sk6

Friday, July 2, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 21: Pagyakap

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 21: Pagyakap

Lingo ng gabi nahiga si Kiko sa kama ng kapatid niya. Di mapakali ang isipan niya at pinapanood niya si Frances na gumagawa ng assignment sa kanyang study desk. “Ces, kung a guy admits that he likes the girl and the girls feels the same way, sila na agad o kailangan pa ligawan nung lalake yung babae?” tanong niya at nagulat ang kanyang kapatid. “Kuya twelve years old ako” sagot bunso.

“Ay oo nga pala. Pero madami kang pinapanood na foreign tv series na drama diba? Wala bang instance na ganon?” hirit ni Kiko. “Hay naku kuya, iba ugali nila doon e. If you watch a foreign series you just watch. Kasi usually nagkita lang sila e mamaya naghahalikan na. Tapos isang iglap break na sila at may kasama na silang iba. Pag sa local naman e masyado korny or predictable. Too good to be true minsan or masyado nang sadsad yung mga linya nila. So its better not to base or rely on those, if she likes you and you like her you still have to win her heart”

“Make her like you even more” sabi ni Frances. “Twelve years old ha” sabi ni Kiko at natawa ang kapatid niya. “So kalian ko naman makikilala si ate Michelle?” tanong ng bunso at nagulat si Kiko. “How did you know her name?” tanong niya. “You talk in your sleep kuya. There was one time you were shouting her name and then you were crying” sagot ni Frances at napasimangot si Kiko at naalala ang kanyang panaginip.

“Ei sis, kunwari may isang competition, gusto mo sumali pero nagkaroon ka ng premonition na matatalo ka. Will you still join?” tanong ni Kiko. Humarap sa kanya ang kapatid niya at napaisip. “Bakit may sasalihan kang competition kuya?” tanong niya. “Ah oo parang ganon” sabi ng binata. “Hmmm nagkaroon ka ng premonition na matatalo ka na? Well wala naman talaga nakakapagsabi ng future e, malay mo yung premonition mo kabaliktaran yung mangyayari diba?” sagot ng bunso.

“Lets say na talagang totoo yung premonition mo at nakita mo matatalo ka talaga” hirit ni Kiko. “Hmp, sasali parin ako. Win or lose kuya you will learn something naman e. Diba ganon ang competition? Kahit magaling yung kalaban ko sa spelling bee sumali parin ako. Talo ako pero at least nakita ko mga weakness and strong points ko. And with that I know how to improve myself. Pag di ka sumali agad then you will never know why you lost, basta talo ka nalang. Lahat naman may rason e at ang importante may matutunan ka. Kaya sa next na sali ko sa spelling bee mas magaling na ako pero sana magkasakit ang mga kalaban ko nalang para mas madali” sagot ng dalaga at napatawa si Kiko.

Nabilib yung binata sa kapatid niya, pinikit niya ang kanyang mga mata at nagdesisyon. “Kailangan ko yakapin ang nakatakda para sa akin” bigkas niya. “Ano?” tanong ni Frances at bumangon si Kiko at napangiti. “Thank you very much sis, I guess I have to embrace my destiny now” sabi ng binata. “Kuya youre weird” sabi ng bunso at natawa yung binata. “Yes I know that sis, my only problem now is my hands” sabi ni Kiko at lalong nalito ang kapatid niya. “Naka drugs ka ba kuya?” tanong ni Frances. “Oo” sagot ng binata sabay tawa.

Lunes ng umaga, late na dumating si Kiko sa tambayan nila. Nandon na ang mga kaibigan niya at pagdating niya masaya ang binata na sumisipol at pakanta kanta. “Wow someone seems to be in a good mood today” sabi ni Lyne. “Good morning Lyne! How are you today?” sabi ni Kiko at nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Good morning Layla! Good morning Ben and good morning Ica!” hirit niya.

Lahat napatingin kay Michelle pagkat siya lang ang hindi binate ng binata. Nagsimangot yung dalaga pero tumabi si Kiko sa kanya. “Good morning babe” binulong niya sa tenga ng dalaga. Napapikit si Michelle, napangiti at biglang kinilig. Pinaghahampas niya si Kiko habang tawa ng tawa. “Loko ka wag ganon” sabi niya. “Ay ayaw mo ba ng ganon?” tanong ni Kiko. “Gusto pero binibigla mo ako e” sabi ng dalaga.

“Ano yon?” tanong ni Ben at napangiti nalang yung dalawa. “Wow men, di nanaman nila tayo sinasali sa usapan nila o” reklamo ni Lyne. “Uy di naman. Kasi di na kailangan ishare yung binulong niya” sagot ni Michelle. “Ano ba yon sis?” tanong ni Layla. “Trust me wala yon” hirit ng dalaga kaya lahat napatingin kay Kiko. “I told her I like her” sabi ng binata at nagulat si Michelle.

“Uyyy!” sabay sila tinukso ng iba, si Michelle halos namimilipit na sa tuwa at muling pinaghahampas si Kiko. “Di naman yon ang sinabi mo e” sabi niya. “Hindi ba?” tanong ni Kiko. “Hindi kaya” sagot ni Michelle at nagkatitigan sila. “Ay oo nga ano. Pero its still true naman” sabi ni Kiko. “Na ano?” tanong ng dalaga. “Uy gusto mo lang na ulitin ko sinabi ko ano?” biro ng binata at natawa si Michelle at pinaghahampas siya. Nagtawanan ang lahat at tuloy ang pagtutukso ng iba sa dalawa.

Nagsama sama ang lahat sa mall ng lunch break. Si Kiko at Layla ang pumila sa counter para bumili ng pagkain nila. “Ei Layla, I really like Michelle” bulong ni Kiko. “Diyos ko kahit di mo sabihin halatang halata” sagot ng dalaga. “Yeah pero I just wanted to tell you that liligawan ko na talaga siya” sabi ng binata. “O bakit mo pa sinasabi sa akin yan?” tanong ni Layla. “Well you know, I have to” sabi ni Kiko.

“Kiko, di mo na kailangan magpaalam pa sa akin ano. Iniisip mo siguro yung past natin ano? Hay naku we already talked about this before diba?” sabi ni Layla. “Oo pero I would feel better if I told you and you are okay with it” sabi ng binata. “Of course naman kaya. Alam mo natatawa ako sa inyong dalawa. A while ago nagpapaalam din siya sa akin about the same thing, well di yung point na liligawan ka niya. I am okay with it” sagot ng dalaga.

