabi niya? Sabi niya balang araw makakahanap siya, ay so sad di ka man lang niya tinignan o” tukso ni Tim sabay tawa.

“Balang araw ako yon, ako, ako, ako!” banat ni Steph at napatigil si Tim. “Anong ikaw?” tanong ni Tim pero tumayo si Steph at nagdabog papunta sa pinto. “Eeesh slow ka, basta tandaan mo ako yon! Ako!” hirit ng dalaga.

Em En Kay Chapter 2: Sila!

Em En Kay

By Paul Diaz



Chapter 2: Sila!

Tatlong araw bago ang simula ng pasukan di mapakali si Raymond at nagpapagulong ito sa kama sa kwarto ni Timothy. “Pare tumigil ka nga, para kang bulate na nilagyan ng asin” sabi ni Tim at gigil na gigil niyakap ni Raymond ang unan sabay naupo. “Pare I cant stop thinking of her, ganito ba talaga pare?” tanong ni Raymond at natawa ang kanyang kaibigan.

Biglang nagbukas ang pinto at pumasok sa kwarto si Stephanie, si Raymond umalis sa kama at nakitabi sa kaibigan nya sa sahig. “Ano nanaman pinag uusapan niyo?” tanong ng dalaga at sinagot lang siya ng ngiti ng dalawang binata. “Oo pare ganyan talaga ang feeling. Ganyan din ako noong kay Karen eh” sabi ni Tim at lalong niyakap ni Raymond ang unan. “Actually pare second time ko na naranasan tong feeling na ganito” sabi ni Raymond at nagulat ang mag pinsan.

Tumawa ng malakas si Stephanie at nahiga sa kama habang tinuturo si Raymond. “Sinungaling!” banat niya at napangisi lang ang binata. “You mean nagkagusto ka na sa isang babae noon? Sino naman?” tanong ni Tim at nguniti si Raymond at sabi “Si Pipay” sagot ni Raymond at nagtinginan ang magpinsan at nagtawanan.

“Sino naman yang Pipay na yan? Bakit di namin alam na may Pipay? Baka naman gawa gawa lang yan ng imahinasyon mo ha” sabi ng dalaga at huminga ng malalim si Raymond at tumingin sa malayo. “Wala, hayaan niyo na si Pipay, may sariling mundo yon e. Simula palang alam ko wala ako pag asa don kaya hanggang like nalang. Pwede naman yung ganon diba? Low expectation lang para di masyado mataas babagsakan kung sakali” banat ni Raymond at di parin makapaniwala si Timothy sa sinasabi ng kaibigan nya.

“As in pare meron talagang Pipay?” tanong ni Tim at niyakap ni Raymond ang unan ng mas matindi. “Pare sa tingin mo… si Margaret e..” paputol na sinabi ng binata pero naintindihan agad ng matalik nyang kaibigan. “Pare yung sinasabi mong Pipay di ka gumalaw kaya di mo narin malalaman diba? E now if you really like her tulungan kita para maligawan mo siya” sabi ni Tim at napangiti si Raymond.

“So pano nga ba pare? Pano ba talaga manligaw?” tanong ni Raymond at tumawa si Stephanie at tinignan ang pinsan niya. “Sige nga insan tignan ko nga kung tama, sige nga payuan mo nga si Monching” sabi ng dalaga at nagulat si Raymond. “Monching?” tanong niya at tinignan si Steph. Tulala ang dalaga at nakita niya ang pinsan niyang patagong tumatawa.

“Sino si Monching?” tanong ulit ni Raymond at tumingin sa kisame si Steph at huminga ng malalim. “Sino pa kaya ano? Alangan na ako, siyempre ikaw duh! Ang slow mo talaga, Raymond o nickname Monching, geez naman Neanderthal brain ka” banat ni Steph sabay tinignan niya si Raymond at nagulat pagkat nakangiti ito sa kanya. “Oy ano ngini ngiti mo diya?” tanong niya. “I actually like it” sabi ni Raymond at natulala ang dalaga. “Ha? Okay sa iyo kung tawagin kitang Monching?” tanong ni Steph at nginitian siya ni Raymond.

“Oo Steph basta ikaw, kahit ano itawag mo sa akin basta ikaw” biglang banat ni Raymond at mabilis na namula ang mga pisngi ni Stephanie at nagkatitigan sila ng ilang segundo. Palipat lipat ang tingin ni Tim sa dalawa at di makapaniwala sa nangyayari. “Ano Tim, epektib ba ang ganon na banat?” biglang tanong ni Raymond sabay tawa. Naiwan ang titig ni Tim sa pinsan niya at medyo kinakabahan ngunit tumayo bigla si Steph at tumawa, inagaw ang unan kay Raymond at pinaghahampas niya ito sa binata.

