sk6

Tuesday, June 9, 2009

Chapter 14: Nagbabantang Delubio

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 14: Nagbabantang Delubio


Itim na mga ulap ang nakikita sa buong kaharian, pitong araw nang hindi nasisilayan ng lahat ang araw. Mga halaman tumamlay at mga hayop nagtago, nabalot ng takot ang mga mamamayan ng buong kaharian.

Sa mahiwagang gubat nagkalat ang mga santelmo upang magbantay at magbigay ilaw. Madaming nagkalat na ligaw na espiritu sa labasan ng gubat at sa loob lahat ng nilalang ay nakahanda at nag aabang pagkat ramdam nila ang paparating na delubio.

Sa tabi ng lawa nagtipon ang mga disipulo, lahat pinalibutan ang isang santelmo na nagsilbing bonfire nila. Tulog si Bashito at nakahiga ang ulo nito sa hita ni Chiara. Ang mga dwende pinagtritripan ang buhok nya at tinatalian ng maliliit na pink ribbons. “Ngoy pang ngakatungog ango wang ngyo ango nganyanging nga” sabi ni Ngyobert na lango nanaman sa alak at nagtawanan ang mga disipulo.

“Pssst” bigla nilang narinig at nagulat ang mga dwende. “Psst” sabi ulit ng boses at tumayo sa atensyon sina Darwino at Bobbyno sabay nagtago sa likod ni Louis. Nakarinig sila ng tawa sabay lumabas na galing sa likod ng puno si Anhica na ikinagulat ng lahat. Tawa ng tawa yung multo at si Nella, pero napansin ni Wookie ang reaksyon ng mga disipulo.

“Nakikita niyo siya?” tanong ng mambabarang at lalong dumidikit sa kanya ang mga disipulo. “Pare pare gamitan mo ng dolly dolly mo yung mumu” bulong ni Mhigito sa takot at natawa si Wookie. Tinulak ni Chado si Vandolphous para humarap sa multo, “Dali na gamitan mo ng powers mo” sabi ng vampira pero nagtakip ng mata ang artistahing disipulo at yumakap sa kanya. “Takot din ako ikaw nalang kaya” sagot ni Vandolphous at lalo pa tumawa sina Anhica at Nella.

“Relax, yan si Anhica, kakampi natin siya” sabi ni Wookie at nakitabi sa kanila si Nella at ang multo kaya lumayo konti ang mga disipulo. “Wookie bakit nakikita na nila ako?” tanong ni Anhica at napaisip ang mambabarang. “Di ko alam e. Baka may kaugnayan ito kay Fredatoria” sabi ni Wookie at biglang nagseryoso ang mga disipulo.

“Kaya nga kami pumunta dito dahil dyan. Nakwento ni Aneth sa akin na nararmdaman din nila ang pagbabalik ni Fredatoria. Nagtataka lang ako kung bakit nagkakatuwaan pa kayo dito imbes na nag aalala” sabi ni Nella. “At akala ko ba ang plano ay susugod tayo, ano pang ginagawa natin dito?” hirit ng dalaga.

“Nella, nagbago na ang plano mula nung naidagdag sa eksena si Fredatoria. The best way ay mag antay ng unang galaw nya. In short wala tayo magagawa kundi mag depensa” paliwanag ni Virgous. “Ano? Kokonti tayo sabi nila we need to go the the main forest para makakuha ng mga kasama, lalo lang tayo mamamatay pag ganito tayong nag aantay diba?” sabi ng dalaga. “Oo pero mahirap din ang sumugod mas malaki tsansa na mamatay tayo lahat” sumbat ni Bombayno.

“Pitong araw na wala gumagalaw sa atin dito, open na open tayo pagkat nagpapahinga pa ang mga spellcaster. Bumibigay na ang lupain ng kaharian, kailangan na ako sa palasyo para bumalik ang sigla ang kaharian. Nakalaban niyo na siya noon, napatay niyo pa, o bakit parang takot na takot kayo?” sermon ni Nella at tahimik lang ang mga disipulo.

“You all did it before, I know kaya niyo ulit. Kung dati kayo kayo lang, this time nandito naman kami ah. This time madami tayo naman, kung ganyan ang pinapakita niyo e di lalo mawawalan ng lakas ng loob ang karamihan. Lahat bilib na bilib sa inyo tapos ganyan kayo” drama ni Nella bigla at pasimple silang nagkindatan ni Anhica.

Nagkatinginan saglit ang mga disipulo sabay nagtawanan, “Shwet you sound just like him, mahilig siya magdrama at mangonsensya nung una ahahahahha” sabi ni Wookie. “Oo nga e, dinadaan tayo sa drama kumakagat naman tayo” sagot ni Louis at lahat nagtawanan. “Teka teka teka, so nung una tinatawanan niyo siya as leader niyo? E bakit…nung meron pa siya e isang tingin niya lang sa inyo parang natatakot kayo sa kanya o sinusundan niyo agad siya?” tanong ni Nella at napangisi ang mga disipulo.

“Kasi ni minsan hindi siya nagkamali. Nung una pag may sasabihin siya di namin ginagawa, pumapalpak kami pero di niya dinidiin sa mukha namin ang nagawa namin. Tahimik lang siya, oo ilang beses beses din kami sumuway at first, lagi palpak kinalabasan pero di sya man lang nagyabang. Napansin namin na tama siya sa lagi kaya sinunod namin mga utos nya. Eto alamat kung tatawagin, kaya alam mo na sa bawat utos niya para sa lahat yon, nakuha niya respeto namin” kwento ni Chado.

“Ang di niya lang mabago ang pagkalasenggo ni Ngyobert at pagkangongo nya” banat ni Darwino at nagtawanan bigla ang lahat. “Pagkaantukin ni Bashito!” sigaw ni Bobbyno. “Pagkaduling ni Vandolphous!” hirit ni Sarryno at nagkatuwaan sila lahat bigla. Bumangon si Bashito at nagkamot ng ulo, “Hairstlye ni Wookie” sabi nya at lahat napatingin sa mambabarang at tumawa lahat. “Hoy nagkukunwari kang tulog sa legs ni Chiara ha animal ka!”sumbat ni Wookie at ngumiti si Bashito pero siniko ng diwata ang ulo ni Bashito kaya napahiga ito sa lupa. “O ayan tulog” sabi ni Chiara at lalo pa sila nagkatuwaan at tuksuan.

Nang humupa ang tawanan lahat napatingin kay Nella, tumayo lahat ng disipulo sabay lumuhod sa isang paa. “Mahal na reyna, alam ko narinig niyo yung sinabi ni Paulito sa amin doon sa bundok. Pero sa totoo mas komportable kami kung may namumuno sa amin. Nasanay na kami sa ganon na teamwork. At nais namin ipaalam sa iyo na you really remind us of him…so in line with this nag agree kami lahat na ikaw ang magiging bagong pinuno ng mga disipulo” sabi ni Louis at niyuko nya ulo nya at gumaya ang mga disipulo.

