Tuesday, September 28, 2010
AVAILABLE E-BOOKS FOR SALE
Saturday, September 18, 2010
The Real Bespren Story
Prologue
Sa isang private residential area sa Maynila may isang kotse ang tumigil sa tapat ng isang bahay. Lumabas ang isang babae, napatingin sa langit at napangiti. Pinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaan ang maaliwalas na sinag ng araw na tumama sa kanyang mukha. “A new beginning” bulong niya. Lumapit siya sa tapat ng bahay sabay tinanggal ang karatula na may tatak na “SOLD”
Nagbukas ang pinto ng kapitbahay at may lumabas na mag asawa, agad nila nilapitan ang bagong lipat. “Hello, good morning miss beautiful!” sabi ng lalake at bigla siyang siniko ng asawa niya. “Pepito! Miss pasensyahan mo na tong asawa ko may pagkapilyo e, ako pala si Eunice at eto naman ang asawa kong si Pepito. Ikaw ba yung nakabili nitong bahay?” sabi ni Eunice at napangiti yung babae at niyakap yung karatula. “Oo, ako pala si Aika and my daughter is inside the car sleeping” sagot ng babae.
May isang cargo van na dumating at pumarada sa likod ng kotse ng bagong salta, kumaway si Aika at tinuro ang kanyang bagong bahay. “Wow may kapitbahay narin kami sa wakas, so nasan yung asawa mo?” tanong ni Eunice at napasimangot si Aika. “Its just the two of us” sagot niya. “Oh sorry ha” sabi ni Eunice at ngumiti lang si Aika. Biglang nagbukas ang pinto ng kotse at may batang babae ang lumabas. Halatang bagong gising, hawak hawak niya ang laruan na manika, pinagmasdan saglit sina Pepito at asawa at agad ito tumakbo sa kanyang mommy. Nagtago yung bata sa likod ng mga paa ni Aika at pasilip silip ito sa mag asawa. “Ay ang cute naman niya, at kamukhang kamukha mo” sabi ni Eunice.
“Annika, say hello to our neighbors anak” sabi ni Aika pero kumapit ang bata sa mga paa ng nanay niya at nagtago. “Teka may anak din kami tawagin ko lang kasi naglalaro siya sa likod” sabi ni Pepito at agad siya umalis.
“Eunice okay ba dito sa lugar na ito, parang nakakatakot kasi ang lalayo ng agwat ng mga bahay” sabi ni Aika. “Oh safe dito, four years na kami dito and so far walang problema” sagot ni Eunice. Ilang sandali pa at bumalik na si Pepito kasama ang kanilang anak na lalake na hawak na bola. “Wow, magkamukha din pala sila” sabi ni Aika at tumawa si Eunice. “How old is he?” tanong ni Aika. “Four years old” sabi ni Eunice at nagulat si Aika. “Four years old? Matangkad siya ha, four years old din itong si Annika e” sabi ni Aika.
“Eto ang anak namin si Pipoy” sabi ni Pepito at sumilip si Annika at nginitian siya ng batang lalake. Ngumiti din si Annika pero muling nagtago sa likod ng mommy niya. “Pipoy meet Annika, anak sige na don’t be shy na. Kapitbahay natin sila starting today” sabi ni Aika pero nahihiya talaga ang bata. “Pasensya na kayo ha talagang mahiyain itong anak ko” sabi ng mommy niya.
Lumapit si Pipoy kay Aika at kinalbit si Annika, “Gusto mo laro tayo sa likod, eto o basketball. Pero maliit lang yung ring kasi maliit pa daw ako sabi ni daddy. Gusto mo turuan kita maglaro?” sabi ni Pipoy at lumapit sa kanya si Annika at napatingin sa mommy niya. “Sige anak go play with Pipoy” sabi ni Aika at inabot ni Annika ang manika niya kay Pipoy at kinuha naman niya ang bola. Napangiti ang batang babae sabay nagdribble gamit dalawang kamay. “Halika na doon tayo sa likod” sabi ni Pipoy at sumunod sa kanya si Annika.
