TWINKLE TWINKLE
BY PAULITO
BY PAULITO
Chapter 13: Reyna ng Kadiliman
Sa labas ng palasyo nagtipon tipon ang maraming tao at mga nilalang na nakatira sa Plurklandi, tumayo sa balkoniya ang impostor na hari.
“Mga mahal kong kababayan, mga tao at nilalang, nakatayo ako dito sa harpaan niyo upang sabihin sa inyo na may paparating na mga grupo ng mga nilalang na nais sirain ang kapayapaan sa ating bayan. Alam ko nagagalit kayo sa aking mga ipinapagawa ngunit sa totoo pinaghahandaan ko lang itong araw na ito” sigaw ng hari.
“Pasensya na kayo at di ko agad sinabi at siguro di niyo ako nagustuhan sa mga ginawa ko. Oo kinuha ko ang iba sa inyo at binigyan ng kapangyarihan upang ipagtanggol ang ating kaharian. Oo naging marahas ang iba ngunit silay aking pinarusahan na. Pangako ko sa inyo pagkatapos nitong laban ibabalik ko din sila sa inyo”
“Pakiusap ko lang maging alerto, ang mga tinutukoy kong mga kalaban ay yung mga tao at nilalang na nakatira sa dulo ng kaharian. Gagawin ko ang lahat sa aking kapangyarihan na ipagtanggol kayo at ang ating mahal na kaharian. Kita niyo naman ngayon di ko suot ang aking corona, oo ngayon araw na ito isa lang akong mamamayan na tulad niyo na nagmamahal sa ating kaharian. Saka ko nalang ibabalik ang corona sa ulo ko kapag ligtas na tayong lahat sa kapahamakan”
“Kaya pakiusap ko magsamasama tayo lahat upang puksain itong nangangambang panganib sa ating kapayapaan. Kung magtulungan tayo at magsamsama manunumbalik sa tahimik ang Plurklandia!!!” sabi ng impostor na hari at nagsigawan ang mga tao at sumang ayon sa kanya.
“Kaya imbitado kayo lahat sa isang salo salo, sa mga di nakadalo dito dadalhan ng mga tauhan ko ng pagkain. Ihahanda na ng mga silbidor ang pagkain kaya pakiantay nalang. May aasikasuhin lang ako sa saglit at makikikain ako sa inyo!” sabi ng hari at lalong natuwa ang mga tao at nilalang.
“Suhol…pero in fairness naniwala sila sa walang kwentang tulad mo” bulong ng ng impostor na reyna. “Tumigil ka nga at ngumiti ka naman at kawayan sila” sagot ng hari at naupo na siya at tinignan ang reyna. “Ang corona sinubukan ko isuot kanina umaga tignan mo sinugat ang ulo ko, ano bang ginagawa mo? Dapat patay na yung Nella na yan” sabi ng hari at tumaas ang kilay ng reyna.
“Wag na wag mo ako didiktahan. Makikain ka ng mag isa mo kasama mga yan at madami pa ako aayusin” sagot ng reyna at tumayo sya at umalis. Pagkapasok ng palasyo nagbago ang anyo ng reyna, humaba ang buhok nya at lahat ng gwardya napatingin sa mala diyosang ganda ng bruha. “Ano tinitignan tignan niyo?!” sigaw ni Monica at tumayo sa atensyon ang mga gwardya.
“Ahahaha…what are those? Little pyramids…hmmm…che! Mag ayos nga kayo!” sigaw ng bruha at dumiretso na siya sa ilalim nag palasyo. Madilim ang kwarto pero sa isang palakpak lang ni Monica biglang nagliwanag ang kwarto. Naupo siya sa isang trono at isa pang palakpak at nagbukas ang isang pinto.
Dahan dahan pumasok ang dalang tiyanak at nakayuko ang ulo nila. “Mahal na reyna…wala na si mama Carlos” bulong ni Wan at tumaas ang kilay ni Monica at napasigaw ng malakas. Sabog agad ang ulo ni Wan at nanginig sa takot si Wawan na napaupo sa sahig. Tinuro ng bruha ang tiyanak at bigla ito umangat sa ere at napahawak sa leeg niya. “Anong nangyari?” tanong ni Monica.
“Ang dami dami niyo tapos hindi kayo nagtagumpay?!!” sigaw ng bruha at napasigaw ang tiyanak at napadikit sa dingding. “Sowweeee…nachugi si mameee…malakas ang dishipulooowsss” sabi ni Wawan at lalong nainis si Monica at nilapitan siya. Nilabas niya ang isang daliri nya at sa dulo nito itim na apoy ang lumabas at dinikit ito sa dibdib ng tiyanak at nagsisigaw ito. “Ssshhhh…pag nag ingay ka lalo kita sasaktan…hmmm…diyan ka muna” sabi ng bruha at bumalik siya sa trono niya.
