sk6

Thursday, September 3, 2009

Bertwal Chapter 10: Ako

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 10: Ako

Katatapos ng preliminary examinations ay nagtambay si Jane sa bahay ni Joanna at pareho sila nakaharap sa computer. “Ay sis alam mo ba gumawa kami ni Pao ng Facebook account namin, pero siyempre no details at no friends” sabi ni Joanna at natawa si Jane. “Ayos, so dalawa lang kayo mag friends? How sweet” sabi ni Jane at napasimangot ang kaibigan niya.

“Di e, ibroadcast ba niya sa account niya kaya ang dami niyang friends…na BABAE!!!” sabi ni Joanna at tawa ng tawa si Jane. “Uy selos ka naman” sabi ni Jane. “Huh! Bumawi ako at lookie lookie, I have 100 friends agad, lalake pa lahat huh!” sabi ni Joanna.

“Sis, what if lang ha, kasi may deal kayo…lets say nakahanap siya ng iba. So pano na kayo?” tanong ni Jane at napasimangot si Joanna at napasandal sa upuan. Tahimik lang yung dalaga at napatingin sa friends list ni Paolo. “Kasi sis sa totoo lang ha, parang kayo na di ko maintindihan e. Lagi mo kausap sa phone pati sa school. Lagi mo katext, di pa nagsawa nakachat pa kayo tapos eto pa?” hirit ni Jane.

“Hay sis, di ko din alam e. I like him, he seems like a great guy. May times na parang he likes me too. May mga nasasabi siya pero lagi lumiliko e. Para bang di ko alam e. Parang oo na hindi. I don’t know sis, pero oo nga may deal kami, if he really likes me sana too e di sana napag usapan na namin yung deal diba?” sabi ni Joanna at tahimik lang si Jane.

“Oy look nag quiz siya o, the letter of the one who secretly loves you, uy J nakuha niya o” sabi ni Jane at pagtingin ni Joanna ay bigla siyang natuwa at tumawa ng malakas. “Hahaha J nakuha niya, Paolo ako yan!!! Hahaha magaling magaling tong quiz na to!” sigaw ni Joanna sa tuwa at talagang kinikilig siya. “Oy sis masyado ka na ha” sabi ni Jane at tawa parin ng tawa si Joanna.

Nagtype si Joanna sa keyboard at tawa parin siya ng tawa. Binasa ni Jane ang sinulat niyang comment at bigla natawa. “Dinoktor mo yan e? Sigurado ka?” tanong ni Jane. “Oo malay mo diba baka dinoktor niya yung sagot” sabi ni Joanna at tawa ng tawa si Jane. “Sis, hello! Ikaw si Hanna e di dapat H diba? Oh J nakuha niya tapos sasabihin mo doktor, e di inaamin mo na J start ng real name mo diba?” sabi ni Jane at nagulat si Joanna at natauhan. “Oh Shwet! Oo nga no, wait wait delete ko ay grabe oo nga” sabi ni Joanna at natuliro siya sa pagpipindot pero biglang may sagot si Paolo.

“Hala! Online pala siya sis! Dali basahin mo sinabi niya!” sabi ni Jane at parang di makahinga si Joanna at dahan dahan binasa yung sagot ni Paolo.

“Di ko dinoktor yan, ilang beses ko nga take yung quiz talagang J lumalabas e. Its not the letter I was hoping for” basa ni Joanna at bigla siyang tumayo at sumigaw ng malakas. “Ay grabeeeeeeeeeee!!! Gusto niya ng H!!! Pao!! Tama yung nakuha mo!!!” sigaw ni Joanna at tawa nalang ng tawa si Jane sa inaasta ng kaibigan niya.

Naupo muli si Joanna at nagtype, “Ah, teka try ko nga din tong quiz” sinulat niya at sinubukan din niya yung quiz. Pagkatapos magsasagot si Joanna ay lumabas na ang resulta at napasimangot siya. “Ay hindi siya P, bakit A?” tanong niya at napaisip din si Jane. “Baka si Angelo?” sabi ni Jane at lalong napasimangot si Joanna. “Sheesh, Angelo? No offense pero M nalang if ever” sabi ni Joanna at bigla siya tinukso ni Jane. “Uy Marco, uy” sabi ni Jane at natawa konti si Joanna pero nag alala sa nakuha niyang letra sa quiz.

