Resbak
by Jonathan Paul Diaz
Chapter 1: Magic WallKinabukasan tumambay ulit si Raffy sa terrace ng second floor. “Yo dude tapos ka na ba?” tanong ni Greg na biglang sumulpot. “Shhh wag ka maingay tinetesting ko mga mata ko” sagot ng binata. Dalawang kamay nakatakip sa mata ni Raffy, isa isa niya binubuksan kaya natatawa si Greg sa kanya. “Dude what are you doing?” tanong niya.
“Dude, kita mo yung babaeng naka floral skirt? Ano kulay ng sapatos niya. Red ba?” tanong ni Raffy. “Oo naman, bakit?” sagot ni Greg. “Okay so kaya ng mga mata ko up to that far. Siguro fifty feet away siya ano? So what if mas malayo” sabi ng binata at naghanap ng ibang tao sa malayo. “Bakit something wrong with your eyes?” tanong ni Greg. “I think so…ayan siya ulit” bigkas ng binata sabay turo sa magandang babae na nakita niya kahapon.
“Wow she is pretty” sabi ni Greg. “Nakikita mo siya? Sixty feet or more away yan diba? Babae ba talaga siya?” tanong ni Raffy at natawa ang kanyang bagong kaibigan. “Oo naman dude at maganda siya” sagot ni Greg. “Wait, short hair right? Tapos light blue suot niya tapos dark jeans tama?” tanong ni Raffy. “Oo dude. Wala naman ata sira mga mata mo e” sabi ng kaibigan niya. “Sige pre habulin ko pa siya” sabi ng binata sabay kumaripas ng takbo palabas ng campus para habulin yung babae.
Binilisan ni Raffy ang pagtakbo. Mas nakalapit siya ngayon sa dalaga at nakita talaga niya nagpakanan ito sa kanto. Pagdating ni Raffy sa kanto ay hingal na hingal ito at wala na ulit yung babae. “Imposible! Imposible!” sigaw niya at pinagsisipa yung mga pader ng mga building at naghahanap ulit ng entrance. “Imposible! Walang ladder! Walang secret door. Imposible!” sigaw niya at minasahe niya mga mata niya saglit pero may dalawang binata na nakatayo sa kanto at pinapanood siya.
Napahiya siya konti kaya inayos ang sarili at huminga ng malalim. Pansin niya di umaalis ang dalawang binata at parang inaantay siya umalis. “Sensya na stressed lang ako, stage play actor ako sa school” banat niya sabay naglakad palayo. Nang makalayo konti ay nilingon niya yung dalawang binata at nakita niyang nandon pa sila pero talagang inaantay siya makalayo ng todo.
Humarap si Raffy pero mabilis na lumingon. Wala na yung dalawang binata doon kaya tumakbo siya pabalik at muli siyang nagalit pagkat wala din sa dead end ang dalawang binata. “Aha! May secret passage dito! Hello?! Buking na kayo! Gusto ko lang malaman yung pangalan nung babae na pumasok kanina! Hello?” sigaw niya. Nag antay siya ng sagot, naupo at pinagmasdan ang paligid.
“Focus Raffy…observe closely. If there is a door there is always a hinge so look for it” sabi niya sa sarili sabay tawa. Trenta minutos na paghahanap at para na siya masisiraan ng bait. Nagpasya nalang siya umuwi para doon mananghalian.
Over lunch di makalma ang isipan ng binata. “Mom and dad my eyes are fine. I followed her again today and I really saw her turn right. Of course pagdating ko doon wala na siya. But wait there’s more!” sigaw ni Raffy at natawa ang magulang niya pagkat may excitement ang binata sa mukha. “I do believe that there is something fishy in that dead end. Siguro day club yon at may hidden entrance” dagdag niya.
“What is a day club?” tanong ni Violeta. “Ma it’s the opposite of a night club. Kasi po after a while there were two guys who waited for me to go far away. Paglingon ko wala narin sila. So sure ako may secret entrance don. Ano tinatago nila? Ewan ko pa pero malalaman ko din yan kasi mahahanap ko din yung entrance” sabi ni Raffy.
