sk6

Thursday, May 13, 2010

Sa Aking Mga Kamay Chapter 7: Pagbaluktot

Sa Aking Mga Kamay
by Paul Diaz


Chapter 7: Pagbaluktot

Maaga nagising si Kiko na kinagulat ng mga kapamilya. Naligo agad siya, nagbihis at mabilis na kumain ng almusal. Wala pang alas siyete ay lumabas na siya ng bahay kahit na alas diyes pa ang kanyang klase.

Paglabas niya ng pinto ay napalingon siya sa bahay ng kaibigan niya sabay tumakbo ng mabilis papunta sa kanto. Nang nakalayo siya nakahinga siya ng maluwag pero sa kanto nagulat siya pagkat nandon na si Layla. “Iniiwasan mo talaga ako no?” sabi ng dalaga. “Ha? Di no” sagot ni Kiko. “E bakit ang aga aga mo lumabas ng bahay?” tanong ng dalaga.

“At ikaw? Maaga ka din naman ha” sumbat ng binata. “I asked the question first” pagalit na sabi ni Layla. “Kasi po pupunta ako sa library at may ireresearch ako” palusot ni Kiko. “Really? Ikaw marunong na maglibrary? Alam mo Kiko pag galit ka pa sa akin just tell me now para maayos na natin ito. Ayaw ko yung nagtatanim ka ng galit sa akin” sabi ng dalaga.

“Layla naman di ako galit sa iyo. Gusto ko lang pumasok sa school ng maaga” sabi ni Kiko. “I don’t believe you, alam ko pag nagsisinungaling ka e” sagot ng dalaga. “Okay ano kailangan ko gawin para maniwala kang di ako galit sa iyo?” tanong ng binata at biglang napaisip ang kaibigan niya. “Ilang weeks mo na ako iniiwasan e, okay lang naman e just tell me pag galit ka. Nag sorry na ako sa iyo last time pero parang galit ka parin” drama ni Layla.

“Naman, titigan mo nga ako sa mata. You know me better than anyone else, mula bata tayo magkasama na tayo. So tell me am I really telling a lie? Di ako galit sa iyo” sabi ni Kiko. “Yeah I know pero parang galit ka pa e” sabi ni Layla. “Sabihin mo lang namimiss mo ako. Diba? Namimiss mo ko no?” landi ni Kiko at bigla siya sinuntok sa braso ng dalaga. “Tumigil ka nga, anyway may friend ako na gusto ka makilala” sabi ng dalaga at biglang kinilabutan si Kiko.

“Binubugaw mo na pala ako e. Parang wala naman tayo pinagsamahan” drama niya. “Kiko! Anong pinagsasabi mo? My new friend kasi mahilig tumawa at tuwing nakukuwento ko mga kalokohan mo tawa siya ng tawa. She said she wants to meet you pero ang sinabi kong name mo is Francis kasi feeling ko sosi siya but she is trying to blend in” kwento ng dalaga.

“Ayaw ko” sagot ni Kiko. “Bakit naman?” tanong ni Layla. “Baka magselos si Bon Bon” landi ng binata. “Itigil mo na nga yang issue na ganyan” pagalit na sinabi ng kaibigan niya. “Ha? E ikaw ang nagsimula ng issue na yan ha. Remember? Ikaw nagkakalat dati na kami ni Ben” sagot ni Kiko. “Oo pero that was just a joke and you don’t have to really live that joke. And besides may Jessica na si Ben okay?” sabi ni Layla.

“Buti pa siya may Jessica. Pero okay lang naman diba? I still have you” banat ng binata at tumaas ang kilay ng dalaga. “We talked about this already Kiko remember?” sabi ni Layla at napakamot si Kiko. “Yeah, okay fine. Kikilalanin lang naman diba?” sabi ng binata. “Yup, pero dahan dahan ha baka mapatay mo siya sa pagpapatawa mo” payo ng dalaga. Biglang hinawakan ni Kiko ang kamay ng kaibigan niya at nagulat si Layla.