Tahimik sa kwarto ni Marco at nakita niya ang resulta ng quiz ni Hanna. Agad may nagreply na lalake doon, “Baka ako yan, Anthony ako e” basa niya ng malakas sabay huminga ng malalim. “Baka ikaw your face!” sigaw ni Marco at bigla siya kinalbit ni Lianne. “Oy nagpapaapekto ka sa mga quizzes na yan, di totoo yan no” sabi ng kapatid niya at napangiti nalang si Marco. “Ano gusto mo makuha niya letter M? Sus, ay P pala Paolo diba? Hay kuya you are so makitid sa utak, grow up” sermon ni Lianne at tawa ng tawa si Marco kaya pinatay nalang ang computer niya at nahiga sa kama.

Nakihiga sa tabi ng kuya niya si Lianne at tinignan ang kuya. “You like her kuya?” tanong ni Lianne. “Anong pinagsasabi mo?” sagot ni Marco. “Be honest kuya, di naman ako kokontra e” sabi ng bunso. “Well she seems to be nice naman, at parang nagkokonek kami sa madaming bagay. Oo alam ko internet lang yan pero I can feel that she is a really good person” sabi ni Marco. “Kuya what if she is ugly?” tanong ni Lianne.

“Lianne, I told you, if you let your eyes choose then you are making a mistake. If that beauty fades then will your love fade with it? Tignan mo ito, kami di nagkikita, we just chat, text and yes we talk. The heart feels something and tells you that it likes the other person. Yan ang mahirap mawala Lianne, pag puso tumibok kahit anong hahadlang pa it wont matter” paliwanag ni Marco.
“Pag naging kayo swerte siya kasi gwapo ka” banat ni Lianne sabay tawa. “Lianne! Kasasabi ko sa iyo diba?” sabi ni Marco. “I was just saying kuya” hirit ng bunso. “Lianne, Hanna or whatever her real name is, is a wonderful person. Siguro kahit sumanib pa siya sa puno magkakagusto parin ako sa punong yon. Sumanib man siya sa pating go parin ako, kahit magkalasog lasog pa katawan ko basta siya yon gusto ko parin siya. Naiintindihan mo ba sinasabi ko?” tanong ni Marco at tawa ng tawa si Lianne at ilang sandali natawa narin si Marco.

“Kuya may deal kayo diba? So pano yan? What if she finds someone else? Kasi nga diba di mo rin magpredict e” tanong ni Lianne. “Well ko din naman naisip na magkakaganito nung umpisa e, so I just have to accept it pag ganon” sabi ni Marco. “Eh? Lets say kuya nagtagal pa kayong ganyan tapos nainlove ka na talaga sa kanya pero sa real life niya nakahanap na pala siya ng mamahalin, so pano ka na?” tanong ng bunso.

“If I love her already? Tapos she found someone else to love? I can still love her naman even if don’t have her. Porke di mo siya kapiling di mo na siya pwede mahalin? Pwede parin, love has no boundaries, pero oo may respeto but kahit na di kami I can still love her. Choice ko na siguro if I still want to show her I do, or tatahimik nalang ako pero mamahalin ko parin siya” sabi ni Marco at natulala lang si Lianne at napangiti sa kuya niya.

“Pero kuya you would wish na ikaw nalang sana” sabi ni Lianne at napangiti si Marco. “Siyempre naman, pero nga sabi ko if ever okay lang” sagot ni Marco. “Pero sana ikaw nalang” kulit ni Lianne. “Oo na oo na” sabi ng binata at niyakap ang kapatid niya. “Ikaw ang kulit kulit mo, akala ko ba ikaw ang ate ko at mas matured ka sa akin? Ha?” sabi ni Marco. “Kuya, you should take the hadlang down. Kitang kita na napapasaya ka niya, at bilang babae ha, di ako mag spend time na makatext, makachat o makausap ang isang guy pag di ko siya type. May hadlang, so take it down kuya” sabi ni Lianne at super napangiti si Marco. “Opo ate” sagot niya at nagtawanan silang dalawa.

Bandang hapon nakaidlip si Marco sa salas nang ginising siya ni Lianne, “Kuya naka dalawang tunog na phone mo baka si labs mo na yan” sabi ng bunso at agad bumangon si Marco at kinuha ang phone niya sa lamesa. “Kanina pa ba?” tanong ni Marco. “Yung isa ngayon ngayon lang, yung isa siguro ten minutes ago” sabi ni Lianne at napasimangot si Marco pero agad niya binasa ang mga mensahe sa phone.

Hanna: Hi! Wassup?

