Sa Aking Mga Kamay
By Paul Diaz
Chapter 6: Heartbreaker
Kinabukasan pagdating ni Kiko sa school ay nagulat siya makita ang mga ibang miyembro ng org nila nag aayos sa labas ng booth. “Wow ano nangyari?” tanong niya. “Hi Matt, grabe we have to implement order. Alam mo ba two pages of names yung reservation at lahat gusto nila umaga. So we decided yung panghapon half price nalang kasi siyempre half day nalang yung hula nila e” sabi ni Jessica.
May dalawang lamesa sa harapan ng booth at may maliit na white board na nakapaskil sa tabi. “Bale itong isang table for reception of new registrants, then itong isang table naman for verification at distribution ng numbers. Di namin kasi naisip kahapon mabigay ng numbers e. So parang sa bank may numbers na, para titignan nalang nila yung board at pag number na nila pwede na sila lumapit” paliwanag ni Verna.
Lumabas si Ben at biglang tinawag ang kaibigan niya, “Pare dali halika dito” sabi niya kaya nagpaalam si Kiko at pumasok sa loob. “O eto para naman presko ka na” sabi ni Ben at nagulat ang kaibigan niya. “Uniporme ng belly dancer yan e!” sigaw ni Kiko at tumawa si Ben. “O ha at least presko ka. At matatakpan parin face mo diba?” bulong niya at bigla siya hinampas ng kaibigan niya.
Napangisi si Kiko at kinabahan nanaman si Ben, “Fine, basta dapat pati ikaw” sabi niya. “Sabi ko na nga ba sasabihin mo yan e” sagot ng kaibigan niya. “Ano? May reklamo ka?” tanong ni Kiko. “Wala pare, napredict ko din yan kaya handa ako mailagay sa kahihiyan basta magtagumpay ito” sagot ni Ben at nagtawanan magkaibigan. “Pero pre see through lang itong mask e, dapat kapalan to baka makilala ako” sabi ni Kiko. “Oo pre naisip ko na din yan, sus parang may ability narin ata ako” banat ni Ben. “Hindi, ngayon mo lang ginagamit utak mo, don’t worry ganyan talaga ang nag iisip pare” bawi ni Kiko.
Pagsapit ng alas otso dumating na ang unang customer nila. Talagang dinumog ang kanilang booth, mga naniniwala at yung mga hindi. Pagsapit ng tanghali ay nagpasya muna sila magbreak. Dinala ng mag bestfriend ang kanilang packed meal sa isang sulok ng campus at doon kumain.
“Pare di ata maganda tong ginagawa ko” sabi ni Kiko. “Anong di maganda? Pare kumikita tayo no. Yung reservation 4 pages na. Pang umaga lang yon ha. Iba pa yung kumagat sa afternoon sessions” sabi ni Ben. “Its not about that pare. Just today, nasilip ko yung buhay ng mga taong di ko kilala. Nakita ko pano sila mamuhay, ano mangyayari sa kanila. So far swerte ako pagkat panay good nakikita ko e”
“What if may dumating tapos masama mangyayari sa kanya? Will I tell them? Pano nila tatanggapin yon? Iiwasan nila yon pero as I told you magaganap parin ang lahat di man ngayon pero it will happen. Parang ang sama magsabi ng bad news sa kanila. The mere fact nakikita ko mga buhay nila parang mali na e” paliwanag ni Kiko.
“Pare, ang dami tao umaasa sa mga horoscopes. May mga tao talagang nagpupunta sa mga manghuhula sa Quiapo o kung saan saan man. Yung mga nagpupunta naman sa atin just for curiousity e. Yung iba gusto talaga nila malaman, yung iba mga kontra pero alam ko magiging believer sila. Pero choice parin naman nila diba?” sabi ni Ben.
“Oo nga e pero madami ako makikita na di dapat. Parang invasion of privacy na. Pero siguro ayos lang kasi di naman ako mag take advantage sa mga nakita ko. Pasensya ka na kailangan ko lang ilabas to kasi you know ngayon ko lang nagamit ng ganito itong ability ko” dagdag ni Kiko.
“Pare about the bad things, I think you cant omit them. Kailangan mo parin sabihin e. Kasi pag di mo sinabi tapos may nangyari pagdududahan ka. Good or bad you should tell them kasi yun naman ang gusto nila e” payo ni Ben. “Oo nga pero pare after this event sana we don’t use my ability anymore” pakiusap ni Kiko. “Oo pare, salamat talaga ha” sagot ng bestfriend niya.
