TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO
Chapter 12: Esté valiente
Habang pinapakita ni Bobbyno ang isa pang basic technique kay Nella biglang sumulpot si sa tabi niya si Mhigito at humawak sa kanyang balikat, agad napalibutan ng mga disipulo ang reyna kaya nagtaka nalang siya bigla. “Napasok na nila tayo” sabi ni Sarryno at biglang nagbago ang anyo niya, naglabas siya ng mga pangil niya at mga kuko nya matatalim na naglabasan.
“Teka anong nangyayari?” tanong ni Nella. “Napasok na tayo ng kalaban” sabi ni Virgous at nag apoy na ang buong katawan niya. Tulala si Nella at tinuro si Sarryno, muling nagulat sa bagong anyo niya. “Mhigito, Sarryno, Bashito at Bombayno salubungin niyo na sila at huwag hayaan makalapit pa dito” utos ni Wookie at nilabas niya ang manika niya at may tatlong espirtong sumanib dito.
“Mga tiyanak, manananggal at aswang, dali na puksain na natin habang wala pa yung mga mabibigat na kalaban” sabi ng mambabarang at agad umalis ang apat. Naramdaman na ng mga diwata at ibang nilalang sa gubat ang paparating na kalaban. Lahat nagsipaghanda at mgay mga nilalang na lumapit grupo ng reyna.
“Mas kailangan kayo sa laban, kami na ang bahala sa reyna. Makaasa kayo sa akin, Chiara punong diwatang spellcaster” pakilala ng magandang diwata. Dumapo sa balikat ni Nella at isang dalagang dwende na lumilipad, “Ako si Yui, punong spellcaster ng mga dwende. Kami na ang bahala sa reyna” sabi ng nilalang.
“Oo maiiwan din ako dito” dagdag ni Paula at tumabi sa kanya si Tuti na inayos ang pustiso niya. Nagkatinginan saglit ang mga disipulo sabay lahat lumuhod sa isang tuhod, “Ayos lang ba sa inyo ang ganito mahal na reyna? Susundin namin ang utos niyo” sabi ni Louis. Huminga ng malalim si Nella tinignan ang espada na hawak nya. “Tama sila pumunta na kayo” sabi ni Nella sa nanginginig na boses. Agad tumayo ang mga disipulo at sa isang iglap naglaho sila lahat.
Sa dulo ng gubat nakatayo ang dalawang tiyanak at pinagbubunot ang buhok ng isang diwata. “Nyahahaha kalvong fewi” sabi ni Wawan at sigaw ng sigaw ang diwata pagkat kinagat ito ni Wan. Malakas na ihip ng hangin naitapon palayo ang dalawang tiyanak, nakaluhod sa tabi ng diwata si Mhigito at binuhat niya ito, “Mga pre babalik ako, dadalhin ko lang siya sa loob” sabi nya at pagkaalis niya bumangon ang mga baklang tiyanak at tumawa. “Shugod mga kafatwid!!!” sigaw nila sabay at mula sa ere nagdatingan ang mga aswang at manananggal.
“Booooteeeeehhh…diyarryooooowww” sigaw ni Bombayo at daan daan mga manananggal ang nagbagsakan sa lupa. Mabilis sila sinugod ni Sarryno at Bashito at pinaglalaslas. Takbo ang dalawang baklang tiyanak pero nakarating agad ang mga dwendeng disipulo. Sapol sa ulo ang dalawa ng golden balls ni Darwino at nagsiiyak sila. “Waaahhh vukol…mga fangwit na dwindi!” sigaw ni Wan at sinugod niya si Bobbyno pero agad nagpalaki ang dwende at sinipa niya sa malayo ang malanding tiyanak. Takbo si Wawan na hinabol ni Darwino, muntik na siya nadampot ng isang aswang pero natosta ito agad ni Virgous.
Nagkalat ang mga dispulo pagkat padami ng padami ang paparating na kalaban. Nagsilabasan narin ang mga mandirigma ng mahiwagang gubat ngunit nakatayo lang sila at namamangha sa gilas ng mga disipulo.