“Popoy” sabi ni Annika at napakamot si Pipoy. “Pipoy hindi Popoy” sagot ni Pipoy at tumawa si Annika. “Pipoy” sabi ng batang babae at tumawa si Pipoy, “Tama, halika na Annika” sabi ng batang lalake at tumakbo sila papunta sa likod ng bahay.
Halos maluha si Aika sa nakita niya, “Sorry, ngayon ko lang nakitang ganyan anak ko, she is so shy and does not easily trust anyone pero…yeah I think we are going to be alright here” sabi nya. “Ay don’t worry Pipoy is a friendly boy at wala kayo dapat ikatakot kasi peaceful naman dito sa lugar na ito” sabi ni Pepito.
Nakarinig sila ng malakas na sigaw ni Annika, nagpanic si Aika at agad napatakbo papunta sa likod ng bahay ng mag asawa. Napatakbo narin sina Pepito at Eunice, pagdating nila sa likod ng kanilang bahay napangiti yung tatlo pagkat si Annika yakap ang bola at tumatakbo. Si Pipoy naman nakagwardya sa kanya, sigaw ng sigaw yung batang babae habang ang batang lalake inuudyok siya magshoot.
“Sige na shoot mo na” sabi ni Pipoy. “Wait wait layo ka muna kasi” sagot ni Annika sabay tawa. Umatras ang batang lalake, dahan dahan humarap si Annika at initsa ang bola sa maliit na ring. Hindi nashoot ang bola at nakuha ni Pipoy ang bola, sumigaw ulit si Annika at hinabol ang batang lalake. Magaling magdribble si Pipoy, hindi maagaw ni Annika ang bola kaya tumayo siya at nagsimangot. Ang batang lalake binagalan ang pagdribble, biglang napangiti ang batang babae at inagaw ang bola sabay takbo.
Sigaw ulit siya ng sigaw, initsa ang bola at pumasok ito sa ring. Takbo ang batang babae sa nanay niya at tawa ng tawa. “Mommy mommy did you see? Nashoot mommy did you see?!” sigaw ng bata. Si Aika tumulo na ang luha, ngayon niya lang nakitang ganito kasaya ang kanyang anak. “Yes anak sige go and play pa” sagot ng babae at ang anak niya hinabol ulit si Pipoy at inagaw ang bola.
Nagpunas ng luha si Aika, inakbayan siya ni Eunice sabay hinimas ang likod. “Kay tagal ko nang pinangarap makita anak kong masayang masaya. Its hard being a single mom, kay hirap ng pinagdaanan namin and I really thought I was a bad mom to my child because I never saw her happy. Now she is…sorry di ko mapigilan mapaluha” bulong ni Eunice. “Hush dear, everything will be alright” sabi niya.
Naging close ang dalawang pamilya lalo na si Annika at Pipoy. Si Aika ay hard woking kaya laging wala sa. Ang kanyang anak lagi sa bahay nina Eunice at umuuwi lang tuwing hapon pag dumating na ang kanyang nanay. After six months napromote si Aika at kinakailangan niyang magtrabaho abroad. Malaking opportunity ito para sa kanya, magiging ten times ang sahod niya pero mawawalay siya sa kanyang anak. Isa pang malaking problema ay wala silang kamag anak na pwede niya pag iwanan kay Annika.
Isang gabi sa bahay nina Pipoy, naghugas ng pinggan si Pepito after dinner habang si Aika at Eunice nag aayos ng extra room. “Eunice sigurado bang okay lang makitira dito si Annika?” tanong ni Aika. “Oo naman, alam mo we planned on having another child sana, gusto ko din girl. We have been trying after Pipoy pero minamalas ata kami. Itong room sana for our baby girl kung meron pero wala naman so dito na si Annika” sabi ni Eunice. “Sayang din kasi yung pera, if I can just work for a few years and save para sa future ni Annika. Then kahit mag business nalang ako after that, are you sure okay lang?” sabi ni Aika.
“Ano ka ba? Oo naman, we will take care of Annika. At magbabakasyon ka naman every year e. Don’t worry Aika we will treat Annika as if she was our own child. You don’t have to worry about anything and remember ginagawa mo yan para sa kanya. Kailangan talaga ng sakripisyo minsan and I know itong klaseng sakripisyo ang pinakamahirap sa lahat kasi mawawalay ka sa anak mo” sabi ni Eunice at namuo na ang mga luha sa mata ni Aika.
