sk6

Sunday, May 9, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 3: 12 Years Later

Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz

Chapter 3: 12 Years Later

“Boss paki pin yung ID” sabi ng isang malaking tao na nakatayo sa may gate. Napangisi yung binata pero agad siya kinurot ng kasama niyang dalaga. “Kiko ano nanaman naiisip mo, pin mo na nga” pagalit na sabi ni Layla. Napakamot si Kiko at nilabas ang ID niya sabay sinabit sa damit. Muli siyang napangisi pero agad siya hinila ng kaibigan niya. “First day of college wag ka naman magkakalat. Sobra kayo magkabaliktad ng kapatid mo talaga. Buti pa si Frances ang bait bait, ikaw ang kulit kulit mo!” sermon ng dalaga.

“Bakit nasuspend na ba ako? Napatawag na ba sa principal’s office?” tanong ni Kiko. “Aantayin mo pa ba na umabot sa ganon?” bawi ni Layla. “It will never happen” sigang sagot ng binata. “At pano mo naman nasabi yan aber?” tanong ng kaibigan niya. “Hello! College na tayo! Wala nang principal dito no. Hay naku Layla mag isip ka nga” banat ni Kiko.

Nainis ang dalaga at inirapan ang kaibigan niya sabay iniwanan siya. “Hoy nagbibiro lang ako no! Ang bilis mo magtampo ever since you were born!” sigaw ng binata. “Tse! Manigas ka!” sigaw ni Layla. “Umagang umaga nag aaway kayo” sabi ng isa pang binata na humarang sa daan ng dalaga. “E yang kaibigan mong magaling binabadtrip ako e” sabi ni Layla.

“Ano nangyari kay Kiko? Hoy Kiko!” sigaw ni Ben pero ang binata nakatayo lang at di gumagalaw. Lumapit yung dalawa at nag alala, “Kiko bakit?” tanong ni Layla. “Di ako makagalaw” bulong niya. “Ha? Pare ano nangyari?” tanong ni Ben. “Si Layla sabi niya freeze kasi e, so di ako pwede gumalaw” bulong ng binata at biglang natawa yung dalawa. “O ha! Natawa ka don ano?” tanong ni Kiko. “Har har har! Bwisit ka!” sigaw ni Layla at muling umalis.

“Umamin ka na kasi gusto mo makipagbalikan sa akin. Concerned ka pa sa akin e” biro ni Kiko pero di na siya pinansin nung dalaga. “Loko ka talaga pare, ganyan nangyari sa lolo ko noon e. Di siya makagalaw bigla” sabi ni Ben. “Uy pati ikaw Bon Bon concerned ka sa akin? I should have known pare, it could have been us by now” landi ni Kiko at bigla siya pinormahan ni Ben ng suntok. “Kadiri ka! Tumigil ka nga!” sabi ng bestfriend niya at tawa lang ng tawa si Kiko.

“Pare college na tayo magtino tino ka na” payo ni Ben at biglang nagseryoso si Kiko. “Oo nga e, iba na daw dito sa kolehiyo” drama niya. “Ikaw ba pare pag nag graduate ka ng Psychology itutuloy mo ba sa Medicine?” tanong ng kaibigan niya. “Hindi, siguro mag training ako” sagot ni Kiko. “Anong training?” tanong ni Ben. “Pano maging bombero” sagot nung binata sabay muling tumawa. “Come Bon Bon we are already late” hirit niya. “Wag mo akong tatawaging ganon sabi e!” sigaw ni Ben at naghabulan yung dalawa sa campus.

Samantala sa di kalayuan may isang dalaga naglalakad kasama ang nanay niya. “I don’t understand why you chose this school iha. Sana dun ka nalang sa Alma Mater ng daddy mo. “Hay naku mommy most of my friends are here and this school is really good pero di sikat like where you want me to go” rason ni Michelle. “Pero iha if you went there siguradong mababantayan ka don kasi madami kami kilala don” sabi ng nanay niya.

“Mommy, I will be fine. I am a big girl now” sabi ni Michelle. “Naku iha don’t say that, you will always be my baby girl” sabi ng nanay sabay yakap sa anak. “Mommy! Nakakahiya, you don’t have to bring me to school already. Look around do you see children?” sabi ng dalaga.