“Wag na kayo magtago tago pa dyan sa pinyo kayong apat! Pasok dali!” sigaw ng bruha at pumasok sina Joule, Jeprisito, Eric at Jepong, lahat nakayuko ang ulo pero mabilis din silang napadikit ni Monica sa dingding at napahawak sila sa leeg nya. “Palpak din kayo alam ko!” sabi ng bruha at nanlisik ang mga mata nya.
“Wala kasi sa una pero pumunta kami sa bundok….” sabi ni Eric pero lalo nasakal ang leeg nya. “Mga estupido!!! Bakit di kayo nakapag antay tignan niyo ang nangyari. Bakit pa kayo pumunta sa bundok na yon?!!!” sigaw ni Monica at yung apat hirap nang huminga sa lalong pagsakal sa leeg nila.
May nilabas si Jeprisito sa bulsan niya at inabot kay Monica, sinilip ng bruha ang laman ng bag at nakita ang mga abo. “Punong disipulo” bulong ni Jepong at nanlaki ang mga mata ni Monica at biglang tumawa. “Ito nalang ang natira sa punong disipulo? Ahahahaa fantastic…may silbi din pala kayo” sabi ni Monica at nagtungo siya sa isang malaking bato na hugis batya at pinasok ang kamay nya at napuno ito ng tubig. Bagsakan ang apat sa lupa at naghabol ng hininga.
“Kayong apat magpasok kayo dito ng apat na preso dalian niyo!” sigaw ni Monica at pinaglaruan niya ang tubig at pabulong na nagdadasal. Pinikit ni Monica ang mga mata nya at nagbuhos ng konting abo sa tubig. "los espíritus oscuros vienen a" bigkas niya paulit ulit at palakas ng palakas at nagsimula kumulo ang tubig.
Naipasok ng mga vampira at hunter ang apat na taong preso sabay pinalinya sa likod ng bruha. "los espíritus oscuros vienen a" muling binigkas ni Monica at biglang nagdidilim ang mga ilaw sa kwarto, "los espíritus oscuros vienen a!" sigaw nya at apat na itim na espiritu ang lumabas mula sa tubig at tumawa ang bruha ng malakas.
“Mga itim na espiritu ako ang nagpatawag sa inyo, saniban niyo itong apat na alay ko at palakasin niyo sila. Bibigyan ko kayo ng pagkakataon upang mabuhay muli at maghasik ng lagim ngunit sa isang kondisyon…susundin niyo ang utos ko!” sabi ni Monica at lumapit ang isang espiritu sa mukha niya. “At kung hindi?” tanong ng espiritu at nilagay ng bruha ang kamay nya sa tubig at napasigaw sa sakit ang espiritu. “Susundin niyo ba ako o hindi?” sumbat ni Monica at mabilis na sumanib ang mga espiritu sa mga tao.
Sabay sabay na sumigaw ang apat na preso at may ibang kulay na espiritu ang lumalabas sa katawan nila. “Katawan namin yan bakit iba ang gumagamit?” reklamo ng isang espiritu ngunit ngumiti lang ang bruha at nawala ang apat na puting espiritu. Isa isang tumayo ang apat na preso at nag inat ng katawan.
“Ahahahahaha…bilib ako sa iyo at di ko alam pwede pala mangyari ito. Pwes sige susunod kami sa iyo, oo nabasa ko na ano gusto mong ipagawa kaya ituro mo nalanag ang direksyon para matapos na ito” sabi ng isang preso. “Hmmm…wag muna…gusto ko muna magpalakas pa kayo ng todo pagkat ayaw ko ng kapalpakan” sagot ni Monica at ang apat na preso napangiti sa kanya.
“Kaakit akit ka alam mo ba yon, magpapakilala muna ako sa iyo…ako si Lucio ang taong may kapangyarihan ng apoy. Eto mga kasama ko, si Windro ang nagmamanipula ng hangin, si Erasio ang namamahala sa lupa at si Brauio ang tagapamahala ng liwanag. Kami ang mga nilalang na element at nabibighani kami sa iyo…pwede ba malaman ang pangalan ng muling nagbuhay sa amin?” sabi ni Lucio at tumawa si Monica.