“Layla maniwala ka sa akin di ako galit sa iyo. Okay? At di kita iniiwasan. Sorry kung feeling mo ganon nangyayari pero sa totoo hindi. To be honest nainggit lang ako kay Ben kasi matataas nakuha niya so gusto ko din mag aral na. Ayan nasabi ko na at nahihiya na ako talaga” sabi ng binata. “Wow, youre trying to change. Bago yan ha. Now I know so we are good, right?” sagot ni Layla. Napangisi si Kiko at nagsimula sila maglakad. “Pero secret natin ha, wag mo sasabihin kay Bon Bon baka kantyawan ako e” hirit niya. “Oo naman” sagot ni Layla pero tumingin sa malayo si Kiko at napangiti.

Maaga sa classroom si Kiko, pagdating ni Ben ay agad naupo ang kaibigan niya sa tabi niya. “Pare may balita ako” bulong niya. “Alam ko na, gusto ako makilala ni Michelle” sabi ni Kiko at nagulat ang kaibigan niya. “Ha? Pano mo alam?” tanong ni Ben. “Of course from Layla herself and don’t worry pare it will never happen” sabi ni Kiko sabay tawa.

“Ows? Ano plano mo?” tanong ni Ben at biglang hinawakan ni Kiko ang kamay niya. “Sorry pare I just wanted to make sure na di kayo magkakampi ni Layla” sabi ng binata. “Ah ganon wala kang tiwala sa akin?” tanong ni Ben. “May cellphone ka, may cellphone ako, pwede mo naman itext yan sa akin pero di mo ginawa” sabi ni Kiko. “Ay sorry pare, kasi lumabas kami ni Jessica nung Sunday e. Nakalimutan ko tuloy. Naalala ko nalang nung papasok na ako” sabi ni Ben.

“Anyway, ang plano ko maging close kay Layla at every morning hahawakan ko kamay niya para alam ko mga moves nila. Kanina umaga nahawakan ko kamay niya at nakita ko na di kami magtatagpo” kwento ni Kiko at natawa ang kaibigan niya. “Nice move pare. Pero sabi mo di mo na gagamitin yang abilidad mo diba?” tukso ng kaibigan niya. “At times of great danger I am forced to use my God given ability for the sake of mankind” banat ni Kiko at nagtawanan sila.

Pagsapit ng lunch ay sa maliit na turo turo kumain ang magkaibigan. “Pare iba ata trip mo kainin today” sabi ni Ben. “No pare, just playing safe. Nakita ko si Layla kakain sa dati natin pinagkakainan, di ko man nakita yung babae na yon doon pero malay diba? At nasabi niya na mukhang sosi siya so I am sure that she wont be eating here” paliwanag ni Kiko at natawa si Ben. “Wow pare mukhang nagtratrabaho ang utak mo overtime ha. Dahan dahan baka mastrain utak mo” banat ni Ben.

Tagumpay ang plano ni Kiko ng isang lingo pero mas lalo siyang nag ingat. Lunes ng umaga nagsabay sila ni Layla pumasok. Bago sila maghiwalay sa school ay inabot ng binata ang kamay niya. “Ano yan? Tanong ni Layla. “Maghihiwalay na tayo e, dapat parang gangsta shake” sabi ni Kiko at natawa yung dalaga. “Ano nanaman naisip mo e di naman tayo gangsta” sabi ni Layla.

“Alam ko pero sige na men. Just shake my hand and do this” sabi ng binata sabay kinabog ang dibdib niya. “Kiko! Babae ako!” reklamo ni Layla. “Ay sorry, e di shake hands tapos kunwari may ayos ng buhok. Anong klaseng gang na to pero sige basta gang tayo. Ituturo ko din kay Ben” palusot ng binata. “Hay naku mga kalokohan mo talaga, sige pano ulit?” sagot ni Layla.

Nagkamayan sila at sabay nag ayos ng buhok, kinabog ni Kiko at dibdib niya sabay tinuro ang langit. “Yeah! Pero you don’t have to do that last part kasi babae ka, kami nalang ni Ben. So see ya homie” sabi ni Kiko at tawa ng tawa si Layla na naglakad palayo. Paglingon niya nakita niya si Kiko na kumaripas ng takbo kaya napakamot nalang siya at muling natawa. “Sis!” may sumigaw at pagtingin ng dalaga ay nakita niya si Michelle. “Uy sis hello” bati niya.

