sk6

Wednesday, September 2, 2009

Bertwal Chapter 9: Panalangin

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 9: Panalangin

Tatlong linggo lumipas at busy si Joanna sa pagbabasa sa screen ng computer. “Sis ano ba ginagawa mo tara at nandon na daw sila” sabi ni Jane. “Teka lang sis nagbabasa pa ako e” sabi ni Joanna. “Ano ba kasi yan? Anong site yan?” tanong ni Jane.

“Plurk, basta parang chatroom, pwede ka mag open ng topics…shhh…” paliwanag ni Joanna. “E ano ginagawa mo ba? Bakit ka nagbabasa?” tanong ni Jane. “Nagnininja ako wag kang maingay” sagot ng dalaga. “Ninja? Napaka weird mo na talaga” sabi ni Jane at biglang kinilig si Joanna at para siyang bulateng nabudburan ng asin na tumatawa mag isa.

“O bakit nanaman?” tanong ni Jane sabay tinuro ni Joanna ang screen. “Yung topic niya o, PANALANGIN” sabi ni Joanna at di siya mapakali sa inuupuan niya. “Yung kanta?” tanong ni Jane at binuksan ni Joanna ang topic at nabasa nila ang laman. “Oo sis, yung kanta o” sagot ni Joanna. “O bakit yung kanta?” tanong ni Jane. “Wulah lang, basta basta…hay grabe” sagot ni Joanna at di na matanggal ang ngiti sa mukha niya.

“Sis tara na kasi nandon na sila nag aantay” kulit ni Jane at parang nanigas ang mga kamay ni Joanna sa keyboard. “Wait wait…di ko alam isasagot ko” sabi niya. “isasagot? Mamaya na pag uwi mo kasi, tara na” sabi ni Jane. Di na sumagot si Joanna pero nag scroll down sa topic at may nabasa siya. “Maling Akala…maling akala?” bigkas ni Joanna at napatingin si Jane sa inis sa screen. Tumayo bigla si Joanna at nagdabog, “Tara nga nga, maling akala pala eeesh” sabi ni Joanna at nalilito na si Jane. “O ano naman ngayon?” tanong ng kaibigan niya. “Basta tara na” pagalit na sinabi ni Joanna at nagbayad na sila sa counter.

Sa isang videoke bar nakatambay sa isang kwarto sina Jamie, Richard, Angelo at Marco at wala naman kumakanta sa kanila. “Ang tagal naman nila kasi e, pero alam niyo ang galing kumanta ni Joanna” sabi ni Jamie. “Ano ba kasi nakain mo Richy boy at dito tayo?” tanong ni Angelo at napailing si Rich sabay turo sa girlfriend niya. “Wala lang bonding, tapos gusto ko marinig niyo si Joanna kumanta” sabi ni Jamie.

Napatingin si Marco sa relo niya at huminga ng malalim. “Guys malapit na ako aalis, may lakad kami ng family” sabi niya. “Tsk nakakainis naman kasi yung dalawa e, okay lang Marco may next time naman” sabi ni Jamie. “Hoy pre, kumanta ka nalang kaya” sabi ni Angelo bigla. Ngumiti lang si Marco at tinanggihan ang microphone. “Past is past pare, kayo nalang” sabi ni Marco.

“Oh? Kumakanta ka?” tanong ni Jamie. “Dati yon, ngayon di na” sabi ni Marco at nang napatingin siya kay Richard ay parang napilitan ang binata. “O sige na nga, pero isa lang” sabi ni Marco at kinuha niya ang microphone. Namili si Marco sa directory habang si Jamie napatingin sa boyfriend niya, “he really sings?” tanong niya. “Oo kaya, siya vocalist namin nung may banda kami. Ewan ko diyan bigla tumigil nung…you know” sabi ni Richard at biglang lumiwanag mukha ni Marco at nagpipindot.

Tumayo si Marco at huminga ng malalim, napatingin ang lahat sa screen at natawa si Angelo bigla. “Panalangin?” tanong niya at ngumiti si Marco. “Ahem ahem, sensya na wala ako sa practice, pakapalan na ng mukha to” sabi ng binata at nagtawanan sila lahat.