“Talaga? No hard feelings?” tanong ni Kiko at napataas ang kilay ng dalaga. “Kiko! Ang kulit mo talaga. By the way someone has been courting me since last sem, malapit ko na ata sasagutin” bulong ng dalaga sabay kinilig. “Ha? Di pwede yan! Kailangan muna dumaan yan sa amin ni Ben. Kailangan namin kilatisin muna yang lalakeng yan” sabi ng binata at napangiti si Layla. “Yeah I know, he is a really good guy though” sabi ng dalaga. “Kahit na, ituro mo at obserbahan namin ni Ben muna. Sus pag nalaman ni Ben yan kukunot noo niya” sabi ni Kiko at nagtawanan sila.

“Hay naku kayo talaga, masyado kayo protective sa akin. Oo ituturo ko, pero Kiko pag niloko mo lang yang si Michelle patay ka talaga sa akin” banta ng dalaga. “E pano kung siya yung nagloko?” tanong ni Kiko at napatingin sa kanya si Layla. “As if magagawa niya, kitang kita na patay na patay sa iyo tapos matagal ka niya inantay diba?” sagot ng dalaga. “Maybe but people can change” sabi ni Kiko. “Ano ba pinagsasabi mo? Nagdududa ka na sa kanya e di pa kayo?” tanong ni Layla.

“Ang sinasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng tao ngayon pero di mo alam bukas nagbago na siya” sabi ng binata. “So nagdududa ka talaga?” tanong ng dalaga. “Hay naku Lay, ang sinasabi ko lang people change. So habang may love, embrace it. Enjoy it while it lasts. Kung tumagal ng forever e di good, kung hindi naman e di at least happy kayo while it lasted. Ganun yon” paliwanag ni Kiko. “Ah ewan ko sa iyo, Kiko wag ka mag isip ng negative. Yan ang sakit mo mula noon pa. Dapat isipin mo that it will last forever” bawi ni Layla. “We didn’t” bigkas ni Kiko at natahimik ang dalaga.

“Kiko are we going to have that discussion again?” tanong ni Layla. “Nope, ang sinasabi ko lang na yakapin mo kung ano meron ka sa kasalukuyan pagkat di mo alam ano ang pwede mangyari kinabukasan” sabi ng binata. “Kaya pala yakap ka ng yakap sa akin noon” biro ni Layla. “E sino ba yung halik ng halik?” bawi ni Kiko at pinagkukurot siya ng dalaga. “Sige ka pag marinig ka ni Michelle lagot ka” bulong ng dalaga pagkat malapit na sila sa lamesa nila. “Uy concerned siya” tukso ni Kiko. “Sira, siyempre. Boto ako sa inyong dalawa” sabi ni Layla. “Kami ni Ben?” biro ni Kiko at piningot ng dalaga ang tenga niya.

Nakabalik na sila sa lamesa nila at nagsimula na sila kumain. “By the way Kiks, sa Sunday dapat naka bow tie daw ang mga boys” sabi ni Michelle. “Bow tie lang? Tapos wala na ibang suot? Grabe yang taste ng pinsan mo ha” sagot ng binata at nagkatawanan ang lahat. “Pare naman, debut yon. Bow tie and leather pants lang, para kayong mga macho dancer” banat ni Ben at biglang sumayaw ang mag bestfriend parang macho dancer.

Ang tindi ng tawanan ng mga babae, bugbog sarado ang braso ni Kiko pagkat pinaghahampas siya ni Michelle para tumigil. “Biro lang, oo may bow tie ata ako pero di ko alam itali” sabi ni Kiko pero biglang sumabog sa tawa si Layla at pinagtuturo yung dalawang binata. “Hala sis bakit?” tanong ni Lyne. “Yang dalawa, nung graduation ball namin…” sabi ng dalaga pero napatigil pagkat tumawa ulit. “Bakit ano ginawa nila?” tanong ni Ica. “Yung neck tie nila di nila alam itali, ginawa nila parang ribbon” kwento ni Layla at ang tindi ulit ng tawanan ng mga babae.

Nagsimangot sina Ben at Kiko at tinuloy ang pagkain nila. “Nagpapatawa lang kami non” sabi ni Kiko. “Weh! Ben loosened his tie kasi nasasakal daw, itong si Kiko hinila niya ng todo kaya natanggal. Si Ben bumawi at tinanggal tie ni Kiko. Ayun, di pala marunong tong dalawa magtali ng tie” kwento ni Layla at muling tumawa.

“Hmmm so you know how to dance?” tanong ni Michelle. “Dance? Bakit?” sagot ni Kiko. “Siyempre sasayaw tayo sa debut” sabi ng dalaga. “Sasayaw tayo? Diba ang debut birthday lang yon? E di dapat kainan lang” sabi ng binata. “Di ah, its like a ball. There will be dancing” sabi ni Michelle. Humarap si Kiko sa dalaga, kumuha ng fries at sinubo sa kanya. “What kind of dancing?” tanong niya. “Slow dance” sagot ni Michelle sabay kain sa fries. “Slow tinikling ganon?” tanong ni Kiko at biglang nagtawanan ang lahat.

“Yang kinakain mo napulot ko sa floor” sabi ni Kiko at napatigil sa pagnguya ang dalaga at nagkatitigan sila. Yung iba nanahimik at nakatingin sa dalawa, iluluwa na sana ng dalaga ang nasa bibig niya pero ngumiti si Kiko. “Biro lang, di ko naman kaya gawin sa iyo yon” sabi niya at muling sinubuan si Michelle ng fries. Nagngitian yung dalawa, sinubuan naman ni Michelle si Kiko ng fries at napangiti nalang yung iba. “Alam niyo lalanggamin na kayo niyan” sabi ni Layla.

“Teka, kayo na ba?” tanong ni Lyne. Tahimik lang sina Kiko at Michelle kaya lalo sila tinukso ng iba. “Uy silence means yes” banat ni Ica. “Ben, come to daddy” sabi ni Kiko sabay sinubuan niya kaibigan niya ng fries. “O kami narin ba ni Ben?” tanong ni Kiko sa mga babae at napangiti si Michelle. “Ang galing talaga umiwas o” sabi ni Layla. “E di si Michelle and tanungin natin” sabi ni Lyne at napatingin ang lahat sa dalaga.

“Oh why me?” tanong ni Michelle. “Ano nga ba sis?” tanong ni Ica at lahat ng babae nakangiti sa kanya. “Alam niyo magkaibigan lang kami ni Michelle” biglang sabi ni Kiko at nahalata ng iba na nasaktan yung dalaga. “Sa ngayon” pahabol ng binata at agad napangiti si Michelle at agad sila tinukso ng iba. “E di mamaya kayo na?” tanong ni Lyne.

