Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz
Chapter 8: Tadhana
Katatapos ng midterm examinations, si Kiko nakahandusay sa kanyang silya at si Ben nakatayo at tinitignan siya. “Pare naman over acting ka na. Tara na uwi na tayo” sabi niya. “Pare pagod na ako” bigkas ni Kiko at agad napaupo ang bestfriend niya. “Ano ibig mo sa sabihin? Lahat naman tayo mentally drained pare e” sabi ni Ben.
“Its not that pre, what I mean is running away and avoiding her. Pagod na ako e. Alam mo ba halos naiba ang takbo ng buhay ko. Lagi akong paranoid, lingon ako ng lingon kahit mag isa ko na. Di ko na nagagawa ang mga gusto ko” paliwanag ni Kiko. “Yeah pare, nagbago ka na nga e. Pero di mo naman kailangan talaga iwasan siya e. In the first place pare she just wants to know you. Ayun lang naman e. Di ko maintindihan ano big deal don” sabi ni Ben.
“Doon naman nagsisimula lahat diba pare? Ang gusto ko sana wag na friends para maiwasan na yung malaking sakit na madudulot niya sa akin. Sana matapos na tong semester na to” sabi ni Kiko. “Oh men wag mo sabihin lilipat ka ng school” sagot ni Ben. “If that’s the only way na pwede siya maiwasan pare why not diba? Lilipat ako sa lugar na sure na wala siya. Para naman makahinga ako ng maluwag. Kasi pare lately tuliro na ako, I am escaping from that great pain that will happen in the future. Kilala ko sarili ko, pag napanaginipan ko mangyayari yon talaga”
“Who would like to be in that situation? Wala diba? Sabi nga nila prevention is better than cure” sabi ni Kiko. “So ano balak mo ngayon?” tanong ni Ben at pinikit ng kaibigan niya ang kanyang mga mata. “Di ko alam pare, siguro kaya ko pa umiwas. I think kaya ko pa, ilang araw naman nalang e” sabi ni Kiko sabay huminga ng malalim.
Hinawakan ni Ben ang kamay ng kaibigan niya, minulat ni Kiko ang kanyang mga mata at nagkatitigan sila. “Ano sasabay ka o bad idea?” tanong ni Ben. “Bad idea pre, salamat” sabi ni Kiko kaya nagpaalam na ang kaibigan niya at umalis.
Sa may main gate nakita ni Layla si Ben sa malayo at kasama niya si Jessica. Sumenyas ang binata sa kanya na nagsasabi na di niya alam kaya napasimangot ulit ang dalaga. “Hay naku ang hirap hagilapin talaga yon” sabi ni Layla. “Sis its okay, maybe he is busy courting or doing other stuff. Tara nalang sa mall” sabi ni Michelle. Kasama si Lyne nagpunta ang tatlo sa mall para kumain. Sa loob ng isang fastfood resto ay nahihiya na si Layla.
“Ano ka ba sis okay lang no” ulit ni Michelle. “Hindi parang nakakahiya na kasi parang di ko siya tuloy kaibigan” sagot ng dalaga. “Sira talaga to o, I just said I want to meet him pero ikaw naman kinakarir mo talaga na magmeet kami” sagot ng kaibigan niya. Natawa si Layla at natauhan, “Oo nga no, ewan ko nga ba sa akin” sabi niya at nagtawanan sila.
“Hay naku napakadali ng problema niyo. Since magkapitbahay sila then punta tayo kina Layla. O siguro uuwi at uuwi naman yon diba?” sabi ni Lyne. “Oo nga we can do that” sagot ni Layla. “Hoy grabe kayo ha. Baka naman sabihin niya desperado ako. I just said he was a nice guy tapos kayo naman gusto niyo ipagmatch na agad kami” sabi ni Michelle.
“E parang perfect combination kasi e, mahilig ka tumawa tapos siya mahilig magpatawa. O diba perfect?” sabi ni Layla. “E kayo ba sis nung naging kayo di ba kayo perfect combination?” banat ni Lyne. “Hmmm well kababata ko kasi siya. We grew up like brother and sister na. Siguro due to peer pressure at laging pagtutukso sa amin ewan ko anong nangyari. It happened so fast ni hindi nga namin alam anong anniv namin e” kwento ni Layla at nagtawanan sila.
