sk6

Friday, September 17, 2010

Neybor Preview

Neybor

Jonathan Paul Diaz


Prologue

Nakahawak ng mahigpit ang binata sa manubela, binagalan niya ang kanyang patakbo ng kotse at masayang binasa ang malaking arko sa daan. “Welcome to Baguio” bigkas niya, huminga siya ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin. Isang malakas na busina galing sa kotseng sumusunod sa kanya, hindi niya ito pinansin ngunit paulit ulit ang ingay.

Nilabas ng binata ang kanyang kamay sa binata sabay sumenyas, “Lumipad ka kung gusto mo!!” sigaw niya sabay tawa. Nag overtake ang kotseng nasa likuran niya at tumabi sa kanya, bago pa masigawan inunahan na ng binata ang driver ng kabilang kotse. “Patawad po bagong salta lang po ako dito. Sorry po nagagandahan lang ako sa lugar. Sorry sa abala” sigaw niya. Ang lalakeng driver ng kabilang kotse nabura ang galit sa mukha at napangiti. “Enjoy your stay nalang pare!” sumbat niya sabay bumarurot na nauna.

Nakahinga ng maluwag ang binata, ilang minuto pa ay tumigil siya sa isang gasolinahan at bumili ng local newspaper. Agad niya tinignan ang advertisements at naghanap ng house for sale. Walang alam ang binata tungkol sa siyuadad na ito kaya nagtungo siya sa counter at nagtanong. “Excuse me miss, sa tingin mo magandang lugar ba itong Irisan?” tanong niya. “Ah sir malayo po yan from the City” sagot ng dalaga.

Napakamot ang binata at nagturo ulit ng isang address, “Eto kaya miss maganda kaya sa lugar na ito?” tanong niya. “Naghahanap ba kayo ng bahay na tutuluyan pansamantala o permanent. Kasi po pag bakasyon lang madaming magagandang inn at motel close to the city” sabi ng dalaga. “Ah permanent, dito na ako sa Baguio titira sana pero gusto sana yung magandang lugar. Tahimik, walang gulo, pero siyempre maganda parin ang tanawin. Kahit malayo sa city ayos lang basta magandang lugar” paliwanag ng binata.

“Ah okay, sir piliin niyo nalang yung mga rich sounding places sigurado ko maganda don” sabi ng cashier at natawa ang binata. “Richville?” tanong niya at natawa ang dalaga sabay tinignan ang diyaryo. “Actually sir meron talagang Richville dito, ayan o” turo ng dalaga at lalong natawa ang binata. “Bisitahin niyo nalang po lahat para makapili kayo, cross out ko nalang po mga lugar na di maganda” sabi ng dalaga sabay kumuha ng ballpen at ang dami niyang inekisan.

“Grabe naman, ano ba yung mga lugar na yan pugad ng mga kriminal?” tanong ng binata at natawa yung dalaga. “Grabe ka naman sir, peaceful naman po dito sa Baguio. Ang mga lugar na inekisan ko kasi heavily populated at close sila sa mga universities kaya for sure ayaw niyo doon” paliwanag ng dalaga. Tinignan ng binata ang diyaryo at napakamot, “So itong mga natira ano ang pinakamalapit?” tanong niya. Tinuro ng dalaga ang isang address, “Eto sir diyan lang po sa malapit yan, siguro five minutes drive” sabi ng dalaga.

Doon sa lugar na yon nagtungo ang binata, lalong lumaki ang ngiti sa mukha niya pagkat ang lugar na yon kokonti talaga ang bahay, magkakalayo pa ang agwat sabay napakadaming puno sa paligid. Dahil hindi kabisado ang lugar nagtanong ang binata at pinaturo kung saan yung for sale na bahay na nakalagay sa diyaryo.

Limang minuto pa nakarating siya sa isang liblib na lugar, mataas ito, malawak ang lupain at dalawang malaking bahay lang ang nandon. Nakita ng binata ang “For Sale” sign sa tapat nung isang bahay kaya agad niya pinarada ang kotse niya. Tumayo siya sa harapan ng bahay at pinagmasdan ito maigi.

Two storey ang bahay na may terrace pa second floor, wala na siya masyado makita pagkat may malaking itim na gate sa harapan. Nakarinig siya ng pagbukas ng gate, sa katabing bahay ito pero di niya pinansin at tinitigan parin ang binebentang bahay. “Hello, are you looking for a house?” tanong ng isang dalaga.