“Panalangin ko sa habang buhay makapiling ka, makasama ka, yan ang panalangin kooooo…” kanta ni Marco at gulat na gulat si Jamie at nanigas siya bigla at natulala. “Sabi sa iyo e” bulong ni Richard. “OH shet ang ganda ng boses niya” sabi ni Jamie at game na game pang kumakanta si Marco with actions na ikinatutuwa ni Angelo.

Pagkatapos ng kanta tinignan ni Marco ang relo niya at binaba ang microphone. Si Jamie parang starstuck at nakatitig lang kay Marco. “I have to go” sabi ni ng binata at tumayo din si Angelo. “Ako din pala” sabi niya. “Uy isa pang kanta” sabi ni Jamie at napangiti nalang si Marco. “Sorry, e may lakad kami, next time promise ko” sabi ni Marco at umalis na sila ni Angelo.

Sa entrance ng Videoke bar saktong dumating sina Jane at Joanna, nagkita sila at nagngitian lang. “Kanina pa nila kayo inaantay” sabi ni Angelo kaya nagmadali ang dalawang dalagang pumasok. Sa labas nakita ni Marco ang fishball stand at agad siya dumiretso doon, “Oy akala ko may lakad ka?” tanong ni Angelo. “Oo saglit lang, tara pre libre kita” sabi ng binata at kumain sila.

Sa loob ng videoke ay tulala parin si Jamie nang pumasok sina Jane at Joanna. “Uy, grabe di niyo naabutan ang galing pala ni Marco kumanta” sabi ni Jamie at naupo si Joanna at agad kinuha ang mikropono. “Ow? Talaga lang ha” sabi niya at agad nagpipindot sa directory. Tumawa si Jane at si Jamie, “Ayaw talaga magpatalo pagdating sa kantahan” sabi ni Jane at biglang tumayo si Joanna at lahat napatingin sa screen. Biglang nagulat ang magsyota nang makita ang title ng kanta. “O bakit?” tanong ni Joanna. “Wala sige kanta na” sabi ni Jamie.

“Panalanganin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka yan ang panalangin koooo…” kanta ni Joanna at mula sa labas yung dalawang binata na kumakain ay napatigil at napatingin sa isang bintana ng building. “wow pare o may kumanta din ng panalangin” sabi ni Angelo at napangiti si Marco. “Ganda ng boses niya” sabi ni Marco at bigla narin siyang napasabay sa pagkanta. “Pumasok ka nalang kaya at mag duet kayo nung kumakanta” sabi ni Angelo pero tuloy lang sa pagkanta si Marco habang naglalakad nang palayo.

Late na nakauwi ang pamilya ni Marco, matapos niya siguraduhin sarado ang lahat ng pinto at bintana umakyat na siya sa kwarto niya at sinindi ang computer. Nagbihis siya at nabasa ang isang text galing kay Hanna. “OL ka?” bigkas niya kaya imbes na sagutin ay humarap siya agad sa computer at binuksan ang browser.

Unang nakita niya ang topic ni Bettyfly, “Panalangin?” tanong niya sa sarili niya at napangiti siya.

Bettyfly: PANALANGIN (Topic)

Tinitron: Panalangin ko sa habang buhay…makapiling ka..makasama ka

Bettyfly: Yan ang panalangin ko…

Tinitron: Shooobidobidooowaaaaaahhh!!!

Bettyfly: Hahahaha sira napatawa mo ako

Tinitron: E ganon naman sila kumanta diba?

Bettyfly: Uy di ka man lang magreply sa text

Tinitron: Sorry busy ako kanina. May topic din akong ganito kanina umaga ah

Bettyfly: Alam ko. Nice song

Tinitron: Yup, ganda talaga

Bettyfly: Maling Akala?

Tinitron: HA? Ah yon, ahahaha fave ko din ang E-heads e

Bettyfly: Ah okay

Tinitron: Busy ka ba?

Bettyfly: Hindi. Why?

Tinitron: Ah wala naman. Musta?

Bettyfly: Ah, okay lang naman. Pagod

Tinitron: Ah sige rest ka na may pasok ka ata bukas. Ako wala hahahaha

Bettyfly: Buti ka pa. Sige Goodnight

Tinitron: Goodnight Sleepwell shoobidobidooowaaaahhhhh!!!