“Kung may dalawang tao na may gusto sa isat isa di niyo pwede sabihin na sila na agad. Kailangan pa nila kilalalanin ang ugali ng bawat isa, maaring may makita silang di kagandahan at magbago isip nila. Kaya di nadadaan sa paspasan yan” sabi ni Kiko at napabilib niya ang lahat. “Well said” sabi ni Michelle at tinignan siya ng binata. “Pero sigurado na ako sa iyo” sabi ni Kiko.

Agad nilayo ni Michelle ang tingin niya, habang kinikilig yung iba. “Ako din naman” sabi ng dalaga at pareho silang napayuko at nakatitig lang sa kanilang pagkain. “Yiheeee” landi ni Ben at nagtawanan yung iba. Napapangiti nalang sina Kiko at Michelle pero hindi parin sila nagtitinginan. “Are we changing planets?” bigkas ni Michelle. “I think you and I deserve to be at the other planet, together that is” sagot ni Kiko. Napatingin ang lahat sa kanila pagkat di nila maintindihan ang kanilang pinag uusapan.

“Ano ba yang pinag uusapan niyo lagi?” tanong ni Ben at napapangiti nalang yung dalawa. “May sariling mundo yang dalawang e” sabi ni Lyne. “Excuse me papunta palang kami sa mundo na yon” sabi ni Kiko at lalong napangiti si Michelle. “Ano bang planeta ang sinasabi niyo?” tanong ng bespren niya. “Planeta na puno ng pagmamahalan, pagkakaisa, a place where there is happiness and world peace” sabi ni Kiko at biglang natawa si Michelle. “World peace?” tanong niya. “O di wala na yon, basta may happiness” sabi ng binata sabay ngisi. Napahalakhak si Michelle at pinaghahampas niya si Kiko. Lalo lang nawala sa usapan yung iba kaya wala na sila magawa kundi panoorin yung dalawa.

Pagsapit ng dismissal ay nakatago si Kiko sa loob ng guard house pero tinatawanan siya ng guard. “Pards ang tanda tanda mo na di ka pa marunong manligaw?” sabi ng gwardya. “Hindi e, yung una kong girlfriend basta naging kami nalang bigla” sabi ni Kiko. “Naks naman e, matinik pala si parekoy” sabi ng gwardya at nagtawanan sila. “Kababata ko kasi siya. Pero ngayon iba na. Kilala mo naman na siguro sino yung tinutukoy ko” sabi ng binata.

“Of course the wise Rommel knows, yang si miss beautiful diba?” sabi ng guard. “Sa dami ng magaganda dito baka iba naman iniisip mo pards” sabi ni Kiko at natawa si Rommel. “Pards, kilala ko yan. Siya yung pinag uusapan natin nung last sem. At yan yung kotse niya o” sabi ng guard at paglingon ni Kiko ay nakita niya ang itim na SUV na pumarada sa harapan ng main gate. “Ayos, di ko na siya maihahatid” bigkas niya. “E di makisakay ka at least maihahatid mo parin. Makiusap ka narin na ihatid ka pauwi pagkatapos” sabi ni Rommel at napakamot nalang si Kiko pero nagtawanan sila.

Lumabas si Kiko sa guard house at inantay si Michelle. “Pards, alam mo ang panliligaw kanya kanyang estilo yan. Wag ka gagaya sa iba. Kasi pag ako yung babae, alam ko na bibigyan mo ako regalo, bibigyan mo ako ng flowers, at iba pa. Ibahin mo naman, kailangan pag nanliligaw ka ipinapakita mo kung sino ka at kung gaano ka kasinsero sa kanya. Ano ba nagagawa ng mga bulaklak na yan kung lahat ng babae nabibigyan ng bulaklak? Dapat kung liligaw ka, dapat tatatak sa puso niya. Wag siya ang ligawan mo, yung puso niya dapat” payo ni Rommel at natameme si Kiko.

“Wow pards ang lalim nun ha, pero malaman” sabi ng binata at tumawa yung gwardya. “Oist, ayan na siya o” sabi ni Rommel at paglingon ni Kiko ay nakalampas na pala si Michelle at malapit na sa kotse. Agad siya tumakbo pero nakapasok na yung dalaga sa SUV. Wala na nagawa si Kiko at napakamot nalang. Biglang nagbukas ang bintana at nakita niya si Michelle.

“Uy kanina pa kita hinahanap” sabi ng dalaga. “Ah oo nakitambay ako sa guard at nakipagkwentuhan” sagot niya. “Kaya naman pala e di kita mahanap” sabi ni Michelle. “Bukas nalang siguro, sige ingat kayo” sabi ni Kiko at naglakad na palayo. “Kiko wait” sigaw ni Michelle, paglingon ng binata nakita niya lumabas ng kotse yung dalaga at patakbo palapit sa kanya.

Umalis na yung SUV at nagtaka tuloy si Kiko. “Bakit ka iniwan?” tanong niya. “E nakita ko malungkot ka e” sabi ni Michelle sabay binangga siya. “Ako malungkot? Hindi ha” sabi ni Kiko. “Ay hindi ba? Okay teka tawagin ko ulit si manong” sabi ni Michelle sabay nilabas ang phone niya. “Wag na, ako nalang maghahatid sa iyo” sabi ni Kiko. Napangiti yung dalaga at muli siya binangga. “Araw araw nab a ganito?” tanong ni Michelle.

“Ah sana pero baka mawalan ng trabaho si manong e” sagot ni Kiko. “Uy hindi naman, he is like family to us already” sabi ni Michelle. “Ay e di masaya pala pero pag umuulan ng malakas magpasundo ka nalang. Kasi kahit na magdala ako ng payong, mas maigi na makakauwi ka ng mabilis pag ganon” sabi ng binata. “Pag malakas ang ulan ikaw naman ang ihahatid namin” lambing ng dalaga. “Uy wag na, grabe naman to. Kaya ko naman umuwi mag isa” sabi ni Kiko at tumaas ang kilay ng dalaga at nagsimangot.

“Naman sabi ko wag mo gagamitin ang powers mo na ganyan e” sabi ng binata pero tahimik lang si Michelle. “Oo na sige na payag na” sabi ni Kiko at napangiti yung dalaga sa kanya. Napayakap si Michelle sa braso niya pero pareho silang nanigas, dahan dahan inaalis ng dalaga ang mga kamay niya pero napangiti si Kiko. “Wag mo na alisin, kailangan ko din masanay e” banat niya.