Kahit yung afternoon session nila dinagsa ng mga tao. Kinabukasan dumami ang mga tao sa campus pagkat mabilis kumalat ang balita kahit sa ibang University. Lalo pa nila kinatuwa ay pati mga propesor nila kumagat sa gimik nila, idagdag pa ang mga ibang tao na nakasagap lang ng balita.
Sa pangatlong araw di humupa ang pila, naglalakad sina Layla at Michelle at napadaan sila sa booth. “You know what balita ko magaling talaga daw yung manghuhula dito” sabi ni Michelle. “Oo nga daw e. Hay naku saan nanaman kaya napulot nung dalawa yung manghuhula na yon?” sagot ni Layla. “Ay oo nga no your friends are here, halika I want to try. Do you think they can get us on top of the list?” tanong ni Michelle.
“Ayan si Lyne o try natin” sabi ni Layla at lumapit yung dalawa sa kaibigan nila. “Isingit mo naman kami o” sabi ni Michelle. “Ay mga sis so sorry ha. Strict sila e. Kasi bawat ng magsusulat ng name nabibigyan ng number e. Ilista ko nalang kayo para may number na kayo” sagot ni Lyne. “Hmmm ano bang number kung sakali?” tanong ni Layla.
“Kung dalawa kayo, you would be 3, 042 and 3,043. Malamang sa second to the last day na kayo” sabi ni Lyne at nadismaya yung dalawa. “Okay sis sige write my name down, ikaw Layla?” tanong ni Michelle. “Hindi na, ikaw nalang sis” sagot ng dalaga. “Pero Lyne is that guy for real?” tanong ni Michelle. “Ay oo sobra. Grabe yung feedback tapos ang dami umuulit. Si Bianca nga naka dalawang balik na tapos nagpalista ulit” sagot ng kaibigan niya.
“Ows? Grabe ha, ano name niya?” tanong ni Layla. “We don’t know, yung dalawang boys lang nakakaalam e. Ang galing nila nga magtago e. As in everytime papasok kami wala na agad yung manghuhula. Ganon daw yung pakiusap nun e, he does not want to be seen” paliwanag ng dalaga. “Oh well sige balik nalang kami. Or text mo kami ha pag ako na” sabi ni Michelle.
Friday ng tanghali, nagsasara na ang booth ang mga girls para sa lunch break. Dumating sina Michelle at Layla para sunduin si Lyne. “Saglit nalang ha, I just have to submit the list” sabi ni Lyne. “Sis bukas na ako diba?” tanong ni Michelle at napatingin sa listahan ang kaibigan niya. “Yup, pero kailangan maaga ka ha. Kasi you will be the fifth tomorrow” sabi ni Lyne. “Di ba pwede now na? Ilang minutes nalang naman e” pakiusap ng dalaga.
“Hmmm sige wait ask ko” sabi ni Lyne sabay sumilip siya sa loob ng booth. “Guys, may nakikiusap kasi di siya pwede bukas ng maaga. If pwede one last before lunch break. Is that okay? Or nakaalis na siya?” tanong ng dalaga. “Ay isa lang ba?” tanong ni Ben. “Oo isa lang, kasi bukas pa schedule niya and I think she cant make it tomorrow” sabi ni Lyne. “O sige teka lang mag aayos lang siya” sagot ng binata.
“Nag oo agad di pa ako tinatanong” sabi ni Kiko. “E bakit mo sinusuot na maskara mo?” sumbat ni Ben at nagtawanan sila. “Ewan ko sayang siguro yung bente” sagot ng kaibigan niya. Pagpasok nung dalawa sa booth ay wala pa doon yung customer, may naririnig sila sa labas na nag uusap kaya sumilip sila.
“Bukas na kasi sis, bente bayad mo tapos half day nalang makukuha mo” sabi ni Layla. “Alam mo tama siya sis, or we can refund your ten pesos” dagdag ni Lyne. “Okay lang no, may gusto lang ako malaman talaga e. Ano ready na ba? Pwede na pumasok?” tanong ni Michelle. “Not yet sis, nag aayos pa sila” sabi ni Lyne.
Pagbukas ni Ben ng kurtina, sumilip ang magbestfriend sa labas. “Si Layla lang pala at kaibigan niyang bago e” bulong niya pero biglang tumakbo paalis si Kiko. “Hoy ano problema mo?” tanong niya pero nakalabas na sa backdoor ang kaibigan niya. Lumabas si Ben at nakita si Kiko nakasandal sa dingding ng booth at parang takot na takot.
“Ano problema mo pare? What happened?” tanong niya. “I cant pare. Not her please” sabi ni Kiko. “What do you mean not her? Ano ba problema pare?” tanong ng kaibigan niya. “Pare that girl with Layla…not her please” ulit ni Kiko at bigla siyang pinagpapawisan at talagang bakas ang takot sa mukha niya.
