Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz
Chapter 4: Paglalapit
Dalawang lingo ang lumipas naka adjust na ang mag bestfriend sa kolehiyo. Lunch break na, papunta na sana yung dalawa sa labas pero may babaeng humarang sa kanila. Pasimpleng siniko ni Ben ang kaibigan niya sabay bulong, “Pare ang cute niya” sabi niya. “Hi, I was wondering if you would like to join our organization” sabi ng babae.
“Yes sure” sagot agad ni Ben at napakamot si Kiko. “Talaga? Kahit na magdodonate ka ng dugo mo gusto mo parin?” tanong ng bestfriend niya. “Dugo? Bakit ako magdodonate ng dugo?” tanong ni Ben. “Nakikita mo ba shirt niya, o may malaking cross na pula. Ano pa ibig sabihin niyang kundi red cross” paliwanag ni Kiko at biglang tumawa yung babae.
“Uy di ah, organization ng Psychology students” sabi ng babae at napasimangot si Ben pero si Kiko tawa ng tawa. “Oo sasali kami, di pa ba obvious psychopath kasama ko” sabi niya sa babae. “Good, by the way ako pala si Jessica” sabi ng dalaga. Agad inabot ni Ben ang kamay niya, “Ako si Benjamin pero you can call me Ben. Eto ang bestfriend kong si Francisco alyas Matt” sabi niya.
“Ah ganon, Matt na nickname ko ganon ba pare?” tanong ni Kiko at natatawa si Ben. “Oo nga parang ang layo ng Matt sa Francisco” sabi ni Jessica. “Matt kasi Kiko Matsing, kaya imbes na matsing ay Matt nalang” paliwang ni Ben sabay lalo tumawa. Ngumisi si Kiko at biglang natakot si Ben. “Pare wag, uy wag naman. Ngayon lang naman kita biniro e” makaawa niya.
“Anyway I am Kiko” sabi niya sabay inabot ang kamay. Nakipagkamay si Jessica at nagulat si Ben. “Wag!!!” sigaw niya pero huli na siya. Napatingin sa kanya yung dalaga at nagtaka. “Bakit?” tanong niya. “Seloso kasi yan e, feeling niya kami na” banat ni Kiko at nagtawanan sila at napahiya si Ben. “Sabi ko na babawi ka e. Nagbibiro lang siya. Di ako bakla” sabi ni Ben.
“So ganon? Idedeny mo nalang ako ganon? Akala ko ba laladlad na tayo?” hirit ni Kiko at halos mamatay na sa tawa si Jessica. “Pare tumigil ka nga diyan. Ang dami nakatingin baka maniwala sila o” reklamo ni Ben. “Loko kayo, grabe tamang tama kayong dalawa sa org. Masyado sila serious don so welcome na welcome kayo” sabi ng dalaga. “Tara na diba may meeting kayo? Ipakilala mo na kami sa kanila Ica” sabi ni Kiko at nagulat yung dalaga.
Nadulas ang binata, si Ben tinitignan siya. “Ah sorry hinuhalaan ko lang nickname mo, haba kasi ng Jessica ka e. Kaya siguro Ica nickname mo” pahabol niya. “Hmmm tama, wow ha I just met you at nagets mo agad. Anyway tama ka may meeting kami, siguro hinulaan mo din no?” tanong ni Jessica. “Marunong naman ako magbasa ng bulletin board kahit papano” sabi ni Kiko at natawa yung dalaga. “Ay sorry. Oo nga pala posted na. Tara sama na kayo” alok ng dalaga.
Habang sinusundan nila si Jessica siniko ni Ben si Kiko. “Akala ko ba di mo pwede gamitin?” bulong niya. “Sorry pare nakalimutan ko. I am trying to change nga e, kasi narealize ko sa sabi mo na if I don’t shake hands baka isipin nila maarte ako. Don’t worry di na mauulit” sagot ni Kiko.
“At pare alam mo ba na magkikita kita tayo sa labas right now nina Layla. E bakit tayo sasama?” bulong ni Ben. “Alam ko pero I feel that we should go with her” sabi ni Kiko. Napalingon si Jessica at tinignan yung dalawa. “Sure kayo wala kayong lakad?” tanong niya. “Actually…” sabi ni Ben pero nagsalubong ang kilay ng bestfriend niya, “Actually wala e, kaya lead the way” tinuloy niya.
Pumasok sila sa maliit na opisina at napansin nila na sila lang ang mga lalake doon. “Oh pare you are so right” bulong ni Ben. “Ano makikipagkita pa ba tayo kina Layla?” tanong ni Kiko. “Sus hindi ha, let us trust your instinct pare. I also have a good feeling we should be here” banat ni Ben at nagtawanan sila.