“Ah ganun feeling mo hahawak ako lagi sa braso mo ganun?” tanong ni Michelle at tuluyan nang bumitaw. Napakamot si Kiko at natulala, “Ay sorry, di ko kasi alam e” sabi ni Kiko at natawa yung dalaga. Muling yumakap si Michelle sa braso niya at nagtuloy na sila sa lakad. “Hmmm bakit parang ang bagal mo maglakad?” tanong ni Michelle.

“Para matagal pa kita makasama” sabi ni Kiko. Kinurot siya ng dalaga at natawa ito. “So ano naman oras tayo makakarating sa bahay namin?” tanong ni Michelle. “Siguro midnight, kung pwede nga next year na e” banat ng binata at tawa ng tawa yung dalaga. “Alam mo kakaiba ka today” sabi ni Michelle. “O bakit naman?” tanong ni Kiko.

“Mula pa this morning lagi mo ako binibigla at ginugulat” sagot ng dalaga. “Is it bad?” tanong ni Kiko. “No, I actually like it. Pero mas okay sana pag tayo lang dalawa. Parang nahihiya ako pag meron sila e” sabi ni Michelle. “Ah, kasi kung tayo lang dalawa baka isipin mo binobola lang kita. That is why gusto ko pag meron din sila para maipakita ko na totoo lahat at may witnesses” paliwanag ni Kiko.

“Naniniwala naman ako sa iyo Kiko e. Pero nakakabigla ka lang today. I mean oo you said di ka na tatakbo, so I was expecting you to be the same. Pero ngayon iba ka, in a good way naman siya. Di pa ako sanay sa pagiging funny mo, araw araw I am expecting a new thing from you and you never fail to amaze me. Today parang nag level up ka e, aside from being funny, bigla mo ako binabanatan ng serious side mo which I rarely see” sabi ng dalaga.

“Sorry ha, pero this is me. Maniwala ka o hindi bago ito lahat sa akin. I never felt this immense feeling for someone, that is you by the way, and I admit I am not always serious. Pero my feelings for you are ha. Sanay akong loko loko at nagpapatawa, bihira may seriousness, minsan nakakalusot, pero now I have to be more serious and I know that. Pero mahirap naman magbago biglahan kaya pasensya ka na kung ganito ako pero rest assured seryoso ako sa iyo. When I told you I was not running away, I meant it”

“I am embracing my destiny, which is you” sabi ni Kiko. Lalong humigpit ang yakap ni Michelle sa braso niya, nakayuko at ulo niya at siya ay nakangiti. “Did I say something wrong?” tanong ng binata. “Wala” bulong ng dalaga. “E bakit ka di nagsasalita?” tanong ni Kiko. “Shhhh shut up ka, pinakilig mo ako tapos gusto mo magsalita ako. Let me enjoy this feeling naman” banat ng dalaga at natawa si Kiko. “Ah ganun pala dapat, sige” sabi ng binata at pinagkukurot siya ni Michelle. “Kasama ba yung mga kurot?” tanong ni Kiko. “Oo kasama” sagot ng dalaga. “Okay, sige lang” sabi niya at natawa tuloy si Michelle.

“Kiko youre walking too fast” bulong ng dalaga. Binagalan ni Kiko ang lakad niya at sinandal ni Michelle ang ulo niya sa kanyang balikat.


(I did it for her and for no other reason)

Thursday, July 1, 2010

The Misadventures of KBJ Preview

The Misadventures of KBJ Preview



Isang boring afternoon sa school, nakatulog si Ben sa may garden. Paglipas ng trenta minutos
nagising siya pagkat naririnig niya ang bungisngisan ng mga girls.

"Good afternoon girls. Grabe nakatulog ako ah" sabi ng binata. Naupo si Ben ng maayos at
napansin na nagpipigil ng tawa ang mga babae lalo na ang girlfriend niya. Napalingon siya kay
Kiko, nakita niya ang bespren niyang nakatitig lang sa langit at sumisipol.

"O this is not good, Kiko? Ano nanaman ginawa mo?" tanong ni Ben. "Bakit ba tuwing may tumatawa
e ako agad ang nakikita mo?" sagot ni Kiko. "E kasi yung tawa nila kakaiba, meaning may
ginawa ka nanaman na kalokohan" sumbat ng bespren niya. "Pare naman, better ask them nalang"
sabi niya.

"Ica whats so funny?" tanong ni Ben at sumabog na sa tawa ang dalaga. Si Michelle halos maiyak
na at yung ibang girls di na natiis at binigyan yung binata ng salamin.

Pagtingin ni Ben sa mukha niya ay may malaking arrow na naka drawing sa kanyang mukha.

"Kiko!!! Bakit mo sinulatan mukha ko?!!!" pagalit na sabi ni Ben.

"Avatar!!! He will save the world" bigkas ni Kiko sabay titig pamangha sa bespren niya.

Nagwild na sa katatawa ang mga girls habang si Ben napakamot. "Avatar ka diyan! Yung arrow
non nasa noo!" sigaw niya.

"yup i know, gusto mo ba kalbuhin kita muna? E since di ka kalbo e sa face nalang...oooh
look its Eng" landi ni Kiko.

"Aang yon!" linaw ni Ben.

"Eng ka as in engot! Tara na lets go watch the movie! Tamang tama may kasama na tayong fanatic" sabi
ni Kiko.

"Wait! Bakit ang puti ng mukha ko? Di naman maputi si Aang ha" sabi ni Ben.

"E kasi kanina gusto nila panoorin yung Eclipse e, dont blame me" sabi ni Kiko sabay tawa.


(K is for Kiko, B is for Ben, and the J.....well sa chapter 26 niyo sana makikilala ng SAMK)

Sa Aking Mga Kamay Chapter 20: Rebelasyon

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 20: Rebelasyon

Sabado ng hapon madaming tao ang nakapila sa main entrance ng performing arts theater ng unibersidad. Di tulad ng ibang pila na maraming naiirita, lahat ng tao ay masaya at tumatawa dahil kina Ben at Kiko. “Grabe mamaaah di ko na maantay makita si papa John Loyd!” sabi ni Kiko sabay tili. “I cant breath naaa. Oh gee oh wow oh gosh papa John Loyd!!!” banat naman ni Ben sabay tili. Sobrang naaliw ang mga nakapila habang sina Ica, Lyne at Layla ay nagtatakip ng mukha sa kahihiyan.

Nakapasok ang grupo at nakita nila si Yna na kinakawayan sila. “Dito kayo!” sigaw niya kaya nagtungo ang grupo sa pinakaharap. “I had these seats reserved for you guys kasi utos ni Michelle” sabi ng dalaga sa kanila. “E nagbayad na kami e” sabi ni Ben. “Oo nga pero unahan naman kasi sa pwesto ang policy dito. So Michelle told me to reserve fronts seats for you all” sagot ni Yna.