“Aga aga tumatawa ka nanaman. Let me guess, si Francis?” tanong ni Michelle. “Hay naku oo sis, may naisip nanaman siya na kalokohan. Feeling gangsta siya today at dinamay pa ako” kwento ni Layla. “Lagi ko nalang siya di nadadatnan” sabi ng kaibigan niya. “Well we can go to his classroom now, maaga pa naman” sabi ni Layla. “Really? Tara tara” sagot ni Michelle.

Sa loob ng Psychology building ang bilis tumakbo ni Kiko paakyat ng hagdanan. Fourth floor ang klase nila pero pagdating doon nakita niya si Ben papasok palang sana sa organization office nila. Agad hinila ni Kiko ang kaibigan niya at mabilis sila tumakbo papunta sa dulo ng fourth floor. “Bakit pare?” tanong ni Ben. “Basta takbo pare” sabi ni Kiko na hingal na hingal na.

Sumandal si Kiko sa may dingding at naghabol ng hininga. “Bakit ba pare?” tanong ni Ben. “Si Layla at siya pupuntahan ako sa classroom” bigkas ni Kiko sabay yumuko at huminga ng malalim. Pasimpleng sumilip si Ben sa corridor pero hinila siya ng kaibigan niya. “Pare relax sisilipin ko lang sila” sabi niya.

“Pare nandon nga sila o, alam mo Michelle is very pretty ha” sabi ni Ben at nakisilip din si Kiko. “Pretty nga pero sasaktan naman ako sa huli so whats the point?” bulong ng binata. “Pero pare isipin mo din ha, ikaw kilala kita maselan ka sa babae e. Pero sa dream mo brineak ka niya so that means naging kayo” sabi ni Ben. “Natural! Pano niya ako ibreak kung di naging kami” sagot ni Kiko.

“Yun nga e pare. Pag naging kayo that means she has the qualities that you are looking for sa babae” sabi ni Ben at napaisip si Kiko. “Pero she will break my heart” sagot niya. “Oo nga pero if you look at the positive side pare, naging kayo sa dream mo meaning you like her. At sure naman ako ilang beses mo na siya nakikita sa dream mo…imposible naman na di ka magkakagusto sa kanya diba?” tukso ni Ben. “Kung naging kayo ni Jessica tapos ibreak ka niya, ano mararamdaman mo?” banat ni Kiko.

“Wag ka naman magsalita ng ganyan pare, di ko kaya isipin yon” sagot ng kaibigan niya. “O tignan mo. Sa tingin mo maganda pagdaanan ang heart break? So para di maranasan yon iiwasan ko nalang siya, since I don’t know her yet I wont know if she really does have the qualities na hinahanap ko. In short I don’t want to know” pagalit na sabi ni Kiko.

“Yes pare I understand you. Okay na umalis na sila” sabi ni Ben. Nakahinga ng maluwag si Kiko, ang magkaibigan bumalik na sa kanilang classroom. “Since nakita mo na ang mga mangyayari ano pa ba ang dapat natin iwasan today?” tanong ni Ben at napansin niya ang takot sa mukha ng kaibigan niya. “Hoy pare whats wrong?” tanong niya at inuga niya si Kiko.

“Di ko alam pare” bulong ng kaibigan niya. “Di mo alam? Diba you held Layla’s hand?” sabi ni Ben. “Oo I did pero nakita ko that they will go here at makikilala ko siya. Sinira ko yun pare that means magbabago na ang lahat” paliwanag ni Kiko. “Ano? Sabi mo dati ang nakatakda nakatakda na at di magbabago” paalala ng kaibigan niya. “Oo pare tama yon pero pag nabaluktot mo ang nakatakda, magbabago na ang lahat. It happened once before” sabi ni Kiko.

Litong lito si Ben pero humarap sa kanya ang bestfriend niya. “Pare remember nung kinder tayo? May pinagtripan kang babae tapos dumating ako. After nung umalis ka tinulungan ko siya bumangon. Nakita ko that we will be sharing a chocolate, sad to say madamot ako noon kaya tumakbo ako palayo. It changed everything pare”

“Yung umaga na yon nahawakan ko kamay ni Layla, iba nakita ko. Pero after ko tinakbuhan yung isang babae, nahawakan ko ulit kamay ni Layla nagbago ang lahat. Mahirap explain pare pero magbabago ang lahat. I have been trying to correct my mistake from that time, kaya araw araw ako nagdadala ng chocolate just in case magkita ulit kami nung babaeng yon. And if we do meet we must share the chocolate para tumama lahat. Alam ko wierd, tignan mo ilang taon na tayo at di ko parin naitatama yon e” kwento ni Kiko.

