sk6

Thursday, July 1, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 20: Rebelasyon

Sa Aking Mga Kamay

by Paul Diaz



Chapter 20: Rebelasyon

Sabado ng hapon madaming tao ang nakapila sa main entrance ng performing arts theater ng unibersidad. Di tulad ng ibang pila na maraming naiirita, lahat ng tao ay masaya at tumatawa dahil kina Ben at Kiko. “Grabe mamaaah di ko na maantay makita si papa John Loyd!” sabi ni Kiko sabay tili. “I cant breath naaa. Oh gee oh wow oh gosh papa John Loyd!!!” banat naman ni Ben sabay tili. Sobrang naaliw ang mga nakapila habang sina Ica, Lyne at Layla ay nagtatakip ng mukha sa kahihiyan.

Nakapasok ang grupo at nakita nila si Yna na kinakawayan sila. “Dito kayo!” sigaw niya kaya nagtungo ang grupo sa pinakaharap. “I had these seats reserved for you guys kasi utos ni Michelle” sabi ng dalaga sa kanila. “E nagbayad na kami e” sabi ni Ben. “Oo nga pero unahan naman kasi sa pwesto ang policy dito. So Michelle told me to reserve fronts seats for you all” sagot ni Yna.

“Di ba kasama ka? Ilang oras ba ito?” tanong ni Layla. “Well there are several plays, nandon ako sa fourth one. Last yung kay Michelle and you know what she wrote that play and she is so secretive. Walang nakakaalam what is it about except the cast that will perform with her” sabi ng dalaga.

Naupo na ang lahat at umalis si Yna, ilang saglit lang bumalik siya at mukhang may problema. “Hey can some of you come with me kasi si Michelle nagpapanic attack e” sabi niya. “Itakbo na natin sa ospital” sabi ni Kiko at nagtawanan sila. “Panic attack meaning ninenerbyos siya” sabi ni Lyne. “Ganyan talaga yan pag kinakabahan” dagdag niya sabay tumayo. “Sige punta na kayo at maiwan nalang kami ni Ica para ireserve tong seats” sabi ni Ben at sumama yung iba kay Yna.

Sa likod ng building nakita nila si Michelle na lakad ng lakad at mukhang tuliro. “Hoy sis” sabi ni Lyne sabay nilapitan ang kaibigan niya. Huminga ng malalim si Michelle sabay ngumiti pero nung nakita si Kiko ay bigla ito sumigaw at tumakbo palayo. Lahat napatingin kay Kiko, yung binata napakamot nalang at napangiti. “Bakit yon?” tanong ni Layla. “Malay ko ba. Ngumiti lang ako sa kanya tapos natakot na” sagot ng binata.

Narinig nila ang sigaw ni Michelle sa loob ng backstage, ilang saglit lang lumabas si Kevin at kumakamot ng ulo. “What is her problem?” tanong niya sabay lumapit sa grupo. “Ikaw malamang” banat ni Kiko at nagkatitigan yung dalawa. “Oh good nandito kayo, do you think Michelle will like this?” tanong ni Kevin sabay may nilabas sa bulsa niya na silver necklace.

“Wow, oo naman no ang ganda kaya” sabi ni Lyne. “Oh good, I plan to give it to her after the show. Geez I told my driver to bring the boquet of flowers here, he is running late again” pabida ni Kevin. “Aba talagang todo ligaw mo ata kay Michelle ha” sabi ni Layla at napailing nalang si Kiko. “Yeah, this past few weeks we became closer. Tomorrow is the debut of her cousin and she is taking me with her” sabi ng binata.

“Oh? So kayo na?” tanong ni Lyne at napangisi si Kevin. “Well I cant put words into her mouth so you better ask her nalang” sagot niya. “The show is about to start you guys have to go back to your seats now” sabi ni Yna. Habang pabalik napansin ni Layla na nakayuko si Kiko at tahimik. “May problema ka?” tanong niya. “I was just wondering why she wanted me to be here kung ganyan din lang pala” sagot ng binata.