“Kikooooo!!” dinig nilang sigaw kaya agad napalingon si Michelle. Sa malayo may nakita silang nagtatakbuhan na dalawang binata kaya natawa ang nanay niya. “What were you saying? Children? What do you call those two?” banat ng nanay niya. Nakatayo lang si Michelle at napalingon sa paligid. “Whats wrong? Are you changing your mind now? Tell me at isang tawag lang ipapaenroll kita doon iha” sabi ng mommy niya.

“No…its like I heard a name” bigkas ni Michelle pero humarap sa nanay niya. “I think that was a sign mommy, so please relax at magiging okay ako dito. Worst case scenario give me one semester here. If I don’t like it then sige doon nalang ako, deal?” sabi ng dalaga. “Fine, o sige na then. I don’t want you to be late for your class. Alam mo mas madali pag Psychology kinuha mo anak, mas mahirap yang BS Biology na pre med” pahabol ng nanay niya. “Respect mommy, its what I want” sabi ni Michelle.

“Okay anak, teka bakit naman yang pink bag nanaman gamit mo? Ang dami daming bag sa bahay na pwede iterno sa suot mo bakit pa yang pink na yan ulit?” tanong ng nanay niya. “Ma!” sabi ni Michelle sabay taas ng dalawang kilay. “Okay okay, sige na enjoy your first day anak. Call me at once if you have any problem” paalam ng mommy niya.

Late na si Michelle, nahihiya pa siya pumasok sa classroom niya kaya sumilip muna siya. Wala siyang nakitang propesor sa harapan kaya agad siya pumasok at naupo sa unang bakanteng silya na nakita niya. “Akala ko late na ako” bigkas niya. “Relax ka lang, first day of classes e. Usually daw di pa daw pumapasok ang mga prof” sabi ni Layla at nagngitian sila.

“Hi, I am Michelle” sabi ng dalaga. “I am Layla” sagot naman nung isang dalaga. “So everyone here is going to be our classmate until the end of the semester” sabi ni Michelle. “Yup block section kasi e, I am sure may kakilala kang iba dito” sagot ni Layla at tinignan ni Michelle ang bawat estudyante sa loob ng classroom.

“Wala e, kasi yung mga friends ko nag nursing sila. Yung iba naman sa different University pumasok” sabi ni Michelle. “Dalawa lang kakilala ko dito, yung dalawang guys sa harap. Schoolmates ko sila nung highschool pero my close friends are also here pero different course” sabi ni Layla. “Nakita mo na close friends mo?” tanong ni Michelle. “Oo kaninang umaga” sagot ng dalaga.

“Buti ka pa, di na siguro papasok yung prof no?” tanong ni Michelle. “Malamang, thirty minutes na e, tara labas muna tayo?” alok ni Layla at agad tumayo ang dalawang dalaga sabay lumabas ng classroom. Maingay sa corridor pagkat madaming nakatambay na mga estudyante. Lumabas yung dalawa ng building at natuwa naman si Layla pagkat nakita niya ang mga babeng kaibigan niya.

Samantala sa Human Sciences building, tuwang tuwa si Ben pagkat madaming magaganda sa kanilang classroom. “Pare ganda nung napili mong block ha, kahit saan ako lumingon there are very pretty girls” bulong niya. “Pretty girls nga pero tignan mo nga yung prof natin, mukhang terror e” sabi ni Kiko. “Uy scared ka pare? Parang first time kita nakitang natakot sa guro ah. Nung elementary at highschool kinakaya kaya mo lang mga teacher natin” sabi ni Ben.

“E kasi mababait ang mukha nila, e yan tignan mo nga. Parang bato na inukitan lang ng mukha e. Tapos ang lalim pa ng boses para galing sa ilalim ng lupa. So scary pare baka pag nagloko ako e bigla nalang lalabas yung kampon niya sa ilalim ng lupa para kunin ako” bulong ni Kiko at biglang sumabog sa katatawa si Ben. Napalingon ang lahat ng kaklase nila sa kanila, pati yung kanilang propesor masama ang tingin sa kaniya.

“Ayan patay ka Ben, markado ka na” banata ni Kiko at napalunok ang kaibigan niya. Biglang tumayo ang kanilang propesor, isang matangkad at maskuladong tao at biglang natakot yung dalawa. “Buti naman at may signs of life tong klaseng to. Akala ko panay patay ang mga estudyante ko kasi ang tahimik niyo. Anyway that will be all for now, I will see you all on Wednesday again. You may go” bigkas ni Mister Delgado.

