sk6

Monday, August 10, 2009

Em En Kay Chapter 2: Sila!

Em En Kay

By Paul Diaz



Chapter 2: Sila!

Tatlong araw bago ang simula ng pasukan di mapakali si Raymond at nagpapagulong ito sa kama sa kwarto ni Timothy. “Pare tumigil ka nga, para kang bulate na nilagyan ng asin” sabi ni Tim at gigil na gigil niyakap ni Raymond ang unan sabay naupo. “Pare I cant stop thinking of her, ganito ba talaga pare?” tanong ni Raymond at natawa ang kanyang kaibigan.

Biglang nagbukas ang pinto at pumasok sa kwarto si Stephanie, si Raymond umalis sa kama at nakitabi sa kaibigan nya sa sahig. “Ano nanaman pinag uusapan niyo?” tanong ng dalaga at sinagot lang siya ng ngiti ng dalawang binata. “Oo pare ganyan talaga ang feeling. Ganyan din ako noong kay Karen eh” sabi ni Tim at lalong niyakap ni Raymond ang unan. “Actually pare second time ko na naranasan tong feeling na ganito” sabi ni Raymond at nagulat ang mag pinsan.

Tumawa ng malakas si Stephanie at nahiga sa kama habang tinuturo si Raymond. “Sinungaling!” banat niya at napangisi lang ang binata. “You mean nagkagusto ka na sa isang babae noon? Sino naman?” tanong ni Tim at nguniti si Raymond at sabi “Si Pipay” sagot ni Raymond at nagtinginan ang magpinsan at nagtawanan.

“Sino naman yang Pipay na yan? Bakit di namin alam na may Pipay? Baka naman gawa gawa lang yan ng imahinasyon mo ha” sabi ng dalaga at huminga ng malalim si Raymond at tumingin sa malayo. “Wala, hayaan niyo na si Pipay, may sariling mundo yon e. Simula palang alam ko wala ako pag asa don kaya hanggang like nalang. Pwede naman yung ganon diba? Low expectation lang para di masyado mataas babagsakan kung sakali” banat ni Raymond at di parin makapaniwala si Timothy sa sinasabi ng kaibigan nya.

“As in pare meron talagang Pipay?” tanong ni Tim at niyakap ni Raymond ang unan ng mas matindi. “Pare sa tingin mo… si Margaret e..” paputol na sinabi ng binata pero naintindihan agad ng matalik nyang kaibigan. “Pare yung sinasabi mong Pipay di ka gumalaw kaya di mo narin malalaman diba? E now if you really like her tulungan kita para maligawan mo siya” sabi ni Tim at napangiti si Raymond.

“So pano nga ba pare? Pano ba talaga manligaw?” tanong ni Raymond at tumawa si Stephanie at tinignan ang pinsan niya. “Sige nga insan tignan ko nga kung tama, sige nga payuan mo nga si Monching” sabi ng dalaga at nagulat si Raymond. “Monching?” tanong niya at tinignan si Steph. Tulala ang dalaga at nakita niya ang pinsan niyang patagong tumatawa.

“Sino si Monching?” tanong ulit ni Raymond at tumingin sa kisame si Steph at huminga ng malalim. “Sino pa kaya ano? Alangan na ako, siyempre ikaw duh! Ang slow mo talaga, Raymond o nickname Monching, geez naman Neanderthal brain ka” banat ni Steph sabay tinignan niya si Raymond at nagulat pagkat nakangiti ito sa kanya. “Oy ano ngini ngiti mo diya?” tanong niya. “I actually like it” sabi ni Raymond at natulala ang dalaga. “Ha? Okay sa iyo kung tawagin kitang Monching?” tanong ni Steph at nginitian siya ni Raymond.

“Oo Steph basta ikaw, kahit ano itawag mo sa akin basta ikaw” biglang banat ni Raymond at mabilis na namula ang mga pisngi ni Stephanie at nagkatitigan sila ng ilang segundo. Palipat lipat ang tingin ni Tim sa dalawa at di makapaniwala sa nangyayari. “Ano Tim, epektib ba ang ganon na banat?” biglang tanong ni Raymond sabay tawa. Naiwan ang titig ni Tim sa pinsan niya at medyo kinakabahan ngunit tumayo bigla si Steph at tumawa, inagaw ang unan kay Raymond at pinaghahampas niya ito sa binata.

“Wag mo ako pagpraktisan!!! Bwisit ka!!!” sigaw ni Steph habang patuloy ang pagpalo nya kay Raymond ngunit tawa lang ng tawa ang dalawang binata. “Bakit ka galit epektib ba?” hirit ni Raymond at tuloy ang paghahampas ni Stephanie ng unan. Pati si Tim di pinalampas ng dalaga ngunit biglang napalakas ang palo nya sa ulo ni Raymond at tumama ito sa dingding.