Gulat na gulat si Nella at napatingin siya kay Anhica, “Ah…hindi ako marunong lumaban talaga e” sabi ng dalaga. “At pano kung mali ako lagi e pano na?” hirit nya at lahat napatingin sa kanya. “Este Valiente” bulong sa kanya ni Anhica at huminga ng malalim ang dalaga at tinignan ang mga disipulo. “Sige, makikinig kayo sa akin?” biglang taray ni Nella. “OO” sabi ni Wookie.

“Fine, may plano ako, gusto ko susugot tayo pero bago ko sabihin ang plano ko ay may mga kahilingan ako” sabi ni Nella at nakinig ang mga disipulo. Dumating si Yui at tumayo sa balikat ni Nella at bumulong. Bumulong din sina Paula, Chiara at Anhica at napangisi ang reyna.

“Wookie magpagupit ka, para kang dugyot sa buhok mo. Ikaw Ngyobert tigil mo yang pag iinom mo, o kundi papalitan ko pangalan mo sa Ngyoogi Man. Kayong dalawang dwendeng manyakis mag ayos ayos ko. Ikaw Bashito tulog ka ng tulog, Vandolphous wag masyado mafeeling naman. Chado, ano ba talaga? Bakit ang hinhin mo at napakahiyain? Sarryno alagaan mo naman yang mga garapata mo! Bombayno wag mo ubusin ang mga itik, at wag kang tatawa diyan Virgous, itigil mo ang paglalandi mo sa mga sirena at pinapakulo ang tubig ng lawa namamatay ang mga isda”

“Mhigito isa ka pang manyakis ka, wag mo ginagamit ang bilis mo sa pamboboso. Ikaw naman Louis wag na wag mong gagayahin ang katawan at itsura namin, akala mo di namin alam ha. Tuti ikaw kasama ka dito, ipaayos mo na nga yang pustiso mo. Yun lang so now makinig kayo sa plano ko” sabi ni Nella at tulala ang mga disipulo na nakatingin sa kanya.

Sa loob ng kweba natutuwa ang mga punong nilalang sa pakikinig sa plano ni Nella. Pinapanood nila siya sa isang mahiwagang bola ng mambabarang. “Alam mo sa tingin ko itong plano niyang ito magtatagumpay” sabi ng mambabarang at nagtawanan ang lahat. “Oo nga e, may magandang pakiramdam ako pero naaliw sa kanya at nakakisip sya ng planong ganyan” sagot ni Aneth.

“Matagal narin akong di nasasabak sa gera parang gusto kong sumama” sabi ni Dag-ol at lahat napatingin sa kanya. “Lead by example” sabi ni Leonardo at pati sya nag iinat inat kaya tumawa ang lahat. “Ayaw ko din naman na nakaupo lang tapos pinapanood sila, sasama din ako” sabi ni Aneth at nagtayuan ang mga nilalang at sumang ayon sa kanya. “Oo tara na at ipaalam natin sa reyna ang intensyon natin para maayos niya ang plano niya” sabi ni Dag-ol at lahat sila nagtungo kay Nella.

Kinabukasan nagtipon ang lahat ng mandirigma sa gitna ng gubat, kapansin pansin ang bagong anyo ni Ngyobert, di nakainom ang kapre at puno ang katawan niya ng body armour. May hawak syang malaking espada at sa balikat niya nakatayo si Leonardo ang nadwendeng kapre. Sa likod nila ang mga mandirigmang kapre na lahat may gigil sa mukha nila.

Sa isang sulok nakatayo si Vandolphous, hawak hawak ang isang maliit na salamin at inayoos ang buhok nya. Sa likod nya ang mga dati nilang kalaban na mga tiyanak, manananggal at mga aswang na nahulog sa bitag ng kapangyarihan niya.

Sa isang sanga nakatayo si Wookie, nakaayos na ang buhok nya sa pormang dreadlocks, halos natawa ang lahat pagkat pati manika niya ganon din ang ayos ng buhok. May mga ligaw na espiritu na nagpapalibot sa buong katawan nya at kausap nanaman niya ang sarili nya.

Pero karamihan ng atensyon ay nakay Nella, taas noo siya at halata sa mukha niya ang katapangan. Sa balikat nya nakatayo si Yui, sa bawat tabi nya nandon si Chiara at Paula. “Alam ko kokonti lang tayo pero naniniwala ako na magtatagumpay tayo! Wala na tayong oras na pwede aksayain, nahihirapan na ang lumapain dahil sa sumpa. Kailangan natin umaksyon na!” sigaw ng reyna.

“Sama sama tayo lahat, didiretso tayo sa gumat ng mainland para maghikayat ng mga makakasama pa. Kung wala man tayo makumbinsi diretso na tayo sa Palasyo upang makuha ang corona! Tara na!!!” sigaw ni Nella at nagsigawan ang lahat. Naglakbay na sila patungo sa mainland, at si Nella nakasakay kay Bashito na naka anyong kabayo.

Lahat desidido at tila nakikisama ang panahon sa kanila pagkat sumisilip ang araw sa gitna ng mga maiitim na ulap sa kalangitan. Mga nagtatagong mga hayop nagsilabasan para panoorin sila at tila nagbibigay pugay sa matatapang na mandirigma.

Ngunit sa ilalim ng palasyo at dinig na dinig ang malakas na tawa ni Monica habang nanonood sya sa dalawang crystal balls niya. “Ahahahahhaa ang kapal ng mukha mo Nella! Nakakatuwa ka! Ano naman magagawa ang ganyan kakonti? Pwes yan ang ginusto mo kaya sige, mga damuho! Pasok dito!!!” sigaw ng bruha at nagbukas ang pinto at walong nilalang ang pumasok.

“Kayong walo, panoorin niyo ito dali” utos ng bruha at lumapit yung wala at nanood sa mga crystal balls. Nanggigil bigla ang mga vampira at hunter sa nakita nila pero agad napatingin sa magandang bruha. “Sabi ko sa crystal balls wag sa legs ko!” sigaw ni Monica at napayuko ang apat kaya natawa ang mga elemento.

“Kahit apat lang kami kaya namin mga yan” payabang na sinabi ni Lucio. “Hoy wag ka mayabang!” reklamo ni Jepristo at nagkagirian na sila pero sadyan malakas ang mga elemento kaya tumawa ng malakas si Monica. “Yan ang gusto ko, yan ganyan kaya ipapadala ko kayo doon. Ubusin niyo sila at wala kayo dapat itira ni abo. Para sigurado ipatawag niyo ni Aldhabest at mga ibang tropa at wag na wag niyo sila padapuin sa gubat na yon. Naiintindihan niyo ako?” sabi ng bruha.

