sk6

Thursday, September 17, 2009

Bertwal Chapter 19: Goodbyes and Hellos



BERTWAL EBOOK COVER


Bertwal
(THIS IS A SHOWCASE COPY OF THE STORY ONLY)

by Paul Diaz



Chapter 19: Goodbyes and Hellos

At sumapit ang tinakdang araw, si Marco alas kwatro palang gising na at napanligo at nakabihis. Si Joanna maaga din nagising at di mapakali. Si Marco di makakain sa almusal habang si Joanna ay subo ng subo at talagang nagpapanic. Sa eksaktong sandali sabay nagring ang phone ng dalawa, agad sila tumakbo papunta sa kwarto nila para sagutin ang kanilang mga tawag.

“Hello Pao?” sabi agad ni Joanna. “Hoy gaga! Anong Pao? Tinatanong ni Jamie kung gusto mo sumama at lalabas daw sila ni Rich” sabi ni Jane. “Oo! Oo! Sasama ako, saan? Ano oras? Now na?” sagot ni Joanna at nagulat si Jane. “Hoy! Ano ba nangyayari sa iyo?” tanong ng kaibigan niya at tumawa si Joanna. “Ah wala sis, oo sama ako, san ba tayo magkikita at anong oras?” sagot ni Joanna. “Alas dyes sis, dun tayo sa Hotshots, yung place na pinagkainan natin before start ng sem, yung sinundo ka namin remember?” sabi ni Jane. “O sige, I will be there” sabi ni Joanna. “wow, kakaiba ka ata today ah” sabi ni Jane. “Hahaha ah? Eh sige sige at kakain pa ako, gutom ang clan ko” sabi ng dalaga sabay patay sa phone.

“Hello?” sagot ni Marco at si Angelo nagboses babae, “Hello Marco this is Hanna, I love you” sabi niya at natawa si Marco. “Shut up bakla! She doesn’t know my real name” sabi ni Marco at tumawa si Angelo. “Shoot oo nga no, Paolo dapat, oh well pre gusto mo sumama?” tanong ni Angelo. “Oo sige saan at anong oras?” tanong ni Marco. “Wow, sure ka? Bakit nag LQ ba kayo ni Hanna?” tanong ng kaibigan niya.

“Hindi pare, basta sasama ako” sabi ni Marco. “Okay alas dyes sa Hotshots pare daw, basta yung dati” sabi ni Angelo. “Okay pare, sige paalis na ako” sabi ni Marco. “Ano? Pare alas otso palang” sabi ni Angelo. “Basta, kailangan ko magpakalma, wag ka na kokontra okay?” sagot ng binata. “Fine, sige pre later” sabi ni Angelo sabay patay sa phone. Sakto nakatanggap si Marco ng isang text message.

Hanna: Hi. Okay lang ba around 11am?

Paolo: Sure, saan ba tayo magkikita?

Hanna: Sa mata?

Paolo: Hahahaha ayos!

Hanna: Uy sorry grabe kasi im a bit excited at kinakabahan

Paolo: Same here, so this is it Hanna

Hanna: Oo nga e, ah busy ka?

Paolo: Di naman, game?

Hanna: Game!


Tinawagan ni Marco si Joanna, pareho sila kinakabahan pero matapos ang ilang tawanan ay kumalma na sila. Napag usapan nila ang meeting place, gulat sila pagkat akala nila soul resonance ulit ang gumana. Pagsapit ng alas nuebe ay nagpaalam na sila isat isa, huling paalam nila bilang di magkakilala.

Hanna: It was nice talking to you Paolo

Paolo: Likewise Hanna. I gues this is where Hanna and Paolo ends

Hanna: Yeah, no sad goodbyes

Paolo: Ahahaha ang drama mo! Para namang mamatay na tayo

Hanna: Ikaw kasi e. Pero totoo naman, the next time we say hello, we will be using our real names already

Paolo: Oo nga e, so goodbye Hanna

Hanna: Goodbye Paolo. Whoever you are, I love you and I will see you later

Paolo: I love you too whoever you may be.


Alas dyes ng umaga nakarating si Joanna sa meeting place, nandon na sina Jane at Jamie at nakita niya naglalakad palayo sina Angelo at Richard. “O san sila pupunta?” tanong ni Joanna at nagulat ang mga kaibigan niya pagkat sa likod siya sumulpot. “Uy nandyan ka na pala, ay may tinignan lang sila. Upo ka dali at basahin natin tong mga dreams nila” sabi ni Jamie pero si Joanna naglakad lakad lang sa paligid. Ilang minuto lumipas at nairita si Jane sa kaibigan niya. “Oy ano ba problema mo? Maupo ka nga kasi. Bakit lakad ka ng lakad?”

Naupo si Joanna sa tabi ni Jane, pinakita ni Jamie ang mga nakasulat na dreams nila pero malayo ang tingin ni Joanna. Ilang sandali lang tumayo ulit ang dalaga at naglakad lakad. “Sis ano ba problema mo?” tanong ni Jane. “Wala naman, gusto ko lang maglakad lakad” sabi ni Joanna. “May almuranas ka ba?” tanong ni Jamie sabay nagtawanan ang mga kaibigan niya.

Sa bakanteng table sa tapat naupo si Joanna, wala pang sampung segundo naglipat ulit siya ng lamesa hanggang sa mapwesto siya sa table sa likuran nina Jane at Jamie. “Ano ba problema niya?” bulong ni Jamie. “Ewan ko, siguro nag away sila ng Papa Pao niya or whatever, hayaan mo na. Pabasa nga ng dream ni Angelo” sabi ni Jane at bigla siya tinukso ni Jamie. “Fine, di kay Richard nalang” banat ni Jane sabay tawa.

Trenta minutos bago alas onse dumating si Marco at nakiupo sa tabi ni Joanna. “Hey” sabi ng binata at ngumiti si Joanna. “So ano plano?” tanong ng binata at malayo nanaman ang tingin ni Joanna kaya di ito nakasagot. Napalingon si Jamie at nakita si Marco, “Uy, may pinuntahan saglit yung dalawa, gutom na ba kayo? If you are sige lang go ahead and order na” sabi niya. Napatingin si Marco kay Joanna at tulala parin ang dalaga, “Ganda ng dress mo, bagay sa kagandahan mo” sabi niya at napatingin sa kanya si Joanna. “Ano sabi mo?” tanong ng dalaga at natawa si Marco. “Tara order na tayo” sabi ni Marco sabay tawa. “Later na” sabi ni Joanna. “My treat” banat ni Marco at nagulat yung dalaga.

“Totoo ka?” tanong ni Joanna at naglakad na si Marco papunta sa entrance ng restaurant sabay nilingon si ang dalaga. “Kung ano man pinoproblema mo idaan mo sa pagkain at mawawala yan pansamantala, tara na” sabi ni Marco. Sumunod si Joanna pero napalingon pa sa paligid, nakitang walang paparating kaya agad sumunod sa binata. Sa counter nagtitingin ang dalawa sa panel kung ano ang oorderin nila, ilang sandali pa nagsalita na si Marco, “Miss, isang garlic cheeseburger tapos two twister fries and Coke” sabi niya sabay tingin kay Joanna. “Ako din ganon narin” sabi niya. “Ha? You like garlic cheeseburger?” tanong ni Marco. “Duh! Remember last time yon ang order ko, ang sarap kaya niyan” sabi ni Joanna.

“Ah ikaw ba yun nag order non? Hahaha oo masarap siya” sabi ni Marco. “Hay naku palibhasa snob ka kasi at may sariling mundo” banat ni Joanna at natawa yung binata. “Sorry naman shy type ako e at that time kasi naparami ang kain ko ng fries kaya kinailangan ko lumayo at maghasik ng lagim sa kapaligiran” kwento ni Marco at biglang sumabog sa tawa si Joanna. Napatigil si Marco at napatitig kay Joanna, napansin ng dalaga kaya agad siya tumigil.

“Sensya na sa tawa ko” sabi ni Joanna at biglang napaisip si Marco pero tumawa nalang. “Bakit may problema?” tanong ng dalaga. “Wala naman, may naalala lang ako pero don’t worry its nothing” sabi ng binata. Nang nakuha nila ang order nila ay bumalik sila sa labas at naupo. Agad lumapit si Jane at kumuha ng fries, “Ew! Garlic cheeseburger! Tama lang na malayo kayo sa amin” sabi ni Jane sabay balik sa tabi ni Jamie.

“They don’t know what good food is” banat ni Marco at nag agree si Joanna kaya sabay pa sila napakagat sa sandwich nila. “Alam mo ang kulang dito sa resto na to ay pizza” sabi ni Joanna at nanliwanag ang mga mata ni Marco. “Ay sinabi mo, sus pag may pizza pa dito grabe favorite ko na talaga tong lugar na to” sabi ni Marco habang puno ang bibig niya. “So you like pizza too?” tanong ni Jane. “Hell yeah! Sus kahit umaga tanghali gabi pa” sagot ni Marco at si Joanna naman ang napatitig sa binata. “Hmmm bakit?” tanong ni Marco. “Wala, I love pizza too” sabi nalang niya sabay ngiti.

Mabilis naubos ang pagkain nila, napatingin si Joanna sa relo niya at limang minuto nalang at alas onse na. Si Marco sumandal sa upuan sabay hinimas ang tiyan sabay napalingon sa paligid, habang si Joanna pasimpleng napapalingon din. Di nanaman mapakali ang dalaga at tapik ng tapik sa mesa, palakas ng palakas ang tapik niya kaya napansin ito ni Marco. “Parang matindi ang problema mo ah, di ata nadaan sa pagkain” sabi niya.

“Wala ako problema” sabi ni Joanna. “Ows? Oh well, alam mo pag ako may dinadamdam o di mapakali I sing, nakakatanggal ng stress” sabi ni Marco. “Di ako stressed” sabi ni Joanna pero pabilis ng pabilis ang mga tapik niya sa lamesa. “Balita ko magaling ka kumanta, sayang we had to go last time, di pa kararating niyo non?” sabi ni Marco. “Oo, balita ko pati ikaw maganda boses mo e” sagot ni Joanna. “Di naman, alam mo kanina ka pa talaga, halika sabayan mo ako kanta tayo” sabi ni Marco.

“Hoy! Maawa naman kayo sa amin, wag niyo naman ihahasik ang bad breath niyo sa pagkanta” sabi ni Jane sa dalawa. Natawa bigla si Joanna at nagtakip ng bibig, “Bruha ka ang layo mo na nga naririnig mo pa usapan namin, bakit nag spy ka?” banat ni Joanna. “Siyempre, malay ko ba kung nagkakaigihan na kayo diyan no” sabi ni Jane. “Excuse me! Taken na ako no” sumbat ni Joanna. “Yup me too” sabi ni Marco at napalingon din bigla si Jamie sa dalawa. “Ows? Bakit di namin nakikita?” tanong ni Jamie. “Maybe later you will” sagot ni Marco.

“Kaya naman pala walang nangyayari sa kanila meron na palang girlfriend si Marco” bulong ni Jane nang humarap na sila sa mesa nila. “Oo nga e, sayang bagay sila no. At alam mo ba eto pala tignan mo as in sayang sila” sabi ni Jamie sabay labas ng notes niya. “Ano yan?” tanong ni Jane. “Yung dreams nila, grabe basahin mo dream ni Marco muna, then read mo dream ni Joanna” sabi ni Jamie kaya agad naman binasa ni Jane ang nakasulat.

Ilang sandali pa ay napanganga si Jane at napatingin sa kaibigan niya, “Oh shet, grabe ha, parang kung based sa dreams nila they were meant for each other” sabi ni Jane. “Kaya nga e, galing no?” sabi ni Jamine. “Oo kaya, grabe yung ring sa dream ni Marco ay nasa daliri pala ni Joanna, hay shet grabe sobrang coincidence to pero wala e. Kaya pala faceless pareho yung mga kapareha nila sa dreams nila no?” sabi ni Jane at sabay sila napalingon sa dalawa at nakitang parehong napapalingon ang dalawa sa paligid. “Oh well if you were not meant to be talaga e di wala talaga” sabi nalang ni Jamie.

Di parin tumitigil ang pagtapik ni Joanna sa mesa kaya tinulak palayo ni Marco ang mesa bigla. “Sorry ha bothered na ako, sing with me” sabi ng binata at napatingin si Joanna sa kanya. “Ano?” tanong niya. “Sabi ko sing with me, para matanggal yang kaba mo. Trust me it helps” sabi ni Marco sabay napatingin sa relo ang dalaga at huminga ng malalim.

“Panalangin ko sa habang buhay…” kanta ni Marco at barado ang lalamunan niya kaya pumiyok siya at natawa si Joanna. “Wag mo naman sisirain yung kanta” biro ng dalaga at natawa si Marco. “Ahem, sorry naman, you know the song?” sabi ni Marco. “Duh! Syempre naman kaya” sabi ni Joanna. “O di sige sing with me” sabi ng binata. “Sige mauna ka susunod ako” sabi ng dalaga.

“Panalangin ko sa habang buhay” kanta ni Marco. “Makapiling ka” kanta ni Joanna. “Makasama ka” bawi ni Marco at sabay na sila umawit, “Yan ang panalangin ko…at hindi papayag ang pusong ito, mawala ka, sa aking piling mahal ko iyong dinggin” kanta nila sabay nagngitian pa. Sina Jane at Jamie nabighani sa pagkanta ng dalawa kaya napalingon sila saglit sa dalawa, “Hoy wag niyo pollute ang air, di porke maganda boses niyo kasalanan parin mag air pollution” banat ni Jane sabay tumawa sila ni Jamie.