Nakahinga ng maluwag yung dalawa, si Ben humarap sa kaibigan niya at nilabas ang kamay para maki appear. “Appear pare, okay pala siya e” sabi niya. Si Kiko tinignan lang ang kamay sabay titig sa mata ng kaibigan niya. “Oo nga e” sagot niya. “Pare alam mo matagal ko nang napapansin ha, nandidiri ka ba sa ibang tao?” tanong ni Ben.

“Bakit mo naman nasabi?” tanong ni Kiko nang lumabas sila ng classroom. “Ilang beses mo na ako nababara e, pag nakiki appear ako o fist punch di ka man lang sumasabay e. Tapos naalala ko pa noon nung gumagawa tayo ng project nakidyas lang konti ang kamay mo nag react ka na agad at lumayo” sabi ng kaibigan niya.

“Di naman sa maarte ako pare, long story at di ko pwede sabihin” sagot ni Kiko. “Ano may sakit ka ba balat?” tanong ni Ben. “Wala ha” sagot agad ni Kiko. “E ano? Para kang sosi na mayaman na nandidiri sa iba e” sabi ng kanyang bestfriend. “Mahirap kasi ipaliwanag pare e” sabi ng binata.

“Sus sabihin mo na maarte ka talaga. Okay lang naman na umamin ka pare e. Pero pare di maganda ang ganyan” sabi ni Ben at napatigil si Kiko. “Pare di talaga ako maarte, hindi ko lang talaga maipaliwanag kung bakit pero trust me nalang” sabi niya. “Oo na oo na trust you nakunwari di ka maarte. Okay lang pare we are still friends kahit na sosi ka” tukso ni Ben sabay tawa. “Mommy mommy my friends touched me, I need alcohol. Ew the germs” banat ni Ben sa batang boses.

“Hay naku, siguro naman sa tagal natin na magkaibigan pwede na kita pagkatiwalaan” sabi ni Kiko at natahimik ang kaibigan niya. “Oo naman pare, grabe kinder 2 up to now, wala ka parin tiwala sa akin?” sagot ni Ben. “Meron, sige pare sasabihin ko sa iyo. Tandaan mo aside from my parents, ikaw palang ang makakaalam nito. My sister doesn’t even know, kahit pa si Layla” sabi ni Kiko.

Nagulat si Ben konti pagkat ngayon niya lang nakitang seryoso ang kaibigan niya. “Oo pare you can trust me. Ano ba yon?” sagot niya. “Pare I cant touch hands with another person kasi may ability ako” sabi ni Kiko at natahimik silang dalawa na nagkatitigan. “Bwahahaha joke time ka nanaman e. Nadali mo ako don ha” sabi ng kaibigan niya.

Tahimik lang si Kiko na pumasok sa next classroom nila. Naupo si Ben sa tabi ng kaibigan niya at tuloy ang kanyang pagtawa. Ilang sandali pa tumigil siya at tinignan ang bestfriend niya. “Ano pare seryoso ka ba?” tanong niya. “Ano sa tingin mo?” sumbat ni Kiko at napapangiti muli si Ben.

“O sige nga, ano naman daw yang ability mo? Ano mangyayari sa mahahawakan mo? Mainlove sa iyo? Ganyan ba ginamit mo kay Layla?” tukso ni Ben. “Hay, pag nahawakan ko ang kamay ng ibang tao nakikita ko ang future nila sa araw na yon. Ayan happy?” sagot ni Kiko. “Imposible! Sus pare naka drugs ka ba?” tanong ni Ben.

“Kinder, may binubully kang babae. Ano ginawa ko? Naalala mo pa ba Bon Bon?” sabi ni Kiko at natahimik ang kaibigan niya. “Imposible na yan” bigkas niya. “Hinawakan ko kamay mo, pare alam ko naman wala akong laban sa iyo e. Ang laki mo kaya pero nakita ko na di mo ako sasaktan. At pano ko naman malalaman ang nickname mo pag di ko nakita na sinermonan ka ng nanay mo pagkauwi mo. Diba?” paliwanag ni Kiko.