“Sabi ko sa iyo kaya na namin kaming apat lang at di na namin kailangan tong mga kutong lupa na ito” hirit ni Lucio pero tumaas ang kilay ni Monica kaya natahimik sila. “Kesyo kaya kesyo kesyo! I want to get the jobe done at once! Kaya itigil niyo yang bangayan na yang kung hindi mapapagaya kayo sa kanya” sabi ni Monica sabay napatingin sila sa tiyanak na nakadikit sa dingding.

Wala magawa ang walo kaya lumabas sila ng kwarto at si Monica bumalik sa trono niya at pinanood ang mga larawan sa bola. “Nella Nella Nella, bakit parang di ako mapakali sa plano mo…bakit ang tapang mo masyado at susugod ka?” sabi ni Monica at napaisip siya.

Sa labas ng mahiwagang gubat ng Mainland ay nakatayo si Aldhabest, kasama niya ang mga itim na kapre at di sila makapasok sa gubat. “Ano ba ang nakatago sa loob dito kasi?” sabi ng itim na kapre sa sarili nya kaya lalo siya naintriga. Kahit anong gawin nila di talaga sila makapasok tila may pwersang nagpipigil sa kanila.

Sa bahay ni Nella hingal na hingal si Leonardo at sinalubong siya ng isang lumilipad na diwata para buhatin siya. “Nahalata ba nila ang pagtakas mo?” tanong ng diwata. “Hindi, akala nila sumama ako, kumusta siya?” sagot ng dwendeng kapre.

“Walang pagbabago, ewan ko ano kasi teorya naisip ni Wookie e mukhang patay naman to” sagot ng isang dwende. “Di ko din alam pero naniniwala ako kay Wookie, pero sana magising siya pagkat kailangan natin siya talaga” sabi ni Leoardo at pinagmasdan nila lahat ang nilalang na nakahiga sa ilalim ng kama ni Nella.

“Buti nautusan mo kami agad magpunta sa bundok, nagmadali kami pagkat nasense namin na may paparating na iba. Wag kang mag alala nag iwan kami ng mga abo don para magmukhang pumanaw na siya talaga” sabi ng isa pang diwata.

“Kung patay ka bakit di ka pa inaagnas…nasilayan ka ng araw di ka din naagnas…kung ligaw man ang espiritu mo sana makabalik na siya. Paulito bumalik ka na kailangan ka namin naririnig mo ba ako Paulito” sabi ni Leonardo.

“Baka hindi pa ito ang tamang oras…he will come when he is needed”

Monday, June 8, 2009

Chapter 13: Reyna ng Kadiliman

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO


Chapter 13: Reyna ng Kadiliman

Sa labas ng palasyo nagtipon tipon ang maraming tao at mga nilalang na nakatira sa Plurklandi, tumayo sa balkoniya ang impostor na hari.

“Mga mahal kong kababayan, mga tao at nilalang, nakatayo ako dito sa harpaan niyo upang sabihin sa inyo na may paparating na mga grupo ng mga nilalang na nais sirain ang kapayapaan sa ating bayan. Alam ko nagagalit kayo sa aking mga ipinapagawa ngunit sa totoo pinaghahandaan ko lang itong araw na ito” sigaw ng hari.

“Pasensya na kayo at di ko agad sinabi at siguro di niyo ako nagustuhan sa mga ginawa ko. Oo kinuha ko ang iba sa inyo at binigyan ng kapangyarihan upang ipagtanggol ang ating kaharian. Oo naging marahas ang iba ngunit silay aking pinarusahan na. Pangako ko sa inyo pagkatapos nitong laban ibabalik ko din sila sa inyo”

“Pakiusap ko lang maging alerto, ang mga tinutukoy kong mga kalaban ay yung mga tao at nilalang na nakatira sa dulo ng kaharian. Gagawin ko ang lahat sa aking kapangyarihan na ipagtanggol kayo at ang ating mahal na kaharian. Kita niyo naman ngayon di ko suot ang aking corona, oo ngayon araw na ito isa lang akong mamamayan na tulad niyo na nagmamahal sa ating kaharian. Saka ko nalang ibabalik ang corona sa ulo ko kapag ligtas na tayong lahat sa kapahamakan”

“Kaya pakiusap ko magsamasama tayo lahat upang puksain itong nangangambang panganib sa ating kapayapaan. Kung magtulungan tayo at magsamsama manunumbalik sa tahimik ang Plurklandia!!!” sabi ng impostor na hari at nagsigawan ang mga tao at sumang ayon sa kanya.
“Kaya imbitado kayo lahat sa isang salo salo, sa mga di nakadalo dito dadalhan ng mga tauhan ko ng pagkain. Ihahanda na ng mga silbidor ang pagkain kaya pakiantay nalang. May aasikasuhin lang ako sa saglit at makikikain ako sa inyo!” sabi ng hari at lalong natuwa ang mga tao at nilalang.

“Suhol…pero in fairness naniwala sila sa walang kwentang tulad mo” bulong ng ng impostor na reyna. “Tumigil ka nga at ngumiti ka naman at kawayan sila” sagot ng hari at naupo na siya at tinignan ang reyna. “Ang corona sinubukan ko isuot kanina umaga tignan mo sinugat ang ulo ko, ano bang ginagawa mo? Dapat patay na yung Nella na yan” sabi ng hari at tumaas ang kilay ng reyna.

“Wag na wag mo ako didiktahan. Makikain ka ng mag isa mo kasama mga yan at madami pa ako aayusin” sagot ng reyna at tumayo sya at umalis. Pagkapasok ng palasyo nagbago ang anyo ng reyna, humaba ang buhok nya at lahat ng gwardya napatingin sa mala diyosang ganda ng bruha. “Ano tinitignan tignan niyo?!” sigaw ni Monica at tumayo sa atensyon ang mga gwardya.

“Ahahaha…what are those? Little pyramids…hmmm…che! Mag ayos nga kayo!” sigaw ng bruha at dumiretso na siya sa ilalim nag palasyo. Madilim ang kwarto pero sa isang palakpak lang ni Monica biglang nagliwanag ang kwarto. Naupo siya sa isang trono at isa pang palakpak at nagbukas ang isang pinto.

Dahan dahan pumasok ang dalang tiyanak at nakayuko ang ulo nila. “Mahal na reyna…wala na si mama Carlos” bulong ni Wan at tumaas ang kilay ni Monica at napasigaw ng malakas. Sabog agad ang ulo ni Wan at nanginig sa takot si Wawan na napaupo sa sahig. Tinuro ng bruha ang tiyanak at bigla ito umangat sa ere at napahawak sa leeg niya. “Anong nangyari?” tanong ni Monica.