“At wala nang iba pang mas mahalaga, sa tamis na dulot ng pag ibig nating dalawa. At sana naman ay nakikinig ka, kapag aking sasabihing…” kanta nila pero sabay sila tumigil bigla. “Oh bakit ka tumigil?” tanong ni Marco. “E pati naman ikaw ah” sabi ni Joanna at bigla sila nagkatitigan at pareho silang may naalala. Sabay pa sila napanganga at mga mata nila di na naghiwalay ng landas. Ilang sandali pa sabay sila napatingin sa malayo, naupo sila ng maayos at napakapit sa kanya kanyang silya.

Napalingon si Jane sa dalawa at napansin niyang parang estatwa ang dalawa at di gumagalaw. “O bakit kayo tumigil? Nakonsensya ba kayo sa future generation?” banat ni Jane sabay tawa ulit sila ng tawa ni Jamie. Si Marco at Joanna parehong tahimik at di kumikibo, parehong mabilis ang tibok ng puso nila at mga isipan nababalot ng pagkalito. “Parang siraulo tong dalawa, one minute ayos, next mintute ayan tignan mo sila” bulong ni Jane kay Jamie. “Hayaan mo na sila, sasakit lang ulo mo” sagot ng kaibigan niya.

Ilang sandaling katahimikan at nagbulong si Marco, “Lampas eleven na” sabi niya. “Oo nga e, dito sa Hotshots” bawi ni Joanna. “May inaantay ka ba?” tanong ni Marco pero di sila nagtitinginan. “Ikaw meron ba?” bawi ni Joanna at muli sila natahimik. “Do you chat?” tanong ni Marco. “Yes, Jane taught me. And you?” sagot ni Joanna. “Yeah, my sister taught me” sagot ni Marco at medyo napapangiti na ang dalawa pero di parin makapaniwala.

“Bettyfly?” tanong ni Marco at gusto nang tignan ni Joanna ang binata pero nagpigil. “Sus, Jane could have told you my nickname” sabi ni Joanna. “Tinitron, tinaksilang robot” banat ni Marco at sabay sila napatawa saglit pero balik seryoso ang mukha nila pagkat pareho silang nagpapakiramdaman. “She could have told you that too” sabi ni Joanna.

“Hmmm…kilala mo si Hanna?” bulong ni Joanna at lumalaki na ang ngiti sa mukha nila pareho. “Yeah Angelo or Richard could have told Jane and Jamie and they told you” sagot ni Marco. “Siguro inutusan ka nina Jane at Jamie ano? They must have told you the stories I tell them” sabi ng dalaga. “Bihira ko sila makausap, bihira ako nakikipagkwentuhan” sumbat ni Marco at talagang nagmamatigas pa sila.

Tinignan ni Marco si Joanna pero ang dalaga ayaw siya tignan pero nakangiti siya. “Joanna…J-O-A-N-N-A…its really six not four” sabi ni Marco at agad napatingin si Joanna sa kanya. Muling nagkatitigan ang mga mata nila, parehong nakangiti at nangingnig ang mga labi. Sabay pa sila huminga ng malalim at parehong hindi makapaniwala.

“The Jhong incident…it was you right who made him stop right?…you and your sister and…” bulong ni Joanna. “Angelo…sarap nung ensaymada sa tabing store” sagot ni Marco at mga mata nila di na nagtagpo at parehong nakatitig sa semento. Mga ngiti nila pigil, kahit gusto nang sumabog sa tuwa nanatiling tahimik ang dalawa.

“Dito, sa lugar na ito, first time tayo nagkita…I cant believe it” sabi ni Joanna at natawa si Marco. “It was the first day you went out, pati ako first day ko lumabas after a long time…nagkita na pala tayo non” sagot ni Marco at lalong lumaki ang mga ngiti nila. “Akala ko that time ang sama ng ugali mo at snob ka” banat ni Joanna. “Sorry, if we didn’t go play billiards siguro nagkabukingan na tayo no?” sabi ni Marco at muli sila natawa.

“Di ako makapaniwala…I borrowed your phone…and I texted you?” sabi ni Joanna sabay natawa bigla. “Amazingly Angelo borrowed my phone too and nabura niya text mo but he read it…my number isn’t stored so wala daw sa phonebook” sagot ni Marco at pareho na silang bumubungisngis.

“Sabi ko sa iyo may kaboses ka e” bulong ni Marco at natawa si Joanna pero di parin nila magawa ang titigan ang isat isa. “Kaboses ko sarili ko?” sagot ni Joanna at natawa si Marco. “Pero ikaw…sa phone madaldal ka…but if we talk in person soft spoken and parang ayaw mo ako kausapin…so shy ka pala talaga like you said” sabi ni Joanna. “I told you I don’t lie, lalo na sa iyo” banat ni Marco. “I still cant believe it” sabi ng dalaga.
“Ahhh…sabi ni Hannah sa text…she liked one of her friends…sino yon?” tanong ni Marco at napanganga si Joanna at napakagat sa labi. “Ha? If I remember right Paolo said he too likes one of his friends…sino din siya?” bawi ni Joanna at natawa si Marco. Tumawa bigla si Joanna sabay nagtakip ng bibig, “Remember one time magkatabi tayo sa tambayan…tapos sabi nina Jane magkatext tayo” sabi ni Joanna. “Hahaha oo nga e, inabot pa natin ng sabay phone natin, kung sana kinuha niya e di buking na pala” sagot ni Marco at bigla sila nagtawanan.

“Hmmm…kaya mo tignan sina Jane at Jamie sa mata tapos kaya mo sila kausapin. Bakit ako napakahina ng boses mo?” banat ni Joanna at napakamot si Marco at natawa. “Ha? Ah eh ay alam mo ba may isa pa akong favorite na burger dito” sagot ni Marco at napangiti si Joanna at natawa. “Liko moves oh” sumbat ng dalaga. “Eh ikaw, ano yung sagot mo sa CK ko? CKD ba yon as in Crush Din Kita? O ano?” bawi ni Marco at nagtawanan sila.

“Ahem, CK…ano sabi mo corny ka? Corny ako ganon?” banat ni Joanna at natawa nanaman si Marco. “Sorry naman, loyal kasi ako kay Hanna e…pero alam mo tama naman din yung interpretation mo ng CK e” sagot ni Marco at napangiti ang dalaga. “Parinig nga ulit ng ringtone mo” sabi ni Marco at natawa na talaga si Joanna at pinalo ang kamay ni Marco pero agad ito sinalo ng binata at hinawakan.

Nagkatitigan sila at nagngitian, sa wakas hawak na ni Marco ang kamay ni Joanna at lalo pa niya hinigpitan ang hawak dito. “Finally…the walls have been torn down…Hello…Joanna” sabi ni Marco. “Hello…Marco” sagot ng dalaga at muling natahimik ang dalawa ngunit nanaig ang tamis ng mga ngiting nakapaskil sa kanilang mga mukha.

“Sa wakas hawak ko na kamay mo…parang kahapon lang sa panaginip at imahinasyon lang nangyayari ito…now its real” sabi ni Marco sabay tingin sa mga kamay nilang tila ayaw nang magbitaw. “Last night…sabi mo with one hello everything will be alright…pero hindi e” sabi bigla ni Joanna kaya napatingin sa kanya si Marco. “Alam ko pareho tayo ng nararamdaman…parang ang daming naipon na feelings deep inside of me at gusto kumawala right now” sabi ni Joanna. “Oo nga e. Ako din, but my heart is so happy at this moment I just cant explain it and I cant even think straight” sagot ng binata.

Biglang tumayo si Joanna at napatayo narin si Marco, nagharap silang dalawa at lalong nagkalapit ang mga katawan sa isat isa. “I owe you a smile” sabi ni Joanna at napangiti si Marco. “And you already have given it to me” sabi ng binata. “That smile a lot can give you and take away…but this smile I am going to give you will be ours alone” sabi ng dalaga at dahan dahan niyang hinila palapit si Marco, mga mukha nila halos magdikit na, mga mata nila muling nagtuwid ng landas. “I love you…Marco” bulong ni Joanna. “I love you too Joanna” sagot ng binata.

“Ang tagal naman ng dalawa, utusan mo na nga si Marco para hanapin sila” sabi ni Jamie at paglingon ni Jane at bigla niyang niyugyog si Jamie sabay turo sa kina Marco at Joanna. Parehong nanlaki ang mga mata nila sa gulat habang pinapanood nilang magkalapit ang mga mukha ng dalawa, nagkiskisan saglit ang mga ilong nina Marco at Joanna at mga labi nila nahanap na ang isat isa.

“Oh shet! Nananaginip ba ako?” bulong ni Jane at pareho pang tulala ang dalawang dalaga. “What the hell is happening?” sabi ni Jamie ngunit sina Joanna at Marco tila may sariling mundo. Parang sila lang dalawa ang nandon at tuloy ang halikan, wala na silang ibang paraan na maisip upang ibuhos ang naipon nilang nararamdaman para sa isat isa. Di nila naidaan sa simpleng salita noong silay nag uusap, ngunit ang kakulangan na yon ay malugod nila naipadama sa isat isa sa pagtagpo ng mga kanilang labi.

Sina Angelo at Richard parang mga bangkay na naglalakad palapit, parehong nakanganga sa nakikita nila. Nakaabot sila kina Jane at Jamie at sabay pa sila napakalbit sa dalawang dalaga. “Ano nawala lang kami saglit tapos sila na?” sabi ni Angelo at biglang napatigil sina Joanna at Marco at sabay natawa.

“Ah mga sis, meet Tinitron…alyas Papa Pao” sabi ni Joanna at lalong nagulat sina Jane at Jamie. “And guys, eto na siya, my Bettyfly, my Hanna…my Joanna” sabi ni Marco at walang nasabi ang dalawang binata kundi mapangiti nalang. At di inaasahan sumulpot sa tabi si Anthony na nakita ang buong pangyayari at di rin makapaniwala. Lumapit siya sa lamesa ng apat sabay napatingin sa pinsan niya. “Is he the one?” tanong ni Anthony at si Jamie hindi makapagsalita at muling nilingon ang dalawa.

“Di ba he is one of your friends? Is this a joke?” tanong ni Anthony. “Ano? Pare ano nangyayari? You mean to say sila din lang pala magkachat all this time?” tanong ni Angelo. “Di ata e, ewan ko…ano? Totoo ba to?” tanong ni Jane at lahat silang lima tulala at nakatingin lang kina Marco at Joanna.

Sina Marco at Joanna muling nagharap, magkahawak ang mga kamay nila at nagngingitian. “Lets go for a walk?” alok ni Marco. “Do we need to explain to them? Tignan mo sila parang di makapaniwala o” tanong ni Joanna. “Di na ata, I think we have shown them enough. May mga nakwento na ako sa guys and sure ako nagkwento karin sa girls, so they know our story already. We don’t need to explain anything anymore to anyone. If they don’t still don’t believe then they could just look at us” paliwanag ni Marco at sabay sila naglakad palayo na magkahawak kamay.

Nang nakalayo ang dalawa ay nandon parin ang ngiti sa kanilang mukha. “Kung dati sa Buddypoke lang nangyayari tong holding hands…now look its real” sabi ni Marco at natawa si Joanna. Napatigil bigla si Marco at muling hinarap ang dalaga. Kinuha nito ang kanang kamay ng dalaga sabay hinawakan ang ring finger niya.

“Ako naman ang hihiling…konting tiis sana at isang araw pag titignan mo tong daliri mo ay may makikita ka narin na singsing diyan…gusto ko ako maglalagay…just like in your dream…I want that man kneeling down and placing that ring to be me” sabi ni Marco at kumulubot ang mga labi ni Joanna at namuo ang mga luha sa mga mata niya. Tumulo ang isang luha sa mukha niya ngunit kasabay nito ang isang matamis na ngiti para sa binata.

“For now the ring is virtually here in my finger…I can wait…one day it will be real”


-THE END FOR THE FREE BLOG-

MISSING CHAPTERS SHALL BE RELEASED WITH THE SALE OF THE COMPLETE EBOOK


BERTWAL EBOOK NOW AVAILABLE
By
Paul Diaz

EBOOKS FOR SALE

meet the real TINITRON @ Plurk

Monday, September 14, 2009

Bertwal Chapter 18: Oh El

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 18: Oh El

Katatapos ng final exams at nauna nanaman si Joanna at Marco sa tambayan. Di nanaman nagkikibuan ang dalawa at parehong abala sa pagtetext.

Hanna: In fairness nadalian ako sa exams ko

Paolo: Yup me too, ikaw kasi e

Hanna: Ikaw din kasi e. Ahahaha

Paolo: Anyway, so musta na yung plano mo?

Hanna: Hmmm…yeah this is the day Pao Pao

Paolo: What do you mean?

Hanna: Don’t get mad okay? I am going to have dinner with him and his family again

Paolo: Its okay, sabi ko nga diba honesty dapat

Hanna: Yup, and sasabihin ko sa kanya… OL ka!

Paolo: wait then


Biglang umalis si Marco at si Joanna nainis pagkat di man lang nagpaalam ang binata. Focus siya sa cellphone niya at inaantay niya ang pagbalik ng katext niya. Ilang minuto lumipas at di nakatiis si Joanna kaya nagpadala ulet ng isang text message.

Hanna: Hey, bat nawala ka?

Paolo: Sabi mo mag online ako, wala ka naman

Hanna: Hahaha sira! OL ka meaning Only Love Ka, ay kita dapat pero basta ikaw yon

Paolo: Aw! Woof! Bumabanat ka nanaman ha.