“Ginogood time mo ba ako pare? You could have heard my mom say my nickname when she brings me to school. Tapos nagimbento ka nalang ng sermon about the pants” sabi ni Ben. “Sabihin mo nga sa akin kung di talaga yun ang mga narinig mo sa mama mo pagkauwi mo that day? Word per word tama diba?” tanong ni Kiko at napaatras konti si Ben at nangilabot. “Di ako makapaniwala pare e, baka coincidence lang pare” hirit ng bestfriend niya.

“Ayos lang kung di ka maniwala. Basta wag mo ipapagsasabi sa iba. Believe it or not that secret remains with you alone” sabi ni Kiko. “Prove it” sabi ni Ben at nagkatitigan yung dalawa. “Wag na pare, its either you believe or not its okay” sagot ni Kiko. “Kasi pare kung nakikita mo nga bakit nung grade three tayo, naaksidente ako sa may merry-go-round. Bakit di mo pinigilan yon?” tanong ng kaibigan niya.

“Hindi ka dapat maaksidente doon e, dapat nung sa swing palang naaksidente ka na. Pare kahit nakikita ko ang future, di ko pwede palitan ng basta basta. Sinubukan ko naman e, napigilan ko yung swing pero in the end nadali ka naman ng merry-go-round. Kung anong nakatakda mangyayari at mangyayari, kung napigilan man mangyayari parin ito one day” paliwanag ni Kiko.

“Kung naligtas mo ako sa merry-go-round ibig mo sabihin maaksidente parin ako?” tanong ni Ben. “Oo pare, siguro mabubundol ka ng jeep pagtawid mo. O kaya mabagsakan ka ng comet or meteor. Basta pare kung nakatakda sa iyo, mangyayari talaga” sagot ni Kiko. Natahimik si Ben at saktong pumasok ang kanilang propesor pero di parin siya makapaniwala na may ganon na abilidad ang kaibigan niya.

Lunch time nagkita kita sila kasama ang ibang batchmates nila nung highschool. Si Ben di parin mapakali at di makakain. SI Kiko abalang abala sa pagpapatawa sa lahat pero ang bestfriend tuliro lang at nilalaro ang pagkain. Nang iba naman ang bumangka ng kwentuhan bumulong siya kay Kiko. “Pare kung may power ka bakit di mo nagamit kay Layla? Bakit kayo nagbreak?” tanong niya.

“Kasi babae ang type niya, you know” sagot ni Kiko sabay laro sa buhok niya parang babae. “Pare naman e, seryosong tanong yon” reklamo ni Ben. “Pare dont ask me, she was the one who broke up with me. Pero at least friends parin kami at parang wala nagbago” sagot ng bestfriend niya.

Pagsapit ng dismissal inantay nung magkaibigan si Layla sa main gate. “Pare is my secret safe with you?” tanong ni Kiko.”Well di parin ako masyado naniniwala, konti lang pero oo naman pre” sagot ni Ben. Inabot ni Kiko ang kamay niya at nagulat siya. Nakipagkamay si Ben at napansin niyang napapikit saglit ang bestfriend niya. “Salamat pre alam ko maasahan kita” sabi ni Kiko.

“Ano nakita mo?” tanong ni Ben at pasimple lang kaibigan niyang tinignan siya. “Ano pinagsasabi mo?” tanong ni Kiko at natawa silang dalawa. “Ah oo nga pala, pero sige na pre ano nakita mo?” ulit niya. “O ayan na si Layla pre, taralets na. Hinay hinay sa toknene pare ha” sabi ni Kiko at lalo natawa si Ben. “Alam mo naman na I don’t eat streetfoods e” sabi niya. “Looks who is maarte now no?” banat ni Kiko at nagtawanan yung dalawa.

Naglakad yung tatlo papunta sa paradahan, nauuna si Kiko sa paglakad at medyo naiintindihan na ni Ben bakit laging nakabulsa ang kamay ng kaibigan niya. “Layla may itatanong ako sa iyo?” sabi niya at sinigurado niya na malayo si Kiko. “Ano yon?” tanong ng dalaga.

“Bakit kayo naghiwalay ni Kiko?” tanong ni Ben at napabuntong hininga si Layla. “Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko rason” sabi ng dalaga. “Bakla siya? At ako type niya?” banat ni Ben at natawa yung dalawa at napalingon si Kiko. Nagpasimple yung dalawa pero pagharap ulit ni Kiko at inulit ni Ben ang tanong.

