Bertwal
by Paul Diaz
by Paul Diaz
Chapter 15: Gibwi
Kinabukasan ay di mapakali si Marco, hindi siya kumain ng almusal at halos isang buong araw nang hindi tumutunog ang cellphone niya. Nagcheck siya online at nakita niya kahapon pa ang last na log in ni Hanna kaya sobra na siyang nag aalala. Hinawakan niya ang phone niya at gusto na magpadala ng text pero nagdalawang isip siya at naglakad lakad nalang sa labas ng bahay nila.
Di niya natiis at nagpadala siya ng isang text message kay Hanna saka bumalik sa bahay nila at nagkulong sa kwarto. Ala una ng hapon may natanggap siyang text mula kay Hanna at nanliwanag na muli ang kanyang mukha.
Hanna: Hi. Just Woke up. Musta?
Paolo: Ok lang. Wow just woke up?
Hanna: Yup, 3am na ako nakauwi e
Paolo: Wow super gimik ata yan ah
Hanna: Di naman I just had fun with friends
Paolo: Ah ok. Have you eaten?
Hanna: Just woke up nga diba?
Paolo: Ay sorry. Sige kain ka na muna
Hanna: Sige
Ang ngiti sa mukha ni Marco biglang nawala, kakaiba ang nararamdaman niya at bigla nalang siyang kinakabahan. Si Joanna bumangon na at nagtungo sa kusina, kakain na sana siya ngunit nagring ang telephone nila. Agad niya sinagot ang phone at si Jane ang nasa kabilang linya.
“Uy kagigising ko lang” sabi ni Joanna. “Uy, ikaw ha. Dali kwento na ano nangyari sa inyo ni Anthony. Uy memories” sabi ni Jane at natawa si Joanna at medyo kinikilig. “Ay grabe talaga sobra yung kahapon parang dream e, yung pagpasok ni Jamie after opening the door, with that super smile tapos si Anthony sa likod niya ay grabe parang lumukso puso ko sis” kwento ni Joanna at kinilig naman si Jane.
“E first love mo siya, at pangit naman yung pagkahiwalay niyo kasi dati e” sabi ni Jane. “Oy di naging kami ha. Yeah naging super close kami, at hello kung not for him e di ko na sana kayo nakilala no? Bruha naman na Jamie di man lang sinabi na dadating pinsan niya, ay grabe sis di ko alam” sabi ni Joanna. “Uy, uy, e kung di sila lumipat ng lugar? Ano sa tingin mo naging kayo kaya?” tanong ni Jane. “Malamang!” sagot ni Joanna at sabay sila tumawa.
“Dali na kwento ka na, wag madaya” sabi ni Jane at nahiga si Joanna sa sofa at ngumiti. “Wala naman kaya, we just talked, nagkwento siya about stuff at ako din. Nakwento ko what happened to me at he comforted me, talk talk talk” sabi ni Joanna. “Talk up to alas tres ganon? Aysus so ano nagspark ulet ba?” hirit ni Jane at tumawa si Joanna. “Di ko alam sis, sa totoo nakalimutan ko na siya e, pero nung nakita ko siya parang biglang bumalik lahat ng feelings e, pero wala” sabi ni Joanna.
“Whats holding you back? Si Marco? O don’t tell me si Paolo nanaman” sabi ni Jane. “Uy tawag ka nalang mamaya di pa ako kumain at gutom na ako ha” sagot ni Joanna. “O sige sige tawagan ko muna insan mo” biro ni Jane at tawa sila ng tawa. Pagkababa ng phone agad kumain si Joanna at talagang magulo ang isipan niya.
Pagkatapos maligo ni Joanna nagkulong siya sa kwarto niya at agad tinext si Paolo.
Hanna: Wassup?
Paolo: Uy, eto nakahiga lang
Hanna: Same but nagpapatuyo ng buhok
Paolo: Baka kulang tulog mo
Hanna: Nah, ano kumusta ka?
Paolo: Ok lang nga. E ikaw?