“Ay shet sorry!!” sigaw ni Steph sabay napaluhod at humawak sa likod ng ulo ng binata. Napayuko ng ulo si Raymond at dahan dahan tinaas ang ulo nya at tinignan si Steph. “Kahit gano kasakit basta ikaw matitiis ko” banat niya at muli sila nagkatitigan. Dahan dahan na dinampot ni Steph ang unan, mga mata nila di parin nagkakahiwalay. Hinarap niya ang unan at parang slow motion niya itong pinalo ng mahina sa mukha ni Raymond, “Sabi ko sa iyo wag ako ang pagpraktisan mo e” sabi niya sabay tumayo at muling nahiga sa kama. Niyakap lang ni Raymond ang unan at bigla siyang tinignan ni Tim.

“Bakit pre?” tanong ni Raymond at tahimik na umatras si Tim sabay napatingin sa pinsan niya na nakatingin sa kisame. “Wala pre, natutuwa lang ako sa inyong dalawa” sagot ni Tim. “So seryoso na pre, what do I have to do?” tanong ni Raymond. “Alam mo pare walang standard way sa panliligaw e. Ayaw ko naman ikwento yung nagawa ko kasi baka sabihin niyo korny, why not ask Steph nalang para naman at least meron tayong insight” sagot ni Tim.

Sabay nila tinignan si Steph na napatingin sa kanilang dalawa. “Hay, Monching kung ano ka yun ang ipakita mo. Sabi mo she laughed at your jokes o that was all you. Wala kang ginawang special o binago sa sarili mo that time. Sabi mo tanggap ka nya for who you are agad so ano pa kailangan mo baguhin? Basta maging ikaw ka lang at wag kang magpapanggap na iba or else kung naging kayo magpapanggap ka nalang the whole time” payo ni Steph.

Halos isang minuto na tahimik ang kwarto nang biglang tumayo si Raymond at naglakad papunta sa pinto. “Pero I was wearing a nice shirt that time” sabi nya. “Hay naku nakikinig ka ba? Kahit ano pa ang suot mo o itsura mo ang magdadala sa iyo ay ang kung sino ka sa loob” hirit ni Steph at binuksan ni Raymond ang pinto at nilingon siya. “Steph salamat, pre mauna na ako” sabi nya at umalis na siya.

“Oy, yung huling sinabi mo malaman yon ah” sabi ni Tim at dumapa si Steph sa kama at binaon ang mukha niya sa kama. “Oo na I like him noon pa” sagot niya. “Oh so bakit ang galing mo mag advice di mo naman magawa? Magaling naman siya magpatawa pero lagi mo binabara. Kaya tumatak tuloy sa kanya na di maganda ugali mo” sermon ni Tim at biglang tumayo si Steph. “Oo na oo na, nagsisi na ako okay? Wala na ako magagawa. Nakikita ko sa mata niya na seryoso siya dyan sa bruhang yon eeeh” sabi ni Stephanie at natawa bigla si Tim.

“Oy pero aminin mo kinilig ka talaga kanina no nung bumabanat siya” tukso ni Tim at muling kinilig si Steph at tawa ng tawa. “As in, utal ako talaga shet akala ko totoo na hayz. Wag na nga natin pag usapan yan at nakakadepress masyado. Hay Monching…gano ba kaganda yang Margaret na yan?” sabi ni Steph.

“Honestly insan youre much prettier than her pero sabi mo nga diba its not what is outside that is important. You had your chance and you blew it” sabi ni Tim at inabot ni Steph ang isa pang unan sa pinsan niya, “Insan hampasin mo nga ako…sige na para matauhan ako”

Dumating na ang unang araw ng pasukan at maaga sa classroom sina Raymond at Timothy. Napwesto sila sa likod at halatang tensyonado si Raymond. “Pare magrelax ka nga, tandaan mo first day palang ito and you have all the time in the world. At least proven na she accepts you so may foundation ka na” payo ni Tim at huminga ng malalim si Raymond pero tapik siya ng tapik sa upuan niya.

“Pare what do I do pagpasok niya? Kakawayan ko ba siya agad? Ano tatawagin ko siya dito para makatabi ko siya? Ano pare? Help me naman o” tanong ni Raymond at tawa ng tawa si Tim. “Pare relax, deep breath, pag ganito act cool pare. Tipong pagpasok niya nod or smile, diyan mo malalaman pag type ka din nya pag kusa siyang naupo sa tabi mo diba?” sagot ni Tim at napangiti ang kaibigan niya. “Oo nga no, tama tama so I just have to wait. Pero pare pano kung sa harap siya naupo pare o pano na yon?” hirit ni Raymond.

“Hahaha hay naku pare, relax ka nga. First day of classes at madami pang subjects ha. Chill pare, teka lang at nagtetext si Karen, deep breath muna at wag ka masyado mag isip” payo ng kaibigan niya kaya sumandal si Raymond at di niya maalis ang mata niya sa pintuan.