“Di ba kasama ka? Ilang oras ba ito?” tanong ni Layla. “Well there are several plays, nandon ako sa fourth one. Last yung kay Michelle and you know what she wrote that play and she is so secretive. Walang nakakaalam what is it about except the cast that will perform with her” sabi ng dalaga.

Naupo na ang lahat at umalis si Yna, ilang saglit lang bumalik siya at mukhang may problema. “Hey can some of you come with me kasi si Michelle nagpapanic attack e” sabi niya. “Itakbo na natin sa ospital” sabi ni Kiko at nagtawanan sila. “Panic attack meaning ninenerbyos siya” sabi ni Lyne. “Ganyan talaga yan pag kinakabahan” dagdag niya sabay tumayo. “Sige punta na kayo at maiwan nalang kami ni Ica para ireserve tong seats” sabi ni Ben at sumama yung iba kay Yna.

Sa likod ng building nakita nila si Michelle na lakad ng lakad at mukhang tuliro. “Hoy sis” sabi ni Lyne sabay nilapitan ang kaibigan niya. Huminga ng malalim si Michelle sabay ngumiti pero nung nakita si Kiko ay bigla ito sumigaw at tumakbo palayo. Lahat napatingin kay Kiko, yung binata napakamot nalang at napangiti. “Bakit yon?” tanong ni Layla. “Malay ko ba. Ngumiti lang ako sa kanya tapos natakot na” sagot ng binata.

Narinig nila ang sigaw ni Michelle sa loob ng backstage, ilang saglit lang lumabas si Kevin at kumakamot ng ulo. “What is her problem?” tanong niya sabay lumapit sa grupo. “Ikaw malamang” banat ni Kiko at nagkatitigan yung dalawa. “Oh good nandito kayo, do you think Michelle will like this?” tanong ni Kevin sabay may nilabas sa bulsa niya na silver necklace.

“Wow, oo naman no ang ganda kaya” sabi ni Lyne. “Oh good, I plan to give it to her after the show. Geez I told my driver to bring the boquet of flowers here, he is running late again” pabida ni Kevin. “Aba talagang todo ligaw mo ata kay Michelle ha” sabi ni Layla at napailing nalang si Kiko. “Yeah, this past few weeks we became closer. Tomorrow is the debut of her cousin and she is taking me with her” sabi ng binata.

“Oh? So kayo na?” tanong ni Lyne at napangisi si Kevin. “Well I cant put words into her mouth so you better ask her nalang” sagot niya. “The show is about to start you guys have to go back to your seats now” sabi ni Yna. Habang pabalik napansin ni Layla na nakayuko si Kiko at tahimik. “May problema ka?” tanong niya. “I was just wondering why she wanted me to be here kung ganyan din lang pala” sagot ng binata.

“Maybe she wanted to show you that she has moved on” banat ni Lyne. “Ganon ba yon? To shove into my face? Kaya naman pala sabi niya I must be here” sabi ni Kiko sabay nalungkot ng sobra.

Nakabalik na sila sa kanilang upuan, napansin ni Ben na iba ang itsura ng kaibigan niya. “Pare anong problema?” bulong niya. “Wala, lets just watch this freaking show para matapos na” sabi ni Kiko at nagulat yung iba at napatingin sa kanya. Wala tuloy gusto magsalita pagkat kitang kita nila na galit ang kanilang kaibigan.

Nagsimula na ang mga palabas di parin mapakali si Kiko. “Ei Lay, alis nalang ata ako” bulong niya. “Tapusin mo nalang kaya” sagot ng kaibigan niya. “The damage has been done, so why should I stay here any longer?” tanong ng binata. “Ikaw bahala pero tapusin mo muna tong first play, nakakahiya naman aalis ka agad kasisimula palang” sabi ng dalaga. Huminga ng malalim si Kiko at sumandal sa upuan at pinilit panoorin ang palabas kahit na sa loob ay nagdurugo na ang kanyang puso.

Natapos ang unang play, paalis na sana si Kiko nang biglang pumasok si Kevin sa stage. Muli siya naupo at pinagmasdan yung lalakeng nakatalo sa kanya. “Akala ko ba aalis ka?” tanong ni Layla. “Sayang pera ko, and besides I can get even with this guy” sagot ng binata. “Kiko naman e, wag ka naman magkakalat dito. Wag kang sore loser. Accept defeat and besides its partly your fault and you know what I am talking about” sabi ng kaibigan niya.

Naiwan si Kiko at nanonood nalang, umabot na sila sa last play at biglang nagsara ang mga kurtina ng stage. Nagsipasukan ang ibang mga cast ng sinaunang play at naupo sa floor sa pinakaharapan. “Gusto namin mapanood ano yung secret play ni Michelle” sabi ni Yna na naupo sa tapat ni Layla. Minalas si Kiko pagkat si Kevin naupo sa sahig sa tapat niya.

“Sipain ko kaya to?” bulong ni Kiko at natawa si Ben. “Oy wag nga kayo ganyan” sabi ni Ica. “I hope she likes the flowers that I will give her” sabi ni Kevin at pumorma si Kiko na babatukan siya pero pinigilan siya ni Layla. “Malamang nakuha mo sa burol ng lola mo” bigkas nalang niya at natawa yung ibang cast at lahat napalingon. “Hey whats your problem?” tanong ni Kevin at muli sila nagkatitigan.

Tinakpan ni Kiko ang harapan niya sabay nag acting na takot. “Pare bakit mo tinitignan yung batotoy ko? Wag pare please wag” banat niya at ang tindi ng tawanan ng mga nasa harapan. “You sure are crazy” sabi ni Kevin sabay humarap na. “Pano kaya umiiyak ito? Naka smile parin ba?” hirit ni Kiko at napailing nalang yung binata sa harapan niya.

“Kiko will you stop it” bulong ni Layla at tinignan siyang masama ng binata. May tumunod na bell kaya tumahimik ang lahat. Pagbukas ng mga kurtina biglang natulala sina Ben, Kiko at Layla. “Wow that looks familiar” sabi ni Kiko. “Stupid, that’s just props” sabi ni Kevin. Di natiis ni Kiko at sinipa niya ang binata sa harapan niya sabay binulungan ng malakas. “Hoy mister smiley wag kang sasabat sabat pag di ikaw ang kinakausap ha” banta niya. Humarap sa kanya si Kevin at palaban din ito pero sinipa din siya ni Ben. “Wag ka nang papalag pa, face front” sabi niya.