Hanna: Ok lang din
Paolo: Sige text mo nalang ako pag nasa mood ka na
Hanna: Anong pinagsasabi mo?
Paolo: Kahit di mo sabihin ramdam sa pagtext mo.
Hanna: May problema ba Pao?
Paolo: Wala, ikaw meron?
Hanna: Bakit ganyan ka?
Paolo: Ako? Ikaw kaya. Basahin mo nga mga text mo. Ganyan ka ba dati magtext?
Hanna: Sorry, baka puyat pa
Paolo: O baka kulang pa yang gimik mo at gusto mo pa
Hanna: Ano ba problema mo?
Paolo: Wala Hanna, pero ikaw meron ata
Hanna: Tawag ka nga
Huminga ng malalim si Marco at tinawagan si Joanna, “Hello” sabi niya. “O Hello, ano problema?” tanong ng dalaga. “Wala ako problema, ikaw meron ba?” tanong ni Marco at naiilang bigla sumagot si Joanna. “Wait, nagtatampo ka ba at di kita natext kahapon?” tanong ng dalaga. “Hindi naman, kasi I knew you were with your friends at ayaw ko naman maging epal no. And you said you were having fun diba?” banat ni Marco at nakakaramdam na ng guilt si Joanna.
“Bakit pag sinasabi mo yang parang may ibig kang ipahiwatig?” tanong ni Joanna. “Ha? Wala naman inuulit ko lang text mo, bakit defensive ka masyado?” bawi ni Marco. Naupo sa kama si Joanna at nagsimangot, “Are you jealous?” tanong niya bigla at natawa ang binata. “Jealous? Saan? Jealous because you had fun? Di ah, or jealous meaning someone to be jealous of? Ewan ko meron nga ba?” sabi ni Marco at halos di na makapagsalita si Joanna.
“Okay, I admit I am attracted to a guy, friend siya ng boyfriend ng friend ko. Alam mo yon parang crush lang pero hanggang don lang. You don’t have to worry kasi di naman niya ako nililigawan e. Normal lang naman ang ganon diba?” kwento ni Joanna at natawa si Marco. “Oo naman, ako din naman I do have crushes pero hanggang don lang naman. Pero yung mga kinokonek mo sa chat wala talaga honest” sabi ni Marco.
“Hmmm…so okay na?” tanong ni Joanna. “Wala naman talaga problema e, I just felt you had something in your chest na di mo masabi at ayan nasabi mo na so okay lang ako, ikaw?” sabi ni Marco. “Yeah I am okay, natatakot lang ako sabihin baka magalit ka e. At we had fun as a group naman no, baka iba iniisip mo or baka iba isipin mo pag sinabi ko” sabi ng dalaga at natawa si Marco. “Di ako ganon no, at least you had fun diba? Matagal mo narin di nagagawa yan with your friends” sabi ng binata.
Nakapag usap ang dalawa hanggang alas siyete ng gabi, kinailangan na ibaba ang mga phone pagkat kakain na sila ng dinner. Kahit na ganon di parin mapakali si Marco, halos di siya nakakain ng hapunan at napansin ng kapatid niya yon. “LQ ba kuya?” tanong ni Lianne. “Ah hindi naman, wala lang ako gana kumain” sabi ni Marco. “Buong umaga di ka nagtetext, himala yon, nag aaway ba kayo kuya?” kulit ni Lianne at natawa na si Marco. “Ate, nag usap kaya kami kanina lang” sabi ng binata. “Nag usap pero bakit ka ganyan? Pag nag uusap kayo masaya ka, bakit now hindi?” banat ni Lianne at napabuntong hininga nalang si Marco. “Wala to, sige na kumain ka nalang diyan” sabi niya.
Si Joanna konti lang nakain at agad nagkulong sa kwarto niya. Hindi siya mapakali at lakad ng lakad sa kwarto. Lumipas ang sampung minuto ay kinuha niya phone niya at nagtext at agad nahiga sa kama niya. Ilang sandali pa nagring na phone niya, huminga siya ng malalim at agad ito sinagot.