Napangiti saglit sabay agsimangot si Joanna at imbes na patayin ang computer ay nagbasa pa siya ng mga lumang topics ni Tinitron. “Manhid ka talaga, hmp! Sino ba kasi siya ha?” sabi niya sa sarili niya at tinitignan niya ang mga topics at nagmamasid hanggang sa tuluyan nang inantok. Pagsilip sa orasan umaga na, nakita na niya ang last topic ni Tinitron na nagpapaalam na para matulog kaya pinatay na niya ang computer at nahiga na sa kanyang kama.

Kinabukasan late nagising si Joanna, pumasok sa kwarto niya ang mommy niya at pilit siyang pinapabangon. “Wala ka bang pasok?” tanong ng mommy niya. Bumangon si Joanna at napatingin sa oras, “Wala po ma” sinungaling niya. “O sige na bangon na at kain ka na sa baba” sabi ng mommy nya sabay labas ng kwarto.

Bumaba si Joanna at humarap sa mesa, matamlay siya sa umagang yon at kahit dala niya phone niya di niya ito pinapansin. Di maipinta ang mukha niya at napakabagal niyang kumain. “Anak okay ka lang ba?” tanong ng mommy niya. “Okay lang po” sagot ni Joanna pero di naniniwala ang nanay niya. “Asus LQ sila ni Paolo o” asar ng mommy niya at lalong kumunot ang noo ng dalaga. “Bakit LQ e di naman kami diba? At madami naman siyang kachat e, madaming madaming babae” sabi ni Joanna at natawa ang nanay niya. “Uy affected…selos ba yan?” hirit ng nanay niya at di na sumagot si Joanna.

Tumunog bigla ang phone niya at agad niya ito dinampot at binasa. Napangiti si Joanna at natawa muli ang nanay niya. “Isang text mo lang limot ko na” kanta ng nanay niya at tawa ng tawa ang mag ina.

Paolo: Good Morning. In school?

Hanna: Good Morning Pao! Nope at home

Paolo: HA? Late ka na

Hanna: I know. Kaya yan

Paolo: Hala! Overslept?

Hanna: Yeah puyat e

Paolo: Ha? Bakit e an gaga mo nag goodnight ah

Hanna: Basta, so wassup?

Paolo: Tsk bakit ganyan Hanna?

Hanna: Relax wala naman gagawin kasi katatapos ng major quizzes

Paolo: Kahit na, diba may usapan tayo about school issues

Hanna: Sorry

Paolo: Wala kayo talaga gagawin?

Hanna: Oo wala

Paolo: Okay, have you eaten?

Hanna: Just finished. Ikaw ano gawa mo?

Paolo: Wala nga e. Ikaw?

Hanna: Busy ka?

Paolo: Hindi, tawagan kita?

Hanna: Hay kagabi ko pa inaantay na sasabihin mo yan.

Paolo: Ha? Sorry akala ko inantok ka na e. At alam mo naman mahiyain ako at manhid

Hanna: Alam mo naman na gusto ko din e.

Paolo: Okay next time

Hanna: So di ka tatawag now?

Paolo: Hahahaha tatawag na po

Hanna: Game!

Tumayo agad si Joanna at sumubo pa konti at nagmadaling umakyat sa kwarto niya. “Hoy Paola hugasan mo tong pinagkainan mo!” sabi ng mommy niya. “Ma, utang muna kaw muna please love you” sagot ni Joanna at agad nagkulong sa kwarto. Napakamot nalang mommy niya at muling kumanta. “Isang text mo lang limot ko naaa” birit ng ina at nagulat si Ruby. “Ate may text mate ka din?” tanong niya at natawa ang nanay ni Joanna.

Nagdive si Joanna sa kama niya at nagring narin ang telepono niya. Agad niya ito sinagot at huminga ng malalim. “Hello?” sabi niya. “Hi, musta na?” tanong ni Marco at sa sandaling yon sabay muli silang napangiti. “Okay lang, ikaw?” sagot ng dalaga. “Eto bored sa bahay, wishing may pasok kanina pero masaya na kausap na kita e” banat ni Marco at nilayo bigla ni Joanna ang phone at biglang kinilig.

“Hello? Hello? Still there?” tanong ni Marco. Huminga ng malalim si Joanna at sumagot, “Ay oo, network problem siguro” sabi niya. “Ah oo nga lately medyo bad yung network. Anyway wag ka na mag aabsent next time ha?” sabi ni Marco. “Oo promise lang na to” sabi ni Joanna. “Oo I will make sure last mo na” sabi ni Marco. “Ow? Pano mo naman gagawin yon?” tanong ng dalaga.