“Ang dami dami niyo tapos hindi kayo nagtagumpay?!!” sigaw ng bruha at napasigaw ang tiyanak at napadikit sa dingding. “Sowweeee…nachugi si mameee…malakas ang dishipulooowsss” sabi ni Wawan at lalong nainis si Monica at nilapitan siya. Nilabas niya ang isang daliri nya at sa dulo nito itim na apoy ang lumabas at dinikit ito sa dibdib ng tiyanak at nagsisigaw ito. “Ssshhhh…pag nag ingay ka lalo kita sasaktan…hmmm…diyan ka muna” sabi ng bruha at bumalik siya sa trono niya.

“Wag na kayo magtago tago pa dyan sa pinyo kayong apat! Pasok dali!” sigaw ng bruha at pumasok sina Joule, Jeprisito, Eric at Jepong, lahat nakayuko ang ulo pero mabilis din silang napadikit ni Monica sa dingding at napahawak sila sa leeg nya. “Palpak din kayo alam ko!” sabi ng bruha at nanlisik ang mga mata nya.

“Wala kasi sa una pero pumunta kami sa bundok….” sabi ni Eric pero lalo nasakal ang leeg nya. “Mga estupido!!! Bakit di kayo nakapag antay tignan niyo ang nangyari. Bakit pa kayo pumunta sa bundok na yon?!!!” sigaw ni Monica at yung apat hirap nang huminga sa lalong pagsakal sa leeg nila.

May nilabas si Jeprisito sa bulsan niya at inabot kay Monica, sinilip ng bruha ang laman ng bag at nakita ang mga abo. “Punong disipulo” bulong ni Jepong at nanlaki ang mga mata ni Monica at biglang tumawa. “Ito nalang ang natira sa punong disipulo? Ahahahaa fantastic…may silbi din pala kayo” sabi ni Monica at nagtungo siya sa isang malaking bato na hugis batya at pinasok ang kamay nya at napuno ito ng tubig. Bagsakan ang apat sa lupa at naghabol ng hininga.

“Kayong apat magpasok kayo dito ng apat na preso dalian niyo!” sigaw ni Monica at pinaglaruan niya ang tubig at pabulong na nagdadasal. Pinikit ni Monica ang mga mata nya at nagbuhos ng konting abo sa tubig. "los espíritus oscuros vienen a" bigkas niya paulit ulit at palakas ng palakas at nagsimula kumulo ang tubig.

Naipasok ng mga vampira at hunter ang apat na taong preso sabay pinalinya sa likod ng bruha. "los espíritus oscuros vienen a" muling binigkas ni Monica at biglang nagdidilim ang mga ilaw sa kwarto, "los espíritus oscuros vienen a!" sigaw nya at apat na itim na espiritu ang lumabas mula sa tubig at tumawa ang bruha ng malakas.

“Mga itim na espiritu ako ang nagpatawag sa inyo, saniban niyo itong apat na alay ko at palakasin niyo sila. Bibigyan ko kayo ng pagkakataon upang mabuhay muli at maghasik ng lagim ngunit sa isang kondisyon…susundin niyo ang utos ko!” sabi ni Monica at lumapit ang isang espiritu sa mukha niya. “At kung hindi?” tanong ng espiritu at nilagay ng bruha ang kamay nya sa tubig at napasigaw sa sakit ang espiritu. “Susundin niyo ba ako o hindi?” sumbat ni Monica at mabilis na sumanib ang mga espiritu sa mga tao.

Sabay sabay na sumigaw ang apat na preso at may ibang kulay na espiritu ang lumalabas sa katawan nila. “Katawan namin yan bakit iba ang gumagamit?” reklamo ng isang espiritu ngunit ngumiti lang ang bruha at nawala ang apat na puting espiritu. Isa isang tumayo ang apat na preso at nag inat ng katawan.

“Ahahahahaha…bilib ako sa iyo at di ko alam pwede pala mangyari ito. Pwes sige susunod kami sa iyo, oo nabasa ko na ano gusto mong ipagawa kaya ituro mo nalanag ang direksyon para matapos na ito” sabi ng isang preso. “Hmmm…wag muna…gusto ko muna magpalakas pa kayo ng todo pagkat ayaw ko ng kapalpakan” sagot ni Monica at ang apat na preso napangiti sa kanya.

“Kaakit akit ka alam mo ba yon, magpapakilala muna ako sa iyo…ako si Lucio ang taong may kapangyarihan ng apoy. Eto mga kasama ko, si Windro ang nagmamanipula ng hangin, si Erasio ang namamahala sa lupa at si Brauio ang tagapamahala ng liwanag. Kami ang mga nilalang na element at nabibighani kami sa iyo…pwede ba malaman ang pangalan ng muling nagbuhay sa amin?” sabi ni Lucio at tumawa si Monica.

“Sino bang hindi naakit sa akin? Ako si Monica ang magiging reyna ng kaharian na ito…di niyo na kailangan magpakilala pagkat kilala ko kayo…pag ako sa inyo lumayo layo na kayo sa kwartong ito at sumama sa apat na yan sa likod niyo kung hindi baka di makapagpipigil ang susunod na espiritung ilalabas ko…remember sino ang pumuksa sa buhay niyo?” landi ng bruha sabay tumawa.

Nabalot ng takot ang mga mukha ng apat na taong elemento at nagmadali silang lumabas ng kwarto kasama yung mga vampira at hunter. “Mama Monica ako din lalavas din akow” sabi in Wawan pero biglang nagalit ang bruha at nilapitan siya. Muling nagliyab ang isang daliri ni Monica at tinusok niya ang dibdib ng tiyanak. Nagpigil sa sigaw si Wawan at naluha na siya, “Bawa oras tutusukin kita…pag nag ingay ka dodoblehin ko…wag kang maingay diyan at manood ka lang!!!” sermon ng bruha.

Bumalik si Monica sa kanyang mahiwagang lababo at binuksan ang bag. Pinuno nya ng abo ang isang kamay nya at inamoy ito. Tumaas ang kilay nya at inamoy ulit at pinagmasdan ang mga abo. “Shweetttt!! Mga mangmang talaga kayo!!!” sigaw ng bruha at nagliyab lahat ng daliri niya at hinarap ang tiyanak at pinagsasaksak. “Wala na kayong ginawang tama!!!” sigaw nya at di nakayanan ni Wawan ang parusa kaya sumigaw na ito sa sakit. Gigil na gigil si Monica at pinagmasdan ang patay na katawan ng tiyanak. Hinawakan niya ang puso nito at bigla nalang nabuhay ulit ang tiyanak. “Mabuhay ka pa at paparusahan ulit kita mamaya…pwes pwede parin naman kasi may konti” sabi ni Monica at bumalik sa lababo niya.
Nilabas niya ang abo sa bag at kinalat sa mahiwagang lalabo, kumuha siya ng kutsilyo at sinugatan ang kamay nya. Pinapatak nya ang treseng patak ng dugo nya saka nagdasal "los espíritus oscuros vienen a.” Palakas ng palakas ang bulong niya hanggang sa kumulo ang tubig. Huminga siya ng malalim at biglang nagbago ang ihip ng hanging sa kwarto.

