sk6

Sunday, September 6, 2009

Bertwal Chapter 13: Hokage Battle

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 13: Hokage Battle

Ilang araw ang lumipas at lalong napalapit sa isat isa sina Bettyfly at Tinitron. Mula chat, text at tawag lagi sila nagkakausap ngunit isang gabi nagbago ang ihip ng hangin.

Habang nakikipagchat si Marco sa ibang babae nayayamot siya pagkat di pa online si Bettyfly. Di rin sumasagot si Hanna sa text kaya tuloy lang ang pag aantay ng binata at nakikipag usap sa ibang kaibigan sa chat. Ilang minuto lumipas ay biglang may new topic at nagulat si Tinitron at si Bettyfly may gawa nito. “Sus!?” bigkas niya at napakamot siya.

Tinitron: Hi! Private plurk to ah, bakit ganyan title mo? Sus?

Bettyfly: E gusto ko e

Tinitron: Ei ano problema? Buti naman nag online ka. Kanina pa kita inaantay

Bettyfly: Kanina pa ako online!

Tinitron: Ha? E bakit di ka nagrereply sa mga threads ko?

Bettyfly: Sus!

Tinitron: Hala to. Bakit ano problema?

Bettyfly: Ayaw ko umepal e. Sige tuloy mo na pagchat niyo

Tinitron: Uy grabe ka naman. Friend ko lang yan. Alam mo naman na friendly ako e

Bettyfly: Sus! Sige na deplurk na ako. Go ahead chat with her na

Tinitron: Wag ka naman ganyan. Kaibigan ko lang siya. Ikaw lang mahalaga sa akin

Bettyfly: Sus! Ang saya niyo nga e. Sige na go na

Tinitron: Uy hindi na o basahin mo nagpaalam na ako sa kanya

Bettyfly: Sus! E yung iba wala pa? Antayin mo sila. Sige na out na ako

Tinitron: Its Five not Four nga e

Bettyfly: Ano yan?

Tinitron: Ah basta, saka na yan

Bettyfly: Sus sige na bye

Tinitron: Hanna naman. Wag ka naman ganyan o

Tinitron: Still there?

Tinitron: Sige out narin ako


Problemado si Marco at agad niya pinatay ang computer niya at nahiga sa kama. Imbes na itext si Hanna ay agad niya ito tinawagan. Di sinasagot ni Joanna ang phone niya, busy siyang nagbabasa ng mga thread ni Tinitron at lalo lang sumasakit dibdib niya sa mga nababasa niya. Naka ilang ulit ang pagring ng telepono niya at sa inis sinagot na niya ito.

“Hello?” sabi ni Marco at tahimik lang si Joanna. “Uy ano ba problema? Tell me” sabi ng binata. “Sus, bakit ka tumawag tapos na ba kayo magchat?” sabi ni Joanna at natawa si Marco. “Grabe ka naman, nakipagchat lang ako sa kanya kasi wala ka, di ka sumasagot sa text e nahihiya naman ako tumawag” sabi ng binata. “E ngayon tumawag ka naman ah, di ka na nahihiya ganon?” sumbat ni Joanna.

“Hanna naman e, ano problema? Alam mo ikaw lang naman mahalaga sa akin e” sabi ni Marco. “Talaga? E pano na si Miss Sundae mo? Yung promise mo itreat mo ng Sundae? O tapos bawat thread niya agad ka nagrereply ng smiley papansin ka” sabi ni Joanna at tumawa si Marco. “Uy nagninja siya o” sabi ng binata. “Ano? Sagot!” banat ni Joanna. “Grabe ka sige nga basahin mo mga sagutan namin, kokonti lang naman ah. Palitan lang ng smileys ha. Tapos yung Sundae grabe tagal na non at as if naman totoo yon parang biruan lang no” paliwanag ng binata.

“At Hanna before mga yan, I stopped na chatting much since I said that…you know. Alam mo naman ako loyal ako, kaya wag mo na problemahin mga yan” sabi ng binata. “Pao ang dami e, o eto pa isa o isa sagot ng sagot sa threads mo o. Twinitwon pa tawag sa iyo nagpapacute o” sabi ni Joanna at tumawa ng malakas si Marco. “Sus wala yan, ilang araw ko palang nakilala, ewan ko ba diyan sagot ng sagot pero sige basahin mo mga chat namin wala naman ah” sabi ni Marco.

