sk6

Thursday, May 20, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 13: Ang Panimula

Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz



Chapter 13: Ang Panimula

Kababalik lang nina Kiko mula sa Baguio, doon sila nagbakasyon ng pamilya para sa sem break. Nasa kama pa siya at napansin niya ang cellphone niya, dala dala niya ito pero di niya binabasa ang mga mensahe mula nagbakasyon. Kinuha niya phone niya at sinimulan basahin ang mga text messages. Karamihan galing kay Ben at Layla at hinahanap siya.

Nalaman niya na nakuha na nila ang grades nila at nakapag enroll na sila para sa second semester. Biglang huminga ng malalim si Kiko at bumangon. Bumaba siya at nadatnan niya ang mga magulang at kapatid na nag aalmusal. “Parang di na ako kasama sa pamilyang ito, di niyo man lang ako tinawag para kumain” drama niya at lahat napatingin sa kanya.

Lumapit si Kiko at nakita ang bacon sa lamesa, “Aha! Kaya naman pala di ako tinawag e” sabi niya at agad naupo. “Dad ano ang korupsyon?” banat ni Frances at natawa si Teresa. Tinuro ng tatay niya ang kuya niya na kinukuha lahat ng bacon sa plato. “Anak ang korupsyon ay pag may mga taong kumukuha ng labis labis at di nagtitira para sa iba” sabi ng tatay niya at sabay nila tinignan si Kiko.

“Little sis, you don’t need bacon, you are growing and you have to be conscious of your figure. Mom and dad you two are aging, bawal ang pork, bawal ang beans, stay healthy kayo ha. Concerned lang ako sa inyo kaya I will make the extreme sacrifice, ako nalang ang sasalo ng cholesterol nitong bacon” banat ni Kiko at nagtawanan ang lahat.

“Inutakan mo nanaman kami, by the way kalian mo kukunin grades mo at kalian ka mag eenrol?” tanong ng nanay niya at bigla siya napanguya ng mabagal. “About that po, I was wondering if you would permit me to enroll at another school?” sabi ni Kiko at nagulat ang mga magulang niya. “Bakit anak? Bagsak ka ba?” tanong ng tatay niya. Tinignan ni Kiko ang nanay niya at nagets agad ni Teresa ang rason. “Yes iho of course” sagot ng nanay niya. “Yes iho of course?” tanong ni Fred bigla at hinawakan ni Teresa ang kamay ng asawa niya. “Ah oh sure, no problem” sabi niya bigla.

Dalawang oras ang lumipas at namasyal si Kiko sa University na lilipatan niya. Medyo nalula siya sa laki nito at napansin ang mga mayayaman na estudyante sa paligid. Naglalakad siya sa campus, di niya alam ang kanyang pupuntahan para mag inquire pero bigla may sumigaw ng pangalan niya. Pag lingon niya may tatlong lalake patakbo papunta sa kanya, napangiti si Kiko pagkat namukaan niya ang dati niyang mga kaklase nung high school.

“Kiko!!! Oh my God!!! Nandito ka!!!” sigaw ng isa. “Oh men madami matutuwa pag nalaman nandito ka. Dali send a mass message to everyone” sabi ng isa. “Sobra naman kayo guys, madami ba kayo dito?” tanong ni Kiko. “Medyo pero pare bakit ka nandito? Lilipat ka na ba dito pare?” tanong nung isa at natuwa naman si Kiko sa pagtanggap nila sa kanya.

Ilang sandali pa at ang daming mga estudyante ang dumating at binati siya. Walang masabi si Kiko kundi mapangiti at lahat pinalibutan siya at inantay ang pagpapatawa niya. “Pare ano lilipat ka na ba dito?” tanong nung isa. “I think so, may nahanap na kasi si Ben e kaya di ko kaya. Kailangan ko na siya iwasan” banat ng binata at sumabog sa tawanan ang lahat.

