Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz
Chapter 5: Booth Problem
Sumugod sa kwarto ni Kiko ang nanay at kapatid niya. Di sila makapaniwala na tumatawa ang binata habang natutulog. Lumapit ang mag ina at pati sila natatawa pagkat tulog nga si Kiko pero talaga din na tumatawa siya. “Kuya!” sigaw ni Frances sabay tinapik ang noo ng binata. Napabangon si Kiko at nagulat nang makita ang mommy at kapatid niya.
“You were laughing in your sleep” sabi ng bunso. “Ows? I had a funny dream. Grabe balot na balot daw ako sa suot ng arabo, tapos mata ko lang nakalabas para akong ninja” kwento ni Kiko. “Hay naku kuya nasobrahan ka lang sa anime” sabi ng bunso. “Diba exams niyo? Bumangon ka na” sabi ni Teresa. Pagtingin ni Kiko sa relo niya agad siya nagpanic.
Unang araw ng Preliminary Exams at nagtipon ang magkakaibigan bago ang first class nila. Napansin ni Layla na problemado si Ben kaya tinapik niya si Kiko sabay turo sa bestfriend niya. “Ah yan, pasikat kasi e. Tuloy malaki ang problema niya” sabi ng binata. “Pare naman please help me think anong booth ang pwede” makaawa ni Ben. “Booth ng org niyo? Bakit kayo ang in charge?” tanong ni Layla.
“Yan kasi si mister magaling inako niya para magpaimpress kay Jessica, uy!” tukso ni Kiko. “Tsk please pare, I am out of ideas. Lahat ng naiisip ko meron na yung ibang org. Layla help naman o, di naman kasi ako tinutulungan ng bestfriend ko kung tatawagin” sabi ni Ben sabay tingin kay Kiko.
“Ay wala ako alam diyan. Yan kasi pasikat ka, tuloy ano napala mo” sermon ng dalaga. “Naman o, sige iwan ko na kayo mag aaral pa ako” sabi ng binata sabay talagang umalis. “Ano sabi niya? Mag aaral?” tanong ni Layla. “Yup, last Saturday pa siya nag aaral” sagot ni Kiko. “Oh my God, end of the world na ba? Nananaginip ba ako?” tanong ng dalaga.
“Grabe ka naman, he is just inspired. Mukhang nagiging close na nga sila ni Jessica e” sabi ni Kiko. “Another Oh my God, ano naman nakita ni Jessica sa kanya?” tanong ng dalaga. “Wag ka naman ganyan, di porke nasanay ka sa kalokohan namin pwede mo na igeneralize na ganon kami. You haven’t seen the good side of Ben, I tell you mabait siya sobra. I should know kasi boyfriend ko siya” banat ni Kiko at di alam ni Layla kung maniniwala siya o matatawa.
“Akala ko serious ka na joke lang pala” sabi niya. “No joke, mabait talaga si Ben at madami siyang good qualities. Di nga lang halata kasi ang nauunang nakikita sa amin ay kalokohan namin” paliwanag ni Kiko. “So what are you trying to say? Na may good qualities ka din?” tanong ni Layla at bigla siyang tinignan ni Kiko. “Ikaw ano sa tingin mo? Meron nga ba?” sagot ng binata sabay tayo. Umalis si Kiko at natakot si Layla. “Uy Kiko sorry na, I was just kidding” sabi niya pero di na siya nilingon ng kaibigan niya.
Nalungkot si Layla at napayuko nalang, nagsimula siya maglakad papunta sa building nila nang may kumalbit sa kanya. “Why the sad face?” tanong ni Michelle. “Oy ikaw pala. Well I think I just pissed of my friend” sagot ng dalaga. “Who the funny one?” tanong ni Michelle. “Yeah, galit ata siya sa akin sa sinabi ko” sagot ni Layla. “Bakit ano ba sinabi mo?” tanong ng kaibigan niya.
Nakwento ni Layla ang mga nangyari at napailing si Michelle. “Yeah sis that was a bit harsh lalo na pag di niya alam na nagbibiro ka. Pero you know what I think he is a good guy. Kasi remember that day sa mall? Nung palabas kami ni Lyn ay nakita namin siya giving a chocolate bar to a street child” kwento niya.
“Ows? Usually he gives the chocolate bar to Ben e. Siguro di sila sabay umuwi kaya ganon” sabi ni Layla at natawa si Michelle. “Usually? You mean to say daily?” tanong niya. “Oo parang siraulo nga e. Kaya lagi sila tinutukso na you know. Diba napaka unusual na a guy giving another guy a chocolate daily?” kwento ni Layla at humalakhak si Michelle.