“At ano naman ang iniisip mong mahahanap mo don?” tanong ni Phil. “Ewan ko dad pero siguro parang social club or social group yon of students. Kasi look si miss beautiful di naman mukhang adik. Ganda nga niya e at yung two guys mukhang decent naman. So in my opinion I think that secret place is for the…elite? Ewan ko mukhang mayaman si pretty girl at yung two guys e. So siguro mayaman sila at may underground tambayan sila. Ayaw ko sana hanapin kasi gusto ko lang makilala si pretty girl pero curious na ako tuloy” paliwanag ni Raffy.
“So hindi ka ulit naka enroll. Okay we give up mukhang mas gusto mo talaga dito sa malapit. So be it” sabi ni Phil. “No dad mag eenrol ako doon. Relax dad may three days pa. I promise to enroll in that school. Dati ayaw ko pero she is there. Two days in a row I saw her and take note what I felt yesterday I felt again today. Baka we were meant to be” sabi ni Raffy sabay ngisi.
“Meant to be di mo pa nga kilala” sabi ni Phil. “At hindi mahabol” dagdag ni Violeta at nagtawanan yung dalawa. “Pinagkakaisahan niyo ako ha” sabi ni Raffy. “Anak at first sight you cannot say that you two were meant to be agad. You only say that you were meant to be when you two are already old and still together holding each other’s hands” sabi ni Violeta sabay hawak sa kamay ng asawa niya.
“So di pa kayo masyado matanda we still cannot say meant to be kayo ganon?” banat ni Raffy. “Never pa namin sinabi ng mommy mo na we were meant to be pero pangako ko hindi ko bibitawan kamay niya up to that day we can say that we were meant to be” sabi ni Phil. “Makikilala ko siya at magiging friends kami. Liligawan ko siya tapos hahawakan ko kamay niya at gagayahin kita dad pero mas daring ako sa iyo at sasabihin ko agad we are meant to be. Hindi ko na aantayin yang old age bago sabihin yon kasi dad pag nahawakan ko na kamay niya wala din ako balak bumitaw”
“Same result naman. Kahit bumaliktad pa ang mundo o kaya sandamakmak na lunos ang dumating di ko siya bibitawan” sabi ni Raffy at napangiti si Violeta at napangisi sa kanyang asawa. “Edi may natutunan ka sa anak mo?” banat niya. “Oo pero Raffy ano pangalan niya?” landi ni Phil at napakamot ang binata sabay tawa. “Chill dad, you cant rush things like this. Trust me makikilala ko siya” sagot ng binata.
“And what makes you think magugustuhan ka din niya?” hirit ng ama niya. Napasimangot si Raffy at niyuko ang ulo. “Phil naman ngayon lang makakaramdam ng ganito anak natin suportahan mo naman” sabi ni Violeta kaya naglambing ang binata sa kanyang nanay. “Buti pa si mommy she understands me” bulong niya. “Pero anak pano nga pag ayaw ka niya?” tanong ng nanay niya at natawa nalang si Raffy at napakamot. “Pinagkakaisahan niyo talaga ako ha” sabi niya at nagtawanan nalang yung tatlo.
Kinabukasan hindi pumasok sa university si Raffy kundi tumambay siya malapit sa kanto para abangan ang kanyang crush. Isang oras ang lumipas at bigla siya nanigas pagkat sa malayo natatanaw na niya si miss pretty papalapit. Di na siya mapakali, nakakaramdam siya ng kakaibang kiliti sa tiyan niya kaya pasimple niya tinatawanan sarili niya. “Relax, chill, teka teka wait wait” bulong niya at kahit ayaw niya iwanan poste niya ay napilitan siya maglakad konti palayo dahil sa katorpehan.