“Wow pare di parin talaga nagbago ha” sabi ng isa. “Hello! Humaba na ang bird ko” sabi ni Kiko at biglang natahimik ang lahat lalo na yung mga kababaihan. “Bird ito diba?” sabi niya sabay turo sa malilit na balbas sa mukha niya. Muling nagtawanan ang lahat pero di pa tapos si Kiko. “Sorry di ata maganda tignan, nakalimutan ko magpatuli este magshave kaninang umaga” hirit niya at halos magwala na ang lahat at pinagtitignan na sila ng ibang tao sa campus.

“Uy guys balik na tayo sa pila, sama nalang natin siya” sabi ng isang babae. “Ay oo pala pare kasi enrollment namin at unahan kasi sa magagandang schedule e. Nag bog down yung online enrollment namin so back to stone age kami at pipila” paliwanag ng isa. “O sige lang at maglilibot muna ako. Go ahead we can catch up later” sabi ni Kiko. Nagsialisan na ang mga dati niyang kamag aral. Tuwang tuwa ang binata at nakahinga siya ng malalim. Di pa siya naka enroll sa paaralan na ito pero nagugustuhan na niya dito.

“Wow you seem to be famous here” sabi ng isang boses ng babae sa likod niya. Napangiti si Kiko, napakamot sa ulo sabay tumalikod. Nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang nanigas, “Hi Kiko” sabi ni Michelle. “Hi din” tanging nabigkas niya at di siya makapaniwala na nakatayo sa harapan niya yung dalaga.

“What are you doing here?” tanong ni Michelle at napalunok si Kiko. “Ah I was just visiting friends” sabi niya at nilakasan ang loob niya. “Hmmm I might transfer here” sabi ng dalaga at agad nadismaya ang binata. “Lilipat ka dito? Bakit?” tanong niya. “Kasi this is where my parents graduated from and my mom wants me to graduate from here too” paliwanag ni Michelle at naipit na si Kiko. “Is that what you really want?” tanong ng binata at napatingin sa kanya ang dalaga.

Habang inaantay ang sagot ay nagdadasal si Kiko na magbago ang isip niya. Siya na nga ang iniiwasan niya, mas malaki ang problema pag pareho pa sila lumipat sa paaralan na ito. “Kasi alam mo Michelle, you should follow your heart. Di pwede na susunod ka nalang sa gusto ng iba. Diba? So what kung dito nag graduate parents mo? E sa ayaw mo nga dito diba?” sabi ni Kiko at napangiti yung dalaga. “Konti pa at maniniwala na ako sa iyo” sagot niya.

“Do what makes you happy. Doon ka masaya e di doon ka. Di naman pwede na kung saan sila masaya doon ka. Di pwede ganon men” sabi ni Kiko at biglang natawa si Michelle. “Tama ka, anyway nakuha mo na grades mo or nakapag enroll ka na ba?” tanong ng dalaga. “Ah di pa nga e, just got back from a vacation kasi” sagot ni Kiko.

“Oh good, tara na dali sabay na tayo” sabi ng dalaga. “Ha?” sabi ni Kiko. “Tara na lets go get our grades at mag enroll na tayo. Di na ako papasok dito. Kaya tara na dali” sabi ni Michelle. “Ah eh sige na go ahead at dito muna ako” sabi ng binata at agad nagsimangot si Michelle. “O sige samahan muna kita dito. Sabay nalang tayo mamaya mag enroll” sabi niya.

“Hindi Michelle ah you can go ahead talaga. Baka matagalan pa ako dito e. Mukhang nagmamadali ka ata” sabi ni Kiko. “Hmmm di naman, I just wanted to finish the enrollment fast kasi I didn’t eat breakfast so I was thinking na we could have lunch after pero okay lang I can wait” paliwanag ng dalaga. Napakamot si Kiko at napatingin sa langit, “Tsk yan ang masama sa inyong mga babae e. Inuuna ang figure kasi kaya nagpapalipas gutom. Hindi maganda magpalipas gutom. Pag oras kumain dapat kumain, wag mag iinarte na diet diet” sermon ni Kiko at napangiti yung dalaga.