Parang maamong tupa na humarap si Kevin, hiyang hiya siya pagkat nakikita niya na pasimpleng nagtatawanan ang mga kasama niya sa theater. “Ay wow kaya naman pala may mga kids kanina. She worked with the elementary theater club” sabi ni Yna at lahat napatingin sa stage.

May isang batang mataba, may mga kasama siyang ibang sigang bata at nilapitan ang isang batang babae na may pink na bag. “Ano baon natin?” tanong nung batang mataba at inagaw yung bag ng batang babae. Napakapit si Ben kay Ica, “Whats wrong labs?” tanong ng dalaga. “Oh my God” bigkas ni Kiko at sila ni Layla napatingin sa kaibigan nila. “Imposible naman” sabi ni Ben.

Nagtawanan yung ibang bata habang tinitignan nung malaking bata ang laman ng bag. “Akin na yang bago ko!” sigaw ng batang babae pero tinulak siya ng batang mataba. Napaupo sa sahig yung batang babae at nagiiyak. “Di ko siya tinulak” sabi ni Ben at nagtataka na si Ica. “Imposible na to” sabay na bigkas nina Layla at Kiko kaya si Jessica at Lyne napatingin sa kanila. “Whats wrong?” tanong ni Lyne. “Shhhh just watch” sagot ni Layla.

May isang batang babae at lalake ang lumapit, “San ka pupunta?” tanong nung batang babae pero yung batang lalake pinuntahan yung umiiyak na bata. “Bag mo ba yon?” tanong niya. “Oo kinuha niya” sagot ng babae. Tumayo yung batang lalake at inagaw yung bag mula sa matabang bata. Bumalik siya sa umiiyak na babae at sinoli ito sa kanya. “Eto o” sabi niya at agad siya niyakap nung batang babae.

“Aaaawwww” bigkas ng karamihan sa crowd at nagpalakpakan yung iba. Muling tumayo yung batang lalake at hinarap yung matabang bata. “Kiko kinuwento mo ba sa kanya?” tanong ni Ben. “Kinuwento ang alin?” tanong ni Ica. “Yan matabang bata si Ben, well oo mataba siya noon. Yung tumulong sa babae si Kiko, ako yung kasama ni Kiko” paliwanag ni Layla. “What?” sabay pang tanong ni Ica at Lyne. “I don’t know how she knew this story” sabi ni Kiko at napatingin sila kay Layla. “Oy di ako ha” sabi niya.

“Ikaw siga ka ha! Ano sport tayo?!!!” sigaw ng batang mataba at tinulak tulak yung batang lalake at napaupo ito. Agad siya tumayo at hinarap yung batang mataba at pinagtutulak din. Natawa sina Kiko, Ben at Layla pagkat alam nila hindi ganon ang nangyari. “Ikaw malaki ka alam ko wala ako laban sa iyo. Bakit gusto mo ba ng pink na bag din? Baka gusto mo din magsuot ng palda?” tanong ng batang lalake at nagtawanan ang buong crowd lalo na yung tatlong magkakaibigan. “Wala akong sinabing ganon” sabi ni Kiko.

“Mayabang ka ha!!!” sigaw ng batang mataba. “Ano tawag sa iyo ng mommy mo? Bon Bon? Butas ang pantalon ni Bon Bon…butas ang pantalon ni Bon Bon!!!” tukso nung batang kalaban niya at napahiya yung batang mataba. Nagtawanan din ang kasama niya kaya dahan dahan kinapa ng batang mataba ang pantalon niya at agad tumakbo. “Sige takbo Bon Bon!!!” sigaw ng batang lalake ang nagpalakpakan ang crowd.

“Bon Bon” landi ni Kiko at siniko siya ni Ben. “Pare wag naman” sabi niya. “So nickname mo is Bon Bon talaga?” tanong ni Ica at biglang nagtawanan sina Kiko at Layla.

Lumapit yung batang babae na umiiyak sa lumigtas sa kanya at bigla ito niyakap. Kinilig yung crowd pero nagulat sila nang tumakbo yung batang lalake. “Kiko!!! Antayin mo ako!!!” sabi nung isang batang babae. Naiwan sa gitna ng stage yung batang babae na may hawak na pink na bag, nakangiti siya at sinigaw. “Kiko!!!”

Dumilim ang stage at matapos ang ilang saglit si Michelle na ang nasa gitna. “Kiko!!!” sigaw niya. “Yun ang nangyari twelve years ago, tinulungan niya ako, humanga ako sa kanya. Tumakbo siya palayo at hindi ko na nakita mula noon. Kiko, yung pangalan na narinig ko na sinigaw ng kaibigan niya. Kiko, yang ang pangalan na tumatak sa aking isipan, makikita pa kaya kita?” sabi ng dalaga at nabilib ang lahat sa kanyang monologue.

“Bata pa ako noon alam ko, paborito ko ang mga kwento kung saan ililigtas ng isang prinsipe ang prinsesa at sa huli sila ang mangkakatuluyan. Ganon ang nangyari sa akin, niligtas ako ni Kiko at tuwang tuwa ako pagkat parang isang fairy tale ang nangyari. Nakakatawa isipin pero bata pa ako noon. Hindi ko na siya nakita mula noon pero di ko alam bakit hinahanap hanap ko siya. Kiko!”

Naglalakad lakad si Michelle sa stage, may isang tao na suot ay itim at pati mukha natakpan. “Kiko! Di ko siya maalis sa aking isipan kahit ilang taon na ang lumipas. Pangalan nalang niya ang natira pagkat di ko na alam ano ang itsura niya. Tanging natatandaan ko ay ang kanyang ngiti at pangalan” bigkas niya. Tumingin sa taas si Michelle at huminga ng malalim, “Bakit ka tumakbo palayo noon Kiko?” sabi niya sabay niyuko ang ulo at kita ng lahat ang kanyang kalungkutan.

“Tawagin niyo na akong sira pero ano magagawa ko? Siguro dahil paslit pa ako noon at di pa malawak ang aking isipan. Pero masama ba ang aking ginawa?!!! Akoy humanga at di ko alam bakit gusto ko makilala si Kiko at makasama. Tawanan niyo ako! Ayos lang, pero lahat naman tayo may pinag daanan na ganon. Lahat tayo may pinaghahawakan, di tayo maiintindihan ng iba pero sa isipan natin alam natin tama tayo.Yung iba sa atin mabilis bumitaw at natauhan pero siguro isa na ako matigas ang ulo at tuloy ang pangarap na balang araw makakapiling siya” bigkas niya sa matikas na boses at taas noong tinignan ang crowd.

