TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO
BY PAULITO
Chapter 14: Nagbabantang Delubio
Itim na mga ulap ang nakikita sa buong kaharian, pitong araw nang hindi nasisilayan ng lahat ang araw. Mga halaman tumamlay at mga hayop nagtago, nabalot ng takot ang mga mamamayan ng buong kaharian.
Sa mahiwagang gubat nagkalat ang mga santelmo upang magbantay at magbigay ilaw. Madaming nagkalat na ligaw na espiritu sa labasan ng gubat at sa loob lahat ng nilalang ay nakahanda at nag aabang pagkat ramdam nila ang paparating na delubio.
Sa tabi ng lawa nagtipon ang mga disipulo, lahat pinalibutan ang isang santelmo na nagsilbing bonfire nila. Tulog si Bashito at nakahiga ang ulo nito sa hita ni Chiara. Ang mga dwende pinagtritripan ang buhok nya at tinatalian ng maliliit na pink ribbons. “Ngoy pang ngakatungog ango wang ngyo ango nganyanging nga” sabi ni Ngyobert na lango nanaman sa alak at nagtawanan ang mga disipulo.
“Pssst” bigla nilang narinig at nagulat ang mga dwende. “Psst” sabi ulit ng boses at tumayo sa atensyon sina Darwino at Bobbyno sabay nagtago sa likod ni Louis. Nakarinig sila ng tawa sabay lumabas na galing sa likod ng puno si Anhica na ikinagulat ng lahat. Tawa ng tawa yung multo at si Nella, pero napansin ni Wookie ang reaksyon ng mga disipulo.
“Nakikita niyo siya?” tanong ng mambabarang at lalong dumidikit sa kanya ang mga disipulo. “Pare pare gamitan mo ng dolly dolly mo yung mumu” bulong ni Mhigito sa takot at natawa si Wookie. Tinulak ni Chado si Vandolphous para humarap sa multo, “Dali na gamitan mo ng powers mo” sabi ng vampira pero nagtakip ng mata ang artistahing disipulo at yumakap sa kanya. “Takot din ako ikaw nalang kaya” sagot ni Vandolphous at lalo pa tumawa sina Anhica at Nella.
“Relax, yan si Anhica, kakampi natin siya” sabi ni Wookie at nakitabi sa kanila si Nella at ang multo kaya lumayo konti ang mga disipulo. “Wookie bakit nakikita na nila ako?” tanong ni Anhica at napaisip ang mambabarang. “Di ko alam e. Baka may kaugnayan ito kay Fredatoria” sabi ni Wookie at biglang nagseryoso ang mga disipulo.
“Kaya nga kami pumunta dito dahil dyan. Nakwento ni Aneth sa akin na nararmdaman din nila ang pagbabalik ni Fredatoria. Nagtataka lang ako kung bakit nagkakatuwaan pa kayo dito imbes na nag aalala” sabi ni Nella. “At akala ko ba ang plano ay susugod tayo, ano pang ginagawa natin dito?” hirit ng dalaga.
“Nella, nagbago na ang plano mula nung naidagdag sa eksena si Fredatoria. The best way ay mag antay ng unang galaw nya. In short wala tayo magagawa kundi mag depensa” paliwanag ni Virgous. “Ano? Kokonti tayo sabi nila we need to go the the main forest para makakuha ng mga kasama, lalo lang tayo mamamatay pag ganito tayong nag aantay diba?” sabi ng dalaga. “Oo pero mahirap din ang sumugod mas malaki tsansa na mamatay tayo lahat” sumbat ni Bombayno.
“Pitong araw na wala gumagalaw sa atin dito, open na open tayo pagkat nagpapahinga pa ang mga spellcaster. Bumibigay na ang lupain ng kaharian, kailangan na ako sa palasyo para bumalik ang sigla ang kaharian. Nakalaban niyo na siya noon, napatay niyo pa, o bakit parang takot na takot kayo?” sermon ni Nella at tahimik lang ang mga disipulo.