“Tara na nga, samahan kita mag enroll” pahabol niya at nagsimula siya maglakad. Agad humabol si Michelle at tumabi sa kanya, agad siya tumingin sa malayo para di makita nung binata ang malaking ngiti sa mukha niya. Paglabas nila ng gate ay nag abang si Kiko ng masasakyan. “Ah Kiko may sasakyan na tayo” sabi ng dalaga. “Nasan? Patingin?” biro ni Kiko sabay silip sa loob ng bag ng dalaga. “Ano dala mo broom?” hirit niya. “Mukha ba akong bruha?” tanong ni Michelle at napatingin sa kanya si Kiko.

“Medyo kasi magulo ang buhok mo” sabi niya at hiyang hiya si Michelle at agad nag ayos ng buhok. “Sorry naman I was rushing and I forgot to comb my hair” sabi niya. Ilang segundo lumipas ay humarap ang dalaga sa kanya, “O ayan” sabi niya. Natulala si Kiko saglit pero huminga ng malalim, “Makakaya kaya tayo ng wings mo?” bigkas niya at napayuko si Michelle at napangiti. “Ngayon angel na?” bulong niya.

Di sumagot si Kiko kaya agad siya tinignan ni Michelle. Nakatitig sa kanya yung binata kaya kinalbit niya ito. “Uy” sabi niya. “Ah ano yon?” tanong ni Kiko. “Sabi mo wings so tanong ko kung mukhang angel na ba?” sabi ng dalaga. “Ah hindi, napkin na” banat ni Kiko at biglang natawa si Michelle at nahampas siya ilang beses.

“O nasan na yung ride natin?” tanong ni Kiko. “Ah before that, sana wag magbago tingin mo sa akin. Di ko naman talaga gusto ganito pero over protective lang parents ko kasi nga only child tapos babae pa” sabi ni Michelle. Di maintindihan ni Kiko kaya napakamot nalang siya. “Oh sure” sabi niya. Agad nilabas ni Michelle ang phone niya at may tinawagan, ilang saglit lang may magarang SUV na itim ang tumigil sa tapat nila.

Lumabas yung driver at lumapit sa dalaga, binuksan niya yung pinto sa likod at medyo nahiya si Michelle. “Manong Lando si Kiko po kaibigan ko. Kiko si manong Lando, driver namin” bulong ng dalaga. Nauna si Michelle sa loob at si Kiko nahiya pa at nginitian nalang yung driver. “Ah kailangan ko pa ba magtanggal ng sapatos?” banat niya at natawa si Lando. “Di na brod” sabi ng matanda at natatawa nalang.

Pagpasok ni Kiko ay nagulat siya pagkat may isang matandang babae na katabi ni Michelle. “Good morning po” bati niya. “Yaya Nelly ito si Kiko. Kiko ito si yaya Nelly ko” pakilala ng dalaga. “Ah yan si Kiko?” sabi ni Nelly at pasimple siyang kinurot ni Michelle. “Hindi po naiwan po ata sa labas si Kiko” biro naman ng binata at nagtawanan sila.

“Palabiro pala si Kiko, akalain mo nga naman. Alam mo bang ito si Michi mahilig tumawa. Miss bungisngis ito e” kwento ni Nelly at nakatingin lang sa kanya yung dalaga at tuloy ang pagkukurot. “Michi pala nickname mo?” tanong ni Kiko at agad siya tinignan ni Michelle at nginitian.

Tahimik sa loob ng sasakyan pero napansin ni Kiko na tinitignan siya ni Lando mula sa rear view mirror. Pati ang yaya ni Michelle lagi siya tinitignan kaya medyo naiilang siya. “Michi, half half ba si mang Lando?” bulong ni Kiko at biglang natawa ang dalaga. “Loko hindi ha, bakit mo naman nasabi?” sagot niya. “Kasi kanina pa niya ako tinitignan sa mirror e” sabi ni Kiko.

“Tapos yaya mo lumalandi ata at kanina pa din niya ako tinitignan. Nagpapacute ata sa akin” pahabol niya at sumabog sa tawa si Michelle. “Wag niyo naman po daw siya titigan masyado at naiilang siya” sabi ng dalaga at tuloy ang tawa niya. “Naku Kiko pasensya ka na ha at ngayon lang namin makikita na may kasamang lalake itong si Michi” sabi ni yaya Nelly. “Bakit po babae din tatay niya?” banat ni Kiko at muli sila nagtawanan pati si Mang Lando nakikinig pala sa harapan.