“Sayang din naman kasi yung kikitain ko don e, I know we are doing okay with my current job pero with my promotion assured na ang future ni Annika. I can pay you or send you money for food and of course allowances” sabi ni Aika. “Ay naku wag na, ipunin mo nalang yang pera niyo. We are doing fine and masaya kami at may kalaro si Pipoy. Don’t worry about your house at kami na bahala diyan” sabi Eunice. “Grabe naman sobrang nakakahiya na. Let me naman send you money” pilit ni Aika. “If you do ipapasok ko lang yon sa account ni Annika” sagot ng kaibigan niya.
Biglang pumasok si Annika sa kwarto dala dala ang kanyang toy dool at tinignan ang mommy nya. “Anak napag usapan na natin ito diba, sabi ni Tita Eunice this will be your room while wala ako. Pero every week titira din kayo sa house natin at may room din don si Pipoy don” sabi ni Aika. “Ayaw ko dito” sabi ni Annika at nagulat si Aika. “Bakit Annika? Ayaw mo ba yung color ng room? Pwede natin palitan” sabi ni Eunice.
“Ayaw ko dito. Gusto ko don sa room ni Popoy” sabi ng bata at nagtawanan ang dalawang matanda. “Okay din naman malaki room ni Pipoy e, we can put another bed doon” sabi ni Eunice. “Grabe nakakahiya na talaga ito” bulong ni Aika sabay tinignan ang anak niyang nagpapacute at sinasayad ang manika sa sahig. “Annika bakit hindi mo mabitawan yang toy doll mo?” tanong ni Eunice. Niyakap ng bata ang kanyang manika at ngumiti lang.
“That doll is the same age as her, that was my first gift to her nung baby siya. Eversince hindi na niya mabitawan yan kahit saan siya magpunta dala niya” bulong ni Aika. “Four years? Paranag ang linis parin” sabi ni Eunice. “Diyos ko antayin mo pa matulog bago mo labhan, magdasal ka na matuyo bago siya magising kung hindi talagang iiyak yan pag nagising na wala yang doll niya” kwento ni Aika at natawa silang dalawa. “O sige I will keep that in mind. I hope Pipoy can distract her pag di natuyo” sabi ni Eunice at lalong nagtawanan yung dalawa.
Nakaakyat si Pepito, pinalipat na nila yung isang kama sa kwarto ni Pipoy. Sa loob ng kwarto ng batang lalake maingat sila gumalaw pagkat mahimbing ang tulog ni Pipoy sa kamay niya. Si Annika nasa isang tabi, dinudungaw ang kanyang kaibigang lalake. “Popoy!!!” sigaw niya bigla sabay tawa. Nagising ang batang lalake at napakamot sa mga mata.
“Pipoy makikikwarto si Annika dito is that okay?” tanong ni Eunice sa anak niya. Bumangon si Pipoy at tinignan si Annika, “Okay lang” sagot niya at muling nahiga. Inayos ni Pepito ang kamang isa pero umakyat si Annika sa kama ni Pipoy dala ang kanyang manika. “Urong ka…tabi tayo” sabi ni Annika sabay hampas ng manika sa kaibigan niya. “Dun ka sa may wall baka mahulog ka dito e” sabi ni Pipoy kaya sumiksik si Annika sa dulo. Kinumutan ni Pipoy si Annika, ang batang babae yakap yakap ang kanyang manika.
Nakaside view si Pipoy, si Annika side view din at nakaharap sa likod ng batang lalake. Bumangon ang batang babae sabay hinagis ang manika sa sahig. Muli siyang nahiga at niyakap ang kaibigang lalake. “Night Popoy” bigkas niya. “Good night Annika” sagot naman ng batang lalake.
Napangiti ang mga magulang nila at nagpasya nang lumabas ng kwarto, pinatay nila ang ilaw at biglang sumigaw si Annika. “Wag patay ilaw!” sigaw niya. “Wag kang matakot nandito naman ako e” sabi ni Pipoy. “Sige” sagot ng batang babae at sinara na ng magulang nila ang pinto.