“Matapos ang twelve years nahanap ko narin siya!” sigaw niya at may matamis na ngiti sa kanyang mukha. “Oo Kiko din ang pangalan niya, paano ako nakaksigurado na siya ito? Pagkat yung tumatak na ngiti niya sa aking isipan ay ganon parin hanggang ngayon, Kiko nahanap na kita sa wakas!!!” bigkas ng dalaga at kinilig ang crowd.

Napatingin si Yna at Kevin kay Kiko, yung binata tulala lang at nakakapit ng husto sa kanyang upaun.

Naglakad lakad ulit si Michelle sa stage at kaharap na niya ang lalakeng nakaitim. “Alam ko napakababaw ko pag akoy mahuhulog sa batang nagligtas sa akin noon. Pero iba si Kiko. Di ko akalain na lahat ng gusto ko sa isang lalake nasa kanya. Oo nahanap na kita Kiko…pero tuwing tayoy napapalapit sa isat isa…bakit ka lumalayo?”

“Tulad noong bata tayo tinakbuhan mo ako. Ngayon nang nagtagpo tayo muli tinatakbuhan mo ulit ako. Kay tagal kitang inantay na magbalik sa aking buhay, kay tagal kitang hinahanap, tapos tatakbuhan mo lang ako”

“Kung hindi tayo para sa isat isa bakit pa tayo pinagtagpo ng tadhana nung bata tayo? Bakit mo pa ako niligtas? Masisisi niyo ba ako kung akoy napahanga sa kanya nung bata ako? At yung paghanga na yon nanatili sa akin habang akoy tumatanda?”

“Kiko! Ganito ba talaga ang nakatadka para sa atin? Tatakbuhan mo nalang ba ako palagi tuwing tayoy tuluyang magkakalapit na? Inatay kita ng doseng taon! Doseng taon para lang takbuhan mo ulit ako!”

Napaupo si Michelle sa sahig at tinitigan si Kiko mismo. “Hanggang kalian mo ako tatakbuhan Kiko?” tanong niya at lahat tuloy napatingin sa binatang tinitigan niya. Dahan dahan tumayo si Michelle pero di inalis ang titig sa binata.

“Aantayin kita haggang mapagod ka sa katatakbo!” sigaw niya sabay niyuko ang ulo. Ilang segundo ang lumipas at dahan dahan tinataas ni Michelle ang ulo niya at muling tinignan ang binata.

“Pero sana Kiko wag ka nang tumakbo” sabi niya sabay nagsara na ang mga kurtina. Nagpalakpakan ang lahat, yung iba naluluha sa madramang salaysay ni Michelle. “Oh my God sya talaga yung niligtas mo noon” bigkas ni Layla. “Patay ako” sabi ni Ben at nagtawanan yung dalawa pero si Kiko titig na titig parin sa stage at parang estatwa sa kanyang upuan.

Ang bilis ng tibok ng kanyang puso, nayanig ang kanyang isipan. Si Michelle yung batang babae na tinakbuhan niya noong bata siya. Si Michelle yung matagal na niyang hinahanap para maiwasto ang maling nagawa niya noong bata siya. Gulong gulo ang isipan niya sa sandaling yon pero bigla siyang napangiti pagkat malinaw sa kanya na inaantay parin siya ng dalaga.

Ilang segundo bago natauhan si Kiko, lumabas na sila lahat sa theater at nagtungo sila sa likod ng building. Nakita nila si Michelle na dinudumog ng iba niyang kasama sa guild pero nang makita sila ng dalaga agad siya tumakbo palapit sa kanila. “Oh my God sis I cant believe it” sabi ni Layla nang nagyakapan sila. “Sorry ha, I kept this secret for so long” sabi ni Michelle. Takot na takot lumapit si Ben, si Kiko naman nakatingin sa malayo. Biglang dumating si Kevin na may dalang boquet pero napatingin si Michelle kay Ben at Ica.

Napakamot yung binata at niyuko ang ulo. “Michelle, that was a long time ago. Nagbago na ako, nirehab na ako ni Kiko pero I still want to say sorry” bigkas niya at tumawa yung dalaga. “Bon Bon, its okay, nakabawi na si Kiko para sa akin that day” sagot ng dalaga. “What are you trying to say? That story was real?” tanong ni Kevin at lahat napatingin sa kanya. “Duh! Kanina pa namin sinasabi sa loob, unless nagbibingi bingihan ka” sabi ni Ica sabay kapit sa boyfriend niya.

“I thought they you were kidding” sabi ni Kevin. “Everything in that play was real, well I am not sure of the dialogue since that was a long time ago. What you heard me say in my monoluge was all real” sabi ni Michelle. Napatingin si Kevin sa mga bulaklak na dala niya sabay napasimangot. “So I guess I wont be giving this to you then” sabi niya. “I really never liked flowers” sabi ng dalaga. “No, this” sabi ni Kevin sabay nilabas yung kwintas. “A necklace? I get allergies, so I don’t wear jewelry. Teka nasan pala si Kiko?” tanong ni Michelle at napalingon ang lahat at nakita nila yung binata na nakasandal sa dingding sa malayo.

Agad siya pinuntahan ni Michelle, sasama sana si Kevin pero hinarangan siya nina Layla at Lyne, “Wag ka na makikialam” sabi ng nila. “I just want to talk to her” sabi ng binata. “If you want to talk to her you have to get past me first” sabi ni Ben sabay pumwesto sa harapan nung dalawang dalaga. “So is this how you want it?” pasigang tanong ni Kevin sabay nilabas ang phone niya. “Before you can finish that call I would have managed to damaged all the muscles in your face that makes you smile” banta ni Ben.

Nanginig sa takot si Kevin at umalis nalang. “Wow labs, straight English yon ha” tukso niya. Nag acting naman si Ben na mahihimatay at sinalo siya nina Layla at Lyne. “Itakbo niyo ako sa ospital, di na kaya ng utak ko na over use ata” banat niya at nagtawanan sila.

Samantala sa malayo nakisandal sa dingding si Michelle kay Kiko, nagkatinginan sila saglit at nagngitian. “So it was you” sabi ng binata. “Yes, and after twelve years I found you” sagot ng dalaga. “Funny thing, I was looking for you too” sabi ni Kiko at nagulat si Michelle. “Hinahanap mo din ako? Bakit?” tanong niya. “Kasi di dapat ako tumakbo noon e. I wanted to correct things from that day, kaya hinahanap hanap kita” sagot ng binata.