Nakarating sila sa school, “Mang Lando no need I can open the door. Salamat po sa ride. Sige po yaya Nelly” paalam ni Kiko at agad siya bumaba ng kotse. Susunod na sana si Michelle pero hinawakan ng yaya niya ang kamay niya. “Uy ha, okay pala siya” landi niya. Napatili si Michelle pero kinalma sarili niya bago bumaba. “Oy Kiko alagaan mo si Michi ha” sabi ni yaya Nelly. “Sige po yaya, mag day off ka muna. Ako muna yaya niya” pasikat naman ng binata.

Pagpasok nila sa gate biglang sumigaw yung gwardya. “Big Bird wins!!!” sabi niya at biglang natawa si Kiko. “Ano daw?” tanong ni Michelle at tinakpan nalang ng binata ang noo niya. “Wala yon, nasisiraan lang ng bait yang guard. Too much Sesame Street” paliwanag niya. “Nandito kaya sina Layla?” tanong ng dalaga. “Ewan ko pero balita ko tapos na sila mag enroll e” sabi ni Kiko. “Ano kaya kinuha niyang schedule?” hirit ni Michelle. “Tawagan mo para pareho kayo” sabi lang ni Kiko pero napaisip yung dalaga at napangiti. “Wag na, tara” sabi niya.

Una nilang pinuntahan ay ang dean’s office. Kinuha ni Michelle ang grades niya at nakita ni Kiko na masayang masaya ang dalaga. “Bagsak lahat?” tanong niya at nagulat si Michelle. “Masaya ba ako pag bagsak lahat?” sagot niya. “Reverse psychology yon para maiba naman. Syempre kaakibat ng saya at ngiti ay good news lagi so para maiba e di ikonek sa bad news” paliwanag ng binata at natawa si Michelle. “Ikaw talaga kakaiba ka, anyway next enrollment. Mabilis lang to tapos samahan naman kita” sabi ng dalaga.

“Ah wag na. Wala pa ako balak mag enroll today” palusot ni Kiko. “At bakit naman?” tanong ng dalaga. “Basta di ko pa feel e” sabi ng binata. “Hmmm Kiko pag may problema maybe I can help” sabi ni Michelle. “Problema? Like what?” tanong ng binata. “You know, I can lend you money then you can pay me later” sabi ng dalaga.

“Ah may pera ako no” sabi ni Kiko. “Ay sorry, e bakit ayaw mo pa mag enroll?” hirit ni Michelle. “Superstitious ako e, at sabi ng horoscope ko not a good day for enrollment” sabi niya. Tumaas ang kilay ng dalaga at nagsimangot. “Nag iinarte ka lang tara na nga” sabi niya.

Wala pang bente minutos natapos si Michelle, lumabas na sila ng building at si Kiko naglalakad na patungo sa main gate. “Kiko where are you going?” tanong ng dalaga. “Out, diba hungry ka na” sabi niya. “I said after we finished enrolling. Tapos na ako pero ikaw hindi pa so lets go get your grades” sabi ni Michelle. “Ah next time nalang ako mag enroll” sabi ni Kiko.

Tumayo sa harap niya si Michelle, nakataas ang kilay at nakasimangot. “Will you give me one good reason bakit ayaw mo pa mag enroll today” sabi ng dalaga at talagang tinitigan siya ng matalim. Ipit na ipit si Kiko, hindi siya makasalita at hindi niya kaya titigan sa mata ang magandang dalaga sa harap niya. “Oh sorry maybe I am asserting myself ang being bossy e di pa naman tayo ganon magkakilala and maybe you don’t consider me as your friend yet” biglang drama ni Michelle.

Napapapikit si Kiko at napailing, tumalikod yung dalaga at nagsimula nang maglakad palayo. “Salamat sa pagsama sa akin” bigkas niya. “Michi wait” sabi ni Kiko at hinabol ang dalaga. Tumigil yung dalaga at hinarap siya, huminga ng malalim si Kiko at napaisip ng malalim. “Ano yon?” tanong ni Michelle. Plano ni Kiko mag enroll sa ibang paaralan para maiwasan itong dalaga sa harapan niya, napaglaruan nanaman siya ng tadhana at nagbago na ang lahat. “Okay samahan mo na ako” sabi niya.