“Fine pero itong isa, parang close na close talaga kayo ha. At ang tagal niyo na nagchachat” hirit ni Joanna. “Oo aminin ko pero sige basahin mo panay biruan lang naman at lokohan. If you want di wag na ako magchat, ikaw nalang kausapin ko” sabi ni Marco. “Wag naman kawawa naman friends mo!” diin ni Joanna.

“Well if chatting witht them will be a problem for us then stop ako, alam mo naman na ayaw ko masaktan mahal ko e” sabi ng binata at napangiti si Joanna at tuluyan nang pinatay ang computer niya. “Ano sabi mo?” tanong ni Joanna. “Uy nagbibingian o, gusto lang ipaulit sinabi ko” sagot ni Marco at tumawa si Joanna.

“Di ko talaga narinig e, ano yon?” tanong ng dalaga. “Ah..eh..ih..oh..ooh” banat ni Marco at sabay sila tumawa. “Akala mo ikaw lang ang ninja ha, hokage ata tong kausap mo” sabi ni Marco. “O sige nga ano naninja mo naman?” hamon ni Joanna. “Ahem ahem, si Boy Flute, oooh amazed na amazed ka siyang kachat” sabi ni Marco at tumawa si Joanna. “Wala yon no, echeng lang yon at wala ka kasi noon o ano?” sumbat ng dalaga.

“O sige, then si Boy Dancer, o sige nga” sabi ni Marco at nagulat si Joanna pagkat ang tagal na noon. “Oy grabe ka ang tagal na noon ha…teka nasa pc ka ba?” tanong ng dalaga. “Hindi nakahiga na ako” sabi ni Marco at nahiga narin si Joanna. “E pano mo alam yon?” tanong niya. “Sus ninja din ako, lahat ng threads mo binabasa ko, big reveal ha, oo mula noon pa. Not to spy naman pero to know more about you. Alam ko naman siguro di lahat napag uusapan natin, wala lang. Parang pag nakikita ko name mo natutuwa na ako, tapos inaaral ko pano ka sumagot tapos nagpupulot ng details about you ganon” paliwanag ni Marco at super ngiti si Joanna.

“O sige nga ano naman naaral mo?” tanong ng dalaga. “Marami, like you never told me you play the flute, you never told me you like to play games, tapos yung type of music you like. Nababasa ko mga titles so I download them and listen to them. Pag ganon somehow I feel I can understand you better. The movies you like I watch them too, at ayon parang additional info lang naman para lalo kita makilala” kwento ni Marco at niyakap na ni Joanna ang unan niya.

“Pao…” sabi ni Joanna at napatigil muli ang binata. “Hello?” sabi ni Joanna at natawa si Marco. “Wag kasi ganon, I told you I freeze when you do that” sabi ng binata at tumawa si Joanna. “I love you” bigkas ni Joanna ng napakahina at napakabilis, “Ha? Ano sabi mo?” tanong ni Marco at tawa ng tawa ang dalaga. “I love you” ulit niya pero mas mabilis ngayon pero tumawa si Marco. “Ha! You may have used you ultra speed whisper technique once at di ako ready pero gumamit na ako ng super hearing jutsu ahaha big mistake at nakahanda ako sa second attack mo!” sabi ng binata at nagulat si Joanna at tawa ng tawa.

“Narinig mo?” tanong ng dalaga. “Hahaha oo naman, and I love you too” sagot ni Marco at kinilig si Joanna at tawa ng tawa. “Grabe binilisan ko na nga at hininaan pa e” sabi ng dalaga. “So you know may super hearing ako hahaha pero magaling magaling at sa una nadali mo ako ng power mo” sabi ni Marco at tawa ng tawa yung dalawa.

“Ay wait, teka saksak ko charger…mabilis lang to. Kasi isa lang saksakan nito e, saksak mo muna charger then saksak mo headset, wait lang” sabi ni Marco. “I love you Pao” bigkas ni Joanna ng normal. “I heard that!” sigaw ni Marco at nagulat ang dalaga at super sigaw. Ilang sandali pa bumalik si Marco at tumawa, “Akala ko di nakakabit headset mo?” tanong ni Joanna. “Oo nga pero I kept my phone close to my ear alam ko kasi babanatan mo ako ng power mo e” sabi ng binata at nahiya bigla si Joanna.

