sk6

Thursday, May 20, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 13: Ang Panimula

Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz



Chapter 13: Ang Panimula

Kababalik lang nina Kiko mula sa Baguio, doon sila nagbakasyon ng pamilya para sa sem break. Nasa kama pa siya at napansin niya ang cellphone niya, dala dala niya ito pero di niya binabasa ang mga mensahe mula nagbakasyon. Kinuha niya phone niya at sinimulan basahin ang mga text messages. Karamihan galing kay Ben at Layla at hinahanap siya.

Nalaman niya na nakuha na nila ang grades nila at nakapag enroll na sila para sa second semester. Biglang huminga ng malalim si Kiko at bumangon. Bumaba siya at nadatnan niya ang mga magulang at kapatid na nag aalmusal. “Parang di na ako kasama sa pamilyang ito, di niyo man lang ako tinawag para kumain” drama niya at lahat napatingin sa kanya.

Lumapit si Kiko at nakita ang bacon sa lamesa, “Aha! Kaya naman pala di ako tinawag e” sabi niya at agad naupo. “Dad ano ang korupsyon?” banat ni Frances at natawa si Teresa. Tinuro ng tatay niya ang kuya niya na kinukuha lahat ng bacon sa plato. “Anak ang korupsyon ay pag may mga taong kumukuha ng labis labis at di nagtitira para sa iba” sabi ng tatay niya at sabay nila tinignan si Kiko.

“Little sis, you don’t need bacon, you are growing and you have to be conscious of your figure. Mom and dad you two are aging, bawal ang pork, bawal ang beans, stay healthy kayo ha. Concerned lang ako sa inyo kaya I will make the extreme sacrifice, ako nalang ang sasalo ng cholesterol nitong bacon” banat ni Kiko at nagtawanan ang lahat.

“Inutakan mo nanaman kami, by the way kalian mo kukunin grades mo at kalian ka mag eenrol?” tanong ng nanay niya at bigla siya napanguya ng mabagal. “About that po, I was wondering if you would permit me to enroll at another school?” sabi ni Kiko at nagulat ang mga magulang niya. “Bakit anak? Bagsak ka ba?” tanong ng tatay niya. Tinignan ni Kiko ang nanay niya at nagets agad ni Teresa ang rason. “Yes iho of course” sagot ng nanay niya. “Yes iho of course?” tanong ni Fred bigla at hinawakan ni Teresa ang kamay ng asawa niya. “Ah oh sure, no problem” sabi niya bigla.

Dalawang oras ang lumipas at namasyal si Kiko sa University na lilipatan niya. Medyo nalula siya sa laki nito at napansin ang mga mayayaman na estudyante sa paligid. Naglalakad siya sa campus, di niya alam ang kanyang pupuntahan para mag inquire pero bigla may sumigaw ng pangalan niya. Pag lingon niya may tatlong lalake patakbo papunta sa kanya, napangiti si Kiko pagkat namukaan niya ang dati niyang mga kaklase nung high school.

“Kiko!!! Oh my God!!! Nandito ka!!!” sigaw ng isa. “Oh men madami matutuwa pag nalaman nandito ka. Dali send a mass message to everyone” sabi ng isa. “Sobra naman kayo guys, madami ba kayo dito?” tanong ni Kiko. “Medyo pero pare bakit ka nandito? Lilipat ka na ba dito pare?” tanong nung isa at natuwa naman si Kiko sa pagtanggap nila sa kanya.

Ilang sandali pa at ang daming mga estudyante ang dumating at binati siya. Walang masabi si Kiko kundi mapangiti at lahat pinalibutan siya at inantay ang pagpapatawa niya. “Pare ano lilipat ka na ba dito?” tanong nung isa. “I think so, may nahanap na kasi si Ben e kaya di ko kaya. Kailangan ko na siya iwasan” banat ng binata at sumabog sa tawanan ang lahat.

“Wow pare di parin talaga nagbago ha” sabi ng isa. “Hello! Humaba na ang bird ko” sabi ni Kiko at biglang natahimik ang lahat lalo na yung mga kababaihan. “Bird ito diba?” sabi niya sabay turo sa malilit na balbas sa mukha niya. Muling nagtawanan ang lahat pero di pa tapos si Kiko. “Sorry di ata maganda tignan, nakalimutan ko magpatuli este magshave kaninang umaga” hirit niya at halos magwala na ang lahat at pinagtitignan na sila ng ibang tao sa campus.

“Uy guys balik na tayo sa pila, sama nalang natin siya” sabi ng isang babae. “Ay oo pala pare kasi enrollment namin at unahan kasi sa magagandang schedule e. Nag bog down yung online enrollment namin so back to stone age kami at pipila” paliwanag ng isa. “O sige lang at maglilibot muna ako. Go ahead we can catch up later” sabi ni Kiko. Nagsialisan na ang mga dati niyang kamag aral. Tuwang tuwa ang binata at nakahinga siya ng malalim. Di pa siya naka enroll sa paaralan na ito pero nagugustuhan na niya dito.

“Wow you seem to be famous here” sabi ng isang boses ng babae sa likod niya. Napangiti si Kiko, napakamot sa ulo sabay tumalikod. Nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang nanigas, “Hi Kiko” sabi ni Michelle. “Hi din” tanging nabigkas niya at di siya makapaniwala na nakatayo sa harapan niya yung dalaga.

“What are you doing here?” tanong ni Michelle at napalunok si Kiko. “Ah I was just visiting friends” sabi niya at nilakasan ang loob niya. “Hmmm I might transfer here” sabi ng dalaga at agad nadismaya ang binata. “Lilipat ka dito? Bakit?” tanong niya. “Kasi this is where my parents graduated from and my mom wants me to graduate from here too” paliwanag ni Michelle at naipit na si Kiko. “Is that what you really want?” tanong ng binata at napatingin sa kanya ang dalaga.

Habang inaantay ang sagot ay nagdadasal si Kiko na magbago ang isip niya. Siya na nga ang iniiwasan niya, mas malaki ang problema pag pareho pa sila lumipat sa paaralan na ito. “Kasi alam mo Michelle, you should follow your heart. Di pwede na susunod ka nalang sa gusto ng iba. Diba? So what kung dito nag graduate parents mo? E sa ayaw mo nga dito diba?” sabi ni Kiko at napangiti yung dalaga. “Konti pa at maniniwala na ako sa iyo” sagot niya.

“Do what makes you happy. Doon ka masaya e di doon ka. Di naman pwede na kung saan sila masaya doon ka. Di pwede ganon men” sabi ni Kiko at biglang natawa si Michelle. “Tama ka, anyway nakuha mo na grades mo or nakapag enroll ka na ba?” tanong ng dalaga. “Ah di pa nga e, just got back from a vacation kasi” sagot ni Kiko.

“Oh good, tara na dali sabay na tayo” sabi ng dalaga. “Ha?” sabi ni Kiko. “Tara na lets go get our grades at mag enroll na tayo. Di na ako papasok dito. Kaya tara na dali” sabi ni Michelle. “Ah eh sige na go ahead at dito muna ako” sabi ng binata at agad nagsimangot si Michelle. “O sige samahan muna kita dito. Sabay nalang tayo mamaya mag enroll” sabi niya.

“Hindi Michelle ah you can go ahead talaga. Baka matagalan pa ako dito e. Mukhang nagmamadali ka ata” sabi ni Kiko. “Hmmm di naman, I just wanted to finish the enrollment fast kasi I didn’t eat breakfast so I was thinking na we could have lunch after pero okay lang I can wait” paliwanag ng dalaga. Napakamot si Kiko at napatingin sa langit, “Tsk yan ang masama sa inyong mga babae e. Inuuna ang figure kasi kaya nagpapalipas gutom. Hindi maganda magpalipas gutom. Pag oras kumain dapat kumain, wag mag iinarte na diet diet” sermon ni Kiko at napangiti yung dalaga.

“Tara na nga, samahan kita mag enroll” pahabol niya at nagsimula siya maglakad. Agad humabol si Michelle at tumabi sa kanya, agad siya tumingin sa malayo para di makita nung binata ang malaking ngiti sa mukha niya. Paglabas nila ng gate ay nag abang si Kiko ng masasakyan. “Ah Kiko may sasakyan na tayo” sabi ng dalaga. “Nasan? Patingin?” biro ni Kiko sabay silip sa loob ng bag ng dalaga. “Ano dala mo broom?” hirit niya. “Mukha ba akong bruha?” tanong ni Michelle at napatingin sa kanya si Kiko.

“Medyo kasi magulo ang buhok mo” sabi niya at hiyang hiya si Michelle at agad nag ayos ng buhok. “Sorry naman I was rushing and I forgot to comb my hair” sabi niya. Ilang segundo lumipas ay humarap ang dalaga sa kanya, “O ayan” sabi niya. Natulala si Kiko saglit pero huminga ng malalim, “Makakaya kaya tayo ng wings mo?” bigkas niya at napayuko si Michelle at napangiti. “Ngayon angel na?” bulong niya.

Di sumagot si Kiko kaya agad siya tinignan ni Michelle. Nakatitig sa kanya yung binata kaya kinalbit niya ito. “Uy” sabi niya. “Ah ano yon?” tanong ni Kiko. “Sabi mo wings so tanong ko kung mukhang angel na ba?” sabi ng dalaga. “Ah hindi, napkin na” banat ni Kiko at biglang natawa si Michelle at nahampas siya ilang beses.

“O nasan na yung ride natin?” tanong ni Kiko. “Ah before that, sana wag magbago tingin mo sa akin. Di ko naman talaga gusto ganito pero over protective lang parents ko kasi nga only child tapos babae pa” sabi ni Michelle. Di maintindihan ni Kiko kaya napakamot nalang siya. “Oh sure” sabi niya. Agad nilabas ni Michelle ang phone niya at may tinawagan, ilang saglit lang may magarang SUV na itim ang tumigil sa tapat nila.

Lumabas yung driver at lumapit sa dalaga, binuksan niya yung pinto sa likod at medyo nahiya si Michelle. “Manong Lando si Kiko po kaibigan ko. Kiko si manong Lando, driver namin” bulong ng dalaga. Nauna si Michelle sa loob at si Kiko nahiya pa at nginitian nalang yung driver. “Ah kailangan ko pa ba magtanggal ng sapatos?” banat niya at natawa si Lando. “Di na brod” sabi ng matanda at natatawa nalang.

Pagpasok ni Kiko ay nagulat siya pagkat may isang matandang babae na katabi ni Michelle. “Good morning po” bati niya. “Yaya Nelly ito si Kiko. Kiko ito si yaya Nelly ko” pakilala ng dalaga. “Ah yan si Kiko?” sabi ni Nelly at pasimple siyang kinurot ni Michelle. “Hindi po naiwan po ata sa labas si Kiko” biro naman ng binata at nagtawanan sila.

“Palabiro pala si Kiko, akalain mo nga naman. Alam mo bang ito si Michi mahilig tumawa. Miss bungisngis ito e” kwento ni Nelly at nakatingin lang sa kanya yung dalaga at tuloy ang pagkukurot. “Michi pala nickname mo?” tanong ni Kiko at agad siya tinignan ni Michelle at nginitian.

Tahimik sa loob ng sasakyan pero napansin ni Kiko na tinitignan siya ni Lando mula sa rear view mirror. Pati ang yaya ni Michelle lagi siya tinitignan kaya medyo naiilang siya. “Michi, half half ba si mang Lando?” bulong ni Kiko at biglang natawa ang dalaga. “Loko hindi ha, bakit mo naman nasabi?” sagot niya. “Kasi kanina pa niya ako tinitignan sa mirror e” sabi ni Kiko.

“Tapos yaya mo lumalandi ata at kanina pa din niya ako tinitignan. Nagpapacute ata sa akin” pahabol niya at sumabog sa tawa si Michelle. “Wag niyo naman po daw siya titigan masyado at naiilang siya” sabi ng dalaga at tuloy ang tawa niya. “Naku Kiko pasensya ka na ha at ngayon lang namin makikita na may kasamang lalake itong si Michi” sabi ni yaya Nelly. “Bakit po babae din tatay niya?” banat ni Kiko at muli sila nagtawanan pati si Mang Lando nakikinig pala sa harapan.

Nakarating sila sa school, “Mang Lando no need I can open the door. Salamat po sa ride. Sige po yaya Nelly” paalam ni Kiko at agad siya bumaba ng kotse. Susunod na sana si Michelle pero hinawakan ng yaya niya ang kamay niya. “Uy ha, okay pala siya” landi niya. Napatili si Michelle pero kinalma sarili niya bago bumaba. “Oy Kiko alagaan mo si Michi ha” sabi ni yaya Nelly. “Sige po yaya, mag day off ka muna. Ako muna yaya niya” pasikat naman ng binata.

Pagpasok nila sa gate biglang sumigaw yung gwardya. “Big Bird wins!!!” sabi niya at biglang natawa si Kiko. “Ano daw?” tanong ni Michelle at tinakpan nalang ng binata ang noo niya. “Wala yon, nasisiraan lang ng bait yang guard. Too much Sesame Street” paliwanag niya. “Nandito kaya sina Layla?” tanong ng dalaga. “Ewan ko pero balita ko tapos na sila mag enroll e” sabi ni Kiko. “Ano kaya kinuha niyang schedule?” hirit ni Michelle. “Tawagan mo para pareho kayo” sabi lang ni Kiko pero napaisip yung dalaga at napangiti. “Wag na, tara” sabi niya.

Una nilang pinuntahan ay ang dean’s office. Kinuha ni Michelle ang grades niya at nakita ni Kiko na masayang masaya ang dalaga. “Bagsak lahat?” tanong niya at nagulat si Michelle. “Masaya ba ako pag bagsak lahat?” sagot niya. “Reverse psychology yon para maiba naman. Syempre kaakibat ng saya at ngiti ay good news lagi so para maiba e di ikonek sa bad news” paliwanag ng binata at natawa si Michelle. “Ikaw talaga kakaiba ka, anyway next enrollment. Mabilis lang to tapos samahan naman kita” sabi ng dalaga.

“Ah wag na. Wala pa ako balak mag enroll today” palusot ni Kiko. “At bakit naman?” tanong ng dalaga. “Basta di ko pa feel e” sabi ng binata. “Hmmm Kiko pag may problema maybe I can help” sabi ni Michelle. “Problema? Like what?” tanong ng binata. “You know, I can lend you money then you can pay me later” sabi ng dalaga.

“Ah may pera ako no” sabi ni Kiko. “Ay sorry, e bakit ayaw mo pa mag enroll?” hirit ni Michelle. “Superstitious ako e, at sabi ng horoscope ko not a good day for enrollment” sabi niya. Tumaas ang kilay ng dalaga at nagsimangot. “Nag iinarte ka lang tara na nga” sabi niya.

Wala pang bente minutos natapos si Michelle, lumabas na sila ng building at si Kiko naglalakad na patungo sa main gate. “Kiko where are you going?” tanong ng dalaga. “Out, diba hungry ka na” sabi niya. “I said after we finished enrolling. Tapos na ako pero ikaw hindi pa so lets go get your grades” sabi ni Michelle. “Ah next time nalang ako mag enroll” sabi ni Kiko.