“Maybe she wanted to show you that she has moved on” banat ni Lyne. “Ganon ba yon? To shove into my face? Kaya naman pala sabi niya I must be here” sabi ni Kiko sabay nalungkot ng sobra.

Nakabalik na sila sa kanilang upuan, napansin ni Ben na iba ang itsura ng kaibigan niya. “Pare anong problema?” bulong niya. “Wala, lets just watch this freaking show para matapos na” sabi ni Kiko at nagulat yung iba at napatingin sa kanya. Wala tuloy gusto magsalita pagkat kitang kita nila na galit ang kanilang kaibigan.

Nagsimula na ang mga palabas di parin mapakali si Kiko. “Ei Lay, alis nalang ata ako” bulong niya. “Tapusin mo nalang kaya” sagot ng kaibigan niya. “The damage has been done, so why should I stay here any longer?” tanong ng binata. “Ikaw bahala pero tapusin mo muna tong first play, nakakahiya naman aalis ka agad kasisimula palang” sabi ng dalaga. Huminga ng malalim si Kiko at sumandal sa upuan at pinilit panoorin ang palabas kahit na sa loob ay nagdurugo na ang kanyang puso.

Natapos ang unang play, paalis na sana si Kiko nang biglang pumasok si Kevin sa stage. Muli siya naupo at pinagmasdan yung lalakeng nakatalo sa kanya. “Akala ko ba aalis ka?” tanong ni Layla. “Sayang pera ko, and besides I can get even with this guy” sagot ng binata. “Kiko naman e, wag ka naman magkakalat dito. Wag kang sore loser. Accept defeat and besides its partly your fault and you know what I am talking about” sabi ng kaibigan niya.

Naiwan si Kiko at nanonood nalang, umabot na sila sa last play at biglang nagsara ang mga kurtina ng stage. Nagsipasukan ang ibang mga cast ng sinaunang play at naupo sa floor sa pinakaharapan. “Gusto namin mapanood ano yung secret play ni Michelle” sabi ni Yna na naupo sa tapat ni Layla. Minalas si Kiko pagkat si Kevin naupo sa sahig sa tapat niya.

“Sipain ko kaya to?” bulong ni Kiko at natawa si Ben. “Oy wag nga kayo ganyan” sabi ni Ica. “I hope she likes the flowers that I will give her” sabi ni Kevin at pumorma si Kiko na babatukan siya pero pinigilan siya ni Layla. “Malamang nakuha mo sa burol ng lola mo” bigkas nalang niya at natawa yung ibang cast at lahat napalingon. “Hey whats your problem?” tanong ni Kevin at muli sila nagkatitigan.

Tinakpan ni Kiko ang harapan niya sabay nag acting na takot. “Pare bakit mo tinitignan yung batotoy ko? Wag pare please wag” banat niya at ang tindi ng tawanan ng mga nasa harapan. “You sure are crazy” sabi ni Kevin sabay humarap na. “Pano kaya umiiyak ito? Naka smile parin ba?” hirit ni Kiko at napailing nalang yung binata sa harapan niya.

“Kiko will you stop it” bulong ni Layla at tinignan siyang masama ng binata. May tumunod na bell kaya tumahimik ang lahat. Pagbukas ng mga kurtina biglang natulala sina Ben, Kiko at Layla. “Wow that looks familiar” sabi ni Kiko. “Stupid, that’s just props” sabi ni Kevin. Di natiis ni Kiko at sinipa niya ang binata sa harapan niya sabay binulungan ng malakas. “Hoy mister smiley wag kang sasabat sabat pag di ikaw ang kinakausap ha” banta niya. Humarap sa kanya si Kevin at palaban din ito pero sinipa din siya ni Ben. “Wag ka nang papalag pa, face front” sabi niya.