Sa taas ng puno sumabit si Ngyobert at pinagtitira ang mga lumipipad na kalaban. Palipat lipat ang kapre sa bawat puno, bawat suntok niya tagos sa katawan ng mga manananggal. Sa lupa si Bashito ay naging taong oso, napalibutan siya ng mga aswang at pinagkakagat ngunit mabilis nagbago ang anyo niya sa taong buwaya. Kinagat din nya ang mga aswang, mga kagat ng kalaban balewala sa tigas ng balat ng buwaya.
Dumating na ang mga itim na tikbalang at daan daan pang mga tiyanak, itim na engkanto at kapre. Gamit ang dalawang maliit na espada sumugod si Mhigito, sa isang iglap nawala siya at kay daming mga kalaban ang nagsipagtumbahan at lahat pugot ang ulo. Ayaw magpatalo ni Louis at ginaya niya ang anyo ni Mhigito, naglabas sya ng mahabang espada at sumugod sa mga kalaban.
Sa isang dulo ng gubat si Vandolphous ay sinusundan ng madaming kalaban, lahat sila nagtatawanan at nagsasayawan, “Bigyan ko kayo ng tour ng gubat my friends” sabi nya at halatang nabihad sa charm spell nya ang mga nilalang at masayang sinusundan siya. “Ah I would like to introduce you to Virgous” sabi ng vampira sabay mabilis siyang tumabi at naglabas ng malakas na apoy si Virgous at tinosta ang mga kalaban. “Bakit kokonti ang nabiktima mo?! Damihan mo naman, alam mo naman di ako pwede magwala dito baka masunog ang trees pare” reklamo ni Virgous. “E ano magagawa ko kung di sila mahilig sa artista?!” sumbat ni Vandolphous at lalong nagalit si Virgous kaya tumakbo ang vampira. “Oo na oo na, magpapakasexy na ako para maakit yung iba” biro ng vampira.
Sa isang dako natuwa ang mga mandirigma ng gubat pinapanood ang mga aswang na akala moy naipapatapon ng walang rason, pero si Bobby pala ang lumalaban sa kanila. “Hoy imbes na nakatayo kayo diyan tumulong din kayo!” sigaw ng dwende kaya sumugod narin ang mga mandirigma at nagkalabo labo na. Sa himpapawid nakasakay si Darwino sa likod ng isang diwatang lumilipat at tinititirador niya ang mga lumilipad na kalaban. Kakaiba ngayon ang mga bala ng dwende, nagbabagang golden balls na at bawat matamaan lusaw agad ang parte ng katawan non.
Malapit sa gitna ng gubat nagsisigawan ang mga babaeng diwata at dwende pagkat napalibutan sila ng mga itim na tikbalang, napalibutan ang mga babae pero sumulpot si Chado at inakbayan ang mga tikbalang, bumulong siya sa mga tenga nila at bagsak sa lupa ang mga ito. Sinaksak niya ang isa sa dibdib sabay bulong sa isa pa, apat na tikbalang agad niya napatay pero nagtataka siya pano nakalapit ang mga kalaban sa gitna ng gubat.
“Nakita niyo ba saan sila nanggaling?” tanong ni Chado at tulala parin ang mga babae. “Basta bumaba nalang sila galing sa puno” sagot ng isa kaya napating sa taas ang vampira at wala namang makitang iba pang nilalang doon. Nakaramdam ng kaba si Chado at di sya mapakali, habang ang lahat ng pwersa nasa labas ng gubat walang masyadong mandirigma sa loob.
Mabilis nawala si Chado, sinundo niya si Bombayno at mabilis sila bumalik sa sentro ng gubat. “Pare may nararamdaman akong kakaiba…alam mo na ang gagawin mo” sabi ni Chado at nagtakip na siya ng tenga niya. Napalingon si Bombayo at tinapik si Chado, “Di mo na kailangan magtakip pare, mga kalaban lang makakarinig nito” sabi ng vampira at huminga siya ng malalim at biglang sumigaw. “Chikitam chikititamtam patumpampam patumpam bodedege tumpampam patumpamdege!!!” sigaw ng vampira at napasayaw pa si Chado at bumulong, “ektasi…ekstano…ektasi…ektano” sabi nya at nagtawanan yung dalawa.