“Nagbibiro ka ano?” tanong ng kaibigan niya. “Hindi, as in mula pa noong elementary ata. Araw araw yan basta may classes. Tapos sabi niya naman kaya gusto niya maging doctor para daw nandon siya for Ben in case magka diabetis siya” dagdag ni Layla at bumigay na si Michelle at napaupo sa katatawa. “Kaya mo siguro hiniwalayan kasi mas concerned siya kay Ben hahahaha” sabi ng kaibigan niya at napangiti nalang si Layla. “Hindi, he is just too good to be true” bulong niya at tinignan siya ni Michelle. “So what you said to him was really a joke” sabi niya. “Yeah, amidst the kalokohan he is a very good guy. Hay naku tara na nga baka malate pa tayo” sagot ni Layla.
Pagkatapos ng last exam nila sa final day ay parang walang buhay si Ben. “Pare, sa Monday na yung booth please help me” makaawa niya. “Sige na nga, tara mag brainstorm tayo sa labas” sabi ni Kiko at natuwa ang kaibigan niya. Sa isang kainan sa labas ng school sila kumain at pinag usapan ang mga pwedeng booth pero pagkatapos ng isang oras wala pa sila naisip na maganda.
“Teka mali ata approach natin e. Dapat yung kakaiba, yung wala pang nakaisip” sabi ni Kiko at biglang may naisip si Ben at napangisi siya. “O may naisip ka ata, ano yon pare?” tanong niya. “Kiko, may naisip ako na sigurado ko kikita. Pero kailangan ko talaga tulong mo” sagot ng bestfriend niya. “Parang masama ang binabalak mo ata pare ha” sabi ng binata.
Biglang hinawakan ni Ben ang kamay ng kaibigan niya, napapikit ito at biglang tumayo. “No way pare! No way!” sabi ni Kiko. “Pare naman please. We will make sure na di ka makikilala. Siguro papatok to pare. At o ikaw na nagsabi kakaiba diba?” paliwanag ni Ben. “Pero pare I cant do that alam mo naman e” reklamo ni Kiko.
“Sige na Kiko please. Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa iyo pare. Oo alam ko nagpasikat ako agad which is wrong pero pare ayaw ko masira kay Jessica e” sabi ni Ben at napaisip ang kaibigan niya. “You really like her?” tanong ni Kiko. “Oo pare, bawat araw nakikilala ko siya lalo at masaya ako pag kasama siya” sagot ni Ben.
“So pinagpapalit mo na talaga ako pare? I hate you naaaaah” banat ni Kiko at nagtawanan ang magkaibigan. “So ano pare okay na?” tanong ni Ben. “Ikaw Ben pag niloko mo lang yang si Jessica babalikan kita. Tandaan mo itong abilidad ko pwede din gamitin sa masama to” banta ni Kiko at napalunok ang kaibigan niya. “Wala ako balak lokohin siya, in love na ata ako kay Jessica e” sabi ng kaibigan niya.
Nakangisi lang si Kiko at may kakaibang naramdaman si Ben. Muli siyang napalunok at dahan dahan lumingon sa likod niya at nakita niya nandon si Jessica. Namumula ang mga pisngi ng dalaga, biglang sinipa ni Kiko ang paa ng kaibigan niya. “Pwede naman siya umupo e, diba pare lalo na kung uurong ka” sabi niya.
Agad tumayo si Ben at inalok ng upuan si Jessica. “Ay pano mo alam nandito kami?” tanong ni Ben. “Tinext ako ni Kiko, may naisip ka na daw pero surprise” sabi ng dalaga pero naiilang siya. Agad napatinging ang binata sa kaibigan niya at pinakita naman ni Kiko ang kamay niya. “Its your fault, may ability ako magtext ng kahit di tinitignan ang phone ko remember” bigkas ni Kiko at nagtataka si Jessica.
Tumayo si Kiko at biglang naglabas ng chocolate bar, “Ikaw ang arte mo akala ko ibibigay mo to sa akin pero gusto mo lang pala na iabot ko to kay Jessica” drama niya sabay bigay ng chocolate sa dalaga. Napanganga nalang si Ben at napapangiti pero bigla siya sinampal ni Kiko. “I hate you na! Pinagpalit mo ako sa kanya” hirit niya at tatlo sila nagtawanan.