Parang maamong tupa na humarap si Kevin, hiyang hiya siya pagkat nakikita niya na pasimpleng nagtatawanan ang mga kasama niya sa theater. “Ay wow kaya naman pala may mga kids kanina. She worked with the elementary theater club” sabi ni Yna at lahat napatingin sa stage.

May isang batang mataba, may mga kasama siyang ibang sigang bata at nilapitan ang isang batang babae na may pink na bag. “Ano baon natin?” tanong nung batang mataba at inagaw yung bag ng batang babae. Napakapit si Ben kay Ica, “Whats wrong labs?” tanong ng dalaga. “Oh my God” bigkas ni Kiko at sila ni Layla napatingin sa kaibigan nila. “Imposible naman” sabi ni Ben.

Nagtawanan yung ibang bata habang tinitignan nung malaking bata ang laman ng bag. “Akin na yang bago ko!” sigaw ng batang babae pero tinulak siya ng batang mataba. Napaupo sa sahig yung batang babae at nagiiyak. “Di ko siya tinulak” sabi ni Ben at nagtataka na si Ica. “Imposible na to” sabay na bigkas nina Layla at Kiko kaya si Jessica at Lyne napatingin sa kanila. “Whats wrong?” tanong ni Lyne. “Shhhh just watch” sagot ni Layla.

May isang batang babae at lalake ang lumapit, “San ka pupunta?” tanong nung batang babae pero yung batang lalake pinuntahan yung umiiyak na bata. “Bag mo ba yon?” tanong niya. “Oo kinuha niya” sagot ng babae. Tumayo yung batang lalake at inagaw yung bag mula sa matabang bata. Bumalik siya sa umiiyak na babae at sinoli ito sa kanya. “Eto o” sabi niya at agad siya niyakap nung batang babae.

“Aaaawwww” bigkas ng karamihan sa crowd at nagpalakpakan yung iba. Muling tumayo yung batang lalake at hinarap yung matabang bata. “Kiko kinuwento mo ba sa kanya?” tanong ni Ben. “Kinuwento ang alin?” tanong ni Ica. “Yan matabang bata si Ben, well oo mataba siya noon. Yung tumulong sa babae si Kiko, ako yung kasama ni Kiko” paliwanag ni Layla. “What?” sabay pang tanong ni Ica at Lyne. “I don’t know how she knew this story” sabi ni Kiko at napatingin sila kay Layla. “Oy di ako ha” sabi niya.

“Ikaw siga ka ha! Ano sport tayo?!!!” sigaw ng batang mataba at tinulak tulak yung batang lalake at napaupo ito. Agad siya tumayo at hinarap yung batang mataba at pinagtutulak din. Natawa sina Kiko, Ben at Layla pagkat alam nila hindi ganon ang nangyari. “Ikaw malaki ka alam ko wala ako laban sa iyo. Bakit gusto mo ba ng pink na bag din? Baka gusto mo din magsuot ng palda?” tanong ng batang lalake at nagtawanan ang buong crowd lalo na yung tatlong magkakaibigan. “Wala akong sinabing ganon” sabi ni Kiko.

“Mayabang ka ha!!!” sigaw ng batang mataba. “Ano tawag sa iyo ng mommy mo? Bon Bon? Butas ang pantalon ni Bon Bon…butas ang pantalon ni Bon Bon!!!” tukso nung batang kalaban niya at napahiya yung batang mataba. Nagtawanan din ang kasama niya kaya dahan dahan kinapa ng batang mataba ang pantalon niya at agad tumakbo. “Sige takbo Bon Bon!!!” sigaw ng batang lalake ang nagpalakpakan ang crowd.

“Bon Bon” landi ni Kiko at siniko siya ni Ben. “Pare wag naman” sabi niya. “So nickname mo is Bon Bon talaga?” tanong ni Ica at biglang nagtawanan sina Kiko at Layla.