“The next time alam kong may pasok ka I will force you to go to school” sabi ng binata. “At pag ayaw ko hmmm?” tanong ni Joanna at biglang natawa si Marco. “Wait, pag nagsasabi ka ng hmmm tumataas ba kilay mo?” tanong ng binata at biglang tumawa si Joanna. “Hahaha pano mo nalaman?” tanong ng dalaga.

“Well lagi mo nasasabi yan at medyo naadapt ko at tumataas kilay ko e” sabi ni Marco at tawa ng tawa si Joanna. “Kulang pa yon” sabi ni Joanna. “Oo alam ko, ilalagay mo kamay mo sa baywang mo ano? Sabay hmmm!” kwento ni Marco at sumabog sa katatawa ang dalaga.

Nang mahimasmasan si Joanna ay huminga siya ng malalim at naging seryoso. “O dali sagot na” sabi niya agad. “Ano? Anong tanong?” sabi ni Marco. “Aysus liko moves, akala mo maliliko mo ako ha, game sagot na” sabi ni Joanna. “Hahaha okay, well next time alam ko may pasok ka tapos may balak ka mag absent ay di kita kakausapin or itetext” sabi ng binata at natahimik si Joanna. “Fine” sabi niya at nagpanic si Marco at biglang napaupo sa kama.

“Ei wait, ang ibig ko lang sabihin is that important ang pumasok” sabi ni Marco. “I know, ngayon lang naman to e” paliwanag ni Joanna. “Okay I am sorry” sabi ng binata. “Papasok na talaga ako pero wag now, wag ka lang mawawala hmm?” banat ni Joanna at natameme si Marco pero napangiti siya.

“Anyway, yung kagabi, Panalangin, kantahin mo nga” sabi ni Joanna at tumawa si Marco. “Wait you owe me a song diba? Ikaw kaya kumanta” sagot ng binata. “I asked you first, so sige na kanta na” sabi ni Joanna. “Hahaha madaya ka, duet gusto mo?” alok ni Marco. “Hmmm sige pero ikaw muna nahihiya ako e” sabi ni Joanna. “Okay, pero konti lang ha” sabi ng binata. “Buo gusto ko” sagot ng dalaga.

Nag ayos si Marco ng pwesto at huminga ng malalim. “Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka yan ang panalangin ko..” kanta niya at napatigil siya pagkat naririnig niya na sumasabay si Joanna. “Uy Hanna you are singing” sabi ni Marco. “Shhh sige na tuloy mo na sasabay ako” sabi ng dalaga. “Okay ah, duet game” sabi ni Marco.

“Panalangin ko sa hagang buhay makapiling ka” kanta ni Marco. “Makasama ka” kanta ni Joanna at sabay nila kinanta “Yan ang panalangin ko..” at nagtawanan sila. “At hindi papayag ang pusong ito, mawala ka sa aking piling…”sabay nila kinanta ulit pero biglang tumigil si Marco. “Oh bakit ka tumigil?” tanong ni Joanna.

“Ano na ba kasi susunod don?” tanong ni Marco at napangiti si Joanna. “Mahal ko iyong dinggin” bigkas ni Joanna. “Ay oo tama, sige nga ikaw magtuloy” sabi ni Marco at tumawa si Joanna. “Game sabay ulit tayo, walang tigilan na ha hmmm?” sabi ni Joanna at natawa ang binata.

“Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka, yan ang panalangin ko. At hindi papayag ang pusong ito, na mawala ka, sa aking piling…mahal ko iyong dinggin. At wala nang iba pang mas mahalaga, sa tamis ng dulot ng pag ibig nating dalawa. At sana naman ay nakikinig ka, kapag aking sasabihin…” kanta nilang sabay at sabay din silang napatigil at nagtawanan.

“O game na ulet ulet, serious na to” sabi ni Marco. “Serious na talaga” sagot ni Joanna. “Ano?” tanong ni Marco. “Sige na kanta na kasi hmmm” banat ng dalaga. “Game!” sabi ni Marco.

“Panalangin…”


(Paalala sa mga namimirata...tigil niyo na yan. Dito niyo nalang basahin.. Link nalang ipasa niyo. Kung may makita pa ako kayo na magtuloy ng kwento)