Sampung minuto ang lumipas at nasilayan na ni Raymond si Margaret sa pinto, kinawayan siya ng dalaga at nginitian pero muling lumabas ng pinto. Sobrang natuwa si Raymond at niyugyog niya ang kaibigan niya, “Pare nakita mo yon kinawayan niya ako at nginitian, shet siya pare ang gumawa non nakita mo ba yon pare ha nakita mo ba?” kulit ni Raymond at tawa ng tawa si Tim. “Oo pare kitang kita ko yon, see told you pare, chill lang o pano yan ready ka na?” sagot ng kaibigan niya at di maitago ni Raymond ang malaking ngiti niya sa mukha. “Hell yeah pare!” sabi nya.

Lalong nasabik ang binata at inantay ang muling pagpasok ni Margaret, nakita na niya na pumasok ito ngunit ang ngiti sa mukha niya biglang nagunaw nang may kaholding hands siyang pumasok. Kilalang kilala nila ang kasama ni Margaret, siya si Marwin ang isa nilang kaibigan at halos nanigas si Raymond at naninigas ang mga kamao niya. “Shet pare…oh shet pare” bulong ni Tim. “Oo nga e, tsk…as expected pare pero never ko naimagine na ganito shet” sagot ni Raymond at napansin sila agad ng kaibigan nila at lumapit ang dalawa.

“Uy mga pre eto pala bago kong girlfriend si Margaret” sabi ni Marwin at ngiting aso nalang ang dalawang magkaibigan. “Oo actually we met nung orientation, diba Bruno?” sabi ni Margaret at biglang tumayo si Raymond at inalok ang upuan niya sa babae. “O san ka pupunta tol?” tanong ni Marwin at naglakad si Raymond papunta sa harapan. “Magpapaka genius pare” sabi nya at mabilis na pumunta sa harapan at di na lumingon kahit naririnig niya ang tawa ni Margaret.

Sa pinakaharap naupo si Raymond, katabi nya ang bintana at diretso lang ang tingin sa labas. Tumabi bigla si Tim sa kanya at nag aalala ang kaibigan niya. “Pre okay ka lang?” tanong ni Tim. “Pare, sa tingin mo pag tumalon ako dito sa bintana mamatay na ba ako?” tanong ni Raymond. “Hindi pre kasi first floor ito” sagot ng kaibigan niya at huminga ng malalim si Raymond at hinarap ang pisara pagkat nandon na ang propesor nila.

“Whole day na ganito, whole sem na ganito, shet ano ba tong pinasok ko?” bulong ni Raymond at halos walang maisagot ang kaibigan niya. “Pre nasubukan mo na ba mabasted?” tanong bigla ni Raymond. “Oo naman pre” sagot ni Tim. “I see, pare ganito ba talaga kasakit?” hirit ni Raymond. “Ah…honestly pre parang ganito na nga yon” sumbat ni Tim. “Okay…okay sana kung di mo na nakikita no? Pero ganito na makikita mo araw araw, parang supalpal lagi sa mukha mo” banat ni Raymond at bakas ang kalungkutan sa mukha niya.

“Ano ba meron si Marwin pre? Akala ko ba wala sa physical ito? Pare kaya natin iniiwasan minsan si Marwin kasi pangit ugali niya diba? Diba? O pare ako may masamang ugali din naman ako pero pag compare mo pare mas mabait naman ako diba?” banat ni Raymond. “Oo pre malayo agwat niyo sa ugali” sagot ni Tim. “So physical talaga ang labanan ano?” dagdag ni Raymond. “Pre malay mo may trait na nagustuhan si Margaret sa kanya diba posbile din yun?” sabi ni Tim.

“Trait? Good trait? Ano ipapakilala mo girlfriend mo as bagong girlfriend? Di ba ang pangit non? Pare eto girlfriend ko, ganon sana. Pero bagong girlfriend? Ano siya may collection? Oo meron nga pala, oh I see nagpapakatotoo siya. Pero physical no pre? Sabi ko na e ayaw ko pasukin ito e, shet life was so simple now its BS” litany ni Raymond at sisingit sana si Tim pero pinigilan siya. “Pre please hayaan mo lang ako magsalita pwede? Pare kunwari makinig ka nalang sa akin muna kahit ngayon lang, promise ko ngayon lang pre. Kailangan ko lang alisin to agad sa dibdib ko” pakiusap ni Raymond at nakinig nalang si Tim sa kanya.