“I am looking at a house” sabi ng binata sabay himas sa kanyang baba. Natawa konti ang dalaga sabay tumabi sa binata. “Two storeys yan tapos malawak sa loob” sabi niya. “Fairy tale ba yung isa?” tanong ng binata at napatigil konti ang dalaga at napangiti. “Oo at yung isa horror” sumbat niya at bigla sila nagtawanan. Tinignan ng binata ang dalaga, napanganga ito konti pagkat ang ganda niya. “I like it here already” biro niya at nginitian siya ng dalaga.

“Are you going to buy a house?” tanong ng dalaga. “Well kung hindi ibibigay sa akin ng libre I have no choice but to buy it” sagot ng binata at muli nagtawanan yung dalawa. “That house is nice” sabi ng dalaga. “Yes because the girl next door is very pretty” sagot ng binata at biglang nagblush ang dalaga sabay bangga sa binata. “A house is an investment, kailangan mo siya piliin mabuti. Look here looke here” sabi ng dalaga sabay binuklat ang isang folder.

“Log cabin house siya made of top quality lumber kaya kahit maginaw dito sa Baguio its cozy inside” paliwanag niya. “Ay kaya nga ako pumunta dito sa Baguio para maramdaman ko yung ginaw e” banat ng binata. “E di sa labas ka ng bahay matulog” sumbat ng dalaga sabay pacute. Natawa ang binata at napakamot, “Look look…tapos may fireplace din siya then a big kitchen, it has four rooms. One sa first floor, tapos tatlo sa second floor. The master’s bedroom has its own bathroom, bale may tatlong bathroom lahat kasi isa pa sa second floor tapos isa pa sa baba” sabi ng dalaga.

“Wala sa labas? E pano na ako iihi at jejebs pag sa labas ako matutulog?” biro ng binata. “Ayan o ang daming puno, labas ka ng gate mamili ka nalang” sumbat ng dalaga. Nagpigil ng tawa ang binata, nabara nanaman siya. “Parang ayaw ko na bilhin to ah” sabi niya at napasimangot ang dalaga. “Nagbibiro lang naman ako e, sige na bilhin mo na yan” lambing ng dalaga.

Tinitigan ng binata ang bahay sabay huminga ng malalim, “Bakit parang desperate kang ibenta ito?” tanong niya. “Kasi if ever ito yung unang house na mabebenta ko tapos magkakaroon ako ng commission from my dad. Daddy ko kasi nag build niyan e” sabi ng dalaga. “Ah I see, pero parang may kulang kasi e. Parang di ko masyado makita kagandahan ng bahay na ito” sabi ng binata.

“Kasi po masyado kayo malapit sa gate…come step backwards” sabi ng dalaga sabay hila sa binata at sabay sila umatras. Napangiti ang binata at natanaw na ang buong ganda ng bahay. “Maganda…” bigkas niya. “See told you” sabi ng dalaga. “Ka…” pahabol ng binata. “ano?” tanong ng dalaga at tumawa nalang yung binata sabay kamot sa ulo.

“Come here o, may bench dito. Pinagawa talaga ni daddy. Come sit para di ka mapagod sa pagtitig sa house” alok ng dalaga at naupo sila sa isang wooden bench na may shade. “How much is it?” tanong ng binata. “Well…it depends if you will make tawad pa” lambing ng dalaga. Natawa ang binata at huminga ng malalim, “Magkano ba talaga…with patong…so don’t tell me how much the patong” sabi ng binata.

“Kasi naman si daddy gumagawa, tapos si mommy yung business talk. Magaling siya magbenta. E may gusto ako bilhin kaya sabi ko can I try to sell this house para di na ako mag ask sa kanila ng money” daldal ng dalaga. “Magkano nga?” hirit ng binata. “Ten” sagot ng dalaga. “Great! I have twenty, so can I buy two?” banat ng binata sabay naglabas ng bente pesos. “Ten million” sabi ng dalaga sabay simangot.

“Yen?” hirit ng binata. “Pesos!” pagalit na sumbat ng dalaga at natawa ang binata. “Alam mo dapat malawak ang pasensya mo pag nagbebenta ka ng ganito. Wag ka agad magagalit” paliwanag ng binata. “Hindi naman ako galit, look im even smiling, ten million! Pesos!” sigaw ng dalaga sabay ngiti. “Okay, kasama ba itong bench?” tanong ng binata.