“Wag mo ako pagpraktisan!!! Bwisit ka!!!” sigaw ni Steph habang patuloy ang pagpalo nya kay Raymond ngunit tawa lang ng tawa ang dalawang binata. “Bakit ka galit epektib ba?” hirit ni Raymond at tuloy ang paghahampas ni Stephanie ng unan. Pati si Tim di pinalampas ng dalaga ngunit biglang napalakas ang palo nya sa ulo ni Raymond at tumama ito sa dingding.

“Ay shet sorry!!” sigaw ni Steph sabay napaluhod at humawak sa likod ng ulo ng binata. Napayuko ng ulo si Raymond at dahan dahan tinaas ang ulo nya at tinignan si Steph. “Kahit gano kasakit basta ikaw matitiis ko” banat niya at muli sila nagkatitigan. Dahan dahan na dinampot ni Steph ang unan, mga mata nila di parin nagkakahiwalay. Hinarap niya ang unan at parang slow motion niya itong pinalo ng mahina sa mukha ni Raymond, “Sabi ko sa iyo wag ako ang pagpraktisan mo e” sabi niya sabay tumayo at muling nahiga sa kama. Niyakap lang ni Raymond ang unan at bigla siyang tinignan ni Tim.

“Bakit pre?” tanong ni Raymond at tahimik na umatras si Tim sabay napatingin sa pinsan niya na nakatingin sa kisame. “Wala pre, natutuwa lang ako sa inyong dalawa” sagot ni Tim. “So seryoso na pre, what do I have to do?” tanong ni Raymond. “Alam mo pare walang standard way sa panliligaw e. Ayaw ko naman ikwento yung nagawa ko kasi baka sabihin niyo korny, why not ask Steph nalang para naman at least meron tayong insight” sagot ni Tim.

Sabay nila tinignan si Steph na napatingin sa kanilang dalawa. “Hay, Monching kung ano ka yun ang ipakita mo. Sabi mo she laughed at your jokes o that was all you. Wala kang ginawang special o binago sa sarili mo that time. Sabi mo tanggap ka nya for who you are agad so ano pa kailangan mo baguhin? Basta maging ikaw ka lang at wag kang magpapanggap na iba or else kung naging kayo magpapanggap ka nalang the whole time” payo ni Steph.

Halos isang minuto na tahimik ang kwarto nang biglang tumayo si Raymond at naglakad papunta sa pinto. “Pero I was wearing a nice shirt that time” sabi nya. “Hay naku nakikinig ka ba? Kahit ano pa ang suot mo o itsura mo ang magdadala sa iyo ay ang kung sino ka sa loob” hirit ni Steph at binuksan ni Raymond ang pinto at nilingon siya. “Steph salamat, pre mauna na ako” sabi nya at umalis na siya.

“Oy, yung huling sinabi mo malaman yon ah” sabi ni Tim at dumapa si Steph sa kama at binaon ang mukha niya sa kama. “Oo na I like him noon pa” sagot niya. “Oh so bakit ang galing mo mag advice di mo naman magawa? Magaling naman siya magpatawa pero lagi mo binabara. Kaya tumatak tuloy sa kanya na di maganda ugali mo” sermon ni Tim at biglang tumayo si Steph. “Oo na oo na, nagsisi na ako okay? Wala na ako magagawa. Nakikita ko sa mata niya na seryoso siya dyan sa bruhang yon eeeh” sabi ni Stephanie at natawa bigla si Tim.

“Oy pero aminin mo kinilig ka talaga kanina no nung bumabanat siya” tukso ni Tim at muling kinilig si Steph at tawa ng tawa. “As in, utal ako talaga shet akala ko totoo na hayz. Wag na nga natin pag usapan yan at nakakadepress masyado. Hay Monching…gano ba kaganda yang Margaret na yan?” sabi ni Steph.

“Honestly insan youre much prettier than her pero sabi mo nga diba its not what is outside that is important. You had your chance and you blew it” sabi ni Tim at inabot ni Steph ang isa pang unan sa pinsan niya, “Insan hampasin mo nga ako…sige na para matauhan ako”

Dumating na ang unang araw ng pasukan at maaga sa classroom sina Raymond at Timothy. Napwesto sila sa likod at halatang tensyonado si Raymond. “Pare magrelax ka nga, tandaan mo first day palang ito and you have all the time in the world. At least proven na she accepts you so may foundation ka na” payo ni Tim at huminga ng malalim si Raymond pero tapik siya ng tapik sa upuan niya.

“Pare what do I do pagpasok niya? Kakawayan ko ba siya agad? Ano tatawagin ko siya dito para makatabi ko siya? Ano pare? Help me naman o” tanong ni Raymond at tawa ng tawa si Tim. “Pare relax, deep breath, pag ganito act cool pare. Tipong pagpasok niya nod or smile, diyan mo malalaman pag type ka din nya pag kusa siyang naupo sa tabi mo diba?” sagot ni Tim at napangiti ang kaibigan niya. “Oo nga no, tama tama so I just have to wait. Pero pare pano kung sa harap siya naupo pare o pano na yon?” hirit ni Raymond.