“So ganon pala ang kwento ng chocolate. Akala ko may crush ka talaga sa akin e” biro ni Ben at nagtawanan sila. “Salamat pare, I needed that laugh” sabi ni Kiko. “Oh wait pare, you held my hand kanina nung hinila mo ako. What did you see?” tanong ni Ben.

“Oo nga no, ang galing mo Ben. Nakita ko na mag aaway kayo ni Jessica dahil sa isang papel tapos kakain tayo lunch sa office, then yayayain mo ako uminom pag uwi” sabi ng kaibigan niya. “Ang sama naman pala, pero nagbago diba? Hold my hand again” sabi ni Ben at hinawakan ni Kiko ang kamay ng bestfriend niya.

“Okay na, di kayo mag aaway ni Jessica kasi gagawin mo ngayon yung nakalimutan mo. Di na tayo sa office kakain, sa turo turo ulit at pag uwi…” binitin ni Kiko. “Pag uwi ano?” tanong ng kaibigan niya. “Basta pare I cant tell you, trust me its positive” paliwanag ni Kiko.

“Positive? Sure ka ha” sabi ni Ben. “Oo pare trust me on this one, sige gawin mo na yung dapat mo gawin” sagot ni Kiko. “Hmmmm binago mo…ang dapat na di magandang kapalaran ko biglang gumanda. Tama ka ata sa pag gamit ng abilidad mo, for the sake of mankind” banat ni Ben at muling nagtawanan ang magkaibigan.

Pagsapit ng lunch break nakipagkita muna si Ben kay Jessica. “Wow you made it for me” bigkas ng dalaga sabay napayakap sa binata. Si Kiko pasimple nalang na tumingin sa malayo habang naging sweet yung dalaga. Ilang saglit pa umakbay si Ben sa kaibigan niya at napakalaki ng ngiti sa mukha. “Pare treat ko ang lunch today” masayang sabi niya.

Nakaupo yung dalawa sa loob ng turo turo, sa sobrang tuwa halos di makakain si Ben. “Oh my God pare si Michelle” bigkas niya at ang bilis magtago ni Kiko sa ilalim ng lamesa. Napahalakhak ng malakas si Ben, dahan dahan sumilip ang kaibigan niya at bumalik sa upuan. “Loko ka naman pare e” sabi niya.

“Sorry pare, happy lang ako e. She hugged me, she hugged me pare” landi ni Ben. “Happy ka pero wag mo naman ako tatakutin. Kumain ka na nga diyan para kang naka drugs e” sabi ni Kiko. Di talaga nakakain si Ben at ang kaibigan niya ang umubos sa kanyang pagkain.

Habang pabalik sa campus ay napakapit si Ben sa braso ni Kiko. “No joke palapit sila o” sabi niya. Ang bestfriend niya agad napaluhod at nagtago sa likod niya, humalakhak nanaman ng malakas si Ben at pinagsusuntok ni Kiko ang pwet niya. “Pare naman e! Pinagtritripan mo na ako” sabi niya.

“Hahahaha I know your weakness now. Hawak kita sa leeg kaya you better be good to me” sabi ni Ben. “Blackmailer ka, pasalamat ka nga nagbago yung nakatakda e” reklamo ni Kiko. “Oh yeah I am thankful for that pero ngayon lang ako makakalamang sa iyo so Kiko boy hold my bag” sabi ni Ben. Nainis si Kiko at tumanggi, biglang nilabas ng kaibigan niya ang cellphone niya, “Layla nandito kami sa malapit sa main gate…pindotin ko kaya ang send?” landi niya.

“Bwisit ka! Akin na nga bag mo” sabi ni Kiko at lalo tumawa si Ben. “Good boy, from now on you will obey whatever I say, okay?” sabi niya. “May araw ka din loko ka. Tatandan ko tong lahat” bulong ng bestfriend niya. “May sinasabi ka ba? Ano yon? May naririnig ako e” tukso ni Ben sabay ngisi. “Wala po amo. Tara na po” sagot nalang ni Kiko.

