sk6

Saturday, September 18, 2010

The Real Bespren Story

Bespren

By Jonathan Paul Diaz


Prologue

Sa isang private residential area sa Maynila may isang kotse ang tumigil sa tapat ng isang bahay. Lumabas ang isang babae, napatingin sa langit at napangiti. Pinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaan ang maaliwalas na sinag ng araw na tumama sa kanyang mukha. “A new beginning” bulong niya. Lumapit siya sa tapat ng bahay sabay tinanggal ang karatula na may tatak na “SOLD”

Nagbukas ang pinto ng kapitbahay at may lumabas na mag asawa, agad nila nilapitan ang bagong lipat. “Hello, good morning miss beautiful!” sabi ng lalake at bigla siyang siniko ng asawa niya. “Pepito! Miss pasensyahan mo na tong asawa ko may pagkapilyo e, ako pala si Eunice at eto naman ang asawa kong si Pepito. Ikaw ba yung nakabili nitong bahay?” sabi ni Eunice at napangiti yung babae at niyakap yung karatula. “Oo, ako pala si Aika and my daughter is inside the car sleeping” sagot ng babae.

May isang cargo van na dumating at pumarada sa likod ng kotse ng bagong salta, kumaway si Aika at tinuro ang kanyang bagong bahay. “Wow may kapitbahay narin kami sa wakas, so nasan yung asawa mo?” tanong ni Eunice at napasimangot si Aika. “Its just the two of us” sagot niya. “Oh sorry ha” sabi ni Eunice at ngumiti lang si Aika. Biglang nagbukas ang pinto ng kotse at may batang babae ang lumabas. Halatang bagong gising, hawak hawak niya ang laruan na manika, pinagmasdan saglit sina Pepito at asawa at agad ito tumakbo sa kanyang mommy. Nagtago yung bata sa likod ng mga paa ni Aika at pasilip silip ito sa mag asawa. “Ay ang cute naman niya, at kamukhang kamukha mo” sabi ni Eunice.


“Annika, say hello to our neighbors anak” sabi ni Aika pero kumapit ang bata sa mga paa ng nanay niya at nagtago. “Teka may anak din kami tawagin ko lang kasi naglalaro siya sa likod” sabi ni Pepito at agad siya umalis.


“Eunice okay ba dito sa lugar na ito, parang nakakatakot kasi ang lalayo ng agwat ng mga bahay” sabi ni Aika. “Oh safe dito, four years na kami dito and so far walang problema” sagot ni Eunice. Ilang sandali pa at bumalik na si Pepito kasama ang kanilang anak na lalake na hawak na bola. “Wow, magkamukha din pala sila” sabi ni Aika at tumawa si Eunice. “How old is he?” tanong ni Aika. “Four years old” sabi ni Eunice at nagulat si Aika. “Four years old? Matangkad siya ha, four years old din itong si Annika e” sabi ni Aika.


“Eto ang anak namin si Pipoy” sabi ni Pepito at sumilip si Annika at nginitian siya ng batang lalake. Ngumiti din si Annika pero muling nagtago sa likod ng mommy niya. “Pipoy meet Annika, anak sige na don’t be shy na. Kapitbahay natin sila starting today” sabi ni Aika pero nahihiya talaga ang bata. “Pasensya na kayo ha talagang mahiyain itong anak ko” sabi ng mommy niya.


Lumapit si Pipoy kay Aika at kinalbit si Annika, “Gusto mo laro tayo sa likod, eto o basketball. Pero maliit lang yung ring kasi maliit pa daw ako sabi ni daddy. Gusto mo turuan kita maglaro?” sabi ni Pipoy at lumapit sa kanya si Annika at napatingin sa mommy niya. “Sige anak go play with Pipoy” sabi ni Aika at inabot ni Annika ang manika niya kay Pipoy at kinuha naman niya ang bola. Napangiti ang batang babae sabay nagdribble gamit dalawang kamay. “Halika na doon tayo sa likod” sabi ni Pipoy at sumunod sa kanya si Annika.


“Popoy” sabi ni Annika at napakamot si Pipoy. “Pipoy hindi Popoy” sagot ni Pipoy at tumawa si Annika. “Pipoy” sabi ng batang babae at tumawa si Pipoy, “Tama, halika na Annika” sabi ng batang lalake at tumakbo sila papunta sa likod ng bahay.