Nakadaan tuloy ang crush niya pero mabilis si Raffy na nakahabol. Agad siya sumilip at nakita si miss maganda nakasandal sa wall at nagtetext sa kanyang phone. “Oh so may secret code…dito na me…open the door” bulong niya sabay bungisngis. Napatingin sa kanya ang dalaga sabay nginitian. Nanigas konti si Raffy pero ngumiti din at nagtago sa kahihiyan. Nang silipin niya ulit ang dalaga ay wala na ito kaya galit nag alit niyang pinagsisipa yung wall.
“Dinaan mo ako sa ngiti! Bwisit ka! At ako naman ngiti lang natakot ka pa! Ayan tuloy wala na siya!!!” sigaw ng binata at pinagkakarate talaga ang lahat ng dingding. “So ano ilalabas ko din phone ko tapos magtetext ng OPEN SESAME then send to 2366 for Globe and 236 for Smart and Sun cellular ganon?” sigaw niya at galit na galit ito naglakad palayo.
Nang malapit na siya sa gate ng university ay nakasalubong niya yung dalawang binata na nakita niya sa may dead end kahapon. Agad siya tumalikod at sinundan yung dalawa. Nang malapit na sila sa may kanto ay nagpaiwan si Raffy at nagtago sa likod ng isang poste. Sa pwestong yon tanaw niya yung wall na sinandalan ng dalaga at pinanood niya lumapit yung dalawang binata doon.
“Show me the secret door” bulong niya at nakita niya yung dalawang binata na napalingon lingon sabay bigla nalang lumusot sa wall. Natulala si Raffy sa kanyang nakita, yung dalawang binata lumusot sa wall kaya agad siya tumakbo at sinugod ito. Bumangga siya sa dingding at bumagsak sa lupa. Hilo ang binata pero imbes na magalit ay tumayo siya agad at kinapa ang wall.
“Imposible naman na magic. Ano to movies?” sabi sa sarili sabay tumawa ng malakas. Sa malayo may nakikita siyang mga grupo ng estudyante papalapit. Bumalik siya sa poste na pinagtaguan niya at nakita niya yung grupo ng estudyante na lumusot din sa dingding. “Nasisiraan na ata ako ng bait” bulong niya sarili.
Kinabukasan tumabay sa poste si Raffy at napanood ang ilang mga estudyante lumusot sa wall kasama ang crush niya. “Hindi ako nasisiraan ng bait” sabi niya sa sarili sabay may nakitang isang binata na nakasalamin na palapit sa kanto. Hinabol niya ito at agad inakbayan. “Dude! Good morning tara sabay na tayo” sabi ni Raffy at tinignan siya ng matagal ng binata. “Do I know you?” tanong niya.
“Ah oh my sorry. Ako pala si Raphael but you can call me Raffy. Nakita ko picture mo sa student list. Tara classmate pasok na tayo” sagot ng binata. “Student list?” tanong sa kanya kaya nangatog tuhod niya at mabubuking na ata siya sa kanyang pagsisinungalin. “Come on dude, you know the secret stuff” bulong ni Raffy sabay konting siko sa binata.
“Sira ulo ka ba? Alam mo naman na bawal pag usapan ang ganyan dito sa labas” bulong ng nakasalamin na binata. Nagtakip ng bibig si Raffy sa tuwa pagkat nag oopen up na yung binata. “Sorry pre, pasensya na medyo excited e” palusot niya. Nagtago yung dalawa sa dead end at yung binata palingon lingon sa paligid. “Transfer student ka ba?” tanong niya.
“Yeah obvious ano? Sorry ha. Tara na sa loob baka may makakita pa sa atin dito” bulong ni Raffy. “Pero pano ka naging transfer student e closed na yung enrollment?” tanong ng binata. “Dude special case ako” sabi ni Raffy. “Oh shoot don’t tell me galing ka sa kabila?” bulong ng binata. “Ha? Shhhh oo pero wag ka maingay” banat ni Raffy. “Wow pare talaga? Diovani pala pare. Grabe balita ko matitindi daw mga students don sa…” sabi ng binata pero pinigilan siya ni Raffy.
