sk6

Monday, August 10, 2009

Em En Kay Chapter 3: Ako!

Em En Kay

by Paul Diaz



Chapter 3: Ako!

Dalawang lingo ang lumipas at nakadungaw sa bintana si Raymond habang nagsasalita ang kanilang propesor. “I am so happy to announce that for the first time sa pagtuturo ko ay meron na din nakaperfect ng isa kong quiz. This is such a momentous occasion, a very rare one” sabi ng kanilang guro ngunit bigla niya napansin si Raymond. “Mister Deguzman! If you are not interested in my class you may step out! I do not like to do this but I always notice you are always staring outside during my class!” sigaw ng propesor.

“Sir lahat ng subject ganyan yan!” sabi bigla ni Marwin sabay nagtawanan ang buong klase. Humarap si Raymond sa propesor ngunit biglang kinuha ng guro ang kanilang quiz papers at hinanap ang kanyang papel. “Tignan ko nga kung ano nakuha mo, alam mo I do not need students who are not interested in what I teach…eto here it is” sabi ng propesor ngunit nanlaki ang mga mata nito sabay tinignan niya si Raymond.

Di mapakali ang guro at napabuntong hininga habang si Raymond ay nakatitig lang sa kanya. “Here come get your paper and will you show your solution on the board. It so happens that mister Deguzman perfected my quiz” sabi ng propesor at nagulat ang lahat ng kanyang mga kaklase. Tumayo si Raymond at kinuha ang kanyang papel, namulot ng chalk at nagsimula magsulat sa pisara. “Did you cheat?” tanong ng propesor at napatigil si Raymond at tinignan siya. Tiniklop ni Raymond ang papel niya at binulsa sabay sinolve ang lahat ng problem sa pisara.

Nang natapos siya wala masabi ang guro nya ngunit nagngingitian ang buong klase pagkat tila nasupalpalan ang terror nilang propesor. Halos lahat ng subjects nila pinakamataas ang nakuha ni Raymond na talagang ikinagulat ng matalik niyang kaibigan at sa bago matapos ang huli nilang klase ay di na matiis ni Tim magtanong. “Pare ikaw pa ba yan?” biro nya at tumawa si Raymond. “Oo naman pare bakit?” sagot ng kaibigan niya.

“Parang di ikaw e, nung highschool ikaw lagi lowest ah” sabi ni Tim at lalo sila nagtawanan. “Teka teka don’t tell me nag aaral ka na para mapaimpress mo siya no?” hirit ni Tim at napasimangot si Raymond. “Alam mo pare, you can do amazing things pag inspired ka, am I inspired?” sabi ni Raymond at nagulat si Tim. “Wow that deep pare ah, hoy bakit palaaral ka na?” sumbat ni Tim at napabuntong hininga si Raymond sabay silip kay Margaret. “Oo tanggap ko na sila na, pero pare di ko siya maalis sa isipan ko e. Kaya pag gabi para di ko siya maisip nagbabasa nalang ako ng libro para busy utak ko. Ginagawa ko yon hanggang sa inaantok na talaga ako. Eto ang epekto, maganda din pala no?” paliwanag ni Raymond.

“Imagine mo pre, kung nung highschool naheartbroken ako siguro valedictorian ako no?” banat ni Raymond at nagtawanan sila. “O kaya pare sa tingin mo ba lahat ng valedictoria, mga cum laude at mga matalino…heart broken din kaya sila?” hirit nya at tawa ng tawa si Tim. “Tado, meron naman nagpupursige talaga mag aral e, meron talagang motivated mag aral, e ikaw forced to study” banat ni Tim at muli sila nagtawanan. “E pare si Einstein sa tining mo heartbroken ba yon?” dagdag ni Raymond at napalakas ang tawanan nila at napagalitan sila ng guro. “Si ma’am matalino, heartbroken din kaya?” bulong pa ni Raymond at parang bulate silang nagbubungisngisan.

Napagpatuloy ni Raymond ang matataas na marka, nakilala siya bigla ng mga kaklase niya bilang matalino ngunit tanging si Tim lang nakakaalam kung bakit siya nagkakaganon. Natapos ang prelim examination nila at tuwang tuwa ang terror nilang propesor pagkat si Raymond din ang kaunahang nakaperpekto sa kanyang exam. “Undeniably mister Deguzman now is my favorite student, oh don’t get me wrong there is no favoritism involved really but ngayon lang ako nachallenge magturo ng ganito. Mister Deguzman, sorry I cannot give you a perfect grade so 99 ka lang” sabi ng propesor at nagpalakpakan bigla ang buong klase.

“Sad to say the rest ang bababa ng nakuha niyo. So in line with these I will let you change the seat plan, sige seat beside the person who you think can help you pass, pero no cheating. Dali na at magbibigay ako ng seatwork para makahabol kayo” sabi ng propesor at lahat nag unahan sa harapan ngunit nauna na sina Marwin at Margaret na tumabi kina Raymond at Tim. Tumayo bigla si Raymond at napatigil ang lahat at inaantay ang galaw niya. “Tado wag na, dito ka na wag kang obvious pre. At pag lumipat ka mapipilitan ako sumunod at baka sabihin nila e…you know fafa” bulong ni Tim kaya natawa si Raymond at naupo ulit.