Hanna: Talagang nag online ka?

Paolo: Oo kaya. Hahaha para akong tanga ah ahaha. OL din kita

Hanna: Wushu! If I know merong iba din e

Paolo: Hay, eto nanaman ba yung mga online issues?

Hanna: Uy joke lang ikaw naman o

Paolo: OL kita, ikaw lang at wala nang iba

Hanna: OL din kita, konting tiis ha. Bukas okay na

Paolo: Even if it will take forever, I can wait, I will wait and keep on loving you

Hanna: I wont let that happen, basta Pao Pao malapit na

Paolo: Shall we tear the wall down soon?

Hanna: Yes we will…ei Pao text you later nandito na kalaban

Paolo: Hahaha harsh, kalaban ba itatawag mo?

Hanna: Oo, love you Pao, don’t worry saktan na natin to

Paolo: Hahahaha wag masyado labs


Sa gate nakita na ni Joanna si Anthony nag aantay at sakto dumating sina Jane at Jamie. “Sis balita ko magdinner ulit kayo kasama family ni Tonying ah” sabi ni Jane. Ngumiti si Joanna at tumayo, “Yup, this is the day” sabi ng dalaga. “So insan ano okay na ba?” tanong ni Jamie. “Insan? Bakit pinsan mo si Paolo?” banat ni Joanna at natameme si Jamie. “Ha? Akala ko ba kayo na ni insan ko?” tanong ni Jamie at tumawa si Joanna. “Ows? Saan mo nasagap? Di siya ang OL ko” sabi ni Joanna.

“OL meaning online?” tanong ni Jane. “Nope, OL meaning one love, si Pao ang OL ko, at sasabihin k okay Tonying yan for the last time at ididikdik ko sa utak niya yon para tigilan na niya ako” sabi ni Joanna at tumawa si Jamie. “As if naman kaya mo no, we know you at mahina ka sa ganyan” sabi ni Jamie. “Oh talaga? Lets just say I found the source of my strength already, so sige mga sis at may kailangan pa akong saktan” sabi ni Joanna sabay tumawa siyang parang bruha.

Pagkalayo ni Joanna ay lumapit si Jamie kay Jane, “As if magagawa niya yon, sus di niya kaya matiis si Tonying” bulong ng dalaga. “Oo nga e, she melts at the sight of your cousin” sagot ni Jane at nagtawanan sila. “For sure mamayang gabi magtetext nanaman siya sa atin saying na nalilito nanaman siya” hirit ni Jamie. “Hmmm oo nga, kasi if she really likes Paolo e di dapat kaya niya tumanggi agad right?” sabi ni Jane. “Yup, lets say weak nga siya at nahihiya siya tumanggi, pero wala e, sabi niya kaya na niya, oh well tignan natin” banat ni Jamie.

Magkasama sina Joanna at Anthony, patungo sila sa isang restaurant kung saan nag hihintay ang mga magulang ng binata. “Gusto ko pizza” sabi bigla ni Joanna at natawa si Anthony. “Pizza is a snack food, we are having early dinner” sabi ng binata. “E yun ang gusto ko e” sabi ng dalaga. “Maybe next time, how was your day?” tanong ni Anthony. “It was okay until now” bulong ni Joanna at napatingin sa kanya si Anthony.

“Bakit mo ako laging iniimbitahan mag dinner kasama parents mo?” tanong ni Joanna at napangiti lang ang binata. “Wala lang, just like the old days remember?” sabi ni Anthony. “Old day? Past is past and I don’t remember having dinner with them before” sagot ng dalaga. “Hey, ano problema?” tanong ng binata. “Wala, kasi pag ganito lagi baka isipin ng iba na magsyota tayo e” sagot ni Joanna at napatahimik si Anthony.

Nakaupo na ang dalawa at nakaharap ang magulang ni Anthony, nagsimula na sila mag order pero humirit si Joanna, “Pizza lang sa akin” sabi niya at napakamot si Anthony. “they don’t serve pizza here” sabi ng binata. “Ah iha we can go to another restaurant that serves pizza” sabi ng tatay ni Anthony at ngumiti si Joanna. “Di na dad okay na dito” sabi bigla ni Anthony kaya napangisi nalang si Joanna. “Sige orderan mo nalang ako” sabi ng dalaga at nilabas ang phone niya at nagtext.

Hanna: Badtrip talaga

Paolo: Why?

Hanna: Wala lang kasi he isn’t you

Paolo: What do you mean?

Hanna: Wala naman. If ever we have dinner at sabi ko pizza papayag ka?

Paolo: Syempre e favorite mo yon e, at favorite ko din

Hanna: Ahahaha good to know. He isn’t you talaga

Paolo: Oy ano nanaman drama yan?

Hanna: He isn’t you Pao Pao, OL kita. BRB


“So ano Joanna you still have not answered my question from last time iha” sabi ng nanay ni Anthony. “Ano po yon?” tanong ni Joanna. “If you two are a couple” sabi ng nanay. “Ah he is not courting me” sabi ng dalaga at nagulat si Anthony. “O mahina pala tong anak ko e” sabi ng tatay ng binata at napakamot si Anthony. “Sumasama lang po ako kasi matakaw ako e” banat ni Joanna at nagtawanan sila maliban kay Anthony.

Habang kumakain ay tuloy ang pagtetext ni Joanna at tumatawa siya mag isa. “Did someone send you a text joke?” tanong ng nanay ng binata. “Hmp she is texting someone she has not seen” biglang banat ni Anthony at napatingin si Joanna sa kanya. “True but OL ko siya” sagot ng dalaga. “See he is just someone online, grabe you cant trust people like that. They can pretend to be anyone” hirit ni Anthony.

“Well I trust him at OL ko siya, I told you that before pero makulit ka e” banat ni Joanna. “Oh don’t fight in front of the food” sabi ng tatay ni Anthony. “She is infatuated on this anonymous person who acts good to her” hirit ng binata. “And this anonymous person makes me smile always, he makes me happy and he loves me” sumbat ni Joanna.

“Hahaha yeah right, I would just like to see the look on your face when you two meet” sabi ni Anthony at nagsimangot na si Joanna. “Tony that is rude, say sorry” sabi ng nanay ng binata. “Why should i? I am just stating a fact, virtual love is different from real love. He is a virtual character that loves you and here I am a real character, and still you choose that person?” dagdag ni Anthony.

Tahimik si Joanna at niyuko niya ulo niya, “Alam mo I cried when you left, I wished that you had stayed. But you had to go so I accepted that. Everynight I would imagine what would it be like if you stayed. I dreamt of happy moments of us, and I kept on imaging things like that until one day I had to move on. I found someone, but he too broke my heart and for one year I questioned myself, I felt so depressed until he came to my life” kwento ni Joanna.

“Oo siguro we had something going on before, but that was in the past. You cannot just come back thinking we could bring back the past and continue where we left off. I admit I still have feelings for you, but now its not you who makes me happy, its him. So I am sorry if you think we are going somewhere, I am so sorry. Alam mo ang weakness ko at di ako makatanggi, but this time I found someone who gives me strength to say no. I am sorry” sabi ni Joanna.

“I don’t believe you. I know you still love me and you are just making an excuse, ginagamit mo lang yang virtual friend mo to make me feel the pain you felt when we left. Di ko naman gusto yung nangyari ha, I wanted to stay but we just had to go. Alam ko you are testing me” sabi ni Anthony at tinignan siya ni Joanna. “Sorry Tonying, I am really in love with Paolo” sabi ng dalaga. “Huh, that isn’t even his name and you know that!” sabi ng binata. “Tony! Quiet down, you two finish your food and you can talk later” sabi ng tatay ni Anthony.

“Sorry dad, I just lost my appetite” sabi ni Anthony at pati si Joanna binaba na ang tinidor at kutsara niya at napayuko nalang. “Kayong dalawa wag kayong mag away, you two were really good friends when you were younger. Tony respect her decision too anak” sabi ng nanay ng binata. “I will respect her decision only if I see them really together” sabi ni Anthony. “You well know may usapan kami ni Paolo na not to meet each other yet” sumbat ni Joanna.

“Well if that’s your excuse then I wont believe you then” sabi ni Anthony. “Tony, you stop that” pagalit na sinabi ng nanay niya. “Its okay po, in as much as I don’t want to hurt your feelings…but you are forcing me to. Tomorrow then, I will text you the place. I am not doing this to hurt you…but I too want to meet him already” sabi ni Joanna at natameme si Anthony. “Sige po alis na po ako, thank you and sorry” sabi ng dalaga sabay nagmadaling lumabas ng restaurant. Hinabol siya ni Anthony pero nakasakay agad ng taxi si Joanna.

Pagkauwi ni Joanna ay agad siya nagkulong sa kwarto niya at nagbihis, agad niya tinext si Paolo para siya ay tawagan. Ilang segundo lang ay nagring agad ang phone niya, inayos niya pwesto niya sa kama at huminga ng malalim.

“Hello” sabi ni Marco. “Pao…bakit madaming hindi naniniwala sa situation natin?” agad tinanong ni Joanna. “Ha? Bakit yan ang tanong mo? May problema ba?” tanong ni Marco. “Bakit kahit sabihin ko na nagmamahalan tayo ay tinatawanan lang nila ako? Ganon din ba sa iyo?” tanong ni Joanna at napaisip si Marco. “Hmmm oo pero I don’t get affected kasi alam ko naman totoo nararamdaman ko e. Hinahayaan ko nalang sila, lalo na yung mga di marunong mag intindi” sagot ng binata.

“Tsk, bakit di nila kasi maintindihan at matanggap?” tanong ni Joanna at dinig na dinig ang kalungkutan sa boses niya. “Kasi look, they have all the right to doubt, tignan mo naman kasi, oo Internet tayo nagkakilala, sabi nga nila pwede ka magpanggap. Talagang tatawa sila pag nakahanap ka ng love online pero look di naman tayo ang nauna ah, I am sure madami din ganito like us and pati sila dumaan sa ganitong hirap para patunayan na ang feelings nila ay totoo” paliwanag ng binata.

“Pao…do you still love you ex?” tanong bigla ni Joanna. “Hmmm honestly yes, kasi ang love alam ko it never dies. Pag nabuo ang love di na mawawala yan, it may fade in intensity but its always there. Kahit na sinaktan niya ako, honestly yeah may feelings parin but not like before” sagot ni Marco. “Korek, ganon din ako sa kanya e. I still have feelings for him but now my heart belongs to you. Ayaw niya maniwala e” sabi ni Joanna.

“I tried to tell him nicely but he does not believe. Sabi niya saka nalang siya maniniwala pag nakita na niya tayo magkasama” kwento ni Joanna at biglang natahimik si Marco at huminga ng malalim. “So I guess we just have to show him…show them” sabi ng binata at halos sabay sila napangiti. “It’s the only way I think…Pao its okay if we stick to our deal, kaya ko siguro tiisin pangungulit niya” sabi ni Joanna. “Labs, I don’t want you in pain or in trouble, so I think I am ready” sabi ni Marco.

“Kasi I told him tomorrow na e” sabi ni Joanna at nagulat si Marco. “Ha? Bukas na?” tanong ng binata at sabay sila natawa. “Oo, hahaha teka naexcite ako bigla” sabi ng dalaga sabay yakap sa unan niya. “wow, pati ako grabe, bukas na talaga?” tanong ni Marco at pati siya biglang di mapakali.

“Oo…okay lang ba?” tanong ng dalaga. “Hoooo…wow! Grabe so bukas na…wow teka parang kinakabahan ako ah” sabi ni Marco at muli silang tumawa ng sabay. “Ako din kaya, I don’t know what to say or what to do when I see you” sabi ni Joanna. “Ako din no, grabe, wow so many feelings inside of me and I don’t know what to do when I see you…grabe ha ahahaha” sabi ng binata.

“Pao…I am excited and sa totoo di ko din alam ano gagawin ko pag nagkita tayo” sabi ni Joanna. “Hmmm well tulad ng dati I guess, we have to start with on hello then bahala na” sabi ng binata. “Yeah, right now parang sasabog dibdib ko sa kaba pero sasabog din sa feelings for you, I don’t know if one hello is enough” sabi ng dalaga.

“Yeah ako din, my imagination is running wild pero we have to start somewhere, one hello at bahala na si Batman” sabi ni Marco at nagkatawanan ulit sila. “Pao…parang di ako makakatulog ah” sabi ni Joanna. “hahaha ako nga din e, so bukas na talaga…wow…all the feelings inside I cant contain them anymore…di ko alam kung sapat na ang hello to express what I really feel” sabi ni Marco.

“Pao…tomorrow we are going to show them right?” tanong ni Joanna. “Yeah, ipapakita natin sa kanila na maaring bertwal tayo nagkakilala…bertwal tayo nagkaigihan…at kahit sa bertwal nagsimula ang pag ibig ay totoo naman ito”

“We really don’t owe anyone an explaination; we really don’t need to prove anything to them as long as we know that our love is true”

“Love is mystical, it grows mysteriously…to them our love may be virtual…to us it is real…”

“…and tomorrow we shall show them”



(This chapter is supposed to be chapter 23…I will be gone tomorrow and maybe the next…be posting the final chapter for the blog by then. All in all Bertwal has 26 chapters…only 19 for the blog but the story for the blog will be complete…so pagbalik ko chapter 19[24] Paolo and Hanna)

Bertwal Chapter 17: Smile

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 17: Smile

Dalawang lingo ang lumipas, dismissal at si Joanna nakaupong mag isa sa tambayan. Dumating sina Jane at Jamie pero di sila pinapansin ng kaibigan nila. “Oy sis whats the problem?” tanong ni Jane at bigla tinignan ni Joanna si Jamie. “Ask her” sagot ng dalaga kaya napatingin si Jane kay Jamie. “Close na ulet sila ni Tonying” sabi ni Jamie at nagulat si Jane.

