sk6

Friday, September 4, 2009

Bertwal Chapter 11: I-Power

Bertwal

by Paul Diaz



Chapter 11: I-Power

Lunes ng umaga sa klase napatingin si Jane kay Joanna at nakatanga lang siya. “Hoy, bakit di ka nagsasagot?” bulong ni Jane. Tinignan siya ni Joanna at nginitian, “tapos ko na quiz” sabi niya. “Ha? Lahat nasagot mo?” tanong ni Jane. Pinakita saglit ni Joanna ang papel niya sabay tumingin sa labas ng binata at naglakbay muli ang pag iisip niya. “Psst…pakoypa nga” bulong ni Jane ngunit tila bingi ang kaibigan niya at talagang malayo ang iniisip.

Pagkatapos ng subject may vacant time sila, nagpasya si Joanna magpunta sa computer shop pero ayaw sumama ni Jane. “Samahan mo lang ako saglit” sabi ni Joanna. “Di ko pa tapos ang assignments, ikaw tapos mo na ba?” tanong ni Jane. Nilabas ni Joanna ang assignment niya at binigay sa kaibigan. “Ano?! Tapos mo narin?” tanong ni Jane. “Oo bakit?” sagot ni Joanna. “Joanna! Sis?! Ikaw ba yan?” banat ni Jane at tumawa lang si Joanna. “Yes sis this is still me, sige check lang ako e-mail saglit tapos balik ako” sabi ni Joanna. “E-mail o chat with Papa Pao?” sabi ni Jane at tawa ng tawa si Joanna na naglakad palayo.

Sa labas ng campus nagmamadali si Marco na magpaluto ng Shawarma, “Pare ano ba problema at nagmamadali ka?” tanong ni Richard. “Pare I have to check my e-mail” sabi ni Marco. “E-mail mo mukha mo! Style mo pare, ano ba pare nangyayari sa iyo?” tanong ni Angelo. “Bakit may nangyayari ba sa akin?” sagot ni Marco.

“Oh come on pare, I remember ganyan ka din nung nililigawan mo at naging kayo ni Dana e” sabi ni Richard at natawa si Marco. “Siguro nga ganon nangyayari pare” sabi niya. “Delikado yan pare, virtual lang yang babaeng yan, what if nagkita na kayo do you think ganyan parin mararamdaman mo?” tanong ni Angelo. “Anong ibig mo sabihin pare?” tanong ni Marco at medyo nagbago itsura niya.

“Sinasabi ko lang pare, oo feeling mo okay kasi di mo nakikita, virtually good but sa reality? Pareho kaya?” banat ni Angelo. “Virtual siguro for now pero the feeling is real and you wont understand the feeling unless ikaw ay ako, pero hindi so shut up ka nalang ano?” sabi ni Marco at medyo natakot ang mga kaibigan niya. “Hey pare concerned lang kami sa iyo, look ayan paparating si Joanna o, she is real, yung kachat mo virtual. Pansin ko lagi mo tinitignan ng pasimple si Joanna, why not siya nalang ligawan mo at least she is real diba? Kesa nag waste ka ng time diyan sa bertwal mong lovey doves” paliwanag ni Richard.

“Pag naligawan mo si Joanna you can hold her hand, you can do many things. E yang kachat mo? Ano virtual date? Virtual hold hands? Sus kuntento ka don pare?” hirit ni Angelo at tahimik lang si Marco. Lumapit si Joanna sa tatlo at saktong natapos na ang order nilang shawarma. “Hi” bati ni Joanna. “Uy gusto mo shawarma treat ni Marco kasi happy siya daw” banat ni Angelo. “Ows? Sige nga” sabi ng dalaga.

Inabot ng tindera ang apat na shawarma at nagulat si Joanna. “Wow, parang napredict niyo ang pagdating ko ha” sabi niya. “Ay hindi tig isa kami lang ni Angelo at dalawa diyan sa matakaw na yan” sabi ni Richard. Kinuha ni Marco ang apat na shawarma at binigyan si Joanna ng isa, “Sige punta na ako shop” sabi ng binata at napakamot ang mga kaibigan niya.

“Pare, yung amin? Sabi mo treat mo kami diba?” sabi ni Angelo. “Sabi ko treat ko kayo, bertwal yon. Pero hindi, so real yon. Bili kayo kung gusto niyo, or mag imagine nalang kayo ng imaginary shawarma niyo” sabi ni Marco at tumalikod siya. “Matakaw din ako” biglang sabi ni Joanna at napatingin sa kanya saglit si Marco. Inabutan nya ulit ng isang shawarma ang dalaga at naglakad siya papunta sa shop. “Wait, sama ko mag internet din ako” sabi ni Joanna at naiwan yung dalawang binata na napakamot nalang. “Ikaw kasi e” sabi ni Richard. “Tsk, well pare at least good start yon para sa kanila diba?” sabi ni Angelo at nagtawanan yung dalawa.

