Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz
Lingo ng gabi nahiga si Kiko sa kama ng kapatid niya. Di mapakali ang isipan niya at pinapanood niya si Frances na gumagawa ng assignment sa kanyang study desk. “Ces, kung a guy admits that he likes the girl and the girls feels the same way, sila na agad o kailangan pa ligawan nung lalake yung babae?” tanong niya at nagulat ang kanyang kapatid. “Kuya twelve years old ako” sagot bunso.
“Ay oo nga pala. Pero madami kang pinapanood na foreign tv series na drama diba? Wala bang instance na ganon?” hirit ni Kiko. “Hay naku kuya, iba ugali nila doon e. If you watch a foreign series you just watch. Kasi usually nagkita lang sila e mamaya naghahalikan na. Tapos isang iglap break na sila at may kasama na silang iba. Pag sa local naman e masyado korny or predictable. Too good to be true minsan or masyado nang sadsad yung mga linya nila. So its better not to base or rely on those, if she likes you and you like her you still have to win her heart”
“Make her like you even more” sabi ni Frances. “Twelve years old ha” sabi ni Kiko at natawa ang kapatid niya. “So kalian ko naman makikilala si ate Michelle?” tanong ng bunso at nagulat si Kiko. “How did you know her name?” tanong niya. “You talk in your sleep kuya. There was one time you were shouting her name and then you were crying” sagot ni Frances at napasimangot si Kiko at naalala ang kanyang panaginip.
“Ei sis, kunwari may isang competition, gusto mo sumali pero nagkaroon ka ng premonition na matatalo ka. Will you still join?” tanong ni Kiko. Humarap sa kanya ang kapatid niya at napaisip. “Bakit may sasalihan kang competition kuya?” tanong niya. “Ah oo parang ganon” sabi ng binata. “Hmmm nagkaroon ka ng premonition na matatalo ka na? Well wala naman talaga nakakapagsabi ng future e, malay mo yung premonition mo kabaliktaran yung mangyayari diba?” sagot ng bunso.
“Lets say na talagang totoo yung premonition mo at nakita mo matatalo ka talaga” hirit ni Kiko. “Hmp, sasali parin ako. Win or lose kuya you will learn something naman e. Diba ganon ang competition? Kahit magaling yung kalaban ko sa spelling bee sumali parin ako. Talo ako pero at least nakita ko mga weakness and strong points ko. And with that I know how to improve myself. Pag di ka sumali agad then you will never know why you lost, basta talo ka nalang. Lahat naman may rason e at ang importante may matutunan ka. Kaya sa next na sali ko sa spelling bee mas magaling na ako pero sana magkasakit ang mga kalaban ko nalang para mas madali” sagot ng dalaga at napatawa si Kiko.
Nabilib yung binata sa kapatid niya, pinikit niya ang kanyang mga mata at nagdesisyon. “Kailangan ko yakapin ang nakatakda para sa akin” bigkas niya. “Ano?” tanong ni Frances at bumangon si Kiko at napangiti. “Thank you very much sis, I guess I have to embrace my destiny now” sabi ng binata. “Kuya youre weird” sabi ng bunso at natawa yung binata. “Yes I know that sis, my only problem now is my hands” sabi ni Kiko at lalong nalito ang kapatid niya. “Naka drugs ka ba kuya?” tanong ni Frances. “Oo” sagot ng binata sabay tawa.
Lunes ng umaga, late na dumating si Kiko sa tambayan nila. Nandon na ang mga kaibigan niya at pagdating niya masaya ang binata na sumisipol at pakanta kanta. “Wow someone seems to be in a good mood today” sabi ni Lyne. “Good morning Lyne! How are you today?” sabi ni Kiko at nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Good morning Layla! Good morning Ben and good morning Ica!” hirit niya.
Lahat napatingin kay Michelle pagkat siya lang ang hindi binate ng binata. Nagsimangot yung dalaga pero tumabi si Kiko sa kanya. “Good morning babe” binulong niya sa tenga ng dalaga. Napapikit si Michelle, napangiti at biglang kinilig. Pinaghahampas niya si Kiko habang tawa ng tawa. “Loko ka wag ganon” sabi niya. “Ay ayaw mo ba ng ganon?” tanong ni Kiko. “Gusto pero binibigla mo ako e” sabi ng dalaga.
“Ano yon?” tanong ni Ben at napangiti nalang yung dalawa. “Wow men, di nanaman nila tayo sinasali sa usapan nila o” reklamo ni Lyne. “Uy di naman. Kasi di na kailangan ishare yung binulong niya” sagot ni Michelle. “Ano ba yon sis?” tanong ni Layla. “Trust me wala yon” hirit ng dalaga kaya lahat napatingin kay Kiko. “I told her I like her” sabi ng binata at nagulat si Michelle.