“Hahaha hay naku pare, relax ka nga. First day of classes at madami pang subjects ha. Chill pare, teka lang at nagtetext si Karen, deep breath muna at wag ka masyado mag isip” payo ng kaibigan niya kaya sumandal si Raymond at di niya maalis ang mata niya sa pintuan.

Sampung minuto ang lumipas at nasilayan na ni Raymond si Margaret sa pinto, kinawayan siya ng dalaga at nginitian pero muling lumabas ng pinto. Sobrang natuwa si Raymond at niyugyog niya ang kaibigan niya, “Pare nakita mo yon kinawayan niya ako at nginitian, shet siya pare ang gumawa non nakita mo ba yon pare ha nakita mo ba?” kulit ni Raymond at tawa ng tawa si Tim. “Oo pare kitang kita ko yon, see told you pare, chill lang o pano yan ready ka na?” sagot ng kaibigan niya at di maitago ni Raymond ang malaking ngiti niya sa mukha. “Hell yeah pare!” sabi nya.

Lalong nasabik ang binata at inantay ang muling pagpasok ni Margaret, nakita na niya na pumasok ito ngunit ang ngiti sa mukha niya biglang nagunaw nang may kaholding hands siyang pumasok. Kilalang kilala nila ang kasama ni Margaret, siya si Marwin ang isa nilang kaibigan at halos nanigas si Raymond at naninigas ang mga kamao niya. “Shet pare…oh shet pare” bulong ni Tim. “Oo nga e, tsk…as expected pare pero never ko naimagine na ganito shet” sagot ni Raymond at napansin sila agad ng kaibigan nila at lumapit ang dalawa.

“Uy mga pre eto pala bago kong girlfriend si Margaret” sabi ni Marwin at ngiting aso nalang ang dalawang magkaibigan. “Oo actually we met nung orientation, diba Bruno?” sabi ni Margaret at biglang tumayo si Raymond at inalok ang upuan niya sa babae. “O san ka pupunta tol?” tanong ni Marwin at naglakad si Raymond papunta sa harapan. “Magpapaka genius pare” sabi nya at mabilis na pumunta sa harapan at di na lumingon kahit naririnig niya ang tawa ni Margaret.

Sa pinakaharap naupo si Raymond, katabi nya ang bintana at diretso lang ang tingin sa labas. Tumabi bigla si Tim sa kanya at nag aalala ang kaibigan niya. “Pre okay ka lang?” tanong ni Tim. “Pare, sa tingin mo pag tumalon ako dito sa bintana mamatay na ba ako?” tanong ni Raymond. “Hindi pre kasi first floor ito” sagot ng kaibigan niya at huminga ng malalim si Raymond at hinarap ang pisara pagkat nandon na ang propesor nila.

“Whole day na ganito, whole sem na ganito, shet ano ba tong pinasok ko?” bulong ni Raymond at halos walang maisagot ang kaibigan niya. “Pre nasubukan mo na ba mabasted?” tanong bigla ni Raymond. “Oo naman pre” sagot ni Tim. “I see, pare ganito ba talaga kasakit?” hirit ni Raymond. “Ah…honestly pre parang ganito na nga yon” sumbat ni Tim. “Okay…okay sana kung di mo na nakikita no? Pero ganito na makikita mo araw araw, parang supalpal lagi sa mukha mo” banat ni Raymond at bakas ang kalungkutan sa mukha niya.

“Ano ba meron si Marwin pre? Akala ko ba wala sa physical ito? Pare kaya natin iniiwasan minsan si Marwin kasi pangit ugali niya diba? Diba? O pare ako may masamang ugali din naman ako pero pag compare mo pare mas mabait naman ako diba?” banat ni Raymond. “Oo pre malayo agwat niyo sa ugali” sagot ni Tim. “So physical talaga ang labanan ano?” dagdag ni Raymond. “Pre malay mo may trait na nagustuhan si Margaret sa kanya diba posbile din yun?” sabi ni Tim.

“Trait? Good trait? Ano ipapakilala mo girlfriend mo as bagong girlfriend? Di ba ang pangit non? Pare eto girlfriend ko, ganon sana. Pero bagong girlfriend? Ano siya may collection? Oo meron nga pala, oh I see nagpapakatotoo siya. Pero physical no pre? Sabi ko na e ayaw ko pasukin ito e, shet life was so simple now its BS” litany ni Raymond at sisingit sana si Tim pero pinigilan siya. “Pre please hayaan mo lang ako magsalita pwede? Pare kunwari makinig ka nalang sa akin muna kahit ngayon lang, promise ko ngayon lang pre. Kailangan ko lang alisin to agad sa dibdib ko” pakiusap ni Raymond at nakinig nalang si Tim sa kanya.