Nagtungo yung dalawa sa Psychology building, sa main lobby agad pumunta si Kiko sa counter para makuha ang mga grado niya. Tumayo sa tabi niya si Michelle at napansin ng dalaga na naiilang siya. “Ah siguro kaya ayaw mo ako kasama kasi sa grades mo. Kiko sorry about last time nung napagalitan kita about studying ha. I am not going to judge you, di ako ganon” sabi ng dalaga at napangiti nalang si Kiko sa kanya.

Inabot ni Kiko ang ID niya sa bantay sa counter. Agad nainput ang ID number niya at may nagprint na papel sa makina. Tinignan nung bantay ang mga grado sa papel sabay tinitigan ilang beses si Kiko kaya napayuko yung binata. “Uy its okay” bulong ni Michelle. Inabot na nung bantay ang papel, kinuha agad ni Kiko at di pa nababasa ay tiniklop ito agad.

“Arent you going to look at them?” tanong ni Michelle. “Ah di na, alam ko na grades ko kasi ramdam ko sila” sabi ni Kiko pero siya lang ang tumawa. Tumaas muli ang kilay ni Michelle, agad siya tumalikod at niyuko ang ulo. “Fine, I told you di naman kita huhusgahan Kiko e. Siguro you still don’t trust me. Don’t worry I can wait for that day na may tiwala ka na sa akin” drama niya ulit.

Humawak si Kiko sa buhok niya at hinila, tumalikod din siya at pinagsusuntok ang hangin sabay pinagtuturo langit tapos tahimik na nagsisigaw. Sinapak niya sarili niyang mukha at nasaktan siya kaya hinaplos niya ulo niya sabay tinabihan yung dalaga. Huminga siya ng malalim at inabot ang nakatiklop na papel. Napangiti si Michelle at agad kinuha yung papel at binuklat. Bigla siya napanganga at palipat lipat ang titig sa papel at kay Kiko.

“Ha? Is this for real?” bigkas niya at nahiya si Kiko. “Look who is walang tiwala now?” banat niya at halos napatalon si Michelle at di makapaniwala. “Di nga? Totoo ba to o ito yung pekeng copy na ipapakita mo sa parents mo?” hirit ng dalaga. Huminga ng malalim si Kiko at kinuha ang papel, “Tara na enroll na ako”sabi niya. “Wait, akala ko ba di ka nag aaral?” sabi ni Michelle at napakamot ang binata. “Sino ang walang tiwala?” hirit ni Kiko at natahimik si Michelle pero di mapigilan ang ngiti.

Naglakad sila paakyat sa second floor pero bigla niya binangga si Kiko. “Wow genius” landi niya at natawa yung binata. “Alam ko you heard from Layla siguro na di ako palaaral. Tapos loko loko ako nung highschool, yeah that’s all true hanggang ngayon naman ata e. To be honest fast learner ako e di sa pagmamayabang. Di ko alam bakit pero parang may photographic memory utak ko and I comprehend things faster. They don’t see me often studying kasi I do it at home. Doon naman dapat nagrereview e, sa paaralan doon ka matuto pero sa bahay ka mag review. Sa school I do listen naman unless alam ko na yung sinasabi ng teacher kasi nabasa ko na. Doon ako nagloloko talaga at aminado ako. Ayaw ko naman magmayabang pero that is one of the reasons why I wanted to take up psychology”

“Gusto ko alamin bakit ganito takbo ng utak ko. I could have been a valedictorian if I wanted to pero what for diba? Para mabilib sa akin ang iba? Para ano? Lalo lang magkaka pressure, the more I will lose myself kasi may kailangan ako imaintain. I do study naman so tama na yon, the rest of my time gusto ko ng social life. Kaya sorry pag di mo na ako nakita nag review the last three days of the exam, I did study at home, at yung extra time ko ginugol ko nalang sa ibang bagay na gusto ko gawin…gustong gusto gawin” sabi ni Kiko sabay titig sa dalaga. Muli siya binangga ni Michelle at tuloy ang panunukso sa kanya. “Naks genius katabi ko” sabi niya. “May tiwala ako sa iyo at ikaw lang makakaalam nito. So since I trust you I expect you to keep this secret” sabi ng binata at napatigil si Michelle.