“Shhhh…pare naman sabi wag maingay baka may makarinig. Ikaw palang nakakaalam so sana wag mo ipagkalat” sabi ni Raffy. “Ay oo nga baka karnehin ka nung upper class dito” sabi ni Diovani. “Ako kakarnehin?” tanong ng binata sa gulat. “Oo pare kasi alam ng lahat ng hard core training niyo don. Samantala dito e medyo Saint like training kami. Pero wow ha, malakas ka siguro pare” sabi ni Diovani at tumindig si Raffy at nagflex ng muscles.
“Hindi masyado kaya ako pinatransfer dito kasi dito daw ako nababagay” sabi niya. “Pero pare for sure sa tagal mo doon e malakas ka na. Grabe I cant wait to see you fight” sabi ni Diovani at napangiti nalang si Raffy sabay napakamot. Umakbay siya sa bagong kaibigan at huminga ng malalim at sana makalusot narin siya sa wall kasama ang binata. Nang malapit na mukha niya sa pader ay pinikit niya ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang kakaibang pressure pero imbes na matigas na wall ang babanggain niya ay lumusot siya.
Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay natulala siya sa tuwa. Napakalaking campus at sa paligid napakagandang tanawin na mala paraiso. “Oh wow ang ganda naman dito” bigkas niya. “Teka ngayon ka lang nakapasok? Bakit pare ano ba itsura sa kabila?” bulong ni Diovani. “Ha? Oo ngayon lang ako nakapasok. Grabe para tayong nasa paraiso…at may malaking campus sa gitna” sabi ni Raffy.
“Pare imposible ka naman e. Sabi mo transfer student ka” sabi ni Giovani. “Ay oo dude, basta sinabi na ayos na papeles ko para lumipat dito. Grabe di ko inexpect na ganito kaganda dito. Sariwa pa ang hangin..its so green pa…doon hindi ganito…pero pare bakit sila nagkukumpulan?” tanong ng binata.
May mga grupo ng estudyante sa campus grounds na nagkumpulan. Lumapit yung dalawa at lalong nagulat si Raffy nang makitang may dalawang binata sa gitna na nag aaway. Nakisiksik yung dalawa pero si Raphael may nabanggang matangkad na lalake na may mahabang buhok. “Sorry po” sabi niya pero tinignan siya ng masama ng lalake.
“Pare I cant wait to see you fight” sabi ni Giovani. Pagtingin ni Raffy sa gitna ay lalo siyang nagulat nang tumalon sa ere yung isang estudyante at may apoy na lumabas sa dalawang kamay nito. “Oh my God…what the…” bigkas niya. Yung isang estudyante nagbago ang anyo ng katawan, naging malabato at wala tuloy epekto yung mga suntok na apoy sa kanya nung kalaban.
Minasahe ni Raffy ang mga mata niya. Hindi siya nanaginip at totoo ang lahat ng kanyang nakikita. Nagtataka din siya kung bakit nagpapalakpakan ang mga nanonood kahit na yung isang lumalaban ay nababanatan na. “Pare urong tayo doon di ko nakita nandyan pala si sir. Terror yan e baka mapagtripan tayo” bulong ni Giovani. “Etong long hair teacher?” tanong ni Raffy sabay titig sa matandang lalake at naantig siya sa makapal na kwintas sa leeg. “Oo pare si sir Peter yan, tara don” sagot ng bagong kaibigan niya.
“Nanonood sa ganyan ang teachers niyo?” tanong ng binata. “Oo naman bakit don hindi? Ay oo pala iba kasi doon balita nila. Patayan daw talaga ang labanan. So buhay ka pa that means magaling ka talaga. Gusto talaga kita mapanood sa laban pare” sabi ni Giovani at napalunok si Raffy at pinagmasdan ang mga estudyante sa paligid.