“Ha? Pano naman nangyari yon?” tanong ni Lyne. “Well kasi one day parang nagsawa kami sa mga kantyaw ng mga kaklase. Parang nag iba tuloy ang pagtingin ko sa kanya because of that. Alam mo yon para akong na brainwash, tapos little did I know we were having a serious talk which we rarely do” sabi ng dalaga.
“O tapos what happened?” tanong ni Lyne at natawa si Layla. “Out of nowhere he held my hand tapos ewan ko na talaga. He knew the exact words that I want to hear tapos ewan ko na basta” kwento ng dalaga at bumungisngis. “Uy, kayo ha” tukso ni Michelle. “Oy tama naman na about me, e kayo naman” sabi ni Layla.
“Never had a boyfriend, wala pa ako balak although may isa na nandyan lang. I like him, he likes me too pero sabi ko ayaw ko pa ng relationship” kwento ni Lyne kaya napatingin naman si Layla kay Michelle. “Nope, never had” sabi agad niya. “Hay naku kasi yang babaeng yan may inaantay na dream guy niya” banat ni Lyne at natawa si Michelle.
“Naks, dream guy?” tanong ni Layla. “Oo no, pero ang masama she does not know what that guy looks like now kasi bata palang siya daw nung una niya nakita” sabi ni Lyne at nagtawanan yung dalawa. “Oo nga naman sis, magbabago na ang itsura ng tao pag tumanda, pero pano mo naman naging dream guy e bata pa kayo?” tanong ni Layla.
“Hay kasi knight in shining armor daw niya si little boy” banat ni Lyne sabay tawa. “Well its not my fault if I liked him for doing that naman. I can still remember his face pero yeah tama kayo I wont recognize him anymore if I see him” sabi ni Michelle. “Pero do you know his name?” tanong ni Layla. “Hmmm yes but I am not telling you baka malasin pa ang dream ko na mameet ko ulit siya” sabi ng dalaga.
“Kaya kahit ang dami na niyang manliligaw, lagi niya sinasabi na in a relationship na daw siya. Pero sa imahinasyon pala” biro ni Lyne at tawa ng tawa yung tatlo. “Pero bilib ako sa iyo ha, talagang you are holding on to that dream na mameet mo ulit siya” sabi ni Layla.
“Well to be honest I gave up on that dream already. Pero nung first day of classes nung naglalakad kami ni mommy papasok sa campus I heard someone shout his name. Para akong nabuhayan talaga. Kaya eto buhay nanaman siya sa aking isipan” kwento ni Michelle at nagtawanan yung dalawa.
Habang kumakain yung tatlo may isang babaeng lumapit at tinapik si Layla. “Oh my God! Katrina!” sigaw ni ng dalaga sabay tumayo at niyakap ang kaibigan niya. “Hala long time no see!” sabi ni Katrina. “Upo ka dali, eto pala si Michelle at Lyne, mga sis ito yung bestfriend ko nung high school si Katrina” pakilala ni Layla.
“Kumusta ka na? Di ka naman nagtetext” sabi ni Layla. “Hay naku Lay, super busy ako sa school. Ay teka galing ako sa old school at guess what meron na yung year book” sabi ni Katrina. “Ows? Nakuha mo na?” tanong ni Layla. “Yup eto teka” sabi ng kaibigan niya at nilabas ang yearbook sa kanyang bag.
Nagtabi tabi yung apat, binuksan ni Layla ang yearbook at agad nilagay sa section nila. “Ayan si Layla o” sabi ni Katrina at agad tinakpan ng dalaga ang mukha niya sa yearbook. “Nakakhiya picture ko diyan!” sigaw niya. “Patingin na sis, wag ka na maarte” sabi ni Michelle at naalis nila ang kamay niya at bigla sila nagtawanan. “Parang ang landi mo sa pic mo!” sabi ni Lyne at lalo pa sila nagtawanan.
Ilang sandali pa dumating na sila sa mga boys, “O eto si Benjamin” sabi ni Layla. “Oo nga kumusta na pala mga yon?” tanong ni Katrina. “Hay naku walang pinagbago. Magulo parin yung dalawa” sagot ng dalaga. “Ayan si Kiko o!” sabi ni Katrina pero sabay sila nagsalita ni Lyne. “Si Matt o!” sabi naman niya.
“Matt? Pano naging Matt si Kiko?” tanong ni Katrina. “Hay loko loko si Ben, sabi niya Kiko Matsing daw, kaya para bongga Matt nalang daw nickname ni Kiko” paliwanag ni Layla. Nagtawanan ang mga babae maliban kay Michelle, tulala siya at titig na titig sa litrato ni Kiko.