Pinakilala sila ni Jessica sa grupo, anim na nagsisigandahang mga babae at di tuloy napigilian ni Ben sarili niya. “Sabi mo org, parang mga contestant naman kayo ng beauty pageant” banat niya at nagtawanan yung mga babae. “Hay naku di mo ba alam bakit tayo tinawag dito? Para isali din tayo. Tayo yung underdogs, ika nga exotic beauties tayong dalawa” banat ni Kiko at ang tindi ng mga halakhakan ng mga babae.
Nakilala nila sina Noelle, Krisha, Pauline, Verna at Claire, kadadating palang nila pero agad sila natanggap ng grupo. “Tayo lang ba?” tanong ni Kiko. “No naman, pero kami lang yung officers” sabi ni Krisha. “Anyway we were talking about fund raising, kasi palapit na yung University days at again allowed tayo magtayo ng mga booths. Last year was a disaster so sana this year kumita naman tayo ng pera” sabi ni Claire.
“Last year? So second year na kayo?” tanong ni Ben. “Halo halo up to fourth year” sabi ni Pauline. “Yung mga fourth year di na pwede makisali kasi focus na sila sa studies” dagdag ni Noelle. “So may suggestion ba kayo mga boys kung anong booth ang pwede natin itayo? We need extra funds para naman makagawa tayo ng projects” sabi ni Jessica.
“Kailan ba ito?” tanong ni Ben. “After the preliminary exams. One week walang pasok pero madaming activities dito sa school” sabi ni Verna. “Okay leave it to us” sabi ni Ben at natuwa ang mga girls. “Really? Pero yung booth lasy year na food ay di pumatok ha” paalala ni Claire. “Relax, leave it to us. Kailangan dito new blood approach” banat ng binata. “O sige ha promise mo yan ha” sabi ni Jessica at pasigang nag oo ang binata.
“Ben did you eat naaaa?” landi ni Kiko. “Kepsi checke meal?” banat ni naman ni Ben. “Uhuh” malanding sagot ni Kiko at nagtawanan ang mga girls. “O siya nagugutom nadin ako, lets all go eat o may lakad kayo?” sabi ni Jessica. “Tara na” masayang sabi ni Ben.
Samantala sa isang restaurant sa mall nagtipon sina Layla at mga kaibigan niya. “Oh Layla bakit di mo kasama yung magsyota?” tanong ni Georgina, isang matalik na kaibigan niya. “Hay naku di ko alam saan nanaman nagpunta mga yon. Di man lang nagtext” sagot ng dalaga. “Oh by the way mga sis eto pala si Michelle at Lyn. Classmate ko si Michelle at eto si Lyn ang bestfriend niya. Michelle and Lyn this are my friends since elementary” sabi ni Layla.
Nakipagkamay naman sina Georgina, Susan at Leanne. “Uy okay lang ba kasama kami?” tanong ni Michelle. “Oo naman, friendly naman kami e. Mukha lang serious mga yan kasi palaaral kami. Dapat talaga nandito yung dalawang loko lokong yon e” sagot niya. “Yung sinasabi nilang magsyota?” tanong ni Lyn.
“Oo at lalake sila” sabi ni Susan at nagulat yung dalawang bagong salta. “Really? As in they are gay?” tanong ni Michelle at lalo pa nagtawananang mga kaibigan ni Layla. “Hindi no. Tukso lang namin sa kanila since they seem to be inseparable” paliwanag ni Layla. “O di baka sila talaga” banat ni Lyn at naghalakhakan sila.
“Uy nahuhurt si Layla, pano naman if totoo man yon that means ex niya bakla” biro ni Georgina. “Ow so ex mo yung isa sa kanila, now I believe na biro lang” sabi ni Michelle. “Yeah pero it didn’t work out but still we are close friends” sabi ng dalaga. “Malay mo magkabalikan kayo” hirit ni Michelle. “No I don’t think so. Anyway gutom na ako lets order” sagot ni Layla.
Habang kumakain masayang nagkwekwentuhan ang lahat. “Nakakamiss din pala yung dalawa no?” sabi ni Susan. “Oo nga walang nagpapatawa e” sagot ni Georgina. “Kasi yung dalawang yon parang kiti kiti. Kahit ano pinagtritripan nila. Parang mga batang napakakulit” sabi ni Layla at tumawa si Michelle. “You should introduce them to me kasi mahilig din ako tumawa” sabi niya. “Wag!” sabay sabay na sagot ng iba.
“Baka sumakit panga mo at mga pisngi. Sa sobrang loko ng mga yon nakikita ka nga tumatawa mas lalo ka pa papatawanin hanggang sa maiyak ka” kwento ni Susan at lalong naintriga yung dalaga. “Hay naku may pambawi si Michelle, kasi pag tatawa ito nanakit ito e” banat ni Lyn at biglang napahalakhak si Michelle sabay hampas sa kaibigan niya. “Oh see that” sabi ni Lyn at nagtawanan yung iba.