“Ang labo mo ha. Bakit naman not her?” tanong ni Ben. “Pare that girl is going to break my heart one day” sabi ni Kiko at nagulat ang kaibigan niya. Nakarinig sila ng boses sa loob ng booth. “Uy sis di pa pwede pumasok” sabi ni Lyne. “Ang init sa labas, makikiupo lang naman ako while I wait e. Masama ba yon?” sagot ni Michelle.
Gusto tumakbo palayo ni Kiko pero nahawakan siya ni Ben. “Pare alam mo di kita maintindihan. How can you tell that she will break your heart?” tanong niya. “Pare all my dreams come true. Yung pinasuot mo sa akin na mala ninja I dreamt of that kahit tanong mo nanay ko at kapatid. Pero pare ever since five years old ako I have had the same dream over and over again up to now. Yang babae yan, she will break my heart one day. Lagi nalang ako gumigising na umiiyak, ramdam na ramdam ko yung sakit nung scenario na yon pare” paliwanag ni Kiko.
“Ano? Bakit ngayon mo lang sinasabi to sa akin?” tanong ni Ben. “Well that is one of my other ability. My dreams do come true, well yung mga naalala ko lang that is pero trust me pare it will come true and ikaw ba gusto mo mangyari sa akin yon? Diba masakit yon so I don’t want to meet her pare” sabi ni Kiko.
“Look pare, naka mask ka naman e. At huhulaan mo lang naman e. Makikilala mo ba? She wont even see your face? I understand you, pero isipin mo to pare. Paano magiging kayo pag di mo kilala diba? Pagbigyan mo lang siya ngayon, huhulaan mo lang naman e. Pero kaibigan siya ni Layla pala, she looks familiar pero I don’t know her name. Pwede mo na siya iwanas after that. Simple solution diba? Pag di kayo magkakilala ay wala kayong chance na maging kayo. O diba?” paliwanag ni Ben.
Huminga ng malalim si Kiko at inayos ni Ben ang kanyang maskara. “Pare I got your back. Naniniwala ako sa iyo pare, and kung kailangan mo siya iwasan tutulungan kita. You can trust me pare” sabi ni Ben. “Okay pare, by the way her name is Michelle. Yeah that’s what I call her in my dream pare” sagot ng kaibigan niya. “Okay, you wait here and I will check first. Wag kang tatakbo pare ha” sabi ni Ben.
Pumasok yung binata sa loob at nagulat na wala nang tao doon. Biglang pumasok si Lyne at inabot ang listahan sa kanya. “Ben ikaw muna bahala mag lunch lang kami sa labas. Ay oo pala sorry sabi ni Michelle bukas nalang daw siya ng umaga. Sige na habulin ko sila” sabi ng dalaga at natulala si Ben.
“See I told you pare. Siya talaga yon. She will break my heart one day” sabi ni Kiko nang pumasok siya sa loob. Humarap si Ben sa kaibigan niya at di alam ang sasabihin. “Pare please dumating ka bukas. Tandaan mo pangako ko sa iyo. Gagawin ko lahat para di kayo magtagpo” sabi ng kaibigan niya.
Kinabukasan parang nanghihina si Kiko habang papasok ng campus. Nangangatog tuhod niya at balot na balot siya ng takot. Huminga siya ng malalim at tumingin sa langit, pinikit niya ang kanyang mga mata pero may biglang tumapik sa kanyang noo. “Hoy ano ginagawa mo?” tanong ni Layla.
“Oy ikaw pala” sagot ni Kiko. “Anong ako pala? Galit ka sa akin parin no? Ang tagal na kita di nakita ha” sabi ng dalaga. “No I am not mad at you, we are good” sabi ng kaibigan niya. “Promise?” tanong ni Layla. “Oo naman, masama lang ata gising ko ngayon. Parang gusto ko na umuwi” sabi ni Kiko. “E di umuwi ka na, tutal your booth is doing good and kaya naman na nila siguro kahit wala ka” sabi ng dalaga at natawa nalang si Kiko.
“Hindi nila kaya trust me. Anyway ano ginagawa mo dito sa gate?” tanong ng binata. “Well I am waiting for a friend, nagpapasama sa akin at pupunta kami sa booth niyo” sagot ni Layla at lalong kinabahan ang binata. “Oh okay sige mauna na ako ha” sabi niya. “Ei Kiko, galit ka pa ba talaga? Sorry na noon ha, I didn’t mean to hurt your feelings” sabi ng dalaga. “Layla, we are good okay? Mauna na ako magprepare sa booth” sabi ng binata.