“Now I know she will be okay” bulong ni Aika sabay niyakap ang manika ng kanyang anak. “Take that with you” sabi ni Eunice. “She might look for it” sabi ni Aika. “Don’t worry Pipoy will find a way to cheer her up” sabi ni Pepito. Napayakap ng mahigpit si Aika sa manika at muling tumulo ang luha niya. “Pipoy please take care of my baby girl” bulong niya.
Friday, September 17, 2010
Possible next e-book projects
Possible next e-book projects
Neybor: 30 Chapters 300 plus pages (Preview posted)
Bespren Book 1 (Annika and Pipoy Complete Story): 30 chapters 300 plus pages
Bespren Book 2: (Annika and Pipoy in College): 30 chapters 300 plus pages
Bespren: Jepoy and Ysa : 30 chapters 300 plus pages
Bespren: Mico and Pauline : 30 chapters 300 plus pages
Bertwal 2 : 30 chapters 300 plus pages
SAMK: Bagong Panaginip : 35 chapters 400 plus pages
MPeX (Siga at Maganda):50 chapters 500 plus pages (complete MP story na to)
Neybor Preview
Prologue
Nakahawak ng mahigpit ang binata sa manubela, binagalan niya ang kanyang patakbo ng kotse at masayang binasa ang malaking arko sa daan. “Welcome to Baguio” bigkas niya, huminga siya ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Isang malakas na busina galing sa kotseng sumusunod sa kanya, hindi niya ito pinansin ngunit paulit ulit ang ingay.
Nilabas ng binata ang kanyang kamay sa binata sabay sumenyas, “Lumipad ka kung gusto mo!!” sigaw niya sabay tawa. Nag overtake ang kotseng nasa likuran niya at tumabi sa kanya, bago pa masigawan inunahan na ng binata ang driver ng kabilang kotse. “Patawad po bagong salta lang po ako dito. Sorry po nagagandahan lang ako sa lugar. Sorry sa abala” sigaw niya. Ang lalakeng driver ng kabilang kotse nabura ang galit sa mukha at napangiti. “Enjoy your stay nalang pare!” sumbat niya sabay bumarurot na nauna.
Nakahinga ng maluwag ang binata, ilang minuto pa ay tumigil siya sa isang gasolinahan at bumili ng local newspaper. Agad niya tinignan ang advertisements at naghanap ng house for sale. Walang alam ang binata tungkol sa siyuadad na ito kaya nagtungo siya sa counter at nagtanong. “Excuse me miss, sa tingin mo magandang lugar ba itong Irisan?” tanong niya. “Ah sir malayo po yan from the City” sagot ng dalaga.
Napakamot ang binata at nagturo ulit ng isang address, “Eto kaya miss maganda kaya sa lugar na ito?” tanong niya. “Naghahanap ba kayo ng bahay na tutuluyan pansamantala o permanent. Kasi po pag bakasyon lang madaming magagandang inn at motel close to the city” sabi ng dalaga. “Ah permanent, dito na ako sa Baguio titira sana pero gusto sana yung magandang lugar. Tahimik, walang gulo, pero siyempre maganda parin ang tanawin. Kahit malayo sa city ayos lang basta magandang lugar” paliwanag ng binata.
“Ah okay, sir piliin niyo nalang yung mga rich sounding places sigurado ko maganda don” sabi ng cashier at natawa ang binata. “Richville?” tanong niya at natawa ang dalaga sabay tinignan ang diyaryo. “Actually sir meron talagang Richville dito, ayan o” turo ng dalaga at lalong natawa ang binata. “Bisitahin niyo nalang po lahat para makapili kayo, cross out ko nalang po mga lugar na di maganda” sabi ng dalaga sabay kumuha ng ballpen at ang dami niyang inekisan.