Pagsapit ng dismissal inabot ni Ben ang bag niya sa bago niyang alipin. “Di ako sasabay sa iyo today” sabi ni Kiko. “Ah ganon? Kasi ayaw mo magbuhat ng bag ko” sagot ni Ben. “No pare, di tayo pwede magsabay umuwi ngayon” sabi ng kaibigan niya. “Pikon ka naman pare e, o di na kita gagawing slave, o tara na” sabi ni Ben. “Pare di mo naiintindihan e, basta di tayo pwede magsabay ngayon okay? Tandaan mo nalang yung sinabi ko nung umaga” sabi ni Kiko sabay nag walk out.

Umalis na si Ben at napapaisip sa mga kaganapan nung umaga. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Kiko na may positibong mangyayari kaya napangiti siya. Pag abot sa main gate nakita niya si Layla na kasama si Michelle kaya napakamot nalang siya. “Positive ha” bigkas niya. “Anong positive?” tanong ni Layla. “Ah wala, pauwi na kayo?” tanong ng binata.

“Di pa, ay teka pala. Michelle this is Benjamin, the bestfriend of Francis. Ben ito si Michelle. I remembered I have not formally introduced you to each other yet” sabi ni Layla. “Wow Benjamin and Francis ha” banat ni Ben at napatawa si Michelle. Lumaki ang mga mata ni Layla kaya tumigil si Ben, “Hello Michelle, nice to meet you my name is Benjamin. Parang napaka formal naman kasi e, Ben nalang” sabi ng binata at nagkamayan sila nung dalaga.

“Nice to meet you too. So where is Francis, or ano ba nickname niya?” tanong ni Michelle. Nauna magsalita si Ben, “His nickname is Matt” sabi niya at biglang tumawa si Layla. “Matt? Parang ang layo naman sa Francis yon” tanong ni Michelle. “Trust me his nickname is Matt” ulit ng binata. “O nasan si Matt?” tanong ni Layla. “Ewan ko nga e, bigla nalang nawala. Di nagpaalam sa akin. One minute he was beside me then next minute he gone” sabi ni Ben.

“Saan nanaman nagpunta yun? Itext mo nga” sabi ni Layla. “Uy wag na sis. Next time nalang baka he has something important to do” sabi ni Michelle. “Okay, sige Ben mauna na kami o gusto mo sumama sa mall?” sabi ni Layla. “I want to come but deep inside my gut I feel that I should not come” sagot ng binata. “Bakit mo ba ako iniingles?” tanong ng dalaga. “Ikaw nagsimula e! Sumasabay lang ako sa pauso mo” banat ng binata at nagtawanan sila.

Umalis na yung dalawa, agad nilabas ni Ben ang phone niya at nagtext. “Ikaw loko ka, positive positive ka pang nalalaman. Positive pala para sa iyo!” sabi sa text at pinadala niya kay Kiko. Pagbulsa ng phone niya at may biglang umakap sa kanyang braso at paglingon niya si Jessica yon. Ang bilis ng tibok ng puso niya, agad nagkaroon ng ngiti sa kanyang mukha. “Hi, tara sabay na tayo umuwi” alok ng dalaga.

“Tara” ang tanging nasagot ni Ben pero bumitaw na si Jessica sa braso niya. Habang naglalakad ay muling napahawak si Jessica sa braso niya at hinila siya papunta sa isang store. “Samahan mo nga ako pala, may bibilhin lang ako” sabi ng dalaga. Pagkatapos bumili ay lumabas na sila ng store, nakaakbay parin si Jessica sa braso niya hanggang sa makaabot sila sa paradahan. Nang magkahiwalay sila at nakasakay narin ang binata sa jeep bigla niya nilabas phone niya at nakita may sagot na si Kiko.

“Wag masyado tititig sa kaharap mo baka makalimutan mo magbayad! And you are welcome again” sabi sa text at pagtingin ni Ben sa harap niya ay may magandang dalaga na nakaupo doon kaya natawa nalang siya at nagbayad agad.