"El espíritu perdido de Fredatoria me viene!" sinigaw niya at biglang namatay ang lahat ng ilaw sa kwarto at nabalot ito ng kadiliman. "El espíritu perdido de Fredatoria me viene!" muling sigaw ni Monica at napakalakas na malamig na hangin ang bumalok sa kanya. "El espíritu perdido de Fredatoria me viene!!!" sigaw in Monica at biglang may malakas ng tawa na narinig sa buong kwarto.

Mula sa lababo may pula na espiritung lumabas at nagliwanag ang kwarto. Napaatras sa takot si Monica sa malakas na aura ng pula na espiritu. “Hahahaha alam mo naman na di kita kayang saktan pagkat ikaw ang nagbalik sa akin…hahahaha pero natatawa ako at inaasahan ko ang sugo ko ang magbabalik sa akin at di isang…bruhang tulad mo” sabi ng espiritu at nilapitan si Monica.

Di makapagsalita si Monica sa nararamdaman niyang kapangyarihan ng espiritu, “Babae! Nasan ang katawan na sasaniban ko?” tanong ng espiritu. “Ah…wala…sasanib ka sa akin at magsasama ang kaluluwa natin” sabi ng bruha at tumawa ng malakas ang espiritu at lalo pang nagliwanag ang kwarto sa pagbaga ng espiritu. “Ikaw? Hahahaha…hmmm…pagsisibakin mo ba ako ng kahoy?” tanong ng espiritu at tumawa si Monica. “Pagkatapos ko maging reyna hahanapan kita ng katawan na pwede mong saniban” sagot ng bruha.

“Hmmm…alam mo naman iisa lang ang katawan na gusto ko…alam mo ba nasan siya?” tanong ng espiritu. “Hindi pero mahahanap din natin siya” sagot ni Monica. Pumasok sa katawan ng bruha ang pulang espiritu, napaluhod si Moniga at nagbagang pula ang mga mata nya. Napasigaw siya ng malakas at yumanig ang lupa ng buong kaharian. Tumayo dahan dahan si Monica at tinignan ang mga kamay niya. “Hahahaha…tunay na malakas ka…nararamdaman ko ang kapangyarihan mo…pero nagkamali ka ahahaha wala akong balak pakawalan ka pa…ako na ang Reynang Fredatoria!!! Monica reyna ng Fredatoria!!!”

Sa mga sandaling yon sa mahiwagang gubat napakapit sa lupa si Nella habang yumanig ang lupa. Ilang segundo tumigil ang pagyanig at ngumiti siya, “Wow matagal na akong di nakaramdam ng lindol” sabi ni Nella habang binababad niya ang paa nya sa tubig ng lawa. Naglakad lakad si Anhica sa may tubig at nakatingala sa langit.

“Anhica di mo pa sinasagot tanong ko, bakit buhay ka pa?” tanong ni Nella at tinignan siya ng multo. “Bakit dinadasal mo ba na mawala na ako? Masama parin ba loob mo sa akin kahit ginagawa ko lang trabaho ko noon?” sumbat ng multo. Napabuntong hininga si Nella at nagsimangot. “Wala naman akong sinabing ganon, nagtatanong lang ako bakit buhay ka pa kasi diba sabi ni Wookie na tatlong araw ka lang dapat. E limang araw na at buhay ka pa” sabi ng dalaga.

“Hindi ko nga din alam e…yun din alam ko after three days…di ko alam” sabi ni Anhica. “Pero bakit tayo lang nakarinig ng bulong na yon…bakit tayong dalawa lang?” tanong ng dalaga. “Ewan ko e, nandito lang ako non nung una kong narinig, inaantay ko ang paglaho. Nung narinig ko yon di ko alam bakit ikaw una kong naisip, parang may humila sa akin papunta sa iyo para sumanib” sagot ng multo.

Napatingin si Nella sa espada sa tabi nya sabay hinawakan ito, “Ikaw nagkontrol sa katawan ko dun sa tikbalang, ang alam ng lahat ako lang mag isa pumaslang don. Parang nakuha ko ang respeto ng mga taga dito dahil don pero ikaw naman ang may gawa non” sabi ni Nella. “Hindi ako mandirigma, di ko din alam pano ko nalaman yung mga galaw na yon…pero siguro naaral ko yon habang nagsanib ang kaluluwa namin ni Paulito” sabi ni Anhica at nagulat si Nella.

“So ibig mo sabihin may natira pang kaluluwa ni Paulit sa iyo?” tanong ng dalaga. “Hindi, parang naaral ko yung laman ng isipan niya…kung iisipin ko wala ako maalala pero di ko alam bakit nung sandaling yon bigla nalang alam ko gagawin ko. Siguro ganon yon” sagot ng multo at napaisip si Anhica. “Sana wag ka nalang mawawala…magmamadamot ako ha, pwede ba tulungan mo ako lagi pag may laban. Kasi sa totoo takot ako pero gusto ko din maging katulad si Paulito. Ok lang ba sa iyo?” tanong ni Nella.

“Payag ako para naman magkaroon ako ng silbi at di nalang masama ang tingin sa akin ng iba” sabi ni Anhica. “Ha? Nakikita ka ng iba?” tanong ng dalaga. “Oo si Wookie at ang mga diwata, yung iba hindi na” sagot ng multo at tumawa si Nella. “Halika sama ka at bawian natin yung manyakis na dwendeng yon” sabi ng dalaga at natawa si Anhica na sumama sa kanya.

Sa malayo nakatayo si Wookie na pinagmamasdan ang bawat galaw ni Nella at Anhica nang may bumapo sa balikat niya. “Namboboso ka nanaman” sabi ng dwendeng kapre. “Leonardo, sana di ka na ibalik sa dati mong anyo” biro ni Wookie at nainis ang kapre. “Nagpapahinga ang mga vampira kaya kami muna ang nagbabantay, natoka ako magbantay ng reyna. Ano kumusta ang lakad mo?” sabi ni Wookie at natawa si Leonardo.

“Tsismoso talaga yang mga espiritu mo, pero oo nailipat namin siya ng maayos. Buti tinimbrehan mo ako” sabi ng kapre. “hinala ko lang yon di ko akalain na totoo, pero malinaw na ang lahat” sagot ng mambabarang. “Oo pero alam mo naman na kailangan natin isikreto pa iyo, di pa natin alam sino ang nabuhay” bulong ni Leonardo. Huminga ng malalim si Wookie at pinagmasdan ang dalawang dwendeng tumatakbo sa takot, nakita niya si Nell at Anhica na tawa ng tawa kaya pero napasimangot siya.

“Kailangan natin siya pagkat nararamdaman ko na may nagbuhay kay Fredatoria” sabi ni Wookie at nagulat ang dwendeng kapre. “Pano mo nalaman?” tanog ni Leonardo.