“You all did it before, I know kaya niyo ulit. Kung dati kayo kayo lang, this time nandito naman kami ah. This time madami tayo naman, kung ganyan ang pinapakita niyo e di lalo mawawalan ng lakas ng loob ang karamihan. Lahat bilib na bilib sa inyo tapos ganyan kayo” drama ni Nella bigla at pasimple silang nagkindatan ni Anhica.
Nagkatinginan saglit ang mga disipulo sabay nagtawanan, “Shwet you sound just like him, mahilig siya magdrama at mangonsensya nung una ahahahahha” sabi ni Wookie. “Oo nga e, dinadaan tayo sa drama kumakagat naman tayo” sagot ni Louis at lahat nagtawanan. “Teka teka teka, so nung una tinatawanan niyo siya as leader niyo? E bakit…nung meron pa siya e isang tingin niya lang sa inyo parang natatakot kayo sa kanya o sinusundan niyo agad siya?” tanong ni Nella at napangisi ang mga disipulo.
“Kasi ni minsan hindi siya nagkamali. Nung una pag may sasabihin siya di namin ginagawa, pumapalpak kami pero di niya dinidiin sa mukha namin ang nagawa namin. Tahimik lang siya, oo ilang beses beses din kami sumuway at first, lagi palpak kinalabasan pero di sya man lang nagyabang. Napansin namin na tama siya sa lagi kaya sinunod namin mga utos nya. Eto alamat kung tatawagin, kaya alam mo na sa bawat utos niya para sa lahat yon, nakuha niya respeto namin” kwento ni Chado.
“Ang di niya lang mabago ang pagkalasenggo ni Ngyobert at pagkangongo nya” banat ni Darwino at nagtawanan bigla ang lahat. “Pagkaantukin ni Bashito!” sigaw ni Bobbyno. “Pagkaduling ni Vandolphous!” hirit ni Sarryno at nagkatuwaan sila lahat bigla. Bumangon si Bashito at nagkamot ng ulo, “Hairstlye ni Wookie” sabi nya at lahat napatingin sa mambabarang at tumawa lahat. “Hoy nagkukunwari kang tulog sa legs ni Chiara ha animal ka!”sumbat ni Wookie at ngumiti si Bashito pero siniko ng diwata ang ulo ni Bashito kaya napahiga ito sa lupa. “O ayan tulog” sabi ni Chiara at lalo pa sila nagkatuwaan at tuksuan.
Nang humupa ang tawanan lahat napatingin kay Nella, tumayo lahat ng disipulo sabay lumuhod sa isang paa. “Mahal na reyna, alam ko narinig niyo yung sinabi ni Paulito sa amin doon sa bundok. Pero sa totoo mas komportable kami kung may namumuno sa amin. Nasanay na kami sa ganon na teamwork. At nais namin ipaalam sa iyo na you really remind us of him…so in line with this nag agree kami lahat na ikaw ang magiging bagong pinuno ng mga disipulo” sabi ni Louis at niyuko nya ulo nya at gumaya ang mga disipulo.
Gulat na gulat si Nella at napatingin siya kay Anhica, “Ah…hindi ako marunong lumaban talaga e” sabi ng dalaga. “At pano kung mali ako lagi e pano na?” hirit nya at lahat napatingin sa kanya. “Este Valiente” bulong sa kanya ni Anhica at huminga ng malalim ang dalaga at tinignan ang mga disipulo. “Sige, makikinig kayo sa akin?” biglang taray ni Nella. “OO” sabi ni Wookie.
“Fine, may plano ako, gusto ko susugot tayo pero bago ko sabihin ang plano ko ay may mga kahilingan ako” sabi ni Nella at nakinig ang mga disipulo. Dumating si Yui at tumayo sa balikat ni Nella at bumulong. Bumulong din sina Paula, Chiara at Anhica at napangisi ang reyna.