Tumayo sa harap niya si Michelle, nakataas ang kilay at nakasimangot. “Will you give me one good reason bakit ayaw mo pa mag enroll today” sabi ng dalaga at talagang tinitigan siya ng matalim. Ipit na ipit si Kiko, hindi siya makasalita at hindi niya kaya titigan sa mata ang magandang dalaga sa harap niya. “Oh sorry maybe I am asserting myself ang being bossy e di pa naman tayo ganon magkakilala and maybe you don’t consider me as your friend yet” biglang drama ni Michelle.

Napapapikit si Kiko at napailing, tumalikod yung dalaga at nagsimula nang maglakad palayo. “Salamat sa pagsama sa akin” bigkas niya. “Michi wait” sabi ni Kiko at hinabol ang dalaga. Tumigil yung dalaga at hinarap siya, huminga ng malalim si Kiko at napaisip ng malalim. “Ano yon?” tanong ni Michelle. Plano ni Kiko mag enroll sa ibang paaralan para maiwasan itong dalaga sa harapan niya, napaglaruan nanaman siya ng tadhana at nagbago na ang lahat. “Okay samahan mo na ako” sabi niya.

Nagtungo yung dalawa sa Psychology building, sa main lobby agad pumunta si Kiko sa counter para makuha ang mga grado niya. Tumayo sa tabi niya si Michelle at napansin ng dalaga na naiilang siya. “Ah siguro kaya ayaw mo ako kasama kasi sa grades mo. Kiko sorry about last time nung napagalitan kita about studying ha. I am not going to judge you, di ako ganon” sabi ng dalaga at napangiti nalang si Kiko sa kanya.

Inabot ni Kiko ang ID niya sa bantay sa counter. Agad nainput ang ID number niya at may nagprint na papel sa makina. Tinignan nung bantay ang mga grado sa papel sabay tinitigan ilang beses si Kiko kaya napayuko yung binata. “Uy its okay” bulong ni Michelle. Inabot na nung bantay ang papel, kinuha agad ni Kiko at di pa nababasa ay tiniklop ito agad.

“Arent you going to look at them?” tanong ni Michelle. “Ah di na, alam ko na grades ko kasi ramdam ko sila” sabi ni Kiko pero siya lang ang tumawa. Tumaas muli ang kilay ni Michelle, agad siya tumalikod at niyuko ang ulo. “Fine, I told you di naman kita huhusgahan Kiko e. Siguro you still don’t trust me. Don’t worry I can wait for that day na may tiwala ka na sa akin” drama niya ulit.

Humawak si Kiko sa buhok niya at hinila, tumalikod din siya at pinagsusuntok ang hangin sabay pinagtuturo langit tapos tahimik na nagsisigaw. Sinapak niya sarili niyang mukha at nasaktan siya kaya hinaplos niya ulo niya sabay tinabihan yung dalaga. Huminga siya ng malalim at inabot ang nakatiklop na papel. Napangiti si Michelle at agad kinuha yung papel at binuklat. Bigla siya napanganga at palipat lipat ang titig sa papel at kay Kiko.

“Ha? Is this for real?” bigkas niya at nahiya si Kiko. “Look who is walang tiwala now?” banat niya at halos napatalon si Michelle at di makapaniwala. “Di nga? Totoo ba to o ito yung pekeng copy na ipapakita mo sa parents mo?” hirit ng dalaga. Huminga ng malalim si Kiko at kinuha ang papel, “Tara na enroll na ako”sabi niya. “Wait, akala ko ba di ka nag aaral?” sabi ni Michelle at napakamot ang binata. “Sino ang walang tiwala?” hirit ni Kiko at natahimik si Michelle pero di mapigilan ang ngiti.

Naglakad sila paakyat sa second floor pero bigla niya binangga si Kiko. “Wow genius” landi niya at natawa yung binata. “Alam ko you heard from Layla siguro na di ako palaaral. Tapos loko loko ako nung highschool, yeah that’s all true hanggang ngayon naman ata e. To be honest fast learner ako e di sa pagmamayabang. Di ko alam bakit pero parang may photographic memory utak ko and I comprehend things faster. They don’t see me often studying kasi I do it at home. Doon naman dapat nagrereview e, sa paaralan doon ka matuto pero sa bahay ka mag review. Sa school I do listen naman unless alam ko na yung sinasabi ng teacher kasi nabasa ko na. Doon ako nagloloko talaga at aminado ako. Ayaw ko naman magmayabang pero that is one of the reasons why I wanted to take up psychology”

“Gusto ko alamin bakit ganito takbo ng utak ko. I could have been a valedictorian if I wanted to pero what for diba? Para mabilib sa akin ang iba? Para ano? Lalo lang magkaka pressure, the more I will lose myself kasi may kailangan ako imaintain. I do study naman so tama na yon, the rest of my time gusto ko ng social life. Kaya sorry pag di mo na ako nakita nag review the last three days of the exam, I did study at home, at yung extra time ko ginugol ko nalang sa ibang bagay na gusto ko gawin…gustong gusto gawin” sabi ni Kiko sabay titig sa dalaga. Muli siya binangga ni Michelle at tuloy ang panunukso sa kanya. “Naks genius katabi ko” sabi niya. “May tiwala ako sa iyo at ikaw lang makakaalam nito. So since I trust you I expect you to keep this secret” sabi ng binata at napatigil si Michelle.

“Unang secret natin?” sabi ng dalaga sabay ngiti. “Yeah our first secret” sabi ni Kiko. “Okaaaay” landi niya sabay napatili. Umabot sila sa may posting ng mga schedule, agad tumingala si Kiko at namili. “Hmmm second year block right? Hmmm ito o maganda tong sched na to…ay pangit pala. Wait wait” sabi ng dalaga at pati siya nakikipili.

May nalista na si Kiko, dinungaw ni Michelle ang listahan niya at biglang inagaw. “No no no mas madanda tong nakita ko dito” sabi niya at napakamot nalang si Kiko. Hindi na namili yung binata, pinanood nalang niya si Michelle na mamili para sa kanya. “Ayan!” sabi ng dalaga at kunwari nalang ngumiti si Kiko. Dumaan sila sa registrar at lumipas ang ilang minuto ay natapos narin siya.

Lumabas na sila ng University at nagtungo sa mall. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ni Kiko ang mga schedule nila at napansin niya na pareho ang lahat ng break nila, pagpasok at pati dismissal. Muli niyang pinikit ang kanyang mata at napatingin sa taas. “Why me Lord?” bigkas niya. “What did you say?” tanong ni Michelle bigla.

“Ah why me Lord. Kasi prof ko ulit yung terror” palusot ng binata. “Sus, ikaw pa. Anyway where do you want to eat? Treat ko” sabi ng dalaga. “Sure basta magpakalalake ka at magpakababae ako” sabi ni Kiko. “Bakit naman?” tanong ni Michelle. “Ewan ko kung saan planeta ka pinalaki ha. Pero sa planetang kinalakihan ko lalake ang nanlilibre and not the other way around. Saka lang manlilibre yung babae pag birthday niya o may party sa kanila. Kung hindi niya birthday o walang okasyon wala siyang karapatan manlibre, yung lalake dapat” paliwanag ni Kiko.

Natawa si Michelle at nagtakip ng bibig. “Kiko, planeta ng magsyota ata yung sinasabi mo e” sabi ng dalaga at natameme siya. Nautal yung binata at di makasagot, muli siya binangga ni Michelle at ngumiti. “Sa planeta ng magkaibigan, kahit sino pwede manlibre. Babae man o lalake” nilinaw ng dalaga at lalong di nakapagsalita si Kiko.

Pumasok sila sa isang restaurant at pagkaupo ay niyuko ni Kiko ang ulo niya. “Sige na mamili ka na, its my treat” sabi ni Michelle. “Sige ikaw nalang ang kumain. Labag talaga sa banal na kasulatan namin na babae ang nanlilibre kahit anong planeta pa siya galing e” sabi ni Kiko at muling natawa yung dalaga. “Hay Kiko, pag ikaw manlilibre kakain ka?” tanong ng dalaga. “Kasi ganon ang nakasanayan ko na at yon ang itinuro ng aking mga ninuno” banat ni Kiko at lalong napabungisngis si Michelle.

“Okay ikaw na pero wala tayo sa planeta ng magsyota diba?” sabi ng dalaga. “Michi, hello! Planet earth kaya ito. Diba tinuro ng teacher mo nung elementary?” banat ni Kiko sabay kinuha ang menu at tinignan. Hindi nainsulto si Michelle, agad niya kinuha din yung isang menu at nagtago pagkat lalo siya kinilig.

“Ah bakit wala ako maintindihan dito? French restaurant ba tong napasok natin?” tanong ni Kiko. “No, iba ba menu mo? English naman dito?” sabi ng dalaga. “Ah kaya naman pala baliktad pala tong menu e. Sorry” sabi ni Kiko at sumabog sa katatawa ang dalaga. “Hello mam, sir, may I take your order?” sabi ng isang waitress at nanlaki ang mata ni Kiko.

“Take our order? No way! You bring us our order don’t take it away. How will we eat it if you take it?” sabi niya at nagpigil ng tawa yung waitress pero si Michelle lalo lang niya tinago mukha niya sa menu. “Uy biro lang ha” bawi ni Kiko. “Okay lang sir” sagot ng waitress. “Mukhang masyado maliit yang paglilistahan mo. Dapat ata cartolina ang dala mo miss kasi may katakawan kami e. Matagal na kami di kumain kasi deprived kami ng matagal sa food” hirit ni Kiko at di na napigilan ng waitress ang matawa. “Excuse me sir” sabi niya at agad tumakbo palayo para lang tumawa.

Nakapikit si Michelle, pinipigilan ang pagtawa niya pero pagmulat niya ng mata niya nakita niya si Kiko binubuklat ang isang long bond paper. “Pwede na siguro dito no?” tanong niya at tuluyan nang bumigay ang dalaga at pinagpupukpok niya si Kiko ng menu. “Ang sakit na ng tiyan ko katatawa Kiko!” sabi niya.

Bumalik yung waitress at kalmado na siya. Nagseryoso na si Kiko at si Michelle kalmado narin. “Okay, liitan mo nalang talaga ang sulat mo dapat ha para magkasya lahat ng order” banat ni Kiko at muling natawa yung waitress at si Michelle. Ang tagal bago nakuha ang order nung dalawa at di pa nakakakin ay mukhang pagod na sa katatawa yung dalaga.

“Grabe ka, this is probably the best day in my life. I have been laughing since nine in the morning up to now” sabi ni Michelle. “E di isagad na natin hanggang sa paghatid ko sa iyo” sabi ni Kiko at napakapit sa lamesa ang dalaga at napatingin sa malayo. “Ha? Ihahatid mo ako?” tanong niya. “Ang bastos ko naman kung hindi. Sabi ng yaya mo alagaan kita tapos hahayaan nalang kita uuwi mag isa? P.I.K. I don’t break promises” sabi ng binata.

“PIK?” tanong ni Michelle. “PIK tagalong ng FYI, meaning Para sa Iyong Kaalaman. Siyempre di nakailangan isama yung S kasi pang ugnay lang siya or whatever it is called” paliwang ni Kiko at lalo napahanga sa kanya si Michelle. Habang inaantay ang pagkain bigla nalang sila natahimik, pasulyap sulyap sa isat isa pero walang nagsasalita.

“By the way Michelle there is something I don’t like about you” sabi bigla ni Kiko at nagulat yung dalaga. “Ha? Ano yon?” tanong niya at talagang kinakabahan siya. Huminga ng malalim si Kiko at tinitigan siya, “Kanina sa school remember? When I didn’t want to enroll then when I didn’t want to show my grades” sabi niya. “Oh what about it?” tanong ng dalaga.

“Pwede ba pag ganon na argument idaan mo sa logic at reasoning para makalaban naman ako o makadebate. Kasi pag idadaan mo tulad kanina di ko kaya lumaban. Lagi ako matatalo sa iyo” sabi ni Kiko sabay niyuko niya ulo niya. Muling napahawak si Michelle sa lamesa at masakit na ang mga pisngi niya sa pag ngiti. Mabilis ang tibok ng puso niya at mga mata niya nakatitig lang sa binata na kaharap niya.

“Okay Kiko” sagot ng dalaga at napatingin ang binata sa kanya at sabay sila napangiti.

Di na mapigilan ni Kiko ang tadhana, alam niya na sa araw na ito magsisimula ang lahat.


(Ito po yung pagsimula ng ikalawang yugto ng kwento. Hanggang dito nalang talaga ako. Another long vacation awaits me, be back on June with Salamangka re-invented...oh yes lots of things are changing as you may have noticed with the appearance of the blog hahahaha. Kasi the old logo will go to the W-blog. Anyway see you all on June.........ooops i reverted the blog back to its old state. I have new plans for the new logo ahahah maganda daw kasi so don nalang siya sa bago pala)

Wednesday, May 19, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 12: Pag Wakas

Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz


Chapter 12: Pag Wakas

Final exams na nila, maaga pumasok si Ben at Jessica at naglilibot sila sa campus hinahanap si Kiko. Sa likod ng Psychology building may isang maliit na hardin, may isang bangko doon at doon nila nakita nakahiga ang kaibigan nila. “Kiko bakit mo kami iniwan?” sabi ni Ben sabay todo acting sa pag iyak. “Good morning Ben and Jessica” bati ng binata at nagulat yung dalawa.

Bumangon si Kiko at pinaupo ang mga kaibigan niya. “Pare ano nakain mo? Parang kakaiba ka ngayon?” tanong ni Ben. “Is there something wrong Kiko?” tanong din ni Jessica. “Okay lang naman ako, medyo starting to miss you guys already” sagot ng binata. “Oh no, don’t tell me naman na itutuloy mo plano mo lumipat school” sabi ng dalaga at napayuko ang ulo ni Ben. “Ilang weeks na kasama siya palagi, lagi ako naiipit at di makaiwas” drama ng binata.

“Pero okay lang naman kasi di mo naman kinakausap lagi e. Inaagaw naman namin lagi ang atensyon mo diba pare?” sabi ni Ben at napangiti si Kiko. “Oo nga pare e, salamat sa inyong dalawa at tinutulungan niyo ako. Pero alangan na lagi nalang ganon diba? You two have your own lives, imbes na mag focus kayo sa isat isa, para akong anak niyo na inaalagaan pa” sabi ng binata.

Inakbayan ni Ben si Kiko sabay tinignan. “Pare naman. Okay lang sa amin ni Ica yon. We are here for you pare” sabi niya. “Here for me tapos nagrereklamo ka na wala na kayong quality time ni Ica” sabi ni Kiko sabay ngisi. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan niya sabay tinignan si Jessica. “Oy wala akong sinabing ganon ha, nag iimbento siya” sabi ni Ben.

“Tapos lagi ka nagrereklamo na di pa kayo nakapagkiss” hirit ni Kiko. “Hello! We already did!” sigaw ni Ben sabay binatukan siya ni Ica. Biglang tumawa si Kiko at tinuro yung dalawa. “Huli kayo sa bitag ko! Mwahahahahahahaha!!! Uy nag kiss na sila, kayo na ba? Uy Uy Uy! Aminin niyo na” landi ni Kiko at nagtinginan yung dalawa. Hinawakan ni Ben ang kamay ni Jessica at sabay sila ngumiti. “Sinagot na niya ako pare” masayang sabi ni Ben.