Lumapit yung batang babae na umiiyak sa lumigtas sa kanya at bigla ito niyakap. Kinilig yung crowd pero nagulat sila nang tumakbo yung batang lalake. “Kiko!!! Antayin mo ako!!!” sabi nung isang batang babae. Naiwan sa gitna ng stage yung batang babae na may hawak na pink na bag, nakangiti siya at sinigaw. “Kiko!!!”

Dumilim ang stage at matapos ang ilang saglit si Michelle na ang nasa gitna. “Kiko!!!” sigaw niya. “Yun ang nangyari twelve years ago, tinulungan niya ako, humanga ako sa kanya. Tumakbo siya palayo at hindi ko na nakita mula noon. Kiko, yung pangalan na narinig ko na sinigaw ng kaibigan niya. Kiko, yang ang pangalan na tumatak sa aking isipan, makikita pa kaya kita?” sabi ng dalaga at nabilib ang lahat sa kanyang monologue.

“Bata pa ako noon alam ko, paborito ko ang mga kwento kung saan ililigtas ng isang prinsipe ang prinsesa at sa huli sila ang mangkakatuluyan. Ganon ang nangyari sa akin, niligtas ako ni Kiko at tuwang tuwa ako pagkat parang isang fairy tale ang nangyari. Nakakatawa isipin pero bata pa ako noon. Hindi ko na siya nakita mula noon pero di ko alam bakit hinahanap hanap ko siya. Kiko!”

Naglalakad lakad si Michelle sa stage, may isang tao na suot ay itim at pati mukha natakpan. “Kiko! Di ko siya maalis sa aking isipan kahit ilang taon na ang lumipas. Pangalan nalang niya ang natira pagkat di ko na alam ano ang itsura niya. Tanging natatandaan ko ay ang kanyang ngiti at pangalan” bigkas niya. Tumingin sa taas si Michelle at huminga ng malalim, “Bakit ka tumakbo palayo noon Kiko?” sabi niya sabay niyuko ang ulo at kita ng lahat ang kanyang kalungkutan.

“Tawagin niyo na akong sira pero ano magagawa ko? Siguro dahil paslit pa ako noon at di pa malawak ang aking isipan. Pero masama ba ang aking ginawa?!!! Akoy humanga at di ko alam bakit gusto ko makilala si Kiko at makasama. Tawanan niyo ako! Ayos lang, pero lahat naman tayo may pinag daanan na ganon. Lahat tayo may pinaghahawakan, di tayo maiintindihan ng iba pero sa isipan natin alam natin tama tayo.Yung iba sa atin mabilis bumitaw at natauhan pero siguro isa na ako matigas ang ulo at tuloy ang pangarap na balang araw makakapiling siya” bigkas niya sa matikas na boses at taas noong tinignan ang crowd.

“Matapos ang twelve years nahanap ko narin siya!” sigaw niya at may matamis na ngiti sa kanyang mukha. “Oo Kiko din ang pangalan niya, paano ako nakaksigurado na siya ito? Pagkat yung tumatak na ngiti niya sa aking isipan ay ganon parin hanggang ngayon, Kiko nahanap na kita sa wakas!!!” bigkas ng dalaga at kinilig ang crowd.

Napatingin si Yna at Kevin kay Kiko, yung binata tulala lang at nakakapit ng husto sa kanyang upaun.

Naglakad lakad ulit si Michelle sa stage at kaharap na niya ang lalakeng nakaitim. “Alam ko napakababaw ko pag akoy mahuhulog sa batang nagligtas sa akin noon. Pero iba si Kiko. Di ko akalain na lahat ng gusto ko sa isang lalake nasa kanya. Oo nahanap na kita Kiko…pero tuwing tayoy napapalapit sa isat isa…bakit ka lumalayo?”

“Tulad noong bata tayo tinakbuhan mo ako. Ngayon nang nagtagpo tayo muli tinatakbuhan mo ulit ako. Kay tagal kitang inantay na magbalik sa aking buhay, kay tagal kitang hinahanap, tapos tatakbuhan mo lang ako”

“Kung hindi tayo para sa isat isa bakit pa tayo pinagtagpo ng tadhana nung bata tayo? Bakit mo pa ako niligtas? Masisisi niyo ba ako kung akoy napahanga sa kanya nung bata ako? At yung paghanga na yon nanatili sa akin habang akoy tumatanda?”