“Pare this is your moment of glory, savor it pare. Sikat ka na pre” bulong ni Tim at taas noo si Raymond na ngumisi. “Oh yes…I can feel the power pare…hmmm pero sa tingin mo si sir heartbroken din kaya?” banat ni Raymond at nagtawanan ulit sila. Binigay na ng propesor ang seatwork kaya nagsimula agad magtrabaho ang lahat.

Dumungaw si Marwin at napatingin si Raymond sa propesor, “Sige lang it’s a seatwork you can help each other. Sige na para makahabol naman yung iba” sabi ng guro kaya humarap si Raymond kay Marwin. “Pre pano ba to?” tanong ni Marwin at pati si Margaret napatingin sa kanila. Umatras ng konti si Tim sabay nilabas ni Raymond ang kanyang palad sabay pinakita ito kay Marwin.

“Ano yan pre?” tanong ni Marwin. “Shhhh…watch” sagot ni Raymond at dahan dahan sinara ni Raymond ang kamay niya. Dahan dahan niya ito binubukas sabay sabi “Bu…bu…kaaahhhh” na binigkas niyang mabagal. Pati propesor naintriga kaya nanood sa ginagawa ni Raymond.

Sinara ulit ni Raymond ang kamay niya at muli binubuksan, “bu…bu…kaaah…bu bu kaaahhh…bu bu kaaaahhh” paulit ulit niyang sinabi at nahilo si Marwin at di niya makuha. “Ano?” tanong ni Marwin kaya mas mabilis inulit ni Raymond ang ginawa niya, “bu bu ka, bu bu kaaahh…bobo ka!” banat niya at biglang natawa si Margaret at Tim at pati ang propesor nagtakip ng bibig at bumungisngis. Galit na galit si Marwin at napatingin sa girlfriend niya na di nanaman mapigilan ang tawa, ngumisi si Raymond at biglang tumunog bell.

“Okay pass your papers” utos ng guro at nagpanic si Marwin. “Natapos mo ba?” tanong niya kay Margaret na tumatawa parin. “Yup” sabi nya at wala na magawa si Marwin kundi mapatingin ng masama kay Raymond. “Cheer up pare gwapo ka parin naman e” banat ni Raymond at sumabog bigla ang tawa ni Margaret na lalong kinainis ni Marwin.

Dismissal at sabay ulit pauwi ang tatlo, masaya si Raymond at napansin yon ni Stephanie. “Parang maganda ata ang araw mo…Monching” sabi ng dalaga. “Ah quite hahaha…alam mo face value and low IQ aysus deadly combination” sabi ni Raymond at natawa si Tim. “Ho ho ho mas gusto ko nalang na palaaral ako kesa gwapo” hirit niya. “Gwapo ka naman ah” sabi ni Steph at napatigil bigla si Raymond at napatingin sa kanya. “Tim, kailangan niyo na pacheck up mata ng insan mo, matindi na ang katarata nito” sabi ni Raymond.

“Totoo naman sinabi niya pre e, gwapo ka naman talaga” banat ni Tim at nanlaki ang mga mata ni Raymond at napatitig sa kaibigan niya. “O sasabihin mo nanaman na katarata din” sabi ni Tim pero lalo nanlaki ang mga mata ni Raymond, “hindi pre…bakla! Bakla ka!! Lumayo ka sa akin impostor ka!” sigaw ni Raymond at tumakbo bigla at sumabog sa tawa si Steph pagkat parang takot na takot talaga ang acting ng binata.

Tawa ng tawa si Steph habang ang dalawa ay napatigil at napatingin sa kaniya. “Ano?” tanong ni Steph at nagkatitigan ang dalawang binata. “Tumatawa ka” sabi ni Raymond at parang nalito si Stephanie. “E nakakatawa naman talaga e” sagot ng dalaga. Saglit na tinitigan ni Raymond si Steph sabay tingin kay Tim, “All this time nagpapanggap ka, di ko alam may pagnanasa ka sa akin…bading!” banat ni Raymond at nagtago sa likod ng dalaga na muling sumabog sa katatawa.

Nagtungo sila sa bentahan ng streetfoods at patuloy ang pagpapatawa ni Raymond. “Alam mo pre wag mo pilitin, be yourself. Sige na don’t be shy ask for a bowl. Alam ko naman kailangan mo kumain ng may poise e” banat niya at biglang napayuko si Steph at napahawak sa tiyan nya sa katatawa. Humingi ng bowl si Raymond, kinargahan ng suka at nilagay ang mga fishball sa loob. Gamit ang isang barbeque stick tumusok siya ng isa at poise na poise na sinubo. “O pare just today samahan kita, sige na don’t be shy na o” hirit ni Raymond at napaupo na sa lupa si Stephanie at naiyak na sa katatawa.