“Sino bang hindi naakit sa akin? Ako si Monica ang magiging reyna ng kaharian na ito…di niyo na kailangan magpakilala pagkat kilala ko kayo…pag ako sa inyo lumayo layo na kayo sa kwartong ito at sumama sa apat na yan sa likod niyo kung hindi baka di makapagpipigil ang susunod na espiritung ilalabas ko…remember sino ang pumuksa sa buhay niyo?” landi ng bruha sabay tumawa.
Nabalot ng takot ang mga mukha ng apat na taong elemento at nagmadali silang lumabas ng kwarto kasama yung mga vampira at hunter. “Mama Monica ako din lalavas din akow” sabi in Wawan pero biglang nagalit ang bruha at nilapitan siya. Muling nagliyab ang isang daliri ni Monica at tinusok niya ang dibdib ng tiyanak. Nagpigil sa sigaw si Wawan at naluha na siya, “Bawa oras tutusukin kita…pag nag ingay ka dodoblehin ko…wag kang maingay diyan at manood ka lang!!!” sermon ng bruha.
Bumalik si Monica sa kanyang mahiwagang lababo at binuksan ang bag. Pinuno nya ng abo ang isang kamay nya at inamoy ito. Tumaas ang kilay nya at inamoy ulit at pinagmasdan ang mga abo. “Shweetttt!! Mga mangmang talaga kayo!!!” sigaw ng bruha at nagliyab lahat ng daliri niya at hinarap ang tiyanak at pinagsasaksak. “Wala na kayong ginawang tama!!!” sigaw nya at di nakayanan ni Wawan ang parusa kaya sumigaw na ito sa sakit. Gigil na gigil si Monica at pinagmasdan ang patay na katawan ng tiyanak. Hinawakan niya ang puso nito at bigla nalang nabuhay ulit ang tiyanak. “Mabuhay ka pa at paparusahan ulit kita mamaya…pwes pwede parin naman kasi may konti” sabi ni Monica at bumalik sa lababo niya.
Nilabas niya ang abo sa bag at kinalat sa mahiwagang lalabo, kumuha siya ng kutsilyo at sinugatan ang kamay nya. Pinapatak nya ang treseng patak ng dugo nya saka nagdasal "los espíritus oscuros vienen a.” Palakas ng palakas ang bulong niya hanggang sa kumulo ang tubig. Huminga siya ng malalim at biglang nagbago ang ihip ng hanging sa kwarto.
"El espíritu perdido de Fredatoria me viene!" sinigaw niya at biglang namatay ang lahat ng ilaw sa kwarto at nabalot ito ng kadiliman. "El espíritu perdido de Fredatoria me viene!" muling sigaw ni Monica at napakalakas na malamig na hangin ang bumalok sa kanya. "El espíritu perdido de Fredatoria me viene!!!" sigaw in Monica at biglang may malakas ng tawa na narinig sa buong kwarto.
Mula sa lababo may pula na espiritung lumabas at nagliwanag ang kwarto. Napaatras sa takot si Monica sa malakas na aura ng pula na espiritu. “Hahahaha alam mo naman na di kita kayang saktan pagkat ikaw ang nagbalik sa akin…hahahaha pero natatawa ako at inaasahan ko ang sugo ko ang magbabalik sa akin at di isang…bruhang tulad mo” sabi ng espiritu at nilapitan si Monica.
Di makapagsalita si Monica sa nararamdaman niyang kapangyarihan ng espiritu, “Babae! Nasan ang katawan na sasaniban ko?” tanong ng espiritu. “Ah…wala…sasanib ka sa akin at magsasama ang kaluluwa natin” sabi ng bruha at tumawa ng malakas ang espiritu at lalo pang nagliwanag ang kwarto sa pagbaga ng espiritu. “Ikaw? Hahahaha…hmmm…pagsisibakin mo ba ako ng kahoy?” tanong ng espiritu at tumawa si Monica. “Pagkatapos ko maging reyna hahanapan kita ng katawan na pwede mong saniban” sagot ng bruha.
“Hmmm…alam mo naman iisa lang ang katawan na gusto ko…alam mo ba nasan siya?” tanong ng espiritu. “Hindi pero mahahanap din natin siya” sagot ni Monica. Pumasok sa katawan ng bruha ang pulang espiritu, napaluhod si Moniga at nagbagang pula ang mga mata nya. Napasigaw siya ng malakas at yumanig ang lupa ng buong kaharian. Tumayo dahan dahan si Monica at tinignan ang mga kamay niya. “Hahahaha…tunay na malakas ka…nararamdaman ko ang kapangyarihan mo…pero nagkamali ka ahahaha wala akong balak pakawalan ka pa…ako na ang Reynang Fredatoria!!! Monica reyna ng Fredatoria!!!”