Sa isang computer shop pumasok ang dalawa at magkatabi pa sila ng terminal. Parang robot ang dalawa at ang bilis nila nabuksan ang browser nila sa parehong web page. Kumagat si Marco ng shawarma, “Ano tinitignan mo diyan ha?” tanong ng dalaga sabay silip sa screen ni Marco. Biglang namatay ang lahat ng computer at dumilim sa loob ng shop, madaming nagsigawan na manlalaro pagkat nagkaroon ng black out. “Shet! Malas talaga” sabi ni Marco.

Nainis si Joanna at biglang tumayo, “Ano dito ka pa ba?” tanong niya kay Marco na busy kumakain ng shawarma. “Makaalis na nga dito, eesh baka di naman sila nagbayad ng kuryente” bulong niyang mabilis at biglang napatigil si Marco at parang narinig na niya ang linyang yon noon. “Sige” sabi ni Joanna at umalis na siya pero si Marco tuloy ang kain lang niya.

Sa loob ng campus nagpapanic si Joanna habang kumakain ng shawarma. “Shet nawawala phone ko. Hala! Badtrip naman o, di ko na siya matetext e” sabi ng dalaga at si Jamie at Jane pinapakalma siya. “Ano ba talaga? E bakit kain ka paring ng kain?” tanong ni Jane at natawa yung dalawa. “E masarap e, uy pano na yan? Pahiram nga ng phone o at itetext ko si Pao, sasabihin ko nawawala phone ko” sabi ni Joanna at napakagat ulit siya sa shawarma. Yung dalawa di nila alam kung magpapanic din o matatawa sa inaasta ng kaibigan nila.

“Uy tutulungan niyo ba ako o hindi? Bakit niyo ako tinatawanan tignan niyo nagnervous breakdown na ako o” sabi ni Joanna at ang tindi ng tawa ng mga kaibigan niya pagkat kagat parin ng kagat ang dalaga sa pagkain niya. Napakalungkot ni Joanna at parang iiyak na siya pero tuloy naman ang pagkain niya kaya ang dalawang kaibigan niya pasimple nalang na tumatawa at nagpapakita ng concern.

Ilang sandali nakita nila papalapit si Marco at kumakagat din ng shawarma. Nilapitan ng binata si Joanna sabay inabot ng phone niya. “Careless” bulong niya sabay umalis agad kung saan natulala ang tatlo. Niyakap ni Joanna ang phone niya at bigla nalang sumabog sa saya. “Yes!!! Hahahaha shet akala ko di ko na siya matetext, teka teka itext ko siya” sabi ni Joanna. “Teka, pano napunta sa kanya yan? At pareho pa kayo kinakain?” sabi ni Jane.

“Oo nga no, magkasama kayo kanina?” tanong ni Jamie. “Yup” sagot lang ni Joanna at busy sa pagkain at pagtext. “Hoy babaita, magkasama kayo ni Marco?” tanong ni Jane. “Oo nga, bingi ba kayo?” sagot ni Joanna at pangiti ngiti siyang nagtetext. “Hala sis that is good news! Kwento ka naman” sabi ni Jane at nakitabi siya kay Joanna. “Anong ikwekwento ko?” tanong niya. “Aysus ito o, sige na, magkasama kayo kanina and then?” banat ni Jamie na naupo sa kabila para pag gitnaan si Joanna.

“Nakita ko sila sa labas, binigay niya tong shawarma sa akin, tapos pumunta kami sa computer shop pero nawalan ng ilaw, o that’s it” sabi ni Joanna. “Yun lang? E bakit ka niya binigyan ng shawarma?” tanong ni Jane. “E malay ko ba? Pagkain e di ko tatanggihan no” sagot ng dalaga at di parin kuntento ang dalawang kaibigan niya. “Sis sige na, tell the truth” landi ni Jane. “Ano bang truth ang pinapalabas niyo kasi? Oh so binigyan niya ako ng shawarma, tapos nagkataon na magkasama kami sa shop. Bakit niyo ba binibigyan kulay yon?” pagalit na tanong ni Joanna.

“Wala bang sparks sis?” tanong ni Jamie. “Whats your point?” tanong ni Joanna at ang taas na ng kilay niya. “Sis concerned lang kami sa iyo kasi yang katext mo e masyado ka nang attached. Eh diba nga may limit kayo? Marco is real” sabi ni Jane. “Pati naman si Pao totoo ha” reklamo ni Joanna. “Oo nga pero diba you have not seen him yet” sabi ni Jamie. “So what? At least I know he is a really good guy, ano ba problema niyo?” tanong ni Joanna.