“Unang secret natin?” sabi ng dalaga sabay ngiti. “Yeah our first secret” sabi ni Kiko. “Okaaaay” landi niya sabay napatili. Umabot sila sa may posting ng mga schedule, agad tumingala si Kiko at namili. “Hmmm second year block right? Hmmm ito o maganda tong sched na to…ay pangit pala. Wait wait” sabi ng dalaga at pati siya nakikipili.

May nalista na si Kiko, dinungaw ni Michelle ang listahan niya at biglang inagaw. “No no no mas madanda tong nakita ko dito” sabi niya at napakamot nalang si Kiko. Hindi na namili yung binata, pinanood nalang niya si Michelle na mamili para sa kanya. “Ayan!” sabi ng dalaga at kunwari nalang ngumiti si Kiko. Dumaan sila sa registrar at lumipas ang ilang minuto ay natapos narin siya.

Lumabas na sila ng University at nagtungo sa mall. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ni Kiko ang mga schedule nila at napansin niya na pareho ang lahat ng break nila, pagpasok at pati dismissal. Muli niyang pinikit ang kanyang mata at napatingin sa taas. “Why me Lord?” bigkas niya. “What did you say?” tanong ni Michelle bigla.

“Ah why me Lord. Kasi prof ko ulit yung terror” palusot ng binata. “Sus, ikaw pa. Anyway where do you want to eat? Treat ko” sabi ng dalaga. “Sure basta magpakalalake ka at magpakababae ako” sabi ni Kiko. “Bakit naman?” tanong ni Michelle. “Ewan ko kung saan planeta ka pinalaki ha. Pero sa planetang kinalakihan ko lalake ang nanlilibre and not the other way around. Saka lang manlilibre yung babae pag birthday niya o may party sa kanila. Kung hindi niya birthday o walang okasyon wala siyang karapatan manlibre, yung lalake dapat” paliwanag ni Kiko.

Natawa si Michelle at nagtakip ng bibig. “Kiko, planeta ng magsyota ata yung sinasabi mo e” sabi ng dalaga at natameme siya. Nautal yung binata at di makasagot, muli siya binangga ni Michelle at ngumiti. “Sa planeta ng magkaibigan, kahit sino pwede manlibre. Babae man o lalake” nilinaw ng dalaga at lalong di nakapagsalita si Kiko.

Pumasok sila sa isang restaurant at pagkaupo ay niyuko ni Kiko ang ulo niya. “Sige na mamili ka na, its my treat” sabi ni Michelle. “Sige ikaw nalang ang kumain. Labag talaga sa banal na kasulatan namin na babae ang nanlilibre kahit anong planeta pa siya galing e” sabi ni Kiko at muling natawa yung dalaga. “Hay Kiko, pag ikaw manlilibre kakain ka?” tanong ng dalaga. “Kasi ganon ang nakasanayan ko na at yon ang itinuro ng aking mga ninuno” banat ni Kiko at lalong napabungisngis si Michelle.

“Okay ikaw na pero wala tayo sa planeta ng magsyota diba?” sabi ng dalaga. “Michi, hello! Planet earth kaya ito. Diba tinuro ng teacher mo nung elementary?” banat ni Kiko sabay kinuha ang menu at tinignan. Hindi nainsulto si Michelle, agad niya kinuha din yung isang menu at nagtago pagkat lalo siya kinilig.

“Ah bakit wala ako maintindihan dito? French restaurant ba tong napasok natin?” tanong ni Kiko. “No, iba ba menu mo? English naman dito?” sabi ng dalaga. “Ah kaya naman pala baliktad pala tong menu e. Sorry” sabi ni Kiko at sumabog sa katatawa ang dalaga. “Hello mam, sir, may I take your order?” sabi ng isang waitress at nanlaki ang mata ni Kiko.