“Kasalanan niyo to. Alam niyo weak ako sa ganito pero pinilit niyo ako. Galit ako sa sarili ko kasi di man lang ako makatanggi. Okay na sana e, I already told him I am in love with Paolo pero alam ko mag nagsulsol sa kanya e. I already buried my feelings for him, pero kayo…di ko alam kung kaibigan ko kayo e. You know how weak I am, di ako makatanggi kasi ayaw ko manakit. Instead na telling him to back off ano ginawa mo Jamie?” sabi ni Joanna.

“Hey, kasalanan ko ba kasi if he still likes you? And you could have said no naman e” sumbat ng kaibigan niya. Biglang tumayo si Joanna at hinarap si Jamie, “Oo kasi alam mo na if he sticks around then the feelings buried would come back and it did! Ngayon gulong gulo isip ko, puso ko parang nabibiyak sa dalawa” sabi ni Joanna at naiiyak na siya. Inakbayan ni Jane ang kaibigan niya at si Jamie hindi makapagsalita.

“Then learn to say no, mamaya ata he is inviting you to dinner with his parents. So learn to say no” sabi ni Jamie at galit na galit si Joanna pero niyuko nalang niya ulo niya. “Will you please say no for me?” hiling ng dalaga. Tahimik ang dalawang kaibigan niya pagkat biglang dumating si Anthony. “Hey, anong happening? O bakit ka umiiyak?” tanong ng binata. “Puling lang” sabi ni Jane sabay kunwari hinihipan niya mata ng kaibigan niya.

“Ah akala ko may nagpaiyak sa iyo. So ano insan you coming with us?” tanong ni Anthony kay Jamie at biglang napatingin si Joanna sa kanya. “Please” bulong ng dalaga pero si Jamie huminga ng malalim, “Sorry sis. Ah insan I have things to do, sige say hi to auntie and uncle for me nalang” sabi ni Jamie sabay umalis. “Ano ready to go? Jane gusto mo sumama?” tanong ni Anthony at si Jane naman ang tinignan ni Joanna.

“Ah sensya na may lakad kami mamaya ng parents ko. Sige iwan ko na kayo ha” sabi ni Jane at napasimangot si Joanna.

“Ano may gagawin ka pa ba? Or shall we go?” tanong ni Anthony kay Joanna at napatingin sa kanya ang dalaga. Gusto niya magpalusot, gusto niya tumanggi pero di niya mahanap ang lakas gawin ito. “Yeah, lets go but I have to go home early” sabi ng dalaga. “Oo don’t worry hatid ka namin” sabi ng binata at naglakad na sila papunta sa gate kung nakita ulit sila ni Marco. Nagkatitigan sina Joanna at Marco, parang humihingi siya ng tulong sa binata pero si Marco ngumiti nalang at naglakad na palayo.

Kinabukasan ay Lingo at late nagising si Marco pagkat umabot na sila ng ala una ng umaga magkausap sa telepono ni Joanna. Kumain siya ng almusal sabay naligo, nagkulong siya sa kwarto sabay sinindi ang computer. Habang nagloload ang operating system biglang tumunog ang phone niya kaya agad niya binasa ang text message.


Hanna: Sis grabe, his mom said “balita ko you two have been going out often lately. Are you two a couple?” Grabe sis di ko alam isasagot ko kaya ngumiti nalang ako.

Paolo: Sis grabe, his mom said “balita ko you two have been going out often lately. Are you two a couple?” Grabe sis di ko alam isasagot ko kaya ngumiti nalang ako.


Pagkabasa ni Joanna ang text niya ay napabangon siya sa kama at napasigaw. “Shet!!! Wrong send!!!” sigaw niya at nagsimula na siyang magpanic. Naglakad lakad siya sa kwarto niya at talagang kinakabahan. Huminga siya ng malalim at naiiyak na siya.

Hanna: We have to talk

Paolo: No we don’t

Hanna: Let me explain

Paolo: I don’t want to hear it

Galit na galit si Marco at agad siya lumabas ng kwarto niya at bumaba. Si Lianne at Nerissa kumakain sa lamesa at nakita ng bunso ang kuya niya bumaba ng hagdanan. “Oh shet ate, this is bad” bulong niya. “Bakit?” tanong ni Nerissa. “This is bad ate, yung kilay ni kuya magkasalubong, galit siya…wait” sabi ng bunso sabay takbo at hinabol ang kuya niya na lumabas ng bahay. “Kuya wait sama ako” sabi ni Lianne. “Lianne, wag ngayon please” sabi ni Marco at napatigil ang bunso. “Kuya…are you okay?” tanong ni Lianne at nilingon siya ni Marco at nginitian lang.

Si Joanna pinagsusuntok ang unan niya at di na mapigilan ang mga luha niya sa pag iyak. Kinuha niya phone niya at nagtype ng mesahe.

Joanna: Mga sis nag wrong send ako. Baka di na niya ako kakausapin. I said we have to talk. He said no we don’t. I said let me explain pero sabi niya I don’t want to hear it. I don’t want to lose him. Di ko na alam ang gagawin ko.
Jane: Oh my hala. Pano na yan?
Jamie: Im sorry sis
Joanna: I don’t know what to do. Galit na siya. I really don’t want to lose him.

Humarap si Joanna sa computer at di na talaga mapigilan ang mga luha niya sa pagbagsak. Inaabangan niya mag online si Tinitron pero wala ito sa Plurk. Di na mapakali si Joanna, bumaba siya pero ayaw niya makita ng mommy niya na umiiyak siya kaya agad siya bumalik sa kwarto at nag iiyak.

Si Marco palakad lakad sa kalsada, galit na galit siya at kahit batiin siya ng mga kakilala niya sadyang malayo ang iniisip ng binata. Sa store siya napadpad at kahit di siya naninigarilyo ay napabili siya agad at sumindi ng isa. Masakit ang dibdib niya, mas matinding pighati ang nararamdaman niya kumpara sa nakaraan niyang relasyon.

Lumipas ang isang oras ay naglakad na pabalik si Marco sa bahay nila, napatingin siya sa langit at ngumiti. Pagkapasok ng bahay ay huminga siya ng malalim, nakita niya ang ate niya at bunsong kapatid na nakaupo sa sofa at nakatingin sa kanya. “Kuya?” tanong ni Lianne. “I am fine mga ate, don’t worry” sabi ng binata sabay umakyat sa kwarto niya.

Si Joanna kumuha ng pagkain at sa kwarto nagkulong, humarap sa computer at tuloy ang pagtulo ng luha niya. “Ang alat ng pagkain at tubig” tinype niya bilang titulo ng thread niya at ilang sandali pa tumunog ang phone niya kaya agad niya ito binasa.

Paolo: We have to talk. Tawagan kita

Hanna: Wag na. Sabi mo di na

Paolo: Sige na. Kanina yon pero I changed my mind

Hanna: I cant

Paolo: Why?

Hanna: Alam ko sasabihin mo na ako ang pinakamasamang babaeng nakilala mo

Paolo: Hahaha di ah. Sige na

Hanna: I cant. Di ko alam sasabihin ko

Paolo: Sige na please

Hanna: Itext mo nalang yung sasabihin mo

Paolo: Tulad ng dati, we start with Hello

Hanna: Today is different. Sorry talaga

Paolo: Sige na tawagan kita. I promise to make you smile

Hanna: Okay. Teka tapusin ko lang tong kinakain ko

Paolo: Okay eat well. Text me pag okay na


Huminga si Joanna ng malalim at napangiti konti sa sinabi ni Paolo. Tuloy ang pagdaloy ng luha niya pero pinilit niya ubusin ang pagkain. Kahit tapos na siya ay di siya mapakali at di alam ang sasabihin kay Paolo kaya nagdadalawang isip siya. Nahiga siya sa kama at nagtext para patawagin na ang binata.

“Hello?” sabi ni Marco at di makapagsalita si Joanna at napaungol nalang. “Hey, talk to me. Wag kang ganyan” sabi ng binata. “Hello” bulong ng dalaga at halata ang takot sa boses niya. “Hello, Hanna, sige na relax ka lang. Talk to me tulad ng kagabi, yung normal na salita” sabi ni Marco. “I cant, sorry” sabi ng dalaga. “Hay sige na Hanna talk to me normally, stop crying, I can hear you crying” sabi ng binata. “Sorry talaga” sabi ni Joanna.

“Hey, listen may sasabihin ako sa iyo. I love you Hanna, I love you very much. Yeah I was hurt sa wrong send mo pero matagal ko na napapansin na meron nangyayari. But look I said kahit na, and I still pushed through kahit may doubt. I admit galit na galit ako kanina. I went for a walk, I even smoked, pero alam mo on the way back home nawala yung galit ko e. Ewan ko ba, nanaig ang pag ibig ko sa iyo. At ayaw ko mawala ka sa akin so I said what the heck”

“Listen, I know what he have right now is virtual, but I can honestly tell you na my feelings for you are real. Mahal na mahal kita Hanna or whatever your real name is. Basta mahal kita, ikaw oo ikaw. I don’t want to lose you over this, so I want you to know tanggap ko kahit meron kang iba and I want to tell you that I AM NOT GOING ANYWHERE. I am staying, I love you very much and kahit na ganyan mamahalin parin kita” sabi ni Marco at humagulgol na si Joanna.

“Hey stop crying, nandito lang ako at di ako aalis. It would take more than that to make me go away. I love you and I repeat, I am not going anywhere okay?” sabi ni Marco at pinilit ni Joanna magsalita kahit na humahagulgol siya. “Pao mahal din kita, mahal na mahal kita” sabi ni Joanna at nakahinga ng malalim si Marco. “I don’t know whats going on with you and that guy pero I want you to know my love doesn’t stop kahit meron kang iba. Di magbabago tingin ko sa iyo at di ako aalis” ulit ni Marco.

“Pao…di ka spare tire. I want you to know di ka spare tire! I love you MORE! Much much more. Its just complicated right now” sabi ng dalaga. “Shhhh you don’t have to explain, I heard what I want to hear so stop crying okay? Sorry kanina kasi nag init ulo ko. If I were somebody else siguro wala na talaga pero eto ako I am staying dahil mahal na mahal talaga kita. I know I should be angry but I am not as in wala, I feel happy actually” sabi ng binata.

“Ha?” tanong ni Joanna. “Oo happy ako, kasi I just realized that my feelings for you are true at mahal na mahal talaga kita. Kanina papunta sa store di ko na alam ano na mangyayari e, pero on the way back I felt that I could not lose you, di ko kaya mawala ka e so kahit na ganyan Hanna mahal parin kita at mamahalin parin kita kahit ano man mangyari pa” sabi ni Marco.

Dalawang oras nag usap yung dalawa sa telepono. Minalas lang pagkat naubusan ng baterya si Joanna. Agad nagcharge si Joanna at kung kanina malungkot siya ngayon halos sumabog na siya sa saya.

Joanna: Mga sis okay na kami!

Jane: Ha? Anong nangyari?

Jamie: Buti naman

Joanna: Hahahaha. He loves me and I love him too!

Jane: Pano na si Tonying

Joanna: Ha? Tonying who? I love Paolo! Period!

Jane: E kaya nga pano si Tonying?

Joanna: Hahahaha basta watch and learn sis

Jane: Ang labo mo. Don’t tell me dalawa sila?

Joanna: Nope. Just watch. Hahahaha sige sis later charge pa ako.


Kung nung tanghali walang gana kumain si Joanna, bumalik ang katakawan niya sa hapunan. Kapansin pansin ang tuwa niya sa di matanggal na ngiti sa kanyang mukha. “Anak naka drugs ka ata” sabi ng mommy niya. Di sumagot si Joanna at tinuloy ang pagkain niya, “Kung sino man nagpapasaya sa iyo sabihin mo thank you” hirit ng nanay niya at tumawa bigla si Joanna. “Don’t worry ma I will tell him later” sabi ng dalaga.

After dinner nag online si Joanna at bigla siyang natuwa sa nakita niya. “I aint going anywhere” nakalagay sa topic ni Tinitron kaya napangiti nanaman siya at agad nagtype.

Bettyfly: Thank you

Tinitron: No need to thank me but thank you

Bettyfly: Thank you for what?

Tinitron: For so many things. For making me this way

Bettyfly: Hmmm negative?

Tinitron: Oh no, positively super happy

Bettyfly: Busy ka?

Tinitron: Game?

Bettyfly: Hahaha. Game!


Sabay sila nag offline at agad tumawag si Marco kay Joanna. “I love you Pao” sabi agad ni Joanna at nabigla yung binata. “whoa, kakaibang hello yan ha” sabi niya at tumawa si Joanna. “E that’s what I feel e” sabi ng dalaga. “I love you too Hanna” sagot ni Marco at nagtawanan sila.

“Grabe, this day was a rollercoaster ride” sabi ng binata at natahimik si Joanna. “Wag mo na ipaalala malulungkot nanaman ako” sabi niya. “Bakit naman? We are okay na diba?” tanong ni Marco. “Oo pero I feel guilty you know” sabi ng dalaga. “Sus, don’t be okay? I love you. Teka…ang alat ng pagkain at tubig” sabi ni Marco at tumawa ng malakas si Joanna. “Loko! Nabasa mo pala yon” sabi niya. “Hahaha ang drama mo e” sabi ng binata.