Pagkatapos ng huling subject nila nagmadali lumabas ng classroom si Raymond ngunit paglabas niya sinalubong siya ni Stephanie na may kaakbay na lalake. “Oy sinong tomboy ngayon? Eto pala boyfriend ko si Eric” sabi ng dalaga at halos di makangiti si Raymond. “O asan na yung dream girl mo ha? Nasan na siya patingin nga para malaman ko kung may taste ka talaga” banat ni Steph. Paglingon nila sa pinto eksaktong lumabas si Margaret at Marwin, “Oh kaklase niyo din pala si Marwin, o nasan na yung babae mo?” tanong ng dalaga.

“Sila” sabi ni Raymond sabay naglakad siya agad palayo. Dumating si Timothy at napatigil sa tapat ng pinsan niya. “Ano problema non? Tinatanong ko lang nasan yung Margaret, sagutin ba naman ako ng sila sabay alis” sabi ni Steph at napasimangot si Tim. “Oo sila, ayan o” sabi niya at nakita ni Steph si Marwin na umakbay sa isang babae. “Ha? Teka, don’t tell me…teka teka naguguluhan ako” sabi ni Steph. “Tulad ng sinabi ni Raymond, sila nga. Sige habulin ko pa siya baka ano pa magawa niya, uy sunod ka nalang” sabi ni Tim sabay alis.

Di makapaniwala si Steph sa nakita niya, papalit palit ang tingin niya sa likod ng naglalakad na Raymond at sa babaeng kaakbay ni Marwin. “Oh shet yan si Margaret? Shet kawawa naman si Monching hala” bulong niya sabay kumalas sa katabi nyang lalake. “Gaga yan, shet yan shet yan” patuloy niya binubulong sabay lingon ulit kay Monching na nahabol na ni Tim. “Sis, ano ba? May lakad pa ako no? Araw araw ba tong acting natin na magsyota tayo sis?” tanong ni Eric. “Di na sis, thanks, no need na. Sige na sis habulin ko sila, pero shet kawawa naman si Monching” sagot ni Steph.

“Pero sis may taste yung babae ha, knows mo ba sino yung papabol na yan? Ang gwapo niya in fairness maski ako no siya pipiliin ko compare sa Monching na yon” banat ni Eric at biglang nagwala si Steph. “Bruha ka! Isa ka pa! Di mo kilala si Monching at wala kang karapatan magsabi ng ganyan. Nakakairita ka demet ka!” sigaw ng dalaga sabay sibat at hinabol ang dalawa.

Nakauwi ang tatlo at tahimik silang lahat, “Hay one day over, ilang araw ba bago matapos ang isang sem?” tanong ni Raymond sabay tawa. “Sige mauna na ako, bukas” sabi nya sabay pumasok sa pinto ng bahay nila. Naiwan si Steph sa tapat ng bahay nila at nagsimula tumulo ang luha sa mga mata nya. “Hoy tara na sa loob” sabi ni Tim. “Oy bakit ka umiiyak?” hirit niya.

“Insan I feel so sad for him. Grabe masayahin si Monching insan, di ako sanay nakikita siyang ganyan” sabi ni Steph. “Hay, he will be fine. Ganyan talaga so let him be muna” sabi ni Tim. Di parin gumalaw si Steph at pinunasan niya ang mga luha niya. “Insan will he be really okay? Baka gumawa siya ng masama worried ako” bulong ni Steph. “Okay lang siya, di ganon si Raymond. You should know that kasi magkababata tayo diba? Relax back to normal din yan soon, just give him time kasi first heart break naman niya e” sabi ni Tim.

“Uy make sure naman, itext mo naman siya o” sabi ni Steph. “Ano ka ba kapapasok lang niya no. Okay lang yan kaya halika na sa loob. Or what if ikaw nalang magtext sa kanya para naman makita niya na concerned ka for a change” payo ni Tim at napaisip si Steph at agad niyang nilabas ang phone niya at nagpipindot.

Nauna na sa loob si Tim pero si Steph naiwan parin sa labas at kahit na buo na ang text sa phone niya di nya magawang pindutin ang send. Ilang sandali narinig ni Steph nagbukas ang bintana ni Raymond kaya mabilis niyang pinunasan ang mga mata niya. “Oy ano pang ginagawa mo diyan?” tanong ni Raymond at natawa si Steph at di sya tinignan. “Ah napulingan ako” sagot niya.

“Oist gusto mo magfishball? Nagugutom ako e” sabi ni Raymond at tinignan siya ng dalaga. “Treat mo ako?” tanong niya. “Syempre. Antayin mo ako diyan” sagot ng binata at biglang napangiti si Steph. Ilang sandali pa lumabas na si Raymond at sabay silang nagpunta sa nagbebenta ng streetfood.

Habang kumakain ay biglang naglabas ng panyo si Raymond at agad pinunasan ang gilid ng labi ni Steph, “Steph salamat sa concern but I will be fine so don’t worry” sabi niya sa dalaga at nginitian ito. Nabigla si Steph kaya tanging nagawa lang niya ay mapangiti narin.