May mga nagbagsakan na tikbalang sa lupa at nagulat yung dalawa, mula sa ilalim ng lupa naglabasan ang mga tiyanak na nairita sa sigaw ni Bombayno. “Oh shwet…ang dami nila” sabi ni Chado. Muling sumigaw si Bombayno at nagtakip ng tenga ang mga kalaban, gumalaw agad si Chado pero sa sigaw ng vampira nasapawan ang importanteng sigaw na dapat na narinig nila.
Sigaw ng sigaw si Nella nang may lumabas na mga kamay sa lupa at humawak sa kanyang mga paa. Mabilis na winasiwas ni Tuti ang espada nya at naputol ang mga kamay pero mula sa lupa mas madami pang mga tiyanak ang nagsilabasan.
Nanginig si Paula pero ayaw na niya mapahiya, sumugod na siya at pinagtataga ang mga tiyanak, si Chiara mabilis naglabas ng mga kidlat mula sa kamay niya at pinagtitira ang mga kalaban, sigaw parin ng sigaw si Nella kaya lumipad sa ere si Yui at siya din nagpakitang gilas. Nagbagang dilaw ang buong katawan ng mahiwagang dwende at mula sa kamay niya mga lumabas ang mahiwagang pana, pinagtitira niya ang mga tiyanak, asintado ang dalaga kaya napatigil sa kasisigaw si Nella.
Napalingon si Nella sa paligid at nakita niya sina Tuti, Yui, Paula at Chiara na lumalaban. Pati ibang nilalang may hinaharap na masamang nilalang at siya lang ang nakatayong tila walang ginawagawa. Gusto niya ipikit ang kanyang mga mata pagkat di siya sanay sa mga nakikita niya, di makagalaw ang mga paa nya at napatingin nalang siya sa espadang hawak niya.
Magiting at matapang ang dating may ari nito, sinabi niya sa sarili niya na lalaban siya pero ngayon ang magaan na espada tila bumigat at di niya talaga maigalaw ang katawan niya sa takot. Tatakpan na sana ni Nella ang tenga niya para di niya marinig ang mga sigaw pero tumayo ang mga balahibo nya nang nakarinig siya ng bulong. “Esté valiente” sabi ng boses.
Napalingon sa paligid si Nella at napatingin kay Tuti, “Narinig mo yon? Ano ibig sabihin non?” tanong ng dalaga. “Ha? Wala ako narinig” sagot ni Tuti at tuloy ang pakikipaglaban.
“Esté valiente” muling narinig ni Nella pero ngayon di na siya natakot, paulit ulit niya ito narinig at parang habang tumatagal ay lumalakas ang loob niya. Huminga siya ng malalim at sumigaw “Anong ibig sabihin ng Esté valiente?!!!” sabay sinugod niya ang isang tiyanak na kalaban ni Tuti at sinaksak ito sa dibdib. Gulat na gulat ang vampira pero napangiti nalang pagkat parang gigil na gigil ang reyna lumaban.
“Walang form form at teknik pag totoong laban! Pano ko maalala yon e ang daming kalaban!” biglang sigaw ni Nella at natawa ang mga kasama niya. Pinanood nila magwala ang dalaga pero agad din lang tumakbo sa likod ni Tuti ng may lumabas na aswang. Natosta agad ang aswang sa kapangyarihan ni Chiara, “Di ako natakot, sa itsura lang niya kasi ang panget” palusot ni Nella at tuloy ang laban nila sa mga maliliit na nilalang.
Lumabas mula sa kweba ang mga punong nilalang at ipinatawag ang mga spellcaster upang magtago muna at magpahinga, nakita nila si Nella nakikipaglaban kaya naging kampante sila. Itinago nila ang mga spellcaster sa loob ng kweba at pati sila bumalik, nawala ang kweba sa paningin ng iba at nagkalabo labo na sa buong gubat.