“Masyado siyang perpekto e. Oo magulo siya pero sa totoo hindi naman. Nung naging kami parang wala siyang magawang mali. Napaka weird e, parang he can read my mind somehow” pabulong na sabi ni Layla. “O ayaw mo non? Mister perfect? Di ba yon ang hinahanap ng mga babae?” tanong ni Ben.

“Oo din pero hindi e. Parang it didn’t feel right. Parang may mali, too good to be true ika nga. And to be honest mas okay yung ganito kami ngayon. To be honest parang napilitan lang kami maging kami dahil sa pagtutukso niyo sa amin e. Para lang kaming magkapatid ni Kiko, we tried being a couple pero yun nga it didn’t work out so we agreed na mas maganda yung dati naming samahan” paliwanag ni Layla.

Naniniwala na si Ben lalo sa rebelasyon ng bestfriend niya at nung malapit na sila sa paradahan ay bigla siya hinila ni Layla. “Toknene! Oy Kiko come here treat mo ako nito” sabi ng ng dalaga. “Treat kita? Tapos kay Ben ka nakahawak? E di siya nalang” biro ni Kiko. “Kikoooo sige na, alam ko madaming kang pera at dumating auntie mo galing States, treat mo kami ni Ben” pilit ng dalaga. “Ah hindi ako kumakain niyan e” sabi ni Ben.

“Kasi the mommy of Bon Bon will get mad no. Gusto niya kumain lang sa sanitized na lugar no” banat ni Kiko at napakamot ang bestfriend niya. “Ay ganon ba si Ben? Oh sosi pala siya” hirit ni Layla. “Ay oo sis, dugong bughaw yan kaya di mo mapapakain ng ganyan, ang gusto niya tipong mga caviar, e sa totoo di naman luto yon duh!” patawa ni Kiko.

“Oo na oo na sige titikim na okay?” sabi ni Ben. Nilibre ni Kiko yung dalawa, mabilis naubos ng bestfriend niya ang share niya at nasarapan ito. “Sarap nga no, pa order pa ng isa” sabi ni Ben. Tumagal sila sa sidewalk at naaliw sina Layla at Kiko sa katakawan ni Ben. Habang ngumunguya ay biglang napatingin si Ben sa bestfriend niya at biglang naalala ang payo niya doon sa gate. Napatigil siya at inabot yung natirang toknene kay Layla. “O bakit di mo pa ubusin?” tanong ng dalaga pero di makapagsalita yung binata.

“Tara na uwi na” sabi ni Kiko at agad tumabi sa kanya si Ben at siniko siya. “Bilib na ako pare” bulong niya. “Alam ko, at alam mo narin bakit kami naghiwalay” sagot ni Kiko. “Damn pare bilib na bilib na ako, grabe pare that abilitiy can come in handy” sabi ni Ben sabay ngisi. “Hindi pwede, its not to be abused and I learned my lesson already. By the way pare eto pala” sabi ni Kiko sabay bukas sa bag niya.

Inabot niya ang chocolate sa bestfriend niya na matuwang tinanggap ni Ben. “Grabe ka pare up to now ba pinanghahawakan mo yan? Sa tingin mo makikita mo pa siya e you don’t even know her name or what she looks like now” sabi ng bestfriend niya. “Ayaw mo o gusto mo?” tanong ni Kiko. “Gusto, ito naman e nagtatanong lang e” sabi ni Ben.

“O yan nanaman kayo para kayong magsyota, akalain mo lalake binibigyan kapwa lalake ng chocolate araw araw” tukso ni Layla sabay tawa. “E wala na ako mapagbibigyan, ayaw mo naman ever since naging conscious ka sa katawan mo” sagot ni Kiko. “Oo na oo na, alam niyo pag may namamagitan sa inyo pwede niyo naman sabihin sa akin e. Magladlad na kayo no” banat ng dalaga. “O sige na nga, ingat sa pag uwi honeybunch” banat ni Kiko. “You too pumpkin pie, ingatan mo yang babaeng yan ha. Mas maganda siya sa akin at ayaw na yaw ko nagseselos” banat ni Ben at lalo natawa si Layla.

“Ano kiss?” tanong ni Kiko. “Lul! Kiss mo mukha mo! Sige ingat kayo” sabay na sabi ni ng magbestfriend. Nagulat si Layla at Ben pero si Kiko agad tumalikod, “Lets go Layla bakante yung harap ng jeep, alam ko gusto mo doon” sabi niya.