“CONGRATULATIONS!!!!” biglang sigaw ni Kiko at biglang nagsasayaw. “Teka nga, you mean to say ginugudtaym mo lang kami kanina sa drama mo?” tanong ni Jessica. “Hay naku masanay ka na diyan. May pagka aning aning talaga yan e” sabi ni Ben. Habang patuloy ang pang aasar ni Kiko sa dalawa, nakita ni Jessica na may dalawang babae na sumilip sa isang gilid. “Sina Layla at Michelle o” sabi niya.

Tinignan siya ni Kiko at napangiti, nilapit niya ang mukha niya sa dalaga at ngumisi. “Malamang tinuro ni Ben yang style na yan ano? Mwahahahaha sorry ha di tumalab e” bigkas niya at natawa lang yung dalawa. “Di tumalab ang alin?” tanong ni Layla at biglang nanigas si Kiko at si Ica naman ang napangisi sa kanya. “Ben sabihin mo kay Ica na halikan ako dali. Para magselos siya” bulong ni Kiko pero tinapik ng kaibigan niya ang noo niya.

“Ganda pala ng tambayan niyo ha. Dito ba kayo lagi?” tanong ni Michelle. Tumayo ng tuwid si Kiko at masama ang tingin sa dalawang kaibigan niyang nakaupo. “Si Kiko ang nakahanap dito” sabi ni Ben. “So dito ka lagi nagtatago Kiko?” tanong ni Layla at humarap na yung binata sa kanila. Huminga siya ng malalim at niyuko ang ulo, “Hala, hoy ano problema mo?” tanong ni Layla.

“I just found out na magsyota na si Ben at Jessica” bigkas niya. “Wow! Uy kayo ha. Congrats!” sabi ni Michelle. “Hay naku Kiko ano nanaman yang gimik mo? Sige na sabihin mo na yung punch line” sabi ni Layla. Tinignan siya ng masama ni Kiko sabay nagdabog. “Cant you see Layla, si Ben at Jessica na” sabi niya. “Oh so whats wrong with that?” tanong ng dalaga. “That means lalake si Ben!” sigaw ni Kiko at lahat napatingin sa kanya. “Lalake naman talaga ako pare ha” sabi ng kaibigan niya.

“Kaya nga! E naging tayo e so that means pag ikaw yung boy…e di ako pala yung girlash!” paliwanag ni Kiko. Lahat nakatingin sa kanyang ng seryoso, ilang saglit pa ay sumabog sa katatawa ang lahat maliban kay Michelle. “Wag naman sana” sabi niya at napatigil ang lahat at napatingin sa kanya. Tumingin sa malayo si Michelle, si Ben at Ica biglang tingin kay Kiko at pasimple siyang tinutukso.

“Tse! Wag na wag mo ako kakausapin babae ka! Inagaw mo si Ben sa akin kaya from this day onwards we are enemies” sigaw ni Kiko sabay inirapan si Jessica. Natawa muli ang lahat lalo na nung tumalikod yung binata sabay pakembot kembot na naglakad palayo. Tumigil siya at muling nilingon si Ica at tinaas ang kilay niya. “Nasa akin ang huling halakhak, at tandaan mo ako ang first kiss ni Ben” banat niya. Halos magpagulong gulong na sa tawa ang lahat pagkat kinarir ni Kiko ang pagiging babae.

“Kiko tama na! Please mag aral nalang tayo” makaawa ni Layla na hinihimas ang likod ni Michelle na nahihirapan nang huminga dahil sa pagtawa. Nanahimik si Kiko at lumapit kay Jessica. “Uy biro lang ha” sabi niya. Napangiti yung dalaga at medyo natawa pa, “Oo no alam ko naman joke lang e” sabi niya. “Tse! Walang joke joke” banat ni Kiko sabay inirapan muli si Ica. “Kiko!!!” sigaw ni Layla pagkat halos mamatay na ang lahat sa muling pagtawa.

Naupo si Kiko sa isang tabi at nanahimik. Naglabas na ng mga notebook at libro sina Ben at Jessica, si Layla at Michelle nakitabi na sa bangko. Pinikit ni Kiko ang kanyang mga mata at nanginginig, muling natawa si Michelle at tinuro yung binata. “Hay naku Kiko ano nanaman yan?” tanong ni Layla. “Nanahimik na nga ako e! Pinipigilan ko na sarili ko sa pagpapatawa e” sagot ng binata at lalo niya pinikit ang mga mata niya at kunwari nangingisay na.

Sumabog nanaman sa tawa si Michelle, tinakpan ni Layla ang mga mata niya at pinakalma. “Wag mo na kasi titignan yan, ganyan talaga yan e. Pag pinansin mo pagpapatawa niya lalo lang gragrabe yan” sabi niya. Huminga ng malalim si Michelle at di na tinignan si Kiko. Nakita niya na busy na sa pagrereview sina Ben at Ica kaya pati siya naglabas na ng notebook.

Ilang minuto lumipas napatingin si Jessica kay Kiko, agad niya tinapik si Ben at pasimpleng tinuro yung binata. Nakita nila si Kiko na parang estatwang nakatitig lang kay Michelle. Napangiti silang dalawa pero napansin sila ng binata. Pasimpleng tumingin sa malayo si Kiko, nilabas ang notebook sa bag niya at nagbasa narin. Ilang segundo palang ang lumipas ay muli niyang tinignan si Michelle at nagkataon na nakatingin din sa kanya yung dalaga. Napangiti yung dalawa sa isat isa at sabay pang nilayo agad ang tititg nila.

Apat na araw yung exam kaya apat na araw din sila nakatambay na lima doon sa garden tuwing umaga. Sa huling araw ng exam ay di na matiis ni Michelle, “Kiko, nakita lang kita nagbuklat ng notebook nung Monday. The last three days hindi na” sabi niya. Nagtinginan sina Layla, Jessica at Ben at nagtakip ng kanilang mga bibig habang nagbubungisngis.

“Nag aral na kasi ako” sagot ng binata. “Are you sure? Kasi Kiko pag di ka nag aaral malaking chance na babagsak ka” sabi ng dalaga. “Wow ano yan? Concern ba yan?” biglang banat ni Ben. Napasimangot si Kiko sa kanya pero si Michelle pagalit na tinignan ang binata. “Of course. And you should be concerned too” sabat niya. Napangisi si Kiko at dinilatan ang bestfriend niya pero agad nag lonely mode nang lingunin siya ni Michelle.

“Sure ka Kiko nag aral ka?” malambing na tanong ng dalaga. Di maintindihan ni Kiko ang nararamdaman niya, wala siyang magawa kundi mapangiti. “Oo nag aral ako” sagot niya. “Hoy Kiko sigurado ka ba nag aral ka?” biglang tanong ni Layla. “Parang wala kayong tiwala ata sa akin e” sagot niya. “Sus ikaw pa, classmate since kinder at alam di pa kita nakita nag aral ever. Ewan ko lang kung totoo yung sinabi mo last time na pupunta ka library para mag aral” sabi ng dalaga.

“Benditaaa diba katabi naman kita mamaya at di mo naman ako papabayaan diba?” biglang banat ni Kiko. Si Ben, Layla, Jessica lang ang natawa pero si Michelle seryosong nakatitig sa kanya. “Kiko its not a good time to joke” sabi niya. Gulat na gulat yung tatlo, palipat lipat ang titig nila kay Kiko at sa dalaga.

“Sorry” bigkas ng binata at lalo pang nagulat yung tatlo at di makapaniwala sa nangyayari. Ngayon lang nila nakitang natalo si Kiko nang ganon nalang kaya bilib na bilib sila kay Michelle. “Did you really study?” hirit ng dalaga. “I did” sagot ng binata. Napasimangot si Michelle kaya biglang tumayo si Layla. “Ah sis time na ata we should go” sabi niya. Nagpaalam na yung dalawa, si Kiko nanatiling nakaupo sa damo at nakayuko ang ulo. Nauna si Layla pero si Michelle dumaan kay Kiko at tinapik ang balikat niya. “Good luck ha” bulong niya. Napatingin si Kiko sa kanya at muli niyang nakita ang matamis na ngiti ng dalaga. “Same to you” sagot niya.

Agad tumayo si Ben at tinignan kung nakalayo na yung dalawa. Agad siya nagsisitalon at pinagbobomba ang kamay niya sa ere. “O! M! G! Oh my God! Sa wakas the great and mighty Kiko has fallen!” sigaw niya at talagang tuwang tuwa siya. Si Kiko lalo lang niyuko ang ulo niya at napakamot. “Anong has fallen ka dyan?” tanong ni Jessica.

“Hindi mo ba nakita yon? Natameme si Kiko for the first time. Grabe markahan ang araw na ito sa kalendaryo. Oh my God talaga!” sabi ni Ben. “Explain mo nga” hirit ni Ica. “Kasi yang si Kiko walang sinasanto yan. Laging may pambara yan o patawa. Lagi siya may pambaliktad sa isang pangyayari na dinadaan niya sa kanyang patawa. In short pag nagigipit yan at nacocorner magpapatawa yan para makalihis. Pero kanina wow men sapol ka don pare ano?” paliwanag ni Ben na talagang tuwang tuwa.

Di parin magets ni Jessica kaya umupo si Ben sa tabi niya. “Look, diba ilang beses mo na nakita na nagalit ako sa kanya? Pero what does he do? Magpapatawa siya tapos wala na yung galit o yung usapan bakit ako nagalit. You also have seen Layla scold him many times pero ano ginagawa niya? Diba nagpapatawa?” sabi ni Ben at napangiti si Ica. “Oo nga tapos mababangka na niya yung usapan agad” dagdag ng dalaga. “Exactly! Yan ang style ni Kiko na wala pang nakakadaig up to now. Bwahahahahahaha ano ka ngayon boy?” tukso ni Ben.

Kinurot ni Jessica si Ben at tinuro si Kiko, napansin nila na talagang malungkot yung binata. Tumabi si Ben sa bestfriend niya at siniko, si Jessica naman naupo sa kabila para mapag gitnaan nila siya. “Talo ka pare” bulong ni Ben. “Oo nga e” sagot ni Kiko. Huminga ng malalim yung binata at napatingin sa langit. “I have never felt so weak in my whole life. I cant believe it” bigkas niya.

“Hmmm bakit nga ba?” tanong ni Jessica at natawa si Kiko. “Ewan ko ba. Kakaiba talaga e. Bigla nalang ako nautal ng todo for the first time in my life. Para akong naubusan ng patawa at excuses” sagot ng binata. “Well she was just concerned naman e. At tama naman siya Kiko e. Nag aral ka ba talaga?” tanong ni Ica. “I really did” sagot ng binata.

“Ows? Totoo ka pare?” tanong ni Ben. “Oo pare, simula Monday night I studied hard. Tuesday night and even last night” sabi ni Kiko. “Wow ha, ano nakain mo pare?” tanong ng bestfriend niya. “Kasi pare ayaw ko mag aral dito e” sagot ni Kiko.

“Weird ka, bakit bawal ba mag aral dito?” tanong ni Jessica. “No, ayaw ko mag aral dito. Gusto ko lang titigan siya habang nag aaral siya. Kaya nag aaral na ako maigi sa gabi para pag nakita ko siya the next morning all I have to do is watch her” paliwanag ni Kiko at napanganga yung dalawang kaibigan niya.

“What the hell did you say pare?” tanong ni Ben at napangiti si Kiko at huminga ng malalim. “You heard me right pare. Her smile…kakaiba e. Kahit di ko hinihingi ngingitian niya ako. Demet tuloy hinahanap hanap ko na lagi. In my dream she wasn’t smiling, when I met her she was. Tuwing napapatawa ko siya lagi ko nakikita ngiti niya kaya ewan ko ba gusto ko siya lagi patawanin” sabi ni Kiko.

“Oh my God pare what are you trying to say?” tanong ng bestfriend niya at niyuko muli ni Kiko ang ulo niya. “What I am trying to say pare is that I really have to transfer to another school next sem. Na yung pagpapatawa ko sa kanya kanina was the last one. And when she smiled at me a while ago, last na yon talaga” sagot ng binata.

“Are you serious? Alam mo it does not have to be that way naman e” sabi ni Jessica. “It has to be. Di pa ba obvious sa inyo? Alam ko naman halata niyo na and I wont deny it. Oo kinakain ko na yung mga dati kong nasabi. The moment I saw her, I knew that my dream would definitely happen. Naging komplidado ang lahat so I knew di ko siya maiiwasan”

“I built a barrier around my heart so that there would be no chance in hell that I would fall for her. Para maiwasan ko maranasan yung sakit” sabi ni Kiko. “Ang nakatakda ay magaganap at magaganap” biglang entrada ni Ben. “Korek, I have tried my best to evade the hands of fate but it seems that pinapagod ko lang sarili ko. In the end I have to give in and here I am about to give in”

“Tuwing ngingiti siya nabibiyak yung barrier e! Nakakatawa nga e, I am not preventing form love to happen. I am preventing the pain na idudulot ng love na yon. Half of the barrier is down and yes to be honest I am starting to like her. Dapat masaya ako diba? Pero hindi e. Mas nangingibabaw yung sakit e” litany ng binata.

“Kiko, laging kasama ng love ang pain” sabi ni Jessica. “Oo nga e. Sabi ng mommy ko kaya daw ako labis na nasaktan sa dream ko kasi labis ko din siya minahal. Ganon ata ang buhay e. Kung gaano kataas ng intensity ng pagmahal mo sa isang tao, ganon din ang intensity ng sakit ang nag aantay sa iyo in case na malihis ang landas ng pag ibig niyo. And trust me up to now I always keep crying when I have that dream. Ang hirap huminga at napakasakit. Ayaw ko magkatotoo yun e” sabi ni Kiko.

Nalungkot narin sina Jessica at Ben, di nila alam ang tamang sasabihin nila sa kaibigan nila. “Pare, magkokonek the dots lang ako ha. Wag ka sana magalit. Pero sabi mo ang nakatakda magaganap talaga. So kung nakatakda na magaganap ang break up niyo…pare konek the dots lang ako ha, that means magiging kayo. So yung pagiging kayo nakatakda din yon. So whatever you do pare that means magiging kayo talaga e” sabi ni Ben.

“I think Ben is right Kiko. Listen, kahit na lumipat ka ng school, e you cannot escape the many hands of fate. Pwede kayo magkita sa mall. O kaya mamasyal siya sa house ni Layla. Worst case scenario na kung lilipat din siya bigla kasi I heard that her mom does not like her being in this school daw at guess what? Yung lilipatan mo na school, doon ang gusto ng mom niya” sabi ni Jessica.

“How do you know what school ako lilipat?” tanong ni Kiko. “Oh come on Kiko, face the facts. Aside from this school ano pa nga ba ang magandang University out there na maganda ang Psychology course nila?” sagot ng dalaga at humawak si Kiko sa buhok niya at huminga ng malalim. Tumingin siya sa langit at natawa bigla, “Hoy fate, di ko akalain pati tong dalawa kakampi mo na ha” biglang sabi niya at nagtawanan sila bigla.

“Di naman sag anon Kiko, kakampi mo parin kami” sabi ni Ben. “I was just kidding. Well I really need you two to keep this secret then. No one must know na lilipat ako” sabi niya. “Malalaman din ng lahat Kiko no” sabi ni Ben. “Oo pare malalaman ng lahat pero by that time nag start na yung second sem. So this means this will be the last time na makikita niyo na ako dito. Ako na bahala gumawa ng palusot bakit wala ako sa sem break. Just promise me to keep our secret” sabi ng binata.