Pagdating ni Kiko sa booth ay sinalubong siya ng bestfriend niya. “Wow good nandito ka akala ko di ka na sisipot e” sabi niya. “Muntik na talaga pare” sabi ni Kiko. “Tsk halika nga sa loob” pagalit na sinabi ni Ben. Sa loob ng booth naupo si Kiko, humarap sa kanya ang bestfriend niya at humawak sa balikat. “Pare, focus ka okay? Remember she cant see you, huhulaan mo lang siya today. After today wala na pare. Maiiwasan mo na siya. Okay?” sabi ni Ben. “Yeah pare tama ka” sagot ni Kiko.
Pagkapatos ng pang apat na customer biglang tumayo si Kiko. “CR lang pare” bulong niya pero pinaupo siya muli ni Ben. “Naka dalawang punta ka na sa banyo pare. Ano pa kaya ang ilalabas mo? Dugo?” banat niya. Huminga ng malalim si Kiko at kinabog ang dibdib niya. “Yeah I know pero pare iba ang epekto parin e. Ive seen her many times in my dreams, yung scenario na yon sanay na sanay ko na pero yung sakit pare ramdam na ramdam ko talaga. Ano pa kaya ngayon makakaharap ko na siya?” sabi ni Kiko.
“Magpakalalake ka nga. Kaya mo yan. Wala pang five minutes wala na siya sa buhay mo. Okay?” sabi ni Ben. Biglang gumalaw ang kurtina at napakapit si Kiko sa lamesa nang pumasok si Michelle. Basa pa ang buhok niya pero sobrang ganda ng ngiti niya na sumalubong sa dalawa. “Hi, I am back. Sorry about yesterday ha” sabi ng dalaga.
“Please have a sit” sabi ni Ben at naupo naman si Michelle. Inabot na ni Kiko ang mga kamay niya pero kitang kita ng kaibigan niya na nanginginig mga ito. “Hmmm wait kasi may gusto ako malaman” sabi ng dalaga. “Ay di pwede yon e. Kasi kung ano ang makita lang niya for today yun lang sasabihin niya” paliwanag ni Ben.
“Oo nga, parang eto ang guide lang. Kasi may gusto ako malaman, siguro you can read my mind later. Gusto ko malaman kung makikilala ko narin siya today. Kasi matagal ko na siya inaantay e. Yun lang naman, I just want to know if I will be happy at the end of the day” sabi ni Michelle at agad siya humawak sa mga kamay ni Kiko.
Si Ben mariin na binantayan ang kamay ng dalawa, pagtingin niya kay Kiko nasisilip niya na nakapikit ang mga niya. Pagtingin niya kay Michelle pati siya nakapikit ang mga mata. Di na nanginginig ang mga kamay niya pero napansin niya na mahigpit ang hawak nila sa isat isa.
“Sorry I don’t see you meeting anyone new today…but you are happy and I cant see why…basta magiging masya ka” bigkas ni Kiko sa maladwendeng boses. Nakahinga ng maluwag si Ben pagkat tapos na, pagtingin niya nakapikit parin si Kiko at yung dalaga. Pagtingin niya sa kamay nila iba na ang posisyon ng mga ito. Dapat nakapatong lang ang mga kamay ni Michelle sa kamay ng kaibigan niya, ngayon nakasuksok na ang bawat daliri ng dalaga sa mga pagitan ng mga kamay ni Kiko.
Di maintindihan ni Ben ang nangyayari kaya inuga niya yung lamesa at biglang namulat ang mga nung dalawa Nagbitaw ang mga kamay nila at agad napatayo si Michelle. “Ah…thanks” sabi niya at ngumiti sabay mabilis na lumabas ng booth. “Pare what happened?” tanong ni Ben at di rin makapaniwala si Kiko. “Ewan ko pare, di ko namalayan nag anon nangyari basta it felt right” sagot ng kaibigan niya.
Sa labas ng booth all smiles si Michelle, “Oh ano sabi?” tanong ni Layla. “Negative e” sagot ng dalaga. “Negative pero nakangiti ka naman” sabi ni Lyne. “Ewan ko I didn’t get the answer that I wanted pero ewan ko bakit basta happy ako. Something felt right, bilib ako sa manghuhula na yan ha” kwento ni Michelle at nalito ang dalawang kaibigan niya.