Sa labas ng gubat nakabalik na si Carlos dala pa ang madaming itim na tikbalang, sinalubong sila ng kambal na tiyanak na bakla, duguan sila at hinang hina. “Madah shupewiow…helff” sabi ni Wawan. Isang senyas lang at may malaking manananggal na dumampot sa dalawa at nilayo. “Fagvavarayan ko sila! Sinaktan niyo ang mga veve kow!! Hala sige na mga fafa jombagin ang mga nilalang sa inside the forest!!! Hala GORA!!!” sigaw ng malanding tikbalang.
Nagbaksakan ang matataaas na puno kaya nakapasok ang sinag ng araw sa gubat, umatras ang mga vampira pagkat bigla sila nanghina. “Sige na doon na kayo sa gitna ng gubat, kami na ang bahala dito” sabi ni Wookie at tinaas niya ang manika niya at lumapit sa kanya ang isang daan na ligaw na espiritu. Pinagtuturo niya ang mga kalaban at isa isa sumugod ang mga espiritu para guluhin ang mga isipan nila.
“Sila nagsimula ha, sinira nila yung mga puno…kaya ako narin” sigaw ni Virgous at nagpasiklab na siya ng mga bolang apoy at pinagbabato ang mga kalaban. “Narinig niyo si Wookie diba? Sige na kami na bahala talaga dito” sabi ni Darwino na nakaupo parin sa likod ng lumipad na diwata.
Ang mga vampira mabilis na pumasok sa gubat upang di masilayan ng araw, ngunit may humarang sa kanilang itim na usok kaya napatigil sila. Mula sa usok nagsilabasan ang mga itim na tikbalang at nakarinig sila ng malakas na ubo. “Ah peste! Dami pa kasi pakulo, anyhoooo halloooshiii!! Mga gwafong vampira….aaww..jombaginesh silaaa!!” sigaw ni Carlos at anim na higanteng tikbalang ang humarap sa mga vampira. “Wooohoo mga disipulo di pangkaraniwang mga tikbalang yan, ago gumawa sa, sila ang mga TikiTiki boys kow…aha aha…sige mga fafa ichugi sila!!” hirit ng malanding tikbalang.
Bawat isang vampira may nakaharap na higanteng tikbalang, kung sana gabi lang para makalaban sila ng maayos madali lang nila matatapos ang mga kalaban nila. Tumakbo papasok sa gubat si Carlos dala ang iba pang mga tikbalang, “Ang reyna!” sigaw ni Bombayno kaya sinubukan niya gamitan ng sonic blast pero walang talab ito sa mga tikbalang. “Wala tayong magagawa kundi labanan ang mga iton kamao sa kamao…kung hindi lalo tayong manghihina…bilisan na natin at kailangan tayo ng reyna!” sigaw ni Louis at ang mga vampira lumaban. Di nila magamit ang mga kapangyarihan nila dahil sa sinag ng araw, normal nalang silang mandirigma sa lagay na ito ngunit lahat mabangis parin.
Sa gitna ng gubat nakaabot ang baklang tikbalang, humarap sa kanya ang mga mandirigmang diwata ngunit nagbigay lang ito ng isang flying kiss at nanginig sa takot ang buong kampo ng liwanag. Nakita nina Nella ang nangyari pero di sila naapektuhan, sinubukan nila tumakas pero nakita sila ni Carlos.
“Aha! Huli there you are!! Hmm…tama sila maganda ka…soooooo hate you na!!!” sigaw ng baklang tikbalang at sinugod si Nella. Madaming kasama si Carlos kaya naging abala si Chiara at Yui sa pagtitira sa kanila gamit ang kapangyarihan nila. Si Paula ang laking pagbabago at dalawang tikbalang agap na hinarap niya, “Tuti sa iyo na yang baklang yan!” sigaw ni Paula at biglang napatigil si Carlos at tumaas ang kilay nya.
“How dare you call me gay!!! I am a woman!” sigaw ng tikbalang pero agad siya nabuntal at nalaslas sa dibdib ni Tuti. “Araaawwwtttss naman!!!” sigaw ng tikbalang at nahawakan niya sa leeg si Tuti. Di makahinga si Tuti, nagbagang pula ang mata ni Carlos at biglang nanghina ang vampira. Nilapit ni Tuti ang kamay niya sa bibig nya inalis niya ang pustiso niya at binaon ito sa leeg ng tikbalang.