“Grabe naman, ano ba yung mga lugar na yan pugad ng mga kriminal?” tanong ng binata at natawa yung dalaga. “Grabe ka naman sir, peaceful naman po dito sa Baguio. Ang mga lugar na inekisan ko kasi heavily populated at close sila sa mga universities kaya for sure ayaw niyo doon” paliwanag ng dalaga. Tinignan ng binata ang diyaryo at napakamot, “So itong mga natira ano ang pinakamalapit?” tanong niya. Tinuro ng dalaga ang isang address, “Eto sir diyan lang po sa malapit yan, siguro five minutes drive” sabi ng dalaga.
Doon sa lugar na yon nagtungo ang binata, lalong lumaki ang ngiti sa mukha niya pagkat ang lugar na yon kokonti talaga ang bahay, magkakalayo pa ang agwat sabay napakadaming puno sa paligid. Dahil hindi kabisado ang lugar nagtanong ang binata at pinaturo kung saan yung for sale na bahay na nakalagay sa diyaryo.
Limang minuto pa nakarating siya sa isang liblib na lugar, mataas ito, malawak ang lupain at dalawang malaking bahay lang ang nandon. Nakita ng binata ang “For Sale” sign sa tapat nung isang bahay kaya agad niya pinarada ang kotse niya. Tumayo siya sa harapan ng bahay at pinagmasdan ito maigi.
Two storey ang bahay na may terrace pa second floor, wala na siya masyado makita pagkat may malaking itim na gate sa harapan. Nakarinig siya ng pagbukas ng gate, sa katabing bahay ito pero di niya pinansin at tinitigan parin ang binebentang bahay. “Hello, are you looking for a house?” tanong ng isang dalaga.
“I am looking at a house” sabi ng binata sabay himas sa kanyang baba. Natawa konti ang dalaga sabay tumabi sa binata. “Two storeys yan tapos malawak sa loob” sabi niya. “Fairy tale ba yung isa?” tanong ng binata at napatigil konti ang dalaga at napangiti. “Oo at yung isa horror” sumbat niya at bigla sila nagtawanan. Tinignan ng binata ang dalaga, napanganga ito konti pagkat ang ganda niya. “I like it here already” biro niya at nginitian siya ng dalaga.
“Are you going to buy a house?” tanong ng dalaga. “Well kung hindi ibibigay sa akin ng libre I have no choice but to buy it” sagot ng binata at muli nagtawanan yung dalawa. “That house is nice” sabi ng dalaga. “Yes because the girl next door is very pretty” sagot ng binata at biglang nagblush ang dalaga sabay bangga sa binata. “A house is an investment, kailangan mo siya piliin mabuti. Look here looke here” sabi ng dalaga sabay binuklat ang isang folder.
“Log cabin house siya made of top quality lumber kaya kahit maginaw dito sa Baguio its cozy inside” paliwanag niya. “Ay kaya nga ako pumunta dito sa Baguio para maramdaman ko yung ginaw e” banat ng binata. “E di sa labas ka ng bahay matulog” sumbat ng dalaga sabay pacute. Natawa ang binata at napakamot, “Look look…tapos may fireplace din siya then a big kitchen, it has four rooms. One sa first floor, tapos tatlo sa second floor. The master’s bedroom has its own bathroom, bale may tatlong bathroom lahat kasi isa pa sa second floor tapos isa pa sa baba” sabi ng dalaga.
“Wala sa labas? E pano na ako iihi at jejebs pag sa labas ako matutulog?” biro ng binata. “Ayan o ang daming puno, labas ka ng gate mamili ka nalang” sumbat ng dalaga. Nagpigil ng tawa ang binata, nabara nanaman siya. “Parang ayaw ko na bilhin to ah” sabi niya at napasimangot ang dalaga. “Nagbibiro lang naman ako e, sige na bilhin mo na yan” lambing ng dalaga.
Tinitigan ng binata ang bahay sabay huminga ng malalim, “Bakit parang desperate kang ibenta ito?” tanong niya. “Kasi if ever ito yung unang house na mabebenta ko tapos magkakaroon ako ng commission from my dad. Daddy ko kasi nag build niyan e” sabi ng dalaga. “Ah I see, pero parang may kulang kasi e. Parang di ko masyado makita kagandahan ng bahay na ito” sabi ng binata.