Pagkatapos ng huling subject nila nagmadali lumabas ng classroom si Raymond ngunit paglabas niya sinalubong siya ni Stephanie na may kaakbay na lalake. “Oy sinong tomboy ngayon? Eto pala boyfriend ko si Eric” sabi ng dalaga at halos di makangiti si Raymond. “O asan na yung dream girl mo ha? Nasan na siya patingin nga para malaman ko kung may taste ka talaga” banat ni Steph. Paglingon nila sa pinto eksaktong lumabas si Margaret at Marwin, “Oh kaklase niyo din pala si Marwin, o nasan na yung babae mo?” tanong ng dalaga.

“Sila” sabi ni Raymond sabay naglakad siya agad palayo. Dumating si Timothy at napatigil sa tapat ng pinsan niya. “Ano problema non? Tinatanong ko lang nasan yung Margaret, sagutin ba naman ako ng sila sabay alis” sabi ni Steph at napasimangot si Tim. “Oo sila, ayan o” sabi niya at nakita ni Steph si Marwin na umakbay sa isang babae. “Ha? Teka, don’t tell me…teka teka naguguluhan ako” sabi ni Steph. “Tulad ng sinabi ni Raymond, sila nga. Sige habulin ko pa siya baka ano pa magawa niya, uy sunod ka nalang” sabi ni Tim sabay alis.

Di makapaniwala si Steph sa nakita niya, papalit palit ang tingin niya sa likod ng naglalakad na Raymond at sa babaeng kaakbay ni Marwin. “Oh shet yan si Margaret? Shet kawawa naman si Monching hala” bulong niya sabay kumalas sa katabi nyang lalake. “Gaga yan, shet yan shet yan” patuloy niya binubulong sabay lingon ulit kay Monching na nahabol na ni Tim. “Sis, ano ba? May lakad pa ako no? Araw araw ba tong acting natin na magsyota tayo sis?” tanong ni Eric. “Di na sis, thanks, no need na. Sige na sis habulin ko sila, pero shet kawawa naman si Monching” sagot ni Steph.

“Pero sis may taste yung babae ha, knows mo ba sino yung papabol na yan? Ang gwapo niya in fairness maski ako no siya pipiliin ko compare sa Monching na yon” banat ni Eric at biglang nagwala si Steph. “Bruha ka! Isa ka pa! Di mo kilala si Monching at wala kang karapatan magsabi ng ganyan. Nakakairita ka demet ka!” sigaw ng dalaga sabay sibat at hinabol ang dalawa.

Nakauwi ang tatlo at tahimik silang lahat, “Hay one day over, ilang araw ba bago matapos ang isang sem?” tanong ni Raymond sabay tawa. “Sige mauna na ako, bukas” sabi nya sabay pumasok sa pinto ng bahay nila. Naiwan si Steph sa tapat ng bahay nila at nagsimula tumulo ang luha sa mga mata nya. “Hoy tara na sa loob” sabi ni Tim. “Oy bakit ka umiiyak?” hirit niya.

“Insan I feel so sad for him. Grabe masayahin si Monching insan, di ako sanay nakikita siyang ganyan” sabi ni Steph. “Hay, he will be fine. Ganyan talaga so let him be muna” sabi ni Tim. Di parin gumalaw si Steph at pinunasan niya ang mga luha niya. “Insan will he be really okay? Baka gumawa siya ng masama worried ako” bulong ni Steph. “Okay lang siya, di ganon si Raymond. You should know that kasi magkababata tayo diba? Relax back to normal din yan soon, just give him time kasi first heart break naman niya e” sabi ni Tim.

“Uy make sure naman, itext mo naman siya o” sabi ni Steph. “Ano ka ba kapapasok lang niya no. Okay lang yan kaya halika na sa loob. Or what if ikaw nalang magtext sa kanya para naman makita niya na concerned ka for a change” payo ni Tim at napaisip si Steph at agad niyang nilabas ang phone niya at nagpipindot.

Nauna na sa loob si Tim pero si Steph naiwan parin sa labas at kahit na buo na ang text sa phone niya di nya magawang pindutin ang send. Ilang sandali narinig ni Steph nagbukas ang bintana ni Raymond kaya mabilis niyang pinunasan ang mga mata niya. “Oy ano pang ginagawa mo diyan?” tanong ni Raymond at natawa si Steph at di sya tinignan. “Ah napulingan ako” sagot niya.

“Oist gusto mo magfishball? Nagugutom ako e” sabi ni Raymond at tinignan siya ng dalaga. “Treat mo ako?” tanong niya. “Syempre. Antayin mo ako diyan” sagot ng binata at biglang napangiti si Steph. Ilang sandali pa lumabas na si Raymond at sabay silang nagpunta sa nagbebenta ng streetfood.

Habang kumakain ay biglang naglabas ng panyo si Raymond at agad pinunasan ang gilid ng labi ni Steph, “Steph salamat sa concern but I will be fine so don’t worry” sabi niya sa dalaga at nginitian ito. Nabigla si Steph kaya tanging nagawa lang niya ay mapangiti narin.