“E ikaw kasi e, akala ko mawawala ka na. No we don’t sabi mo at ayun naiyak na ako ng bonggang bongga. Kaya nung kumakain ako tulo ng tulo luha ko, umalat tuloy pagkain ko” kwento ng dalaga at nagtawanan sila. “Pero alam mo lumukso ulit dugo ko nung nabasa ko sinabi mo na you promise to make me smile. Kanina I was so depressed and sad but you really made me smile, thank you” sabi ni Joanna.

“Sus, mahal kita at ayaw ko mag end ang araw na nakasimangot ka. I always want you to end you day smiling. Past is past, sorry din kanina sa instant reaction but I love you and I don’t mind being a spare tire talaga. Ikakatuwa ko pa maging spare tire kesa wala. So I aint moving, I am staying with you” sabi ng binata at napangiti nanaman si Joanna.

“Pao…mahal kita…don’t worry just give me time to get rid of the complications at ako naman ang magpapasmile sa iyo” sabi ng dalaga. “Ha? What do you mean? Naka smile naman ako ha” sabi ni Marco. “Maybe you are but I am going to make sure smile na permanent yan, basta just give me time. This time may lakas ng loob na ako thanks to you. What you have done today made me so happy. Akala ko talaga wala na pero lalo ako napahanga at napamahal sa iyo” sabi ng dalaga.

“So please just hang on a little more, I am going to be honest with you but sana tiisin mo mga maririnig mo konti pa. I need a little more time to change but I promise you that smile na di matatanggal sa face mo” sabi ng dalaga. “Yung tipong mala Joker na ako ganon at lilitaw na mga bones sa cheeks ko?” biro ni Marco at nagtawanan sila.

“Alam ko Pao ang pagmamahal di kailangan suklihan, alam ko yon at grateful ako sa naipakita mong pagmamahal sa akin. Kung ibang lalake ka wala na talaga, pero you are different. I feel so happy being loved, really being loved at ngayon ko lang naramdaman tong feeling na to. I know I hurt you many times already but this time ako naman magpaparamdam sa iyo how much kita kamahal. Hiling ko lang ay konting panahon pa kasi change cannot happen agad but it will” sabi ni Joanna.

“And I want you to know that even if that change does not come, I will love you with all my heart and I promise to make you smile everyday. Sana nga di ako maubusan ng ways kasi ayaw ko maging redundant sa mga tactics ko” sabi ni Marco at natawa silang dalawa. “Pao, kahit ulit ulitin mo mga teknik mo o kahit wala ka gagawin lagi mo ako mapapangiti just by being you. I have never been in love like this and ang sarap ng feeling” sabi ni Joanna.

“Ako nga din e. Right now parang sasabog sa tuwa ang puso ko. Kahit nakaramdam ako ng pain kanina, grabe burado agad talaga dahil mahal kita e. I even cant believe it myself, dapat galit ako pero that walk home made me realize that I am really in love with you and I am brave enough to say that I am really in love with you” bawi ni Marco at sabay pa sila napangiti.

“Pao remember, the smile I promised…a smile from me that only you can possess. Right now I am wearing a smile you gave me, a smile that no one can take away or surpass. A smile that is unforced and beeming with happiness. So Pao please wait for a little bit more…”

Saturday, September 12, 2009

Bertwal Chapter 16: Dreams

Bertwal

by Paul Diaz


Chapter 16: Dreams

Sa sumunod na Lunes tulala si Joanna sa tambayan mag isa at nakangiti. Dumating sina Jamie at Jane at dahan dahan nilapitan ang kaibigan nila na tila estatwa na nakatingin sa malayo. “Hoy!” gulat ni Jane sa kanya at biglang natauhan si Joanna. “Uy nandyan na pala kayo, sensya na daydreaming” sabi ng dalaga.

“Sundan nga natin ang point of view mo…whoa look its Marco oh” sabi ni Jane sabay turo sa binata na nakaupo malapit sa court. Napangiti si Joanna at niyuko ang ulo, “I wasn’t looking at him” sabi niya. “Asus sis, style mo, huling huli ka kaya namin” sabi ni Jamie. Huminga ng malalim si Joanna at tinignan ang mga kaibigan niya.

“Mga sis last night I had a dream na talagang di ko makalimutan, grabe I woke up smiling” sabi ni Joanna at agad naupo ang mga kaibigan niya. “Kwento dali!” sabi ni Jane at nahiya bigla si Joanna. “Sus sige na, tayo tayo lang o, ano na?” sabi ni Jamie at kinilig bigla si Joanna at napakagat sa labi.

“Uy atin atin lang to ah” sabi ni Joanna. “Oo kaya grabe ka naman” sabi ni Jane. “O sige, okay then” sagot ng dalaga sabay huminga ng malalim. “Yung dream ko, si Paolo daw pumunta sa bahay may dala siyang flowers. As in gulat ako kasi he knew my address, parang first time namin magkita yon. Then we ate dinner kasama si mommy at eto pati si daddy nandon at si ate ko. After dinner he offered to wash the dishes pero sinamahan ko siya, so dalawa kami” kwento ni Joanna.

“Then after dinner naupo kami sa salas at nanood ng tv, he kissed my cheeks and when I turned to him he kissed my lips” dagdag ni Joanna at sabay sila kinilig. “Grabe ka! O ano pa nangyari?” tanong ni Jane. “Wala na no! Nagising na ako pero…” sagot ni Joanna. “Pero ano?” tanong ni Jamie. “Pero bakit ganon, sa dream I call him Paolo, he had no face during dinner but when he kissed me si Marco nakita ko” kwento ni Joanna.

“Ano?! Si Marco?!” sigaw ni Jane at kinurot siya ni Jamie at sinenyasan para tumahimik. “Shwet! Are you sure si Paolo napanaginipan mo o si Marco?” tanong ni Jamie. “Paolo talaga sis, but nung kiss na si Marco nakita ko. Paolo talaga as in kasi nag uusap kami na how did he find me ganon. Di ko na maalala details pinipilit ko nalang alalahanin e” sabi ni Joanna. “Hmmm interesting dream, tamang tama yan ang topic namin sa subject ko e, dream interpretations. Sakto nga I have to ask all of you the dreams you cant forget e, ano gusto mo ilista ko yan?” tanong ni Jamie.

“Hindi yan, meron ako isang dream eversince bata ako na di ko makalimutan. Pero sis explain mo naman bakit ganon dream ko” sabi ni Joanna at napaisip si Jamie. “Hello! Student palang ako ng Psych, alangan na magmarunong ako no, sige ask ko professor ko pero uy sige na ano yung dream mo na di mo makalimutan? Si Jane nakuha ko na, si Angelo at Richard tapos na. Kayo nalang ni Marco” sabi ni Jamie.

“Ang dream ko, I am somewhere basta madamo e, napaka green ng surroundings tapos pag lingon ko may lalake na lumuhod bigla at hinawakan kamay ko at sinutoan ako ng singsing. Pero di ko makita face niya” kwento ni Joanna. “Yan ba rason bakit mo lagi tinitignan ring finger mo?” tanong ni bigla ni Jamie. “Ha?! Napansin mo yon? Hahaha oo sis grabe as in feeling ko laging may singsing don e eversince bata ako. Up to now ganon. Hahaha hala napansin mo pala” sabi ni Joanna at nagtawanan sila.

“Uy si Tonying” sabi bigla ni Jane at napatingin sina Joanna at Jamie sa may entrance. Nakita nila si Anthony papasok ng campus at parang binibida pa niya ang gate pass na nakuha niya. “Uy why is he here?” bulong ni Joanna. “Ah di ko nasabi pala he wants to ask you out for lunch” sabi ni Jamie at biglang sumama ang tingin ni Joanna sa kanya. “What are you trying to do? Diba I told you what happened? Bakit niyo ba pinipilit yan sa akin ulit e I am sticking with Paolo” bulong na pagalit ni Joanna. “E di just have a friendly lunch then, ito naman o sige na pupuntahan ko pa si Marco” sabi ni Jamie. “Ah sige sis I have something to do sa library” sabi ni Jane at naiwan si Joanna at nakarating narin si Anthony.

Pinuntahan ni Jamie si Marco na tamang tama sana palabas na ng exit, “Ei friend, spare me a moment naman o” sabi ng dalaga at biglang napatingin si Marco kay Joanna at kay Anthony. “Boyfriend ba niya yon?” tanong niya bigla. “Ah si Anthony yan, di niya boyfriend but lets say they are going to have lunch” sabi ni Jamie. “Ah okay, sige ano yon friend?” tanong ni Marco. “Hoy nandito ako, hahaha parang affected ka ata nakikita si Joanna na may kasamang lalake” sabi ni Jamie at napakamot ng ulo si Marco sabay tawa.

“Di naman, so ano yon friend upo ka kaya” sabi ni Marco at sabay sila naupo sa bench. “Ayun, I was taking the dreams of friends, yun dream na di mo talaga makalimutan ever since na dream mo. Para sa school work to kaya sana bigay mo dream mo” sabi ni Jamie at napaisip si Marco.

“Well I have had this dream eversince, I was in a field of flowers, I was looking for a ring inside a tulip, kasi doon ko tinago. Hanap ako ng hanap as in di ko siya mahanap. Nabuksan ko na lahat ng tulips pero wala talaga. Galit na galit na ako then may kumalabit sa akin. Paglingon ko it was a girl with no face, she was reaching her hand to me so I held it, at ayon suot niya yung ring na hinahanap ko” kwento ni Marco at natulala si Jamie.

“Bakit Jamie?” tanong ni Marco at natauhan si Jamie at napangiti. “Ah wala, okay teka sulat ko lang” sabi niya at nilabas niya ang notebook niya. Habang nagsusulat pinagmasdan ni Jamie si Marco, ang binata nakatingin lang sa malayo at nakasimangot. “It could have been you alam mo ba yon” sabi ni Jamie kaya napatingin sa kanya ang binata. “Ang alin?” tanong ni Marco. “Yung kasama ni Joanna naglunch” sabi ni Jamie at tumawa ang binata.

“Have you eaten?” tanong ni Marco. “Di pa, ikaw?” sagot ni Jamie. “Tara lets go have lunch” sabi ni Marco at nagulat si Jamie. “Sira, antayin ko nalang si Rich baka may masabi pa yung ibang makakita” sabi ng dalaga. “It could have been me you know” sabi bigla ni Marco at seryoso ang titig niya kay Jamie. Namula ang mga pisngi ni Jamie at tumingin sa malayo. “Wag kang ganyan loko ka” sabi ng dalaga at tumawa ng malakas si Marco. “Im just messing with your mind my friend, sige uwi na ako at wala na ako klase” sabi ni Marco sabay tawa. “Ikaw loko loko ka, akala ko shy type ka bumabanat ka din pala ng ganon” sabi ni Jamie. “So you know, I am shy at first, pag tumagal ang shyness ko sa isang tao that means I like them” paliwanag ni Marco.

“Malaman yon ha, so that means like mo si Joanna kasi up to now shy ka sa kanya” banat ni Jamie at ngumiti si Marco. “Wow fast learner ka ha, very good. Pero to clarify things, I just admire her period. Walang labis walang kulang” sabi ni Marco. “E bakit parang affected ka nung nakita mo sila kanina?” hirit ni Jamie. “Kasi ang gwapo ng kasama niya hmmm…pwede ipakilala mo ako sa guy na yon ahahay!” landi ni Marco at natawa bigla si Jamie. “Ikaw magseryoso ka nga, do you like her?” sabi ni Jamie.

Lumapit si Marco kay Jamie at tinitigan ito, “I like her but hanggang don lang, pero alam mo ang talagang gusto ko…may boyfriend na e…boyfriend niya pa kaibigan ko” sabi ni Marco at napanganga si Jamie at napaatras konti. “Nagpapatawa ka no?” sabi ng dalaga. “Hindi Jamie, ikaw talaga gusto ko” sabi ni Marco at biglang natawa si Richard sa likod ni Jamie. “Pare naman e bakit ka tumawa?” sabi ni Marco at tawa sila ng tawa. Si Jamie tumayo bigla at biglang sinuntok sa braso si Marco at Richard, “Kayo bwisit kayo! Wala na kayong magawang matino!” sigaw niya sabay nag walk out.

Dismissal nagpasama si Joanna kay Jane sa computer shop para magcheck ng e-mail. “Sis ano nangyari nung lunch?” tanong ni Jane. “Badtrip kayo, bakit kayo nagseset up ng ganon?” sumbat ni Joanna. “Bakit kasi? Lunch lang naman ah” sabi ng kaibigan niya. “If you are against me and Paolo sabihin niyo lang, wag kayo gagawa ng ganon porke alam niyo di ako makakatanggi” pagalit na sinabi ni Joanna. “Sorry then, di naman sadya e. Di naman kami against kay Paolo no. Naisip lang namin na baka nga maibalik ang love niyo ni Tonying” sabi ni Jane at tinignan siya ng masama ni Joanna.

Di sila nagusap ng ilang minuto at napansin ni Jane na nagbukas ng laro si Joanna. “Oh my don’t tell me naglalaro ka din ng Mafia?” sabi ni Jane. “Hindi, pinilit lang ako ni Paolo mag join para dagdag members. Pero lately gusto niya ako open tong game ewan ko bakit” sabi ni Joanna at pagkabukas ng laro at nabasa ni Jane ang nakasulat sa screen. “Someone sent you a gift, click here to see it” bigkas niya at agad naclick ni Joanna ang link.