“Maghanda ka at one of these days ipapatikim ko sa iyo ang mga power ko. You wont expect it coming maniwala ka” banta ni Marco. “Hmp bring it!” sagot ni Joanna at muli silang nagtawanan. Ilang oras sila nag usap sa phone tila di nauubusan ng kwento. Ngunit kahit walang pasok kinabukasan ay bibigay din ang katawan kaya dahil sa antok silay tumigil.

Kinabukasan ng hapon ay magkachat online ang dalawa at pinipilit ni Marco si Joanna na maglaro ng Mafia.

Tinitron: Sige na maglaro ka, kahit accept mo lang tapos wag mo na laruin

Bettyfly: E di ko alam yan e

Tinitron: Sige na, kahit one job lang tapos wala na. Para dumami members ko

Bettyfly: Sige wait

Tinitron: Uy thanks ha

Bettyfly: O yan na accept ko na

Tinitron: Ayun oo nakita ko na. Salamat talaga ha

Bettyfly: Sure no probs basta ikaw

Tinitron: Ah oo nga eto pa, may note ako sa profile, para sa iyo

Bettyfly: Ha? Note?

Tinitron: Yup, it’s a poem for you

Bettyfly: Talaga? Nasan siya

Tinitron: Sa notes tignan mo

Bettyfly: sige wait basa mode

Tinitron: sige dito lang me


Pinasok ni Joanna ang profile ni Paolo at nakita na niya at tula, natawa siya sandali dahil napaka makata nito ngunit habang binabasa niya bigla siya napapatahimik at napapangiti.

HANNA

Nang ipipikit ko na sana ang aking mga mata
Upang wakasan ang araw kong nagkulang sa sigla
Isang kakaibang talulot ang dumapo sa aking kamay
Galing sa isang bulaklak na di ko pa nakita sa aking buhay


Mahiwagang talulot sa aking kamay bigla ako kinausap
Sa gabing madilim at ang buwan sumisilip sa mga ulap
Akoy nakinig, nabighani at sa gulat akoy napangiti
Isang gawain na tila nakalimutan na ng aking mga labi


Sa dumaan na mga araw siyay aking nakasama
Talulot dumami at mas lalo ko sya nakilala
Ngunit isang hiwaga na aking ipinagtataka
Parang siya ay ako, at ako ay siya


Mula sa ugali at mga hilig kami magkapareha
Hanggang sa pag iisip kamiy nagtutugma
Bawat dagdag ng talulot itoy unti unti nabubuo
Hanggang naging isang bulaklak na umantig sa aking puso


Mula nung puso koy nayurak sa kweba akoy nanirahan
Sa pagdating nya ang araw nais kong muling masilayan
Sa aking dibdib ang pighati binalot ng bato
Dahil sa kanya ang mabigat na bato muling naging puso


Simoy ng hangin tumatamis at sinag ng araw damang dama
Wala na akong ninanais kundi ang pasayahin sya
Ako na ata ang pinaka maswerte at pinagpala
Dahil sa bulaklak na ito, na pangalan ay....


Tulala si Joanna at may namuong mga luha sa kanyang mga mata, gusto niya magkomento sa tula ngunit tila nanigas ang mga daliri niya at blanko ang pag iisip. Kinse minutos ang lumipas at para siyang estatwa na nakatitig lang sa screen, at sa buong sandaling yon di natanggal ang ngiti sa mukha niya. “Hanna…pwede din palitan ng Joanna…Pao Joanna real name ko…if you only know…still it rhymes” bulong niya sa sarili niya at nakapagtype na din sa keyboard.

Bettyfly: Pao…

Tinitron: Yes?

Bettyfly: Di ko maexplain itong nararamdaman ko. Grabe fifteen minutes akong tulala at di ko alam sasabihin ko. Grabe ang saya ko sobra kung alam mo lang

Tinitron: Hahaha. Well that is how I really feel. Di ko man masabi ng diretso ayan dinaan ko sa tula

Bettyfly: Grabe thank you. Blanko pa isip ko but sobrang happy ako talaga

Tinitron: Bwahahaha yan ang Freeze jutsu ko hahaha now you know

Bettyfly: Pao…

Tinitron: uy bumawi o

Bettyfly: Hahaha sira, pero salamat talaga

Tinitron: Taos puso yan.