“Wookie magpagupit ka, para kang dugyot sa buhok mo. Ikaw Ngyobert tigil mo yang pag iinom mo, o kundi papalitan ko pangalan mo sa Ngyoogi Man. Kayong dalawang dwendeng manyakis mag ayos ayos ko. Ikaw Bashito tulog ka ng tulog, Vandolphous wag masyado mafeeling naman. Chado, ano ba talaga? Bakit ang hinhin mo at napakahiyain? Sarryno alagaan mo naman yang mga garapata mo! Bombayno wag mo ubusin ang mga itik, at wag kang tatawa diyan Virgous, itigil mo ang paglalandi mo sa mga sirena at pinapakulo ang tubig ng lawa namamatay ang mga isda”
“Mhigito isa ka pang manyakis ka, wag mo ginagamit ang bilis mo sa pamboboso. Ikaw naman Louis wag na wag mong gagayahin ang katawan at itsura namin, akala mo di namin alam ha. Tuti ikaw kasama ka dito, ipaayos mo na nga yang pustiso mo. Yun lang so now makinig kayo sa plano ko” sabi ni Nella at tulala ang mga disipulo na nakatingin sa kanya.
Sa loob ng kweba natutuwa ang mga punong nilalang sa pakikinig sa plano ni Nella. Pinapanood nila siya sa isang mahiwagang bola ng mambabarang. “Alam mo sa tingin ko itong plano niyang ito magtatagumpay” sabi ng mambabarang at nagtawanan ang lahat. “Oo nga e, may magandang pakiramdam ako pero naaliw sa kanya at nakakisip sya ng planong ganyan” sagot ni Aneth.
“Matagal narin akong di nasasabak sa gera parang gusto kong sumama” sabi ni Dag-ol at lahat napatingin sa kanya. “Lead by example” sabi ni Leonardo at pati sya nag iinat inat kaya tumawa ang lahat. “Ayaw ko din naman na nakaupo lang tapos pinapanood sila, sasama din ako” sabi ni Aneth at nagtayuan ang mga nilalang at sumang ayon sa kanya. “Oo tara na at ipaalam natin sa reyna ang intensyon natin para maayos niya ang plano niya” sabi ni Dag-ol at lahat sila nagtungo kay Nella.
Kinabukasan nagtipon ang lahat ng mandirigma sa gitna ng gubat, kapansin pansin ang bagong anyo ni Ngyobert, di nakainom ang kapre at puno ang katawan niya ng body armour. May hawak syang malaking espada at sa balikat niya nakatayo si Leonardo ang nadwendeng kapre. Sa likod nila ang mga mandirigmang kapre na lahat may gigil sa mukha nila.
Sa isang sulok nakatayo si Vandolphous, hawak hawak ang isang maliit na salamin at inayoos ang buhok nya. Sa likod nya ang mga dati nilang kalaban na mga tiyanak, manananggal at mga aswang na nahulog sa bitag ng kapangyarihan niya.
Sa isang sanga nakatayo si Wookie, nakaayos na ang buhok nya sa pormang dreadlocks, halos natawa ang lahat pagkat pati manika niya ganon din ang ayos ng buhok. May mga ligaw na espiritu na nagpapalibot sa buong katawan nya at kausap nanaman niya ang sarili nya.
Pero karamihan ng atensyon ay nakay Nella, taas noo siya at halata sa mukha niya ang katapangan. Sa balikat nya nakatayo si Yui, sa bawat tabi nya nandon si Chiara at Paula. “Alam ko kokonti lang tayo pero naniniwala ako na magtatagumpay tayo! Wala na tayong oras na pwede aksayain, nahihirapan na ang lumapain dahil sa sumpa. Kailangan natin umaksyon na!” sigaw ng reyna.
“Sama sama tayo lahat, didiretso tayo sa gumat ng mainland para maghikayat ng mga makakasama pa. Kung wala man tayo makumbinsi diretso na tayo sa Palasyo upang makuha ang corona! Tara na!!!” sigaw ni Nella at nagsigawan ang lahat. Naglakbay na sila patungo sa mainland, at si Nella nakasakay kay Bashito na naka anyong kabayo.
Lahat desidido at tila nakikisama ang panahon sa kanila pagkat sumisilip ang araw sa gitna ng mga maiitim na ulap sa kalangitan. Mga nagtatagong mga hayop nagsilabasan para panoorin sila at tila nagbibigay pugay sa matatapang na mandirigma.