“Uyyy!” sabay sila tinukso ng iba, si Michelle halos namimilipit na sa tuwa at muling pinaghahampas si Kiko. “Di naman yon ang sinabi mo e” sabi niya. “Hindi ba?” tanong ni Kiko. “Hindi kaya” sagot ni Michelle at nagkatitigan sila. “Ay oo nga ano. Pero its still true naman” sabi ni Kiko. “Na ano?” tanong ng dalaga. “Uy gusto mo lang na ulitin ko sinabi ko ano?” biro ng binata at natawa si Michelle at pinaghahampas siya. Nagtawanan ang lahat at tuloy ang pagtutukso ng iba sa dalawa.
Nagsama sama ang lahat sa mall ng lunch break. Si Kiko at Layla ang pumila sa counter para bumili ng pagkain nila. “Ei Layla, I really like Michelle” bulong ni Kiko. “Diyos ko kahit di mo sabihin halatang halata” sagot ng dalaga. “Yeah pero I just wanted to tell you that liligawan ko na talaga siya” sabi ng binata. “O bakit mo pa sinasabi sa akin yan?” tanong ni Layla. “Well you know, I have to” sabi ni Kiko.
“Kiko, di mo na kailangan magpaalam pa sa akin ano. Iniisip mo siguro yung past natin ano? Hay naku we already talked about this before diba?” sabi ni Layla. “Oo pero I would feel better if I told you and you are okay with it” sabi ng binata. “Of course naman kaya. Alam mo natatawa ako sa inyong dalawa. A while ago nagpapaalam din siya sa akin about the same thing, well di yung point na liligawan ka niya. I am okay with it” sagot ng dalaga.
“Talaga? No hard feelings?” tanong ni Kiko at napataas ang kilay ng dalaga. “Kiko! Ang kulit mo talaga. By the way someone has been courting me since last sem, malapit ko na ata sasagutin” bulong ng dalaga sabay kinilig. “Ha? Di pwede yan! Kailangan muna dumaan yan sa amin ni Ben. Kailangan namin kilatisin muna yang lalakeng yan” sabi ng binata at napangiti si Layla. “Yeah I know, he is a really good guy though” sabi ng dalaga. “Kahit na, ituro mo at obserbahan namin ni Ben muna. Sus pag nalaman ni Ben yan kukunot noo niya” sabi ni Kiko at nagtawanan sila.
“Hay naku kayo talaga, masyado kayo protective sa akin. Oo ituturo ko, pero Kiko pag niloko mo lang yang si Michelle patay ka talaga sa akin” banta ng dalaga. “E pano kung siya yung nagloko?” tanong ni Kiko at napatingin sa kanya si Layla. “As if magagawa niya, kitang kita na patay na patay sa iyo tapos matagal ka niya inantay diba?” sagot ng dalaga. “Maybe but people can change” sabi ni Kiko. “Ano ba pinagsasabi mo? Nagdududa ka na sa kanya e di pa kayo?” tanong ni Layla.
“Ang sinasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng tao ngayon pero di mo alam bukas nagbago na siya” sabi ng binata. “So nagdududa ka talaga?” tanong ng dalaga. “Hay naku Lay, ang sinasabi ko lang people change. So habang may love, embrace it. Enjoy it while it lasts. Kung tumagal ng forever e di good, kung hindi naman e di at least happy kayo while it lasted. Ganun yon” paliwanag ni Kiko. “Ah ewan ko sa iyo, Kiko wag ka mag isip ng negative. Yan ang sakit mo mula noon pa. Dapat isipin mo that it will last forever” bawi ni Layla. “We didn’t” bigkas ni Kiko at natahimik ang dalaga.
“Kiko are we going to have that discussion again?” tanong ni Layla. “Nope, ang sinasabi ko lang na yakapin mo kung ano meron ka sa kasalukuyan pagkat di mo alam ano ang pwede mangyari kinabukasan” sabi ng binata. “Kaya pala yakap ka ng yakap sa akin noon” biro ni Layla. “E sino ba yung halik ng halik?” bawi ni Kiko at pinagkukurot siya ng dalaga. “Sige ka pag marinig ka ni Michelle lagot ka” bulong ng dalaga pagkat malapit na sila sa lamesa nila. “Uy concerned siya” tukso ni Kiko. “Sira, siyempre. Boto ako sa inyong dalawa” sabi ni Layla. “Kami ni Ben?” biro ni Kiko at piningot ng dalaga ang tenga niya.