Hanna: Ay baka busy ka, later then!

Paolo: Hi, sorry di nakareply agad may ginawa lang kanina

Hanna: Tulog?

Paolo: Hahahaha pero gising na

Hanna: Baka gusto mo pa matulog okay lang

Paolo: Di na. Kumusta?

Hanna: Eto bored at home. Umuwi na friend ko.

Paolo: Ahem ahem…boyfriend?

Hanna: Selos?

Paolo: Hahahaha sira di ah. Uy boyfriend.

Hanna: Baliw! Bawal lalake dito magagalit si mama. Girlfriend, bestfriend

Paolo: Ah okay

Hanna: Bakit kasi pag lalake?

Paolo: Wala no. I was just teasing you.

Hanna: Ah okay. So sino si J? uy. Secretly loves you o…J?

Paolo: Ewan ko, wala naman ata.

Hanna: Asus, uy uy J o. Hmmm Jessica?

Paolo: Sus wala no. Bakit pwede bang Janna?

“Shet!!! Oh Shett!! Bakit ko natext yon?” sigaw ni Marco sabay tumayo at huminga ng malalim. Nilapag niya ang phone niya at inaantay niya tumunog ito pero medyo natagalan. Nagpunta siya sa kusina at nanay at kapatid niya nakatingin sa kanya. Kumuha siya ng baso at nagtungo sa ref. Binuksan niya ang refrigerator at kinuha ang pitsel ng juice. Nagbalik siya sa sofa at uminom pagkat saktong tumunog ang telepono niya.

“Marco bakit mo niref tong baso?” tanong ng mommy niya at pagtingin ni Marco sa hawak niya, yung pitsel ang pinag iinuman niya. Natawa bigla ang binata at natuliro. “Ah pinapalamig ko yan para pagkakapehan ko po mamaya” palusot ni Marco at tawa ng tawa si Lianne. Agad binasa ni Marco ang mensahe sa phone niya at muling napainom sa pitsel.

Hanna: Janna? So ano naman yung letter na winiwish mo makuha?

Paolo: Ahahaha joke lang no

Hanna: Ah Joke? Ok payn

Paolo: Ito talaga o seryoso masyado

Hanna: Eesh ayaw ko mangulit so change topic

Paolo: E ikaw, uy A o, uy!

Hanna: Harhar wala akong kilalang A na guy

Paolo: E babae meron?

Hanna: Meron, e ano ngayon?

Paolo: O malay mo nga diba, someone secretly loves you

Hanna: Babae?

Paolo: O so? Uso naman no, ahahaha

Hanna: Excuse me di ako tibo o lesbian

Paolo: Sorry naman. Nagbibiro lang. Pero uy A o

Hanna: Wala nga ako kilalang A sabi e!

Paolo: Meron!

Hanna: Sino naman?

Paolo: A-ko

Nanigas si Marco sa natext niya, sa isang kamay hawak niya phone niya at sa isa hawak yung pitsel ng juice. Huminga siya ng malalim at inaantay ang sagot ni Hanna. Di mapakali si Marco at di siya makapaniwala na nagawa niya yon, tumayo siya at nagpunta sa kusina at nilapag ang pitsel. “O bakit para kang tulala?” tanong ni Lianne. “Ha? Sis napaaga ata ang pag giba sa hadlang” sabi ni Marco na parang robot. “Ano?” tanong ni Lianne pero muling tumunog ang telepono niya.

“Tawag ka nga” bigkas ni Marco at huminga ng malalim si Marco. Tumakbo siya papunta sa kwarto niya at agad sinara ang pinto. Sa kabilang dako si Joanna ay dir in mapakali at lakad ng lakad sa kwarto niya, di rin siya makapaniwala sa kanyang nabasa. Nagring ang telepono niya pero di niya ito agad sinagot, nahiga siya sa kama niya at nanginginig ang kamay niya. Dinampot niya ang phone niya at huminga ng malalim sabay pumikit at sinagot ito.

“Hello” sabi ni Joanna at tahimik sa kabilang linya. “Hello?” ulit niya at narinig niya ang parang bulong na hello ni Marco. “Hoy! Pabulong bulong ka diyan. Ano yung sinabi mo?” tanong ni Joanna. “Alin?” tanong ni Marco. “Sus, wag kang liliko ngayon! Ano sinabi mo kanina?” tanong ng dalaga at narinig niyang tumatawa si Marco.