“Delikado yung dalawa, bugbog sarado sila pag ikaw pinatawa” sabi ni Layla. “Oh my God! I forgot may org meeting pala today” sabi ni Leanne. “Teka Psych ka din?” tanong ni Lyn. “Oo pati ikaw?” sagot ni Leanne. “Uy same pala tayo. Grabe kaya pala sabi ko mukhang familiar ka” sabi ni Lyn.
“Ano tara? Habol tayo?” tanong ni Leanne. “Hmmm wag na, saka na” sagot ni Lyn. “Tara na, sige na. Balik din naman tayo pag wala e” pilit ng dalaga. “Hay mag oo ka nalang kasi mapilit yan” biro ni Layla at pumayag naman si Lyn. Umalis yung dalawa para makahabol sa meeting habang yung iba natira pa para magkwentuhan.
“Uy pasensya ka na kay Leanne ha. Ganyan talaga yan, sobrang mapilit. Sana okay lang kay Lyn” sabi ni Georgina. “Oo no okay lang. Lyn even mentioned it a while ago that she wanted to join the org” sagot ni Michelle. “Which reminds me diba pati yung dalawang mokong Psych?” tanong ni Susan. “Oo, sana nga nandito mga yon para mapanood natin pano sila kaladkarin ni Leanne” sabi ni Layla at nagtawanan sila.
“Yeah Leanne can be very bossy, lagi siya masusunod when it comes to education. Pero okay siyang kaibigan” sabi ni Susan. “Malay mo yung two guy friends niyo joined the meeting, sabi niyo naman Psych din sila e” sabi ni Michelle at biglang nagtawanan yung tatlo. “Sila mapapasali mo sa ganyan? Mas makikita mo pa sila naglalaro sa kiddy playground ng Makadoo no” banat ni Layla.
Ilang sandali lang bumalik sina Leanne at Lyn. “Oh ang bilis naman ata” sabi ni Susan. “Di na kami umabot pero look who we found and told us tapos na meeting” sabi ni Leanne. “Ben? Sumali kayo sa org?” tanong ni Layla at nakangisi yung binata. “Sorry di kami nakasama sa lunch. Sumali kasi kami sa org and we had lunch with the other members” pasikat ng binata.
“Anong nakain niyo at sumali kayo?” tanong ni Georgina. “Hello! College na tayo siyempre nag level up narin kami no!” sagot ni Ben at natawa ang iba. “I cant believe this is even happening” sabi ni Layla. “See I told you, anything can happen. People can change” sabi ni Michelle at tinitigan siya ni Ben. “Sino yan?” tanong niya.
“Ah my new friends, Michelle and Lyn, this is Ben pala. Teka nasan yung magaling mong boyfriend?” sabi ni Layla. “Nandun nastuck sa parang tunnel slide ng Makadoo” sagot ni Ben at biglang nahampas ni Michelle ang lamesa at lahat napatingin sa kanya. Sumabog siya sa katatawa at ilang beses napalo ang lamesa. “Nastuck sa tunnel slide?” tanong niya at muling bumungisngis.
“Hay naku naman naglaro nanaman kayo doon?” tanong ni Layla at natawa si Ben. “Oo bakit ba kasi? Palibhasa mas maaga ka nagmature. Kasalanan ba naming kung nastuck kami sa pagkabata?” hirit ni Ben. Agad tumayo si Layla at hinila si Ben. “E bakit mo iniwan doon?” tanong niya.
“E dumating yung guard e, ayaw ko naman mahuli. Wag ka mag alala di naman niya first time mastuck don. Suki na siya diba?” sabi ni Ben at lalong natawa si Michelle. “Diyos ko po kayo talagang dalawa. Tara na puntahan natin” sabi ni Layla at biglang tumayo si Michelle. “I want to see it” sabi niya.
Pagpasok nila sa fastfood resto agad nakita nila ang mga guard sa may play area. Pagkalapit nila kitang kita ang mga paa ng kaibigan nila pero ang katawan nandon parin sa loob ng tunnel slide. Napahalakhak ng malakas si Michelle at lahat ng tao napatingin sa kanya. “Im sorry” sabi niya sabay lumabas. “Tulungan mo nga si Kiko, tsk kayo talaga o” sabi ni Layla at lumabas din siya para tulungan ang bago niyang kaibigan na halos nawawalan na ng hininga sa katatawa.
Bumalik yung dalawang dalaga sa resto at si Michelle di parin makatigil. Ilang sandali kumalma narin siya, “I cant believe it, your friends are really funny” sabi niya at napapabungisngis. “O ayan nakita mo na ang kalokohan nung dalawa? Mild pa nga yan e” sabi ni Layla. “Speaking of the devils, eto na sila” sabi ni Susan.