Nakabalik na sila sa lamesa nila at nagsimula na sila kumain. “By the way Kiks, sa Sunday dapat naka bow tie daw ang mga boys” sabi ni Michelle. “Bow tie lang? Tapos wala na ibang suot? Grabe yang taste ng pinsan mo ha” sagot ng binata at nagkatawanan ang lahat. “Pare naman, debut yon. Bow tie and leather pants lang, para kayong mga macho dancer” banat ni Ben at biglang sumayaw ang mag bestfriend parang macho dancer.
Ang tindi ng tawanan ng mga babae, bugbog sarado ang braso ni Kiko pagkat pinaghahampas siya ni Michelle para tumigil. “Biro lang, oo may bow tie ata ako pero di ko alam itali” sabi ni Kiko pero biglang sumabog sa tawa si Layla at pinagtuturo yung dalawang binata. “Hala sis bakit?” tanong ni Lyne. “Yang dalawa, nung graduation ball namin…” sabi ng dalaga pero napatigil pagkat tumawa ulit. “Bakit ano ginawa nila?” tanong ni Ica. “Yung neck tie nila di nila alam itali, ginawa nila parang ribbon” kwento ni Layla at ang tindi ulit ng tawanan ng mga babae.
Nagsimangot sina Ben at Kiko at tinuloy ang pagkain nila. “Nagpapatawa lang kami non” sabi ni Kiko. “Weh! Ben loosened his tie kasi nasasakal daw, itong si Kiko hinila niya ng todo kaya natanggal. Si Ben bumawi at tinanggal tie ni Kiko. Ayun, di pala marunong tong dalawa magtali ng tie” kwento ni Layla at muling tumawa.
“Hmmm so you know how to dance?” tanong ni Michelle. “Dance? Bakit?” sagot ni Kiko. “Siyempre sasayaw tayo sa debut” sabi ng dalaga. “Sasayaw tayo? Diba ang debut birthday lang yon? E di dapat kainan lang” sabi ng binata. “Di ah, its like a ball. There will be dancing” sabi ni Michelle. Humarap si Kiko sa dalaga, kumuha ng fries at sinubo sa kanya. “What kind of dancing?” tanong niya. “Slow dance” sagot ni Michelle sabay kain sa fries. “Slow tinikling ganon?” tanong ni Kiko at biglang nagtawanan ang lahat.
“Yang kinakain mo napulot ko sa floor” sabi ni Kiko at napatigil sa pagnguya ang dalaga at nagkatitigan sila. Yung iba nanahimik at nakatingin sa dalawa, iluluwa na sana ng dalaga ang nasa bibig niya pero ngumiti si Kiko. “Biro lang, di ko naman kaya gawin sa iyo yon” sabi niya at muling sinubuan si Michelle ng fries. Nagngitian yung dalawa, sinubuan naman ni Michelle si Kiko ng fries at napangiti nalang yung iba. “Alam niyo lalanggamin na kayo niyan” sabi ni Layla.
“Teka, kayo na ba?” tanong ni Lyne. Tahimik lang sina Kiko at Michelle kaya lalo sila tinukso ng iba. “Uy silence means yes” banat ni Ica. “Ben, come to daddy” sabi ni Kiko sabay sinubuan niya kaibigan niya ng fries. “O kami narin ba ni Ben?” tanong ni Kiko sa mga babae at napangiti si Michelle. “Ang galing talaga umiwas o” sabi ni Layla. “E di si Michelle and tanungin natin” sabi ni Lyne at napatingin ang lahat sa dalaga.
“Oh why me?” tanong ni Michelle. “Ano nga ba sis?” tanong ni Ica at lahat ng babae nakangiti sa kanya. “Alam niyo magkaibigan lang kami ni Michelle” biglang sabi ni Kiko at nahalata ng iba na nasaktan yung dalaga. “Sa ngayon” pahabol ng binata at agad napangiti si Michelle at agad sila tinukso ng iba. “E di mamaya kayo na?” tanong ni Lyne.
“Kung may dalawang tao na may gusto sa isat isa di niyo pwede sabihin na sila na agad. Kailangan pa nila kilalalanin ang ugali ng bawat isa, maaring may makita silang di kagandahan at magbago isip nila. Kaya di nadadaan sa paspasan yan” sabi ni Kiko at napabilib niya ang lahat. “Well said” sabi ni Michelle at tinignan siya ng binata. “Pero sigurado na ako sa iyo” sabi ni Kiko.