Sunday, August 9, 2009

Em En Kay





Em En Kay

By Jonathan Paul Diaz


(THIS IS JUST A SHOWCASE COPY OF THE STORY. IF YOU WANT TO READ THE WHOLE STORY, THE EBOOK VERSION WILL BE SOLD SOON )


Chapter 1: Siya!

Isang maaliwalas na umaga ng Hunyo lumabas ng bahay ang magpinsan na Timothy at Stephanie at nag antay sa labas ng katapat na bahay. Orientation day nila para sa kolehiyo at inaantay nila ang kanilang kaibigan na si Raymond.

“Hay naku Tim ten years pa bago lalabas yan kaya katukin mo nalang” sabi ni Stephanie. Nagbukas bigla ang pinto ng bahay at lumabas si Raymond at nginitian ang dalawa. “Wow! Himala! Maaga ka!” hirit ni Steph at natawa si Timothy. “Pare naman college na tayo ganyan parin porma mo? Magsuklay ka naman kaya” sabi ni Timothy at tumawa si Raymond.

“Waste of time pare, mamaya magugulo din lang kaya wag na. At bakit pa ako magpoporma? Orientation lang naman pupuntahan natin ha” sagot ni Raymond. “E what if may makita kang type mo dun, o its high time magka girlfriend ka narin ano” banat ni Tim.

“Sus, what for? Kailangan ba ng girlfriend para mabuhay? Look buhay pa naman ako ah at masaya” sabi ni Raymond at napakamot nalang si Tim. “Hay pare trust me, mas masaya ka pag may girlfriend ka at lalo ka magiging inspired sa buhay” sagot ni Tim at biglang tumigil si Stephanie at inayos ang buhok ni Raymond

“Ang tanda tanda mo na my God naman mag ayos ka naman. Nakakahiya kang kasama. Pati kwelyo mo di mo maayos, napakasimpleng bagay di mo magawa. O ayan e di mukha ka nang tao for a change” sabi ni Stephanie at tawa ng tawa si Tim pagkat napasimangot lang si Raymond at napayuko ang ulo.

Pagdating sa Unibersid ay humiwalay na si Stephanie pagkat iba ang kurso nya sa dalawa habang ang dalawang magbestfriend ay pumasok sa isang auditorium para sa orientation nila. Naupo ang dalawa sa pinakaunahan at napalingon sa paligid. “Pare bakit wala pa si Marwin? And dami pala natin na mag take ng IT ano?” sabi ni Raymond.

“Hay naku tinanong mo pa, as usual nambabae nanaman malamang. Pare bakit tayo dito sa harap naupo? Dyahe dito pare” sagot ni Timothy at tumawa ang kaibigan nya. “Wag ka na maarte pare, for a change naman para mafeel natin ang nafeel ng mga genius na lagi nakaupo sa harapan. Look sharp pare para isipin ng iba genius tayo” banat ni Raymond at tawa ng tawa si Timothy.

Limang minuto pa at may naupo sa tabi ni Raymond na babaeng maganda at bigla siya siniko ni Timothy. “Pare ang ganda nya o” bulong ni Tim. Nilabas ni Raymond ang cellphone nya at sabi “Karen, si Timothy nagtataksil sa iyo” pabiro nya sinabi at kunwari nagtetext. “Ogag! Sinasabi ko para sa iyo no” banat ni Tim at napangiti si Raymond. “Pare next time di mo kailangan sabihin sa akin kung may maganda at may sensors din ako kahit di ako nakatingin. Di porke wala pa akong girlfriend din a ako marunong kumilatis no. Oo maganda siya pare, that is a fact pero it ends there” sagot ni Raymond.

“Sus kilalanin mo na o nandyan na nga o” bulong ni Tim. “Pare bestfriend kita you should know me by now. Kay dami nang magaganda ang pinadaan ko kasi di sila nakakapasa sa standards ko. Wag mo ako itulad kay Marwin na pag nakakita ng maganda inlove agad, no no no it goes beyond physical appearance pare” sagot ni Raymond at lalong natawa si Tim at binatukan ang kaibigan nya.

Ilang saglit pa pumasok ang isang matandang lalake sa taas ng stage at binati ang lahat. Nag ayos ng pwesto si Raymond at tinaas ang noo nya, “Pare nafeel ko na tumataas ang IQ ko kasi nakaupo tayo sa harapan. Ganito pala ang feeling ng isang genius pare” banat niya at biglang natawa yung katabi nyang babae kaya sabay napatingin sa kanya ang magkaibigan. Nagtakip ng mukha yung babae at tumingin sa malayo kaya di na nila ito pinansin pa.