“Ngayon ko lang muling nakitang takot na takot ang mga espiritu…buhay si Fredatoria…di natin kaya pag wala siya”

Saturday, June 6, 2009

Chapter 12: Esté valiente

TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO



Chapter 12: Esté valiente

Habang pinapakita ni Bobbyno ang isa pang basic technique kay Nella biglang sumulpot si sa tabi niya si Mhigito at humawak sa kanyang balikat, agad napalibutan ng mga disipulo ang reyna kaya nagtaka nalang siya bigla. “Napasok na nila tayo” sabi ni Sarryno at biglang nagbago ang anyo niya, naglabas siya ng mga pangil niya at mga kuko nya matatalim na naglabasan.

“Teka anong nangyayari?” tanong ni Nella. “Napasok na tayo ng kalaban” sabi ni Virgous at nag apoy na ang buong katawan niya. Tulala si Nella at tinuro si Sarryno, muling nagulat sa bagong anyo niya. “Mhigito, Sarryno, Bashito at Bombayno salubungin niyo na sila at huwag hayaan makalapit pa dito” utos ni Wookie at nilabas niya ang manika niya at may tatlong espirtong sumanib dito.

“Mga tiyanak, manananggal at aswang, dali na puksain na natin habang wala pa yung mga mabibigat na kalaban” sabi ng mambabarang at agad umalis ang apat. Naramdaman na ng mga diwata at ibang nilalang sa gubat ang paparating na kalaban. Lahat nagsipaghanda at mgay mga nilalang na lumapit grupo ng reyna.

“Mas kailangan kayo sa laban, kami na ang bahala sa reyna. Makaasa kayo sa akin, Chiara punong diwatang spellcaster” pakilala ng magandang diwata. Dumapo sa balikat ni Nella at isang dalagang dwende na lumilipad, “Ako si Yui, punong spellcaster ng mga dwende. Kami na ang bahala sa reyna” sabi ng nilalang.

“Oo maiiwan din ako dito” dagdag ni Paula at tumabi sa kanya si Tuti na inayos ang pustiso niya. Nagkatinginan saglit ang mga disipulo sabay lahat lumuhod sa isang tuhod, “Ayos lang ba sa inyo ang ganito mahal na reyna? Susundin namin ang utos niyo” sabi ni Louis. Huminga ng malalim si Nella tinignan ang espada na hawak nya. “Tama sila pumunta na kayo” sabi ni Nella sa nanginginig na boses. Agad tumayo ang mga disipulo at sa isang iglap naglaho sila lahat.

Sa dulo ng gubat nakatayo ang dalawang tiyanak at pinagbubunot ang buhok ng isang diwata. “Nyahahaha kalvong fewi” sabi ni Wawan at sigaw ng sigaw ang diwata pagkat kinagat ito ni Wan. Malakas na ihip ng hangin naitapon palayo ang dalawang tiyanak, nakaluhod sa tabi ng diwata si Mhigito at binuhat niya ito, “Mga pre babalik ako, dadalhin ko lang siya sa loob” sabi nya at pagkaalis niya bumangon ang mga baklang tiyanak at tumawa. “Shugod mga kafatwid!!!” sigaw nila sabay at mula sa ere nagdatingan ang mga aswang at manananggal.

“Booooteeeeehhh…diyarryooooowww” sigaw ni Bombayo at daan daan mga manananggal ang nagbagsakan sa lupa. Mabilis sila sinugod ni Sarryno at Bashito at pinaglalaslas. Takbo ang dalawang baklang tiyanak pero nakarating agad ang mga dwendeng disipulo. Sapol sa ulo ang dalawa ng golden balls ni Darwino at nagsiiyak sila. “Waaahhh vukol…mga fangwit na dwindi!” sigaw ni Wan at sinugod niya si Bobbyno pero agad nagpalaki ang dwende at sinipa niya sa malayo ang malanding tiyanak. Takbo si Wawan na hinabol ni Darwino, muntik na siya nadampot ng isang aswang pero natosta ito agad ni Virgous.

Nagkalat ang mga dispulo pagkat padami ng padami ang paparating na kalaban. Nagsilabasan narin ang mga mandirigma ng mahiwagang gubat ngunit nakatayo lang sila at namamangha sa gilas ng mga disipulo.

Sa taas ng puno sumabit si Ngyobert at pinagtitira ang mga lumipipad na kalaban. Palipat lipat ang kapre sa bawat puno, bawat suntok niya tagos sa katawan ng mga manananggal. Sa lupa si Bashito ay naging taong oso, napalibutan siya ng mga aswang at pinagkakagat ngunit mabilis nagbago ang anyo niya sa taong buwaya. Kinagat din nya ang mga aswang, mga kagat ng kalaban balewala sa tigas ng balat ng buwaya.

Dumating na ang mga itim na tikbalang at daan daan pang mga tiyanak, itim na engkanto at kapre. Gamit ang dalawang maliit na espada sumugod si Mhigito, sa isang iglap nawala siya at kay daming mga kalaban ang nagsipagtumbahan at lahat pugot ang ulo. Ayaw magpatalo ni Louis at ginaya niya ang anyo ni Mhigito, naglabas sya ng mahabang espada at sumugod sa mga kalaban.

Sa isang dulo ng gubat si Vandolphous ay sinusundan ng madaming kalaban, lahat sila nagtatawanan at nagsasayawan, “Bigyan ko kayo ng tour ng gubat my friends” sabi nya at halatang nabihad sa charm spell nya ang mga nilalang at masayang sinusundan siya. “Ah I would like to introduce you to Virgous” sabi ng vampira sabay mabilis siyang tumabi at naglabas ng malakas na apoy si Virgous at tinosta ang mga kalaban. “Bakit kokonti ang nabiktima mo?! Damihan mo naman, alam mo naman di ako pwede magwala dito baka masunog ang trees pare” reklamo ni Virgous. “E ano magagawa ko kung di sila mahilig sa artista?!” sumbat ni Vandolphous at lalong nagalit si Virgous kaya tumakbo ang vampira. “Oo na oo na, magpapakasexy na ako para maakit yung iba” biro ng vampira.

Sa isang dako natuwa ang mga mandirigma ng gubat pinapanood ang mga aswang na akala moy naipapatapon ng walang rason, pero si Bobby pala ang lumalaban sa kanila. “Hoy imbes na nakatayo kayo diyan tumulong din kayo!” sigaw ng dwende kaya sumugod narin ang mga mandirigma at nagkalabo labo na. Sa himpapawid nakasakay si Darwino sa likod ng isang diwatang lumilipat at tinititirador niya ang mga lumilipad na kalaban. Kakaiba ngayon ang mga bala ng dwende, nagbabagang golden balls na at bawat matamaan lusaw agad ang parte ng katawan non.