“Kiko! Ganito ba talaga ang nakatadka para sa atin? Tatakbuhan mo nalang ba ako palagi tuwing tayoy tuluyang magkakalapit na? Inatay kita ng doseng taon! Doseng taon para lang takbuhan mo ulit ako!”

Napaupo si Michelle sa sahig at tinitigan si Kiko mismo. “Hanggang kalian mo ako tatakbuhan Kiko?” tanong niya at lahat tuloy napatingin sa binatang tinitigan niya. Dahan dahan tumayo si Michelle pero di inalis ang titig sa binata.

“Aantayin kita haggang mapagod ka sa katatakbo!” sigaw niya sabay niyuko ang ulo. Ilang segundo ang lumipas at dahan dahan tinataas ni Michelle ang ulo niya at muling tinignan ang binata.

“Pero sana Kiko wag ka nang tumakbo” sabi niya sabay nagsara na ang mga kurtina. Nagpalakpakan ang lahat, yung iba naluluha sa madramang salaysay ni Michelle. “Oh my God sya talaga yung niligtas mo noon” bigkas ni Layla. “Patay ako” sabi ni Ben at nagtawanan yung dalawa pero si Kiko titig na titig parin sa stage at parang estatwa sa kanyang upuan.

Ang bilis ng tibok ng kanyang puso, nayanig ang kanyang isipan. Si Michelle yung batang babae na tinakbuhan niya noong bata siya. Si Michelle yung matagal na niyang hinahanap para maiwasto ang maling nagawa niya noong bata siya. Gulong gulo ang isipan niya sa sandaling yon pero bigla siyang napangiti pagkat malinaw sa kanya na inaantay parin siya ng dalaga.

Ilang segundo bago natauhan si Kiko, lumabas na sila lahat sa theater at nagtungo sila sa likod ng building. Nakita nila si Michelle na dinudumog ng iba niyang kasama sa guild pero nang makita sila ng dalaga agad siya tumakbo palapit sa kanila. “Oh my God sis I cant believe it” sabi ni Layla nang nagyakapan sila. “Sorry ha, I kept this secret for so long” sabi ni Michelle. Takot na takot lumapit si Ben, si Kiko naman nakatingin sa malayo. Biglang dumating si Kevin na may dalang boquet pero napatingin si Michelle kay Ben at Ica.

Napakamot yung binata at niyuko ang ulo. “Michelle, that was a long time ago. Nagbago na ako, nirehab na ako ni Kiko pero I still want to say sorry” bigkas niya at tumawa yung dalaga. “Bon Bon, its okay, nakabawi na si Kiko para sa akin that day” sagot ng dalaga. “What are you trying to say? That story was real?” tanong ni Kevin at lahat napatingin sa kanya. “Duh! Kanina pa namin sinasabi sa loob, unless nagbibingi bingihan ka” sabi ni Ica sabay kapit sa boyfriend niya.

“I thought they you were kidding” sabi ni Kevin. “Everything in that play was real, well I am not sure of the dialogue since that was a long time ago. What you heard me say in my monoluge was all real” sabi ni Michelle. Napatingin si Kevin sa mga bulaklak na dala niya sabay napasimangot. “So I guess I wont be giving this to you then” sabi niya. “I really never liked flowers” sabi ng dalaga. “No, this” sabi ni Kevin sabay nilabas yung kwintas. “A necklace? I get allergies, so I don’t wear jewelry. Teka nasan pala si Kiko?” tanong ni Michelle at napalingon ang lahat at nakita nila yung binata na nakasandal sa dingding sa malayo.