“Talagang desidido ka na pare?” tanong ni Ben at biglang natawa ang bestfriend niya. “Pare ano ka ba di pa ako mamatay no” sabi ni Kiko at natawa si Jessica. “Mamimiss ka niyang sigurado” sabi ng dalaga. “Hello! Pwede naman magkita ng dismissal or weekends. And you two should focus on keeping your relationship alive or even stronger. Ikaw Ica mas maging assertive ka kay Ben, matigas ulo niyan e. Ikaw Ben alagaan mo maigi si Ica” payo ni Kiko.

Hinampas ni Ben ang braso ng kaibigan niya at biglang tumayo. “Loko ka! Nagpapayo ka na parang mamatay ka na e!” sigaw niya at nagtawanan silang tatlo. “Ikaw kasi ang drama drama mo porke lilipat ako ng school. Di ako ang saklay mo no!” sabat ni Kiko.

“Saklay?” sabay na tanong nung dalawa. “Lahat tayong mga tao pilay. Sa buhay natin makakahanap tayo ng mga relationship na di magtatagal, sila yung mga saklay natin. Temporary relief ika nga to walk straight. Pero sa totoo di naman talaga saklay ang hanap natin e. Di nagagamot ang pagkapilay nating mga tao. What we must look for is that other crippled person who would walk with us along the same path for the rest of our lives. We may not walk straight but as long as we are together it really wont matter anymore as long as we are headed for one direction”

“I hope you two ay wag maging saklay lang sa isat isa. Wag kayo mapagaya sa akin. Di pa nga nangyayari alam ko nang saklay lang si Michelle. Pilay na kung pilay pero ayaw ko siyang maging saklay ko, gusto ko siya din yung isang pilay na makakasama ko” drama ni Kiko.

“Pare may wheelchair naman” banat ni Ben at bigla siya binatukan ni Ica. “Di mo ba nagets?” tanong ng dalaga sabay punas sa luha sa mata niya. “Not literal na pilay! Pilay meaning lahat tayo may pagkukulang kaya kahit pilitin natin maglakad ng diretso di pwede. No one can walk straight kasi no one is perfect” galit ni Ica.

“Yeah I know nagpapatawa lang ako. Tulad natin Ica, we can rely on each other so we can walk straight” sabi ni Ben. “At kahit na iika ika parin kayo pare basta ang mahalaga ay magkasama kayo til the end” dagdag ni Kiko. “Bwisit ka naman pare e! Pinapaiyak mo kami ni Ica!’ sigaw ni Ben at tumayo agad si Kiko at nginitian yung dalawa.

“Wag kayo magpapakasklay” sabi niya sabay naglakad paalis. Hinahawak ni Ica ang kamay ni Ben at agad yumakap yung binata sa kanya. “Napaka deep naman pala ni Kiko e” bulong ng dalaga. “Oo nga e pero naawa talaga ako sa kanya” sagot ng binata. Nagyakapan ng mahigpit ang dalawa at sabay pang huminga ng malalim. “Were gonna be late Ben” bulong ni Ica. “Just a little bit more labs” sagot ng binata sa kanya.

Tapos na ang exams nila, nagkita si Ben at Jessica sa lobby at sabay sila nagtungo sa main gate. Sa tapat ng guard house nakita nila doon sina Lyne, Layla at Michelle at nagyayaya silang magpunta sa mall. “Ah hindi na may lakad kami ni Ica” sabi ni Ben. “Uy kayo ha. Pero nasan na yung ex mo?” tanong ni Layla. “Maaga siya natapos, masakit daw ulo kaya nauna nang umalis” sagot ng binata.

“Did he do well?” tanong ni Michelle. “Hmmm di naman sa nangopya ako ha pero sinilip ko papel niya. You know kasi nga concerned din ako, nakita ko na tama lahat ng sagot niya. Oo na to be honest nagpalit ako ng sagot kasi nakita ko sagot niya” sabi ni Ben at biglang tumaas ang kilay ni Ica at tinignan siya. “Labs sorry na, I was really concerned at nakita ko yung tamang sagot. Alangan na hahayaan ko nalang mali sagot ko diba?” palusot ng binata at nagtawanan yung girls.

Naghiwalay na ng landas ang dalawang grupo, yung malaking lalake agad humarap sa loob ng guard house at tumingin sa loob. “Umalis na sila pards” sabi niya. “Ganda niya ano pards?” tanong ni Kiko. “Oo nga. Bakit di mo ligawan?” tanong ng gwardya. Lumabas ng guard house si Kiko at nag inat. “Hay pards, its complicated” sabi niya. “Natatakot ka ba?” tanong nung malaking tao. “Parang ganon na nga” sabi ni Kiko at natawa yung gwardya. “Pano mo malalaman pag di mo subukan? Kung takot ka na agad sa umpisa e di sayang naman. Malay mo siya pala dapat ang mapapangasawa mo” payo sa kanya.

“E pards kunwari lang na nakikita mo ang future at nakita mo na maghihiwalay kayo. Masasaktan ka talaga sobra. Gusto mo parin ba siya ligawan?” banat ni Kiko at biglang napaisip ng malalim yung guard. “Aha! Hinuhuli mo nanaman ako pards ha. E wala naman taong nakakakita ng future e. Wise ata to kahit high school lang natapos ko” pasikat nung mama.

“Sabihin na natin kaya mo. Kunwari lang naman e. Itutuloy mo pa ba yung panliligaw?” hirit ni Kiko. “Aba yan ang mahirap ah. Parang ipupusta mo ang pera mo sa manok pero kalaban niya si Big Bird ng Sesame Street” sabi ng guard at biglang natawa si Kiko. “Nadali mo ako don pards ah” sabi niya at nagtawanan sila. “Kahit na ganon pare go parin, malay mo manalo yung manok” sabi ng guard. “Di nga ganon e, nakita mo na nga na mananalo si Big Bird e” sumbat ni Kiko. “E di kay Big Bird ka tumaya kasi. Nakita mo na ngang mananalo si Big Bird diba? E di kay Big Bird ka na tumaya” sabi ng malaking mama at napakamot nalang si Kiko. “O sige pards talagang sumakit na ulo ko. Nice talking with you” sabi niya. “Sure my man. Come back soon” banat ng guard.

Sa kalayuan naglalakad papunta sa paradahan sina Ben at Jessica. “Siguro dinadasal mo na sana wala nalang siyang ability ano?” tanong ni Jessica at biglang nagulat si Ben. “Anong ability?” tanong niya. “Hello, yung about his dreams coming true” sagot ng dalaga at nakahinga ng maluwag si Ben. “Ay oo nga e. Sana di nalang niya nakita sa panaginip niya na ganon mangyayari” sabi niya.

“Pero he will get hurt in the end” sabi ni Ica. “He wouldn’t know that, ang mahalaga he will be able to love without fear” sabi ni Ben at biglang natawa ang girlfriend niya. “O bakit?” tanong ng binata. “Bwisit ka nahawa ka na din ata kay Kiko e” sabi ng dalaga. “Hello di mo ba alam naging kami?” banat ni Ben. “Ano sabi mo?!!!” pagalit na tanong ni Ica. “Biro lang naman labs e” sabi ni Ben.

“Ayaw ko na nagbabakla baklahan ka na ha” sabi ni Ica. “Opo labs. Uy wait, remember nung Monday? Halos ganyan din sinabi ni Michelle kay Kiko diba? I mean not directly na pero she didn’t want Kiko din to be gay diba?” sabi ni Ben. “Yup, kasi she likes Kiko” sabi ni Jessica. “So you like me too pala” landi ni Ben at bigla siya tinapik sa noo ng dalaga. “Ben, love na” sabi niya at napangiti ng todo ang binata.

“E di love narin ni Michelle si Kiko” hirit ng binata. “Ben! Talaga bang kailangan mo icompare tayo sa kanila? O gusto mo mapagaya kay Kiko?” banta ni Ica at biglang umamo yung binata. “Sorry labs” sagot niya.

“Ben do you think tototohanin ni Kiko na lilipat siya?” tanong ni Ica at napayuko ang ulo ng binata. “Yeah, ganyan si Kiko. Pag may sinabi siya talagang gagawin niya” sagot ng binata. “Hay, if it was not for him siguro wala tayo ano?” tanong ng dalaga. “To be honest oo. Di ko maexplain pero trust me oo ang sagot” sabi ni Ben. Hinigpitan ni Jessica ang hawak sa kamay ng boyfriend niya at sinandal ang ulo niya sa balikat ng binata. “Naawa ako sa kanya Ben” bulong ni Ica.

“Lalo na ako. For how many years na magkasama kami, this past few months ko lang siya malungkot at may dinadamdam na problema. He was always a happy go lucky guy. Lately kahit na nagpapatawa siya ramdam ko na may dinadamdam siya” sabi ni Ben. “Benjamin, masaya ako pag kasama kita. Kaya pag iniisip ko na ako ang nasa kalagayan niya alam mo ang hirap isipin at ang hirap magdesisyon” sabi ni Jessica. “Same here labs. Sana di na siya habulin ng tadhana” sagot ni Ben. “Ano?” tanong ni Ica. “I love you Ica” sabi nalang ng binata.

Sa harap ng gate ng University matagal nang nakatayo don si Kiko, nakatingala lang siya at pinagmamasdan ang kanyang paaralan.

“Hanggang dito nalang ako mga kaibigan ko. Pasensya na”


-WAKAS-

Tuesday, May 18, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 11: Pagtibok

Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz


Chapter 11: Pagtibok

Kinabukasan maaga pumasok si Layla at nagulat siya pagkat nandon na sa classroom si Michelle at kumakanta. “Wow happy na siya, uy” tukso niya. Tumigil si Michelle at tumawa, “Sira ka talaga, ano pinagsasabi mo?” tanong niya. “Kaya naman pala di maipinta ang mood niya the past week. Uy tapos di pala pumapasok sa club niya” hirit ni Layla at sinubukan ng dalaga na magsimangot pero natatawa talaga siya.

“You really like Kiko ano? Tapos nagselos ka nung nalaman mo na may kasama siyang ibang girl” tanong ni Layla. Si Michelle nilabas ang necklace niya sabay nilalaro at kunwari hindi nakikinig. “Wag ka na magdeny sis, buking na buking ka na. Tapos kung makakapit ka pa kahapon sa kanya ang higpit” sabi ni Layla at di na natiis nung dalaga at napahalakhak siya.

“Oo aminado ako pero parang malabo kasi naman akala ko friend mo siya at mapapadali ang lahat” banat ni Michelle. “Ano gusto mo maging tulay ako?” tanong ni Layla. “Di naman, I was expecting lang na you spend more time with him” sagot ng dalaga. “I spend time with him na kasama ka?” tanong ni Layla at napangisi si Michelle at nagtawanan sila. “Baka sinasabi mo naman desperado ako, wag naman sana. Pero I really like him and how can things happen pag di ko man siya nakakasama diba?” sabi ni Michelle.

“Naiintindihan kita sis don’t worry mamayang lunch kasama natin sila” sabi ni Layla at biglang natuwa si Michelle at pinaikot ikot ang kanyang necklace. “Uy grabe ka naman baka naman may lakad sila” sabi niya. “O di wag nalang” sabi ni Layla at biglang hinawakan ni Michelle ang kamay ng kaibigan niya. “To naman nagbibiro lang e” bawi niya at lalo sila nagtawanan. “Sis di mo na masusuot necklace mo buhol buhol na” sabi ni Layla at nagulat yung dalaga. “Hala bigay sa akin ng daddy ko to” sabi ni Michelle.

“Uy wag mo pilitin! Lalo lang mabubuhol yan. Akin na yan” sabi ni Layla. Tinago ng dalaga ang necklace sa bag niya at tinignan siya ni Michelle. “Sis, akala ko aayusin mo?” tanong niya. “Oo maayos yan trust me” sagot ng kaibigan niya at saktong pumasok na ang propesor nila sa klase.

Lunch time nauna sina Ben, Jessica at Kiko sa mall. Naka order na sila ng pagkain at inaantay ang pagdating nina Layla. Magkatabi ang magbestfriend at sa tapat nila naupo si Ica. “Alam mo pare madali lang sana tong problema ko pag di mo nakilala si Jessica e” sabi ni Kiko at nagulat si Ben at Ica. “Bakit naman? Don’t tell me na…” sabi ni Ben at napalunok si Jessica pagkat nakatitig si Kiko sa kanya.

“Oo Ben, aminado ako” sabi niya sabay tingin sa bestfriend niya. “Mas madali sana lahat pag wala si Jessica para tayo na ang nagkatuluyan” drama ni Kiko at biglang sumabog sa katatawa si Jessica. Diring diri si Ben at tinutulak palayo ang kaibigan niya pagkat ang mga titig ng mata nito ay napakalagkit. “Please Ben wag mo ako idedeny. Parang wala naman tayo nakaraan e. I know pag di mo nakilala si Ica ay ako lang ang nasa puso mo” hirit ni Kiko at pinagsusuntok na siya ni Ben.

“Alam mo Kiko tama si Yna, dapat talaga sumali ka sa Theater, ang galing mo umakting” sabi ni Ica. “Oy magaling din naman ako ha” reklamo ni Ben. “Hmmm not much, mas magaling si Kiko” sabi ni Ica. “Ah ganon? Di mo ako kakampihan?” tanong ni Ben at tumawa si Ica.

Humarap si Ben kay Kiko at huminga ng malalim. “Kiko, alam mo naman na sa puso ko ikaw lang talaga e. Kahit na may kinakasama akong iba, tandaan mo sa puso ko ikaw lang ang iibigin ko” bigkas niya at halos mamatay na sa tawa si Jessica pagkat seryosong nagkakatitigan yung dalawang binata.

Dumating sina Layla, Lyne at Michelle pero agad sila sinensyasan ni Ica na tumahimik at panoorin yung dalawa. Humawak si Kiko sa kwelyo ng kaibigan niya at lalong nagkalapit ang mukha nila. “Sinungaling ka Ben, sinasabi mo lang yan. Ako ba talaga ang laman ng puso mo?” banat niya. Hinaplos ni Ben ang pisngi ni Kiko, si Michelle sasabog na sa tawa pero pinigilan siya ni Lyne. Halos lahat ng tao sa resto nakatingin na sa dalawang binata pero tuloy parin ang acting nila.

“Totoo Kiko, magtiis ka lang muna. Siguro di pa natin panahon ngayon pero ikaw lang ang laman ng puso ko. Alam mo naman na di tayo matatanggap ng lahat ngayon. Kasama ko man siya pero ikaw lang ang lagi kong iniisip” banat ni Ben. “Oh Ben, hanggang kalian tayo magtitiis?” tanong ni Kiko at lalong lumapit ang mukha nila. Napangisi si Layla at mabilis na lumapit at pinag dikit ang ulo ng dalawa. Nagdikit ang mga labi nina Kiko at Ben at biglang nagtawanan ang lahat ng tao.