“Sure, gusto mo ito nalang kama mo sa master’s bedroom? Pwede naman natin ipapasok ito” banat ng dalaga. “Ayos, pero alam mo parang di maganda yung kulay” sabi ng binata. “Okay lang pwede mo naman palitan paint after, sagot ko na yung watercolor na magagamit mo” lambing ng dalaga at muling nagtawanan yung dalawa. “Sa tingin mo makakabenta ka pag ganyan ka” banat ng binata at nagpacute ang dalaga. “Oo kasi magsosorry din lang naman ako after e” lambing niya.

Pinagmasdan ulit ng binata ang bahay sabay ngumiti, “Okay ten million it is. So how will we do the transaction?” sabi niya at sobrang natuwa ang dalaga at napakapit sa braso ng binata. “Talaga bibilhin mo siya? As in youre going to buy it?” tanong niya at inuga uga ang binata. “Aray! Nanakakit ka na” sabi niya. “Ay, sorry. Gusto mo tawag na ako ng medic or rescue team?” lambing ng dalaga at muli sila nagtawanan.

“Seriously I am going to buy this house” bigkas ng binata. “Hmmm okay can you come back tomorrow kasi wala sina mom and dad. Sila mag aayos ng paper work and stuff pero sa akin mo ibibigay yung money” sabi ng dalaga. “How would you like to get paid?” hirit ng binata. “Hmmm mas maganda pag coins lahat, kahit tig pipiso nalang” banat ng dalaga.

Nagpigil ng tawa ang binata sabay ngisi, “Sure I can do that” sabi niya. “Would you like to go inside?” alok ng dalaga at naglakad ang binata patungo sa kabilang bahay. “Tara” game na game niyang binigkas. “Not in our house, dito o” sabi ng dalaga. “Ay dito ba? Hindi na. Akala ko naman pagmemeryendahin mo ako kasi pagod ako sa biyahe. I just came from Manila” sabi ng binata. “If youre really going to buy the house treat nalang kita to lunch pagkatapos mo magbayad” sabi ng dalaga at muli sila nagtawanan.

“Parang ako na din lang nag treat ng lunch” sabi ng binata. “Not really kasi once you pay di mo na pera yon. Akin na yon so its my treat” paliwanag ng dalaga. “Ganon parin yon, pinahaba mo lang e” bigkas ng binata. “Please come back tomorrow ha” sabi ng dalaga. “Can I take a picture?” tanong ng binata. “Oh sure sige lang no, go ahead take as many as you want” sagot ng dalaga.

“Not the house, you” sabi ng binata. “Me? Why me?” tanong ng dalaga. “Kasi when I buy that house its empty. So if I have your picture, I can have it printed and framed para naman kahit papano may maganda akong display kahit wala pa ako gamit” paliwanag ng binata. Muling namula ang mga pisngi ng dalaga at ngumiti. “Game” bigkas niya. Nilabas ng binata ang phone niya at agad kumuha ng picture. “Thanks ha” sabi niya.

“Can I take your picture too?” lambing ng dalaga sabay nilabas din phone niya. “Bakit pa?” tanong ng binata. “So I know who to make pakulam if ever you don’t return, smile” paliwanag ng dalaga sabay kuha ng picture. “Ay oo pala I will need also one strand ng hair mo” sabi ng dalaga sabay bumunot ng buhok ng binata. Nagtawanan sila saglit at sabay pinagmasdan ang bahay.

“Some say its difficult choosing the right house to buy pero ang dali lang pala” bigkas ng binata. “Anyway my wife and kids will love this house for sure” hirit niya at napansin niya na nabura ang ngiti sa mukha ng dalaga at napalitan ng munting simangot. “Sige balik nalang ako bukas” sabi niya sabay nagtungo sa kotse at pumasok. Nakatayo lang ang dalaga sa tapat ng bahay, dumaan ang kotse sa harapan niya. “How many kids do you have?” tanong ng dalaga. “None yet” sagot ng binata. “Ah gagawa palang kayo ng wife mo” sabi ng dalaga. “If I find the right girl to marry” sagot ng binata.

Napakamot ang dalaga at nahilo konti, “But you said your kids and wife will love this house?” tanong niya. “I was speaking future wise, sa kasalukuyan ako palang titira diyan” sagot ng binata at nanumbalik ang ngiti sa mukha ng dalaga. “Hey…we didn’t exchance names” bigkas ng dalaga. “We can do it tomorrow, for now you can start calling me…”

“Neybor”


-Just a preview of another possible story project

-Salamangka ebook still available