Si Joanna napanganga at di maalis ang titig sa screen. “Wow, singsing na may diamond. From don Paolo, wow may ganyan pala diyan” sabi ni Jane pero si Joanna biglang niyakap ang kaibigan niya at nanggigil. “Ang sweet ng Papa Pao mo ha, pwede palang ganyan” sabi ulit ni Jane at tawa ng tawa si Joanna. “Kaya pala ang tagal niya na ako kinukilit open tong laro, hay grabe its so meaningful” drama ni Joanna at napahanga din si Jane kay Paolo.

“Teka teka meron pa siya nabanggit na isa, Buddypoke” sabi ni Joanna at agad niya binuksan ang isa pang laro at tuluyan siyang napatigil at namuo ang luha sa mga mata. Mga character nila sa laro naglalakad at magkahawak kamay at sa ilalim may nakasulat na mensahe na binasa ni Jane. “Kahit dito lang muna…” basa niya at tinignan niya ang kaibigan niya na tuluyan nang tumulo ang isang luha.

After dinner nahiga agad si Joanna sa kama niya at tinext si Paolo para tawagan siya. Ilang sandali lang nagring ang phone niya pero wala siyang masabi sa kausap niya. “Hello?” sabi ni Marco. “Hello? Hanna?” ulit ng binata at huminga ng malalim si Joanna at ngumiti. “Hi, nakita ko na yung Mafia ko at yung isa” sabi ng dalaga at natawa bigla si Marco. “Ay nakita mo na pala” tanging nasabi niya.

“Yeah, wala akong masabi nung nakita ko pero I want to ask you bakit yung singsing?” tanong ni Joanna. “Well sometimes may mga salitang di kayang sabihin, may mga pangarap na kaya pa ilahad. Pero ano nga ba ang symbol ng singsing? Yeah I know what you are thinking and parang ang bilis diba? Pero wag mo isipin yon, ang nais ko iparating sana sa iyo ay nagsimula tayo as wala, then naging like hanggang sa ngayon mahal na kita. Yang singsing nagpapahayag ng wagas na pagmamahal ko sa iyo at siyempre isang hangad na sana malampasan natin kung ano man meron tayo ngayon at oo suntok man sa buwan pero don nga napupunta ang pag ibig diba?” paliwanag ni Marco.

Kinilig sobra si Joanna at wala siya masabi, nautal siya sandali at binaon ang mukha sa unan para sumigaw. “Explain saan hahantong” sabi ni Joanna. “Siyempre sa araw na yang singsing na yan maging totoo at sinusuot ko sa daliri mo sa simbahan” sabi ni Marco at nilayo ni Joanna ang phone at biglang napatili. Tumawa si Marco at nagulat si Joanna, “Narinig mo yon?” tanong niya at tawa ng tawa yung binata.

“Wala na nahihiya na ako” sabi ng dalaga. “Sira okay lang, pero lahat ng sinabi ko totoo” sagot ni Marco. “Wow teka hirap ako huminga at magsalita” sabi ni Joanna. “Sige lang dito lang ako. “hindi, bakit parang di ka lumiliko today?” tanong ng dalaga. “Well you asked a direct question and wala naman point pa para lumiko kasi I really feel that way” sagot ng binata. “Pao…” sabi ni Joanna at napatigil nanaman si Marco. Natawa si Joanna at ilang sandali si Marco nakitawa narin. “Wag mo kasi ako bibiglain ng ganon” sabi ng binata.

“Speaking of rings, alam mo ba may dream ako eversince I was a child. Ewan ko nasan ako sa dream ko pero green lahat, grasses malago tapos may lumuhod na guy, face di ko makita at sinuot niya isang ring sa ring finger ko” kwento ni Joanna.

“Totoo ka?” tanong ni Marco. “Yup, kaya funny thing ever since bata ako alam mo ba I always look at my ring finger. Feeling ko kasi may singsing don pero wala naman pala. Kaya kanina nung nag open ako ng Mafia tapos nakita ko yung ring, grabe di mo lang alam pano lumukso ang puso ko. I should have opened it earlier pero still words cannot explain how much I feel talaga” sabi ni Joanna.

“Wait, alam mo I have this dream. Nasa parang lugar ako na madamo pero madaming bulaklak. I was looking for a ring hidden inside a Tulip. Di ko siya mahanap at galit na ako, alam ko tinago ko siya sa isang bulaklak don. Lahat na nabuksan ko pero di ko talaga mahanap. Then may kumalabit sa akin, paglingon ko babae na walang mukha, inabot yung kamay niya sa akin. At doon sa kamay niya nakasuot yung singsing na hinahanap ko” kwento ni Marco.

“Ano? Grabe…hala…parang connected yung dreams natin ha” sabi ni Joanna at natawa si Marco. “Oo nga e, nung kinukwento mo nga tumayo mga balahibo ko kasi parang…I mean sa dream ko ikaw kaya yon?” sabi ni Marco. “At sa dream ko ikaw yon” sabi ni Joanna at pareho sila tumawa. “Hala, grabe to ah, soul resonance talaga” sabi ng dalaga. “And look, both characters in our dream have no faces, it could be related kasi we never saw each other yet” dagdag ni Marco at lalo sila natuwa.

“Pao…alam ko madami tatawa about our situation pero hindi nila nararamdaman talaga mga feelings natin e. How I wish they could feel the same so maintindihan nila bakit tayo ganito” sabi ni Joanna. “Oo nga e, sasabihin nila Internet lang yan, or text lang yan pero who the hell are they to say that? They don’t know, sana sila ang nasa situation natin tignan ko lang kung di sila bumaliktad” pagalit na sabi ng binata.

“Oo nga e. Para kasing imposible or fairy tale of sorts but alam natin what we feel for each other is real right?” sabi ni Joanna. “Korek, at kahit na ganito tayo ngayon, the feelings are real, and we will really prove them wrong. Kumpara mo sa iba, magkakilala, laging nagkikita, but their relationship don’t last kasi akala nila magkakilala na sila e pero di pa pala. What we are doing getting to know each other further, just like now may nalaman ulit tayo about each other. As each day passes my love for you grows stronger” sabi ni Marco.

“Pao may gusto ako gawin” sabi ni Joanna. “Ano yon?” tanong ni Marco. “Hmmm I want to virtually sleep beside you tonight” sabi ng dalaga. “Ha? Bakit?” tanong ng binata. “Wala, I just want to know how you sleep, hear you breath, wala lang parang virtually magkasama tayo sa pagtulog” paliwanag ng dalaga.

“How are we going to do that?” tanong ni Marco. “Di ba ang tawag mapuputol after an hour? So we keep our phones on, kusa naman mapuputol ang tawag right?” sabi ni Joanna at nabilib si Marco. “Wow oo nga no, teka nahiya ako baka humilik ako nakakahiya naman” sabi niya pero di natawa si Joanna. “Pao kahit na, so kung pwede patayin mo tawag then call me again para sure one hour” hiling ng dalaga. “Yeah okay, wait” sabi ni Marco at biglang naputol ang tawag.

Muling nagring ang phone ni Joanna at inayos na niya ang pwesto niya sa kama. “Okay, tulog na tayo?” tanong ni Marco. “Yeah, iwan ko nakasuot headset ko, ikaw din sana” sabi ng dalaga. “Yes I will, feels weird but I like it” sabi ni Marco at inayos na niya ang pwesto nya at pinatay ang lampshade.

“Goodnight Hanna my love” sabi ni Marco. “Goodnight Pao, I love you” bawi ni Joanna.


“Kahit ganito muna…”

Thursday, September 10, 2009

Bertwal Chapter 15: Gibwi

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 15: Gibwi

Kinabukasan ay di mapakali si Marco, hindi siya kumain ng almusal at halos isang buong araw nang hindi tumutunog ang cellphone niya. Nagcheck siya online at nakita niya kahapon pa ang last na log in ni Hanna kaya sobra na siyang nag aalala. Hinawakan niya ang phone niya at gusto na magpadala ng text pero nagdalawang isip siya at naglakad lakad nalang sa labas ng bahay nila.

Di niya natiis at nagpadala siya ng isang text message kay Hanna saka bumalik sa bahay nila at nagkulong sa kwarto. Ala una ng hapon may natanggap siyang text mula kay Hanna at nanliwanag na muli ang kanyang mukha.

Hanna: Hi. Just Woke up. Musta?

Paolo: Ok lang. Wow just woke up?

Hanna: Yup, 3am na ako nakauwi e

Paolo: Wow super gimik ata yan ah

Hanna: Di naman I just had fun with friends

Paolo: Ah ok. Have you eaten?

Hanna: Just woke up nga diba?

Paolo: Ay sorry. Sige kain ka na muna

Hanna: Sige

Ang ngiti sa mukha ni Marco biglang nawala, kakaiba ang nararamdaman niya at bigla nalang siyang kinakabahan. Si Joanna bumangon na at nagtungo sa kusina, kakain na sana siya ngunit nagring ang telephone nila. Agad niya sinagot ang phone at si Jane ang nasa kabilang linya.

“Uy kagigising ko lang” sabi ni Joanna. “Uy, ikaw ha. Dali kwento na ano nangyari sa inyo ni Anthony. Uy memories” sabi ni Jane at natawa si Joanna at medyo kinikilig. “Ay grabe talaga sobra yung kahapon parang dream e, yung pagpasok ni Jamie after opening the door, with that super smile tapos si Anthony sa likod niya ay grabe parang lumukso puso ko sis” kwento ni Joanna at kinilig naman si Jane.

“E first love mo siya, at pangit naman yung pagkahiwalay niyo kasi dati e” sabi ni Jane. “Oy di naging kami ha. Yeah naging super close kami, at hello kung not for him e di ko na sana kayo nakilala no? Bruha naman na Jamie di man lang sinabi na dadating pinsan niya, ay grabe sis di ko alam” sabi ni Joanna. “Uy, uy, e kung di sila lumipat ng lugar? Ano sa tingin mo naging kayo kaya?” tanong ni Jane. “Malamang!” sagot ni Joanna at sabay sila tumawa.

“Dali na kwento ka na, wag madaya” sabi ni Jane at nahiga si Joanna sa sofa at ngumiti. “Wala naman kaya, we just talked, nagkwento siya about stuff at ako din. Nakwento ko what happened to me at he comforted me, talk talk talk” sabi ni Joanna. “Talk up to alas tres ganon? Aysus so ano nagspark ulet ba?” hirit ni Jane at tumawa si Joanna. “Di ko alam sis, sa totoo nakalimutan ko na siya e, pero nung nakita ko siya parang biglang bumalik lahat ng feelings e, pero wala” sabi ni Joanna.

“Whats holding you back? Si Marco? O don’t tell me si Paolo nanaman” sabi ni Jane. “Uy tawag ka nalang mamaya di pa ako kumain at gutom na ako ha” sagot ni Joanna. “O sige sige tawagan ko muna insan mo” biro ni Jane at tawa sila ng tawa. Pagkababa ng phone agad kumain si Joanna at talagang magulo ang isipan niya.

Pagkatapos maligo ni Joanna nagkulong siya sa kwarto niya at agad tinext si Paolo.

Hanna: Wassup?

Paolo: Uy, eto nakahiga lang

Hanna: Same but nagpapatuyo ng buhok

Paolo: Baka kulang tulog mo

Hanna: Nah, ano kumusta ka?

Paolo: Ok lang nga. E ikaw?

Hanna: Ok lang din

Paolo: Sige text mo nalang ako pag nasa mood ka na

Hanna: Anong pinagsasabi mo?

Paolo: Kahit di mo sabihin ramdam sa pagtext mo.

Hanna: May problema ba Pao?

Paolo: Wala, ikaw meron?

Hanna: Bakit ganyan ka?

Paolo: Ako? Ikaw kaya. Basahin mo nga mga text mo. Ganyan ka ba dati magtext?

Hanna: Sorry, baka puyat pa

Paolo: O baka kulang pa yang gimik mo at gusto mo pa

Hanna: Ano ba problema mo?

Paolo: Wala Hanna, pero ikaw meron ata

Hanna: Tawag ka nga

Huminga ng malalim si Marco at tinawagan si Joanna, “Hello” sabi niya. “O Hello, ano problema?” tanong ng dalaga. “Wala ako problema, ikaw meron ba?” tanong ni Marco at naiilang bigla sumagot si Joanna. “Wait, nagtatampo ka ba at di kita natext kahapon?” tanong ng dalaga. “Hindi naman, kasi I knew you were with your friends at ayaw ko naman maging epal no. And you said you were having fun diba?” banat ni Marco at nakakaramdam na ng guilt si Joanna.

“Bakit pag sinasabi mo yang parang may ibig kang ipahiwatig?” tanong ni Joanna. “Ha? Wala naman inuulit ko lang text mo, bakit defensive ka masyado?” bawi ni Marco. Naupo sa kama si Joanna at nagsimangot, “Are you jealous?” tanong niya bigla at natawa ang binata. “Jealous? Saan? Jealous because you had fun? Di ah, or jealous meaning someone to be jealous of? Ewan ko meron nga ba?” sabi ni Marco at halos di na makapagsalita si Joanna.

“Okay, I admit I am attracted to a guy, friend siya ng boyfriend ng friend ko. Alam mo yon parang crush lang pero hanggang don lang. You don’t have to worry kasi di naman niya ako nililigawan e. Normal lang naman ang ganon diba?” kwento ni Joanna at natawa si Marco. “Oo naman, ako din naman I do have crushes pero hanggang don lang naman. Pero yung mga kinokonek mo sa chat wala talaga honest” sabi ni Marco.