“Hi” sabi ni Joanna. “Wow, hi na ngayon di na hello” biro ni Marco. “Ah oo para naman maiba diba?” sabi ng dalaga. “Oo nga tulad ng araw na to kakaiba talaga” sabi ng binata at lalong sumama ang loob ng dalaga. “Busog ka? Kumusta ang clan members natin sa tyan mo?” tanong ni Marco at natawa konti ang dalaga. “Eto nagwewelga sila di kasi ako nakakain masyado” sabi ni Joanna.
“Ay nacheck mo na Mafia mo?” tanong ni Marco. “Ay di pa, di ako nag log in today e sorry” sabi ng dalaga. “Ah okay, dibale it can wait naman” sabi ng binata. “Inaantok ka na ata e” sabi ni Marco at huminga ng malalim si Joanna. “Hindi ah, nakaupo lang nga ako e, ikaw ano ginagawa mo?” tanong niya. “Wala naman mag online sana pero wala ka so eto kausap ka” sabi ng binata. “Ah tinatamad ako mag on ng PC e, hay pasukan nanaman bukas” sabi ng dalaga.
“Sinabi mo, buti di ka natatakot umuwi ng madaling araw” sabi ni Marco. “Di naman hinatid naman niya ako e” sabi ni Joanna at bigla siya natauhan pagkat nadulas ang dila niya. Tahimik si Marco at di maipinta ang mukha ni Joanna sa pagsisisi. “Ei, yesterday, I have to tell you now” sabi ni Joanna. “Ano yon?” sabi ni Marco.
“Kahapon, the cousin of my friend arrived” sabi ng dalaga. “Oh so what about the cousin?” tanong ni Marco. “First love ko siya” sabi ni Joanna at tahimik lang si Marco. “Hello?” sabi ng dalaga. “Oh sige nakikinig ako” sabi ni Marco. “First love pero hindi naging kami, they had to go away kasi so wala nangyari. Through him nakilala ko nga friends ko now. I really didn’t know dadating siya kahapon at nagulat ako” sabi ng dalaga.
“So he is the guy that you like?” tanong ni Marco. “Hindi iba siya” sabi ni Joanna. “So dalawa sila?” tanong ni Marco. “Oo magkaiba sila” sagot ng dalaga. “So yung first love mo naghatid sa iyo ng three in the morning?” tanong ng binata. “Yeah, he was just being a gentleman” sagot ni Joanna. “Ah okay” sabi ni Marco. “Uy, galit ka?” tanong ni Joanna. “Bakit ako magagalit?” tanong ni Marco. “Kasi you sound different e” sabi ng dalaga at tahimik lang si Marco.
“Oo I admit nagulat ako nung dumating siya. I forgot about him already sa tagal ng panahon pero I also admit na parang bumalik ang mga old feelings lalo na nung nag usap kami” kwento ni Joanna. “Hanggang three in the morning” banat ni Marco at di nakasagot si Joanna. “Hey don’t worry I know where I stand” sabi bigla ni Marco at nagulat ang dalaga.
“Ha? Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Joanna. “Ramdam ko kanina pang umaga na iba aura mo. Parang you have something deep inside that you want out. First love mo siya, pero naudlot nga ibigan niyo but sabi mo all the old feelings came back yesterday. I know where I stand, ayaw ko naman masira yung nasimulan niyo na noon at nanumbalik kahapon. So para di ka na mahirapan I will give way” sabi ni Marco.
Pinalo ni Joanna ang ulo niya at namuo na ang mga luha sa mga mata niya, “Pao, wait” sabi ng dalaga. “Hindi Hanna, kanina ko pa nararamdaman, you kept on pushing me away since this morning. Nung hapon you pushed me back again, then now again. Naiintindihan kita, magulo isip mo. At least that guy kilala mo na and you had started something before already. May feelings na nabuo na at nagspark ulit kahapon. So I understand don’t worry”
“Pero wag mo iisipin na di kita mahal. I love you but ayaw ko nakikita kang nahihirapan na ganyan. To make your decision easier bibitaw nalang ako at mag give way. Ayan to make your decision easier. Para di masama sa loob mo kasalanan ko nalang, ako nalang bibitaw” sabi ni Marco at di makapagsalita si Joanna pagkat tuloy tuloy na ang pagtulo ng luha sa mukha niya.