Malapit sa gitna ng gubat nagsisigawan ang mga babaeng diwata at dwende pagkat napalibutan sila ng mga itim na tikbalang, napalibutan ang mga babae pero sumulpot si Chado at inakbayan ang mga tikbalang, bumulong siya sa mga tenga nila at bagsak sa lupa ang mga ito. Sinaksak niya ang isa sa dibdib sabay bulong sa isa pa, apat na tikbalang agad niya napatay pero nagtataka siya pano nakalapit ang mga kalaban sa gitna ng gubat.

“Nakita niyo ba saan sila nanggaling?” tanong ni Chado at tulala parin ang mga babae. “Basta bumaba nalang sila galing sa puno” sagot ng isa kaya napating sa taas ang vampira at wala namang makitang iba pang nilalang doon. Nakaramdam ng kaba si Chado at di sya mapakali, habang ang lahat ng pwersa nasa labas ng gubat walang masyadong mandirigma sa loob.

Mabilis nawala si Chado, sinundo niya si Bombayno at mabilis sila bumalik sa sentro ng gubat. “Pare may nararamdaman akong kakaiba…alam mo na ang gagawin mo” sabi ni Chado at nagtakip na siya ng tenga niya. Napalingon si Bombayo at tinapik si Chado, “Di mo na kailangan magtakip pare, mga kalaban lang makakarinig nito” sabi ng vampira at huminga siya ng malalim at biglang sumigaw. “Chikitam chikititamtam patumpampam patumpam bodedege tumpampam patumpamdege!!!” sigaw ng vampira at napasayaw pa si Chado at bumulong, “ektasi…ekstano…ektasi…ektano” sabi nya at nagtawanan yung dalawa.

May mga nagbagsakan na tikbalang sa lupa at nagulat yung dalawa, mula sa ilalim ng lupa naglabasan ang mga tiyanak na nairita sa sigaw ni Bombayno. “Oh shwet…ang dami nila” sabi ni Chado. Muling sumigaw si Bombayno at nagtakip ng tenga ang mga kalaban, gumalaw agad si Chado pero sa sigaw ng vampira nasapawan ang importanteng sigaw na dapat na narinig nila.

Sigaw ng sigaw si Nella nang may lumabas na mga kamay sa lupa at humawak sa kanyang mga paa. Mabilis na winasiwas ni Tuti ang espada nya at naputol ang mga kamay pero mula sa lupa mas madami pang mga tiyanak ang nagsilabasan.

Nanginig si Paula pero ayaw na niya mapahiya, sumugod na siya at pinagtataga ang mga tiyanak, si Chiara mabilis naglabas ng mga kidlat mula sa kamay niya at pinagtitira ang mga kalaban, sigaw parin ng sigaw si Nella kaya lumipad sa ere si Yui at siya din nagpakitang gilas. Nagbagang dilaw ang buong katawan ng mahiwagang dwende at mula sa kamay niya mga lumabas ang mahiwagang pana, pinagtitira niya ang mga tiyanak, asintado ang dalaga kaya napatigil sa kasisigaw si Nella.

Napalingon si Nella sa paligid at nakita niya sina Tuti, Yui, Paula at Chiara na lumalaban. Pati ibang nilalang may hinaharap na masamang nilalang at siya lang ang nakatayong tila walang ginawagawa. Gusto niya ipikit ang kanyang mga mata pagkat di siya sanay sa mga nakikita niya, di makagalaw ang mga paa nya at napatingin nalang siya sa espadang hawak niya.

Magiting at matapang ang dating may ari nito, sinabi niya sa sarili niya na lalaban siya pero ngayon ang magaan na espada tila bumigat at di niya talaga maigalaw ang katawan niya sa takot. Tatakpan na sana ni Nella ang tenga niya para di niya marinig ang mga sigaw pero tumayo ang mga balahibo nya nang nakarinig siya ng bulong. “Esté valiente” sabi ng boses.

Napalingon sa paligid si Nella at napatingin kay Tuti, “Narinig mo yon? Ano ibig sabihin non?” tanong ng dalaga. “Ha? Wala ako narinig” sagot ni Tuti at tuloy ang pakikipaglaban.

“Esté valiente” muling narinig ni Nella pero ngayon di na siya natakot, paulit ulit niya ito narinig at parang habang tumatagal ay lumalakas ang loob niya. Huminga siya ng malalim at sumigaw “Anong ibig sabihin ng Esté valiente?!!!” sabay sinugod niya ang isang tiyanak na kalaban ni Tuti at sinaksak ito sa dibdib. Gulat na gulat ang vampira pero napangiti nalang pagkat parang gigil na gigil ang reyna lumaban.

“Walang form form at teknik pag totoong laban! Pano ko maalala yon e ang daming kalaban!” biglang sigaw ni Nella at natawa ang mga kasama niya. Pinanood nila magwala ang dalaga pero agad din lang tumakbo sa likod ni Tuti ng may lumabas na aswang. Natosta agad ang aswang sa kapangyarihan ni Chiara, “Di ako natakot, sa itsura lang niya kasi ang panget” palusot ni Nella at tuloy ang laban nila sa mga maliliit na nilalang.

Lumabas mula sa kweba ang mga punong nilalang at ipinatawag ang mga spellcaster upang magtago muna at magpahinga, nakita nila si Nella nakikipaglaban kaya naging kampante sila. Itinago nila ang mga spellcaster sa loob ng kweba at pati sila bumalik, nawala ang kweba sa paningin ng iba at nagkalabo labo na sa buong gubat.

Sa labas ng gubat nakabalik na si Carlos dala pa ang madaming itim na tikbalang, sinalubong sila ng kambal na tiyanak na bakla, duguan sila at hinang hina. “Madah shupewiow…helff” sabi ni Wawan. Isang senyas lang at may malaking manananggal na dumampot sa dalawa at nilayo. “Fagvavarayan ko sila! Sinaktan niyo ang mga veve kow!! Hala sige na mga fafa jombagin ang mga nilalang sa inside the forest!!! Hala GORA!!!” sigaw ng malanding tikbalang.

Nagbaksakan ang matataaas na puno kaya nakapasok ang sinag ng araw sa gubat, umatras ang mga vampira pagkat bigla sila nanghina. “Sige na doon na kayo sa gitna ng gubat, kami na ang bahala dito” sabi ni Wookie at tinaas niya ang manika niya at lumapit sa kanya ang isang daan na ligaw na espiritu. Pinagtuturo niya ang mga kalaban at isa isa sumugod ang mga espiritu para guluhin ang mga isipan nila.

“Sila nagsimula ha, sinira nila yung mga puno…kaya ako narin” sigaw ni Virgous at nagpasiklab na siya ng mga bolang apoy at pinagbabato ang mga kalaban. “Narinig niyo si Wookie diba? Sige na kami na bahala talaga dito” sabi ni Darwino na nakaupo parin sa likod ng lumipad na diwata.