Pagkalapit ng boys ay nagsimula nang humalakhak si Michelle. “Akala ko mamatay na ako, it was so dark inside the tunnel” biro ni Kiko. Nahampas nanaman ang lamesa, napatingin ang dalawang boys sa nakatalikod na babae. “Aray, wag po ate. Wala naman kasalanan yung lamesa” banat ni Kiko sa maladwendeng boses at biglang tumayo si Michelle at tumakbong palayo na humahalakhak. Tumayo si Lyn, “Sensya na, she does that pag nahihiya siya ipakita tawa niya” sabi niya sabay hinabol ang kanyang kaibigan.
“Sino yon?” tanong ni Kiko. “Bagong friend ni Layla. Pero mukhang di magtatagal kasi mamatay sa tawa. Lets pray for her soul” sabi ni Ben at biglang yumuko ang dalawa at nagdasal. Binatukan ni Layla yung dalawa at nagtawanan yung iba. “Nakakahiya kayong dalawa. When will you two grow up? Bumalik na nga kayo sa school” galit ng dalaga.
“Hello! Wala na kami pasok. Half day kami bleh” sabi ni Kiko at naupo yung dalawa. “Ay oo nga pwes kami meron pa. Umuwi na nga kayong dalawa bago makagawa pa kayo ng kalokohan” sabi ni Layla at nagtayuan ang mga girls. Tumayo narin si Ben pero hinila siya ni Kiko. “Dito muna tayo pare” sabi niya. “Ano gagawin natin dito?” tanong ng kaibigan niya. “Wala tambay lang” sagot niya.
Kumuha ng napkin si Kiko at may sinulat. Sa malayo nakita ni Ben si Jessica at kumaway. “Akalain mo nandito pa si cutey pie o” bigkas niya pero biglang tumayo ang kaibigan niya sabay sinuksok ang napkin sa bulsa ng polo niya. “Mamaya mo basahin yan, sige punta muna ako sa opis ni daddy” sabi ni Kiko.
Di na nagreklamo si Ben pagkat lumapit si Jessica. “Ano ginagawa niyo dito?” tanong ng dalaga. “Ah wala, our friends was here kanina pero they left. Si Kiko naman nagpunta sa opis ng dad niya. Ikaw balik ka na school?” tanong ni Ben. “Nope, half day ako today. Bibili lang sana ako ng take out for my little bro. Ikaw pauwi ka na?” sagot ni Jessica.
“Ah medyo, sabay nalang tayo hatid kita paradahan niyo” sabi ng binata at napangiti yung dalaga. “Tara, order lang ako” sabi ni Jessica at sumama si Ben sa kanya. Habang nasa counter sila naalala ni Ben yung nagpkin kaya agad niya ito nilabas at binasa.
“Youre welcome pare” nakasulat at biglang napatingin si Ben kay Jessica na nakangiti sa kanya.
Sa labas ng mall nagaabang ng masasakyan si Kiko. May naalala siya kaya nilabas niya yung chocolate bar sa bag niya. Nakalimutan niya ibigay kay Ben kaya matagal niya ito pinagmasdan. May lumapit sa kanyang batang paslit at tinititigan yung chocolate. Inalis ni Kiko ang wrapper sabay binigay sa bata, sobrang napangiti yung paslit at tumakbong palayo.
“Ang bait naman pala niya” sabi ni Lyn nang palabas sila ng mall ng kaibigan niya. “Sino?” tanong ni Michelle. “Ayan o yung kaibigan ni Layla. Siya yung nastuck, he just gave a chocolate bar to that street child” paliwanag ni Lyn. Napapbungisngis si Michelle pagkat naalala niya yung sapatos nung lalakeng nastuck, “Sayang paborito ko pa naman chocolates. Sana sa akin nalang niya binigay” bigkas ng dalaga.
“Ikaw kasi tumakbo kang palayo, pag nakilala mo sana e di siguro sa iyo niya nabigay” sabi ni Lyn. “Malay mo may isa pa siya. Tara lets meet him” sabi ng kaibigan niya. “Too late” bigkas ni Lyn pagkat nakasakay na ng jeep si Kiko. “Maybe next time” bulong ni Michelle.
Sa loob ng jeep nakapa ni Kiko ang loob ng bag niya. Nagulat siya pagkat may isa pang chocolate bar doon. Nilabas niya ang chocolate at biglang napaisip. Paglingon niya sa mall nakita niya agad ang isang bag na pink at bumilis tibok ng dibdib niya. Malayo na masyado kaya di niya maaninag ang itsura ng babae. Papara sana siya pero sumakay na yung babae ng taxi. Napatingin nanaman siya sa chocolate at napangiti.
“Its going to happen” bulong niya.
(I need you to comment about the story at the discussion area of the fan page...salamat)