“Kasi po masyado kayo malapit sa gate…come step backwards” sabi ng dalaga sabay hila sa binata at sabay sila umatras. Napangiti ang binata at natanaw na ang buong ganda ng bahay. “Maganda…” bigkas niya. “See told you” sabi ng dalaga. “Ka…” pahabol ng binata. “ano?” tanong ng dalaga at tumawa nalang yung binata sabay kamot sa ulo.
“Come here o, may bench dito. Pinagawa talaga ni daddy. Come sit para di ka mapagod sa pagtitig sa house” alok ng dalaga at naupo sila sa isang wooden bench na may shade. “How much is it?” tanong ng binata. “Well…it depends if you will make tawad pa” lambing ng dalaga. Natawa ang binata at huminga ng malalim, “Magkano ba talaga…with patong…so don’t tell me how much the patong” sabi ng binata.
“Kasi naman si daddy gumagawa, tapos si mommy yung business talk. Magaling siya magbenta. E may gusto ako bilhin kaya sabi ko can I try to sell this house para di na ako mag ask sa kanila ng money” daldal ng dalaga. “Magkano nga?” hirit ng binata. “Ten” sagot ng dalaga. “Great! I have twenty, so can I buy two?” banat ng binata sabay naglabas ng bente pesos. “Ten million” sabi ng dalaga sabay simangot.
“Yen?” hirit ng binata. “Pesos!” pagalit na sumbat ng dalaga at natawa ang binata. “Alam mo dapat malawak ang pasensya mo pag nagbebenta ka ng ganito. Wag ka agad magagalit” paliwanag ng binata. “Hindi naman ako galit, look im even smiling, ten million! Pesos!” sigaw ng dalaga sabay ngiti. “Okay, kasama ba itong bench?” tanong ng binata.
“Sure, gusto mo ito nalang kama mo sa master’s bedroom? Pwede naman natin ipapasok ito” banat ng dalaga. “Ayos, pero alam mo parang di maganda yung kulay” sabi ng binata. “Okay lang pwede mo naman palitan paint after, sagot ko na yung watercolor na magagamit mo” lambing ng dalaga at muling nagtawanan yung dalawa. “Sa tingin mo makakabenta ka pag ganyan ka” banat ng binata at nagpacute ang dalaga. “Oo kasi magsosorry din lang naman ako after e” lambing niya.
Pinagmasdan ulit ng binata ang bahay sabay ngumiti, “Okay ten million it is. So how will we do the transaction?” sabi niya at sobrang natuwa ang dalaga at napakapit sa braso ng binata. “Talaga bibilhin mo siya? As in youre going to buy it?” tanong niya at inuga uga ang binata. “Aray! Nanakakit ka na” sabi niya. “Ay, sorry. Gusto mo tawag na ako ng medic or rescue team?” lambing ng dalaga at muli sila nagtawanan.
“Seriously I am going to buy this house” bigkas ng binata. “Hmmm okay can you come back tomorrow kasi wala sina mom and dad. Sila mag aayos ng paper work and stuff pero sa akin mo ibibigay yung money” sabi ng dalaga. “How would you like to get paid?” hirit ng binata. “Hmmm mas maganda pag coins lahat, kahit tig pipiso nalang” banat ng dalaga.
Nagpigil ng tawa ang binata sabay ngisi, “Sure I can do that” sabi niya. “Would you like to go inside?” alok ng dalaga at naglakad ang binata patungo sa kabilang bahay. “Tara” game na game niyang binigkas. “Not in our house, dito o” sabi ng dalaga. “Ay dito ba? Hindi na. Akala ko naman pagmemeryendahin mo ako kasi pagod ako sa biyahe. I just came from Manila” sabi ng binata. “If youre really going to buy the house treat nalang kita to lunch pagkatapos mo magbayad” sabi ng dalaga at muli sila nagtawanan.
“Parang ako na din lang nag treat ng lunch” sabi ng binata. “Not really kasi once you pay di mo na pera yon. Akin na yon so its my treat” paliwanag ng dalaga. “Ganon parin yon, pinahaba mo lang e” bigkas ng binata. “Please come back tomorrow ha” sabi ng dalaga. “Can I take a picture?” tanong ng binata. “Oh sure sige lang no, go ahead take as many as you want” sagot ng dalaga.