“Wanna take a walk and tell me about it?” tanong ni Michelle at nagngitian sila muli at nagsimulang maglakad. “Kiko, kung di ka tumakbo noon ano ba dapat mangyayari?” tanong ng dalaga. “Ang dapat na tanong ay bakit ako tumakbo?” sabi ni Kiko sabay tawa. “O bakit ka nga ba tumakbo?” tanong ni Michelle.

“Selfishness” sabi ng binata. “Selfishness? Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Kasi if I stayed I would have shared with you my chocolate bar” sabi ni Kiko at natawa si Michelle. “Ha? How did you know na gagawin mo yon?” tanong ng dalaga at napatigil si Kiko. “Eh…eh kasi ganon ako pag may new friends” palusot niya at napangiti ang dalaga. “So you ran away dahil ayaw mo ishare sa akin yung chocolate?” tanong ni Michelle at napatingin si Kiko sa kamay niya at natawa. “Ganun na nga” sagot niya at nagtawanan sila.

“You ran ayaw kasi nagdamot ka” sabi ng dalaga sabay tumawa ng malakas. “Oo nga e, pag uwi ko bigla ako napaisip na mali ginawa ko. Kaya the day after araw araw na ako nagdadala ng chocolate para pag nakita kita ulit itatama ko yung maling nagawa ko. If ever I saw you I would share the chocolate with you pero I never did find you” kwento ni Kiko.

Napangiti si Michelle at napasandal sa binata, natauhan siya kaya biglang lumayo. “So that’s the real story behind the chocolate. It was not for Layla and it was not for Ben” sabi niya. “Yeah, it was always for you but I never found you” sabi ni Kiko at napangiti sila ng sabay.

“Hmmm I think fate corrected it already” sabi ni Michelle at napatingin si Kiko sa kanya. “Remember that day you saved me again from that kid. That day we finally met? Do you remember that? We did share a chocolate in the afternoon. Galing no? Twelve years ago we were supposed to meet already and share a chocolate but you ran away. Years after, twelve to be exact it happened” kwento ng dalaga at napakamot nalang si Kiko at napatingin sa langit.

“Ang hindi ko lang maintindihan Kiko is bakit mo ako laging tinatakbuhan?” tanong ni Michelle at napatingin yung binata sa kanya. “You know what I mean” dagdag niya. “Because I am afraid of losing you one day” bigkas niya. “Ano? Afraid of losing me one day?” tanong ng dalaga. “Yeah, I like you so much that it scares me that I might lose you one day” ulit ng binata at natawa si Michelle.

“Grabe ka naman, you are thinking too much. Why are you thinking of the negative? That is future wise tapos negative pa” sabi ng dalaga. “Yeah I know, that is why galit ako sa sarili ko. Michelle ayaw ko na tumakbo talaga. I know I must value what I have now and stop thinking of what might happen, I should stop thinking negatively. Ayaw ko na tumakbo but I think I am too late” sabi ni Kiko.

“Too late?” tanong ni Michelle. “Oo, Kevin said kayo na. Naging super close na daw kayo the past weeks. Tapos binida pa niya na magkasama kayo bukas sa debut ng pinsan mo. I am too late and its my fault” sabi ni Kiko sabay niyuko ang ulo niya. Biglang tumawa si Michelle at binangga niya yung binata.

May nilabas siyang invitation sa kanyang bag at inabot ito sa binata. Binasa ni Kiko ang nakatatak sa harapan at nakita niya “Michelle and Francis” kaya napatingin agad siya sa dalaga. “RSVP event yung debut ng pinsan ko, I am going with the guy whose name appears beside my name. And the debut next still next week” sabi ng dalaga.

Muntik nang mapaiyak si Kiko sa tuwa pero nagawa niya ito pigilan. “How about Kevin?” tanong niya. “I like him a little but not as much as I like you. Its true lagi kami magkasama tuwing hapon dahil sa practices but as you saw we were not on the same play. He tried to be the man in my mirror but I didn’t let him. I never wanted to see his image beside mine. Remember our first date? Yes I considered that our first date by the way. I saw the perfect image for my mirror, and that is the image that I want to be in my mirror for the rest of my life…that is pag di mo na ako tatakbuhan” sabi ng dalaga.

“I am not running away from you anymore” sabi ni Kiko at nagngitian sila. “Totoo na ba yan?” tanong ni Michelle at dumikit sa kanya si Kiko sabay inakbay ang kamay sa baywang ng dalaga. Nagulat si Michelle kaya agad lumayo si Kiko at tinaas ang mga kamay niya. “Oh no I am sorry, hala I was just trying to show na di na ako lalayo. Di ko sinasadya yung paghawak. Oh my God, sorry talaga. For emphasis lang dapat yon at I didn’t mean to…” daldal ng binata pero dinikit ni Michelle ang isang daliri niya sa mga labi ng binata.

“If youre not running away anymore then that was okay. Nagulat lang ako kasi first time may umakbay sa akin ng ganon. Kung di ka na tatakbo dapat ko nang sanayin ang ganon” sabi niya. “Why are you talking softly?” tanong ni Kiko at biglang nagtakip ng bibig si Michelle at natawa. Pinaghahampas niya dibdib ng binata at tawa sila ng tawa. “Bwisit ka! Sinira mo yung mood. Napahiya ako don ha” sabi ni Michelle.

Dumikit sa kanya si Kiko sabay inakbayan muli sa baywang. Napatingin sa kanya si Michelle at ngumiti lang ang binata sa kanya. “Di rin ako sanay kaya pwede na ba magpractice?” banat niya. Napayuko si Michelle at napangiti, sinandal niya ang ulo niya sa binata at muli tinignan si Kiko. “May ganito din ata dapat e, sanayin narin natin” sabi niya at nagngitian sila at parang nagkakandahiyaan pa.

Pabalik na yung dalawa sa kanilang mga kaibigan, kumakalas si Kiko pero pinigilan siya ni Michelle. “Sanayin narin natin sila” bulong niya kaya nakangiti yung dalawa lumapit sa kanilang kaibigan na lahat na nakanganga. “Okay lang ata di naman ata kita kamay ko” bulong ni Kiko at nagtawanan sila.

“Kiko…don’t run away anymore” bulong ni Michelle. Huminga ng malalim yung binata at hinigpitan ang kapit sa baywang ng dalaga. “I never will” sagot niya.


(dahil ayaw talaga tumigil nung mga copy paster ahahaha THE END ahahahaha oh gosh that hurts. If you delete all your posts and admit who the real author to your "FANS" are then i might continue the story hihihihihihi)