Ang mga vampira mabilis na pumasok sa gubat upang di masilayan ng araw, ngunit may humarang sa kanilang itim na usok kaya napatigil sila. Mula sa usok nagsilabasan ang mga itim na tikbalang at nakarinig sila ng malakas na ubo. “Ah peste! Dami pa kasi pakulo, anyhoooo halloooshiii!! Mga gwafong vampira….aaww..jombaginesh silaaa!!” sigaw ni Carlos at anim na higanteng tikbalang ang humarap sa mga vampira. “Wooohoo mga disipulo di pangkaraniwang mga tikbalang yan, ago gumawa sa, sila ang mga TikiTiki boys kow…aha aha…sige mga fafa ichugi sila!!” hirit ng malanding tikbalang.

Bawat isang vampira may nakaharap na higanteng tikbalang, kung sana gabi lang para makalaban sila ng maayos madali lang nila matatapos ang mga kalaban nila. Tumakbo papasok sa gubat si Carlos dala ang iba pang mga tikbalang, “Ang reyna!” sigaw ni Bombayno kaya sinubukan niya gamitan ng sonic blast pero walang talab ito sa mga tikbalang. “Wala tayong magagawa kundi labanan ang mga iton kamao sa kamao…kung hindi lalo tayong manghihina…bilisan na natin at kailangan tayo ng reyna!” sigaw ni Louis at ang mga vampira lumaban. Di nila magamit ang mga kapangyarihan nila dahil sa sinag ng araw, normal nalang silang mandirigma sa lagay na ito ngunit lahat mabangis parin.

Sa gitna ng gubat nakaabot ang baklang tikbalang, humarap sa kanya ang mga mandirigmang diwata ngunit nagbigay lang ito ng isang flying kiss at nanginig sa takot ang buong kampo ng liwanag. Nakita nina Nella ang nangyari pero di sila naapektuhan, sinubukan nila tumakas pero nakita sila ni Carlos.

“Aha! Huli there you are!! Hmm…tama sila maganda ka…soooooo hate you na!!!” sigaw ng baklang tikbalang at sinugod si Nella. Madaming kasama si Carlos kaya naging abala si Chiara at Yui sa pagtitira sa kanila gamit ang kapangyarihan nila. Si Paula ang laking pagbabago at dalawang tikbalang agap na hinarap niya, “Tuti sa iyo na yang baklang yan!” sigaw ni Paula at biglang napatigil si Carlos at tumaas ang kilay nya.

“How dare you call me gay!!! I am a woman!” sigaw ng tikbalang pero agad siya nabuntal at nalaslas sa dibdib ni Tuti. “Araaawwwtttss naman!!!” sigaw ng tikbalang at nahawakan niya sa leeg si Tuti. Di makahinga si Tuti, nagbagang pula ang mata ni Carlos at biglang nanghina ang vampira. Nilapit ni Tuti ang kamay niya sa bibig nya inalis niya ang pustiso niya at binaon ito sa leeg ng tikbalang.

“Vyussseettt!!!” sigaw ni Carlos at naitapon niya sa malayong malayo si Tuti. Napahawak siya sa leeg nya pero nakita si Nella na muling nanigas sa takot. Tumawa ng malakas ang tikbalang lumingon at nagflying kiss at bagsak sa lupa sina Paula, Chiara, Yui at ang mga tikbalang niyang kasama. “Ahahaha…sa kamay ko mamatay ang reynang pangit…matutuwa si Monica sa akin at gagawin niya akong Princess…awww!!!” sigaw ng kapre.

Todo nangingig si Nella pero sinubukan niya itaas ang espada, hawak niya ito gamit dalawang kamay pero tumawa lang ang kapre. “Sige gora saksakin mo nga ako…ahahahaha…nakikita kong takot na takot ka…awwww..so sad…hmmm ano kaya…himay himayin ko muna ang hair mo para pumangit ka. Pero kailangan makilala ka ni Monica or else…kahit na tsugi ka!!!” sigaw ng tikbalang.

“Esté valiente” muling narinig ni Nella pero mas malakas ito. Napalingon sa paligid si Nella at hinahanap ang tila lumakas na boses. “Esté valiente” mas malakas na bulong at tumigil ang panginginig ni Nella at talagang hinahanap ang boses. Pati si Carlos napatigil at lumingon sa paligid, nakita niya sa malayo na wala nang natira sa mga tikbalang na at papalapit na ang mga vampira kaya hinarap na niya si Nella at naglabas ng itim na kutsilyo sa suot nya at binuwelo ang kamay niya para saksakin sa puso si Nella.

“Nella!!!” sigaw ni Mhigito pero di niya magawa gumalaw ng mabilis, tumawa ng malakas ang baklang tikbalang at napatingin nalang sa kanya si Nella.

“Esté valiente” mulint narinig ni Nella at pinikit na niya ang mga mata niya. Ang mga vampira wala magawa at tila nanghina habang papalapit sila sa tikbalang, kahit ilang beses nila isigaw ang pangalan ng dalaga nakayuko na ang ulo nito.

Parang bumagal ang mundo at napanood ng mga vampira ang tumatawang tikbalang na iwasiwas ang kamay niya, lalo sila nanghina nang pabalik na ang kamay ng tikbalang at sasaksakin na ang dibdib ni Nella.

Nakita nila na nagulat bigla si Nella at umangat ang kamay niya at sinaksak ang espada sa dibdib ng tikbalang. Umatras si Nella at di makapaniwala ang lahat sa kakaibang galaw niya. Ininda ni Carlos ang saksak niya sa dibdib at gulat na gulat sya sa dalaga, bigla nalang nilaslas ni Nella ang tikbalang, double X body slash sabay spinning head slash at natanggal ang ulo ng tikbalang.
Napanganga ang mga vampira sa nakita nila na ginawa ni Nella, isang galaw na nakita na nila ilang beses na ginagawa ni Paulito. Napakamot nalang sila pagkat matinding kalaban ang napatay ni Nella, naliit tuloy sila sa sandaling at pinagtatadyakan nalang ang mga nakahigang tikbalang sabay nagtawanan.

Tulala din si Nella na nakatitig sa ulo ng tikbalang, pero ramdam niya ang sumanib na espiritu sa kanya. Umalis sa katawan niya si Anhica at medyo nagulat ang dalaga nang makita ito. “Esté valiente…it means be brave…oo narinig ko din siya at di ko alam bakit parang sinasabi nito na sumanib ako sa iyo” sabi ng multo at biglang napaisip si Nella at tinignan ang espada. Ngumiti si Nella at tinignan si Anhica na ngumiti din sa kanya pero muli bumulong ang tinig na sila lang dalawa ang nakakadinig.

“Esté valiente”


(Me gustaría agradecer a señorita Anhica muy bonita por ayudarme en esta historia, Muchas gracias)