Sa mga sandaling yon sa mahiwagang gubat napakapit sa lupa si Nella habang yumanig ang lupa. Ilang segundo tumigil ang pagyanig at ngumiti siya, “Wow matagal na akong di nakaramdam ng lindol” sabi ni Nella habang binababad niya ang paa nya sa tubig ng lawa. Naglakad lakad si Anhica sa may tubig at nakatingala sa langit.
“Anhica di mo pa sinasagot tanong ko, bakit buhay ka pa?” tanong ni Nella at tinignan siya ng multo. “Bakit dinadasal mo ba na mawala na ako? Masama parin ba loob mo sa akin kahit ginagawa ko lang trabaho ko noon?” sumbat ng multo. Napabuntong hininga si Nella at nagsimangot. “Wala naman akong sinabing ganon, nagtatanong lang ako bakit buhay ka pa kasi diba sabi ni Wookie na tatlong araw ka lang dapat. E limang araw na at buhay ka pa” sabi ng dalaga.
“Hindi ko nga din alam e…yun din alam ko after three days…di ko alam” sabi ni Anhica. “Pero bakit tayo lang nakarinig ng bulong na yon…bakit tayong dalawa lang?” tanong ng dalaga. “Ewan ko e, nandito lang ako non nung una kong narinig, inaantay ko ang paglaho. Nung narinig ko yon di ko alam bakit ikaw una kong naisip, parang may humila sa akin papunta sa iyo para sumanib” sagot ng multo.
Napatingin si Nella sa espada sa tabi nya sabay hinawakan ito, “Ikaw nagkontrol sa katawan ko dun sa tikbalang, ang alam ng lahat ako lang mag isa pumaslang don. Parang nakuha ko ang respeto ng mga taga dito dahil don pero ikaw naman ang may gawa non” sabi ni Nella. “Hindi ako mandirigma, di ko din alam pano ko nalaman yung mga galaw na yon…pero siguro naaral ko yon habang nagsanib ang kaluluwa namin ni Paulito” sabi ni Anhica at nagulat si Nella.
“So ibig mo sabihin may natira pang kaluluwa ni Paulit sa iyo?” tanong ng dalaga. “Hindi, parang naaral ko yung laman ng isipan niya…kung iisipin ko wala ako maalala pero di ko alam bakit nung sandaling yon bigla nalang alam ko gagawin ko. Siguro ganon yon” sagot ng multo at napaisip si Anhica. “Sana wag ka nalang mawawala…magmamadamot ako ha, pwede ba tulungan mo ako lagi pag may laban. Kasi sa totoo takot ako pero gusto ko din maging katulad si Paulito. Ok lang ba sa iyo?” tanong ni Nella.
“Payag ako para naman magkaroon ako ng silbi at di nalang masama ang tingin sa akin ng iba” sabi ni Anhica. “Ha? Nakikita ka ng iba?” tanong ng dalaga. “Oo si Wookie at ang mga diwata, yung iba hindi na” sagot ng multo at tumawa si Nella. “Halika sama ka at bawian natin yung manyakis na dwendeng yon” sabi ng dalaga at natawa si Anhica na sumama sa kanya.
Sa malayo nakatayo si Wookie na pinagmamasdan ang bawat galaw ni Nella at Anhica nang may bumapo sa balikat niya. “Namboboso ka nanaman” sabi ng dwendeng kapre. “Leonardo, sana di ka na ibalik sa dati mong anyo” biro ni Wookie at nainis ang kapre. “Nagpapahinga ang mga vampira kaya kami muna ang nagbabantay, natoka ako magbantay ng reyna. Ano kumusta ang lakad mo?” sabi ni Wookie at natawa si Leonardo.
“Tsismoso talaga yang mga espiritu mo, pero oo nailipat namin siya ng maayos. Buti tinimbrehan mo ako” sabi ng kapre. “hinala ko lang yon di ko akalain na totoo, pero malinaw na ang lahat” sagot ng mambabarang. “Oo pero alam mo naman na kailangan natin isikreto pa iyo, di pa natin alam sino ang nabuhay” bulong ni Leonardo. Huminga ng malalim si Wookie at pinagmasdan ang dalawang dwendeng tumatakbo sa takot, nakita niya si Nell at Anhica na tawa ng tawa kaya pero napasimangot siya.
“Kailangan natin siya pagkat nararamdaman ko na may nagbuhay kay Fredatoria” sabi ni Wookie at nagulat ang dwendeng kapre. “Pano mo nalaman?” tanog ni Leonardo.
“Ngayon ko lang muling nakitang takot na takot ang mga espiritu…buhay si Fredatoria…di natin kaya pag wala siya”