“Ive been looking for a certain guy eversince…basta siya. Many times naiimagine ko kaholding hands ko siya, alam niyo yon parang wishful thinking or imagining. Well kanina sa loob I felt that same feeling. Ang galing niya talaga. Kakaiba ang powers niya” dagdag ng dalaga at lalo siya napangiti at napasayaw sayaw pa. “And who is that guy?” tanong ni Layla. “Hmmm even if I tell you di niyo naman siya kilala” sabi ni Michelle.
Nang matapos ang araw dumalaw si Layla sa booth at si Ben nalang ang nakita niya. “Nasan si Kiko?” tanong niya. “Nauna na umuwi, masama daw pakiramdam” sagot ng binata. “Ay oo yan din sabi niya sa akin nung umaga e. Anyway sayang alam mo ba tuwang tuwa yung friend ko sa kanya” kwento ng dalaga. “Sinong kaibigan?” tanong ni Ben at medyo kinakabahan na siya.
“Si Michelle, yung nagpahula kanina dito. Tapos kasama natin before sa mall nung nastuck si Kiko sa tunnel slide” sagot ni Layla at natulala lang yung binata. “Have they met?” tanong ni Ben. “Sad to say not yet pero Michelle wants to, kasi naaliw siya talaga kay Kiko e” sabi ng dalaga. “Ano? Kinukuwento mo si Kiko sa kanya?” tanong ng binata.
“No, basta naaliw nalang siya nung nastuck nga siya sa tunnel. And then she saw Kiko daw give a chocolate bar to a street kid” sabi ni Layla. “Oh patay” bigkas ni Ben at napatingin yung dalaga sa kanya. “Bakit patay?” tanong niya. “Ha? Kasi that chocolate was for me. Masasabunutan ko talaga yung bruhang yon” biro nalang ni Ben pero sa loob niya malaking problema ito.
Sa bahay nina Kiko, nakaupo lang yung binata sa sofa nila at nakatingin sa kisame. Nakitabi ang kanyang nanay pinakiramdaman ang noo niya. “Are you sick anak?” tanong ni Teresa. “No ma, something happened today” sagot ni Kiko. “And what is that?” tanong ng nanay niya.
“I saw the person who will break my heart” bigkas ng binata at nagulat si Teresa. “Michelle? You met her today?” tanong niya. “No ma, I just saw her today and she does exist. That means my dream is really going to come true” paliwanag ni Kiko.
“Oh no, I am so sorry anak. Ang tagal na natin dinasal na di siya nag eexist diba?” sabi ni Teresa. “Oo nga e ma. Pero totoong tao pala siya. As early as now I can feel my heart breaking already kahit di ko pa siya kilala” sabi ni Kiko. Naawa si Teresa sa anak niya at hinaplos nito ang mga kamay ng binata. Biglang natawa si Kiko at tinignan ang nanay niya.
“Mommy naman, dapat di mo ginawa yan. Now I know what you are going to tell me. Imbes na nag uusap tayo e” sabi ni Kiko at nagtawanan ang mag ina. “Ay sorry, I always forget you have an ability anak. Pero anak alam mo na tuloy sasabihin ko so what do you think?” tanong ni Teresa.
“Na hayaan ko nalang na mangyari? Ma, masakit ang heartbreak, pero ewan ko bakit I didn’t feel that sad when Layla broke up with me. Yung kay Michelle parang sobra ako nasaktan e….tapos sasabihin mo na kasi anak baka minahal mo siya talaga” sabi ni Kiko at lalo pa tumawa ang nanay niya. “Yun na nga anak sasabihin ko” sagot ni Teresa.
“You cannot fight fate. Kung ano nakatakda mangyayari at mangyayari. Di mo ito pwede pigilan” sabay nila binigkas at muli sila nagtawanan. “Anak how many times have you tried to save your sister from breaking her arm? She still broke it” sabay ulit nila sinabi. “Pero ma what if I try my best not to meet her? Lipat ako ng school ganon or pasok uwi nalang ako” sabi ni Kiko.
“Anak ilang beses ka na tinalo ng fate, how many times have your tried to win pero talo ka parin” sabi ni Teresa. “May I already twisted fate once remember when I was in kinder?” sagot ni Kiko. “Oo pero up to now nagbabaon ka ng chocolate kasi gusto mo itama yung nagawa mo diba? Do you consider that a win? I don’t think so” sabi ng nanay niya.
“Di ko alam ma. Kampihan mo naman ako kahit ngayon lang. Ang sakit talaga sa pakiramdam yung dream na yon. Sa panaginip na nga di ko na kaya ano pa kaya pag totoo na? So please ma, let me try and twist fate one more time…just this one” makaawa ni Kiko.
(The story is getting deeper, tell me your comments at the discussion board of the fan page)