“Take our order? No way! You bring us our order don’t take it away. How will we eat it if you take it?” sabi niya at nagpigil ng tawa yung waitress pero si Michelle lalo lang niya tinago mukha niya sa menu. “Uy biro lang ha” bawi ni Kiko. “Okay lang sir” sagot ng waitress. “Mukhang masyado maliit yang paglilistahan mo. Dapat ata cartolina ang dala mo miss kasi may katakawan kami e. Matagal na kami di kumain kasi deprived kami ng matagal sa food” hirit ni Kiko at di na napigilan ng waitress ang matawa. “Excuse me sir” sabi niya at agad tumakbo palayo para lang tumawa.

Nakapikit si Michelle, pinipigilan ang pagtawa niya pero pagmulat niya ng mata niya nakita niya si Kiko binubuklat ang isang long bond paper. “Pwede na siguro dito no?” tanong niya at tuluyan nang bumigay ang dalaga at pinagpupukpok niya si Kiko ng menu. “Ang sakit na ng tiyan ko katatawa Kiko!” sabi niya.

Bumalik yung waitress at kalmado na siya. Nagseryoso na si Kiko at si Michelle kalmado narin. “Okay, liitan mo nalang talaga ang sulat mo dapat ha para magkasya lahat ng order” banat ni Kiko at muling natawa yung waitress at si Michelle. Ang tagal bago nakuha ang order nung dalawa at di pa nakakakin ay mukhang pagod na sa katatawa yung dalaga.

“Grabe ka, this is probably the best day in my life. I have been laughing since nine in the morning up to now” sabi ni Michelle. “E di isagad na natin hanggang sa paghatid ko sa iyo” sabi ni Kiko at napakapit sa lamesa ang dalaga at napatingin sa malayo. “Ha? Ihahatid mo ako?” tanong niya. “Ang bastos ko naman kung hindi. Sabi ng yaya mo alagaan kita tapos hahayaan nalang kita uuwi mag isa? P.I.K. I don’t break promises” sabi ng binata.

“PIK?” tanong ni Michelle. “PIK tagalong ng FYI, meaning Para sa Iyong Kaalaman. Siyempre di nakailangan isama yung S kasi pang ugnay lang siya or whatever it is called” paliwang ni Kiko at lalo napahanga sa kanya si Michelle. Habang inaantay ang pagkain bigla nalang sila natahimik, pasulyap sulyap sa isat isa pero walang nagsasalita.

“By the way Michelle there is something I don’t like about you” sabi bigla ni Kiko at nagulat yung dalaga. “Ha? Ano yon?” tanong niya at talagang kinakabahan siya. Huminga ng malalim si Kiko at tinitigan siya, “Kanina sa school remember? When I didn’t want to enroll then when I didn’t want to show my grades” sabi niya. “Oh what about it?” tanong ng dalaga.

“Pwede ba pag ganon na argument idaan mo sa logic at reasoning para makalaban naman ako o makadebate. Kasi pag idadaan mo tulad kanina di ko kaya lumaban. Lagi ako matatalo sa iyo” sabi ni Kiko sabay niyuko niya ulo niya. Muling napahawak si Michelle sa lamesa at masakit na ang mga pisngi niya sa pag ngiti. Mabilis ang tibok ng puso niya at mga mata niya nakatitig lang sa binata na kaharap niya.

“Okay Kiko” sagot ng dalaga at napatingin ang binata sa kanya at sabay sila napangiti.

Di na mapigilan ni Kiko ang tadhana, alam niya na sa araw na ito magsisimula ang lahat.


(Ito po yung pagsimula ng ikalawang yugto ng kwento. Hanggang dito nalang talaga ako. Another long vacation awaits me, be back on June with Salamangka re-invented...oh yes lots of things are changing as you may have noticed with the appearance of the blog hahahaha. Kasi the old logo will go to the W-blog. Anyway see you all on June.........ooops i reverted the blog back to its old state. I have new plans for the new logo ahahah maganda daw kasi so don nalang siya sa bago pala)