Pinatay ni Marco ang telepono niya at nahiga sa kama at pinipigilan ang mga luha na tumulo sa mukha niya. Kahit anong paikot ikot niya sa kama ng gabing yon di matanggal ang sakit sa puso na nararamdaman niya.
Kinabukasan di natiis ni Marco magpadala ng text kay Joanna, “Good Morning” lang nakasulat. Si Joanna papasok na sa University at may lungkot sa kanyang mukha. “Good Morning” din bawi niya sabay tinago na ang telepono niya. Buong araw wala sa mood ang dalawa sa klase nila. Sina Jane at Jamie nag aalala para sa kaibigan nila samantalang sina Angelo at Richard di man lang nasilayan ang anino ng kaibigan nila tuwing break time.
Maaga umuwi si Joanna pagkat masama talaga ang loob niya. Sa kwarto niya nagkulong siya at sa computer humarap. Nakita niya online si Tinitron pero di niya magawang kausapin ito. Si Marco naman nakita din online si Bettyfly at kahit ayaw niya pansinin sana di niya ito matiis.
Tinitron: Hi
Bettyfly: Hi
Tinitron: Musta?
Bettyfly: Ano sa tingin mo?
Tinitron: Diba mas madali pag decision mo sa ginawa ko?
Bettyfly: Hindi
Tinitron: Mas maganda nang ganon, isipin mo nalang ako may sala
Bettyfly: Tawagan mo ako now
Tinitron: Okay wait
Masama parin ang loob ni Marco ngunit agad niya tinawagan si Joanna. “Hello” sabi ng binata. “Wait, shutdown PC” sabi ng dalaga kaya pati si Marco pinatay ang computer niya. Pagkatapos ng ilang sandali nahiga si Joanna sa kama niya at humingang malalim. “Hello” sabi niya. “Namiss kita ah” sabi ni Marco. “Namiss din naman kita” sagot ng dalaga. “Di ka na nagtetext, sana man lang kahit ganito sana tulad ng dati” sabi ng binata.
“Ang bilis mo bumitaw” sabi ni Joanna at napasimangot si Marco at nahiga sa kama niya. “E kasi naman nahihirapan ka e, ayaw ko ng ganon ka so para mas madali nag give way ako nalang pero it does not mean di kita mahal. Ayaw lang kita pahirapan” paliwanag ni Marco at nainis si Joanna.
“Oo we talked, oo up to three in the morning pero gusto mo malaman ano pinag usapan namin?” tanong ni Joanna. “You don’t have to tell me” sabi ni Marco. “I told him I was in love with you, oo ikaw pinag usapan namin. I told him about us. Oo may old feelings pero agad ko tinimbang mga feelings ko for him and you. The more we talked about you the more I missed you at nawawala ulit feelings ko for him. Mas matimbang ka, I was doubting my choice yesterday, gusto ko sabihin sana sa iyo pero inunahan mo na ako bumitaw ka agad” kwento ni Joanna.
“Ha? Oh my I am sorry kasi feeling ko hirap ka magdecide at parang tuliro ka e” sabi ni Marco. “Oo I was and I am sorry, kasi naman minsan nararamdaman ko parin na hanging ako sa ere sa iyo, pero mahal kita. I was thinking of my choice, kung tama ba ako o mali. Alam ko tama, pero yun nga minsan naiiwan ako sa ere, sasabihin ko sana talaga sa iyo pero bumitaw ka e. Pero okay na, naintindihan kita, and I appreciate what you did pero wag kang bibitaw Pao…”
“I chose you”