Tumayo ang dalaga at pinagsusuntok sa braso si Raymond, “Loko loko ka talaga, ang sakit na ng tiyan ko. Mauna na ako sa bahay” sabi ng dalaga at naglakad palayo ngunit bungisngis parin. “Pare sorry ha, nasobrahan ata pagbibiro ko” sabi ni Raymond habang pinapanood niya maglakad palayo si Steph. “Okay lang pre, pero di ako bading ha” sagot ni Tim at natawa si Raymond.

“Oo pre alam ko, nagbibiro lang ako para matawa insan mo” sagot ni Raymond. Napangisi si Tim at tinitigan ang kaibigan niya, “Oy oy hindi ah, ngayon ko lang kasi nakita tumawa insan mo, I mean ngayon ko lang napatawa no” depensa agad ni Raymond at natawa si Tim. “Wala naman ako sinabi ah pre, bakit defensive ka?” sagot ni Tim at napangiti si Raymond. “Sira nagpapaliwanag lang. Kasi naman all this time kung di straight face e simangot nakikita ko, okay din pala ngumiti at tumawa pinsan mo no?” sabi ni Raymond at napangisi si Tim at natawa.

Biglang nilabas ni Raymond ang cellphone niya at binasa ang text message, agad siya nagreply at binulsa ang phone. “Sino yon pre?” tanong ni Tim at sabay na sila naglakad pauwi. “Si Pipay pre” sagot ni Raymond at nagulat si Tim. “Ha? Nagtetext kayo nung Pipay?” tanong ng kaibigan niya at biglang napangiti si Raymond. “First time ako makatanggap ng text sa kanya actually” sagot ni Raymond.

“HA? E bakit ang bilis ng sagot mo? At bakit ngiti lang, dapat nagcecelebrate ka diba?” sabi ni Tim at tumawa si Raymond. “Shhh pare, ngiti sa labas pero deep inside parang nagpipiyesta ang mga bulate ko at nagsasayaw” banat ni Raymond at nagtatawanan sila. “Parang nakalimutan mo na si Margaret ah” tukso ni Tim. “Alam mo pre ang kay Juan kay Juan at ang kay Pedro kay Juan din pala. Ano ilalaban ko kay Juan pag ganon? So in short acceptance lang, pero sana balang araw lumigaya din si Pedro” drama bigla ni Raymond at natahimik lang si Tim.

Muling tumunog ang phone ni Raymond at mabilis niya ito nilabas, sinubukan ni Tim sumilip pero agad ito nilayo ng kaibigan niya. Napakalaking ngiti ang nasa mukha ni Raymond at naumpog pa siya sa gate nila sa kababasa ng text. “Sige pre uwi na ako, wag masyado pre ha” sabi ni Tim at di na sumagot si Raymond at patuloy ang concentrate niya sa phone niya.

Pagpasok ni Tim sa bahay nila nakita niya si Steph sa sofa na nakangiti din at nagtetext sa phone niya. Napaisip bigla si Timothy at biglang tumawa ang pinsan niya. “Oy sino katext mo?” tanong ni Tim sabay nilapitan si Steph. “Lumayo ka nga, private to no!” sigaw ng dalaga sabay tumayo at tumakbo papunta sa kwarto niya. Napakamot nalang si Tim at natawa, “imposible naman” sabi niya sa sarili nya pero narinig niya ang malakas na tawa ng pinsan niya. Sumilip si Tim sa bintana at nakita parin si Raymond sa gate nila nagtetext at tumatawa. “Imposible” aniya.

Isang sabado nakatambay ang tatlo sa kwarto ni Tim at pinagmamasdan ni Timothy ang pinsan niya at kaibigan niya. Wala siyang makitang kakaiba kaya naisip niya na di siguro tama ang hinala niya. “Oy tahimik ka ata at kanina mo pa kami pinagmamasdan” sabi ni Steph.

“Nangungulila kay Karen” banat ni Raymond at natawa ang dalaga. “Eh pare ikaw di ka ba nangungulila kay Margaret? Uy!” bawi ni Tim sabay ngisi. “Hmmm oo naiisip ko parin siya pero sabi ko nga pare ang kay Juan kay Juan, di pwede na sumingit si Pedro” sagot ni Raymond. Nakita ni Tim na medyo napangiti ang pinsan niya kaya humirit pa siya. “E di pa naman sila kasal ah” sabi ni Tim. “Alam ko, pero pare balang araw makakahanap din ako ng magmamahal sa akin, balang araw ako naman, ako” banat ni Raymond.

Tumayo bigla si Raymond at parang nawalan ng gana kaya umalis. Nagsimangot si Stephanie sa pinsan niya at binato ang unan. “Tignan mo nag walk out tuloy, kakainis ka talaga” sabi ni Steph at tumawa si Tim. “Bakit di ka ba affected sa sinabi niya? Sabi niya balang araw makakahanap siya, ay so sad di ka man lang niya tinignan o” tukso ni Tim sabay tawa.

“Balang araw ako yon, ako, ako, ako!” banat ni Steph at napatigil si Tim. “Anong ikaw?” tanong ni Tim pero tumayo si Steph at nagdabog papunta sa pinto. “Eeesh slow ka, basta tandaan mo ako yon! Ako!” hirit ng dalaga.