Agad siya pinuntahan ni Michelle, sasama sana si Kevin pero hinarangan siya nina Layla at Lyne, “Wag ka na makikialam” sabi ng nila. “I just want to talk to her” sabi ng binata. “If you want to talk to her you have to get past me first” sabi ni Ben sabay pumwesto sa harapan nung dalawang dalaga. “So is this how you want it?” pasigang tanong ni Kevin sabay nilabas ang phone niya. “Before you can finish that call I would have managed to damaged all the muscles in your face that makes you smile” banta ni Ben.

Nanginig sa takot si Kevin at umalis nalang. “Wow labs, straight English yon ha” tukso niya. Nag acting naman si Ben na mahihimatay at sinalo siya nina Layla at Lyne. “Itakbo niyo ako sa ospital, di na kaya ng utak ko na over use ata” banat niya at nagtawanan sila.

Samantala sa malayo nakisandal sa dingding si Michelle kay Kiko, nagkatinginan sila saglit at nagngitian. “So it was you” sabi ng binata. “Yes, and after twelve years I found you” sagot ng dalaga. “Funny thing, I was looking for you too” sabi ni Kiko at nagulat si Michelle. “Hinahanap mo din ako? Bakit?” tanong niya. “Kasi di dapat ako tumakbo noon e. I wanted to correct things from that day, kaya hinahanap hanap kita” sagot ng binata.

“Wanna take a walk and tell me about it?” tanong ni Michelle at nagngitian sila muli at nagsimulang maglakad. “Kiko, kung di ka tumakbo noon ano ba dapat mangyayari?” tanong ng dalaga. “Ang dapat na tanong ay bakit ako tumakbo?” sabi ni Kiko sabay tawa. “O bakit ka nga ba tumakbo?” tanong ni Michelle.

“Selfishness” sabi ng binata. “Selfishness? Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Kasi if I stayed I would have shared with you my chocolate bar” sabi ni Kiko at natawa si Michelle. “Ha? How did you know na gagawin mo yon?” tanong ng dalaga at napatigil si Kiko. “Eh…eh kasi ganon ako pag may new friends” palusot niya at napangiti ang dalaga. “So you ran away dahil ayaw mo ishare sa akin yung chocolate?” tanong ni Michelle at napatingin si Kiko sa kamay niya at natawa. “Ganun na nga” sagot niya at nagtawanan sila.

“You ran ayaw kasi nagdamot ka” sabi ng dalaga sabay tumawa ng malakas. “Oo nga e, pag uwi ko bigla ako napaisip na mali ginawa ko. Kaya the day after araw araw na ako nagdadala ng chocolate para pag nakita kita ulit itatama ko yung maling nagawa ko. If ever I saw you I would share the chocolate with you pero I never did find you” kwento ni Kiko.

Napangiti si Michelle at napasandal sa binata, natauhan siya kaya biglang lumayo. “So that’s the real story behind the chocolate. It was not for Layla and it was not for Ben” sabi niya. “Yeah, it was always for you but I never found you” sabi ni Kiko at napangiti sila ng sabay.

“Hmmm I think fate corrected it already” sabi ni Michelle at napatingin si Kiko sa kanya. “Remember that day you saved me again from that kid. That day we finally met? Do you remember that? We did share a chocolate in the afternoon. Galing no? Twelve years ago we were supposed to meet already and share a chocolate but you ran away. Years after, twelve to be exact it happened” kwento ng dalaga at napakamot nalang si Kiko at napatingin sa langit.

“Ang hindi ko lang maintindihan Kiko is bakit mo ako laging tinatakbuhan?” tanong ni Michelle at napatingin yung binata sa kanya. “You know what I mean” dagdag niya. “Because I am afraid of losing you one day” bigkas niya. “Ano? Afraid of losing me one day?” tanong ng dalaga. “Yeah, I like you so much that it scares me that I might lose you one day” ulit ng binata at natawa si Michelle.