“That is Francis?” tanong ni Michelle. “Oo sis, ayan si Francis alyas Kiko, alyas Matt” sabi ni Layla. Tinitigan ng maigi ni Michelle ang litrato, sa ibaba may nakalagay na pangalan at sa pinaka baba nandon ang nickname, “Kiko”.
Napatigil si Michelle at natulala, natatandaan niya ang lahat ng nangyari sa araw na niligtas siya. Pareho parin ang ngiti nung batang Kiko at yung Kiko na tinitignan niya sa litrato. Malaki na ang pinagbago ng itsura ni Kiko pero di nagbago ang kanyang ngiti. Napangiti si Michelle at huminga ng malalim, “Kiko” bigkas niya sabay tumawa. “Kiko Matsing” ulit niya sabay humalakhak.
Napatingin sa kanya yung tatlo, “Grabe to delayed reaction o” sabi ni Layla at hinayaan lang nila na tumawa ang kaibigan nila. Pagkatapos nila kumain at magtsikahan, nagpasya na sila umuwi. Tumabi si Michelle kay Layla at biglang nag isip ng malalaim. “Malapit ba sa inyo yung Saint John school ba yon?” tanong niya. “Ay oo sis, malapit sa amin, doon kaya kami nag kinder hanggang elementary nina Kiko at Ben” sagot ni Layla. Napangiti si Michelle, nakuha niya ang sagot na gusto niya. “Bakit sis?” tanong ng dalaga. “Ah wala lang kasi doon ata mag aaral yung pinsan ko” sabi nalang ni Michelle.
Pagkababa ni Michelle ng taxi agad siya tumakbo papunta sa bahay nila. Pagkapasok agad siya nagtitili at nagsisigaw. “Yaya!! Nahanap ko na siya!!!” sabi niya. Lumabas mula sa kusina ang isang may edad na babae at napakamot. “Sino? Si Kiko ba?” tanong ng yaya niya. Sa sobrang tuwa niyakap ni Michelle ang yaya niya at pinanggigilan. “I cant believe it yaya after all this time nahanap ko na siya. We go to the same school! Tapos friend pa siya ng friend ko! Oh my God Kiko nahanap na kita!!!” sigaw niya.
“O nahanap mo na, ano ngayon?” tanong ng yaya niya at biglang napaisip si Michelle. “Hmmm e di kakaibiganin ko siya. Ay alam mo yaya Nelly kaibigan pala siya ng kaibigan kong bago. Tapos nakakatawa siya, makulit daw siya at mahilig magpatawa pero mabait din” sabi ng dalaga at napakamot si Nelia. “Makulit na mabait? Hay naku iha kumalma ka nga at nahihilo na ako sa iyo” sabi ng yaya niya pagkat lakad ng lakad yung dalaga. Huminga ng malalim si Michelle at ngumiti, “Yaya nahanap ko na siya sa wakas” bigkas niya sabay napasayaw sayaw na umakyat sa kanyang kwarto.
Kinabukasan pagkatapos kumain ay tumambay sa bentahan ng toknene sina Ben, Jessica at Kiko. “Sige pa Ben, dagdagan mo pa ang cholesterol mo, sige kain pa” bulong ni Kiko sa tenga ng kaibigan niya. Natatawa si Jessica pero si Ben sige parin sa pagkain. “Ikaw nagturo sa akin nito kaya wag kang ganyan” sagot ni Ben. “Dibale Ben pag namatay ka aalagaan ko si Jessica para sa iyo. May gusto ka pa ibilin bago ka maatake sa puso?” hirit ni Kiko at bigla sila nagtawanan.
Samantala sa main gate pabalik palang sina Layla, Lyne at Michelle galing lunch. “Nakakatikim ako ng toknene” sabi ni Lyne. “Oo nga ako din” sabi ni Michelle. “Ay grabe favorite ko yan, akala ko ayaw niyo kaya di ko kayo niyaya don e” sabi ni Layla. “Hello! Ang sarap kaya non at di kami maarte no” sabi ni Lyne. “Tara. Pero sis ang ganda ng bag mo ha. Ngayon lang ako nakakita ng leather bag na pink” sabi ni Layla.