Ngunit sa ilalim ng palasyo at dinig na dinig ang malakas na tawa ni Monica habang nanonood sya sa dalawang crystal balls niya. “Ahahahahhaa ang kapal ng mukha mo Nella! Nakakatuwa ka! Ano naman magagawa ang ganyan kakonti? Pwes yan ang ginusto mo kaya sige, mga damuho! Pasok dito!!!” sigaw ng bruha at nagbukas ang pinto at walong nilalang ang pumasok.
“Kayong walo, panoorin niyo ito dali” utos ng bruha at lumapit yung wala at nanood sa mga crystal balls. Nanggigil bigla ang mga vampira at hunter sa nakita nila pero agad napatingin sa magandang bruha. “Sabi ko sa crystal balls wag sa legs ko!” sigaw ni Monica at napayuko ang apat kaya natawa ang mga elemento.
“Kahit apat lang kami kaya namin mga yan” payabang na sinabi ni Lucio. “Hoy wag ka mayabang!” reklamo ni Jepristo at nagkagirian na sila pero sadyan malakas ang mga elemento kaya tumawa ng malakas si Monica. “Yan ang gusto ko, yan ganyan kaya ipapadala ko kayo doon. Ubusin niyo sila at wala kayo dapat itira ni abo. Para sigurado ipatawag niyo ni Aldhabest at mga ibang tropa at wag na wag niyo sila padapuin sa gubat na yon. Naiintindihan niyo ako?” sabi ng bruha.
“Sabi ko sa iyo kaya na namin kaming apat lang at di na namin kailangan tong mga kutong lupa na ito” hirit ni Lucio pero tumaas ang kilay ni Monica kaya natahimik sila. “Kesyo kaya kesyo kesyo! I want to get the jobe done at once! Kaya itigil niyo yang bangayan na yang kung hindi mapapagaya kayo sa kanya” sabi ni Monica sabay napatingin sila sa tiyanak na nakadikit sa dingding.
Wala magawa ang walo kaya lumabas sila ng kwarto at si Monica bumalik sa trono niya at pinanood ang mga larawan sa bola. “Nella Nella Nella, bakit parang di ako mapakali sa plano mo…bakit ang tapang mo masyado at susugod ka?” sabi ni Monica at napaisip siya.
Sa labas ng mahiwagang gubat ng Mainland ay nakatayo si Aldhabest, kasama niya ang mga itim na kapre at di sila makapasok sa gubat. “Ano ba ang nakatago sa loob dito kasi?” sabi ng itim na kapre sa sarili nya kaya lalo siya naintriga. Kahit anong gawin nila di talaga sila makapasok tila may pwersang nagpipigil sa kanila.
Sa bahay ni Nella hingal na hingal si Leonardo at sinalubong siya ng isang lumilipad na diwata para buhatin siya. “Nahalata ba nila ang pagtakas mo?” tanong ng diwata. “Hindi, akala nila sumama ako, kumusta siya?” sagot ng dwendeng kapre.
“Walang pagbabago, ewan ko ano kasi teorya naisip ni Wookie e mukhang patay naman to” sagot ng isang dwende. “Di ko din alam pero naniniwala ako kay Wookie, pero sana magising siya pagkat kailangan natin siya talaga” sabi ni Leoardo at pinagmasdan nila lahat ang nilalang na nakahiga sa ilalim ng kama ni Nella.
“Buti nautusan mo kami agad magpunta sa bundok, nagmadali kami pagkat nasense namin na may paparating na iba. Wag kang mag alala nag iwan kami ng mga abo don para magmukhang pumanaw na siya talaga” sabi ng isa pang diwata.
“Kung patay ka bakit di ka pa inaagnas…nasilayan ka ng araw di ka din naagnas…kung ligaw man ang espiritu mo sana makabalik na siya. Paulito bumalik ka na kailangan ka namin naririnig mo ba ako Paulito” sabi ni Leonardo.
“Baka hindi pa ito ang tamang oras…he will come when he is needed”