“Vyussseettt!!!” sigaw ni Carlos at naitapon niya sa malayong malayo si Tuti. Napahawak siya sa leeg nya pero nakita si Nella na muling nanigas sa takot. Tumawa ng malakas ang tikbalang lumingon at nagflying kiss at bagsak sa lupa sina Paula, Chiara, Yui at ang mga tikbalang niyang kasama. “Ahahaha…sa kamay ko mamatay ang reynang pangit…matutuwa si Monica sa akin at gagawin niya akong Princess…awww!!!” sigaw ng kapre.
Todo nangingig si Nella pero sinubukan niya itaas ang espada, hawak niya ito gamit dalawang kamay pero tumawa lang ang kapre. “Sige gora saksakin mo nga ako…ahahahaha…nakikita kong takot na takot ka…awwww..so sad…hmmm ano kaya…himay himayin ko muna ang hair mo para pumangit ka. Pero kailangan makilala ka ni Monica or else…kahit na tsugi ka!!!” sigaw ng tikbalang.
“Esté valiente” muling narinig ni Nella pero mas malakas ito. Napalingon sa paligid si Nella at hinahanap ang tila lumakas na boses. “Esté valiente” mas malakas na bulong at tumigil ang panginginig ni Nella at talagang hinahanap ang boses. Pati si Carlos napatigil at lumingon sa paligid, nakita niya sa malayo na wala nang natira sa mga tikbalang na at papalapit na ang mga vampira kaya hinarap na niya si Nella at naglabas ng itim na kutsilyo sa suot nya at binuwelo ang kamay niya para saksakin sa puso si Nella.
“Nella!!!” sigaw ni Mhigito pero di niya magawa gumalaw ng mabilis, tumawa ng malakas ang baklang tikbalang at napatingin nalang sa kanya si Nella.
“Esté valiente” mulint narinig ni Nella at pinikit na niya ang mga mata niya. Ang mga vampira wala magawa at tila nanghina habang papalapit sila sa tikbalang, kahit ilang beses nila isigaw ang pangalan ng dalaga nakayuko na ang ulo nito.
Parang bumagal ang mundo at napanood ng mga vampira ang tumatawang tikbalang na iwasiwas ang kamay niya, lalo sila nanghina nang pabalik na ang kamay ng tikbalang at sasaksakin na ang dibdib ni Nella.
Nakita nila na nagulat bigla si Nella at umangat ang kamay niya at sinaksak ang espada sa dibdib ng tikbalang. Umatras si Nella at di makapaniwala ang lahat sa kakaibang galaw niya. Ininda ni Carlos ang saksak niya sa dibdib at gulat na gulat sya sa dalaga, bigla nalang nilaslas ni Nella ang tikbalang, double X body slash sabay spinning head slash at natanggal ang ulo ng tikbalang.
Napanganga ang mga vampira sa nakita nila na ginawa ni Nella, isang galaw na nakita na nila ilang beses na ginagawa ni Paulito. Napakamot nalang sila pagkat matinding kalaban ang napatay ni Nella, naliit tuloy sila sa sandaling at pinagtatadyakan nalang ang mga nakahigang tikbalang sabay nagtawanan.
Tulala din si Nella na nakatitig sa ulo ng tikbalang, pero ramdam niya ang sumanib na espiritu sa kanya. Umalis sa katawan niya si Anhica at medyo nagulat ang dalaga nang makita ito. “Esté valiente…it means be brave…oo narinig ko din siya at di ko alam bakit parang sinasabi nito na sumanib ako sa iyo” sabi ng multo at biglang napaisip si Nella at tinignan ang espada. Ngumiti si Nella at tinignan si Anhica na ngumiti din sa kanya pero muli bumulong ang tinig na sila lang dalawa ang nakakadinig.
“Esté valiente”
(Me gustaría agradecer a señorita Anhica muy bonita por ayudarme en esta historia, Muchas gracias)