“Nahanap ko to nung nagpunta kasi sa Hong Kong, favorite bag ko to kahit sabihin nila di bumabagay sa aking suot” sabi ni Michelle. Habang pinapasikat ang bag niya may biglang humablot nilo. Ang bilis ng pangyayari, wala na sila nagawa kundi mapasigaw. “Magnanakaw!!! Kinuha yung bag ko!!!” sigaw ni Michelle.
Narinig nina Kiko at Ben ang sigaw, paglingon nila nakita nila yung bata na tumatakbo na may pink na bag. Agad inabot ni Kiko ang pagkain niya sa bestfriend niya, inantay niya makalapit yung bata saka niya hinarang at hinawakan ang kamay. Kinuha ni Kiko yung bag saka tinaas ang kamay niya, yung isang kamay niya mahigpit na hinawakan ang kamay ng bata. Nagkatitigan sila pero iba ang nakikita ni Kiko sa kanyang isipan.
Lumuhod si Kiko at tinignan yung bata. “Masama ang nagnanakaw. Gutom ka? Gusto mo toknene?” tanong niya. Hiyang hiya yung bata pero napatingin sa kinakain ni Ben. “Pare ibigay mo yung sa akin tapos palutuan mo pa siya” utos ni Kiko at masayang kinuha nung bata yung toknene.
“Kiko! Nahuli mo?” tanong ni Layla na hingal na hingal. Pagtayo ng binata biglang nangatog ang tuhod niya pagkat nakita niya si Michelle. “Oh my God thank you” sabi ng dalaga at inabot ni Kiko ang bag sa kanya. “Wow what a fateful meeting, Lyne at Michelle this is Kiko. Kiko eto si Michelle at Lyne” sabi ni Layla.
Ngumiti lang si Kiko pero si Lyne tinuro yung bata. “Ayan yung kumuha o” sabi niya pero humarang ang binata. “He was just hungry, hayaan niyo na siya” sabi ni Kiko sabay inakbayan ang bata at naglakad sila palayo. Napayakap si Michelle sa bag niya, lahat sila pinapanood si Kiko at yung bata sa malayo, di nila naririnig pero kitang kita nila na may sinasabi ang binata sa paslit. Naglabas ng pera si Kiko, lumuhod sabay tinignan yung bata at muling pinagsabihan.
Halos walang makagalaw sa magkakaibigan, naantig sila lahat sa ginawa ng binata. Pagbalik ni Kiko sa grupo lahat nakatingin sa kanya lalo na ang bestfriend niya. “Hindi kita malilimutan, hindi kita pababayaan” biglang kanta ng binata at nakisabay pa si Ben kaya nagtawanan sila lahat. “Grabe kayo parang may namatay naman” sabi ni Kiko.
Lahat sila nagsipag order ng toknene, si Michelle panakaw ang tingin sa binata at di namamalayan na kinukurot niya ang braso ni Layla. “Aray sis kinukurot mo ako” sabi ng kaibigan niya at natauhan yung dalaga. “Ay sorry” sabi niya at si Lyne naman ang nakurot niya. Habang kumakain sila ay kumanta nanaman si Kiko pero hinihimas himas ang likod ni Ben.
“Hindi kita malilimutaaaan…Ben ang kulit mo kasi e. Sabi ko madaming cholesterol ang toknene pero kain ka parin ng kain. Ayan tuloy naatake ka sa puso” drama niya at sumabog ang lahat sa katatawa pati yung may ari ng bentahan. “Ah gusto mo ng ganyan na laro ha. Ahem ahem” bawi ni Ben at biglang napayuko si Kiko at nanahimik. “Aba mukhang may tinatago kang alas laban sa kanya ha, ano yon?” tanong ni Layla at napangisi si Ben. “Ah its for me to know, ano Kiko hihirit ka pa ba?” pasikat niya.
Sumimangot si Kiko at dahan dahan tinignan ang bestfriend niya, maamo ang mukha niya na parang bata. “Hindi na BENditaaah baka isumbong mo ako kay Wowaaaah. Ayaw mo multuhin no wooowaaahhh” landi ni Kiko at mas matinding katatawanan ang naganap. Si Ben nabilaukan, di makahinga pero bigla siyang kinabog ni Kiko sa likod ng malakas. “Ayan kasi ang kulit, sabi ko nakakamatay ang toknene ayaw kasi makinig” hirit ng binata. Nakahinga si Ben at si Jessica ang nag asikaso sa kanya. “Sige kain pa Bendita, para very soon kasama mo na si wowaaa sa ilalim ng lupaaaah” banat ni Kiko at sumakit ang tiyan ng lahat dahil sa pagpapatawa niya.