Bettyfly: Ramdam ko talaga


Kinabukas ay may pasok na, lunch break nina Joanna at tumambay sila after lunch. Magkausap sila sa phone at medyo lumayo si Joanna sa mga kaibigan niya. “May ipapadala ako sa iyo sa text, isang poem ulet” sabi ni Marco. “Bakit di mo nalang basahin kasi?” tanong ni Joanna. “Ha? Eh..basta itext ko nalang” sabi ni Marco. “Sus arte o basahin mo nalang ano ba kasi yan?” hirit ni Joanna. “Its Five not four” sabi ni Marco. “O sinabi mo na yan dati ah, pati kahapon. Ano ba yan?” tanong ng dalaga. “Poem nga” sabi ni Marco. “Dali basahin mo, now na!” banat ni Joanna.

Huminga ng malalim si Marco at binasa ang tula na nakalagay sa notebook niya, “Teka, okay game, Its FIVE not FOUR by siyempre me hahaha, okay game game” sabi ni Marco. “Su sang tagal o game na dali” sabi ni Joanna. Muling huminga ng malalim si Marco at sinimulan basahin ang tula.

Its Five, not Four

Ive been confused and it has been bothering me

About a single word, L-O-V-E

I know its four letters like everyone spells it

But with these 4 letters i just cant feel it

Then one day it just hit my head

Im letting my heart spell it instead

To my surprise its five, not four

The letters of the name to the one i adore

And now i know love should be spelled this way

its, H-A-N-N-A


Biglang pinatay ni Joanna ang phone niya at nagsisigaw, ang daming taong napatingin sa kanya pero lumapit siya kay Jane at niyakap ito at nanggigil. “Hoy loka loka para kang baliw!” sabi ng kaibigan niya. Sobrang kinikilig si Joanna at di talaga siya mapakali. Pati si Jamie at nayakap niya at sigaw ng sigaw. Tumunog ang phone ni Joanna at inagaw ito ni Jane. “Hi, eto send ko sa iyo para may copy ka ng poem” basang malakas ni Jane at nagulat si Joanna at pilit inaagaw ang phone niya.

Naghabulan ang dalawa pero nanaig si Jane at sinimulan niya binasa ang tula at muling kinilig si Joanna. “And now I know love should be spelled this way, its Hanna” bigkas ni Jane sa huling linya. “Sira! Pronounce mo one letter each, H-A-N-N-A no para mag rhyme” sabi ni Joanna at sobra ang ngiti niya. “Wow ha, galing niya gumawa ng poem” sabi ni Jane.

“Pero Joanna ka naman so dapat J-O-A-N-N-A, ay pwede nagrhyme parin siya” sabi ni Jane. “Oo nga, kaya ang galing nga e, pero dapat six, not four” sabi ni Joanna at biglang nagring ang phone niya kaya agad siya lumayo sa mga kaibigan niya.

“Hello natanggap mo?” tanong ni Marco. “Oo pero inagaw ng friend ko at binasa niya hahaha. Uy…Pao…” sabi ni Jane at natahimik nanaman si Marco. “Ano yon?” tanong ng binata. “Six dapat” sabi ni Joanna at nagulat si Marco. “Yung real name mo? Hala, wait does it still rhyme ba? Pano na yung kahapon?” tanong ng binata. “No its okay, as in ang galing nga e, it rhymes parin” sabi ng dalaga. “Wow, hanep, nice to know so ipalit mo nalang real name mo sa mga poems ha” sabi ni Marco. “Oo I already did, grabe thanks ha. Pao…” sabi ni Joanna. “Hahaha nakatikim ka nanaman ng power ko” sabi ni Marco. “Salty Bulations jutsu?” sabi ni Joanna at natawa ang binata.
“So its six, not four…kahit na ikaw parin nasa isip ko habang ginagawa ko mga yan. Baguhin mo man name mo, gumamit ka man ng alyas, para sa iyo parin yan at alam mo yon”

“Six, not four”

(Break muna ako para bigyan time yung mga magpapaprint hahahaha. Talaga nagtataka ako pano niyo naiintindihan ang kwento e yung hiling ko na dito sa blog basahin di niyo magets. Pano niyo nagagawa yon? Selective understanding? Or itim na budhi talaga? Hahahaha. At para sa mga atat matuto naman kayo mag antay, mahirap magsulat lalo na pag libre. Sige bayaran niyo ako at kahit three chapters a day gawin ko hohohoh. Ingat kayo lahat and happy reading)