“Biro lang, sige iwan ko muna kayo. Basta pare ikaw magtrabaho sa booth, darating ako sa Lunes don’t worry at dadalhin ko siya” sabi ni Kiko. “Siya?” tanong ni Ben at lumaki ang mga mata ng kaibiganniya. “Siya! Basta darating siya!” ulit ni Kiko. “Ah oo siya, oo pare sige thank you ha. Ikumusta mo nalang ako sa kaniya” banat ni Ben at lalong nalito lang si Jessica. Nagkandailangan yung dalawang naiwan, humarap si Jessica kay Ben sabay ngumiti habang binabalatan ang chocolate. “Thank you dito ha” sabi ng dalaga. “Ah..oo..ahmm sana ah sorry sa narinig mo kanina” sagot ni Ben.
“Ano yon?” tanong ni Jessica at napakamot yung binata. “Ah basta yon” sagot niya. “Alam mo maooffend ako pag di totoo” sabi ng dalaga. “E pano kung totoo?” tanong ni Ben. “Hmmm siyempre flattered” sagot ni Jessica sabay kagat sa chocolate. “E ah…ah…loko loko kasi yon e” sabi ni Ben at tinitignan lang siya ng dalaga. “Well ahm its true” bigkas niya sabay yuko agad ng ulo.
“I like you too” sabi ni Jessica at nagkatinginan sila saglit sabay biglang nilayo nila ang mga tingin nila. Muli sila nagkailangan pero may ngiti sa kanilang mga mukha. “Awkward” sabi ng dalaga at natawa si Ben. “Pag usapan nalang natin si Kiko muna kaya” sabi niya. “Yeah, your friend is really weird” sabi ng dalaga. “Minsan oo pero okay naman siya. May different approach lang siya sa lahat ng bagay. Akala mo di sineseryoso at nagpapatawa pero magugulat ka nalang na tapos na yung trabaho. Malihim yan e” sabi ni Ben. “Yeah, he just makes things run faster” sabi ni Jessica at nagtawanan yung dalaga.
“So tell me about your plans for the booth” sabi ni Jessica. “Ah I cant e pero I will need help setting up” sagot ni Ben. “Hmmm sigurado ba papatok yan?” tanong ng dalaga. “Not sure pero at least meron diba? At sure ako kakaiba siya. Kailangan ko lang ng tulong sa pag set up ng booth and that’s it” sagot ng binata. “Talagang ayaw sabihin ha, sige what do you need?” tanong ni Jessica at napaisip si Ben. “Well lots of curtains, at isang costume ng arabo o ninja” sabi niya.
Natawa ang dalaga at napalo si Ben. “Oh my God what are you two going to do?” tanong niya at napangisi yung binata. “Sorry I cant tell you. Basta big surprise nalang” sabi niya.
Lunes ng maaga dumating si Kiko sa campus at nakita agad ang booth nila. Nag itsura itong parang tent, pagpasok niya madilim sa loob pero may naririnig siyang mga boses sa likod. “O yan na pala si Matt e” sabi ni Krisha at agad napatingin si Kiko kay Ben. “Ano nanaman ang pinagkwekwento mo sa kanila?” tanong niya at nagtawanan ang mga babae. “Pare wala ha, ano ready na ba tayo?” sagot ng kaibigan niya.
“Kailangan natin mag usap pa pero the girls can have the day off. Tayo nalang dalawa ang mag manage dito” sabi ni Kiko at tinignan siya ng mga babae. “Bakit ganon?” tanong ni Claire. “Ah kasi…basta surprise nalang” sabi ni Ben pero tinignan siya ng masama ni Jessica. “Ah kasi yung booth natin ay Fortune telling, bale know your future for the day” sabi ng binata at napakamot si Kiko at napabulong. “Weakling”
“Fortune telling? Seryoso ba kayo?” tanong ni Jessica. “Yes and trust us that person we are bringing in is good” sabi ni Ben at nagdududa yung mga babae. “Sounds tempting pero I am sure madami non believers and how much are you going to charge?” tanong ni Verna. “Twenty pesos, pero trust us magaling talaga siya. Kaya lang mahiyain siya at kami lang pinagkakatiwalaan niya e. So di niya pwede ipakita face niya. Kaya kami nalang ni Ben ang bahala dito” paliwanag ni Kiko.
Parang nadismaya ang mga babae, isa isa sila umalis at kinabahan yung mga binata. “Good luck nalang then” sabi ni Jessica at lalong nalungkot si Ben. “Hoy kasalanan mo ito, ikaw nakaisip so think positive. Pano diskarte natin, kailangan kita as wing man” sabi ni Kiko. “Anong wingman?” tanong niya.