“Hmmm…so okay na?” tanong ni Joanna. “Wala naman talaga problema e, I just felt you had something in your chest na di mo masabi at ayan nasabi mo na so okay lang ako, ikaw?” sabi ni Marco. “Yeah I am okay, natatakot lang ako sabihin baka magalit ka e. At we had fun as a group naman no, baka iba iniisip mo or baka iba isipin mo pag sinabi ko” sabi ng dalaga at natawa si Marco. “Di ako ganon no, at least you had fun diba? Matagal mo narin di nagagawa yan with your friends” sabi ng binata.

Nakapag usap ang dalawa hanggang alas siyete ng gabi, kinailangan na ibaba ang mga phone pagkat kakain na sila ng dinner. Kahit na ganon di parin mapakali si Marco, halos di siya nakakain ng hapunan at napansin ng kapatid niya yon. “LQ ba kuya?” tanong ni Lianne. “Ah hindi naman, wala lang ako gana kumain” sabi ni Marco. “Buong umaga di ka nagtetext, himala yon, nag aaway ba kayo kuya?” kulit ni Lianne at natawa na si Marco. “Ate, nag usap kaya kami kanina lang” sabi ng binata. “Nag usap pero bakit ka ganyan? Pag nag uusap kayo masaya ka, bakit now hindi?” banat ni Lianne at napabuntong hininga nalang si Marco. “Wala to, sige na kumain ka nalang diyan” sabi niya.

Si Joanna konti lang nakain at agad nagkulong sa kwarto niya. Hindi siya mapakali at lakad ng lakad sa kwarto. Lumipas ang sampung minuto ay kinuha niya phone niya at nagtext at agad nahiga sa kama niya. Ilang sandali pa nagring na phone niya, huminga siya ng malalim at agad ito sinagot.

“Hi” sabi ni Joanna. “Wow, hi na ngayon di na hello” biro ni Marco. “Ah oo para naman maiba diba?” sabi ng dalaga. “Oo nga tulad ng araw na to kakaiba talaga” sabi ng binata at lalong sumama ang loob ng dalaga. “Busog ka? Kumusta ang clan members natin sa tyan mo?” tanong ni Marco at natawa konti ang dalaga. “Eto nagwewelga sila di kasi ako nakakain masyado” sabi ni Joanna.

“Ay nacheck mo na Mafia mo?” tanong ni Marco. “Ay di pa, di ako nag log in today e sorry” sabi ng dalaga. “Ah okay, dibale it can wait naman” sabi ng binata. “Inaantok ka na ata e” sabi ni Marco at huminga ng malalim si Joanna. “Hindi ah, nakaupo lang nga ako e, ikaw ano ginagawa mo?” tanong niya. “Wala naman mag online sana pero wala ka so eto kausap ka” sabi ng binata. “Ah tinatamad ako mag on ng PC e, hay pasukan nanaman bukas” sabi ng dalaga.

“Sinabi mo, buti di ka natatakot umuwi ng madaling araw” sabi ni Marco. “Di naman hinatid naman niya ako e” sabi ni Joanna at bigla siya natauhan pagkat nadulas ang dila niya. Tahimik si Marco at di maipinta ang mukha ni Joanna sa pagsisisi. “Ei, yesterday, I have to tell you now” sabi ni Joanna. “Ano yon?” sabi ni Marco.

“Kahapon, the cousin of my friend arrived” sabi ng dalaga. “Oh so what about the cousin?” tanong ni Marco. “First love ko siya” sabi ni Joanna at tahimik lang si Marco. “Hello?” sabi ng dalaga. “Oh sige nakikinig ako” sabi ni Marco. “First love pero hindi naging kami, they had to go away kasi so wala nangyari. Through him nakilala ko nga friends ko now. I really didn’t know dadating siya kahapon at nagulat ako” sabi ng dalaga.

“So he is the guy that you like?” tanong ni Marco. “Hindi iba siya” sabi ni Joanna. “So dalawa sila?” tanong ni Marco. “Oo magkaiba sila” sagot ng dalaga. “So yung first love mo naghatid sa iyo ng three in the morning?” tanong ng binata. “Yeah, he was just being a gentleman” sagot ni Joanna. “Ah okay” sabi ni Marco. “Uy, galit ka?” tanong ni Joanna. “Bakit ako magagalit?” tanong ni Marco. “Kasi you sound different e” sabi ng dalaga at tahimik lang si Marco.

“Oo I admit nagulat ako nung dumating siya. I forgot about him already sa tagal ng panahon pero I also admit na parang bumalik ang mga old feelings lalo na nung nag usap kami” kwento ni Joanna. “Hanggang three in the morning” banat ni Marco at di nakasagot si Joanna. “Hey don’t worry I know where I stand” sabi bigla ni Marco at nagulat ang dalaga.

“Ha? Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Joanna. “Ramdam ko kanina pang umaga na iba aura mo. Parang you have something deep inside that you want out. First love mo siya, pero naudlot nga ibigan niyo but sabi mo all the old feelings came back yesterday. I know where I stand, ayaw ko naman masira yung nasimulan niyo na noon at nanumbalik kahapon. So para di ka na mahirapan I will give way” sabi ni Marco.

Pinalo ni Joanna ang ulo niya at namuo na ang mga luha sa mga mata niya, “Pao, wait” sabi ng dalaga. “Hindi Hanna, kanina ko pa nararamdaman, you kept on pushing me away since this morning. Nung hapon you pushed me back again, then now again. Naiintindihan kita, magulo isip mo. At least that guy kilala mo na and you had started something before already. May feelings na nabuo na at nagspark ulit kahapon. So I understand don’t worry”

“Pero wag mo iisipin na di kita mahal. I love you but ayaw ko nakikita kang nahihirapan na ganyan. To make your decision easier bibitaw nalang ako at mag give way. Ayan to make your decision easier. Para di masama sa loob mo kasalanan ko nalang, ako nalang bibitaw” sabi ni Marco at di makapagsalita si Joanna pagkat tuloy tuloy na ang pagtulo ng luha sa mukha niya.

Pinatay ni Marco ang telepono niya at nahiga sa kama at pinipigilan ang mga luha na tumulo sa mukha niya. Kahit anong paikot ikot niya sa kama ng gabing yon di matanggal ang sakit sa puso na nararamdaman niya.

Kinabukasan di natiis ni Marco magpadala ng text kay Joanna, “Good Morning” lang nakasulat. Si Joanna papasok na sa University at may lungkot sa kanyang mukha. “Good Morning” din bawi niya sabay tinago na ang telepono niya. Buong araw wala sa mood ang dalawa sa klase nila. Sina Jane at Jamie nag aalala para sa kaibigan nila samantalang sina Angelo at Richard di man lang nasilayan ang anino ng kaibigan nila tuwing break time.

Maaga umuwi si Joanna pagkat masama talaga ang loob niya. Sa kwarto niya nagkulong siya at sa computer humarap. Nakita niya online si Tinitron pero di niya magawang kausapin ito. Si Marco naman nakita din online si Bettyfly at kahit ayaw niya pansinin sana di niya ito matiis.

Tinitron: Hi

Bettyfly: Hi

Tinitron: Musta?

Bettyfly: Ano sa tingin mo?

Tinitron: Diba mas madali pag decision mo sa ginawa ko?

Bettyfly: Hindi

Tinitron: Mas maganda nang ganon, isipin mo nalang ako may sala

Bettyfly: Tawagan mo ako now

Tinitron: Okay wait


Masama parin ang loob ni Marco ngunit agad niya tinawagan si Joanna. “Hello” sabi ng binata. “Wait, shutdown PC” sabi ng dalaga kaya pati si Marco pinatay ang computer niya. Pagkatapos ng ilang sandali nahiga si Joanna sa kama niya at humingang malalim. “Hello” sabi niya. “Namiss kita ah” sabi ni Marco. “Namiss din naman kita” sagot ng dalaga. “Di ka na nagtetext, sana man lang kahit ganito sana tulad ng dati” sabi ng binata.

“Ang bilis mo bumitaw” sabi ni Joanna at napasimangot si Marco at nahiga sa kama niya. “E kasi naman nahihirapan ka e, ayaw ko ng ganon ka so para mas madali nag give way ako nalang pero it does not mean di kita mahal. Ayaw lang kita pahirapan” paliwanag ni Marco at nainis si Joanna.

“Oo we talked, oo up to three in the morning pero gusto mo malaman ano pinag usapan namin?” tanong ni Joanna. “You don’t have to tell me” sabi ni Marco. “I told him I was in love with you, oo ikaw pinag usapan namin. I told him about us. Oo may old feelings pero agad ko tinimbang mga feelings ko for him and you. The more we talked about you the more I missed you at nawawala ulit feelings ko for him. Mas matimbang ka, I was doubting my choice yesterday, gusto ko sabihin sana sa iyo pero inunahan mo na ako bumitaw ka agad” kwento ni Joanna.

“Ha? Oh my I am sorry kasi feeling ko hirap ka magdecide at parang tuliro ka e” sabi ni Marco. “Oo I was and I am sorry, kasi naman minsan nararamdaman ko parin na hanging ako sa ere sa iyo, pero mahal kita. I was thinking of my choice, kung tama ba ako o mali. Alam ko tama, pero yun nga minsan naiiwan ako sa ere, sasabihin ko sana talaga sa iyo pero bumitaw ka e. Pero okay na, naintindihan kita, and I appreciate what you did pero wag kang bibitaw Pao…”

“I chose you”

Wednesday, September 9, 2009

Bertwal Chapter 14: Konek

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 14: Konek

Dalawang lingo ang lumipas at maagang nagkachat sina Joanna at Marco, nagsimula sila ng alas singko ng umaga at tatlong oras na sila magkachat sa computer.

Tinitron: Sige na kasi check mo yung Mafia mo

Bettyfly: Sus ayaw ko nga laruin e, bakit ba kanina mo pa ako kinukulit?

Tinitron: Sige log in lang tapos check mo

Bettyfly: Wait may phone call…brb


Pagkatapos ng limang minuto

Bettyfly: Ei am back. Niyayaya ako ng friends ko lumabas

Tinitron: Sige lang go lang. Sabado naman today e

Bettyfly: E pano ikaw?

Tinitron: What do you mean? Okay lang ako no may text naman

Bettyfly: Hay, ano kaya sabihin ko no nalang

Tinitron: Ikaw. Okay lang talaga no madami pang araw

Bettyfly: Sure ka?

Tinitron: Yup sure ako don’t worry. Text text nalang

Bettyfly: O sige then ligo na ako. Text nalang

Tinitron: Okay sige. Ingat


Pinatay ni Marco ang computer at sa totoo masama ang loob niya. Gusto pa sana niya makausap si Hanna pero di lang niya masabi. Nahiga siya sa kama habang nag aantay ng text ni Hanna ngunit nagring ang phone niya. “Hello” sabi niya. “Pare, wag kang tatanggi today, tara kina Jamie daw sabi ni Richard at get together lang” sabi ni Angelo. Napaisip si Marco at dahil wala din si Hanna ay agad siya pumayag. “Sure ka pare?” tanong ni Angelo. “Para kang siraulo, nag oo na nga tapos magdududa ka pa” sagot ni Marco. “Hahaha sensya na pre akala ko kasi irarason mo nanaman si Hanna” sabi ng kaibigan niya. “Ah may lakad din siya today so okay lang, sige kita kita tayo sa school at may isosoli ako sa library” sabi ni Marco at pinatay na niya phone niya.

Pagkatapos magsoli ng libro sa library nagtungo na sina Angelo at Marco sa bahay nina Jamie. Late sila pero tamang tama para sa pananghalian. Pagkapasok nila sa pinto nakita nila ang mga girls nakaupo sa sofa at si Richard inaayos ang DVD. “Uy pasok kayo, sige take a seat” sabi ni Jamie. Si Marco na nasa pinto palang agad naupo sa sahig kaya biglang sumabog sa katatawanan ang girls. Si Joanna pinakamatindi ang tawa kaya napakamot nalang si Marco at napayuko ang ulo. “Hahaha loko loko wag sa sahig, dito o madami upuan, grabe ka naman” sabi ni Jamie kaya tumayo ulit si Marco at naupo malapit sa sofa.

“Ten minutes pa daw bago maluto food so eto o cookies muna” alok ni Jamie. Kumuha si Marco at lahat nakatingin sa kanya, tila nahiya siya kaya nilapit niya yung cookie sa bunganga niya sabay tinignan ito. “Hello hello” bulong niya tila kinakausap ang pagkain at muling sumabog sa katatawanan si Joanna. Nahawa ang iba at tawa sila ng tawa ngunit ang dalawang lalake ay ngumingisi nalang. “Hay naku masanay na kayo diyan kay Marco, may konting sayad yan” sabi ni Richard at napasimangot si Marco at agad nilaro ang mga labi niya. “Di naman, blu blu blu blu blu slight” bulong ni Marco at talagang di mapigilan ang pagkatawa ng mga girls.

Kumain na sila ng lunch at lahat nakatutok kay Marco pagkat nag aabang ulit sila ng kakaibang gagawin niya. Nakayuko lang si Marco at tahimik na kumakain kaya natigil na ang mga babae sa pagbantay sa kanya. Biglang tumigil si Marco at lahat napatingin sa kanya, kinuha niya ang kutsara sabay kunwari naghihigop ng sabay. Ang ingay ingay niyang humigop at pabalik balik ang kutsara niya sa walang laman na bowl niya. “Pare ano hinihigop mo?” tanong ni Richard. “Wala nga e, di ko abot yung soup” bulong ni Marco at imbes na may mag abot ng sopas ay muli sila nagtawanan.