Habang nanonood ng laban ay may kumalbit sa likod ng dalawang binata. “Giovani go away” sabi ng guro. “Yes sir” sagot ng binata at agad lumayo habang si Raffy kinaladkad palayo ng long hair na guro. “Ikaw hindi ka taga dito. Hindi ko alam pano ka nakapasok dito pero kailangan mo na lumabas” sabi niya.
“Wait sir please wait. Ano ba tong school na ito?” tanong ni Raffy at nakarating yung dalawa sa entrance. “How did you get in? I sense no magic power in your body. Did he let you in? I will have him expelled” sabi ng guro sa galit. “No sir please wait. Kasi po may sinusundan akong magandang babae ilang araw na. Nagtataka ako saan siya pumupunta hanggang nakita ko lumusot siya sa wall” paliwanag ni Raffy at napatapik sa noo ang guro.
“Tsk describe that girl and I will have her expelled too” banta ng guro. “Wag naman po. Bale inuto ko si Giovani po. Tapos inakbayan ko siya para makapasok ako dito. Tapos yung babae po gusto ko lang makilala. Short hair siya tapos maputi then singkit konti. May naalala ako may suot siyang parang tribal na necklace e” sabi ni Raffy at napansin niyang napalunok yung guro.
“Fine I will not expel them but you do not belong here. Stand still” sabi ng guro sabay hinawakan niya yung noo ng binata. “Ah sir ano po gagawin niyo?” tanong ni Raffy. “Erase your memory” sagot ng lalake. “Wait sir please wait. Kilala niyo po ba yung name nung babae? Pwede malaman? Ay buburahin niyo pala memory ko so wait…is this a magic school like Hogwarts?” banat ni Raffy sabay ngisi.
“Too much TV ka, Hogwarts is fictional iho. And yes this is a magic school, a real magic school and no Giovani is not the chosen one porke may eye glasses siya” sabi ng guro at natawa si Raffy. “Please tell me her name…sana kahit nabura niyo memory ko maalala ko parin name niya” hiling ng binata. “Her name is Abbey…and I doubt if you cant remember her name after I erase your memory” sabi ng guro.
“Abbey…such a nice name. Salamat po sir and sorry sa pag trespass. Abbey…” bigkas ni Raffy sabay ngumiti at pinikit ang kanyang mga mata. “Kalimotus Eventus” bigkas ng guro at nagbagang dilaw ang mga kamay niya. Ramdam ni Raff yang mainit na kamay sa kanyang noo. Nahihilo siya bigla at parang inaantok at ilang saglit pa para siyang zombie na lumabas ng campus at nakabalik sa dead end.
Kinagibahan over dinner pansin ni Phil at Violeta ang kakaibang asta ng kanilang anak. “Anak nakapag enroll ka na ba?” tanong ng tatay niya. “Oh dad im sorry about that. Tomorrow I promise. Kanina kasi I went to visit my friends. Sorry po pero bukas po talaga I promise I will enroll” sagot ni Raffy. “So did you see her today?” tanong ng nanay niya. “Sinong her po?” tanong ng binata. “Yung crush mo. Di ba siya dumaan ulit?” tanong ni Phil at natawa yung binata.
“Anong crush? Wala pong ganon no. If I have I will tell you two” sabi ni Raffy at tinuloy ang kanyang pagkain. Nagkatingan yung mag asawa at si Phil napasimangot. After dinner maaga natulog si Raffy, parents niya tumambay sa living room at mukhang problemado. “Nakapasok siya” sabi ni Phil. “I don’t know how he did it but sure ako nakapasok siya kasi binura ang kanyang memory” dagdag niya.
“Alam ko gusto mo siya makapasok din don sa school mo dati pero sorry you married me. I don’t have magic” sabi ni Violeta at niyakap siya ng kanyang asawa. “Don’t say that. Alam ko naman na he does not have magic. I know its impossible for him to have magic since you don’t. Nagbabakasakali lang ako dear. I am okay. I married you because I love you. I broke the tradition of my family to marry someone without magic. I know they hate me kasi only child ako putol na ang magic legacy namin but so what ikaw mahal ko e” bulong ni Phil.