Pagsapit ng dismissal nastranded si Kiko sa isang gilid ng building pagkat biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buti nalang sa lugar na yon may maliit na shade, ang katapat na building yung canteen, at sa may pinto nandon si Ben at iniinggit ang kaibigan niya sa pagkain. Naisipan ni Kiko na tumakbo pero talagang malakas ang ulan kaya sumandal nalang siya sa dingding at pinagmasdan ang patak ng ulan.
Nakarinig siya ng mga basang yapak at isang tili, paglingon niya biglang nanginig ang buong katawan niya. Si Michelle nagpupunas ng mukha at pinapagpag ang damit niya. “Badtrip biglang bumuhos ang ulan” sabi ng dalaga. Ayaw sana sumagot ni Kiko pero naipit na siya, pagtingin niya sa may canteen nakita niya ang bestfriend niyang tulala at nakanganga.
“Oo nga e. Bakit ka pa tumakbo papunta dito?” sagot ng binata. “Ah kasi galing ako sa dance practice tapos may usapan kami na sa canteen magkikita nina Lyne. Diretso na sana takbo ko papunta sa canteen pero ang layo pala at nababasa na ako kaya ito closest na silong” paliwanag ng dalaga. “Magdala ka kasi ng paying” sabi ni Kiko.
“E di naman inaasahan tong ulan e, ikaw may payong ka ba?” sagot ng dalaga. “Meron pero ayaw ko siya mabasa” sagot ng binata at bigla siya nahampas ni Michelle pagkat tumawa ito. “Ay sorry” sabi ng dalaga at ngumiti lang si Kiko. Sa may canteen magkakatabi sina Ben, Jessica, Layla at Lyne, lahat may kinakain at iniinggit yung dalawa. “Bwisit mga yan nangiinggit pa. Ngayon pang pagod ako sa practice at gutom na gutom” bigkas ni Michelle.
Huminga ng malalim si Kiko, binuksan ang bag niya at tinitigan ang chocolate bar na nasa loob. Agad niya ito nilabas sabay inabot sa dalaga. “Eto o” sabi niya. Napatingin si Michelle at napatitig sa chocolate, dahan dahan niya tinignan si Kiko pero hindi ito nakatingin sa kanya. “Ha? Hindi na” sagot niya. “Sweets can give us energy you know. I know its not really food to fill your hunger but since you are tired it might help” sabi ng binata at biglang kinilig si Michelle at kinuha yung chocolate.
Sumandal ang dalaga sa dingding at nakitabi sa binata. Dahan dahan niya binuksan ang chocolate at ilang beses niya sinusulyap si Kiko. Kumagat siya, sabay binangga si Kiko at inabot ang chocolate. “Ah hindi sa iyo na yan” sagot ng binata. Di makapagsalita si Michelle pagkat ngumunguya siya, lalo niya lang nilapit ang chocolate sa bibig ni Kiko kaya napatingin yung binata sa kanya.
“Okay lang talaga sa iyo na yan” sabi niya pero nakatitig parin si Michelle sa kanya at dinikit ang chocolate sa labi niya. Kumagat tuloy si Kiko at napangiti ang dalaga at siya naman ulit ang kumagat. Di sila nagsasalita pero pareho lang tinitignan ang patak ng ulang sa lupa. Ilang sandali ay tumigil na yung ulan, sabay sila napatingin sa langit sabay sa canteen. Inabot ulit ni Michelle ang chocolate at kumagat si Kiko, kumagat din siya at nanatili lang sila sa kanilang pwesto.
Sa mga sandaling yon masaya si Michelle, kasama na niya ang lalakeng matagal na niyang hinahanap. Si Kiko tila nakalimutan na ang katabi niya ay magdudulot sa kanya ng sakit, sa mga sandaling yon nararamdaman na niya ang matagal na niyang iniisip na pakiramdam pag di siya tumakbo at pinagdamot ang chocolate niya nung bata siya.
“Kiko salamat pala” sabi ni Michelle. Tinungo lang ng binata ang ulo, “Yung kanina? Wala yon no” sagot niya. “…and before” bulong ni Michelle kaya napatingin si Kiko sa kanya. “Before?” tanong niya. Ngumiti lang si Michelle at muling nilapit ang chocolate sa bibig ng binata.