Nang natapos ang lahat dinala na sa mesa ng kasambahay nina Jamie ang dessert, Chocolate Mousse at biglang nanglali ang mga mata ni Marco at lahat ulit napatingin sa kanya. Bagsak ang panga ng binata at nakatitig lang sa dessert, bigla niya tinuro ng dalawang kamay ang pagkain sabay pumalakpak, “I want choooooo” bulong niya tila kinakausap ang dessert, matinding tawanan ang naganap pero patuloy ang pagturo ni Marco sabay palakpak hanggang binigyan siya ng isang serving ni Jane. Tinaas ni Marco ang kilay niya sabay titig kay Jane kaya naglagay ulit ng isa ang dalaga at ngumiti si Marco. “Youre my new bespren” sabi niya sabay kain agad.

Walang makakain sa kanila ng dessert pagkat si Marco tuloy sa pag acting niya. Sumubo siya ng isa at pagsara ng bunganga niya nangingig nginig pa siya sa sarap. Sa sumunod na subo dinuling ni Marco ang mga mata niya at halos maiyak na ang lahat sa kapapanood sa kanya. Si Joanna pinipilit sumubo pero tuwing napapatingin kay Marco ay natatawa kaya sipa siya ng sipa. “Wag kasi favorite ko to e” sabi ng dalaga pero si Marco ayaw magpaawat.

After lunch nagsama sama ang mga babae habang ang boys ay inutusan nila bumili ng mga makakain para sa hapon. “Okay si Marco ano?” sabi bigla ni Joanna at nagulat yung dalawa. “Uy, I smell something peshe” biro ni Jane at ngumiti si Joanna. “No, I was just saying. Ang galing niya magpatawa no?” hirit niya. “O siya siya ikaw pambato namin mamaya sa charades, sure win tayo kasi panay drama ibabanat natin” sabi ni Jamie at nagtawanan sila. “Sure talo tayo kasi pag action at suspense movies e, kaya naluto na tong bunutan” sabi ni Jane. “Bakit ano ba punishment ng talo?” tanong ni Joanna. “Well maglilibre sa labas ng eat all you can ulet, take note ha each. Kaya iba yung libre ni Rich, iba yung kay Angelo at iba kay Marco” sabi ni Jamie.

Pagbalik ng boys may nilabas si Jamie na dalawang maliit na whiteboard sabay markers, “O kung sino ang pambato siya lang sasagot at isusulat ang sagot dito sa whiteboard. No coaching ha. Take turns tayo lahat dito. Bubunot tapos iaacting ng kalaban tapos yung may hawak lang ng whiteboard ang pwede manghula. Ganon ang rules, may reklamo?” sabi ni Jamie at game naman ang mga boys.

Nagsimula ang laro at agad nakakalamang ang mga babae ngunit di nila inaasahan na nakakasagot lagi si Marco. Pagkatapos ng isang oras tambak ang boys, “O pano yan suko na kayo? 12 na kami kayo 3 palang” sabi ni Jamie. “E luto e, panay drama at love story, dapat patas naman” sabi ni Richard. “Sore losers o, tanggapin niyo na kasi” sabi ni Jane. “Pag patas sige tanggap pero pag may daya ay siyempre hindi” sabi ni Angelo.

“Fine, sige kung gusto niyo ganito nalang. Since si Marco lang nakakasagot siya lang lalaban pero si Joanna ang lalaban para sa amin. Tapos tayo ang mga mag act, o ano payag?” tanong ni Jamie at nagkatinginan ang boys sabay pumayag sila. “First to 30 then” sabi ni Richard at pumayag ang mga girls.

“At wag lang drama” hirit ni Angelo at nagtinginan ang mga girls. “Okay lang” sabi ni Joanna kaya gumawa ulit sila ng pagbubunutan at agad nagsimula ang mga laro. Isang oras lumipas ay humabol na ang mga boys. “25 all! Yes!!! O pano yan ha, first to 30 diba?” asar ni Angelo at tahimik lang ang mga girls. “Drama ulet lahat!” sabi ni Jamie at nagreklamo si Richard. “Okay lang” sabi bigla ni Marco at nagulat ang mga boys.

Nagtuloy ang laro at pagkalipas ng trenta minutos ay 29 all ang score, ang boys ang huhula kaya nagsasaya na sila pagkat pag nakuha ni Marco ang sagot panalo na sila. Nakasimangot na nag acting ang mga girls, nagtatalunan na sina Angelo at Richard pagkat napakadali yung sagot. May sinulat si Marco sa whiteboard at pagkatapos ng time limit ay pinakita niya ang sagot. “Row Row Row your Boat?!!!” basa ni Angelo at nagtawanan ang mga girls. “Pare ang dali non Titanic!!! Hello?!!!” sigaw ni Richard at napangiti lang si Marco at binura ang sagot niya.

Nakuha ni Joanna ang next answer kaya panalo ang mga babae, galit sina Angelo at Richard at talagang sinisisi si Marco. “Gentleman nga e, masisikmura niyo magpalibre sa babae?” sabi ni Marco at natahimik ang lahat. Sina Jamie at Jane nagtungo sa kusina para maghanda ng meryenda habang ang dalawang boys walang maisagot sa sinabi ng kaibigan nila kaya humarap nalang sa telebisyon.

Naiwan sina Marco at Joanna kung saan napangiti ang dalaga sa kanya. May sinulat siya sa whiteboard at pinakita niya kay Marco. “TY” nakalagay at ngumiti si Marco at nagsulat din. “YW” bawi niya at nagtawanan sila saglit. Muling nagsulat si Joanna at pinakita kay Marco.

Joanna: ATM!

Marco: Say what?

Joanna: Ang Takaw Mo!

Sulat ni Joanna at tawa siya ng tawa at napakamot nalang si Marco. Nasilip ni Jane ang dalawa at agad hinila si Jamie. “Uy tignan mo yung dalawa o, parang mga baliw at gamit yung whiteboard na naguusap” bulong niya at pinanood nila yung dalawa at nagtawanan sila. “Hayaan mo sila, diyan nagsisimula yan diba?” bulong ni Jamie at nag appear pa ang dalawa.

Marco: ITOTKO!

Joanna: Ano yan?

Marco: It Takes One To Know One!

Joanna: Lol! Fave ko Choco Mousse e

Marco: M2!

Joanna: Really?

Marco: Yes. YP!

Joanna: YP?

Marco: Youre pretty…matakaw


Biglang sumabog sa kakatawanan si Joanna kaya lahat napatingin sa kanya, si Marco pasimple at mukhang inosente at pangiti ngiti lang.

Joanna: YH!

Marco: Handsome?

Joanna: Youre Hansama ng ugali!

Marco: Sorry

Joanna: Uy joke lang no

Marco: Alam ko tinetesting ko lang skills mo


Muling natawa si Joanna ngunit lumapit na yung iba para sila ay magsabay magmeryenda. Isang oras din nagkwentuhan at kumain ang grupo, mga babae todo asar sa mga boys sa nahahandang panlilibre nila.

Malapit na ang dinner at napatingin si Marco sa relo at phone niya, nagsulat siya sa whiteboard sabay pinakita kay Joanna. “ANA” basa ng dalaga at agad siya nagsulat ng sagot. “WP” basa ni Marco at huminga siya ng malalim at muling tinignan ang phone niya at walang mensaheng dumating. “SME” sulat niya at napangiti si Joanna.

Nung hapunan napansin ng iba na magkatabi sa dining table sina Marco at Joanna, nagkatinginan nalang yung iba pero di nila tinukso ang dalawa. Pagkatapos kumain napatingin nanaman si Marco sa relo niya at halatang di siya mapakali. Nanood ang grupo ng DVD at pinulot bigla ng binata ang whiteboard. Nakapwesto sina Joanna at Marco sa may likuran kaya di sila nakikita ng iba.

Marco: GTG

Joanna: Problem?

Marco: SAPK

Joanna: ano?

Marco: Strict ang parents ko


Biglang tumawa ng malakas ang dalaga kaya napalingon ang lahat sa kanila. “Ano ginagawa niyo?” tanong ni Jamie. “Kailangan na daw umalis ni Marco” sabi ni Joanna. “Ay sige lang, next time ulit” sabi ni Jamie kaya nagpaalam na si Marco pero muli niya pinulot ang whiteboard at nagsulat. Pinakita niya ang sinulat niya kay Joanna, “CK” basa ng dalaga at napangiti siya. Halos di makapagsulat si Joanna sa board pero pinilit niya. “CDK” bawi niya at napakamot si Marco at nagsulat. “CKD?” sulat niya at napaisip ang dalaga. “Uy ano yan?” tukso bigla ni Angelo at inagaw nila ang mga whiteboard at nakita ang mga nakasulat.

Tumayo na si Marco at nagpalusot ang dalawang boys na ihahatid siya sa kanto. Pagkalabas nila agad lumapit ang dalawang babae kay Joanna at ininterview siya. “Uy, ano yon?” tanong ni Jane at super ngiti si Joanna. “He wrote CK” sabi niya. “Anong CK?” tanong ni Jamie. “Crush kita ata” sabi ni Joanna at sabay sabay sila kinilig at nagtawanan. “Hala bakit hindi kayo nagsasalita? Bakit dinadaan pa sa sulat?” tanong ni Jane. “Ewan ko ba pero at least kahit papano nagkonek kami diba?” sabi ni Joanna.

“E pano na si Papa Pao?” tanong ni Jamie at napatigil si Joanna. “Bakit? Wala naman nangyari ah” sabi ni Joanna. “O kahit na, pero uy Marco” tukso ni Jane at super ngiti lang si Joanna. “Ayan na sinasabi namin sa iyo e, Paolo ay bertwal, si Marco ay reality, o saan ka pa?” sabi ni Jamie. Huminga ng malalim si Joanna at napaisip, ngumiti siya at sumandal sa upuan. “They both can make me laugh pero I really like Paolo, talagang mabait siya at feel ko good guy siya. Si Marco naman, hay…di ko pa siya kilala pero oo I admit may physical attraction” sabi ni Joanna.

“Pero alam mo natanong ko kay Rich one time bakit tahimik si Marco. Sabi niya ganon talaga yon na mahiyain at di niya kaya tumingin sa babae lalo na sa type daw niya. Uy, Marco can stare us in the eye with Jane pero pansin namin di ka niya kaya titigan sa mata. Uy” sabi ni Jamie at kinikilig si Joanna. “So? Di manligaw siya kung type niya ako” sabi ni Joanna at lalo siya tinukso.

“Uy, pano kung ligawan ka niya talaga? O sige nga? Pano si Papa Pao?” tanong ni Jane at natahimik si Joanna. “Pwede ba wag natin pag usapan yan kasi Marco wont do it kasi mahiyain nga siya e. At hello di ko pa alam kung nice guy siya like Paolo” sabi ni Joanna. “Okay, what if he is a nice guy like Paolo then? O sige nga? Paolo si virtual, Marco is real. O sige nga what if niligawan ka niya tapos okay pala siya like Paolo? What then?” tanong ni Jamie at napaisip ng matindi si Joanna at tinignan ang mga kaigiban niya. “Ah…di ko alam…pero…hindi ko alam…hindi ko alam” sabi nalang ni Joanna. Tumunog ang doorbell kaya agad pumunta si Jamie para tignan sino yon, si Joanna tulala at malalim ang iniisip.

Sa malapit na kanto napatigil sa store ang mga boys pagkat bumili sa store ng yosi sina Richard at Angelo. “Pare parang nagkokonek kayo ni Joanna ah” sabi ni Rich sabay sindi sa yosi. “Di pare, bored lang ako” sabi ni Marco. “Wushu, e ano yung CK CK na yon, e diba crush kita?” biro ni Angelo at natawa si Marco. “Yun akala niya, kaya siguro siya sumagot ng CDK, kaya sabi ko dapat CKD” sabi ni Marco sabay tawa. “Bakit pare ano ba yung ibig sabihin ng CK?” tanong ni Angelo. “Ano pa e di Corny Ka, ahaha di naman sadya pero pang asar lang dapat” paliwanag ni Marco at natawa yung dalawa.

“Pero pare ayan na o halos umamin na type ka din niya. O go na” sabi ni Richard pero napangisi si Marco. “Oo nga pare, crush din kita, yiheee o ligawa mo na type mo din naman diba?” sabi ni Angelo. “Hmmm di rin, okay siya pero wala lang” sabi ni Marco. “Aysus pare o, wag mo na kami bolahin, wag ka na mahiya, ayan na nga e pare ano pa inaantay mo? Yung Hanna mo?” tanong ni Richard at napatingin si Marco sa buwan.

“Di siya nagtext buong araw, kumusta na kaya siya? Miss ko na siya. Tawagan ko sana pero nakakahiya naman baka sabihin niya disturbance ako” sabi ni Marco sabay tingin sa mga kaibigan niya. “Alam ko iniisip niyo, tanga na kung tanga pero siya nagpatibok ng puso ko kaya siya ang hahanapin ko”

“Sasabihin niyo palay na nga lumalapit bakit di ko pa tukain, well di ako manok at busog ang puso ko. So mauna na ako sa inyo baka bigla siya mag online or magtext” sabi ni Marco at umalis na siya.

Nang medyo nakalayo biglang nag chicken dance si Marco at tawa ng tawa yung dalawa. “Bwok bwok bwok bwok bwok twitwilaok! Shwet di ko bagay, told you di ako manok. Sige mga pre!”