“Sis relax lang no, ayaw ka namin makitang masaktan ulit. Oo right now okay kayo niyang kausap mo pero what if magkita na kayo? Sa tingin mo ba yang ugali niya pareho parin?” tanong ni Jane. “Jamie, kayo ba ni Rich, does he inspire you? I mean may mga things ka bang nagagawa ng mas maayos dahil sa kanya?” tanong ni Joanna. Napaisip si Jamie at huminga ng malalim. “I don’t know, not sure” sabi ni Jamie.

“Well Pao inspires me so much to do many things. I was like this with Ferdy but this time I am more inspired with Paolo. Kung di niyo maintindihan tong nararamdaman ko then go find a person that will inspire you too! Oo di ako bulag at alam ko bakit niyo gusto si Marco for me, my eyes can see clearly what he looks like. Si Paolo kahit di ko siya nakikita gamit mata ko, puso ko nakakakita sa kanya! At di ko ineexpect na maintindihan niyo yon kasi my heart isn’t attached to your bodies!” sigaw ni Joanna sabay nag walk out sa mga kaibigan niya.

Pagkatapos ng dinner naupo si Joanna sa sofa at nagsimula magtext. Mainit ang ulo niya sa mga kaibigan niya pero nang nagsimula siya magtype napapangiti na siya.

Hanna: Ei. Musta?

Paolo: Hi! Busog!!!

Hanna: Same here! Chicken Curry!

Paolo: Bwahahaha Bicol Express!!

Hanna: Not affected!

Paolo: Yes you are!

Hanna: I hate you!

Paolo: No you don’t!

Hanna: Hahahaha what do you mean?

Paolo: Ha? I hate you not! Ala tita kris pagbigas

Hanna: Hahahaha loka!

Paolo: How was your day?

Hanna: Had two quizzes and I aced them

Paolo: Wow! Henyo!

Hanna: Di rin. Inspired lang

Paolo: Naks, i-power!

Hanna: I-power?

Paolo: Hahaha i-power as in inspirational power. Uy sino siya?

Hanna: Hahahaha oo nga. Sino pa nga ba kundi Jikaw!

Paolo: Jako? Hahaha same here

Hanna: Anong same here?

Paolo: Well I hate history at ewan ko ba hahaha bigla ko nalang gusto siya

Hanna: Hahahaha sira ano naman kinalaman ko don?

Paolo: Bakit sinabi ko bang ikaw?

Hanna: Ay, sorry naman

Paolo: Hahahaha joke! Siyempre Jikaw no! Sino pa nga ba?

Hanna: Hahaha Jako? Loka napatawa mo ako ng bonggang bongga!

Paolo: I-power! Galing no?

Hanna: Okay na sana tong araw na to e but my friends had to ruin it
Paolo: O why?

Hanna: Hay, they don’t understand e

Paolo: Ah I get it. About us right? Ganun din friends ko kanina

Hanna: Nakakainis sila e. Nakikialam

Paolo: Hey, its okay. Don’t worry about it.

Hanna: Talagang pinag init nila ulo ko grabe.

Paolo:Siguro inaway mo sila no?

Hanna: Syempre! Ipagtatanggol kita no!

Paolo: Wow, thanks. Ganun din friends ko. I did get mad at them but concerned lang
sila. So before I went home I talked to them and said sorry

Hanna: Ha? Sorry about us?

Paolo: No. Sorry for getting mad at them. Alam mo they don’t understand so I forgave them nalang. Ayaw ko naman masira friendship namin so I talked to them and told them that give me the chance to prove them wrong. And ayun okay na

Hanna: Spitzless. Pero bakit ikaw pa nagsorry?

Paolo: Para matapos na. Oo I was hurt but if I don’t reach out edi wala. So even ako yung sinaktan na nila extend ko nalang hand ko para ayos. But take note I told them I was going to prove them wrong.

Hanna: Sige ako din. We will prove them wrong!

Paolo: Ramdam kita! Lalaban tayo!

Hanna: Hahahaha baliw!

Paolo: Ei, alam mo ba parang narinig ko boses mo kanina. Hahaha funny nga e I thought you sounded like my friend

Hanna: Asus! Nagpapalusot ka nanaman, if you want to call me just say so. Dinadaan
pa sa parang narinig ko boses mo o hahaha

Paolo: totoo nga kasi ahahah. No joke

Hanna: Oo na oo na sige na tawagan mo na ako. Gusto mo ako pa mag alok e

Paolo: Hahaha di naman, eto na eto na tatawag na po

Wala pang sampung segundo nasagot agad ni Joanna ang phone, “Wow nagring ba?” tanong ni Marco. “Hahaha e sorry naman atat e” sabi ni Joanna at natawa si Marco. “Pero totoo yung sinabi ko talaga, parang kaboses mo talaga” sabi ni Marco. “Oo na oo na, sige na pati boses ko nag hahallucinate ka. Namiss mo lang ako e” banat ni Joanna.