“Not the house, you” sabi ng binata. “Me? Why me?” tanong ng dalaga. “Kasi when I buy that house its empty. So if I have your picture, I can have it printed and framed para naman kahit papano may maganda akong display kahit wala pa ako gamit” paliwanag ng binata. Muling namula ang mga pisngi ng dalaga at ngumiti. “Game” bigkas niya. Nilabas ng binata ang phone niya at agad kumuha ng picture. “Thanks ha” sabi niya.
“Can I take your picture too?” lambing ng dalaga sabay nilabas din phone niya. “Bakit pa?” tanong ng binata. “So I know who to make pakulam if ever you don’t return, smile” paliwanag ng dalaga sabay kuha ng picture. “Ay oo pala I will need also one strand ng hair mo” sabi ng dalaga sabay bumunot ng buhok ng binata. Nagtawanan sila saglit at sabay pinagmasdan ang bahay.
“Some say its difficult choosing the right house to buy pero ang dali lang pala” bigkas ng binata. “Anyway my wife and kids will love this house for sure” hirit niya at napansin niya na nabura ang ngiti sa mukha ng dalaga at napalitan ng munting simangot. “Sige balik nalang ako bukas” sabi niya sabay nagtungo sa kotse at pumasok. Nakatayo lang ang dalaga sa tapat ng bahay, dumaan ang kotse sa harapan niya. “How many kids do you have?” tanong ng dalaga. “None yet” sagot ng binata. “Ah gagawa palang kayo ng wife mo” sabi ng dalaga. “If I find the right girl to marry” sagot ng binata.
Napakamot ang dalaga at nahilo konti, “But you said your kids and wife will love this house?” tanong niya. “I was speaking future wise, sa kasalukuyan ako palang titira diyan” sagot ng binata at nanumbalik ang ngiti sa mukha ng dalaga. “Hey…we didn’t exchance names” bigkas ng dalaga. “We can do it tomorrow, for now you can start calling me…”
“Neybor”
Wednesday, September 8, 2010
Salamangka E-book
2 gabi na lang at matatapos ko na yung story.. 2 gabi na lang din at makakapagumpisa na uli ako sa mga thesis at projects ko sa skul..
Ang galing nung story ang hirap tumigil sa pagbabasa.. Kung hindi pa maglowbat yung psp ko(dun ko binabasa wala ako pc) ndi ko pa titigilan yung kwento..
So far 2 thumbs up
Tuesday, September 7, 2010
SALAMANGKA E-BOOK RELEASED!!!
Monday, September 6, 2010
Salamangka Purchase list
Good day,
These are the following people who have indicated their interest on purchasing the Salamangka e-book. I have cleaned the group so only those who will be availing the ebook will be the members in order for them to receive the updates needed.
If you do not find your name here please send me a message and join the group.
For those who just joined the group a while ago i will give you one day to indicate your interest or else i will have to remove you. Its easier making the personalization using the members' list rather thank scrolling through the thread that is why i had to clean the group.
Cesar MT
Ramil B
Jay R S
Kristopher NT
Dhong R
Jojo S. L
Vincent Roy G
Nivla S
Ronald ARR
Gil M
Leirenuj Z
Rey B
Justine JdP
OCE III
Jeffrey CG
Hannel MD
Catherine G
Bryan M
Archie DCM
Jam-pong P
Arnold B
Alvin O
Ramson A
Julius JM
Peter P
Robert D
Jonathan S
Eczztah S
Cherry T
Rene S
Kai S
Cezar TG
Benjie S
Adrian C
Glenne B
Eric B
Lei Anne V
Jake C
Reynaldo SS
Arvin A
John AR
Jey L
John C
Nico LY
Marston P
Jam C
Jefferson M
Roderick A
Tutoy M
Charles FMC
Domz S
Brandon N
Esmar CF
Maria CTO
Feyrrie JT
Jp Dumaran
Romnick CC
Fortunato T
Jhuls BS
Richard DS
Brehn G
Lester C
Edgar O
Erwin W
Abel R
Those who wish to avail of the ebook