“Blaaaaaa!!!” sigaw ni Kiko sabay nilawit ang dila niya at tumingin palayo. Ganon din ang ginawa ni Ben, pinagpupunas nung dalawang binata ang kanilang mga labi pero yung mga girls tawa ng tawa. Tumayo si Jessica at naupo sa gitna nung dalawa para makaupo yung tatlong bagong salta sa tapat nila. “Kayo talagang dalawa, hay naku. Eto Kiko ayusin mo pala tong necklace. Oorder lang kami” sabi ni Layla.

Agad trinabaho ni Kiko ang necklace, si Ica natatawa parin habang si Ben tuloy ang pagpunas sa labi niya. “Ayan kasi ano ngayon e di masaya na kayo?” tanong ng dalaga. “Parang tuwang tuwa ka pa sa nangyari” tampo ni Ben at sumandal sa kanya si Ica. “Ito naman nagbibiro lang e” lambing niya. “Kain na nga tayo, siguro naman sterilized na labi ko” banat ni Ben. “Kain ka na rin Kiko” sabi ni Ica pero di siya kinibo ng binata.

Nakabalik na sina Layla, pagkaupo nila nakita nila na busy si Kiko sa pag ayos sa necklace. “Mamaya mo na gawin yan, kain ka muna” sabi ni Lyne pero di rin siya pinapansin ng binata. “Ganyan talaga yan pag may ginagawa. Di niyo makakausap at di niyo magugulo” sabi ni Ben. “Tama kaya kain na tayo” sabi ni Layla pero si Michelle nakatitig lang kay Kiko at sa kanyang necklace.

Sampung minuto ang lumipas at kokonting buhol nalang ang natira, pinikit ni Kiko ang mga mata niya saglit sabay huminga ng malalim. “Kumain ka na muna pare” sabi ni Ben. “Concerned ka talaga sa akin no pare?” biglang tanong ni Kiko at medyo natawa yung iba. “Syempre naman pare” sagot ng kaibigan niya. “Ano naman masasabi mo sa first kiss natin? For me I sooooo loved it” sabi ni Kiko sabay tumingin sa malayo at nilawit ang dila niya na parang nasusuka. Tawa ng tawa ang mga girls habang si Ben muling nagpunas ng labi.

“Di mo na maalis yan sa labi mo pare. Tumatak na sa isipan mo ang unang halik natin. Our first kiss, Ben alam mo magbabago na ang lahat dahil sa halik na yon” landi ni Kiko at naghalakhakan yung mga babae. “Demet pare itigil mo na nga yan! Nangingilabot na talaga ako e. Ito kasing si Layla e, alam mo naman na acting lang e” sabi ni Ben. “Wag ka na mandamay Ben. Kahit wala yung tulong ni Layla alam ko naman at nakita ko sa mata mo na gusto mo ako talaga halikan” sabi ni Kiko sa malumanay na boses sabay nilawit ulit ang dila.

Nadabog ni Michelle ang lamesa at nagtakip ng mukha, “Pare isa! Sabi ko itigil mo na e. Kadiri na talaga. Di na maganda yang joke natin na ganon” galit ni Ben. Sumimangot si Kiko at kunwari naiiyak. “Wag ka masyado magagalit BENditaaaa…wag mo na ako isumbong kay woowaaaaa. Kakawawain niyo nanaman ako ni wowaaaa. Baka iflush niyo ulit ako sa bowl” banat ni Kiko at talagang bumigay na ang mga girls at di makayanan ang pagtawa nila.

“Ayan tapos na” sabi ni Kiko sabay tinignan si Layla. “Itaas mo na buhok mo para ako na ang magkabit” sabi niya sabay tumayo. “Kay Michelle yan” sabi ni Layla at biglang nanigas ang binata at dahan dahan napatingin sa dalaga. Nagtakip ng bibig si Ben at Ica pagkat natatawa sila sa panginginig ni Kiko. “Is this yours?” tanong niya at nginitian siya ni Michelle. “Thanks ha, ako nalang magsusuot” sagot ng dalaga sabay inabot ang kamay niya para makuha ang necklace.

Napatitig si Kiko sa kamay ng dalaga at biglang napangisi. “Ang pangit ng nails mo” sabi niya at nagulat yung iba. Parang nahiya si Michelle at napasimangot, “Mas maganda kasi pag walang kulay ang nails” pahabol ni Kiko at napangiti yung dalaga. “Ah first time ko magkulay, I just tried” sabi niya pero di siya pinansin ni Kiko at dumiretso ang binata sa likod niya. Si Michelle naman ang nanigas pero pasimple siyang siniko ni Layla. “Gaga itaas mo buhok mo” bulong niya. “Ah oo” sagot niya at tinaas naman niya buhok niya para maisuot ng binata ang kwintas.

Napatingin si Ben at Ica kay Kiko, may malaking ngisi sa mukha niya at hawak hawak niya yung kwintas na parang pansakal. Di nakayanan ni Ica, humarap siya kay Ben at binaon ang mukha niya sa dibdib ng binata. Nagtaka sina Lyne at Layla kaya agad nila tinignan si Kiko. Mabilis naman nagpasimple yung binata at hinaplos pa konti ang buhok ni Michelle. Kinabit ni Kiko ang kwintas, si Michelle nakakapit ang kamay kay Layla at nakapikit ang mga mata niya. “Hoy tapos na” bulong ni Layla at pagmulat niya ng mata niya nakaupo na si Kiko sa tapat niya.

“Thanks ha” bigkas ni Michelle sabay ngiti. “Ang pangit ng buhok mo” sabi ni Kiko at nagreact na agad si Layla. “Kiko ang bastos mo talaga” sabi niya. Inabot ni Kiko ang mukha ni Michelle at hinila ang konting buhok at pinatagilid. “Mas bagay mo yung nauuso na ewan ano tawag don, basta from left e basta” sabi ng binata at biglang tumayo si Lyne at inayos ang buhok ni Michelle.

“Ganito ba?” tanong niya. “Ayan! Ganyan nga. Yan ang bagay sa iyo pero dapat paputulan mo hair mo” sabi ni Kiko. “O see sis sabi ko sa iyo e. Ayaw mo kasi makinig sa akin” sabi ni Lyne habang pabalik siya sa upuan niya. Humarap na si Kiko sa pagkain niya, sina Layla, Jessica at Ben tulala lang habang si Michelle ang laki ng ngiti sa kanyang mukha.

“Oh my God, Kiko natuluyan ka na ba? Since when ka marunong sa fashion ng mga babae?” tanong ni Layla. Lumunok si Kiko at kumuha ng napkin at mahinhin na pinunasan ang bibig niya. “Hay naku sis, ito talaga ang true calling ko ata. Di ko na pwede ideny. My only fear is that how am I supposed to tell my fatherlings and motherlings. Matatanggap ba nila na ang anak nila ay tunay na babae pero nakakulong sa katawan ng lalake?” sabi niya sabay tingin sa kisame at nag beautiful eyes.

Sumabog sa katatawa ang lahat, si Ben agad tinignan si Kiko at nagbanta. “Sige sige tapos idadamay mo nanaman ako at sasabihin mo na pareho tayo” sabi niya. Humarap sa kanya si Kiko at ngumiti. “No Ben, alam ko ganap kang lalake and all I want to say is that…I llaaabbbyuuuu” landi ni Kiko sabay bumuga ng flying kiss. “Kadiri ka talaga!!!” sigaw ni Ben. “Di mo pa ba naramdaman kanina nung dumampi ang labi ko sa labi mo? Smooch smooch mwah mwah I really lab ya pare” hirit ni Kiko.

Parang nawalan ng hininga si Michelle kaya lahat napatingin sa kanya. May luha na sa mga mata niya at ang lakas ng tawa. Ilang beses niya tinuro si Kiko, mga mata niya sumingkit, kamay niya nagpataas at dadabugin ulit ang lamesa pero nahuli ito ni Kiko. “Wag” sabi niya at bigla siya napatigil. “Masasaktan yung lamesa” sabi ng binata at muling natawa si Michelle. “At masasaktan din ang kamay mo” pahabol niya kaya napalunok ang dalaga at biglang namula ng todo ang kanyang mukha.

Gulat na gulat si Ben pagkat nahawakan ni Kiko ang kamay ng dalaga. Pero nung tinignan niya ng maigi ay may napkin sa pagitan kaya nakahinga siya ng maluwag. Sina Layla at Lyna pasimple nalang na tumingin sa malayo pero napapangiti sila. Nang matauhan si Kiko ay binitawan niya kamay ni Michelle at muling kumain.

Tahimik bigla ang grupo, si Michelle pasimpleng tinitignan si Kiko. Para mabasag ang katahimikan ay biglang nagpatawa si Ben na napasundan ng kwento ni Layla. Ang daldal ni Layla, lahat nakikinig sa kanya. Si Michelle napahawak sa pendant ng kwintas niya sabay tinignan si Kiko na nakatingin sa kanya. “Thank you” bulong niya sabay inangat konti ang kwintas. Ngumiti ang binata sabay sipsip sa softdrinks niya pero wala na palang laman. Inurong ni Michelle yung baso niya palapit kay Kiko at muli sila nagngitian.

Kinuha naman ni Kiko at agad uminom, nagulat nalang sila pagkat tapos na pala ang kwento ni Layla at nakatingin ang lahat sa kanilang dalawa. “What?” tanong ni Kiko at pasimpleng tumingin sa malayo ang lahat. Si Layla muling siniko ang kaibigan niya at napakahigpit ng kapit ni Michelle sa kanyang braso at kinikilig. “Time is up, we have to go to class” sabi ni Ben. “Wala kami klase” sabi ni Layla kaya naiwan sila ni Michelle habang umalis na yung iba.

Naglibot ng mall yung dalawa at medyo nagreklamo na si Layla. “Sis tama na hawak mo sa kamay ko namumula na o” sabi niya at natawa si Michelle. “Ay sorry ha. Hay gandang araw to talaga” sagot niya. “Kayo ha, something is going on agad ha” tukso ni Layla at lalong kinilig yung dalaga.

“Uy wala ha” sabi ni Michelle. “Aysus, mga pasimpleng ngiti at bulungan akala mo di namin napapansin” sabi ng kaibigan niya. Nagtakip ng bibig si Michelle at pinagkukurot ang kaibigan niya. “Sis samahan mo nga ako magpagupit” sabi niya at natawa si Layla. “Porke sinabi niya mas bagay mo ganon gagawin mo naman?” tanong niya. “Di ah, matagal nang sinasabi ni Lyne kaya yon” sumbat niya.

“Pero di mo naman ginawa. Nung sinabi ni Kiko lang minsan magpapagupit ka agad?” tukso ni Layla. “Oo” sagot ni Michelle at nagtawanan yung dalawa. “At dapat naman inantay ko na wala siyang hawak na napkin bago ko dinabog yung lamesa. Sayang talaga pero at least he held my hand ang stopped me” bigkas ni Michelle at muling kinilig. “Ah sis tandaan mo babae ka” sabi ni Layla at napatigil ang kaibigan niya.

“Yeah I know. Pero patas lang ang mundo, if we like someone we just cant wait for them to like us back. What if they like us too pero nahihiya, we should somehow show them that we like them too right?” sabi ni Michelle. “Pero what if you like them, they don’t like you but you show them motive so kakagat sila. Di maganda yon sis diba?” payo ni Layla.

“Bakit ganon ba si Kiko? Does he take advantage?” tanong ng dalaga. “I was just saying naman, di ko naman sinasabi na ganon si Kiko. Pero malay mo diba? You like him pero he does not like you. Pero pag pinakita mo na you do he might take advantage” sabi ng kaibigan niya. “So you think ganon si Kiko?” tanong ni Michelle at napansin ni Layla na galit ang kaibigan niya.

“I don’t think Kiko is like that. You should know him better sis kasi kababata mo siya. Ako I just met him recently and I can tell na prangka siyang tao. Tulad kanina, he tells it as it is. Kung ayaw niya sasabihin niya, like my nails and my hair. I believe that if Kiko does not like me he will find a way to show it to me or even tell me” galit ng dalaga.

Napayuko si Layla at napahiya, “Sorry sis” bulong niya. “Uy okay lang no. I was just saying also” sabi ni Michelle. “So sa tingin mo he likes you too?” tanong ni Layla. “Hmmm ewan ko. Napansin niya nails ko, napansin niya hair ko, concerned siya sa pagdabog ng kamay ko. Sapat na yon for now at least napapansin niya ako. That’s better than nothing diba?” sabi ni Michelle at nagngitian sila. “Tara sis parlor tayo sagot ko” dagdag niya at natuwa naman si Layla.

Sa school, pagkahiwalay ni Lyne at agad tumabi si Ben sa kaibigan niya at siniko ito. “Hoy ano yung kanina?” tanong niya. “Oo nga akala ko ba iiwasan mo siya?” tanong ni Jessica. Huminga ng malalim si Kiko at napakamot. “I was trying to piss her off” sabi niya.

“Piss her off? Talaga? Parang ang sweet niyo nga e!” galit ni Ben at natawa si Jessica. “Hay naku pare trust me. I was trying my best to piss her off talaga. Gusto ko siya bastusin tulad ng pagsasabi ng mga pangit sa kanya” sabi ng kaibigan niya. “Pero parang baliktad naman nangyari. Nasabi mo nga yung pangit pero may pahabol ka naman na mas maganda pag ganito ganyan” sabi ni Ica.

Napasimangot nalang si Kiko at niyuko ang ulo. “Di mo kaya ano?” tanong ni Ben. Tahimik si Kiko na sumandal sa dingding at huminga ng malalim. “Di mo kaya ano?” ulit ng kaibigan niya. “Oo pare di ko sya kaya bastusin. I thought that if I be frank at laitin ko siya sa lahat ng aking mapupuna ay mababastusan siya sa akin para tapos na problema ko” sabi ni Kiko.

“That would work trust me pero bakit di mo nakayanan?” tanong ni Jessica. Muling napabuntong hininga ang binata at tumingin sa kisame. “Di ko kaya. Di ko alam bakit. Kanina I could not stop looking at her even. Sa isipan ko naglalaro ang tanong na bakit mahuhulog ang puso ko sa kanya? Di ko alam bakit yon ang iniisip ko, dapat ang iniisip ko ay yung oras na hihiwalayan niya ako”

“I don’t know why I kept thinking of the reason why I would fall in love with her” paliwanag ng binata. “Alam ko ang mangyayari in the end pero I want to know why it will even start in the first place. Lately ganon ang naglalaro sa isipan ko. Magulo ang isip ko sa ibat ibang payo ng tao. Sabi nila na masyado ako nasaktan sa dream ko meaning I really loved her very much. Ang gusto ko malaman ay how the hell would I fall in love with her and why” sabi ni Kiko at natahimik yung dalawa.

“So anong plano mo ngayon pare?” tanong ni Ben. “Ayaw ko masaktan in the end. I am going to finish this sem here and I will have to leave. Yun nalang ang pwede kong gawin” sabi ni Kiko at walang masabi yung dalawa pagkat ramdam nila ang dinadala nitong sakit sa puso na darating palang.

“So kanina, did you find a reason?” tanong ni Ica at tinignan siya ni Kiko. “Wala” sagot niya sabay tumingin sa kisame at pinikit ang kanyang mga mata.

Sa kanyang imahinasyon ang tanging nakikita niya ay ang ngiti ni Michelle. Di niya maamin sa mga kaibigan niya na nagsisimula na ang mga pangyayari papunta sa ikakasakit niya.