“Oo nga e” bulong ni Marco at biglang kinilig si Joanna at napatayo. “Ano sabi mo?” tanong ni Joanna. “Ha? Eh..ano?” banat ni Marco. “Hahaha ulitin mo sinabi mo” utos ni Joanna. “Hahaha oo na namiss kita” sabi ni Marco at tumawa si Joanna. “Alam ko narinig ko naman gusto ko lang ipaulit e” sabi niya at tawa ng tawa ang dalawa.

“Pero alam mo galit parin ako sa friends ko” sabi bigla ni Joanna. “Hay, so ano gusto mo pabilisin natin pag giba sa wall?” tanong ni Marco. “No” sabi ni Joanna. “If you want then we can naman e, pero isn’t it better if we take it slow, you know get to know each other better kahit ganito situation. Or ikaw ano gusto mo, baka mabigla ka din kasi at di mo magustuhan makita mo pag nagkita tayo e” sabi ni Marco.

“Hoy! Di ako ganon! Di ako judgemental like my friends” sagot ni Joanna. “Yeah I can tell naman at ganon din ako. So don’t be bothered by them, lets do it our way diba?” sabi ni Marco at huminga ng malalim si Joanna. “Hey cheer up” sabi ng binata. “Yeah pero sorry ha, medyo di maganda kasi dating ng mga sinabi nila” sagot ni Joanna.

“Hey, do you have a garden?” tanong bigla ni Marco. “Hmmm maliit lang why?” sagot ng dalaga. “Kami din, eto tara, go to the garden at ako din” sabi ni Marco. “Okay papunta na ako, pero bakit pa?” tanong ng dalaga at nagtungo siya sa likod ng bahay. “Basta tell me pag nandon ka na ha” sabi ng binata.

Nakalabas si Marco sa hardin nila at nagtungo sa gitna sabay napatingin sa langit. “Okay nandito na ako sa labas” sabi ni Joanna. “Okay good, look up sa sky, kita mo ang moon?” tanong ng binata. “Yeah, half moon” sabi ni Joanna.

“Ayun, listen. Alam ko what we have is quite not ordinary but I want you to know na ang inuugali ko sa iyo yun ang tunay na ako” sabi ni Marco at napangiti si Joanna. “Ako din naman, this is me, the real me” sagot niya. “Good, kahit di pa tayo nagkikita, kahit di tayo magkasama…ikaw nandyan…ako nandito…but look we are both staring at the same moon. At this moment we are doing the same thing, at this moment parang magkasama tayo kahit magkahiwalay” sabi ng binata at halos naluluha luha na si Joanna.

“I do wish to meet you, one day I know we will. Alam ko isang araw magkikita tayo at magsasama tayo..magkatabi na tinitignan ang buwan at bituin. Tiisin mo konti at magpapakamakata ako ha” sabi ni Marco at sabay sila natawa. “Okay nga e…Pao I wish you were here holding my hand right now” sabi ni Joanna at si Marco naman ang medyo napaluha.

“OO nga e. Pero Hanna or whatever your real name is, you and me, will stare at this same moon not apart but together. For now lets take it slow and I want you to know kahit na ganito kagabal ang pag giba natin sa hadlang masayang masaya ako” sabi ni Marco. “Ako din, Pao…” sagot ni Joanna. “Ano yon?” tanong ng binata.

“Lets take a walk…hold my hand” sabi ni Joanna. “Okay, lets take a walk…I am holding your hand” sabi ng binata at naglakad lakad sila sa kanya kanyang hardin. Bigla sila natawa ng sabay pero patuloy lang ang kanilang paglalakad. “Oy left hand ko ang free” sabi ni Joanna. “Ay! Left din ako, teka shift ko lang hahaha sorry” sabi ni Marco at tawa sila ng tawa. “O ano magkatabi na ba tayo?” tanong ni Joanna. “Oo tama na siya” sabi ng binata. “Para ba tayong baliw?” tanong ni Joanna. “Siguro pero kahit tawagin tayong baliw, patawarin sila for they don’t understand, right?” sagot ni Marco. “Yeah” sabi ni Joanna.

“One day this will be real, we will prove them wrong”


(kung sinabi na wag iprint, wag iprint. One word is enough for the ones with brains. For those without...buti naintindihan niyo pa ang kwento)