Nagsimula ang orientation at di mapakali si Raymond, nag ayos nanaman siya ng pwesto at kinalbit ang kaibigan nya. “Pare, alam mo kulang nalang natin ay acknowledgement from the professor at certified genius na tayo” bulong niya at napakamot si Tim. “Pare look, ganito lang yan, titigan mo ang prof, himas himasin mo baba mo tapos pag nag eye contact kayo kunwari mag nod ka pare” bulong ni Raymond. “Eye contact ka dyan e ang taas ng stage as if makikita ka pa” sagot ni Tim.

“Pare, can you see naka eyeglasses siya, may zoom function yan, pag normal vision oo maliit tayo pero naka salamin yan o, mas malaki tayo sa paningin niya, aysus watch and learn pare” banat ni Raymond at muling natawa ang katabi nyang babae. Ginawa ni Raymond ang sinabi nya at napatingin sa kanya ang professor at napangiti sa kanya. Pasimpleng siniko ni Raymond ang kaibigan nya at muli sya nag ayos ng pwesto.

Lalong nagulat si Tim nang binigyan ng professor ng thumbs up sign si Raymond, “Oh yes pare, you see he acknowledges me now, oh I can feel my IQ going up already” bulong ni Raymond at sabay natawa si Tim at katabi nyang babae. “Pero pare, I can feel so many deadly auras, pare markado na ako ng batch na ito. Alam na nila ang man to beat, pustahan tayo pare paglingon mo e madami nakatingin sa akin” bulong ni Raymond at sabay pa napalingon si Tim at yung babae sa paligid at nakita nila na pinagtitignan nga si Raymond.

“Oh pare I feel so intelligent right now pare. Di nila alam panay pasang awa grades ko ahaha pero o ha right now feel nila lahat line of 9 pare” banat ni Raymond sabay pasimple nyang tinuro ang propesor at nag nod ulet. Nakita muli siya ng propesor at nag nod din sabay ngiti kaya napangisi si Raymond. Bigla nalang sumabog sa tawa ang katabi nyang babae at nagtakip agad ng bibig. Niyuko nya ulo nya pero napatingin na sa kanya ang propesor at ibang estudyante.

“Is there something funny miss?!” sigaw ng propesor pero mabilis na hinaplos ni Raymond ang likod ng babae. “Ah sir, she is crying actually, she told me that they have a family problem and she just remembered it now. Uy tahan na wag ka na iiyak” sabi ni Raymond sabay abot ng panyo sa katabi nya. Lalong natawa yung babae pero pilit nya niyuyuko sarili nya at tuloy ang paghaplos ni Raymond sa likod nya. “Oh I am sorry, does she need to attend to it, she can be excused” sabi ng propesor. “Sir samahan ko na ho siya” hirit ni Raymond at pumayag ang propesor.

Tumayo ang dalawa at nagtakip ng mukha ang babae, inakbayan naman siya ni Raymond at lumabas sila ng auditorium. Paglalabas ng pinto sumabog sa tawa yung babae at pulang pula ang mukha niya, hinila siya palayo ni Raymond at di parin makapagpigil ang dalaga. Napaupo sila sa isang bench sa campus at nang akala ay tumila na ang tawa ng dalaga bigla ulit siya natawa nang tignan niya ang binata.

“Wag kasi!” sabi ng dalaga sabay tawa at napakamot si Raymond na natatawa narin sa kanya. “Wala naman ako ginagawa na ha” sagot ni Raymond at lalo pang tumawa ang dalawa. “Eeeh tama na kasi masakit na tyan ko” sabi ng dalaga at tumigil si Raymond sa katatawa at huminga ng malalim. “O ayan tumigil na ako kaya tumigil ka narin” sabi nya at tumigil ang dalaga pero nang magkatitigan ulit sila sabay ulit sila napatawa.

Naglayo sila ng upo sa bench at pagkalipas ng limang minuto pareho na sila nahimasmasan. “Ano okay ka na?” tanong ni Raymond at huminga ng malalim ang dalaga at nginitian siya. “Oo okay na ako” sagot niya. “O sige, iwan na kita diyan” sabi ni Raymond at nagsimula maglakad palayo. “Uy saan ka pupunta?” pahabol ng dalaga at mabilis na hinabol si Raymond. “Babalik na sa loob, tara na” sagot nya.

“Wag na, diba nga I have a family problem at sinasamahan mo ako” sabi ng dalaga at natawa muli si Raymond. “Libot nalang tayo ng campus” hirit nya at biglang nanigas ang binata at pumayag. Naglakad sila sa campus, ang binata parang estatwa na naglalakad pagkat ito ang kauna unahan niyang pagkakataon na makasama ang isang babae na maglilibot libot.