Monday, May 17, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 10: Oplan: Selos

Sa Aking Mga Kamay
By Paul Diaz



Chapter 10: Oplan: Selos

Lunch break kinabukasan ay sumama sina Kiko at Ben kay Jessica. Umakyat sila sa sixth floor kung saan nagklaklase ang kaibigan ng dalaga. “Antayin niyo nalang ako dito sa hallway, kausapin ko muna” sabi ng dalaga.

Pagkaalis ni Jessica ay biglang tumawa ng malakas si Kiko. “Mwahahahaha narinig mo ba ang sinabi ni Ica? Mega beauty daw siya” pasikat niya. “Yeah right, alam mo may pagkakalog din yan e. Malay mo binibiro ka lang niya” sagot ni Ben. Sumimangot si Kiko sabay dinikit ang noo niya sa noo ng kaibigan niya. “Jelly beans ka lang, mwahahahahaha” sabi niya.

“Bakit ako magseselos e may Ica na ako, and so what pag pretty siya e make belief lang naman ang samahan niyo” sabi ni Ben pero biglang nanlaki ang mga mata niya at napanganga. “Hoy bakit?” tanong ni Kiko at pagtalikod niya ay pati siya nabighani sa ganda ng kasama ni Jessica.

“Oh my God, ang ganda niya” bigkas ni Ben. “Parang artista yan e, grabe ang ganda ng kutis niya. Mwahahahahaha” banat ni Kiko. Nakalapit na ang dalawang dalaga, “Guys this is Yna. Sis this is Ben and Kiko” pakilala ni Jessica. Natulala lang yung dalawang binata sa tamis ng ngiti ni Yna.

“So we just have to make her jealous right?” tanong ng dalaga. “Uhuh” sabi ni Kiko at biglang natawa yung dalawang dalaga. “Okay break ko naman so do you know where she is?” tanong ni Yna. “Sa panty niya siguro” banat ni Kiko at natawa yung dalaga at kinurot siya. “You are funny, I like you na” sabi niya at napangisi si Kiko at tinignan si Ben. “I believe in miracles” bulong niya. “Shut up pare” sagot nalang ni Ben.

Nagtungo ang apat para maglunch sa labas, nauna sa paglalakad sina Kiko at Yna at si Ben nagulat pagkat agad nakaakap yung dalaga sa braso ng kaibigan niya. “Ica, bakit ganyan?” bulong niya. “Ganyan talaga yan, malambing masyado” sagot ni Jessica. “Hala e di baka pati ako akbayan niyan mamaya” sabi ni Ben. “Asa ka pa. Sinabihan kona siya na di ka pwede lapitan” sagot ng dalaga. “Bakit naman?” tanong ng binata at tinignan siya ng masama ni Jessica. “Bakit nga kaya Ben?” sumbat niya at napakamot si Ben at tumawa. “Ito naman biro lang e” sabi niya.

Sa loob ng kainan ay di makapaniwala na parang napaka close na agad nina Kiko at Yna. Talagang magkadikit ang katawan nila at kahit sino makakita ay talagang aakalain na magsyota sila. “Does she eat here?” tanong ni Yna. “Minsan pero not always” sagot ni Kiko. “O kaya tama na muna yang uber sweetness niyo no” sabi ni Jessica. “Acting nga e, and we should always be prepared” landi ni Yna sabay sinubuan si Kiko.

Super ngisi nalang yung binata pero ayaw siya tignan ng bestfriend niya. “Sana totoo nalang” banat ni Kiko. “Pwede naman e” sagot ni Yna at nagulat sina Ben at Jessica. “Akala ko ba e…” sabi ng binata at tinignan siya ng dalaga. “Pwede naman ako magbago, lalo na para sa iyo” sagot niya sabay haplos sa pisngi ni Kiko. Napahawak si Kiko sa kamay ni Yna, nanlaki ang mata ni Ben kaya medyo nagpanic siya.

“Matatanggap mo ba ang isang tulad ko Yna?” tanong ni Kiko. “I liked you the moment I saw you” sagot ng dalaga at talagang din a makapaniwala yung dalawa sa nangyayari. “Pero gusto pa kita makilala e” sabi ni Kiko. “Me too, pero natatakot ako baka lalo lang mahulog ang loob ko sa iyo Kiko” sagot ni Yna. Naglapit ang mga mukha nung dalawa, mga labi nila halos magdikit na. Nanlaki na talaga ang mga mata ni Ben at Jessica pero biglang nagtawanan sina Kiko at Yna.

“Ang galing mo Kiko! Alam mo dapat sumali ka sa Theatre guild ng school” sabi ni Yna. Napakamot ang binata at napangiti, “Well gusto ko din talaga mag acting pero parang di ko talaga hilig e” sagot niya. “Sinasabi ko na sa iyo you should join us, non scripted yon ha at ang galing mo mag adlib” sabi ni Yna. “Ewan ko siguro pag isipan ko nalang” sagot ng binata.

“Hoy para kayong estatwang dalawa” sabi ni Kiko. “Akala namin totoo na” bigkas ni Jessica at natawa si Yna. “I was trying to trick Kiko pero he is good at nagets niya” sabi niya. “Whew akala ko magkikiss na talaga kayo e” sabi ni Ben. “Grabe ka naman, kiss sa first date. Siguro sa third date, diba Kiko?” sagot ni Yna. “Yeah tama, I think the third date would be just right” sagot naman ni Kiko sabay ngumisi sa kaibigan niya.

“Pero in fairness this seems to be a good deal” sabi ni Yna. “Good deal?” tanong ni Jessica. “Yup, kasi I do have suitors na guys and two are right here now. Nasaktan na ata sila” bulong ng dalaga. Biglang umakbay si Kiko kay Yna, “Eto pa saktan pa natin sila” banat niya. Sumandal naman si Yna sa dibdib niya at sila ay nagtawanan. “Gustong gusto mo naman ano Kiko?” tanong ni Jessica. “Excuse me, this is pure acting, diba Yna?” sagot ni Kiko. “Ikaw kung tingin mo acting okay lang” sagot niya kaya muling napangiti ng malaki ang binata at tinignan ang bestfriend niya.

Pagkatapos nila kumain bumalik na sila sa campus. Sa malayo nakita ni Ben si Layla pero di kasama si Michelle. “Pare si Layla nandoon o, pero di siya kasama” sabi niya. “Okay lang maybe next time” sabi ni Kiko. “Wait, is that Layla her friend?” tanong ni Yna. “Yes at ka block section niya” sagot ni Jessica. “Tara lapit tayo don” sabi ni Yna at biglang hinawakan ang kamay ni Kiko at nauna sila.

“Wait pupuntahan natin siya?” tanong ni Kiko. “Nope dadaanan lang to make sure she will see us” sabi ni Yna. “Kayo nalang sis, dito nalang kami ni Ben” sabi ni Jessica. “Okay, tara na sweety” sabi ng dalaga. “Okay babe” sumbat naman ni Kiko at napakamot nalang si Ben. Parang totoo silang magsyota, dumaan sila mismo sa tapat ni Layla at nakita nila ang reaksyon niya.

Natawa sina Ben at Jessica at agad nagtago para di sila makita. “Mission accomplished” sabi ni Ben. “Oo nga, bahala na si Layla magkwento kay Michelle. My God kahit sino makakita naman they really look like a couple” sabi ng dalaga. “Pero sa tingin mo sapat na ba yan to make Michelle quit?” tanong ni Ben. “Well lets say ako si Michelle ha, oo naman. Masakit na damdamin yan” sabi ng dalaga.

“Oh my God, wag mo sasabihin kay Kiko yan” sabi ni Ben. “Bakit naman? Di ba yan naman ang goal niya?” tanong ni Jessica. “To make Michelle dislike him oo, pero ayaw niya makasakit. Ganyan si Kiko no. If he learns na nasaktan si Michelle I fear that he will correct it, baka maging close sila because of that. So wag mo nalang banggitin sa kanya” paliwanag ni Ben.

Sa malayo patuloy ang paglalakad nina Kiko at Yna. “Ah wala na ata siya kaya pwede na bumitaw” sabi ng binata. “Beneficial to both nga diba? Saka na bumitaw pag nasa classroom na” sagot ni Yna. “Ah oo nga, pero Yna okay lang ba ang ganito? I mean its an act, pero madami din magtatanong sa iyo for sure” sabi ni Kiko at natawa ang dalaga. “Uy concerned. Pag ganyan kasi if they ask questions may choice ka naman not to answer e. In short WYSIWYG” sagot ni Yna.

“What you see is what you get. E people might think na tayo talaga. That would be bad in terms of your love life, yeah I know youre into girls pero diba yung mga girls that like you would also stay away from you now. What if lumayo na sa iyo yung nararapat sa iyo?” tanong ni Kiko. “Dapat tinanong mo din yan sa sarili mo e. You are trying to make that girl dislike you pero what if she was the real one for you?” sagot ni Yna.

“I know she is not” sabi ni Kiko at napatingin sa kanya si Yna. “Ows? How can you tell?” tanong niya. “I just can tell” sabi ng binata at natawa yung dalaga. “Negative thinker ka siguro. How will you know e di mo pa nga daw kilala masyado e sabi ni Jessica. Negative thinker at judgemental ka ba?” tanong ni Yna.

“Di ko maexplain e” sabi ng binata. “Go ahead try me” sabi ng dalaga at napaisip ng malalim si Kiko. “Alam mo ba yung inner feeling na alam mo nang mali talaga from the start? Yung tinatawag na gut feeling ba” sabi ni Kiko. “Hmmm yes, that happens to everyone. Tapos ang nakakatawa don alam mo na nga then you do the other thing and in the end sasabihin mo nalang sabi ko na nga ba e” sagot ni Yna.

“Yun nga yon, I feel that she is going to break my heart so I am avoiding that” sabi ng binata at lalo natawa si Yna. “Pero alam mo life is complicated. We all go through that stage naman e. Sabi nga nila in everything that happens sa buhay natin we learn something. Pag feeling mo she is going to break your heart one day, naisip mo din ban a you might learn something from experience?” sabi ng dalaga.

Medyo nalito si Kiko at napatingin sa dalaga. “Kasi if you say she will break up with you one day, there must be a reason. Malay mo at fault ka din kaya mangyayari yon, so how will you learn where you went wrong now kung iiwasan mo na agad siya?” dagdag ni Yna. “Oh? What if we say that one day nakahanap siya ng iba, at yon ang rason ng pag break up?” banat ni Kiko. “Nega thinker again, pero if that’s the case then may mali ka parin for sure. Ang tao di naman maghahanap ng bago yan kung di siya masaya sa kasama niya e. Diba?” bawi ni Yna.

“Mangangaliwa nalang ang tao pag may nakita siyang mas makakapagpasaya sa kanya” bigkas ni Kiko. “Exactly, so instead of looking at it as being her fault you should also look at yourself. Pero di mo na malalaman yon kasi iniiwasan mo na siya. Tama na nga yan, pati ako if I know one day I would get my heart broken by a person I would do the same as you. Tanga lang naman ang gusto masaktan e” sabi ni Yna.

“Hay salamat at kinampihan mo din ako” sabi ni Kiko at nagtawanan sila. “Syempre naman, ikaw ang sweety pie ko e” banat ni Yna at lalo pa sila nagtawanan. “Okay babe we better get back now or else we would be late for class” sagot ni Kiko. “Pero Kiko alam mo minsan di maiwasan maging tanga pagdating sa pag ibig” bulong ni Yna. “Yeah I know, pero babe naman e. Wag na natin pag usapan yan, focus on the now” banat ni Kiko at masayang bumalik sa building nila ang dalawa.

Samantala sa classroom nina Michelle, dahan dahan naupo si Layla sa tabi niya. “Oh what happened, bakit parang shocked and itsura mo?” tanong ni Michelle. “Trust me you don’t want to hear the reason” sagot ni Layla. “O sige sabi mo e” sabi ng dalaga pero di mapakali ang kaibigan niya. “I saw Kiko with a very pretty girl” sabi ni Layla at napatingin si Michelle sa kanya.

“Jessica?” tanong niya. “Nope, much prettier and they were holding hands” sagot ng kaibigan niya. Nabigla si Michelle pero di niya pinahalata. “Ah kaya naman pala mahirap hagilapin e. May girlfriend na pala” sabi niya. “And you are okay with it?” tanong ni Layla. “Oo naman bakit hindi? I just said I like him, pero taken na pala so respeto nalang” sagot ni Michelle sabay tumingin sa malayo. “Sure ka sis okay ka lang?” hirit ni Layla. “Yup, pero she is a lucky girl” sagot ng dalaga sabay nanginig ang mga labi, ang ngiti naging simangot.

Isang lingo ang lumipas, araw araw magkasama si Kiko at Yna pero ang target nila di nila nakikita. Katatapos lang nila mananghalian kasama sina Ben at Jessica, pabalik na sila sa school at sa malayo nakita ni Ben si Layla at Michelle. “Pare ayun o!” sabi ni Ben. “Aw she looks sad” sabi ni Jessica. “Sorry I cant see her” sabi ni Yna. “Malabo kasi mata niya at di niya suot contacts niya today, hayaan mo na mukhang mission successful naman na e” sabi ni Kiko. “No, dapat talagang iparada mo ako sa harapan niya” sabi ni Yna.

“That would be cruel already Yna” sabi ng binata. “Well if you really want her to believe that we are a couple then she should see us up close” sagot ng dalaga. “Yup tama siya Kiko” sabi ni Jessica. Huminga ng malalim si Kiko at si Yna talagang dumikit at umakbay sa katawan niya.

“Sis, ayan o si Kiko and his girl” bulong ni Layla at agad napalingon si Michelle. Pinagmasdan ni Layla ang mukha ng kaibigan niya at nagulat siya at nakangiti ito. “Ano yan plastic smile?” biro niya. “True smile sis, tara salubungin natin sila” sabi ng kaibigan niya. “Sis alam ko hurt ka kahit di mo sabihin pero wag na” sabi ni Layla. “Anong hurt pinagsasabi mo” sagot ni Michelle.

“Sus sis you don’t have to pretend na di ka affected at ilang araw ka nang malungkot” sabi ni Layla. “Aminado ako, I was sad but not anymore. Tara dali” sabi ni Michelle at hinila ang kaibigan niya.

Nagtagpo ang dalawang grupo, nakangiti si Michelle kaya medyo nalito sina Ben at Kiko. “Hi Yna!”bati ni Michelle at talagang nagulat si Layla, Jessica at yung dalawang binata. “Uy Michelle, hoy babaeita ka bakit di ka na pumapasok sa practices?” sagot ni Yna. “Hmmm wala lang I was busy. Uy sis nagbago ka na ba? Hi Kiko” sabi ni Michelle at biglang napatingin si Yna sa binata. Nakangiti si Kiko pero agad naintindihan ng dalaga ang nangyayari.

“Uy no ha, Kiko here is a prospect. Nirerecruit ko siya sa theatre pero ayaw niya talaga. But trust me he is good” sabi ni Yna. “Ah akala ko kasi nagbago ka na at you two are a couple already” sabi ni Michelle. Bumitaw si Yna kay Kiko at kay Michelle naman umakbay. “Bakit sis nagseselos ka?” biro niya at nagtawanan yung dalaga. Napailing nalang si Kiko at tumabi sa kanya si Ben at bumulong. “Mwahahahahahaha mission failed” sabi niya.