“Grabe ka naman, you are thinking too much. Why are you thinking of the negative? That is future wise tapos negative pa” sabi ng dalaga. “Yeah I know, that is why galit ako sa sarili ko. Michelle ayaw ko na tumakbo talaga. I know I must value what I have now and stop thinking of what might happen, I should stop thinking negatively. Ayaw ko na tumakbo but I think I am too late” sabi ni Kiko.

“Too late?” tanong ni Michelle. “Oo, Kevin said kayo na. Naging super close na daw kayo the past weeks. Tapos binida pa niya na magkasama kayo bukas sa debut ng pinsan mo. I am too late and its my fault” sabi ni Kiko sabay niyuko ang ulo niya. Biglang tumawa si Michelle at binangga niya yung binata.

May nilabas siyang invitation sa kanyang bag at inabot ito sa binata. Binasa ni Kiko ang nakatatak sa harapan at nakita niya “Michelle and Francis” kaya napatingin agad siya sa dalaga. “RSVP event yung debut ng pinsan ko, I am going with the guy whose name appears beside my name. And the debut next still next week” sabi ng dalaga.

Muntik nang mapaiyak si Kiko sa tuwa pero nagawa niya ito pigilan. “How about Kevin?” tanong niya. “I like him a little but not as much as I like you. Its true lagi kami magkasama tuwing hapon dahil sa practices but as you saw we were not on the same play. He tried to be the man in my mirror but I didn’t let him. I never wanted to see his image beside mine. Remember our first date? Yes I considered that our first date by the way. I saw the perfect image for my mirror, and that is the image that I want to be in my mirror for the rest of my life…that is pag di mo na ako tatakbuhan” sabi ng dalaga.

“I am not running away from you anymore” sabi ni Kiko at nagngitian sila. “Totoo na ba yan?” tanong ni Michelle at dumikit sa kanya si Kiko sabay inakbay ang kamay sa baywang ng dalaga. Nagulat si Michelle kaya agad lumayo si Kiko at tinaas ang mga kamay niya. “Oh no I am sorry, hala I was just trying to show na di na ako lalayo. Di ko sinasadya yung paghawak. Oh my God, sorry talaga. For emphasis lang dapat yon at I didn’t mean to…” daldal ng binata pero dinikit ni Michelle ang isang daliri niya sa mga labi ng binata.

“If youre not running away anymore then that was okay. Nagulat lang ako kasi first time may umakbay sa akin ng ganon. Kung di ka na tatakbo dapat ko nang sanayin ang ganon” sabi niya. “Why are you talking softly?” tanong ni Kiko at biglang nagtakip ng bibig si Michelle at natawa. Pinaghahampas niya dibdib ng binata at tawa sila ng tawa. “Bwisit ka! Sinira mo yung mood. Napahiya ako don ha” sabi ni Michelle.

Dumikit sa kanya si Kiko sabay inakbayan muli sa baywang. Napatingin sa kanya si Michelle at ngumiti lang ang binata sa kanya. “Di rin ako sanay kaya pwede na ba magpractice?” banat niya. Napayuko si Michelle at napangiti, sinandal niya ang ulo niya sa binata at muli tinignan si Kiko. “May ganito din ata dapat e, sanayin narin natin” sabi niya at nagngitian sila at parang nagkakandahiyaan pa.

Pabalik na yung dalawa sa kanilang mga kaibigan, kumakalas si Kiko pero pinigilan siya ni Michelle. “Sanayin narin natin sila” bulong niya kaya nakangiti yung dalawa lumapit sa kanilang kaibigan na lahat na nakanganga. “Okay lang ata di naman ata kita kamay ko” bulong ni Kiko at nagtawanan sila.

“Kiko…don’t run away anymore” bulong ni Michelle. Huminga ng malalim yung binata at hinigpitan ang kapit sa baywang ng dalaga. “I never will” sagot niya.


(dahil ayaw talaga tumigil nung mga copy paster ahahaha THE END ahahahaha oh gosh that hurts. If you delete all your posts and admit who the real author to your "FANS" are then i might continue the story hihihihihihi)