Agad nilayo ni Michelle ang tingin niya, habang kinikilig yung iba. “Ako din naman” sabi ng dalaga at pareho silang napayuko at nakatitig lang sa kanilang pagkain. “Yiheeee” landi ni Ben at nagtawanan yung iba. Napapangiti nalang sina Kiko at Michelle pero hindi parin sila nagtitinginan. “Are we changing planets?” bigkas ni Michelle. “I think you and I deserve to be at the other planet, together that is” sagot ni Kiko. Napatingin ang lahat sa kanila pagkat di nila maintindihan ang kanilang pinag uusapan.
“Ano ba yang pinag uusapan niyo lagi?” tanong ni Ben at napapangiti nalang yung dalawa. “May sariling mundo yang dalawang e” sabi ni Lyne. “Excuse me papunta palang kami sa mundo na yon” sabi ni Kiko at lalong napangiti si Michelle. “Ano bang planeta ang sinasabi niyo?” tanong ng bespren niya. “Planeta na puno ng pagmamahalan, pagkakaisa, a place where there is happiness and world peace” sabi ni Kiko at biglang natawa si Michelle. “World peace?” tanong niya. “O di wala na yon, basta may happiness” sabi ng binata sabay ngisi. Napahalakhak si Michelle at pinaghahampas niya si Kiko. Lalo lang nawala sa usapan yung iba kaya wala na sila magawa kundi panoorin yung dalawa.
Pagsapit ng dismissal ay nakatago si Kiko sa loob ng guard house pero tinatawanan siya ng guard. “Pards ang tanda tanda mo na di ka pa marunong manligaw?” sabi ng gwardya. “Hindi e, yung una kong girlfriend basta naging kami nalang bigla” sabi ni Kiko. “Naks naman e, matinik pala si parekoy” sabi ng gwardya at nagtawanan sila. “Kababata ko kasi siya. Pero ngayon iba na. Kilala mo naman na siguro sino yung tinutukoy ko” sabi ng binata.
“Of course the wise Rommel knows, yang si miss beautiful diba?” sabi ng guard. “Sa dami ng magaganda dito baka iba naman iniisip mo pards” sabi ni Kiko at natawa si Rommel. “Pards, kilala ko yan. Siya yung pinag uusapan natin nung last sem. At yan yung kotse niya o” sabi ng guard at paglingon ni Kiko ay nakita niya ang itim na SUV na pumarada sa harapan ng main gate. “Ayos, di ko na siya maihahatid” bigkas niya. “E di makisakay ka at least maihahatid mo parin. Makiusap ka narin na ihatid ka pauwi pagkatapos” sabi ni Rommel at napakamot nalang si Kiko pero nagtawanan sila.
Lumabas si Kiko sa guard house at inantay si Michelle. “Pards, alam mo ang panliligaw kanya kanyang estilo yan. Wag ka gagaya sa iba. Kasi pag ako yung babae, alam ko na bibigyan mo ako regalo, bibigyan mo ako ng flowers, at iba pa. Ibahin mo naman, kailangan pag nanliligaw ka ipinapakita mo kung sino ka at kung gaano ka kasinsero sa kanya. Ano ba nagagawa ng mga bulaklak na yan kung lahat ng babae nabibigyan ng bulaklak? Dapat kung liligaw ka, dapat tatatak sa puso niya. Wag siya ang ligawan mo, yung puso niya dapat” payo ni Rommel at natameme si Kiko.
“Wow pards ang lalim nun ha, pero malaman” sabi ng binata at tumawa yung gwardya. “Oist, ayan na siya o” sabi ni Rommel at paglingon ni Kiko ay nakalampas na pala si Michelle at malapit na sa kotse. Agad siya tumakbo pero nakapasok na yung dalaga sa SUV. Wala na nagawa si Kiko at napakamot nalang. Biglang nagbukas ang bintana at nakita niya si Michelle.
“Uy kanina pa kita hinahanap” sabi ng dalaga. “Ah oo nakitambay ako sa guard at nakipagkwentuhan” sagot niya. “Kaya naman pala e di kita mahanap” sabi ni Michelle. “Bukas nalang siguro, sige ingat kayo” sabi ni Kiko at naglakad na palayo. “Kiko wait” sigaw ni Michelle, paglingon ng binata nakita niya lumabas ng kotse yung dalaga at patakbo palapit sa kanya.
Umalis na yung SUV at nagtaka tuloy si Kiko. “Bakit ka iniwan?” tanong niya. “E nakita ko malungkot ka e” sabi ni Michelle sabay binangga siya. “Ako malungkot? Hindi ha” sabi ni Kiko. “Ay hindi ba? Okay teka tawagin ko ulit si manong” sabi ni Michelle sabay nilabas ang phone niya. “Wag na, ako nalang maghahatid sa iyo” sabi ni Kiko. Napangiti yung dalaga at muli siya binangga. “Araw araw nab a ganito?” tanong ni Michelle.