Halos maluha si Aika sa nakita niya, “Sorry, ngayon ko lang nakitang ganyan anak ko, she is so shy and does not easily trust anyone pero…yeah I think we are going to be alright here” sabi nya. “Ay don’t worry Pipoy is a friendly boy at wala kayo dapat ikatakot kasi peaceful naman dito sa lugar na ito” sabi ni Pepito.

Nakarinig sila ng malakas na sigaw ni Annika, nagpanic si Aika at agad napatakbo papunta sa likod ng bahay ng mag asawa. Napatakbo narin sina Pepito at Eunice, pagdating nila sa likod ng kanilang bahay napangiti yung tatlo pagkat si Annika yakap ang bola at tumatakbo. Si Pipoy naman nakagwardya sa kanya, sigaw ng sigaw yung batang babae habang ang batang lalake inuudyok siya magshoot.

“Sige na shoot mo na” sabi ni Pipoy. “Wait wait layo ka muna kasi” sagot ni Annika sabay tawa. Umatras ang batang lalake, dahan dahan humarap si Annika at initsa ang bola sa maliit na ring. Hindi nashoot ang bola at nakuha ni Pipoy ang bola, sumigaw ulit si Annika at hinabol ang batang lalake. Magaling magdribble si Pipoy, hindi maagaw ni Annika ang bola kaya tumayo siya at nagsimangot. Ang batang lalake binagalan ang pagdribble, biglang napangiti ang batang babae at inagaw ang bola sabay takbo.

Sigaw ulit siya ng sigaw, initsa ang bola at pumasok ito sa ring. Takbo ang batang babae sa nanay niya at tawa ng tawa. “Mommy mommy did you see? Nashoot mommy did you see?!” sigaw ng bata. Si Aika tumulo na ang luha, ngayon niya lang nakitang ganito kasaya ang kanyang anak. “Yes anak sige go and play pa” sagot ng babae at ang anak niya hinabol ulit si Pipoy at inagaw ang bola.

Nagpunas ng luha si Aika, inakbayan siya ni Eunice sabay hinimas ang likod. “Kay tagal ko nang pinangarap makita anak kong masayang masaya. Its hard being a single mom, kay hirap ng pinagdaanan namin and I really thought I was a bad mom to my child because I never saw her happy. Now she is…sorry di ko mapigilan mapaluha” bulong ni Eunice. “Hush dear, everything will be alright” sabi niya.

Naging close ang dalawang pamilya lalo na si Annika at Pipoy. Si Aika ay hard woking kaya laging wala sa. Ang kanyang anak lagi sa bahay nina Eunice at umuuwi lang tuwing hapon pag dumating na ang kanyang nanay. After six months napromote si Aika at kinakailangan niyang magtrabaho abroad. Malaking opportunity ito para sa kanya, magiging ten times ang sahod niya pero mawawalay siya sa kanyang anak. Isa pang malaking problema ay wala silang kamag anak na pwede niya pag iwanan kay Annika.

Isang gabi sa bahay nina Pipoy, naghugas ng pinggan si Pepito after dinner habang si Aika at Eunice nag aayos ng extra room. “Eunice sigurado bang okay lang makitira dito si Annika?” tanong ni Aika. “Oo naman, alam mo we planned on having another child sana, gusto ko din girl. We have been trying after Pipoy pero minamalas ata kami. Itong room sana for our baby girl kung meron pero wala naman so dito na si Annika” sabi ni Eunice. “Sayang din kasi yung pera, if I can just work for a few years and save para sa future ni Annika. Then kahit mag business nalang ako after that, are you sure okay lang?” sabi ni Aika.

“Ano ka ba? Oo naman, we will take care of Annika. At magbabakasyon ka naman every year e. Don’t worry Aika we will treat Annika as if she was our own child. You don’t have to worry about anything and remember ginagawa mo yan para sa kanya. Kailangan talaga ng sakripisyo minsan and I know itong klaseng sakripisyo ang pinakamahirap sa lahat kasi mawawalay ka sa anak mo” sabi ni Eunice at namuo na ang mga luha sa mata ni Aika.

“Sayang din naman kasi yung kikitain ko don e, I know we are doing okay with my current job pero with my promotion assured na ang future ni Annika. I can pay you or send you money for food and of course allowances” sabi ni Aika. “Ay naku wag na, ipunin mo nalang yang pera niyo. We are doing fine and masaya kami at may kalaro si Pipoy. Don’t worry about your house at kami na bahala diyan” sabi Eunice. “Grabe naman sobrang nakakahiya na. Let me naman send you money” pilit ni Aika. “If you do ipapasok ko lang yon sa account ni Annika” sagot ng kaibigan niya.