Tumalikod si Kiko at napakamot, nakita niya si Ben at Jessica na pasimpleng tinatawanan siya. “I didn’t know magkakilala sila” bulong ng dalaga. “Mwahahahahaha” hirit ni Ben at napangiti nalang ang kaibigan nila at huminga ng malalim.

Hinila ni Yna si Kiko at kumapit sa kaliwanang kamay niya, si Michelle naman kumapit sa kanan at bigla nalang sila naglakad lakad. Lumingon si Kiko kina Ben at Jessica at ngumisi. “Mwahahahahaha” tawa niya kaya napatingin sa kanya yung dalawang katabi niya. “What? Oy Layla bakante pa yung mga paa ko baka gusto mo din kumapit. Ikaw din Jessica” banat niya at nagtawanan ang mga girls.

Nilibot nila bilang isang grupo ang campus, nalilito si Kiko pagkat nagkwekwentuhan sina Yna at Michelle. “Gusto niyo kayo nalang magtabi mukhang nahihirapan kayo mag usap pag nandito ako sa gitna” sabi niya. Parang walang narinig yung dalawang babae at di sila bumitaw. Paglingon niya nakita niya sina Jessica at Layla nagbubulungan at nagtatawanan kaya alam niyang nabuking na ang plano niya.

Ilang minuto pa biglang kinalbit ni Layla si Michelle. “Uy sis nalampasan na natin building natin” sabi niya. “Oo nga, eh ihahatid natin sila sa building nila” sagot ng kaibigan niya at pasimpleng tumawa si Yna at kinurot si Kiko. “Uy” bulong niya. Pagdating nila sa Psychology building ay talagang ayaw pa bumitaw ni Michelle.

“Sis bitaw na” biro ni Yna at biglang natauhan ang dalaga kaya bumitaw kay Kiko. “Ay sige pala late na kami ni Layla. Mauna na kami ha” sabi niya at agad umalis yung dalawa. Natatawa nalang sina Jessica at Yna, pero si Ben biglang umakbay sa kamay ng kaibigan niya. “Sige pare kunwari ako nalang muna si Michelle” banat niya sabay talagang kumapit ng mahigpit.

“Uy sorry Kiko ha di ko talaga alam” sabi ni Jessica. “Okay lang yon, di ko lang naisip na magkasama pala yung dance troupe sa threatre” sagot ng binata. “Yup pareho kami nasa performing arts club” sabi ni Yna. “Ayaw ko na talaga mag join” banat ng binata at biglang natawa yung mga dalaga nang talagang kumapit si Ben kasama ang paa sa kaibigan niya. “Hi Kiko” landi niya.

Hinila ni Jessica si Ben at nauna na sila umakyat. “Sorry ha, I guess it didn’t work out” sabi ni Yna. “Okay lang no, pero I did enjoy your company and your stories” sagot ni Kiko. “Uy showbiz answer” tukso ng dalaga at nagtawanan sila. “Honestly I did enjoy” hirit niya.

“Pero alam mo Kiko, Michelle is mabait. Trust me kasi I know so. Maybe you should give her a chance” sabi ng dalaga. “Well di naman niya ako nililigawan e” sagot ni Kiko. “I know pero ang ibig ko sabihin ikaw ang manligaw” nilinaw ni Yna at tumawa yung binata. “Iniiwasan ko nga diba?” sabi ni Kiko. “Yeah right pero kanina I felt your heart beating fast nung nakaakbay siya. The past week nung magkaakbay tayo di naman ganon puso mo” sabi ni Yna.

“E syempre natetense nga e. Iniiwasan ko nga siya tapos katabi ko at nakaakbay pa” sabi ni Kiko. “Yeah yeah pero I can see that you like her too” sabi ng dalaga. “Nope mali ka” sagot ng binata. “Kahit konti? Masama ang nagsisinungaling” landi ni Yna at napangiti si Kiko. “Buking! Trust me Kiko she is very nice, kaya lang…” sabi ng dalaga.

“Kaya lang ano?” tanong ni Kiko. “Magiging magkaribal tayo” sagot ng dalaga at bigla sila nagtawanan. “Totoo ka?” tanong ng binata. “Yup pero para sa iyo handa ako magparaya. Honestly, if you are going to court her I will stop kasi I can see that she likes you very much” sabi ni Yna. “E kung ikaw ang niligawan ko?” tanong ni Kiko at nagulat ang dalaga.

“Hmmm alam mo ba I always wondered ano ang feeling ng magkaroon ng boyfriend. This past week I kinda felt it. I mean what it is to be with a guy. I actually enjoyed sa totoo pero ewan ko eversince I was a kid I was already attracted to girls. So kahit na I was with a guy for a week di parin ako nagbabago e. Pero if ever I would change, ikaw una kong pupuntahan…that is pag di kayo nagkatuluyan ni Michelle” sabi ni Yna.

“As if naman liligawan ko siya” sabi ni Kiko at tumawa ang dalaga. “Trust me you will fall in love with her” banta ni Yna. “It will never happen” sumbat ni Kiko. “Oh yes it will” landi ng dalaga sabay ngumisi. “Read my lips, it will never happen” bawi ng binata.

“Whatever Kiks, tara na nga sa taas” sabi ni Yna. Maghihiwalay na sana ng landas sina Ben at Jessica nang biglang tumunog ang phone ng binata. Nilabas ni Ben ang phone niya at agad sumilip si Jessica. “Sino yan?” tanong niya. “Relax, wala ako katext except you and Kiko” sagot ni Ben. “Patingin nga” sabi ng dalaga at natawa si Ben at inabot ang phone niya.

Binasa ni Ica ang phone at tinignan si Ben, “Reminder lang naman pala” sabi niya. “Anong reminder?” tanong ng binata. “Hmmm sabi dito e, ala una sharp fourth floor hallway maglalaway ka, by Kiko” basa ng dalaga. Biglang naalala ni Ben ang sinabi ng kaibigan niya nung naglunch sila kaya agad niya hinila si Jessica at nagtungo sila malapit sa stairway. Nagtago yung dalawa sa corner at may inabangan. “Ano ginagawa natin dito?” tanong ni Jessica.

“Shhhh just watch, 12:59 na, any moment na” bulong ni Ben at nagmasid yung dalawa. Umabot sa fourth floor sina Kiko at Yna, saktong nag ring na yung bell at humarap yung dalaga sa kanya. “I guess dito na nagtatapos ang pagpapanggap natin Kiks” sabi ni Yna. “Oo nga e, kahit na ganon nangyari e salamat talaga ha. At least we tried” sabi ng binata.

“Ika nga I spent time with the enemy” sabi ni Yna at natawa si Kiko. Di nagtagal ang tawa niya pagkat niyakap siya ng dalaga sabay hinalikan sa labi. Nakita na ni Kiko na mangyayari yon kaya kunwari nalang na gulat siya. “Alam ko talo ako so that kiss was for her, kiss her for me. See you around Kiks” sabi ni Yna. Ngumiti yung dalaga sabay tumalikod at masayang naglalakad palayo.

Gulat na gulat sina Jessica at Ben sa nakita nila, malapit na makalapit si Yna sa kanila kaya agad sila nagpasimple at sumandal sa dingding. “Hey you two, bakit kayo nandiyan pa e nag bell na?” tanong ni Yna. “Ah wala lang, papasok na kami” sabi ni Jessica. Ngumiti si Yna at naglakad palayo habang sumasayaw at kumakanta. “I kissed a boy and I liked it” kanta niya.

“Mwahahahahahahahahahha!!!” malakas na tawa ang narinig ng buong fourth floor mula sa corridor. Muli tinignan ni Jessica si Kiko sabay tinignan si Ben. “How did he know something was going to happen?” tanong ni Ica at nautal yung binata at di makapagsalita. “Ben? How did he know?” ulit ng dalaga. Napakamot si Ben at tinignan ang relo niya. “Tara na late na tayo” sabi niya. “Ben!” sigaw ni Ica at biglang sumulpot si Kiko. “Ano pare nakuha mo ba?” tanong niya.

“Yung alin?” tanong ni Ben. “Oh my God Ben! Sabi ko dito magkikita ng ala una e. Yung assignment natin, ibibigay ni Edward, sinulat ko pa sa phone mo para di mo makalimutan e. Akin na nga phone mo” sabi ni Kiko at inabot sa kanya yung phone ni Jessica. Nagsisipindot si Kiko at tinignan ng masama ang kaibigan niya. “O ayan o ang linaw o” sabi ni Kiko sabay pinakita sa dalawa.

“Nabasa na namin yan kanina, fourth floor corridor ng ala una” sabi ni Ica. “Duh! Please read again” sabi ni Kiko. Pagtingin nung dalawa ay fifth floor na yung nakalagay. Kinuha ni Jessica ang phone at tinignan maigi. Yun lang ang reminder sa phone kaya nagtataka siya. “So wala na yung assignment natin pare. Hay naku tara na nga at kailangan pa natin magsulat ulit” sabi ni Kiko. “Oh my God sorry akala ko talaga fourth yung nabasa ko” sabi ni Ica. “Okay lang isusulat nalang ulit namin” sabi ni Ben.

“Uy sorry kanina, akala ko alam niya mangyayari yung you know” bulong ni Ica. “Shhhh wala tayo nakita” bulong ni Ben at nagtawanan yung dalawa. Humiwalay na si Ica at nagmadaling pumasok yung dalawang binata. “Nice save pare” bulong ni Ben at napangiti si Kiko at pinasikat ang mga daliri niya. “Ninja speed fingers” sabi niya.

“Pero pare bakit mo hinayaan ma mangyari yon?” tanong ni Ben. “Yung kiss? Sino naman lalake ang tatanggi pa? Nagpapakatotoo lang pre” sagot ni Kiko. “No I mean hinayaan mo na makita ni Jessica. Alam mo naman na makikita niya e, bakit pa?” tanong ng kaibigan niya. “Tama lang yon, kasi ikaw di mo sasabihin, si Yna di niya sasabihin. So may malaking chance na pag nagkasama sina Jessica, Layla at Michelle at pinag usapan nila ako makwekwento niya yon. O ha! Sometimes we need to take the necessary evil measures to get the job done” bulong ni Kiko sabay nilapit niya ang bibig sa tenga ng kaibigan at tumawa.

“Mwahahahahahahahaha”

Sunday, May 16, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 9: Saklolo

Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz


Chapter 9: Saklolo

Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Ben si Kiko na nakatulala sa loob ng classroom. Agad siya tumabi at tinitigan ang kaibigan niya. “Hoy, akala ko ba ayaw mo siya makilala? Ano tawag mo sa sweetness niyo kahapon?” tanong niya. Tulala lang ang kaibigan niya at nakatingin sa pisara, “We were just sharing a chocolate, wag mo lagyan ng kulay ang nakita mo” sagot ni Kiko na parang robot.

“Sharing a chocolate? Nagulat kami lahat pagkat you barely met tapos ang sweet niyo. Kinikilig nga sina Layla at Lyne sa inyong dalawa. Ano pare talagang gusto mo ata masaktan e” sabi ni Ben. “Loko! Malay ko ba na makikisilong siya. Tapos gutom daw siya so since may chocolate ako binigay ko sa kanya. Siya lang dapat kakain pero pinilit niya ako, pare I said no ilang beses pero yung mata niya parang nalulusaw ako kaya napakagat na ako. After that di ko alam it just felt right” paliwanag ng kaibigan niya.

“Wow it felt right. So yung panaginip mo gusto mo talagang mangyari ganon ba pare?” tanong ni Ben at tinignan siya ni Kiko. “Of course not, pare di ko alam ano talaga nangyari kahapon pero hanggang doon nalang yon trust me. Now we know each other, di ko na siya pwede iwasan kasi lagi niya kasama si Layla. Ayaw ko naman isipin ni Lay na iniiwasan ko siya so may plano ako” kwento ni Kiko.

“Anong plano pare?” tanong ni Ben. “Well sisirain ko image ko sa harapan niya para no chance in hell na magustuhan niya ako. O diba?” sabi ng bestfriend niya at napabilib si Ben. “Hmmm interesting idea pare. Pero ikaw matitiis mo bang hindi mainlab sa kanya? She has a pretty face, ganda ng mata niya, ganda ng kutis, tapos ang cute ng boses niya” landi ng bestfriend niya.

Biglang napangiti si Kiko at huminga ng malalim, “Ang tangos pa ng ilong niya no tapos ganda ng ngiti” bulong niya at bigla siya binatukan ni Ben. “O ayan sige, maaring magagawa mo sirain sairili mo pero she will be herself at maiiwasan mo ba talaga mainlab sa kanya?” sabi ng kaibigan niya.

“Pare hindi ko habol ang babae na ikinabibighani ng aking mga mata. I am not after what the tea cup looks like. I am after the taste of tea that it contains” sabi ni Kiko. “Kahit na yung tsaa nakalagay lang sa baso na gawa sa ugod ugod na kawayan o kinakalawang na baso basta masarap ito. Di porke maganda na yung baso e masarap narin yung inumin na nakakarga don” dagdag niya.

“Wow pare deep yon ha. Masarap nga yung tsaa mamatay ka naman ng tetano” banat ni Ben. “Har har har, basta pare ganon ako. Basta kung magtagpo ulit kami sisiguraduhin ko na ma turn off siya sa akin. I will not fall in love with her, itaga mo yan sa bato!” bigkas niya at wala nang magawa si Ben kundi maniwala sa kaibigan niya.

Pagsapit ng lunch break nagsama sama sila sa mall. Sa loob ng isang fastfood restaurant sinadya ni Ben na magkatapat na nakaupo sina Kiko at Michelle. “Di ko alam pare kung kaibigan kita o kalaban e” sabi ng binata at napabungisngis nalang si Ben. “Pare she looks very pretty today o. Lagi ka pa niya sinusulyap” bulong niya.

“Jessica may binubulong si Ben sa akin, gusto mo malaman?” tanong ni Kiko at biglang nagpanic ang kaibigan niya. “Ano yon Ben?” tanong ni Jessica at napangisi si Kiko. “Ah wala nagibibiruan lang kami” sagot ng binata sabay siko sa kaibigan niya.

Dumating na ang pagkain nila, agad pinuno ni Kiko ang bibig niya sabay nilakasan pa ang pagnguya. “Kiko! Manners naman” sabi ni Layla. Ngumiti lang si Kiko at binagalan ang pagnguya pero lalo pa niyang nilakas ang tunog. Biglang natawa si Michelle, kaya agad niya naramdaman na palpak ang plano niya.

Habang kumakain yung iba, hinawakan ni Kiko ang baso niya ng softdrinks, hinigop ang straw ang malakas at kahit ubos na tuloy ang paghigop nito. Nairita nanaman si Layla, “Ano ba Kiko? Wala na ngang laman e” sabi niya. Inarapan lang siya ng binata sabay tinuloy ang pag gagawa ng ingay. Muli siyang nabigo pagkat lalo lang natawa si Michelle sa kanya, “Ang taray ng pag irap niya sa iyo sis” sabi niya sabay tawa ulit.

“Missioned failed” bigkas ni Ben sabay tawa. “Anong mission failed?” tanong ni Jessica. “Ah yung nilalaro namin na game ni Kiko yon. Bigla ko lang naalala kasi lagi kami namamatay sa isang mission” palusot niya.