“Ako pala si Margaret” sabi ng dalaga at napangiti si Raymond at sabi “Bruno”. Tumigil si Margaret at muling nagbungisngis, “Totoo ka Bruno ang name mo?” tanong nya at napakamot si Raymond at tumawa. “Biro lang, nagpapatawa lang ako, ako si Raymond” sagot nya at tinitigan siya ng dalaga, “Raymond…Bruno na itatawag ko sa iyo kasalanan mo yan” sabi ni Margaret sabay tumawa. “Okay lang, pero kailangan ko na matutong tumahol kasi parang pangalan ng aso yon e” banat ni Raymond at muling natawa ang dalaga.

Isang oras naglibot ang dalawa at bigla nila nakita si Timothy. Pinakilala ni Raymond si Margaret at panay ang siko ni Tim sa kaibigan nya. “Tara kain na tayo, part two mamaya daw e” sabi ni Timothy at biglang hinila ni Margaret ang braso ni Raymond, “Doon ang canteen, tara subukan na natin” sabi ng dalaga at nagkatinginan ang magkaibigan at napakalaki ng ngisi ni Tim. “Pare, ang bilis mo ata” bulong ni Tim at nanginginig si Raymond, “Pare help” sagot niya at tinulak siya ng kaibigan nya hanggang sa magbangga ang katawan nila ni Margaret. “Tara dali baka maubusan tayo ng upuan” sabi ng dalaga.

Nakahanap sila ng lamesa at agad sila nakakuha ng pagkain nila. Masaya ang kwentuhan nila pero si Raymond halos di nya nagagalaw ang pagkain niya. “Ay sana magkaklase tayo Bruno” bigkas bigla ni Margaret at muntik nang mabulunan si Timothy nang narinig nya ang tawag sa kaibigan nya. Nagkatinginan ang magkaibigan at napangisi muli si Tim, “Ah patingin nga schedule mo baka pareho tayo” sabi ni Raymond at nilabas ni Margaret ang isang papel mula sa bag nya at inabot sa kanya.

“Wow! Pareho tayo ng lahat ng subjects!” masayang sinabi ni Raymond kaya napatingin si Timothy sa papel. Magsasalita sana si Tim pero lalo nilapit ni Raymond sa mukha ng kaibigan nya ang papel, “O diba pare pareho, diba? Lahat ng subject diba?” pilit ni Raymond sabay siko sa kaibigan nya. “Ay oo nga” sabi ni Tim habang iniinda ang natanggap na siko.

“Ow talaga? As in lahat ng subjects?” tanong ni Margaret. “Yup as in lahat” sagot ni Raymond at tuwang tuwa ang dalaga. Nagpunta sa comfort room saglit si Margaret at doon na bumanat si Tim, “Pare lahat ng subjects di kaya pareho, bakit ka nagsinungaling sa kanya?” tanong ni Tim. “Pare di ako nagsinungaling sa kanya, pareho naman talaga mga subjects natin” sagot ni Raymond. “Duh! OO pareho subjects pero iba schedule” sumbat ni Tim. “Kaya nga magpapalit tayo ng sched mamaya e” banat ni Raymond at natawa si Tim.

“Sira ka ba? Memorized mo ba yung sched nya?” sabi ni Timothy at tumawa si Raymond. “Pare, isa sa mga hidden talent ko ay photographic memory, ang schedule nya ay nandito sa utak ko kaya pahiram ng papel at isusulat ko at isang talent ko din ay memory gap” sabi ni Raymond at nagtawanan ang magkaibigan.

Pagkatapos nila mananghalian nakita ni Margaret ang mga babaeng kaibigan nya. “Uy sama muna ako sa kanila ha, see you at the first day of classes nalang” sabi ng dalaga sa dalawa. “Ah sige ingat kayo, see you sa first day” sagot ni Raymond at ngumiti lang si Tim. “Bruno wag kang magpapalate ha” hirit ni Margaret at umalis na ito.

“Pare ngayon mo lang nakilala may nickname na siya para sa iyo? Bruno?” sabi ni Tim habang tulala lang si Raymond na pinapanood lumayo ang dalaga. “Shhhh pare wag kang maingay” sabi ni Raymond at natawa tuloy si Tim. “Wow pare you like her” banat ni Tim pero di gumagalaw si Raymond at sinusundan lang ng tingin si Margaret. “Anong pinagsasabi mo dyan, sus” sumbat ni Raymond pero lalo natawa si Tim.

“Don’t be shy, pupunta tayo magpapalit ng schedule remember? Kasi gusto mo siya kaklase lagi” bulong ni Tim sabay napangiti si Raymond. “So what? Gusto ko lang maging kaklase, ano big deal don?” sumbat ni Raymond. “Hmmm ako pare pumapayag ako magpalit para sa sake mo, kasi gusto ko din panoorin ang first ever love life mo” hirit ni Tim at lalo lumaki ang ngiti sa mukha ni Raymond.