Biglang pumasok si Annika sa kwarto dala dala ang kanyang toy dool at tinignan ang mommy nya. “Anak napag usapan na natin ito diba, sabi ni Tita Eunice this will be your room while wala ako. Pero every week titira din kayo sa house natin at may room din don si Pipoy don” sabi ni Aika. “Ayaw ko dito” sabi ni Annika at nagulat si Aika. “Bakit Annika? Ayaw mo ba yung color ng room? Pwede natin palitan” sabi ni Eunice.

“Ayaw ko dito. Gusto ko don sa room ni Popoy” sabi ng bata at nagtawanan ang dalawang matanda. “Okay din naman malaki room ni Pipoy e, we can put another bed doon” sabi ni Eunice. “Grabe nakakahiya na talaga ito” bulong ni Aika sabay tinignan ang anak niyang nagpapacute at sinasayad ang manika sa sahig. “Annika bakit hindi mo mabitawan yang toy doll mo?” tanong ni Eunice. Niyakap ng bata ang kanyang manika at ngumiti lang.

“That doll is the same age as her, that was my first gift to her nung baby siya. Eversince hindi na niya mabitawan yan kahit saan siya magpunta dala niya” bulong ni Aika. “Four years? Paranag ang linis parin” sabi ni Eunice. “Diyos ko antayin mo pa matulog bago mo labhan, magdasal ka na matuyo bago siya magising kung hindi talagang iiyak yan pag nagising na wala yang doll niya” kwento ni Aika at natawa silang dalawa. “O sige I will keep that in mind. I hope Pipoy can distract her pag di natuyo” sabi ni Eunice at lalong nagtawanan yung dalawa.

Nakaakyat si Pepito, pinalipat na nila yung isang kama sa kwarto ni Pipoy. Sa loob ng kwarto ng batang lalake maingat sila gumalaw pagkat mahimbing ang tulog ni Pipoy sa kamay niya. Si Annika nasa isang tabi, dinudungaw ang kanyang kaibigang lalake. “Popoy!!!” sigaw niya bigla sabay tawa. Nagising ang batang lalake at napakamot sa mga mata.

“Pipoy makikikwarto si Annika dito is that okay?” tanong ni Eunice sa anak niya. Bumangon si Pipoy at tinignan si Annika, “Okay lang” sagot niya at muling nahiga. Inayos ni Pepito ang kamang isa pero umakyat si Annika sa kama ni Pipoy dala ang kanyang manika. “Urong ka…tabi tayo” sabi ni Annika sabay hampas ng manika sa kaibigan niya. “Dun ka sa may wall baka mahulog ka dito e” sabi ni Pipoy kaya sumiksik si Annika sa dulo. Kinumutan ni Pipoy si Annika, ang batang babae yakap yakap ang kanyang manika.

Nakaside view si Pipoy, si Annika side view din at nakaharap sa likod ng batang lalake. Bumangon ang batang babae sabay hinagis ang manika sa sahig. Muli siyang nahiga at niyakap ang kaibigang lalake. “Night Popoy” bigkas niya. “Good night Annika” sagot naman ng batang lalake.

Napangiti ang mga magulang nila at nagpasya nang lumabas ng kwarto, pinatay nila ang ilaw at biglang sumigaw si Annika. “Wag patay ilaw!” sigaw niya. “Wag kang matakot nandito naman ako e” sabi ni Pipoy. “Sige” sagot ng batang babae at sinara na ng magulang nila ang pinto.


“Now I know she will be okay” bulong ni Aika sabay niyakap ang manika ng kanyang anak. “Take that with you” sabi ni Eunice. “She might look for it” sabi ni Aika. “Don’t worry Pipoy will find a way to cheer her up” sabi ni Pepito. Napayakap ng mahigpit si Aika sa manika at muling tumulo ang luha niya. “Pipoy please take care of my baby girl” bulong niya.


- I encoded this prologue to prove that the one posted here on my blog and being reposted at so many sites is just a scrap copy.


Compare and see for yourself.

The blog copy was rushly done, its quite evident.

The Complete Bespren story has 30 chapters with 300 plus pages. The blog showcase copy and pirated copy only has 15 chapters with 120 pages.

Bespren 2 has 30 chapters and 300 plus pages too.

I read a post from a site that has been repeatedly posting my stories, yes the same site again, one comment said that it was the complete story already at imposible na may true version pa e mukhang kumpleto naman na daw

BWAHAHAHAHAHAHAHHAAHAHAHA!!!!

O ayan dedicated to you and to your soon non existent site