“Hindi ka sasagot ng maayos? Hmmm?” tanong ni Joanna at tumigil si Marco. “Kamay mo nasa baywang na?” tanong niya. “Oo! Yung dalawa!” sagot ng dalaga. “E pano mo nahahawakan yang phone mo?” hirit ni Marco at natawa konti si Joanna pero nagmatigas. “May headset ako! Ano sasagot ka o hindi?” banat niya at narinig niya huminga ng malalim si Marco. “Ask the specific question and I will answer accordingly” banat niya at nainis si Joanna.

“Fine! May ebidensya dito, so ang tanong ko is it true?” tanong ni Joanna. “Wait, baka liliko ka nanaman e, I took the who secretly loves you quiz, I got A” sabi ni Joanna pero biglang sumingit si Marco. “Oo alam ko sinabi ko, Ako” sabi niya at bigla silang tumahimik. Halos isang minuto na tanging mga hininga ang naririnig nila, ngunit si Joanna mukha niya nakabaon sa unan at nagsisigaw at sipa ng sipa sa tuwa.

“Is it true?” tanong bigla ni Joanna at si Marco huminga ng malalim at di mapakali. “Ah wait, if you change one word then oo totoo” sabi ni Marco at nagtaka si Joanna. “Change one word?” tanong niya. “Yeah, kasi look, we have been talking to each other for a short period of time, we barely know each other sa totoo dahil nga may hadlang. Pero if you change the love to like then yes, I admit I like you” sabi ni Marco at muling binaon ni Joanna ang mukha niya sa unan at nagsisigaw.

“Ah let me explain, its too early to say…ah yun…love…but like fits perfectly. Yes I do like you and ayun, to be honest yes I do like you very much” sabi ni Marco at super ngiti si Joanna. “Why?” tanging nasagot niya pagkat sobra pa siyang kinikilig. Si Marco hirap huminga pero di rin matanggal ang ngiti sa mukha.

“Ah, well oo may deal tayo, hadlang kung tawagin pero ikaw, you are a very wonderful person. May substance ka, I mean okay kang kausap. Madami tayong in common, you make me laugh and I do like making you laugh. Basta kahit ganito ang situation I can tell that okay ka, that you are a wonderful person. You don’t fail to make me smile daily. Kaya ayun I like you very much” sabi ni Marco.

“Like?” tanong ni Joanna. “Yeah, for now. Teka di ako mafeeling ha but siyempre may nabuo na akong feelings, there is a wish na sana it goes beyond like diba? I am speaking for myself, oo like muna, lets take it slow and get to know each other more and maybe…malay mo nga diba? Pag daan ng panahon ay malay mo yung like mapalitan na sa…you know” paliwanag ni Marco at tuluyan nang nagwala si Joanna at din a talaga mapakali.

“Ahmmm…yung sa iyo nakuha mo is J right?” tanong ni Joanna. “Oo nga e, wishing for H sana” umamin si Marco. “No, tama lang” sabi ni Joanna at nagulat si Marco. “Ha? Ano ibig mo sabihin?” tanong ng binata. “J…as in JAKO” sabi ng dalaga at bigla sila nagtawanan saglit at sabay natahimik. Napabomba ang kamay ni Marco sa hangin at muntik na siya malaglag sa kama sa tuwa. “Jikaw?” tanong ni Marco at tumawa si Joanna. “Yeah, Jako…I mean…ako…I like you very much” amin ng dalaga at halos sabay pa sila huminga ng malalim. “Why?” tanong din ni Marco. “Same reasons that you said, yun din sasabihin ko pero naunahan mo lang ako” banat ni Joanna at nagtawanan sila.

“Pero seriously Pao, I like you very much” sabi ng dalaga. “Wow, I like you and you like me…pero may deal tayo…may barrier” sabi ng binata. “Yeah, maybe we can…ah..” sabi ni Joanna. “Tear the wall down?” tanong ni Marco. “Yeah pero like you said…slowly?” sabi ni Joanna. “Yeah yeah, tama, lets take it slow and lets see kung saan tayo umabot but I do like you very much honestly” sabi ni Marco. “Me too” bulong ni Joanna at natahimik ang dalawa.

“Hahaha. Parang naging awkward bigla sa big revelations…deep breath tayo” sabi ni Marco at sabay sila huminga ng malalim. “Sana walang awkwardness, tulad ng dati, okay? So like how we started, lets remove the awkwardness” sabi ni Marco. “Okay, hello again?” sabi ni Joanna.

“Hello again”