“Pare siya na” sabi ni Raymond at natawa si Tim. “Teka, akala ko ba its not about the physical appearance pare? Akala ko ba may standards ka?” sagot ni Tim. “Oo pare, di ako naattract sa itsura nya, pare she laughed at my jokes. Kaya nya sakyan ang ugali ko pare, shit pare ano tong nararamdaman ko?” sabi ni Raymond at umakbay si Tim sa balikat nya. “Pare you like her, wag kang mag alala pare guide kita para maligawan mo siya ng tama” payo ni Tim. “Pare like palang to diba? Diba? Di pa naman love to no pare?” tanong ni Raymond at natawa si Tim. “Oo pare ganyan talaga, it starts just like that and hopefully it ends with love” banat ni Tim at bigla siya siniko ni Raymond.

“Di pa ako nagsisimula minamalas mo na ako. Bakit may hopefully pa, parang wala ka naman tiwala sa akin e” sabi ni Raymond at nagtawanan sila. “Hoy anong tinatawanan niyong dalawa? Para kayong mga bulateng di mapakale!” biglang sigaw ni Stephanie at napatigil ang dalawa. “Shit pare, diba pareho tayong tatlo ng sched? Pag magpalit tayo dapat pati siya magpalit” bulong ni Tim. Napayuko si Raymond at humawak sa ulo niya, “Shit, oo nga pala” bulong din nya at lalo sila nilapitan ni Stephanie. “Hoy! Ano ba problema niyo?” sabi ni Steph at biglang bumulong si Tim sa kaibigan niya. “Pare papayag yan basta sundin mo sasabihin ko, hold her hand and tell her you want to change the sched” sabi nya at nagulat si Raymond.

“Ano?” tanong ni Raymond at nagkatitigan sila ng bestfriend nya. “Ikaw bahala” banat ni Tim at pareho sila piningot ni Stephanie. “Ano yang sinisekreto niyo sa akin? HA?” sabi ng dalaga at sinensyasan ni Tim ang kaibigan niya at biglang hinawakan ni Raymond ang kamay ni Stephanie at nagkatitigan sila. “Steph” simula ni Raymond at nanigas bigla ang dalaga kaya sa likod nya nag thumbs up si Tim.

“Steph kasi gusto ko magpalit ng schedule, pumayag na si Tim pero diba kailangan pareho kayo ng pinsan mo so favor sana…” sabi ni Raymond at napa oo agad si Steph na ikinagulat ni Raymond. “Talaga?” tanong ni Raymond at bumitaw si Steph sabay naglakad at nilingon ang dalawa. “Ano pa inaantay niyo dyan? Tara na magpalit na tayo ng schedule” sabi ni Stephanie.

Sumunod ang dalawa at gulat na gulat parin si Raymond. “Pare yon ba ang weakness ng insan mo?” pabulong na tanong ni Raymond at ngumiti lang si Tim. “Hindi pare, wag ka na matanong basta it worked. Tara na bilisan mo baka magalit nanaman yan” sagot ni Tim kaya hinabol nila ang dalaga.

Pagkatapos ng isang oras humiwalay si Raymond pagkat may pinapabili ang nanay niya kaya ang magpinsan nauna na umuwi. Habang naglalakad binabasa ni Stephanie ang bagong schedule nya pero bigla siyang napatingin sa pinsan niya. “Tim, ano ba nakain ni Monching at nagpalit siya ng schedule?” tanong ni Steph pero tahimik lang ang pinsan niya.

“Oy sumagot ka naman” hirit ng dalaga at huminga ng malalim si Tim. “He met a girl and it happens same course, and yes he like her” sabi ni Tim at biglang napunit ni Stephanie ang schedule nya at napatigil sa paglalakad. Di maipinta ang mukha ng dalaga at nanginginig ang mga labi nya.

“Like as in like?” pabulong na tanong Steph at napayuko nalang ng ulo si Tim. “He said, she laughed at his jokes and kaya niya sakyan ugali niya” sabi ng pinsan niya at napasimangot ang dalaga at naglakad muli. “Buti naman at he likes a girl, akala ko bakla na yang bestfriend mo!” sabi ni Steph at bumilis ang lakad niya.

“Okay ka lang?” tanong ni Tim at ngumiti lang si Steph. “At bakit naman di ako magiging okay?” sumbat ng dalaga. “Alam mo ang hirap ngumiti pag pilit” sabi ni Tim at tumingin sa malayo si Steph. “Insan alam ko kahit na ang taray mo sa kanya, lagi mo siya inaasar at inaalaska I know you like him” banat ni Tim at nagsimangot na muli si Stephanie.

“Sana sinabi mo agad na ganon ang rason niya para magpalit. Oo masakit pero alam mo ang mas masakit? Pag uwi natin tatlo araw araw tapos kinukwento niya mga nangyari sa kanila. Sana sinabi mo nalang sa akin insan, wala na, don’t worry masasanay ko din ang ngiting ganito” sabi ng dalaga sabay pumasok sa pinto.

(whew. Sensya na pag matagalan sa updates. My fingers are not fully healed but I am extremely inspired)