“Ah sana pero baka mawalan ng trabaho si manong e” sagot ni Kiko. “Uy hindi naman, he is like family to us already” sabi ni Michelle. “Ay e di masaya pala pero pag umuulan ng malakas magpasundo ka nalang. Kasi kahit na magdala ako ng payong, mas maigi na makakauwi ka ng mabilis pag ganon” sabi ng binata. “Pag malakas ang ulan ikaw naman ang ihahatid namin” lambing ng dalaga. “Uy wag na, grabe naman to. Kaya ko naman umuwi mag isa” sabi ni Kiko at tumaas ang kilay ng dalaga at nagsimangot.
“Naman sabi ko wag mo gagamitin ang powers mo na ganyan e” sabi ng binata pero tahimik lang si Michelle. “Oo na sige na payag na” sabi ni Kiko at napangiti yung dalaga sa kanya. Napayakap si Michelle sa braso niya pero pareho silang nanigas, dahan dahan inaalis ng dalaga ang mga kamay niya pero napangiti si Kiko. “Wag mo na alisin, kailangan ko din masanay e” banat niya.
“Ah ganun feeling mo hahawak ako lagi sa braso mo ganun?” tanong ni Michelle at tuluyan nang bumitaw. Napakamot si Kiko at natulala, “Ay sorry, di ko kasi alam e” sabi ni Kiko at natawa yung dalaga. Muling yumakap si Michelle sa braso niya at nagtuloy na sila sa lakad. “Hmmm bakit parang ang bagal mo maglakad?” tanong ni Michelle.
“Para matagal pa kita makasama” sabi ni Kiko. Kinurot siya ng dalaga at natawa ito. “So ano naman oras tayo makakarating sa bahay namin?” tanong ni Michelle. “Siguro midnight, kung pwede nga next year na e” banat ng binata at tawa ng tawa yung dalaga. “Alam mo kakaiba ka today” sabi ni Michelle. “O bakit naman?” tanong ni Kiko.
“Mula pa this morning lagi mo ako binibigla at ginugulat” sagot ng dalaga. “Is it bad?” tanong ni Kiko. “No, I actually like it. Pero mas okay sana pag tayo lang dalawa. Parang nahihiya ako pag meron sila e” sabi ni Michelle. “Ah, kasi kung tayo lang dalawa baka isipin mo binobola lang kita. That is why gusto ko pag meron din sila para maipakita ko na totoo lahat at may witnesses” paliwanag ni Kiko.
“Naniniwala naman ako sa iyo Kiko e. Pero nakakabigla ka lang today. I mean oo you said di ka na tatakbo, so I was expecting you to be the same. Pero ngayon iba ka, in a good way naman siya. Di pa ako sanay sa pagiging funny mo, araw araw I am expecting a new thing from you and you never fail to amaze me. Today parang nag level up ka e, aside from being funny, bigla mo ako binabanatan ng serious side mo which I rarely see” sabi ng dalaga.
“Sorry ha, pero this is me. Maniwala ka o hindi bago ito lahat sa akin. I never felt this immense feeling for someone, that is you by the way, and I admit I am not always serious. Pero my feelings for you are ha. Sanay akong loko loko at nagpapatawa, bihira may seriousness, minsan nakakalusot, pero now I have to be more serious and I know that. Pero mahirap naman magbago biglahan kaya pasensya ka na kung ganito ako pero rest assured seryoso ako sa iyo. When I told you I was not running away, I meant it”
“I am embracing my destiny, which is you” sabi ni Kiko. Lalong humigpit ang yakap ni Michelle sa braso niya, nakayuko at ulo niya at siya ay nakangiti. “Did I say something wrong?” tanong ng binata. “Wala” bulong ng dalaga. “E bakit ka di nagsasalita?” tanong ni Kiko. “Shhhh shut up ka, pinakilig mo ako tapos gusto mo magsalita ako. Let me enjoy this feeling naman” banat ng dalaga at natawa si Kiko. “Ah ganun pala dapat, sige” sabi ng binata at pinagkukurot siya ni Michelle. “Kasama ba yung mga kurot?” tanong ni Kiko. “Oo kasama” sagot ng dalaga. “Okay, sige lang” sabi niya at natawa tuloy si Michelle.
“Kiko youre walking too fast” bulong ng dalaga. Binagalan ni Kiko ang lakad niya at sinandal ni Michelle ang ulo niya sa kanyang balikat.
(I did it for her and for no other reason)