“Totoo ba yan?” landi ni Violeta. “Oo naman pero we have to really get him a new car as promised” sabi ng kanyang asawa. “Malay mo nabura memory niya up to that time we made that promise” sabi ni Violeta at nagtawanan yung dalawa. “Hay sana nga, lets try to ask him tomorrow if he remembers pero dapat maingat ang pagtatanong baka maalala niya” sabi ni Phil at lalong nagtawanan yung dalawa.
Kinabukasan sabay nag almusal yung magpamilya. Nakabihis na si Raffy at excited mag enroll. “Anak why don’t you take the car today” sabi ni Phil. “Dad naman may usapan tayo diba? And nakakahiya naman old paint job car ko. Ipapahiram mo ba car mo?” sagot ng binata at medyo natuwa ang mag asawa. “Saka ko na dadalhin kotse ko pag yung bago na. Nakakahiya naman kay Abbey yang old car ko” hirit ng binata at napatapik si Phil sa noo niya.
“Abbey? Sino si Abbey?” tanong ni Violeta. “Ah mommy siya yung crush ko. Di ko pa siya nameet pero yung teacher na may long hair don sabi niya Abbey name niya” kwento ng binata. “Wait anak are you saying that nakapasok ka doon kahapon?” tanong ni Phil. “Doon sa school sa tabi ng university? Yup grabe dad ang ganda don sobra. I don’t know what that school is. Funny thing dad I cant remember much of yesterday. Did I come home drunk? Sorry if I did pero naalala ko kasama ko friends ko e pero di ko alam pano kami nagkita”
“Tapos naalala ko nag dinner tayo pero di ako sure e. Did we have dinner? Basta maala ko lang I went to their campus then I was told to go out kasi di ako taga doon. But before I left I asked her name. Di ko alam pero naalala ko that teacher was touching my forehead and I don’t know why. Then kasama ko na friends ko. Ah siguro hang over ito but it does not feel like it. Baka too much alcohol so im sorry mom and dad if I drank” daldal ng binata at nagkatinginan yung mag asawa.
Pagkaalis ng binata ay mixed emotions si Phil. “Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Violeta. “I don’t know its too early to tell. Parang nilalabanan ng katawan niya yung forget spell that was casted on him. Pero di ko sure kasi if he does remember why didn’t he ask about the magic school?” sagot niya.
“So you mean to say palpak yung spell?” tanong ni Violeta. “Imposible e. Kasi sabi niya teacher yung humawak sa noo niya. Imposible pumalpak ang magic teacher sa spell na yon. They are to protect the secret of that school at yun ang pinapamaster sa kanila just in case may ibang tao makapasok” sabi ni Phil. “Are you trying to say that our son is like you then?” tanong ng kanyang asawa at napangiti si Phil.
“Maaring palpak ang spell, if that is the case then we have to ride on with the drunk story of his to protect the school. If his body is fighting that spell then tuluyan mabubura ang spell at maalala niya lahat. We will find out at the end of the day what it really is” sabi ni Phil.
“Uy excited na siya” landi ni Violeta at natawa ang kanyang asawa at niyakap siya. “But sometimes love is so powerful that it can break even the strongest spell…but they are not in that stage yet” bulong ni Phil. “Love talaga kahit di pa sila magkakilala? O baka naman tinatago mo lang true feelings mo at gusto mo nagmana talaga siya sa iyo?” tanong ni Violeta.
“Lets wait for him to come home then we will know”
(Okay that is enough preview. Prologue plus chapter one. Contact me through my mobile phone since i will be away from the computer for some time if your group decides to get this story. Im at La Union for vacation so i wont be checking emails for a few days. Cant get yahoo to work on my mobile phone yet but you can try gmail since i saw the icon for Gmail in my new phone)