Sumandal si Kiko sa upuan, tinaas niya shirt niya sabay hinimas ang tiyan. “Hay sobrang busog, sarap matulog” sabi niya. “Diyos ko nakakahiya ka talaga, public place to ang daming tao tapos nag gaganyan ka” reklamo ni Layla. Tinignan lang siya ng binata sabay nagburp ng malakas. Sumabog bigla si Michelle sa katatawa at si Ben tinignan ang bestfriend niya at ngumisi.

Naupo ng maayos si Kiko sabay umakbay sa braso ni Ben. “Kain lang kayo, iglip lang ako saglit” sabi niya. “Pare naman bakit ka pa umaakbay sa akin?” tanong ni Ben. “Wag ka na maarte, ganito naman ginagawa natin pag tayo lang e” sabi ng bestfriend niya at biglang nagtawanan ang mga babae. Pinikit ni Kiko ang kanyang mga mata, naiirita si Ben pero biglang tumawa ng malakas si Michelle.

TInuro ng dalaga si Kiko, lahat napatingin sa kanya at nakitang nakanganga siya at tumutulo ang laway. Biglang tumayo si Ben at diring diri sa kaibigan niya. Hinila ni Kiko ang shirt ng kaibigan niya para magpunas ng bibig pero agad lumayo si Ben. “Kadiri ka pare!” sigaw niya. Tumawa lang si Kiko pero bigla siyang inabutan ni Michelle ng napkin. “Eto o” sabi niya.

Nanigas saglit ang binata at napatingin sa iba, kinuha ang napkin sabay niyuko ang ulo. “Salamat” bigkas niya. Imbes na punasan ang bibig ay tinitigan niya ang napkin sabay dahan dahan kinagat. “Masarap siya in fairness” sabi niya at naging sentro sila ng atensyon pagkat napalakas ang tawanan ng mga kasama niya.

Pagkatapos kumain ay nagpasya na sila umalis, nagkatabi si Kiko at Michelle nang palabas sila ng pinto. Imbes na paunahin ang dalaga, talagang sumingit si Kiko at naunang lumabas, napailing nalang si Layla at nagtakip ng mukha.

Pabalik na ng classroom sina Michelle at kaibigan niya pero napansin niyang nakayuko si Layla. “Sis whats wrong?” tanong niya.”Nakakhiya si Kiko kanina, I am very sorry” sagot niya. “Sira, okay nga e” sabi ni Michelle. “Anong okay don? Kadiri ang mga pinag gagawa niya. Alam ko hilig niya magpatawa pero kanina ibang level na ang ginawa niya. Masyado nang walang manners at di na nakakatawa e” paliwanag ni Layla.

“Hay, I found it funny. At least totoong tao siya. Everybody burps, and maybe he was just really hungry” sabi ni Michelle. “Ewan ko don. Parang di siya gentleman e” hirit ni Layla. “Ah you mean about the door thing? I didn’t think of it that way, I thought gusto niya lang mauna kasi may mga nakatambay na grupo ng weird looking guys sa labas ng door”

“My dad is like that, pag alam niya madami kami he goes first kasi kampante siya may kasama pa ako sa likod. He was just being protective kasi nga siguro yung nangyari kahapon na nasnatch bag ko” paliwanag ni Michelle. Natulala si Layla at napakamot, “My God you look at things so positively” bigkas niya. “Oo naman, wag kasi unahin yung negative thinking. Lahat naman ng ginagawa natin we do it since we think its right kahit na sa tingin ng iba ay its wrong. So before you react negatively towards a person for what he did, isipin mo muna bakit kaya niya nagawa. Ako I always like to think of the positive ones” sabi ng dalaga.

“Di ka nandidiri sa mga pinag gagawa niya?” tanong ni Layla. “Nope, he was just being him. Oo you would wish that he could have covered his mouth when he burped, or chewed silently pero if you think about it, sa mga ganon bagay tayo natatawa e. It tickles us kasi diba we know about manners, I am sure he knows them too but he was just making us laugh” sagot ni Michelle. “Parang pinagtatanggol mo ata si Kiko ah” biro ni Layla at ngumiti lang ang kaibigan niya.

“And isa pa Layla, don’t be too harsh on him. Masyado kang strikto sa kanya” dagdag ni Michelle. Natawa na si Layla at nagtakip ng bibig. “Sis may napapansin na ako ha” sabi niya. “Ano naman yon?” tanong niya. “Masyado kang concerned kay Kiko, uy!” tukso ni Layla. Gulat na gulat si Michelle at wala siya nagawa kundi tumawa. “Uy hala to ano pinagsasabi mo sis” sagot niya.

Lalo natawa si Layla at tinuro ang namumulang pisngi ng kaibigan niya. “Alam mo sis okay lang. Wala na namamagitan sa amin ni Kiko. We are just close friends so its really okay” sabi niya. “Hala to! Ganito lang talaga ako no” sabi ni Michelle. “Ows? I remember dati si Jerry, he burped nung nagsnack tayo then ano sabi mo? Ano na ulit yon? Na bastos siya at di man lang mag excuse me?” landi ni Layla at natawa ang kaibigan niya. “Iba naman kasi yon e” sabi niya at lalo natawa ang dalaga. “Oh favoritism ba? Pag si Kiko okay lang pero pag iba bad na?” hirit ni Layla at napahalakhak na si Michelle.

“Baka nagkataon lang na bad mood ako. Diba we just had a difficult quiz that time. Kaya ako nairita siguro” palusot ni Michelle. “Ah okay then. Gusto mo kwentuhan kita about kay Kiko?” sagot ni Layla at napangiti ang kaibigan niya. “Sige game” sabi niya at nagtawanan silang dalawa. “Do you like him?” biglang tanong ni Layla at napatigil si Michelle. “As in wala na ba kayo?” tanong ng dalaga.

“Wala na talaga sis, wala nang balikan ever” sagot ni Layla. “I like him, o game kwento ka na” sabi ni Michelle at napangiti si Layla. “E di umamin ka din” banat niya sabay tawa. “I liked him eversince” bulong ni Michelle. “Ano?” tanong ni Layla sa gulat. “Basta sis you wont understand, sige na kwento ka naman na” sabi ni Michelle. Medyo napaisip si Layla, naguguluhan siya sa sinabi ng kaibigan niya pero nagkwento siya agad tungkol kay Kiko.

Dismissal na, sumama si Kiko kina Ben at Jessica na maglibot sa mall. Naupo yung tatlo sa loob ng isang fastfood resto, “Pre pwede ko ba kausapin si Jessica saglit?” bulong ni Kiko. “O sige pre order lang ako” sabi ni Ben sabay umalis.

“Ica, may tanong ako” sabi ni Kiko at napatingin yung dalaga sa kanya. “Game ano yon?” sagot ng dalaga. “Hmmm how will I make a girl dislike me?” tanong ng binata at biglang natawa si Jessica. “Di ba baliktad ang tanong mo?” tanong niya. “Hindi e, I am not saying na she likes me, I don’t like her too. Pero gusto ko na paunahan so ano ba dapat kong gawin para di siya magkagusto sa akin? Kapal ng mukha ko no?” paliwanag ni Kiko at nagtawanan sila.

“So weird question coming from a guy pero ano nga ba” sabi ni Jessica at napaisip silang dalawa. “Should I act bastos, do kadiri stuff or ignore her?” tanong ni Kiko. “Ang tanong ikaw ba talaga yan? Kaya mo ba imaintain ang image na ganyan?” sagot ng dalaga. “Hindi pero if ever that’s what it takes then gagawin ko” sagot ni Kiko. “Kasi kung magpapanggap ka di naman lagi naka activate yung pagpapanggap mo e. Lalabas at lalabas ang tunay mong kulay. She might get to see who you really are tapos mangibabaw ang good qualities mo over the bad ones, she could still like you” paliwanag ni Jessica.

“I like Ben for who he really is, gumagawa din siya ng kadiri stuff lalo na pag magkasama kayong dalawa pero di naman ako natuturn off sa kanya. May bastos side din siya na nakikita ko but he isn’t like that with me. Di ko naman sinasabi na bastos siya, pero may instances na nakakagawa siya ng ganon but okay lang naman kasi pati naman ako siguro may nagagawa din akong bastos na di ko namamalayan. If ever na may magsabi sa akin na bastos si Ben, ipagtatanggol ko siya by stating his good qualities” dagdag ng dalaga.

“So dapat siya lang ang babastusin ko?” tanong ni Kiko at natawa si Jessica. “That will work pero parang di ikaw. Loko loko ka pero feel ko di ka bastos, well lagi ka nakwekwento ni Ben e so parang kilala narin kita” sabi ng dalaga. “Yeah, ayaw ko naman kasi makasakit ng damdamin ng tao. So how will I make her not like me?” sabi ng binata.

“Know what she likes in a guy and don’t be that guy” sabi ni Jessica at biglang tumawa si Kiko. “Know what she likes e di ibig sabihin kailangan ko maging close sa kanya. Yun nga iniiwasan ko e” sabi ng binata. “Bakit kasi? Pag naging close kayo di mo mapipigilan sarili mo mainlab kay Michelle” banat ng dalaga at nagulat si Kiko. “Whooa anong Michelle ka diyan?” tanong niya.

“Masyado ka obvious e. Parang wala naman ako kaninang lunch. Remember I was there too” sabi ni Jessica. “Hala what are you talking about?” tanong ni Kiko at lalo natawa yung dalaga. “You were acting so weird kanina, at timing narin sa tanong mo. So connect the dots nalang” paliwanag ni Jessica. “Ano naman weird don? Normal lang naman ako kanina” pilit ni Kiko.

“Really? Di ka naman ganon dati. Sino lang ba ang nandon? Me, pero alangan naman na ako yung pinapakitaan mo ng ganon diba? Si Layla hindi rin kasi naging kayo dati, so its Michelle” sabi ng dalaga at natawa si Kiko. “Nandon din naman si Lyne ha” sumbat niya. “Oo nga pero I noticed that Michelle was always looking at you at pati naman ikaw tingin ng tingin sa kanya” banat ng dalaga at naipit na si Kiko kaya tumawa nalang.

“Pare wag ka na magdeny, oo si Michelle ang iniiwasan niya” sabi ni Ben na nakabalik na dala ang pagkain. “Ayos pagkampihan ba ako ng love birds” bigkas ni Kiko. “Hay naku o so buking ka na, she seems nice naman. Actually advantage mo na nga e kasi she keeps looking at you. Usually pag ganon e talagang like nila yung tao” tukso ng dalaga. “Hindi nga si Michelle, si Ben yon. Gusto ko mandiri si Ben sa akin para di na na siya magkaroon ng feelings sa akin para kayo nalang dalawa” banat ni Kiko.

Tinapik ni Ben ang noo ng kaibigan niya, “Wag mo na ako dinadamay diyan, buking ka na nga e” sabi niya. “Sinabi mo sa kanya no?” tanong ni Kiko at tumawa si Jessica. “He didn’t, masyado ka lang obvious trust me” sabi ng dalaga. Huminga ng malalim si Kiko sabay sumandal, “Okay so I am trying to make Michelle dislike me, so help me out please” sabi niya.

“Okay but can you tell me why? For sure may rason kaya ganyan. Kasi pag wala madami ako iisipin tungkol sa iyo. A guy trying to make a pretty girl dislike him is just so out of this world. Okay so you say you don’t like her pero do you already know her? Diba? Napaka weird e. Okay lang sana pag matagal na kayo magkakilala pero sa tingin ko you two just met” sabi ni Jessica.

Napatingin si Kiko sa bestfriend niya sabay niyuko ang ulo. “Di ko maexplain e” sabi niya. “Alam mo bago mo siya kasi ijudge Kiko, kilalanin mo muna siya. To me she seems nice naman kaya di ko maintindihan bakit gusto mo ng ganyan” sabi ng dalaga. “Ica, kasi ganito yan” sabi ni Ben at napatingin si Kiko sa kanya. “Ako nalang pre” sabi niya kaya lalo nacurious ang dalaga.

“I trust Ben so I told him my secret. I trust you too Ica, so I hope this stays with us three only” sabi ng binata. “Oo naman” sagot ni Jessica sabay napatingin kay Ben. “Okay. Ever since bata ako I had this dream of one girl breaking up with me. Ang sakit sa dibdib talaga, I was five that time at damang dama ko na yung sakit. Growing up lagi ko napapaginipan yung same dream na yon. Up to today laging ganon, although may ibang dreams din ako syempre” kwento ni Kiko.

“Wow, and that girl is Michelle?” tanong ni Jessica. “Yeah. Nagulat ako nung University week, akala ko yung babaeng yon sa dream ko parang fiction. Pero talagang nagulat ako nung nakita ko siya. The girl who would break my heart was real” sabi ni Kiko. “Pero Kiko alam mo naman na ang dreams may ibang interpretation naman e. Malay mo it wont happen that way” sabi ng dalaga.

“Ica, isa pa lahat ng napapanaginipan ni Kiko ay nagkakatotoo” sabi ni Ben at napanganga nalang yung dalaga. “OWs? Imposible naman na yan” sabi niya. “Oo totoo, all my dreams that I can remember when I wake up do come true” sabi ni Kiko. “Oh wow, is that why you took up Psychology?” tanong ng dalaga. “Yeah, pero wag mo isipin na nag psychology si Ben dahil nakikiramay sa akin. Kasi lately niya din nalaman to” sabi ng binata.

“Yeah I know Ben’s mom is head of human resources kaya siya ng psychology para instant trabaho. Pero Kiko kakaibang ability yan ha. Wow talaga” bigkas ng dalaga. “So ngayon alam mo na ang pinagdadaanan ko. The mere fact na napatunayan ko na totoo yung babae sa dream ko means that I will really get hurt. That is why I don’t want that to happen. Tulungan niyo ako” makaawa ni Kiko.

Hinawakan ni Jessica ang kamay ni Ben, naawa siya kay Kiko. “The only way I can think of is to break her heart at once” sabi ng dalaga. Napatingin sa kanya yung dalawang binata kaya bigla siya tumawa. “Yep, ganon na nga. Let me talk to one of the girls sa org, she will pretend to be your girlfriend” paliwanag niya. “As if naman may papaya sa make believe, siyempre icoconsider naman nila yung effect sa kanila” sabi ni Ben.

“Hay naku okay lang sa kanya, yup she will agree naman. Basta wag niyo na itanong sino ako na bahala. Don’t worry she wont really fall in love with you” sabi ni Jessica. “Pano mo naman alam?” tanong ni Ben. “Kasi niligawan ako before and she still likes me” landi ni Jessica at napanganga yung mga binata. “Ipapares mo ako sa tibo?” tanong ni Kiko at napahalakhak si Ben. “Ayan babakla bakla ka, bagay pare bakla at tibo” banat ng bestfriend niya.

“Huy, if you see her baka mainlove kayo sa kanya. Pero wag na kayo sumubok at talagang babae lang gusto niya, lalo na ikaw Ben!. She is very pretty, mahinhin gumalaw pero yun nga di lalake ang hanap niya” sabi ni Jessica at lalong nagulat yung mga binata.

“Trust me, pag nakita ni Michelle na magkasama kayo tapos na ang problema mo” pahabol niya.