“Syempre ikaw ang mag paliwanag sa kanila, ako lang yung nakaupo at taga hula. Ikaw mag entertain at mag explain ng mga bagay bagay” sabi ni Kiko. “Pare hawakan mo nga kamay ko tignan mo nga if this day is going to be a good day?” sabi ni Ben. “Wag pare. Ano pang thrill tong buhay natin pag alam mo na ang mangyayari. Tama lang na kailangan natin ng kaba. I don’t even know bakit ako pumapayag sa ganito e pero asan na yung costume ko?” sagot ni Kiko.
Nag costume na yung dalawa, balot na balot si Kiko at mata lang ang nakikita. “Ang init! Bwisit!” reklamo niya. Si Ben naman nagmukhang arabo kaya tawa ng tawa yung dalawa. Nilabas na nila yung karatula at sa loob naupo at naghintay ng simula ng University celebration nila.
Umingay na ang buong campus, dumami na ang mga estudyante pero wala pa sila customer. Pagsapit ng lunch dumating sina Jessica at Claire para dalhan ng pagkain yung dalawa. Sumabog sa katatawa ang mga dalaga sa itsura nung dalawa. “Nasan si Kiko?” tanong ni Jessica. “Ah nagpahangin lang saglit” sabi ni Ben. “Siya ba? Ano name niya?” tanong ni Claire sabay titig sa balot na balot na lalake. “Mahiyain yan kaya di magsasalita, pati name niya di pwede banggitin” sabi ng binata.
“Wala pa ako nakikitang pumasok dito ha, you need our help. Dibale diyan kami sa labas para mag invite ng tao. Wag ka na umangal, don’t worry we wont peek naman e. So eto kain muna kayo o” sabi ni Jessica. Lumabas yung mga dalaga at nagbantay sa labas ng booth.
Tumalikod sina Ben at Kiko at nagsimula kumain. “Pare para akong nasa sauna, pawis na pawis na ako” sabi ni Kiko. “Sorry pare ha, dibale gaganti ako sa iyo. Kahit di tayo kumita tatanawin ko tong utang na loob” drama ng bestfriend niya. “Arte mo, think positive lang pare. Baka gusto mo ako paypayan? Since ako naman yung bida dito?” biro ni Kiko at natawa si Ben. “Hipan nalang kita pare gusto mo?” alok ng kaibigan niya. “Ah youre so sweet pero ayaw ko pa mamatay sa bad breath mo” banat ni Kiko.
Ilang minuto lumipas may isang grupo ng mga babae nagtipon sa labas. “Know your fortune for the day” bigkas ng isang babaeng nakasalamin. “Hi Bianca, wanna try our booth?” tanong ni Jessica. “Grabe wala na ba kayo maisip na mas matino kesa sa fake na ganyan?” tanong ni Bianca. “Its not fake, subukan mo kasi” sabi ni Claire. “Yeah right, tapos bente pesos para sa pekeng hula?” hirit nung nakasalamin at nagtawanan sila ng mga kasama niya.
“Well I am not a big fan of things like this pero mukhang nilalangaw kasi booth niyo. Fine consider this as a donation nalang” sabi ni Bianca sabay inabot ang bente pesos. Biglang lumabas si Ben at nagtawanan ang lahat ng nakakita sa kanya. “Ikaw madami kang satsat, di kami pulubi. Para sa iyo sige libre, come inside” sabi ng binata. “Oh really? Sige nga” sabi ng dalaga at sumama kay Ben.
Sa loob may isang lamesa, si Kiko nakaupo at nakahanda na ang mga kamay niya. “Please sit down, and let him touch your hands” utos ni Ben at naupo naman si Bianca. Hinawakan ni Kiko ang mga kamay ng dalaga, “Bianca” bigkas niya sa maladwendeng boses at biglang natawa si Ben at si Bianca.
“Sabi ko na nga joke to e. Tignan mo pati ikaw tinatawanan mo kasama mo” sabi ng dalaga. “Tara don sa booth ng mga Psych, as usual wala nanaman sila kikitain ngayon” bigkas ni Kiko at napatayo si Bianca. “Yeah right, I am sure you heard me saying that while we were going here, malakas kasi boses ko e” sabi ng dalaga. “Please sit down” sabi ni Ben.
“Eight hundred thirty pesos…you win an i-pod from a raffle later…sasakit ang pwet mo” sabi ni Kiko sabay bumitaw sa mga kamay ng dalaga. Tumawa ng malakas si Bianca at lumabas ng booth. “Peke! Mananalo daw ako sa raffle draw e I don’t even join such things. Nice try Pysch peeps pero wag naman sana kayo manloko ng mga tao for twenty pesos” sabi ng dalaga at nagtawanan sila ng mga kagrupo niya.
Nagtanggal ng suot si Kiko at ang kaibigan niya nadismaya. Pumasok si Jessica at Claire na pareho din malungkot. “Malakas ang hatak ni Bianca, sira na tayo for sure” sabi ni Jessica. “O nasan na yung manghuhula?” tanong ni Claire. “May kailangan siya puntahan babalik daw bukas” sabi ni Kiko.
“Bukas? Sira na tayo no. Yan pa si Bianca when she starts to talk naku aabot hanggang sa ibang university” sabi ni Jessica. “Good, now please bring out a piece of paper” sabi ni Kiko at tila nabuhayan si Ben. “Paper for what?” tanong ni Claire. “For our reservation list” sagot ni Kiko at nagtawanan ang mga babae. Kinalbit ni Ben ang kaibigan niya at napangisi si Kiko. “What did you see?” bulong niya.
“Basta ihanda niyo yung papel okay? Kayo naman mga girls ang magsulat ng names ng mga gustong magpaschedule bukas. Magpapahangin muna kami ni Ben kung okay lang” sabi ni Kiko. “Well kesa naman tumayo tayo diyan sa labas at mapahiya better stay inside here at magtago” sabi ni Claire.
Naglakad lakad ang magbestfriend around campus, minalas sila pagkat nakasalubong nila sina Bianca. Sa maliit na stage may biglang nagsalita, bobolahin na daw nila yung winners ng raffle for the day. Tumambay ang magkaibigan, may isang babae na patakbong palapit kina Bianca. “Sis! Kumita yung booth naitn ng eight hundred thirty pesos, now we are out of goods!” sigaw ng babae at biglang nagulat si Bianca.
“O sis diba your were saying eight hundred thirty pesos kanina?” tanong nung isa. “Well that was just a coincidence, at tatlo naman hula niya e. So what if he got the first one right. I am sure the second one wont come true. I even didn’t buy raffle tickets duh!” sagot ni Bianca. “Ay sis, sorry ha, pero yung ibang profit I bought tickets. Kasi naman pinilit ako nila e. Di bale I bought five and I wrote our names nalang pero whoever wins sa group natin yung prize” sabi ng isang babae at napahawak sa ulo lang yung dalaga.
“The winner of a brand new I-pod is…Bianca Soler!!!” sabi nung announcer at biglang napatalon yung dalaga. Talon siya ng talon at sigaw ng sigaw ang mga kaibigan niya. “Oh my God Bianca you won!!!” sigaw nila. Tuwang tuwa yung dalaga, tumakbo siya papunta sa stage pero bigla siya nadulas at napaupo sa pwet niya. “Arayyyy!!!” sigaw niya kaya madaming dumumog sa kanya para tumulong.
Iika ika siya umakyat sa stage para tanggapin ang premyo niya. Nakita niya si Ben sa crowd at bigla siyang napahawak sa pwet niya. “Oh my God…the fortune teller ng Psych booth predicted this to happen!!!” sigaw niya. Lahat ng tao napalingon sa booth na itsurang tent at biglang nagtakbuhan ang marami doon.
“Pare tara tulungan natin yung mga girls” sabi ni Ben. “Kaya na nila yan pre. Tomorrow will be a busy day” sagot ni Kiko. “Thank you talaga pare ha” sabi ng bestfriend niya. “Isang pakiusap lang pare” sabi ni Kiko.
“Ano yon pre?” tanong ni Ben. “Pare ang init tong suot ko, gawa ka naman ng paraan para presko o” makaawa ni Kiko. “E diba favorite mo mga ninja, o ayan isa ka nang ganap na ninja. Tinago muli ni Kiko ang mukha niya at biglang sinuktok sa braso ang kaibigan niya. “Oo nga ninja nga ako. wanna try my kung fu?” sabi niya.
“Pare naman walang ganyanan” sabi ni Ben pero muli siya sinuntok ng kaibigan niya. Tumakbo si Ben at tawa ng tawa yung dalawa. Parang batang naghabulan ang dalawa sa campus na kinaaliw ng ibang mga estudyante.